Natigilan si Marissa, tapos ngumiti, "Sige, maaasahan mo naman ako." "Pagkatapos ng hapunan, pakiusap tita Marissa, na ipagtimpla mo ng kape ang lahat at maghiwa ng prutas." Hindi man lang tumingin si Zeus sa kanyang tiyahin habang nagsasalita. Nabilaukan si Marissa. Gustong tumawa ni Zeus pero hindi niya magawa, at ayaw niyang ipakita ang kanyang nararamdaman. Tahimik na nakinig si Maureen, medyo gumaan ang pakiramdam niya sa sinabi ng asawa at gusto niyang tumawa. Si Marissa ay palaging may mga patutsada sa kanya noon, kaya't natuwa siyang makita itong napahiya. Pero hindi siya maaaring tumawa ng lantaran, kaya't yumuko na lamang siya at pinigilang tumawa. "Nakakatawa ba talaga?" Nilagyan ni Zeus ng gulay ang kanyang plato. "Hindi." Pinipigilan niya ang kanyang sarili, tumingala siya, at nakita ang mga gulay na nasa kanyang plato. partikular na, ang spinach. Spinach? Nabigla siya saglit at tiningnan si Zeus, na kumakain nang dahan-dahan at tahimik. Akala ni Maure
Saglit na huminto si Maureen at narinig niyang sinabi ng kanyang asawa, "Wala kayong pakialam dito." "Bakit wala? Ito ang panghabambuhay mong kalagayan, Zeus. Nasa 30 ka na ngayong taon. Ang kalusugan ko ay ganito na at hindi na siya magtatagal ng maraming taon. Ang tanging hiling ko ay magkaroon ka na ng anak, at ng magkaapo na ako. Sa oras na mangyari iyon, magiging matatag ang posisyon mo sa kumpanya, kahit wala na ako, magkakaroon ka ng anak na makakasama mo..." Hindi sumagot si zeus sa mga salitang ito. Bahagyang humakbang siya gamit ang kanyang mahabang mga binti at pumasok sa silid. Naramdaman ni Emie ang bigat sa kanyang paa. Lumingon ito at nakita siya na naroroon. "Gaano ka na katagal na nakatayo diyan?" Nasaktan siya. Ngunit kailangan niyang aminin sa sarili na totoo ang sinabi ng biyenan. Hindi siya karapat-dapat kay Zeus, maging kay Brix. Hindi kailanman inaasahan ni Maureen ang anuman. Gusto lang niyang magkaroon ng maayos na buhay at tuparin ang kanyang mga pangara
Sinipa ito ni Rex, "Anong kalokohan ang sinasabi mo? Ito ang asawa ni Zeus, si Maureen." "Pasensya na, Maureen, hindi ko alam, may asawa na pala si Zeus." Agad na nag-sorry ang lalaki. Nakatingin ito sa kanya na parang hindi makapaniwala. Ngumiti si Maureen dito, "Wala iyon." May apat na tao sa loob ng private room na iyon, lahat sila ay napakagwapo. Bumaling si Maureen kay Rex at bumati, "Kumusta, Doctor Rex?" Si Rex ang responsable sa kanyang monthly check up, kaya magkakilala silang dalawa. "Kumusta na kayong mag asawa?." Pinaalis ni Rex ang dalawang tao sa gitna at pinaupo silang mag asawa doon. Ang lahat ay nakatingin sa kanya. Dumating ang waiter na may dala ng alak. Uhaw na siya kaya kumuha na siya ng baso, pero kinuha iyon ni Zeus, saka nagbilin sa waiter, "Magdala ka ng isang baso ng orange juice dito para sa kanya." "Gusto kong uminom ng malamig." Gusto sana niya ang malamig na alak na nakahain sa lamesa. "Nakalimutan mo na ba kung ano ang hitsura mo nang lasing ka k
Ang pera niya ay 100,000 lang, kulang pa iyon sa pambayad sa mga ito. Nakita ni Royce na tila hindi siya mapakali, ngumiti ito sa kanya, "Maureen, wag mong sabihing wala kang pera?" "Hindi maaari iyon," sabat n i Rex, "Nandito ang asawa niya, kahit milyon pa ang ipatalo niyan, walng problema." Namula ang mukha ni Maureen. Nakakahiya kapag hindi siya nakabayad sa mga ito. Habang siya'y naiipit sa problema, biglang sumigaw si Rex,"Zeus, natatalo na ang asawa mo, bakit hindi ka lumapit dito upang tulungan siya?" Nakaupo sa sofa si Zeus at nag-i-scroll sa cellphone ng marinig ang tawag ni Rex. Tumingin siya sa gawi ng mga ito. Nakatingin sa kanya si Maureen na animo ay higad ang kilay.Nangunot ang kanyang noo, saka tumayo at naglakad palapit sa mga ito. "Umusog ka palapit sakin." Tumingin si Maureen sa kanya. Tumingin siya pababa sa dito, "Lumapit ka nang kaunti, narinig mo ba?" Kinakabahan si Maureen, kaya lumapit na lang siya ng kaunti sa asawa. Umupo si Zeus at bahagyang binuk
