“Alive?” takang tanong ni Ruby kay Roman. “Sino pong alive?“
Napalunok si Roman at nag-iwas ng tingin. Hindi nya mawari ang sarili kung bakit nya nasabi iyon. Maybe coincidence lang na magkapangalan or marahil ay dahil ito na lang ulit ang pagkakataon na narinig nya ang pangalan ng kaniyang asawa sa ibang tao.
“Never mind,” sagot nya kay Ruby. Tumayo sya at tinuro ang mga pagkain. “I’ll try some Japanese food.”
Nang makaalis ay napakunot na lamang ng noo si Ruby. Sa kasamaang palad ay walang idea si Ruby sa mga nangyari noon dahil tatlong buwan matapos ng aksidente ay doon pa lamang sya natanggap bilang bagong sekretarya ni Roman.
———————————————————-
“Grabe, kaunting galaw ko lang pinagpapawisan na ako kaagad.”
Pinaypayan ni Iza ang sarili gamit ang kaniyang kamay. Hindi nya akalain na ganito kainit sa Pinas ngayon. Kakatapos lamang nya maligo ngunit pinagpapawisan na sya kaagad.
“What time ang uwi nila tita?” kuryosong tanong ni Kath sa kaniya na ngayon ay kalalabas lang ng kwarto nito. Medyo late na sya sa office ngayong araw dahil nagligpit at nag-ayos pa sila ng gamit kagabi ni Iza.
Napatingin si Iza sa kaniyang relos. Maaga pa kaya may oras pa syang makabili ng mga sweets sa kaniyang anak bilang pasalubong.
“Around 10 or 11, ate,” sagot nya. Naglagay sya ng sunscreen sa mukha. “Lalabas muna ako ate to buy some sweets for Aikee, ah. Want mo bang sumama?”
Kinuha ni Kath ang kaniyang bag sa sofa. “Late na ako sa office, vih,” sagot nya. “For sure naman sa building din bababa sila Tita Aileen. So need ko rin magprepare for them. Bibili na lang ako ng regalo later sa madadaanan kong store.”
Tumango si Iza bilang sagot. Nagpaalam na sya kay Kath na mauuna na sya dahil na sa tapat na ng bahay ang grab. Kasalukuyan syang nakasuot ng red dress. Huli na rin para magpalit dahil ngayon ay magcocommute sya. Wala pa kasi ang sasakyan nya at napakalayo ng mall sa daan na dadaanan ni Kath papuntang office.
“Kuya, sa nearest mall po,” aniya pagpasok ng sasakyan. Kinuha nya ang pera at inabot ang isang libo sa driver.
“Nako, ma’am,” sagot ng driver. Tinignan sya nito sa salamin na nasa harapan. “Wala pa po akong barya.”
Ngumiti si Iza. “Keep the change po.”
Kagaya ng sinabi nya sa driver ay ibinaba nga sya nito sa nearest mall. Nagpasalamat ulit ang driver sa kaniya at tuluyan syang bumaba.
It’s been 6 years simula nang makapagmall sya dito sa Pilipinas. Pagpasok sa loob ay doon lamang sya nakaramdam ng presko. Lahat nang madaanan nya ay napapalingon sa kaniya. Ganoon kaganda si Iza.
Ito ang unang hakbang nya para sa kaniyang paghihiganti. Even though maganda na sya ay kailangan nyang baguhin ang ilan tulad ng kaniyang buhok at pananamit. Ayaw nyang magmukhang cheap ulit sa harapan ng mga taong umapak sa kaniya.
Bago pumunta sa mga tindahan ng sweets ay nagpunta muna sya sa pinakasikat na sa salon sa pinas.
Napangisi sya nang makapasok sa loob. Nakita nya kasi kung paano mamangha ang mga parlorista sa ganda nya. Umupo sya at sinabi ang gusto nyang kulay ng buhok.
“Copper po madam?” paninigurado ng parlorista. “Omg, artista po ba kayo?“
Napangiti siya at umiling. “No, I’m not,” sagot nya na medyo nahihiya.
Sinimulan nang ayusin ng parlorista ang kaniyang buhok. Hindi sila nahirapan dahil alagang alaga ito ni Iza noon pa man. Hinayaan nya ang sarili na pumikit ng ilang sandali. Habang nakapikit ay naririnig nya ang isang interview mula sa tv.
“How true na ikakasal na kayo?”
“Omg.”
“So it’s true?”
“Super true and yes, tito girl. Tama po kayo ng narinig. We are engaged.”
Hindi pwedeng magkamali si Iza sa narinig. That familiar voice. Ang boses maarte na narinig nya. Ang boses na ikinaiirita nya noon. Ang boses na lubos nyang kinasusuklaman. That voice was from her sister, Rebecca.
Dahan dahan nyang iminulat ang kaniyang mata. Napangisi sya at hindi nga sya nagkamali dahil agad na bumungad sa kaniya si Rebecca. Nakangiti ito sa tv habang kaharap ang sikat na interviewer na si Tito Girl.
Kagaya ng dati, maarte pa rin ito magsalita. Mukhang anghel sa harap pero demonyo kapag lubusan mong nakilala.
Napangisi sya at muling pumikit. “Just wait for me, ok? Magkikita rin tayo,” ani Iza sa kaniyang isipan.
Hindi nya namalayan ang oras. Binabanlawan na ngayon ang buhok nya at dahil sa mga specials treatment at special product ay agad nyang nakuha ang resulta na gusto nya.
