s
Hindi na pinansin ni Zeus ang pagtawag sa kanya ni Shane, mabilis na naglakad palabas gamit ang kanyang mahahabang hakbang at natagpuan si Maureen sa labas ng club.Nakita niya itong nakaupo sa gilid ng kalsada, nakatitig sa mga bulaklak naparang may malalim na iniisip.Nilapitan niya ang kanyang asawa. Napatingala ito sa kanya.Bigla niyang hinawakan ang pulsuhan nito,at walang sinabing kahit ano, at dinala niya palakad si Maureen palayo sa lugar na iyon.Nabigla si Maureen, "Zeus, ano ang ginagawa mo?""Uuwi na." Yun lang ang sinabi niya, pinapasok niya sa loob ng sasakyan si Maureen, at nagmaneho patungo sa kanilang ancestral house.Tahimik lang si Maureen sa buong oras na nasa biyahe sila..Pagdating nila sa ancestral house, pareho pa rin silang walang imik. Kinuha ni Maureen ang kanyang mga damit para maligo, at tahimik na nag-shower sa banyo.Paglabas niya mula sa shower, nakita niyang may kausap si Zeus sa telepono.Mukhang si Shane ang tumatawag. Narinig ni Maureen na sinabi n
Bumilis ang tibok ng puso ni Maureen, "paano niyo nalaman?""Tumawag siya sa akin kaninang umaga at sinabi niya." Hindi maitago ni Emie ang kanyang ngiti.Sa wakas ay nalaman niya kung bakit masaya ang kanyang biyenan. Lumalabas na alam na nito na buntis si Shane. Wala siyang ipinakitang emosyon at tumango, "Oho. Totoong buntis si Shane," at wala na siyang masasabi pa. "Anak ba iyon ni Zeus?" tanong ulit nito. "Si Shane na lang ho ang tanungin niyo, ma." Hindi niya alam kung anak nga iyon ng kanyang asawa, dahil wala naman itong sinasabi o inaamin sa kanya. Nagmula lang sa bibig ni Shane ang balitang anak ito ni Zeus. "Mukhang kay Zeus nga." sabi ni Emie, "Yun ang sinabi niya sa akin kaninang umaga." Mula sa mga sinabi nito, excited na itong magkaapo at akuin ang anak ni Shane bilang anak ni Zeus.Nadismaya siya at tumingin sa labas ng bintana. Alam niyang hindi siya dapat magdamdam. Dalawang taon na ang nakalipas, pinagplanuhan ng kanyang ama si Zeus. Lahat sa pamilya Acosta ay
Nang makita ni Emie na umayon siya sa nais nito, labis itong natuwa. Pagkatapos siyang ihatid nito sa kanilang bahay, binigyan din siya nito ng dalawang kahon ng dried vegetables, "Maureen, hindi maganda ang kalusugan mo, ang dalawang kahon na ito ay makakatulong sa iyong katawan." "Salamat, ho, mama," sabi niya na may ngiti. Sabi pa nito, "Tungkol sa usapan natin, ayokong malaman ito ng ibang tao." "Sige ho," sang-ayon niya. Umalis na ang sasakyan nito. Nakatayo siya sa bakuran dala ang mga gamit niya, at unti-unting nawala ang kalungkutan sa kanyang puso. Basta maghain ng annulment si Zeus, makakalabas na ang kanyang ama. Palihim na hinikayat niya ang kanyang sarili at nagpasya na maisakatuparan ito! Pumasok siya sa villa, at tinanong siya ni ALing Layda, "Ma'am, nakabalik na po kayo. Kumain na po ba kayo ng almusal?" "Hindi pa." Ngumiti siya, maganda ang kanyang pakiramdam at nagkaroon ng gana sa pagkain. Dinalhan siya ni Aling Layda ng masustansyang almusal. K
Nabigla siya sa mensaheng iyon ng kanyang biyenan. Hindi niya inaasahan na kikilos ito ng ganoon kabilis. Nag-ayos ito ng isang blind date para sa kanya sa loob ng isang araw. Ipinadala rin nito ang numero ng iba pang partido. Napaisip si Maureen. "Para matapos na ang lahat, gagawin ko ito." Sumagot siya sa kanyang biyenan ng "OK." Lumingon, at pumili ng bagong damit na dinisenyo niya sa studio, naglagay ng manipis na makeup, at naghanda ng umalis na para sa kanyang date. Pagkakuha niya ng kanyang bag, tumunog ang kanyang cellphone. Kinuha niya ito at nakita na ang natawag ay ang kanyang asawa. "Hello." Sagot niya sa telepono habang bumababa ng hagdan, "oh, Mr. Acosta bakit ka napatawag?" Pinalitan na niya ang tawag dito. Mas bagay itong tawaging Mr. Acosta. Napahigpit ang hawak ni Zeus sa telepono at nakakunot ang noo sa kabilang dulo ng linya, "Bakit mo ako tinatawag na Mr. Acosta?" "Sa tingin ko maganda at bagay sa iyo yan." Matapos sabihin ito, tumahimik na siya at naghihi
Napansin ni Brix na parang natetense siya, nginitian siya nito, bago nagsalita, “Pasensya na, baka masyado akong malapit.. okay lang ba?”Saumagot siya, “Ayos lang, inaalalayan mo lang naman ako.”.Tinulungan siya ni Brix na maupo sa loob ng clinic.Kapag tinatanong siya ng doktor, sumasagot siya ng may pag galang.Siya ay uri ng babae na agad na nagugustuhan ng mga tao sa unang tingin, maganda ngunit hindi mapagmataas.Nakatayo si Brix sa gilid at pinapanood siya. Nang matapos ang doktor sa pagsusulat tungkol sa kanyang kalagayan, lumapit ito upang tulungan siya, “Ma'am dadalhin kita sa imaging room.”“Salamat po.” Nagpasalamat siya sa doctor. Kinuha naman ni Brix ang kanyang bag at isinabit ito sa kanyang braso nang natural.Nagulat siya sa ginawa nito, wala siyang nasabi, at pumunta sa imaging room kasama si Brix at ang doctor.Kailangan pang maghintay para sa kanyang x-ray. Umupo si Brix sa tabi niya, naglagay ng straw sa strawberry milk, at inabot ito sa kanya, "Uminom ka muna."
