CHAPTER 42Hindi na kayang kumalma pa ni Sophia. Bagamat bata pa siya noon ay malinaw pa rin sa alaala niya ang maamo at napakagandang mukha ng kanyang ina na si Theresa na banayad at puno ng liwanag ang anyo nito.Napakahilig ng kanyang ina sa mga magagandang damit at mga alahas at mahilig din talaga ito na magpaganda ng kanyang sarili. Kahit sa huling sandali nga nito bago ito pumanaw ay espesyal niyang ginawa ang damit na iyon para maipakita ang kanyang kariktan hanggang sa huli. Ito ang huling alaala na iniwan ng kanyang ina na isang bagay na siya mismo ang gumawa gamit ang sariling mga kamay.“Hindi siya isang bagay na basta basta lang puwedeng pakialaman ng isang tulad ni Bianca!” Sigaw ni Sophia sa kanyang isipan.“Isang tulad mo na nababagay lamang sa putikan!” dagdag pa nga nito.“Hubarin mo 'yan,” galit pa na sabi ni Sophia at saka nya hinawakan sa leeg si Bianca at halos ibuhos talaga nya ang lahat ng kanyang lakas.“Hubarin mo!” gigil pa na sabi ni Sophia at bawat salit
CHAPTER 43Tumayo naman na si Sophia habang hawak pa rin nya ang masakit niyang ibabang tiyan at dahan dahan na lumapit kay Bianca.Ang dugo sa kanyang mga kamay ay patuloy pa rin na tumutulo at ang bawat patak nito ay nag iipon sa sahig at nagiging isang maliit na lawa ng dugo.“Ngayon hubarin mo ang damit na iyan,” sabi ni Sophia kay Bianca.Pinahid ni Sophia ang luha sa kanyang mukha ngunit sa halip na malinis iyon ay lalo pa nitong nadungisan ng dugo ang kanyang mukha. Nagmukha tuloy siyang nakakatakot. Ngunit sa kabila nito ay maputla pa rin siya at halatang wala nang natitirang lakas. Pero kahit ganon pa man ay nagmumukha pa rin syang malakas at matapang.“Hubarin mo ang damit na iyan,” pag uulit ni Sophia kay Bianca habang seryoso syang nakatitig dito.Akmang tatakbo na sana si Bianca ngunit mabilis siyang hinawakan ni Sophia sa pulso gamit ang kamay niyang walang sugat.“Huwag mong pagnasaan ang hindi sa’yo,” galit pa na sabi ni Sophia kay Bianca. “Kung gusto mong mang agaw ba
CHAPTER 44"Isang pangungusap lang naman ang sinabi ni daddy noong mga oras na iyon," nakangiti pa na sabi ni Bianca habang nakatingin sya kay Sophia. "Alam mo ba kung anong sinabi ni daddy? Sinabi ni daddy na talaga yatang malas. Sinabi niyang sobrang tanga ng unang misis niya. Bakit nga ba siya nagpasya na magpakamatay sa kanyang kaarawan? Dapat sana'y ibang araw na lang siya namatay," tatawa tawa pa na sabi Bianca.Alam naman ni Sophia na sinasadya ni Bianca na inisihin siya sa pagkakataong ito. Naiintindihan niya ito ngunit hindi pa rin niya mapigilan ang galit na unti unting umuusbong sa kanyang dibdib.Titig na titig naman si Sophia kay Bianca habang may nakakalokong ngiti sa kanyang labi. Habang si Bianca naman ay patuloy na nakangiti sa kanya habang inaalis ang silver dress at saka nito itinatapon kay Sophia iyon."Akala mo ba magugustuhan ko ang mga damit ng patay?" sabi pa ni Bianca kay Sophia.Agad naman na kinuha ni Bianca ang isang bagong high end na damit mula sa silid
CHAPTER 45 Ngayon ang anibersaryo ng pagkamatay ng ina ni Sophia. Ano na nga ba ang nagawa niya? Para bang biglang bumagal ang lahat at ang mga alaala ng nakalipas na tatlong taon ay nagsimulang maglaro sa kanyang isipan na tila isang pelikula na nagpe play sa slow motion. Bigla pa nyang naalala ang isang pangyayare noon sa kanila ni Sophia. "Francis anibersaryo ng pagkamatay ng nanay ko sa loob ng tatlong araw. Pwede mo ba akong samahan para magbigay galang sa kanya?" sabi ni Sophia. Hindi pa man tapos ang mga salita ni Sophia ay bigla na nga niyang pinutol ang pagsasalita nito. "Kailangan kong lumipad papuntang ibang bansa para sa isang meeting. Bilhin mo na lang ang mga kailangan mo," sabi ni Francis at saka nya Kinuha ang itim na card at iniabot kay Sophia at dali daling umalis. Sa tuwing anibersaryo kasi ng kamatayan ng ina ni Sophia na si Theresa ay lagi siyang iniimbitahan ni Sophia na magpunta sila sa puntod nito. Ngunit paulit ulit naman itong tinatanggihan ni F
