“Ma’am, congratulations po! Dalawang buwan na po kayong buntis!”
Ang ningning sa mata ni Iza ay hindi na nawala nang marinig ang magandang balita ng doctor. Napahigpit ang hawak nya sa test results. Ang ngiti sa labi ay kusang umukit sa kaniya. Ito ang matagal na nyang hinihintay, ang maibigay kay Roman ang pinakamagandang regalo, ang isang anak.
Nakatanggap sya ng text message habang papalabas ng clinic. Tumunog ang phone nya at kinuha nya ito. Nagtataka nya itong tinignan. Galing sa isang Unknown number.
[Nakitext lang ako. Napaaga uwi namin galing Indonesia.]
“Wow.” Namangha siya dahil sumakto sa magandang balitang ito ang pag-uwi ng kaniyang asawa.
Masaya syang sumakay sa kaniyang sasakyan. Sa wakas, magkakaroon na sya ng sarili nyang pamilya. Pamilya na matatawag nyang kaniya. Pamilya na aalagaan nya.
Bata pa lang ay pangarap na ni Iza na magkaroon ng isang masayang pamilya. Lumaki si Iza sa bahay ampunan, nakaalis lamang sya doon nang ampunin sya ng mga Rosales. Sa bagong pamilya ay nakuha at nabigay naman sa kaniya ang lahat, maliban sa pagmamahal. Kaya naman nang makapagtapos ng kolehiyo ay nagtrabaho sya ng husto para makapagtayo ng sariling bahay, hanggang sa makilala nya si Roman, isang CEO sa kaniyang pinagtatrabahuhan.
“Siguradong matutuwa nito si Roman,” bulong nya sa kaniyang sarili. “Matagal na nyang gustong magkaanak. Matutupad ko na rin sa wakas.”
Sa loob kasi ng tatlong taon ay hirap silang makagawa ng anak.
Hinawakan nya ang kaniyang tyan. Nakangiti nya itong hinimas. “Kapit ka lang, ah. We are going to surprise your dad!”
Medyo makulimlim na ang langit, nagbabadya ang malakas na pag-ulan. Nang maiparada nya ang sasakyan sa parking lot ng building ay agad syang pumasok sa loob. Sa elevator pa lamang ay may iba na syang nararamdaman. Hindi nya alam kung bakit kinakabahan sya.
Nang makapasok sya sa unit nila ni Roman ay hindi nya maiwasang mapakunot ang noo. Napahinto sya sa paghakbang sa loob. Kitang kita ngayon ng dalawa nyang mata ang isang pares ng kulay pink na heels.
Napalunok sya dahil alam nyang hindi sa kaniya iyon. Nang mapagtanto ang kabuuan ng heels ay hindi nya maiwasang mapahawak sa kaniyang bibig. Kay Rebecca iyon, sa kapatid nya.
“Paanong nandito si Rebecca? Hindi ba’t na sa meeting sya sa Indonesia?” tanong ni Iza sa kaniyang isipan. “P -paano sya nakapasok sa unit namin?”
Nakarinig sya ng ungol sa itaas, kung na saan ang kwarto nilang dalawa ni Roman. Napalunok sya at unti-unting naramdaman ang kaba sa kaniyang dibdib.
Walang sinayang na oras si Iza, umakyat sya sa taas ngunit habang papaakyat sa hagdan ay naging mas pamilyar ang boses na naririnig nya. Kay Rebecca ang mga halinghing na iyon. Hindi nga sya nagkamali.
“Paano na yan if bumalik sya mamayang gabi?” malanding tanong ni Rebecca.
“Just lick my balls,” sagot ng lalaki. “Mamaya pa yun uuwi.”
Nanlaki ang mata ni Iza at napahawak sa kaniyang bibig. Napalunok sya nang mapagtanto kung sino ang kasama ni Rebecca sa kwarto nila.
It’s her husband, Roman.
“Chill. Kaya kong palabasin agad ang katas nyan. Nagpacheck up na naman ba sya?” tanong ni Rebecca na may halong pagkairita. “Gustong gusto nya talagang magkaanak sayo, ano? Sorry na lang sya, mas nauna akong magkaanak sayo.”
