"Gusto mo ba siya?" tanong pa sa kanya ni Zeus."Oo naman, mabuti siyang tao," hindi siya nagsinungaling ng sabihin niya iyon."Pero paano kung malaman niyang may asawa ka at ayaw niya na sayo?" Ang init ng hininga nito ay dumadampi sa kanyang mukha."Kung ganoon, hahanap pa ako ng iba. Mahirap makahanap ng palakang may tatlong paa, yung matandang mayaman, pero maraming lalaki na may dalawang paa, walang tungkod, kahit hindi mayaman, pwede na.. Sa hitsura kong ito, siguradong makakahanap ako.""Mukhang desidido kang mangaliwa, Maureen?"Ngumiti siya, "ayaw mo akong hiwalayan, pero may kabit ka? eh di pwede din akong manlalaki, para patas tayo."Matamang tinitigan siya ni Zeus, iniisip pa rin ng lalaki, na nagpapapansin siya dito. "Sige, tingnan natin kung may magmamahal sayo, kapag nalaman nila, kung anong klasen babae ka.""Kung hindi mo sasabotahehin, siguradong may magmamahal sa akin." Ngumiti siya dito."Hindi ako ganoong kababaw." Bumuntong-hininga si Zeus, "Pero sa katawan mo...
Paglingon ni Maureen, nakita niya si Zeus na nakasandal sa pintuan. Grabe ang alindog ng lalaking ito. Bakit saang anggulo niya ito tingnan, talagang nag uumapaw ang sez appeal nito?Hindi patas ang Diyos. Hindi lang sa binigyan si Zeus ng sobrang kayamanan at kapangyarihan, binigyan din siya ng perpektong mukha at seksing katawan."Ikaw ba ang bumili nito?" tanong niya dito.Tinitigan siya ni Zeus at ngumiti. "Ibinigay ito ng isang kliyente. Kung gusto mo, pwede mong gamitin.""Ah." Isa na naman palang regalo mula sa isang kliyente.Tinitigan pa ni Maureen ang bag nang sandali, saka ito binalik sa pwesto. Isinama rin niya ang pink na diamond na kwintas na ibinigay nito sa kanya noong nakaraang araw. Hindi niya kukunin ang mga bagay na hindi niya pag aari.Nang makita ni Zeus na ibinabalik niya ang bag, nanigas muli ang mukha nito at sinabi sa kanya ng may malamig na tono, "Ayaw mo?""Ayoko, masyadong mahal ang bag na ito para sa akin. Kung masira, hindi ko kayang bayaran. Titignan ko
"Ang lugar na ito ay para sa high-end customization."Tiningnan ni Shane ang mga gown at nagtanong, "Ikaw ba ang nagdisenyo ng lahat ng mga evening gown na ito?""Oo," sagot niya."Ang gaganda nila." Puri ni Shane. HIndi niya alam, kung totoo iyon o hindi.Sabi ni Roselle, "Ate Shane, naaalala ko na, na marunong kang sumayaw. Pumili ka ng isang flowy na gown. Ang ganda mo sigurong sumayaw, lalo na kung kasama mo si Kuya Zeus.""Talagang maganda." Sagot ni Shane, itinuturo nito ang isa sa mga puting evening gown at tinanong si Zeus na nasa tabi niya, "ZEus, ano ang tingin mo sa puti?"Sinulyap ito ni Zeus at sinabi sa malinaw na boses, "Hindi naman masama.""Susubukan ko iyon." Ngumiti si Shane at nagsabi kay Maureen, "salamat sa tulong mo."Habang kinukuha ni Maureen ang damit, sinagot niya si Shane, "Walang anuman."Tinawag niya ang kanyang assistant, tinanggal ang gown at pinasukat kay Shane."Zeus, susubukan ko na ang mga damit. Maghintay ka lang dito." Malumanay na sinabi ni Shane
"Mr. Lauren, anong-- anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Maureen sa bisita. Nagulat siya na dumalaw ito bigla doon sa kanilang studio."Gusto ko lang masilip ang inyong studio. Kumusta na ang kamay mo?" Tumingin si Brix sa kanyang kaliwang kamay, "masakit pa ba hanggang ngayon?""Hindi na ,Sir." Sagot ni Maureen. "Nasagi lang kanina, ngunit hindi naman ako nasaktan.""Nagdala ako ng imported na ointment. Maganda daw itong pang subside ng pamamaga, at pagtanggal ng pasa, subukan mo," nito ang isang ointment sa kanya."Salamat." Tinanggap iyon ni Maureen.Na-gulat si Roselle. Napaka cold sa kanya ni Brix, kahit halata naman na interesado siya dito, ngunit kay Maureen, malambing ito? Bakit siya naging mabait kay Maureen? At ginawa pa ito sa harap ng kanyang pinsan? Hindi ba natatakot si Maureen na maparusahan ni Zeus?"Ate Shane, anong nangyayari?" Hindi lang si Maureen ang normal kumilos, maging sina Shane at Zeus din. Anong meron na hindi niya nalalaman?"Hindi mo ba alam, na naka bl