CHAPTER 46Sa mga nakakakilala kay Sophia siya ang anak ng pamilya Marquez na isang honor student sa pinasukan nito na University sa syudad at isang henyo na walang kapantay sa lahat ng asignatura. Ngunit sa likod ng mga mata ng iba ay siya ang utak sa likod ng isang mabilis na umuunlad na negosyo.Noong una ay hindi alam ni Raymond ang tunay na pagkakakilanlan ni Sophia. Kung nalaman lang sana niya agad ito ay mas seryoso sana niyang tinutukan noon pa man ang dalaga.Akala niya ang pinakamalaki niyang pangarap ay magkaroon ng sariling negosyo pero hindi niya inasahan na ang Prudence Group of Company ay mabilis na lumalago at ang magiging katuparan ng kanyang mga hiling.“Bakit nga ba tinawag na Prudence Group of Company iyon?” hindi na maiwasang tanong ni Raymond kay Sophia.Sino ba naman kasi ang mag aakalang ang kumpanyang ito ay mayroon palang koneksyon kay Sophia.“Ang Prudence ay nangangahulugan ng paggawa at maingat na desisyon. Kaya yan ang naisip ko ay dahil gusto ko na mag
CHAPTER 47"Francis napakalupit mo naman," hindi na napigilan ni Dr. Gerome na sabi. "Pwede mong sabihin na abala ka sa trabaho at hindi mo siya masamahan sa pag alay ng respeto kay Ms. Theresa. Pero ang dumalo sa kaarawan ni Nelson ngayon? Para kang sumaksak ng kutsilyo sa puso niya," dagdag pa ninDr. Gerome at ramdam mo sa tinig nito ang lamig ngunit hindi sumagot si Francis rito at bahagya lang itong yumuko habang si Kurt naman ay napabuntong hininga na lamang."Kung maghahangad ako gusto ko nang kamuhian ka ng lubos. Alam mo bang niloko ni Nelson ang ina ni Sophia na si Ms. Theresa? Nagkaanak pa siya at si Bianca iyon habang kasal sila pa sila ni Ms. Theresa. Hindi ko alam kung si Theresa ba ay namatay sa mismong araw ng kaarawan ni Nelson. Pero ikaw iniwan mo talaga si Sophia para kay Bianca na isang anak sa labas at dumalo ka pa sa kaarawan ng walang hiyang iyon sa mismong araw ng kamatayan ng ina niya!" galit pa na sabi ni Kurt.Gusto sana nyang tawagan si Sophia upang kumus
CHAPTER 48Bago pa man niya inasam ang hiling na iyon ay labis niyang hinangad na manatiling konektado kay Francis. Pero ngayon ang pagkapit sa kanya ay parang tali na hindi lang sumasakal kundi paulit ulit na nagbibigay ng sakit sa kanya.Sa tuwing naiisip niya si Francis ang masakit na alaala ng araw na ito ang bumabalik. Hindi niya nais maramdaman ang ganitong sakit at lalong hindi niya kayang tanggapin ang ganitong kawalang respeto sa kanya."Isa rin akong tao na marunong tumawa, masaktan at mangarap Kurt. Matapos ang lahat ng ginawa ni Francis paano ako magpapanggap na parang walang nangyari at harapin siya ng mahinahon?" seryosong sabi ni Sophia kay Kurt. Sandali pa nga syang tumigil sa pagsasalita at saka sya bumuntong hininga."Kurt hindi ba pwedeng kahit minsan lang ay hayaan niyo akong maging makasarili?" nginig ang boses na sabi ni Sophia.Mapait pa siyang ngumiti na para bang pilit nitong itinatago ang sugat na hindi niya kayang lunasan.Napatahimik naman si Kurt at tila
