Nagmamadaling itinigil ni Maureen ang kanyang pagpipinta, ng sabihin sa kanya ni aling Layda na dumating na ang kanyang asawang si Zeus. Agad niyang hinawi ang kurtina na nakatabing sa bintana kung saan tanaw niya ang kanilang garahe.
Naroroon na ang isang magarang sasakyan, lulan ang kanyang asawa. Napakagwapo ng lalaking iyon. Mala- Adonis kung tumindig at maganda ang hubog ng katawan. Malamig ito kung tumingin, at hindi mo mababasa ang ekspresyon ng kanyang mukha. Magpapalit na sana muna siya ng damit, ng bumukas ang pinto, at iniluwa ang pigura ng kanyang asawa. Hindi siya agad makahuma, napatingin siya dito, habang kinakalas nito ang sariling kurbata. Kumakabog ang kanyang dibdib. Ilang araw nawala ang lalaki, at tuwing bumabalik ito, ginagamit siya nito sa marahas na paraan. Wala man lang kalambing lambing ang bawat halik nito. Daig pa niya ang nirewrestling sa kama. Nahihiya siyang isipin na kahit ganun ang ginagawa nito sa kanya, ay namimiss pa rin niya ang halik at pag angkin nito sa kanya. Napansin ata ni Zeus ang kanyang pagkatulala, kaya tinawag siya nito, “Maureen, halika dito,” isinenyas pa nito ang mga kamay sa kanya. “Ho- honey., Ba-bakit ngayon ka lang? Kumain ka na ba?” aandap andap siyang lumapit dito. Agad siyang sinalubong ng marahas na halik ni Zeus, at niyakap ng sobrang higpit! Halos hindi na siya makahinga dahil sa ginagawa nito, kaya agad na nanlambot ang kanyang tuhod. Bago pa siya bumagsak, naramdaman na niya ang pag angat ng kanyang paa sa sahig, at pagpangko sa kanya ng kanyang asawa patungo sa kwarto. Pikit mata niyang tinanggap ang mapagparusang pag angkin sa kanya ng lalaki. Kung isa lamang siyang babasaging porselana, marahil ay nadurog na siya. Lambot na lambot ang kanyang katawan. Mas marahas ang pag angkin nito ngayon sa kanya. Hindi siya nito tinitigilan, at hindi ito nakukontento, hanggang hindi siya umiiyak at nagmamakaawang itigil na nito ang ginagawa sa kanya. Masyadong sadista si Zeus! Tumayo na ito mula sa kama, at nagtungo na sa banyo. Narinig pa niya ang paglagaslas ng tubig buhat doon. Pagod na pagod siya habang nakalatag ang kanyang katawan sa kama. Dalawang taon na ang nakakaraan, ng lihim na magpakasal sila ni Zeus, dahil ipinagkasundo siya dito ng kanyang ama. Pinakasalan siya ng lalaki, hindi dahil sa mahal siya, kundi dahil wala na itong pagpipilian. Samantalang siya, ay may lihim na na pagtatangi dito noon pa man. Ginawa niya ang lahat upang makuha ang looob nito. Hindi naman siya nabigo, dahil unti unti na itong tumutugon sa kanya. Ang mga halik at yakap nito ay nagdudulot ng kilig sa kanyang pagkababae. Magiging masaya siguro ang kanilang pagsasama kung bibiyayaan sila ng anak? Iyon ang lagi niyang naiisip. Maya maya pa, biglang bumukas ng marahas ang pintuan ng banyo, at lumabas si Zeus na nakatapis lang ng tuwalya ang katawang pambaba. Ang gwapo talaga nito. Para na itong greek God tulad nung mga nababasa niya sa libro. “Buntis ka ba?” itinaas nito at ipinakita sa kanya ang hawak nitong pregnancy kit. Naiwan niya iyon sa banyo kanina. Nanginginig ang kanyang boses, at kinakabahan siyang sumagot, “bi-binili ko yan.. Ka-kaninang umaga..” hindi niya mabasa sa mukha ng lalaki kung galit ba ito o ano. “Bakit ka bumili nito?” nakakunot ang noo ni Zeus habang naka cross arm ito. “Madalas kasing sumasama ang pakiramdam ko nitong nakaraan, kaya