Hindi na pinansin ni Zeus ang pagtawag sa kanya ni Shane, mabilis na naglakad palabas gamit ang kanyang mahahabang hakbang at natagpuan si Maureen sa labas ng club.Nakita niya itong nakaupo sa gilid ng kalsada, nakatitig sa mga bulaklak naparang may malalim na iniisip.Nilapitan niya ang kanyang asawa. Napatingala ito sa kanya.Bigla niyang hinawakan ang pulsuhan nito,at walang sinabing kahit ano, at dinala niya palakad si Maureen palayo sa lugar na iyon.Nabigla si Maureen, "Zeus, ano ang ginagawa mo?""Uuwi na." Yun lang ang sinabi niya, pinapasok niya sa loob ng sasakyan si Maureen, at nagmaneho patungo sa kanilang ancestral house.Tahimik lang si Maureen sa buong oras na nasa biyahe sila..Pagdating nila sa ancestral house, pareho pa rin silang walang imik. Kinuha ni Maureen ang kanyang mga damit para maligo, at tahimik na nag-shower sa banyo.Paglabas niya mula sa shower, nakita niyang may kausap si Zeus sa telepono.Mukhang si Shane ang tumatawag. Narinig ni Maureen na sinabi n
Bumilis ang tibok ng puso ni Maureen, "paano niyo nalaman?""Tumawag siya sa akin kaninang umaga at sinabi niya." Hindi maitago ni Emie ang kanyang ngiti.Sa wakas ay nalaman niya kung bakit masaya ang kanyang biyenan. Lumalabas na alam na nito na buntis si Shane. Wala siyang ipinakitang emosyon at tumango, "Oho. Totoong buntis si Shane," at wala na siyang masasabi pa. "Anak ba iyon ni Zeus?" tanong ulit nito. "Si Shane na lang ho ang tanungin niyo, ma." Hindi niya alam kung anak nga iyon ng kanyang asawa, dahil wala naman itong sinasabi o inaamin sa kanya. Nagmula lang sa bibig ni Shane ang balitang anak ito ni Zeus. "Mukhang kay Zeus nga." sabi ni Emie, "Yun ang sinabi niya sa akin kaninang umaga." Mula sa mga sinabi nito, excited na itong magkaapo at akuin ang anak ni Shane bilang anak ni Zeus.Nadismaya siya at tumingin sa labas ng bintana. Alam niyang hindi siya dapat magdamdam. Dalawang taon na ang nakalipas, pinagplanuhan ng kanyang ama si Zeus. Lahat sa pamilya Acosta ay
Nang makita ni Emie na umayon siya sa nais nito, labis itong natuwa. Pagkatapos siyang ihatid nito sa kanilang bahay, binigyan din siya nito ng dalawang kahon ng dried vegetables, "Maureen, hindi maganda ang kalusugan mo, ang dalawang kahon na ito ay makakatulong sa iyong katawan." "Salamat, ho, mama," sabi niya na may ngiti. Sabi pa nito, "Tungkol sa usapan natin, ayokong malaman ito ng ibang tao." "Sige ho," sang-ayon niya. Umalis na ang sasakyan nito. Nakatayo siya sa bakuran dala ang mga gamit niya, at unti-unting nawala ang kalungkutan sa kanyang puso. Basta maghain ng annulment si Zeus, makakalabas na ang kanyang ama. Palihim na hinikayat niya ang kanyang sarili at nagpasya na maisakatuparan ito! Pumasok siya sa villa, at tinanong siya ni ALing Layda, "Ma'am, nakabalik na po kayo. Kumain na po ba kayo ng almusal?" "Hindi pa." Ngumiti siya, maganda ang kanyang pakiramdam at nagkaroon ng gana sa pagkain. Dinalhan siya ni Aling Layda ng masustansyang almusal. K
Nabigla siya sa mensaheng iyon ng kanyang biyenan. Hindi niya inaasahan na kikilos ito ng ganoon kabilis. Nag-ayos ito ng isang blind date para sa kanya sa loob ng isang araw. Ipinadala rin nito ang numero ng iba pang partido. Napaisip si Maureen. "Para matapos na ang lahat, gagawin ko ito." Sumagot siya sa kanyang biyenan ng "OK." Lumingon, at pumili ng bagong damit na dinisenyo niya sa studio, naglagay ng manipis na makeup, at naghanda ng umalis na para sa kanyang date. Pagkakuha niya ng kanyang bag, tumunog ang kanyang cellphone. Kinuha niya ito at nakita na ang natawag ay ang kanyang asawa. "Hello." Sagot niya sa telepono habang bumababa ng hagdan, "oh, Mr. Acosta bakit ka napatawag?" Pinalitan na niya ang tawag dito. Mas bagay itong tawaging Mr. Acosta. Napahigpit ang hawak ni Zeus sa telepono at nakakunot ang noo sa kabilang dulo ng linya, "Bakit mo ako tinatawag na Mr. Acosta?" "Sa tingin ko maganda at bagay sa iyo yan." Matapos sabihin ito, tumahimik na siya at naghihi