Hindi ininda ni Roman ang mga kuko na bumabaon sa kaniyang likuran. Habang patuloy na gumagalaw sa ibabaw ng isang babae ay patuloy lang din na lumalakas ang paghalinghing nito.
“Shit! It’s so f*cking good, Roman!” sigaw ng babae habang nakakagat sa kaniyang mga labi. “Make it faster! Make me a sl*t!”
Binilisan pa ni Roman ang pagbaon ng kaniyang katawan. Pabilis nang pabilis na halos masira na ang sofa ng kaniyang office. Hindi nya maitatanggi na masarap at masikip ang babaeng kasama nya ngayon.
“Ugh! Make it faster! I’m cumming like shit!” muling halinghing ng babae.
Namumula na si Roman at ang pawis ay nagbubutil na sa kaniyang dibdib. Malapit na rin nyang maabot ang r***k ng langit nang makarinig sila ng malalakas ng katok mula sa labas.
“Bubuksan mo ‘to o isusumbong kita kila tita? Roman! We are getting married but still you're a womanizer?”
Napabalikwas ang babae sa mga narinig. Napatayo ito sa sofa at napalunok sa kaba. Hindi nya akalain na may ikakasal na kay Roman.
“Shit,” mura nya at tinignan sa mga mata si Roman. “You’re engaged?”
Napailing na lang si Roman at napatayo rin. Tinanggal nya ang condom na suot at nagbihis. Tinuro nya ang isang pinto sa kabilang side. Labasan din iyon na parang fire exit patungo sa likod ng building.
“Get out, now,” malamig na sabi nya dahilan para magmadali ang babae na magbihis at agad na lumabas sa pintuan na itinuro niya.
Nang makapagbihis ay nagtungo si Roman sa pintuan. Pagbukas nya ng pinto ay agad na bumungad sa kaniya ang nanggagalaiti sa galit na si Rebecca. Bakas sa mukha nito ang inis at sama ng loob.
“What?” malamig na tanong ni Roman sa kaniya. “What do you need?”
Pinakalma ni Rebecca ang kaniyang sarili, “Anong what do you need?” hindi makapaniwalang tanong niya. “Hindi mo ba nabasa yung message ko earlier? I sent you a message! May dinner tayo with your family.”
Tinitigan lamang sya ni Roman na para bang hangin lang sya. “I told them that I’m busy,” simpleng sagot nya, “Get ou–”
“Busy? Busy sa pambabae? Busy fucking other’s p*ssy?” inis na inis na tanong ni Rebecca sa kaniya. “Act like a man, Roman!”
“Shut up,” simpleng sagot nya sa kaniya. “Were not lovers, ok? Stop acting like one!” agad nyang sinarado ang pintuan ng office.
Naiwang tulala si Rebecca sa tapat ng pintuan. Hindi nya akalain na sa loob ng anim na taon ay ganito pa rin ang kalagayan nya sa puso ni Roman, walang usad.
“I will tell your parents to move the wedding as soon as possible!” inis na sigaw nya at hinampas ng malakas ang pintuan, “You are so arrogant!”
“Fuck you,” sigaw pabalik ni Roman sa kaniya dahilan para mas lalo syang mainis,
Nang tuluyang makapagbihis ay dumaan din si Roman sa pintuan na tinuro nya kanina sa babae. Lumabas sya nang tahimik ngunit agad na nakatangap ng tawag mula sa kaniyang magulang nang makapasok sa kaniyang sasakyan.
“What?” agad na tanong niya sa kabilang linya.
“What did you do, Roman?” iritadong tanong ng mommy nya, “You are already 29 years old! You need a wife! Bakit hindi mo na lang tanggapin si Rebecca? She’s successful!”
“I already have a wife, mom,” sagot niya.
“Where? She’s dead, Roman! Move on! It’s been six years!”
Sa inis ay agad nyang pinatay ang tawag. Hinagis nya ang phone sa likod ng saskayan. Niliko nya ang manubela papunta sa kanan kung na saan ang kabilang kanto papunta sa sikat na bar malapit sa pwesto nya ngayon.
—------------------------------------------------------
Kasalukuyang nakaharap si Iza sa kaniyang laptop at nagrereview ng mga report na kailangan nyang habulin. May meeting na kasi sya sa darating na sabado at wala pa syang alam sa mga artist nila at upcoming project na gagawin nila for this month.
“Si Aikee?” tanong ni Kath sa kaniya nang maabutan sya sa kusina na nakaharap sa laptop. “Tulog na ba?”
Tumango si Iza at inayos ang kaniyang salamin sa mata. “Kinuha sya nila mom kanina,” sagot nya. “Pero nagtext si mommy, kakasleep lang daw ni Aikee kasi galing sila ng Enchanted Kingdom,” dagdag nya.
“Buti hindi ka hinanap kanina?” Kumuha si Kath ng isang chichirya at umupo sa tabi nya. “Dati laging umiiyak yun kapag hindi ka nakikita.”
Napangiti si Iza at naalala na naman ang mga panahon na nahihirapan sya sa pagpapalaki ng kaniyang anak. Yung mga panahon na halos sumuko na sya at magkasakit, pero habang tumatagal ay nawawala ang pagod nya sa tuwing nakikita ang ngiti ng kaniyang anak. Tila naging baterya nya si Aikee sa bawat araw na lumipas.
