FUJITSU ENTERTAINMENT -
Busy ngayon ang buong building dahil paparating ang mga big boss mula sa Japan, sina Aileen Fujitsu at Mark Fujitsu.
“Ok na ba yung mga foods?” kinakabahan na tanong ni Kath sa mga staff. “Yung mga design dito sa lobby, naayos na ba lahat?”
Kath is the current Manager of the Philippine Branch ng Fujitsu Entertainment. Sya ang boss ng mga boss dito sa Pilipinas. Aside sa pagiging hands on sa mga projects ng entertainment ay grabe rin ang pagiging dedikado nya sa trabaho at bilang inaanak na rin ng mga Fujitsu.
“All goods na po, madam,” sagot ng mga staff sa kaniya. “Even the decorations are goods na rin po. Waiting na lang po sa mga flowers.”
Napakunot agad ang noo ni Kath sa narinig. Para bang nagpintig ang tainga nya sa sagot na nakuha mula sa staff.
“Ilang beses ba nating sinabihan ang flower shop na ‘yan na agahan ang delivery?” agad na tanong nya. Nakataas na ang kilay nya at napapahilot na sya sa kaniyang sentido. “Call the nearest flower shop nga. Options natin if matagalan. Now na, please.”
Napatingin siya sa kaniyang phone para tignan ang oras. Twenty minutes na lang ay darating na ang private plane ng mga Fujitsu ngunit wala pa rin ang flowers na ibibigay nila.
Hanggang sa may isang lalaki ang may dalang apat na bouquet of flowers. Medyo hinihingal ito nang makapasok ng lobby. Ang mga mata ng mga staff ay napunta sa kaniya. Agaw pansin ang lalaki dahil sa kaniyang itsura. Parang isang modelo, matangkad, maputi, at may matikas na katawan.
“Sorry po, medyo na traffic sa daan,” sabi nito at inabot ang bulaklak sa dalawang staff.
Hindi nagpatinag si Kath sa maladiyos na itsura ng lalaki. “Next time, pwedeng agahan nyo? Alam nyo na pa lang traffic di nyo pa inagahan,” naiinis na sambit nya. “Pero sabagay, wala ng next time.“
Kath is a monster, a perfectionist. Gusto nya ay naayon lahat sa mga plano ang mga nangyayari. Kilala sya sa building bilang dragona.
Nang makasigurado na ok na ang lahat ay sumakay na sila ng elevator para hintayin ang mga Fujitsu sa itaas ng building.
Ten minutes na lang. Hawak na ni Kath ang isang bouquet at hawak naman ng tatlo pang staff ang tatlong bouquet. Natatanaw na nila ang private plane. Malawak naman ang roof top ngunit kinakailangan pa rin nilang bumaba ng kaunti sa hagdanan para hindi masalubong ang malakas na hangin.
Nang makalapag ang private plane ay naunang bumaba ang mga body guards. Umakyat na rin ng tuluyan sila Kath.
Halos mawindang sila nang tuluyan nang makita ang mga big boss. Elegante ang mga ito pero nakapambahay lamang ang mga suot. Pero kahit nakapambahay ay makikita mo pa rin ang karangyaan sa kanila.
Naunang bumaba si Aileen, sinundan ito ni Mark habang karga ang isang bata na nakangiti abot tainga. Napangiti ang lahat ng makita sya. Para bang biglang nawala ang awkwardness.
“Welcome to the Philippines!” sigaw nilang lahat sa mga Fujitsu.
“Thank you, everyone!” masayang bati ni Aileen. “Omg, hi Kath! My lovely inaanak!”
B****o si Kath at inabot ang flowers. “Welcome back, tita,” aniya.
“Hi, Tita Kath!” bati ng bata sa kaniya, anak ni Iza at inaanak nya na si Aikee. “I miss you!”
Nagpakarga ito sa kaniya na sya namang binuhat nya. “Big boy! Your so gwapo, Aikee!”
“Thank you, tita!” Tumingin si Aikee sa paligid. “Where’s mommy po?”
“Oo nga, where’s my daughter, Kath?” tanong din ng daddy ni Iza.
Napakamot sa ulo si Kath. “Nako, tito. She will buy sweets daw for her son but until now wala pa rin syang reply sa mga messages ko. For sure on the way na po sya.”
Nagningning ang mata ni Aikee sa narinig. “Really? Mommy bought me sweets?”