CHAPTER 49Dumating na nga si lolo Robert. At alam naman na ito ng lahat ng naroon pati na rin si Sophia.Bahagya pa nga na napakunot ang noo ni Sophia pero sa pagkakataon na iyon ay kusa naman na syang umupo sa tabi ni Francis. Hinawakan pa nga niya ang kamay ng lalaki na para bang magkasintahan sila na naglalambingan.Sino mang makakita sa tagpong iyon ay iisiping isa silang masayang mag-asawa. Ngunit sino ang mag aakala na ang lahat ng ito ay isang palabas lamang?Pagbukas ng pinto ni lolo Robert ay nasilayan niya ang eksena mula sa gilid. Sandaling natigilan ang matanda at halatang nagulat pa nga ito. Agad namang sumalubong si Kurt sa matanda at nakangiti pa nga itong inimbitahang pumasok sa loob si lolo Robert."Lo bakit pa po kayo nagpunta rito? Sabi ko naman po sa inyo ay huwag kayong mag alala kay Ali. Narito naman si Sophia. Siya pa nga po ang mas nag aalala kay Ali kaysa sa inyo," nakangiti pa na sabi ni Kurt sa matanda. "Kaunting tampuhan lang po ng mag asawa ito. Wala nama
“Hindi siya ‘yon. Hindi niya alam na buhay pa ang kanyang ina na si Theresa,” sabat na nga ni Raymond at saka nga niya mataman na tinitigan si Camille. “Sa puso niya ay matagal nang patay si Theresa,” dahan dahan pa nga na sabi ni Raymond.Totoo naman ang sinabi na iyon ni Raymond. Dahil kung talagang ganoon kalakas si Theresa na kahit pangalan pa lang niya ay nanginginig na sa takot ang mga tao ay bakit hindi niya kinuha noon pa sina Sophia at Jacob? At kung kayang-kaya niyang iligas si jayson ay siguradong kaya rin niyang isama ang sarili niyang anak.Pero hindi nga iyon ginawa ni Theresa at iniwan pa rin nga niya ang magkapatid. At hindi lang nga basta iniwan dahil binalot pa sila sa isang bangungot. Iniwan niya si Sophia sa isag mundo na siya mismo ang nagdisenyo. Hinayaan niyang isipin ni Sophia na pinilit siyang magpakamatay. Ipinahiwatig niyang gusto niyang ipamana ang Flores family kay Sophia kasama ang responsibilidad at bigat ng pag-aalaga kay Jacob.At ang iniwan nga ni Th
CHAPTER 222“Kung patay na si Theresa ay baka may pag-asa ka pa kay Raymond. Baka nga ang buong pamilya Ledezma ay lumaban pa para sa’yo. Pero kung buhay pa si Theresa ay gugustuhin mo ba na kalabanin ng pamilya Ledezma ang mag-ina?” sabi pa nga ni Lester kay Camille.Malabo na nga ang mga mata ng matandang si Lester pero hindi ng nawala ang tila panlilibak sa kanyang mga titig.“Camill, sa tingin mo ba ay karapat-dapat ka?” tanong pa nga ng matanda.Para naman ngang may bumara na kung ano sa lalamunan ni Camille. Kaya naman hindi nga siya kaagad nakasagot sa matanda.“P-Pero malinis naman ang pamilya Ledezma. Wala kaming bahid ng kasamaan,” sagot naman nga ni Camille,.“Talaga ba?” malamig ang tinig na sabi ng matanda. “Kung totoo ngang malinis ang pamilya Ledezma ay bakit nandito pa si Raymond? Dapat ay naroon siya kay Sophia noon pa,” dagdag pa nga nito.Hindi naman nga nakapagsalita si Camille dahil sa sinabi na iyon ng matanda“Walang tao ang ganap na malinis. Ang akala mong mali
Noong mga panahon na iyon. Sinubukan nga ng halos dalawampung kumpanya mula sa loob at labas ng bansa na pabagsakin ang pamilya Flores. Layunin nilang kuhanin ang lahat ng negosyo at pag-aari ng pamilya. Sa paningin kasi nila ay madali lang nga ito dahil matanda na nga si Mr. Flores at malapit ng bawian ng buhay. At babae pa nga si Theresa. Ang buong akala nila ay hindi niya kakayanin na ipagtanggol ang imperyo ng mga Flores.Pero ano nga ba ang naging resulta noon?Halos wala ngang gasgs ang pamilya Flores matapos nga ang malaking pagsalakay na iyon sa Finance Department. Sa katunayan nga nang dahil sa isang pananaliksik na ginawa ni Theresa ay tumaas pa nga ang halaga ng kanilang stock ng ilang porsyento. Samantala naman ang mga kumpanya na umatake sa kanila ay napinsala nga lahat ng husto. At hindi pa nga roon natatapos ang lahat.Lahat nga ng sangkot sa pagsira sa pamilya Flores ay tinamaan ng matinding paghihiganti nito. Ang mga negosyo nga na pang real estate ay nakita nga sa i
