“Masarap yun mam, lalo na yung repolyo na gagawing atsara? Tapos malutong lutong at masarap? Panalong panalo yun. Kailangan, healthy living kayo mam, lalo na kapag abala kayo sa inyong pag guhit at pagtatrabaho,” alam ni Mr. Jack, na isa siyang designer, “madalas pa naman kayong napupuyat kapag may nais kayong maachieve na design.”Hindi niya akalaing, ganoon pala ka-observant si Mr. Jack. Mukha lang itong masungit, subalit very sweet palang kausap, “hindi ko akalaing napagtuunan mo pa ng pansin ang maliliit na detalye tungkol sa akin. Napakaswerte naman ng nobya mo, napakamaaalalahanin mo.”“Mam naman.. Nagbibiro pa kayo eh, single ako, matagal na,” bahagya pa itong lumingon, at binigyan siya ng isang nahihiyang ngiti.“Single ka? May hitsura ka naman, assistant ka pa ng presidente ng kumpanya, at malamang, ang sahod mo ay hindi babasta, paano nangyari na wala kang girlfriend?” bigla siyang naging interesado sa love life nito.Nais sanang sabihin kay Maureen ni Mr. Jack, na paano si
“Bakit sinabi ng Shane na iyon na siya ang kasama mo sa kotse?” tanong ni lolo Simon kay Zeus.“May bago kaming project na ilalaunch,kailangan ng konting ingay, para doon. Konting hype lang para mapag-usapan. Publicity,” mahinahong sagot ni Zeus. Hindi niya sinasabayan ang galit ng kanyang lolo.Nang marinig iyon ni lolo Simon, agad humupa ang galit nito. Napalitan iyon ng excitement at napalingon ito sa kanya, “parang ang bilis naman ng project na iyon? nagawa niyo na agad?”“Hindi na iyon dapat pang patagalin. Kailan ko na ba kayo binigo?” nginitian niya ang kanyang lolo.Matalino at madiskarte si Zeus. Alam nito kung paano magpatakbo ng negosyo, kaya sa kanya ipinagkatiwala ni lolo Simon ang buong Acosta Group.Saglit pa siyang tiningnan ng matanda, saka ito nakaalala, “hindi ka na bata, lalo na ako. Matanda ng ang lolo mo. Maano bang bawasan mo ang masyadong pagtatrabaho at lingilin mong igawa ako ng apo? para bago man lang ako lubugan ng araw, may mga mumunting bata na akong naya
Natigilan si Marissa, tapos ngumiti, "Sige, maaasahan mo naman ako." "Pagkatapos ng hapunan, pakiusap tita Marissa, na ipagtimpla mo ng kape ang lahat at maghiwa ng prutas." Hindi man lang tumingin si Zeus sa kanyang tiyahin habang nagsasalita. Nabilaukan si Marissa. Gustong tumawa ni Zeus pero hindi niya magawa, at ayaw niyang ipakita ang kanyang nararamdaman. Tahimik na nakinig si Maureen, medyo gumaan ang pakiramdam niya sa sinabi ng asawa at gusto niyang tumawa. Si Marissa ay palaging may mga patutsada sa kanya noon, kaya't natuwa siyang makita itong napahiya. Pero hindi siya maaaring tumawa ng lantaran, kaya't yumuko na lamang siya at pinigilang tumawa. "Nakakatawa ba talaga?" Nilagyan ni Zeus ng gulay ang kanyang plato. "Hindi." Pinipigilan niya ang kanyang sarili, tumingala siya, at nakita ang mga gulay na nasa kanyang plato. partikular na, ang spinach. Spinach? Nabigla siya saglit at tiningnan si Zeus, na kumakain nang dahan-dahan at tahimik. Akala ni Maure
Saglit na huminto si Maureen at narinig niyang sinabi ng kanyang asawa, "Wala kayong pakialam dito." "Bakit wala? Ito ang panghabambuhay mong kalagayan, Zeus. Nasa 30 ka na ngayong taon. Ang kalusugan ko ay ganito na at hindi na siya magtatagal ng maraming taon. Ang tanging hiling ko ay magkaroon ka na ng anak, at ng magkaapo na ako. Sa oras na mangyari iyon, magiging matatag ang posisyon mo sa kumpanya, kahit wala na ako, magkakaroon ka ng anak na makakasama mo..." Hindi sumagot si zeus sa mga salitang ito. Bahagyang humakbang siya gamit ang kanyang mahabang mga binti at pumasok sa silid. Naramdaman ni Emie ang bigat sa kanyang paa. Lumingon ito at nakita siya na naroroon. "Gaano ka na katagal na nakatayo diyan?" Nasaktan siya. Ngunit kailangan niyang aminin sa sarili na totoo ang sinabi ng biyenan. Hindi siya karapat-dapat kay Zeus, maging kay Brix. Hindi kailanman inaasahan ni Maureen ang anuman. Gusto lang niyang magkaroon ng maayos na buhay at tuparin ang kanyang mga pangara
