Share

Kabanata 0002

-6 years later-

Nang makalabas mula sa private airplane ng kaniyang pamilya ay agad na sinalubong si Iza ng mainit na sinag ng araw. Kay tagal na nyang namiss ang ganitong panahon. Sinalubong kaagad sya ng isang bodyguard na mayroong bitbit na payong dahilan para mapawi ang init sa kaniyang balat.

“Good afternoon po, ma’am,” bati ng guard at inalalayan sya upang makababa ng maayos.

After 6 years, nandito na ulit sya sa Pilipinas. Ang ngiti ay kusang umukit sa kaniyang labi. Inalis nya ang kulay itim na shades na suot at hinayaan ang sarili na damahin ang init ng hangin.

Hindi na sya mapakali. Excited na sya sa mga maaaring mangyari ngayong nandito na sya sa Pilipinas. Ang kaniyang kamay ay kumuyom nang maalala ang huling senaryong naranasan nya rito, ang mga senaryong nagpapainit ng kaniyang ulo.

“Hindi na ako makapaghintay,” bulong nya sa sarili. “Luluhod kayo sa harapan ko at magmamakaawa. Hindi ako titigil hangga’t hindi kayo lumalagapak sa lupa. Pangako ‘yan.”

Nang makarating sila sa loob ng building na pagmamay-ari ng kaniyang pamilya ay agad syang sinalubong ni Kath na mayroong pagtataka sa kaniyang mukha. Nakasuot ito ng makapal na salamin at nakatrousers na kulay black. Si Kath ay nakilala nya sa Japan at naging kaklase sa US.

“Bakit nandito ka?” kunot noong tanong ni Kath sa kaniya. Hinawakan pa nya si Iza para makasigurado. “Sira ka, tumakas ka na naman ba sa pamilya mo? After three years nandito ka ulit? Nako, papagalitan ka na naman.”

Napapikit siya sa mga narinig. “Kalma, Ate Kath,” sagot nya. Hinawakan nya si Kath sa kamay at ngumiti. “Pinayagan na ako nila mom and dad. Ako na muna ang tatayong assistant mo sa branch natin dito, mom sent you an email yesterday, ate.”

Nakahinga ng maluwag si Kath nang marinig ang sagot ni Iza. Hindi pa sya nakakapagcheck ng email kaya agad nyang kinuha ang phone at doon nakita ang email ni Miss Aileen Fujitsu.

Napatitig at napangiti na lamang si Kath. Malaki na ang pinagbago ni Iza ngayon. Matured na ito hindi katulad noon.

Lagi kasi itong tumatakas noon upang silipin kung anong kalagayan ng kaniyang ex husband. Nagpapakamartyr at umiiyak araw-araw. Three years din ang nakalipas nang huli syang tumakas.

Napahinga ng malalim si Iza. Pinagplanuhan nya ng mabuti ang gagawin at ngayon ang araw upang isagawa nya ang mga plano na iyon. Bukod kay Kath ay wala ng ibang nakakaalam ng nakaraan nya kahit na ang pamilya nya. Mabuti na lamang at natagpuan sya ng kaniyang pamilya.

Matapos kasi ng aksidente 6 years ago ay kinailangan syang dalhin kaagad sa pinakamalapit na hospital. Nagkataon na ang mga Fujitsu ang may-ari ng hospital na pinagdalhan kay Iza. Nawalan sya ng maraming dugo at kinakailangan syang salinan agad.

Hindi nila akalain na ang rare blood type ni Iza ang magpapagising sa nawawalang pag-asa ng mga Fujitsu. Matagal na kasing nawawala ang babaeng anak ng mga Fujitsu, at nang malaman nila na may rare blood type na katulad nila na nasa hospital ay agad nila itong pinuntahan. Agad na nagsagawa ng test at tumugma ang dna test, si Iza ang nawawalang anak nila na matagal na nilang hinahanap.