Habang nakatitig sa salamin ay tanaw nya ngayon ang bagong kulay nyang buhok. Isang kulay copper na talagang kumikinang kapag natatapat sa araw.
“M -madam, sigurado po ba kayo?” hindi makapaniwalang tanong ng parlorista. “M -masyado po itong malaki. Hindi ko po ito matatanggap.”
Tumango siya at ngumiti. “Yup, I’m sure,” sagot nya. “Thank you for this wonderful result!”
Agad na syang lumabas para hindi na makatanggi ang parlorista sa inabot nyang 10,000 tip. Habang naglalakad ay mas lalo syang nakakakuha ng atensyon. Bawat mata ay namamangha dahil sa ganda at puti ng kutis nya.
Naisipan nyang pumunta sa isang sikat na brand ng mga bags. Ireregalo nya sa kaniyang mommy at para na rin sa kaniya.
Bago sya pumasok ay sinigurado muna nyang makikilala sya sa loob. Tinawagan nya ang humahawak ng branch na ito para solo syang makabili.
“Hi, Dear!” agad na bati sa kaniya ng may-ari.
“Hi, Miss Crizel!” bati nya pabalik. “I’m currently here in the Philippines. I already sent you the exact location of the branch. I’m planning to buy bags for mom.”
“Alright! Let me call the manager real quick. Give me a minute or two, ok?”
Alam na agad ni Miss Crizel ang gustong ipahiwatig ni Iza. For her safety ay kailangan nyang mamili mag-isa. She’s a VIP! Isa ang mga Fujitsu sa mayroong malaking share and investment sa kaniyang brand.
Matapos maghintay ng ilang minuto ay narinig nya ulit ang boses ni Miss Crizel.
“Hi, dear. Thank you for patiently waiting,” ani Miss Crizel. “Everything is good. You may go now to the store. The manager is going to assist you.”
Umukit ang ngiti sa labi ni Iza. Naglakad na sya at pagpasok nya ay nakita na agad nya ang manager na para bang may hinihintay. Nang makalapit ay pinakita lang nya ang kaniyang black card. Agad syang inasikaso nito.
“Ma’am, good morning!” bati sa kaniya ng manager. Tila ba may gusto itong sabihin sa kaniya pero nahihiya ito.
“What’s wrong?” kuryosong tanong niya sa manager.
“Sorry for the inconvenience. We need to wait for two minutes. I’m really sorry.”
Napangisi si Iza sa narinig. Dahil hindi naman sya m*****a ay tumango na lamang ito. Paulit ulit na humingi ng tawad ang manager sa kaniya dahil may artista raw sa loob na nagpupumilit na hindi umalis.
“Don’t worry, ma’am. Guards are on the way,” paninigurado ng manager sa kaniya.
Ilang segundo pa ay may narinig silang sigaw sa loob.
“Ano ba! I told you na hindi pa ako tapos sa pagpili! Bakit nyo ako pinapalabas kaagad!”
“Ma’am, may VIP po kami today and binigyan na po namin kayo ng refund for that bag. It’s free na po.”
“No! Anong akala nyo sa akin, cheap? Mahirap? For your information kaya kong bilhin ang mall na ‘to! Hindi mo ba ako kilala? Artista ako! Artista! Gusto mo bang kumalat to sa balita? Gusto nyong malugi kayo?”
Napangisi si Iza sa mga narinig. Ang boses na narinig nya ay pamilyar na pamilyar. Hindi nya akalain na makikita nya ito ngayon. Parang kanina lang ay na sa tv lang ito.
“Sorry talaga, ma’am. Need nyo na po umalis. Kanina pa po naghihintay ang VIP namin.”
Nakarinig sila ng kalabog sa loob. Natataranta na ang mga staff ngunit si Iza ay kalmado lang at hindi na makapaghintay sa mga mangyayari.
“Sino ba yang VIP na tinutukoy nyo? Iharap nyo sa akin!” sigaw ng babae.
Hinawakan ng manager ang braso ni Iza. Bahagya pa syang nagulat sa ginawa nito.
“Ma’am, sorry. Let’s go to the guard.“
Hinawakan ni Iza ang kamay ng manager. Malamig iyon at mukhang grabe ang kaba na meron siya ngayon.
Ngumiti sya sa manager. “I’m fine. Trust me, she will be stunned when she sees me.“
Nakarinig na sila ng mga yabag papalapit sa pwesto nila. Eksaktong dumating ang mga guards na ngayon ay na sa likuran na nila Iza.
“Na saan ang VIP! Ituro mo!” sigaw ng babae. Nang tuluyan itong makalabas ay tila sya na estatwa sa kaniyang kinatatayuan.
Nagtagpo ang mata nilang dalawa. Si Iza ay napangisi ngunit si Rebecca ay tila nakakita ng multo ngayon.
“I -iza…” bulong nya at nabitawan ang bag na bitbit nya. “Y -you’re alive.”
Nakangiting lumapit si Iza sa kaniya. Ngayon ay na sa harapan na nya ang babaeng sumira sa kaniyang relasyon. Ang taong tinuring nya na kapatid.
Lumapit pa sya lalo at kitang kita nya ang nanlaki nitong mga mata. Bumulong sya sa tenga ni Rebecca.
“It’s been 6 years, sister. I hope you’re happy to see me.”