Umaga pa lang ay ramdam na kaagad ang tensyon sa building ng mga Jones, isang sikat na kompanya ng pabango sa Pilipinas. Habang nakapila ang mga guard at ang mga empleyado ay walang maririnig na kahit na anong ingay. Takot na lamang nila sa kanilang boss.
Hanggang sa sumapit ang alas otso, eksaktong pagdating ng isang mercedes benz kung saan sakay ang isang tahimik, mayaman, at striktong si Roman. Ang kasalukuyang CEO ng Jones Perfume.
Agad na lumabas ng sasakyan ang sekretarya nya na si Ruby, bitbit ang isang yellow na folder. Pinagbuksan nya ng pinto si Roman. Paglapag pa lamang ng paa niya sa sahig ay sumisigaw na kaagad ng karangyaan ang kaniyang kasuotan.
“Good morning, sir,” bati ng mga guard sa kaniya at nagsiyukuan ang mga ito ng sabay.
Pagpasok nya sa loob ng building ay nagsiyukuan din ang mga empleyado at binati rin sya na tila ba sya ay isang diyos. Tila ba walang tainga si Roman dahil ni hindi nya binibigyan ng pansin ang mga ito at patuloy lang sa paglalakad hanggang sa makapasok ng elevator.
“Sir, you have a meeting today at 1:00 pm in Tokyo, Japan. Launch of our product,” ani Ruby habang nakatingin sa folder na hawak nya. “Should I call your pilot?”
Tumango naman si Roman bilang sagot. Napatingin sya sa kaniyang relos. “Can you call him now? 4 hours ang byahe, right?”
“Yes, sir,” sagot ni Ruby sa kaniya.
Sinunod ni Ruby ang utos ng kaniyang boss. Sa pagbukas ng elevator ay syang paglabas nila kaagad. Tinawagan kaagad ni Ruby ang pilot na maghahatid sa kanila sa Tokyo. Apat na oras ang byahe kaya kailangan na nilang makaalis ngayon para makaabot sa meeting.
Hindi na nagulat si Ruby nang makakita ng panty at bra sa sahig habang naglalakad. Tinawagan na rin nya kaagad ang janitor para linisin ito.
Sa loob ng anim na taon nyang pagsisilbi kay Roman ay kilalang kilala na nya ito. Isang womanizer na ginagawang damit ang mga babae na araw-araw kung magpalit.
Napailing na lamang si Ruby at sumunod sa office ni Roman. May kinuha lamang itong ilang gamit tulad ng kaniyang phone na marahil ay naiwan nya kagabi habang nakikipagtalik sa isang babae.
Nakatanggap ng tawag si Ruby na nasa itaas na ang private plane na gagamitin nila.
“Let’s go,” ani Roman at lumabas ng office.
Nagpunta sila sa pinakatuktok ng building. Doon ay naabutan nila ang isang private plane na naghihintay sa kanila para makaalis.
Pumasok si Roman sa loob at agad na umupo at pumikit. Hinayaan nya ang sarili na maramdaman ang aircon sa katawan.
Hindi maganda ang gising nya, ramdam iyon sa malamig nyang mga tingin. Ang rason ay dahil sa inilabas na pahayag ni Rebecca sa interview kaninang umaga.
“She’s such a liar,” aniya at hinilot ang kaniyang sentido.
After 4 hours, lumapag ang kaniyang private plane sa isang malawak na field ng mga Hinata, ang pamilya na nag-invite sa kanila ng meeting para maintroduce ang Jones perfume sa Japan.
Nang makababa ay inalalayan kaagad sila ng mga guard. Ngunit hindi akalain ni Roman na hindi meeting ang pupuntahan nya kung hindi isang party. Sinalubong sya ng mga eleganteng tao sa iba’t-ibang industriya. May mga artista at may mga kilalang malalaking tao sa bansang Japan. Sobrang lawak ng mansyon na ito, naglalakihan at nagsisigawan ang mga kagamitan sa karangyaan.
Sa kanilang pagpasok sa loob ay inalalayan sila ng isang naka men in uniform sa isang lamesa. Nagtataka silang umupo ni Ruby hanggang sa pumunta sa mesa ang kilalang tao sa Japan.
“Good morning, young man,” ani Ichikawa Hinata, ang CEO ng Hinata Corp na nag-imbita sa kaniya. “I know you're a little confused right now, but don’t worry my secretary will guide you after the party, ok?”
Tumango si Roman at ngumiti. “Noted, Mr. Hinata,” sagot nya.