naisipan kong bumili niyan, tulad ng iyong ibinilin sa akin,” nakayuko niyang sagot sa asawa. “Oh, gamitin mo na,” iniabot sa kanya ni Zeus ang hawak na pregnancy kit. “Hi-hihintayin ko na lang na matapos ka pag–” hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil sa malakas na boses ng lalaki. “Ngayon na! Maghihintay ako!” utos nito sa kanya. Bigla niyang kinuha sa kamay nito ang test kit at nagmamadaling pumasok sa banyo. Matapos niyang malagyan ng sample urine ang kit, lumabas na rin siya ng banyo. Tinititigan niya iton at nananalangin na sana, dalawa ang guhit na lumabas doon. “Anong result?” walang ka-emo- emosyon ang tinig nito, at ang mga mata ng lalaki ay blanko ang ekspresyon. One line! “Negative,” disappointed ang kanyang tinig sa nakita. Halata sa kanyang mukha ang lungkot na nararamdaman. Tumayo ito mula sa pagkakaupo. Hindi niya malaman, kung ano ang nararamdaman nito, disappointed ba, dahil hindi sila nakabuo, o nakahinga ng maluwag dahil hindi siya buntis? Magaling magtago ng damdamin ang lalaki. Hindi niya mabasa ang ikinikilos nito. “Ikuha mo nga ako ng damit!” utos nito sa kanya. “Aalis ka ba? Gabi na ah?” “Ano bang pakialam mo?” sagot nito sa kanya, “basta ikuha mo ako ng damit at wag kang maraming tanong diyan!” Nagmamadali siyang nagtungo sa closet ng lalaki, at ipinili ito ng maisusuot. Nalulungkot siya dahil negative ang result ng kanyang test. “Gusto ko ng mabuntis!” sigaw ng kanyang isipan. Sari saring gamot na ang kanyang iniinom na maaaring makatulong sa kanya upang mabuntis siya, ngunit bandang huli, wala pa rin talaga. Hindi pa rin siya nabuntis. Tapos ngayon, aalis na naman ang lalaki, gaya ng madalas nitong ginagawa. Minsan, every 10 days ito umuuwi, o kaya every half of the month. Matapos siyang gamitin nito, ay muli itong aalis, na hindi niya alam kung kailan na naman siya babalikan. Parang nais na niyang sumuko. Wala na atang patutunguhan ang lahat. Pagbalik niya mula sa pagkuha ng damit, naabutan pa niya at narinig na may kausap ito sa phone. “Oo, wag kang matakot okay? Aalagaan ka naman ni ate Zen, siya ang bahala sayo,” malambing ang tinig nito, kumpara kapag siya ang kausap. Natigilan siya, at labis na nasaktan sa pagiging malambing nito sa iba, samantalang siya na asawa nito, ay binabalewala lang ng lalaki. “Sinong kausap mo?” pinipilit niyang pakalmahin ang kanyang boses, ngunit halata doon ang panginginig at garalgal na tunog nito. Tumayo ito ng tuwid, saka tiningnan siya ng diretso, “wala!” paangil pa nitong sagot sa kanya. “Babae ba yan?” hindi niya ito matiis na tanungin. “Wala kang pakialam kung sino man iyon, akin na nga yan!” hinablot nito ang hawak niyang damit, saka iyon isinuot. Kaya ba ito malamig makitungo sa kanya, ay dahil sa may iba na itong babae? Kaya ba siya binabalewala nito? Biglang sumakit ang kanyang tiyan. Sumisigid ang sakit niyon sa kanyang buto. Parang may kung anong naroroon sa loob na nais lumabas. “Honey– wag mo akong iwan.. Mas-masama ang pakiramdam ko..” hinawakan pa niya sa braso ang asawa. “Kung may masakit sayo, tawagin mo si Aling Layda, magpadala ka sa ospital, o kaya, tawagan mo ang family doctor natin. Hindi naman kita kayang gamutin di ba? Hindi naman ako doctor!” saka nito marahas na inalis ang kanyang kamay na nakahawak sa braso nito. Natiis talaga ng lalaki na iwanan siyang namimilipit sa sakit ng