Sa Studio Ibinigay ni Maureen ang cake sa mga empleyado para kainin, at pagkatapos ay dinala niya si Brix sa lugar ng display para sa mga panglalaking disenyo. Naka-display rin dito ang maraming mga natapos na produkto, na lahat ay idinisenyo niya. Isa-isa itong tiningnan ni Brix, may paghanga sa kanyang mga mata, "Ikaw ba ang nagdisenyo ng lahat ng ito?" "Oo," tumango siya na may ngiti, "Ang damit ba na gusto mo, Mr. Lauren ay iyong susuotin sa birthday party ni Shane?" "Brix na lang. Masyado tayong pormal kaka Mr. Lauren mo sa akin eh," ngumiti si Brix sa kanya, "paano mo nalaman na doon ko susuotin?" Ngumiti siya at sinabing, "sinabi sa akin ni Shane ngayong hapon na ang birthday party niya ay sa katapusan ng buwang ito." Tumango tango si Brix, "Pumunta siya sa'yo para magpagawa ng damit. Nalulungkot ka ba? I mean, okay lang ba iyon sayo?" "Hindi ako malulungkot. Kumita kami ng dahil sa kanya, kaya okay lang iyon," nakangiti niyang tugon dito, "okay ba ito sayo, Mr. L
Nagulat si Maureen, "Anong nangyari? Hindi ba't may malubhang mysophobia ka? Ako mismo ang gumawa ng rice ball na ito, at nahawakan ito ng palad ko."Habang sinasabi niya iyon, sadya niyang binuksan ang kamay upang pandirihan siya.Hindi inaasahan, natigilan lang si Zeus ng isang segundo, pagkatapos ay ngumunguya siya ng rice ball nang walang emosyon at nilunok ito, "Ayos lang."Nabigla si Maureen.Nang makita siyang tila nahihibang, ngumiti si Zeus at walang pakialam na nagtanong, "Okay na ba ang kamay mo? Kaya mong gumawa ng rice balls?""Na-twist lang naman, hindi nabali. Okay na ako pagkatapos ng isa o dalawang araw na pahinga." Itinaas ni Maureen ang kanyang kamay. Hindi na gaanong namumula at namamaga, at pakiramdam niya ay halos magaling na siya.Kumuha pa ng isa pang rice ball si Zeus at uminom ng isang lagok ng sabaw na nasa kanyang mangkok.Napansin iyon ni Maureen, "Hoy, 'wag mong ubusin ang hapunan ko. Mayroon pang sabaw. Kung gusto mong uminom, kumuha ka na lang ng sarili
“Huwag ka nang maghintay ng mamaya, magsimula ka nang magtrabaho nang mabuti ngayong gabi!” utos ng matandang lalaki.“Sige.” Niyakap ni Zeus si Maureen at ngumiti, “Simulan na nating magtrabaho nang mabuti para gumawa ng mga bata ngayong gabi.”Nasa mga bisig nito si Maureen, hindi siya komportable, kaya tahimik niyang pinisil ang kamay nito, sinusubukang pakawalan siya.Ngunit mas lalo pang humigpit ang paghawak sa kanya nito at tinanong ang matandang lalaki, “Lolo, mas gusto mo ba ang lalaki o babae?”“Gusto ko, pareho, basta’t magkaanak kayo, tatanggapin ko ang parehong lalaki at babae.” Nakita ng matanda ang dalawang magkasama at masayang ngumiti.“Narinig mo ba iyon?” Lumapit si Zeus sa tainga ni Maureen at bumulong nang may bahid ng pagnanasa, “Sinabi ni Lolo na gusto niya ng parehong lalaki at babae.”Namula siya.Tumawa si Lolo, “Mas maganda kung dalawa.”“Sige, magkakaroon kami ng dalawang anak.” Ngumiti si Zeus ng sumagot kay Lolo."Anong sinasabi nito?" tanong ni Maureen
Nalaman niya na bilang kaibigan ni Zeus, tinawag siya nito upang kwestiyunin siya tungkol sa kanyang pangangaliwa. Ngumiti siya, “Hindi ba’t nangaliwa rin si Zeus? kinabit nga niya si Shane ,hindi ba?” “Iba iyon. Lumaki silang magkasama at may kakaibang damdamin.” “Oh, nangaliwa si Zeus, at tinatawag mo iyon na kakaibang damdamin. Niloko nila ako, Royce, naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?" Halos matawa na siya sa galit, “Hindi ba masyado kang ipokrito?” Tinitigan siya ni Royce nang malamig, “Kahit paano, hindi mo maaaring ipagkanulo ang kaibigan ko. Parehong kaibigan ko sina Zeus at Brix. Hindi ko pinapayagan na paglaruan mo sila.” Bakit parang medyo hangal ang lalaking ito? Pakiramdam niya na hindi niya ito makukumbinsi, kaya diretso niyang sinabi, "Bakit hindi mo ito sabihin kay Zeus?" Itinaas ni Royce ang kanyang kilay, "Kung sabihin ko ito kay Zeus, siguradong magkakagulo sila ni Brix. Pareho ko silang kaibigan. Kaya pwede ko lang sana kayong kausapin at sabihing h