Nang umalis si Mr. Hinata ay tsaka pa lamang lumibot ang tingin nya sa kabuuan ng mansyon. Bukod sa nga kilalang tao, ang mga gamit din sa loob ngayon ay kumikinang. Masyadong maimpluwensya si Mr. Hinata at pagkakataon na nya ito para maipakilala ang Jones Perfume sa Japan.
“Sir, I will get some food po,” ani Ruby. “Want nyo?”
Umiling siya at mas pinili na ilabas ang kaniyang phone. Dahil sa nakuhang sagot ni Ruby ay umalis ito ng mesa.
Nagbrowse si Roman at habang nakaupo ay nagtaka sya nang may kumalabit sa kaniya. Nilingon nya ito at halos magulat at mabitawan ang cellphone na hawak nang makita ang isang bata.
Kumakain ito ng lollipop at nakatingin sa kaniyang mga mata.
“Hi!” bati ng batang lalaki. “I like your eyes! Same color as mine!” masayang sabi ng bata.
Napalunok naman si Roman nang makita ang mata ng bata. Katulad ng sa kaniya, mayroon din itong kulay asul na mga mata. Sa kabilang banda ay napahinto naman si Ruby nang makita nya ang kaniyang boss na kausap ang isang bata.
Napahinto rin ito dahil sa nakita. Kamukhang kamukha kasi ni Roman ang bata at pareho pa sila nito ng kulay ng mata.
“I -is he your son, sir?” takang tanong ni Ruby.
Napalingon naman si Roman sa narinig. Nagtataka nyang tinignan si Ruby sa sinabi nito.
Paanong magkakaanak si Roman?
Lagi itong gumagamit ng condoms sa mga nakakatalik nya. Sigurado syang wala syang nabuntis.
“Can I hug you?” muling sabi ng bata at ibinuka ang mga kamay. “Please? This is my first time seeing someone with the same color of my eyes.”
Hindi alam ni Roman ang gagawin. Hanggang sa kusang gumalaw ang katawan nya at kinarga ang bata. Kusang umukit ang ngiti sa mukha ng bata at lumitaw ang dimples nito. Hindi namalayan ni Roman na naptitig sya sa bata.
Hanggang sa inilabas ni Ruby ang phone nya at kinuhanan sila ng picture. Agad na itinago iyon ni Ruby at tinanong ang bata.
“Hi, what’s your name?”
Lumingon ang bata sa kaniya. Ngayon ay pati si Roman ay nakatingin na rin. Magkamukha nga ang dalawa at natawa pa sya ng mahina dahil sabay silang nagtaas ng kilay.
“My name is Aikee,” sagot ng bata sa kaniya.
“Wow,” manghang sagot nya. “What a beautiful name. How old are you, Aikee?“ dagdag nya pa.
Itinaas ng bata ang kaniyang daliri. “I’m six,” simpleng sagot nito.
Tila ba nagkaroon ng kuryente ang bumbilya sa isipan ni Roman. Nanlaki ang mata nya at muling tumingin sa bata.
“You’re six?”
Tumango ang bata sa kaniya. Naalala na naman niya ang huling tawag ng kanilang family doctor six years ago.
“Congratulations, Mrs. Iza Jones is pregnant!”
Six years na dapat ang anak nya ngayon kung hindi lang nawala si Iza sa kaniya. Napakagat ng labi si Roman at napailing
Natigil sila nang may huminto sa mesa nila. Napalunok siya nang mapagtanto kung sino iyon. Si Aileen Fujitsu at Mark Fujitsu.
“Hi, handsome!” bati ng dalawa sa kaniya. “Can we get our grandson? We have been looking for him for almost 30 minutes.”
Napasimangot naman ang bata at yumakap nang mahigpit kay Roman na ikinabigla nya.
“No, daddy lo!” sagot ng bata. “Five more minutes, please.”
Hindi alam ni Roman ang gagawin. Ang mga Fujitsu ay nagmamay-ari ng isang malaking entertainment company both Japan and Philippines. Napalunok sya at hinarap ang bata.
“Come on, they are worried, little Aikee,” ani Roman.
“Yup, baby. Your mommy Iza will be mad at us if you do not eat.”
Tila napako sa kinauupuan si Roman sa narinig nya. Napapikit sya ng ilang ulit at hindi na naramdaman ang pagkuha ng mga Fujitsu sa batang karga nya.
Hindi sya pwedeng magkamali.
Iza.
Iza.
Iza ang narinig nyang lumabas sa mga bibig ng mga Fujitsu. Ang pag-asa sa kaniyang puso ay tila ba muling sumibol.
“Y -you’re alive…my wife.”