tiyan. Nagmamadali siyang pumasok sa banyo, at isinuka ang lahat ng kinain niya. Babalik na sana siya sa kanyang kama, ng muli siyang masuka. Mapait na kulay berde na lang ang kanyang iniluwa. Food poisoning! Kahit nilalambot, at nanghihina siya, ay tinawagan niya si Aling Layda, upang makapagpadala na siya sa ospital. Nadatnan siya ng matanda, na namumutla na. Agad itong tumawag ng driver upang madala na siya sa pinakamalapit na pagamutan. AGAD siyang tinurukan ng doctor ng painkillers. Inabisuhan sila ng doctor na magpa ultra sound upang malaman kung ito ay acute cholecystitis o gastritis. Unti unti ng nawawala ang sakit ng kanyang tiyan, matapos na mainjectionan ng painkillers. Dadalhin na siya ni Aling Layda sa Ultra sound room, ng may makita sila doon, na isang familiar na pigura. Ang kanyang asawa! “Mam, si Sir!” nakangiti nitong itinuro sa kanya si Zeus. Tiningnan niya ang lalaking itinuturo nito. Ang kagwapuhan nito na umaagw ng pansin nng maraming kababaihan ang una niyang napuna. Nagalak ang kanyang puso pagkakita dito, hindi pala siya natiis ng lalaki. Tatawagin na sana niya ito, ng makita niyang may isang babae na lumabas mula sa ultra sound room, humawak sa beywang ni Zeus at ipinakita ang result ng ultra sound. “Okay naman daw si baby, sabi ni doc,” naulinigan niyang sabi nito sa kanyang asawa. Kita niya, kung paano ngumiti si Zeus, na hindi man lang niya nasisilayan sa loob ng dalawang taon nilang pagsasama. Masaya nitong sinabihan ang kasamang babae, “ikaw kasi, ang takaw mo. Mag ingat ka na nga sa susunod. Alam mo na kung ano ang bawal sayo ha?” “Opo, alam ko na. Hindi na talaga ako kakain ng alimango no,” natatawa nitong sagot kay Zeus. Napaka sweet nilang tingnan. Daig pa nila ang mag asawang natutuwa sa unang larawan ng kanilang baby na nasa sinapupunan pa lang. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nasasaksihan. Ang sayang nararamdaman niya ay napalitan ng pagkadismaya, habang tinitingnan niya ang babaeng kasama ni Zeus. Maganda ito, at bagay na bagay dito ang suot nitong damit, lalo na ng makita niya ang kabuuan ng hitsura nito. Napakaganda!Bigla niyang naalala ang sinabi sa kanya ng kaibigan ni Zeus noon. “May babae ng nagpapatibok ng kanyang puso matagal na. Nasa America lang siya ngayon. Marami kayong similarities nun. Kaya siguro tinanggap ka na rin niya.” Binalewala niya iyon, at inisip na lang na bahagi na lang iyon ng nakaraan ng kanyang asawa, walang wala iyon kumpara sa kanya. Parang nananaginip lang siya ngayon sa tagpong ito. Na mismong nakikita ng kanyang mga mata ang mga kaganapan. Sa sandaling iyon, nakita niya kung paano alalayan ng kanyang asawa ang babaeng iyon. Paano ito naging malambing at maalaga, na never nito ginawa sa kanya. Para siyang sinasaksak ng paulit- ulit sa puso. Sobrang sakit. Lalabas na sana ang mga ito, ng mahagip siya ng paningin ng lalaki, habang kasama niya si Aling Layda, na noon ay hindi rin makapagreact sa nakikita. Nagsalubong pa ang kilay nito pagkakita sa kanya. “Kilala mo?” tanong dito ng babaeng kasama nito. “Asawa ko,” sagot nito, saka malambing na sinabihan ang babae
