Nagulat si Maureen, "Anong nangyari? Hindi ba't may malubhang mysophobia ka? Ako mismo ang gumawa ng rice ball na ito, at nahawakan ito ng palad ko."Habang sinasabi niya iyon, sadya niyang binuksan ang kamay upang pandirihan siya.Hindi inaasahan, natigilan lang si Zeus ng isang segundo, pagkatapos ay ngumunguya siya ng rice ball nang walang emosyon at nilunok ito, "Ayos lang."Nabigla si Maureen.Nang makita siyang tila nahihibang, ngumiti si Zeus at walang pakialam na nagtanong, "Okay na ba ang kamay mo? Kaya mong gumawa ng rice balls?""Na-twist lang naman, hindi nabali. Okay na ako pagkatapos ng isa o dalawang araw na pahinga." Itinaas ni Maureen ang kanyang kamay. Hindi na gaanong namumula at namamaga, at pakiramdam niya ay halos magaling na siya.Kumuha pa ng isa pang rice ball si Zeus at uminom ng isang lagok ng sabaw na nasa kanyang mangkok.Napansin iyon ni Maureen, "Hoy, 'wag mong ubusin ang hapunan ko. Mayroon pang sabaw. Kung gusto mong uminom, kumuha ka na lang ng sarili
“Huwag ka nang maghintay ng mamaya, magsimula ka nang magtrabaho nang mabuti ngayong gabi!” utos ng matandang lalaki.“Sige.” Niyakap ni Zeus si Maureen at ngumiti, “Simulan na nating magtrabaho nang mabuti para gumawa ng mga bata ngayong gabi.”Nasa mga bisig nito si Maureen, hindi siya komportable, kaya tahimik niyang pinisil ang kamay nito, sinusubukang pakawalan siya.Ngunit mas lalo pang humigpit ang paghawak sa kanya nito at tinanong ang matandang lalaki, “Lolo, mas gusto mo ba ang lalaki o babae?”“Gusto ko, pareho, basta’t magkaanak kayo, tatanggapin ko ang parehong lalaki at babae.” Nakita ng matanda ang dalawang magkasama at masayang ngumiti.“Narinig mo ba iyon?” Lumapit si Zeus sa tainga ni Maureen at bumulong nang may bahid ng pagnanasa, “Sinabi ni Lolo na gusto niya ng parehong lalaki at babae.”Namula siya.Tumawa si Lolo, “Mas maganda kung dalawa.”“Sige, magkakaroon kami ng dalawang anak.” Ngumiti si Zeus ng sumagot kay Lolo."Anong sinasabi nito?" tanong ni Maureen
Nalaman niya na bilang kaibigan ni Zeus, tinawag siya nito upang kwestiyunin siya tungkol sa kanyang pangangaliwa. Ngumiti siya, “Hindi ba’t nangaliwa rin si Zeus? kinabit nga niya si Shane ,hindi ba?” “Iba iyon. Lumaki silang magkasama at may kakaibang damdamin.” “Oh, nangaliwa si Zeus, at tinatawag mo iyon na kakaibang damdamin. Niloko nila ako, Royce, naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?" Halos matawa na siya sa galit, “Hindi ba masyado kang ipokrito?” Tinitigan siya ni Royce nang malamig, “Kahit paano, hindi mo maaaring ipagkanulo ang kaibigan ko. Parehong kaibigan ko sina Zeus at Brix. Hindi ko pinapayagan na paglaruan mo sila.” Bakit parang medyo hangal ang lalaking ito? Pakiramdam niya na hindi niya ito makukumbinsi, kaya diretso niyang sinabi, "Bakit hindi mo ito sabihin kay Zeus?" Itinaas ni Royce ang kanyang kilay, "Kung sabihin ko ito kay Zeus, siguradong magkakagulo sila ni Brix. Pareho ko silang kaibigan. Kaya pwede ko lang sana kayong kausapin at sabihing h
Sa ski resort. Malambing ang boses ni Brix, "Maureen, huwag mong tingnan ang mga paa mo habang nag-ski, dapat kang tumingin sa unahan." "Sige!" Tumango siya, tumingin sa harap, at saka nakita ang mga mata ni Zeus. Naupo ito doon sa waiting area, at isang staff ang nakaluhod sa sahig para tulungan itong magsuot ng pang ski. Malamlam at walang init ang kanyang mukha. Nagkatitigan sila. Nakatingin ito sa kanila ni Brix.. Nagulat si Maureen, nawalan siya ng kontrol sa kanyang puso, at kasunod nito, nawalan din siya ng kontrol sa kanyang bilis. Pakiramdam niya'y mababagsak siya, at bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata sa takot. "Saklolo!" Hindi niya napigilang sumigaw. Si Brix sa kanyang tabi ay bahagyang ngumiti, at sa isang mahabang braso nito siya bumagsak. Bahagyang napaatras si Brix, at napatungo sa kanya. Parang bumagal ang lahat. Nagkatinginan silang dalawa sa niyebe, at ang eksena'y tila eksena sa isang korean drama. Biglang umulan ng artificial snow. "Aba, Di