“Nakakaintindi na si Aikee,” sagot nya. “He’s a big boy na. Tsaka nagpaalam naman ako ng maayos kanina and I told him na need ko magtrabaho for him. Ayoko naman umasa lang kila mom.”
Never nanghingi si Iza sa mga parents nya. Kahit noong mga panahon na nahihirapan sya ay hindi sya nanghingi. Minsan pa nga ay gustong gusto nyang tanggihan ang mga binibigay ng mom and dad nya pero wala syang magawa kung hindi tanggapin iyon dahil para kay Aikee naman ang ginagawa nila. Ayaw kasi umasa ni Iza, iyon ang katangian na maipagmamalaki nya.
Napangiti si Kath sa mga narinig. Alam naman nya ang mga bagay na ‘yon dahil saksi sya three years ago kung paano magsumikap si Iza para makaahon sa sakit. Kaya naman kinuha nya ang kaniyang phone at agad na humarap kay Iza.
“It’s 9 o clock, vih,” aniya. “Why not take a break? Let’s go bar hopping?”
Kumunot ang noo ni Iza. “Bar hopping?” taka nyang tanong. “Wala ka bang pasok bukas?”
“It’s my off, vih,” simpleng sagot nya, “Wednesday and Thursday ang off ko. Come on, magpahinga ka muna saglit and take a breath. You're facing your laptop the whole day kaya.”
Napatitig ulit si Iza sa kaniyang laptop. Sa katunayan, tapos naman na sya at nagbabalak na lang sya magdouble check. Sa muling pag-aya ni Kath ay wala na syang nagawa kung hindi ang pumayag.
“Yeeey! Finally!” sigaw ni Kath. “Mauna na akong maligo. Turn off your laptop and take a rest muna.”
Naunang pumasok si Kath sa banyo habang sya ay pumasok sa kwarto para humanap ng susuotin. Napahawak sya sa kaniyang baba nang buksan nya ang cabinet nya. Wala rito ang mga damit nya, kakaunti lang ang meron sya. Hindi pa sya nakakapagshopping ng bongga.
Ngunit huminto ang kaniyang mata sa isang kulay silver na dress. Nakangiti nya iyon kinuha.
“Perfect,” bulong nya at tuluyan iyong inilabas sa cabinet.
Matapos ang kalahating oras ay pareho na silang nakabihis ni Kath. Nakalight make up silang dalawa. Nakasilver dress si Iza at red dress naman si Kath. Si Kath na ang nagmaneho. Habang binabaybay ang daan ay hindi maiwasang magtanong ni Kath.
"May kinalaman ka kahapon sa issue na lumabas tungkol sa kapatid mo, tama?"
Napangisi siya at humarap kay Iza. Ang ngiti sa labi ni Iza ay kusang umukit.
"Sadyang umaayon lang sa akin yung tadhana," natatawang sagot nya. "Imagine, nandun ako to do some shopping pero di ko inexpect na nandun sya."
"I knew it. Grabe yung ngisi mo nung nakita mo yung balita kahapon."
After 20 minutes of driving ay huminto sila sa isang parking lot ng sikat na bar. May VIP access si Kath dahil dito sya madalas pumupunta kapag stress sa work. Nang makababa silang dalawa ay agad nilang nakuha ang atensyon ng mga tao. They are stunning. They look like a goddess with their dresses.
Pumasok sila sa loob at nakihalo sa mga taong nagsasayawan at nag-iinuman.
-------------------------------------------------------------------------
May tama na ng alak si Roman at kasalukuyang na sa VIP room 307. Ala una na ng madaling araw at hindi pa rin sya tumitigil sa paglagok ng alak. Hindi nya mapigilan ang sarili at gusto na lamang magpakalasing. May tama na sya ng alak, medyo hilo na at wala sa sarili.
"Wala kang pasok mamaya?" tanong ng kaniyang kaibigan na si Mathew, isang Engineer. “I need to go na, I have a client meeting ng 7 am.”
Umiling siya at muling uminom. “It’s my day off,” sagot nya. “Thank you,” dagdag nya at nakipag fist bump.
Madilim ang paligid at tanging kulay pulang ilaw lamang ang makikita sa buong room. Lumabas na si Mathew at sya namang pag-inom muli ng alak ni Roman.
Hindi nya namalayan ang oras. Hanggang sa may biglang pumasok sa kaniyang room. Hindi nya maaninag ang mukha nito pero alam nyang babae base sa suot nito. Kumikinang pa ang suot at base sa mga galaw ay lasing na rin.
“Who are you?” takang tanong nya. Hinihilot na ni Roman ang sintido at pagewang gewang na naglakad patungo sa babae.
“Shut up,” sagot sa kaniya ng babae na may halong pagkairita. “Why are you here in our room?”
Sa boses ng babae ay hindi nga sya nagkamali, lasing na rin ito.
Nang tuluyang makalapit ay hindi maiwasang bumangga ng kaniyang katawan sa katawan ng babae. Parehong nakadama ng init sa isa’t-isa. Madilim ngunit kitang kita nila kung gaano kalungkot ang kanilang mata. Nagkakatitigan nang matagal hanggang sa hinawakan ng babae ang batok ni Roman at siniil sya ng isang malalim na halik.