Dahan dahan niyang nilapitan si Maureen. Nakapikit ito. Para itong bata na basta humiga na lang sa gilid. Pero hindi maitatanggi, na maganda talaga ito, lalo na ang kulay rosas nitong labi, na sa tuwing hinahalikan niya, ay para siyang nakakatikim ng prutas na matamis gaya ng peaches. Yumuko siya upang buhatin ito at dalahin sa kama. Sumiksik pa itong mabuti sa kanyang mga braso na parang nilalamig. Tiningnan niya si Maureen. Ang amo ng mukha ng kanyang asawa. Inilapag niya ito sa kama. Aalis na sana siya ng bigla itong magsalita. “Siraulo ang asawa ko!” Binalikan niya ito, at tinitigan. Mukhang tulog na tulog pa ito. Nagsasalita habang nananaginip. Hinawakan niya ng kanang kamay ang kamay nito at tinapik tapik ang pisngi ng kanyang asawa. “Maureen?” tawag pa niya dito. Ngunit sadyang malalim na ang tulog nito. Natukso siyang halikan ito sa labi. Bigla itong nagising, at nagulat nong makita siya, “Anong ginagawa mo?” galit nitong sabi sa kanya, “matapos mong makipagdate sa kabit
“Nagsisisi ka na ba ngayon? O ganyan lang talaga kababaw ang pagmamahal mo sa akin kaya hindi ko napapansin na maaari mo palang tanggapin sa sarili mo na mapupunta ako sa iba?” inis ang tono ng boses nito. Lalo pa siyang dinaganan ng lalaki. Halos hindi na siya makahinga sa ginagawa nito sa kanya, ngunit hindi iyon ang panahon, para magmakaawa siya dito. Kahit nanghihina, pinilit niya itong sagutin. “Nagsisisi akong minahal pa kita! At kahit kailan, hindi na kita papangaraping magustuhan ulit!” asik niya dito. Hindi siya deserve nito, lalo na ang kanyang pagmamahal, at pinagsisisihan niya ang lahat. Mahaba na angdalawang taon. Panahon na para sumuko. Bahagyang tumawa si Zeus, “mabuti naman. Kung hindi mo na ako mahal, mas maganda palang hindi kita lalo pakawalan. Alam mo kung bakit? Kailangan mong pagbayaran ang mga kasalana niyo sa akin. Ang makapiling ako habang buhay, ay isang matinding pasakit para sayo!” “Dahil lang sa naisahan ka ng tatay ko, pati ako, hindi mo mapapatawad?”
“Ano?” nagulat siya sa tanong nito sa kanya. “May gusto ka ba kay Zeus? Iyon kasi ang sabi ng mga tao dito eh,” napatingin pa ito kay Zeus, “totoo ba?” Nag iba ang ekspresiyon ng mukha ni Zeus at waring naghihintay ng kanyang isasagot habang kumakain ito ng isda. “Hahaha,” pagak niyang tawa,”wala no!” tanggi niya sa tanong nito. “Wala?” si Shane naman ang nagulat sa kanyang isinagot. ‘Paano mangyayari iyon? Samantalang sabi sakin ni Rex, para daw itong aso na laging sumusunod kay Zeus saan man ito magpunta?’ “Bata pa kasi ako noon. Alam mo na, dala lang iyon ng aking kabataan. Mahilig kasi akong mag explore,” sagot ni Maureen kay Shane. “Bale, tiningnan ko lang kung ano ang mangyayari kung sakaling sumunod ako ng sumunod sa kanya. Wala lang yun no,” natatawa pa niyang sagot dito. Madalas siyang nagliliwaliw, at kapag hindi na niya alam kung paano siya uuwi, si Zeus ang tinatawagan niya. Minsan, dumadating ito, minsan ay hindi, pero ang assistant nitong si Mr. Jack ay inuutusan
“Si–sir.. Gusto na daw makipaghiwalay sa inyo ng inyong asawa. Da–dahil.. Dahil hindi niyo daw siya napapaligaya sa kama..” mahina nitong sabi sa kanya. “Ano?” bigla siyang nag angat ng patingin, “anong sabi?” “Annulment papers itong ipinadala niya sa inyo sir,” kinakabahan si Mr. Jack dahil sa tono ng kanyang pananalita. Hinablot niya ang papel, at nabasa ang nais ng babae. Ang dating bahay lang ng pamilya ni Maureen ang hinihiling nito, wala ng iba. Ni hindi ito humingi ng kahit magkano sa kanya. Kahit hindi ito humingi ng pera, pag uusapan pa rin sila ng ibang nakakakilala sa kanila. Agad niyang tinawagan si Maureen. “Ano itong isinend mo sa akin?” tanong niya dito. “Obvious naman na annulment papers yan, hindi ka ba nagbabasa?” mataray nitong sagot sa kanya. Kasalukuyan naman si Maureen na nagtitingin tingin sa mall. Inaya nito ang kaibigan na makapaglakwatsa. “Ang sinasabi ko, ay ang dahilan mo ng pakikipaghiwalay sa akin anong sinasabi mong hindi ko nameet ang expect