“Gosh, si mommy tumatawag na,” ani Iza nang tumunog ang kaniyang phone sa bulsa.

Napalunok sya at sinagot ang tawag. After few seconds ay agad na bumungad sa kaniya ang isang boses ng bata.

“Mommy! I told you to wait for me!”

Boses iyon ng kaniyang anak na si Aikee. Halatang kakagising lamang nito. Hindi na nya ginising dahil isasama sya ng nanay nya sa party bukas sa Japan.

Napakamot sa ulo si Iza at napatingin kay Kath. “Sorry baby, your Tita Kath is sick so I need to go earlier than scheduled . But don’t worry, mommy la will be with you tomorrow.”

Napakunot pa ng noo si Kath dahil dinamay pa sya nito sa kahibangan nya. Napakibit balikat na lamang sya.

“Yes, mommy. Mommy la told me that we will go to the party tomorrow. Di po ikaw kasama, bleh,” sagot sa kaniya ni Aikee.

Napatawa ng mahina si Iza. “Bring me pasalubong, ok? Don’t worry, I will prepare some sweets when you arrive!”

“Noted po, mommy,” masayang sagot sa kaniya ng anak. “I will bring you lots of pizza and burgers!”

“And also boys,” rinig nyang bulong ng mommy nya sa kabilang linya na tila ba binubulungan si Aikee.

“Mom!” saway ni Iza sa kaniyang ina. “No time for boys!”

“Hehe,” guilty na tawa ng mommy nya. “Miss you, my lovely daughter! See you tomorrow!”

Nang patayin ng mommy nya ang tawag ay nakahinga sya ng maluwag.

“Dinamay mo pa ako sa kalokohan mo,” ani Kath sa kaniya.

Nag peace sign si Iza at pinulupot ang braso sa kaniya. Ganito maglambing si Iza.

“Come on, Ate Kath. Bring me to your house,” sabi nya at naglakad na pababa ng building.

“Why?” agad na tanong ni Kath. “Akala ko ba nakabili ka ng bahay near the building?”

Napanguso si Iza. “Hindi pa tapos, next week pa sya pwedeng lipatan. Sayo muna kami ni Aikee for a week, hehe.”

Napabuntong hininga na lamang si Kath dahil wala na rin naman syang magagawa.

Nang makababa ng building ay agad na sinalubong si Iza ng mga staff at ilang mga guards. Ngumiti lamang sya at nagtungo sa office ni Kath. Nagpaalam si Kath sa mga staff na maaga syang uuwi. Matapos ang ilang minuto ay na sa sasakyan na silang dalawa.

“Kumusta na? Ready ka na ba talaga?” seryosong tanong ni Kath sa kaniya.

Umandar na ang sasakyan at hindi maalis ang tingin ni Iza sa labas. Malalim ang kaniyang iniisip, kinakabahan sa mga maaaring mangyari kung sakaling makita nyang muli si Roman.

“Feeling ko naman ready na ako, it’s been three years nang makita ko sya and 6 years simula nang pagtaksilan nila ako.”

Na sa kalagitnaan sila ng Edsa nang dumapo ang tingin niya sa isang billboard. Natawa sya ng mahina at napailing.

“So it’s true,” bulong nya sa sarili.

Nang makita ni Kath kung saan sya nakatingin ay ngumiti ito ng pilit. “You’re right,” sagot nya. “Naging modelo si Roman for some reason and ang balita ko rin ay ikakasal daw sila next year.”

Kumunot ang noo ni Iza. “Next year?” takang tanong nya. “Are you sure? Bakit hindi ako nainform ng agent na kinuha ko?“

Napairap si Kath sa narinig. “Ano ka ba! Kaninang umaga lang lumabas yung interview ng kapatid mong impakta, ikakasal na raw sila next year.”

Napatiim bagang si Iza.

Hindi sya papayag na maging masaya ang dalawa habang sya ay hindi nakakakuha ng ganti.

“Here we go,” bulong ni Iza. “Let the show begin.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status