Nanigas sa kinatatayuan si Iza. Nanlalamig na ang kaniyang kamay at ang kaniyang paghinga ay bumibigat na rin. Ilang beses syang napalunok para pakalmahin ang sarili.
Hinawakan nya ang door knob. Bubuksan na sana nya ito ngunit nangibabaw ang takot sa kaniyang katawan. Nabitawan nya ang door knob at ang luha ay kusang tumulo sa kaniyang mata. Hindi nya kaya, hindi nya kayang makita ang asawa na kasama ang kaniyang kapatid sa kama.
Ano pang mapapala nya kung bubuksan nya ang pinto? Alam naman ng lahat na hindi sya gusto ng mga magulang ni Roman. It’s always her sister, Rebecca.
Sa loob ng tatlong taon nilang kasal ay hirap na talagang magkaanak si Iza. Ngayon na may anak na sya ay naabutan naman nya si Roman na nakikipagtalik sa kaniyang kapatid. Marahil ay nagsawa na sa kaniya si Roman at naghanap ng ibang babae para sa anak na matagal na nyang gusto.
“C -cheater,” bulong nya sa sarili bago tuluyang bumaba para lumabas ng unit. “T -tangina nyo.”
Lumakas na ang ulan, ang bawat patak ay maririnig sa labas. Kasabay ng paghakbang nya sa labas ng building ay sya ring pagbagsak ng luha sa kaniyang mga mata.
Ang mainit na luha ay hindi na nya maramdaman dahil agad syang nabasa ng malamig na tubig ulan.
Hindi na nya napansin ang sasakyan nya sa parking lot at wala sa sariling naglakad palabas, papalayo sa building na ngayon ay kinasusuklaman nya.
Sa bintana ng unit, nakatitig sa kaniya si Rebecca. Nakangisi ito habang pinagmamasdan ang kapatid na ngayon ay basang basa ng ulan.
Nagtagumpay ang plano nya. It was all her plan. The voice of Roman was edited.
Kilala nya ng lubos ang kapatid, hindi ito papasok dahil duwag ito at tama nga sya. Dahil sa kaduwagan ng kaniyang kapatid ay nagtagumpay sya.
“Akala mo ba susuko ako? No fucking way,” bulong nya at uminom ng red wine. “Kung hindi ako masaya, hindi rin kayo sasaya.“
Nawala na sa paningin nya si Iza. Nakalayo na ito at kasalukuyang na sa highway.
Hindi namalayan ni Iza na dito sya dadalhin ng kaniyang mga paa. Wala na sya sa sarili, marahil ay natabunan ng lungkot at pighati ang isipan. Nanlalabo na rin ang mata nya dahil sa walang humpay na pagpatak ng kaniyang luha.
Hanggang sa magulat sya nang makarinig ng malakas na busina galing sa kaniyang likuran. Pagtalikod nya ay agad syang nasilaw dahil sa papalapit ng truck.
Pinilit ng truck na huminto pero huli na ang lahat, nabangga na sya.
Ang kaniyang katawan ay tuluyang niyakap ang malamig na kalsada.
———————————————-
Habang hawak ang isang folder na kulay itim ay patuloy na binabasa ni Roman ang report na ibinigay ng secretary nya. Na sa Indonesia sya ngayon para sa business meeting nya.
Napakunot ang noo nya nang nagmamadaling pumasok ang kaniyang assistant. Bakas sa mukha nito ang kaba at batid nya na may masama itong balita.
“S -sir!” sigaw nito na halatang natataranta. “S -si Miss Iza po, naaksidente po!”
Tila ba binuhusan ng malamig na tubig si Roman sa mga narinig. Napatayo ito at agad na inilapag ang folder.
“Book a ticket, please. Ngayon na!”
Palabas na sana sila nang tumunog ang kaniyang phone. It’s their family doctor.
“I’m busy,” agad na bungad nya. “Call me later.” Papatayin na sana nya ang tawag nang marinig ang sinabi nito. Napahinto sya at mas lalong kinabahan sa sitwasyon. Napalunok ito at binilisan ang paglabas ng kaniyang office.
“Congratulations, Roman! Mrs. Iza Jones is 2 months pregnant!”