Share

28. Ang dahilan ng kanyang pakikipag blind date

Napansin ni Brix na parang natetense siya, nginitian siya nito, bago nagsalita, “Pasensya na, baka masyado akong malapit.. okay lang ba?”

Saumagot siya, “Ayos lang, inaalalayan mo lang naman ako.”.

Tinulungan siya ni Brix na maupo sa loob ng clinic.

Kapag tinatanong siya ng doktor, sumasagot siya ng may pag galang.

Siya ay uri ng babae na agad na nagugustuhan ng mga tao sa unang tingin, maganda ngunit hindi mapagmataas.

Nakatayo si Brix sa gilid at pinapanood siya. Nang matapos ang doktor sa pagsusulat tungkol sa kanyang kalagayan, lumapit ito upang tulungan siya, “Ma'am dadalhin kita sa imaging room.”

“Salamat po.” Nagpasalamat siya sa doctor. Kinuha naman ni Brix ang kanyang bag at isinabit ito sa kanyang braso nang natural.

Nagulat siya sa ginawa nito, wala siyang nasabi, at pumunta sa imaging room kasama si Brix at ang doctor.

Kailangan pang maghintay para sa kanyang x-ray. Umupo si Brix sa tabi niya, naglagay ng straw sa strawberry milk, at inabot ito sa kanya, "Uminom ka muna."
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status