May nakatape na seal sa harapan ng pintuan ng bahay. May mga bodyguard na naroroon, kasama na si Mr. Jack. “Anong ibig sabihin nito?” Tanong niya ng harangan siya ng mga ito na makapasok sa bahay. “Mam, sabi ni sir, hindi daw kayo maaaring pumasok sa bahay na ito,” sagot sa kanya ni Mr. Jack. “At bakit? Bahay ko iyan!” singhal niya sa mga ito, “anong karapatan ng Zeus na yan na hindi ako papasukin sa sarili kong pamamahay?” “Maureen!” Wala sana siyang balak lapitan ang lalaking ito, ngunit wala naman siyang choice. Naiinis niya itong pununtahan, saka siya pumasok sa kotse nito. Subalit doon pa lang, bigla na nitong hinablot ang kanyang kamay, at hinila siya pakandong dito. Naka skirt lang siya, kaya nag aalala siyang tumaas iyon at makita ang kanyang panty. “Anong ginagawa mo? Bitiwan mo nga ako!” Asik niya dito. Hindi siya binitawan ng lalaki, bagkus, niyakap pa siya nito ng mahigpit,hawak hawak ang kanyang mga kamay. “Zeus, ano ba? nasasaktan ako!” nagpupumiglas niyang sawa
Pumanhik na siya sa kanilang kwarto, ng magring ang kanyang phone, “Hello?” “Hi, totoo ba na willing kang magbayad ng malaki para magkaanak?” tanong ng nasa kabilang linya. “Anong sinasabi mong magbabayad upang magkaanak? saan mo naman napulot ang balitang iyan?” nagulat siya sa sinabi nito sa kanya. “Nag pa-ads ka di ba?” “Hindi ako nagpopost ng ganyan! wala akong alam diyan!” pinatay na niya ang tawag na iyon. ‘Ang dami na talagang manloloko ngayon. Kung kailan bwesit na bwesit ako, saka naman may mga ganitong tatawag sa akin, mga sira ulo!’ Subalit segundo lang ang lumipas, may tumawag ulit sa kanya at nagtatanong ulit ng tungkol sa pera na ibabayad niya upang magkaanak. Maiksi talaga ang kanyang pasensiya, at hindi siya ipinanganak na may mahabang pisi. Inalam niya kung saan nakita ng mga ito ang sinasabing advertisement. Mukhang alam na niya kung sino ang may pakana ng lahat! Malinaw sa nasa advertisement ang kanyang numero. Hindi siya nagagalit, isa pa, may pagkakataon n
“Miss Laraza, pakihintay na lang muna si sir, may kameeting lang siya sa loob. Maya maya, matatapos na rin yun,” nakangiting bilin sa kanya ni Adelle.“Salamat,” tumayo siya sa may pintuan ng opisina ni Mr. Lauren.After 10 minutes, may nakikita siyang pigura na papalapit sa pintuan ng opisina. Naamoy niya ang scent ng pabango niyon.Bumukas ang pinto, at nagsalubong ang mata nilang dalawa.“Ikaw?” hindi siya makapaniwala ng makilala kung sino ito.“Oh.. ikaw pala si Maureen. What a coincidence!” pagak pa itong tumawa.Ngayon niya biglang narealized kung sino ang kaharap, “ka-kayo po ba ang– ang president?”“Parang ako nga,” ngumiti ito at binuksan ng malaki ang pinto, “come in, have a sit.”“Ti-thank you sir,” nahihiya siyang naupo, “by the way, ito po pala ang mga designs ko,” iniabot niya dito ang kanyang drafts.“Wag mo na akong hinoho o pinopo ha, daig ko pa ang matandang binata eh,” saka ito maluwang na ngumiti. Tiningnan nito ang kanyang mga guhit, “ikaw ba ang gumawa ng lahat