Tumango si Kath bilang sagot. Niyaya na nya ang mga Fujitsu sa building. Agad na bumungad ang pasabog na entrance. Mga design sa paligid at ang ilang mga sikat na artista na hawak ng entertainment company ay nakapila rin para batiin sila.
“Wow, so nice!” papuri ni Aileen sa kanila.
Matapos bumati ng mga big boss ay dumiretso sila sa office ni Kath. Malawak iyon, may maliit na kitchen at pantry, may malawak na lobby. Binuksan niya ang tv para malibang si Aikee.
Samantalang ang mga big boss naman ay agad na nagreview ng mga folders para sa meeting na gagawin nila sa mga susunod na araw.
“Did Iza already reply to your messages?”
Napanguso si Iza. “Hindi pa rin po, tita.”
“Where did she go kaya?” kuryosong tanong ni Aileen.
“I’m not really sure, tita.”
Habang nagtataka sila ay biglang napunta ang atensyon ng lahat sa tv. Aksidente kasing nalakasan ni Aikee ang volume nito dahilan para marinig nila ang isang balita.
“Isang sikat na artista ang di umano’y nagwala sa isang sikat na mall. Ayon sa balita, pinaalis umano ito at hindi napigilang sumigaw at magdabog.”
Ayon ang mga narinig nila. Nagkatinginan si Aileen at Kath. Agad nilang naisip na baka isa sa mga artista ng company nila ang nagwala. Agad na tinawagan ni Kath ang mga managers to check their artist.
Tinawagan naman ni Aileen ang kaniyang kakilala to make sure na hindi sa kanila ang artista na iyon. Dahil sa kaniyang connection sa industry ay agad naman nilang nalaman kung sino iyon.
Nakahinga si Aileen ng maluwag nang malaman kung sinong artista ang nagwala. Na sa kabilang company iyon at hindi under sa company nya.
“It’s Rebecca Rosales,” ani Aileen. Nakahinga ng maluwag si Kath sa narinig.
“Mabuti naman at hindi under ng Fujitsu,” bulong nya.
Pero nang mapagtanto kung sinong artista iyon ay agad syang napadilat. Rebecca? It’s Iza's sister. Anak ng adaptive parents ni Iza noon.
Agad na inilabas ni Kath ang kaniyang phone para sana tawagan si Iza ngunit bumukas ang pinto ng office nya at doon ay nakita nila ang nakangiting si Iza
“Omg, hi baby!” bati ni Iza sa anak. Binitawan nya ang mga bitbit na paperbags at kinarga ang anak. “I miss you!”
Inulan ni Iza ng halik si Aikee. “As I promised, here’s your sweets!”
Binati rin ni Iza ang mga magulang nya. “Welcome back to the Philippines, mom and dad!”
Niyakap nila ang anak. “Where have you been?” agad na tanong ng mommy nya. “By the way, nice hair! You look so beautiful!”
“I bought some sweets for Aikee and gifts for you and dad,” nakangiting sagot nya.
Sa ikinikilos ni Iza ay hindi maalis sa isip ni Kath na baka may kinalaman ito sa nangyari kay Rebecca. At mukhang hindi nga sya nagkamali dahil mas lalo itong napangiti nang makita ang balita sa tv.
“Mommy!” sigaw ni Aikee.
Agad na bumaling ang atensyon ng lahat sa bata. Nagpakarga ulit ito sa mommy nya.
“Yes, baby? What happened?” nag-aalalang tanong ni Iza.
“Nothing,” sagot ni Aikee. “But I forgot to tell you something!”
“And what is that, baby?”
“I met a man yesterday at the party po with the same eyes as mine!” masayang sagot nito.
Napawow naman si Iza at hindi makapaniwala. “Really?”
Tumango ang anak nya. “Yes, mommy! We took a picture po at mommy la’s phone.”
Nagpababa ang anak nya at pumunta sa lola nito. Hiniram nya ang phone sa lola nya at agad na nagpunta sa kinatatayuan ni Iza.
“Here, mommy!” sabi nya at inabot ang phone.
Ang kaba sa dibdib ay biglang lumitaw sa katawan ni Iza. Para syang binuhusan ng malamig na tubig nang makita ang picture sa cellphone.
Hindi.
Hindi, pwede.
Patuloy na pinipilit ni Iza ang sarili na huwag paniwalaan ang picture.
“They look alike, right?” tanong ng daddy nya.
No, this can’t be happening! ani Iza sa kaniyang isipan.
Ang lalaki sa picture na kasama ng kaniyang anak ay walang iba kung hindi si Roman....
Ang daddy ni Aikee.