Share

25. Ang plano ni Emie

Bumilis ang tibok ng puso ni Maureen, "paano niyo nalaman?"

"Tumawag siya sa akin kaninang umaga at sinabi niya." Hindi maitago ni Emie ang kanyang ngiti.

Sa wakas ay nalaman niya kung bakit masaya ang kanyang biyenan. Lumalabas na alam na nito na buntis si Shane. Wala siyang ipinakitang emosyon at tumango, "Oho. Totoong buntis si Shane," at wala na siyang masasabi pa.

"Anak ba iyon ni Zeus?" tanong ulit nito.

"Si Shane na lang ho ang tanungin niyo, ma." Hindi niya alam kung anak nga iyon ng kanyang asawa, dahil wala naman itong sinasabi o inaamin sa kanya. Nagmula lang sa bibig ni Shane ang balitang anak ito ni Zeus.

"Mukhang kay Zeus nga." sabi ni Emie, "Yun ang sinabi niya sa akin kaninang umaga."

Mula sa mga sinabi nito, excited na itong magkaapo at akuin ang anak ni Shane bilang anak ni Zeus.

Nadismaya siya at tumingin sa labas ng bintana.

Alam niyang hindi siya dapat magdamdam. Dalawang taon na ang nakalipas, pinagplanuhan ng kanyang ama si Zeus. Lahat sa pamilya Acosta ay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status