"Zeus?" Natakot si Maureen na baka may nangyari sa kanya, kaya tiningnan niya ito matapos hubarin ang kanyang snow goggles. Nakangisi si Zeus, at may pawis sa ilalim ng mga goggles. Tumingin siya kay Maureen, "Mukhang nabali ang binti ko..." Kanina, narinig niya ang isang "click" nang bumagsak siya sa hukay. Inisip niyang masamang palatandaan ito. "Talaga?" Kinabahan siya at mabilis na umalis sa ibabaw nito at sinuri ang mga binti ni Zeus. "Aling binti?" "Kaliwang binti," sagot nito. Iniabot niya ito ng kanyang kamay at pinindot, "Dito ba?" "Oo," sagot nito na may sakit na ekspresyon sa kanyang mukha, "Tumawag ka muna ng tulong." "Sige." Hindi na nag-atubili si Maureen at tumingala mula sa hukay. Nakarating na sina Brix at ang iba pa. Nakatingin sila mula sa itaas na may mabigat na ekspresyon. "Okay lang ba kayo?" Tanong ni Brix. Ang hukay na iyon ay humigit-kumulang isang metro ang lalim. kaya may posibilidad na nasaktan talaga si Zeus. Tumayo siya at tumingala,
Akala ni Maureen, dahil siya ang sanhi ng pagkabali ng buto ni Zeus, tiyak na maghihiganti ito sa kanya para sa mga lumang sama ng loob at bago, at imposibleng palampasin siya nang madali. Kaya't tumayo siya sa gilid nang tahimik, nang walang sinasabi.Nakita ng dalawa na pumasok siya.Sinabi ni Shane, "Maureen, aasa ako sa iyo na alagaan si Zeus pagnakauwi na kayo. By the way, iadd natin ang isa't isa sa wechat, para kung ksakaling may kailangan ka pa, madali mo akong makokontak."Wala na siyang magawa kundi iadd ang WeChat nito. Ngayon ay isa siyang makasalanan at hindi makaiwas sa kanyang responsibilidad.Hindi nagtagal, dumating si Rex na may dalang pamahid.Sa wakas, maaari na siyang umuwi.NANG makapasok si Maureenu sa sasakyan ni Zeus, napabuntong-hininga siya ng ginhawa.Talagang ayaw niya na makitungo kay Shane. Kapag kasama siya, bawat salita niya ay tila kalkulado at nakakalungkot.Pagdating sa bahay, tinulungan niya si Zeus na makarating sa master bedroom sa ikalawang pal
Binuksan ni Maureen ang bote ng ointment at tiningnan ang sugat ni Zeus, ngunit muling nagdalawang-isip.Ang sugat ay nasa ibabang bahagi, kaya kailangan niyang buksan ito bago lagyan ng gamot.Nanginig nang kaunti ang kanyang mga daliri habang iniisip kung dapat ba niyang gawin ito.Kahit nakita na niya ito ng maraming beses noon, iba na ang kanilang relasyon ngayon dahil pareho na silang namumuhay ng sarili nilang mga buhay, kaya medyo nahihiya siya."Bakit ang tagal?" biglang dumilat si Zeus at tinanong siya.Pinagpapawisan siya na sumagot, "Kailangan kasi itong buksan bago lagyan ng gamot."Sinilip nito ang 'kanyang sarili', parang naintindihan nito nang kaunti, at di napigilang ngumiti.Nang makita ni Maureen ang ngiti niya, mukhang hindi naman masyadong nag-aalala, kaya naglakas-loob ito, naglagay ng kaunting ointment sa kanyang daliri, at inabot 'iyon'.Nang ilapat ang ointment, tumigil ang paghinga ni Zeus at sinabi sa mababang tinig, "Mag-ingat ka.""Mag-ingat sa ano?" Tanong
Tinanong siya ni Brix, "Maureen, ayos ka lang ba matapos kang bumalik kahapon? May sugat ka ba?""Hindi ako nasugatan, si Zeus ang nasaktan, ayos lang ako.""Ah." Dahil si Zeus ang nasaktan, hindi na kailangan pang alalahanin ni Brix si Maureen. Saglit siyang tumigil at nagtanong, "Ano ang naisip mo tungkol sa kooperasyon na napag-usapan natin noon?""Sa tingin ko ay okay lang." Ngumiti si Maureen, "Nagdodrowing ako sa bahay nitong mga nakaraang araw. Kapag natapos ko na, kokontakin kita, at saka natin pag-usapan ang tungkol sa kooperasyon.""Sige." iyon lang at ibinaba na n i Brix ang phone.Inayos ni Maureen ang kanyang cellphone na may bahagyang ngiti sa kanyang mga labi.Nang patungo na siya sa hagdan, tinawag siya ni Zeus, "Maureen."Lumingon siya.Nakaigting ang mukha nito, nakaupo sa kama at nakatingin sa kanya, "Talaga bang gusto mong makipag-kooperasyon kay Brix?"Natigilan siya ng sandali, tumango, "Oo.""Aakalain mo bang wala itong problema?" Sabi nito na may madilim na mu