Medyo nahiya siya kay Brix, "Salamat sa paghatid sa akin pauwi.""Wala yun. Saka, ipinapacheck up na ko na ang kotse mo. Ipapakontak kita kapag tapos na itong maayos.""Ang dami nang abala sa'yo. Nakakahiya naman.""Wala yun, maliit na bagay lang." Ngumiti si Brix sa kanya.Pagdating sa kanilang bahay, ipinarada ni Brix ang kotse at tumingin sa bahay na nasa gitna. "Dito ka ba nakatira?""Oo, salamat sa paghatid, Mr. Lauren." bumaba na siya ng kotse dala ang cake."Maureen!" tawag sa kanya ni Brix.Lumingon siya hawak ang cake, "Bakit?""Sa tingin ko, magaling ka." Ngumiti pa ito. "Sa tingin ko parehong maganda ang personalidad at trabaho mo. Ano sa tingin mo? Gusto mo bang makipagtulungan sa ROYAL? Sabay tayong lumikha ng bagong mga bagong designs?"Mabilis ang pagtibok ng puso ni Maureen.Magsisinungaling siya kung sasabihin niyang hindi niya gustong makipagtulungan dito.Maraming taon siyang nagtrabaho nang mabuti para magtagumpay, ngunit mayroon pa rin siyang katuwiran. Sa palagay
"Gusto mo ba siya?" tanong pa sa kanya ni Zeus."Oo naman, mabuti siyang tao," hindi siya nagsinungaling ng sabihin niya iyon."Pero paano kung malaman niyang may asawa ka at ayaw niya na sayo?" Ang init ng hininga nito ay dumadampi sa kanyang mukha."Kung ganoon, hahanap pa ako ng iba. Mahirap makahanap ng palakang may tatlong paa, yung matandang mayaman, pero maraming lalaki na may dalawang paa, walang tungkod, kahit hindi mayaman, pwede na.. Sa hitsura kong ito, siguradong makakahanap ako.""Mukhang desidido kang mangaliwa, Maureen?"Ngumiti siya, "ayaw mo akong hiwalayan, pero may kabit ka? eh di pwede din akong manlalaki, para patas tayo."Matamang tinitigan siya ni Zeus, iniisip pa rin ng lalaki, na nagpapapansin siya dito. "Sige, tingnan natin kung may magmamahal sayo, kapag nalaman nila, kung anong klasen babae ka.""Kung hindi mo sasabotahehin, siguradong may magmamahal sa akin." Ngumiti siya dito."Hindi ako ganoong kababaw." Bumuntong-hininga si Zeus, "Pero sa katawan mo...
Paglingon ni Maureen, nakita niya si Zeus na nakasandal sa pintuan. Grabe ang alindog ng lalaking ito. Bakit saang anggulo niya ito tingnan, talagang nag uumapaw ang sez appeal nito?Hindi patas ang Diyos. Hindi lang sa binigyan si Zeus ng sobrang kayamanan at kapangyarihan, binigyan din siya ng perpektong mukha at seksing katawan."Ikaw ba ang bumili nito?" tanong niya dito.Tinitigan siya ni Zeus at ngumiti. "Ibinigay ito ng isang kliyente. Kung gusto mo, pwede mong gamitin.""Ah." Isa na naman palang regalo mula sa isang kliyente.Tinitigan pa ni Maureen ang bag nang sandali, saka ito binalik sa pwesto. Isinama rin niya ang pink na diamond na kwintas na ibinigay nito sa kanya noong nakaraang araw. Hindi niya kukunin ang mga bagay na hindi niya pag aari.Nang makita ni Zeus na ibinabalik niya ang bag, nanigas muli ang mukha nito at sinabi sa kanya ng may malamig na tono, "Ayaw mo?""Ayoko, masyadong mahal ang bag na ito para sa akin. Kung masira, hindi ko kayang bayaran. Titignan ko