Sinipa ito ni Rex, "Anong kalokohan ang sinasabi mo? Ito ang asawa ni Zeus, si Maureen." "Pasensya na, Maureen, hindi ko alam, may asawa na pala si Zeus." Agad na nag-sorry ang lalaki. Nakatingin ito sa kanya na parang hindi makapaniwala. Ngumiti si Maureen dito, "Wala iyon." May apat na tao sa loob ng private room na iyon, lahat sila ay napakagwapo. Bumaling si Maureen kay Rex at bumati, "Kumusta, Doctor Rex?" Si Rex ang responsable sa kanyang monthly check up, kaya magkakilala silang dalawa. "Kumusta na kayong mag asawa?." Pinaalis ni Rex ang dalawang tao sa gitna at pinaupo silang mag asawa doon. Ang lahat ay nakatingin sa kanya. Dumating ang waiter na may dala ng alak. Uhaw na siya kaya kumuha na siya ng baso, pero kinuha iyon ni Zeus, saka nagbilin sa waiter, "Magdala ka ng isang baso ng orange juice dito para sa kanya." "Gusto kong uminom ng malamig." Gusto sana niya ang malamig na alak na nakahain sa lamesa. "Nakalimutan mo na ba kung ano ang hitsura mo nang lasing ka k
Ang pera niya ay 100,000 lang, kulang pa iyon sa pambayad sa mga ito. Nakita ni Royce na tila hindi siya mapakali, ngumiti ito sa kanya, "Maureen, wag mong sabihing wala kang pera?" "Hindi maaari iyon," sabat n i Rex, "Nandito ang asawa niya, kahit milyon pa ang ipatalo niyan, walng problema." Namula ang mukha ni Maureen. Nakakahiya kapag hindi siya nakabayad sa mga ito. Habang siya'y naiipit sa problema, biglang sumigaw si Rex,"Zeus, natatalo na ang asawa mo, bakit hindi ka lumapit dito upang tulungan siya?" Nakaupo sa sofa si Zeus at nag-i-scroll sa cellphone ng marinig ang tawag ni Rex. Tumingin siya sa gawi ng mga ito. Nakatingin sa kanya si Maureen na animo ay higad ang kilay.Nangunot ang kanyang noo, saka tumayo at naglakad palapit sa mga ito. "Umusog ka palapit sakin." Tumingin si Maureen sa kanya. Tumingin siya pababa sa dito, "Lumapit ka nang kaunti, narinig mo ba?" Kinakabahan si Maureen, kaya lumapit na lang siya ng kaunti sa asawa. Umupo si Zeus at bahagyang binuk
Hindi na pinansin ni Zeus ang pagtawag sa kanya ni Shane, mabilis na naglakad palabas gamit ang kanyang mahahabang hakbang at natagpuan si Maureen sa labas ng club.Nakita niya itong nakaupo sa gilid ng kalsada, nakatitig sa mga bulaklak naparang may malalim na iniisip.Nilapitan niya ang kanyang asawa. Napatingala ito sa kanya.Bigla niyang hinawakan ang pulsuhan nito,at walang sinabing kahit ano, at dinala niya palakad si Maureen palayo sa lugar na iyon.Nabigla si Maureen, "Zeus, ano ang ginagawa mo?""Uuwi na." Yun lang ang sinabi niya, pinapasok niya sa loob ng sasakyan si Maureen, at nagmaneho patungo sa kanilang ancestral house.Tahimik lang si Maureen sa buong oras na nasa biyahe sila..Pagdating nila sa ancestral house, pareho pa rin silang walang imik. Kinuha ni Maureen ang kanyang mga damit para maligo, at tahimik na nag-shower sa banyo.Paglabas niya mula sa shower, nakita niyang may kausap si Zeus sa telepono.Mukhang si Shane ang tumatawag. Narinig ni Maureen na sinabi n
Bumilis ang tibok ng puso ni Maureen, "paano niyo nalaman?""Tumawag siya sa akin kaninang umaga at sinabi niya." Hindi maitago ni Emie ang kanyang ngiti.Sa wakas ay nalaman niya kung bakit masaya ang kanyang biyenan. Lumalabas na alam na nito na buntis si Shane. Wala siyang ipinakitang emosyon at tumango, "Oho. Totoong buntis si Shane," at wala na siyang masasabi pa. "Anak ba iyon ni Zeus?" tanong ulit nito. "Si Shane na lang ho ang tanungin niyo, ma." Hindi niya alam kung anak nga iyon ng kanyang asawa, dahil wala naman itong sinasabi o inaamin sa kanya. Nagmula lang sa bibig ni Shane ang balitang anak ito ni Zeus. "Mukhang kay Zeus nga." sabi ni Emie, "Yun ang sinabi niya sa akin kaninang umaga." Mula sa mga sinabi nito, excited na itong magkaapo at akuin ang anak ni Shane bilang anak ni Zeus.Nadismaya siya at tumingin sa labas ng bintana. Alam niyang hindi siya dapat magdamdam. Dalawang taon na ang nakalipas, pinagplanuhan ng kanyang ama si Zeus. Lahat sa pamilya Acosta ay