CHAPTER 221“Manugang siya ni Theresa. At kapag ginalaw mo siya ay parang nagdeklara ka na rin ng isang digmaan kay Theresa. Gusto mo bang madamay ang buong pamilya natin sa pagbagsak mo?” sabi pa nga ni Rafael kay Camille.Nang marinig naman nga ni Raymond ang pangalan ni Theresa ay bahagya pa nga siyang nagulat. Napakapit pa nga siya ng mahigpit sa kanyang wheelchair at para bang hindi nga siya makapaniwala sa kanyang narinig.Si Theresa ay tila ba isang bangungot para sa pamilya Ledezma. Kahit na isa lamang nga siyang magandang babae ngunit may kakayahan siyang labanan ang kapalaran at kapangyarihan. At kahit nga isa siyang babae ay kaya nga niyang tapakan ang sinumang lalaki. Ang kanyang talino, emosonal na katalinuhan at ganda ay lampas nga sa karaniwan. At kagaya nga ng sinabi ng isang banyaga na ‘Maaaring minsan lang sa isang siglo magkaroon ng isang kagaya ni Theresa’.Sabi pa nga nila ang matalino raw na kuneho ay may tatlong lungga pero si Theresa raw ay maaaring mayroong sa
“Hindi mo ba sinabi… na itatago mo ako? mahinang sabi ni Raymond at basag pa nga ang kanyang boses. “Bakit hindi na lang ako manatili rito? Kung hindi ko na siya makikita.. ayos na rin na manatili na lamang ako na pilay,” dagdag pa niya.Hindi na nga iniisip ni Raymond ang sarili niyang nararamdaman. Alam kasi siyang hindi na niya kayang bumalik.Galit na galit naman nga si Camille dahil sa sinabi na iyon ni Raymond. Namumula na nga ang kanyang mga mata at handa na nga sana siyang magwala, pero bago pa man nga siya makasigaw ay isang grupo nga ng mga tao ang biglang sumugod sa loob ng villa. At sinimulan na nga ng mga ito na halughugin ang buong bahay.“Alam nyo ba kung nasaan kayo? Lumayas kayorito,” galit nga na sigaw ni Camille at nanginginig pa nga siya sa sobrang galit.Pero para ngang walang naririnig ang mga ito. At nang makita nga nila si Raymond ay nagkatinginan nga ang mga lalaki at dahan-dahan nga nilang inakay si Raymond palabas mula sa basement patungong sala.At sa sala
“Sabihin mo kay Rafael na nakatanggap ako ng email mula kay Theresa,” kalmado pero mabigat nga ang boses na utos ni Lester sa kanyang assistant. “At bilang isang mahusay na pinuno ng pamilya ay alam na niya siguro kung ano ang dapat niyang gawin,” dagdag pa niya.Alam nga ng lahat sa pamilya Ledezma kung sino si Theresa at kung gaano nga sya kadelikado kapag nasaktan. At gaya nga ng inaasahan nang mabalitaan nga ni Rafael na nakatanggap ng email si Mr. Lester mula kay Theresa ay agad nga itong nag-panic.Noon ay hindi nga niya gaanong inintindi ang ginawang pagdukot ni Camille kay Raymond. Pero ngayon nga nang marinig niya ang pangalan ni Theresa ay bigl nga siyang nakaramdam ng takot.Bilang pinsan nga ni Jayson ay alam na alam niya kung gaao kadelikado si Theresa noon — kung paano nga niloko at tinalo ang buong pamilya Ledezma, kung paano niya naitakas si Jayson at nagkunwaring patay na nang hindi man lang sila nahalata.At kung si Theresa nga ang kalaban ay hindi nga sila basta-ba
CHAPTER 220Gabi pa rin nga ng mga oras na iyon. At nang matanggap nga ni Mr. Ledezma ang email na iyon ay agad nga niyang kinuha ang kanyang reading glass at agad niyang tiningnan ang bagong dating na mensahe na iyon.Kakaunti lamang nga ang nakakaalam ng kanyang personal na email address. At kadalasan nga mga liham lamang tungkol sa negosyo o mahahalagang pagpupulong ang pumapasok doon. Pero ngayon nga pagtingin niya sa pinakadulo ng email ay bigla ngang nanigas ang kanyang katawan ng mabasa nga niya ang pangalan ni Theresa roon.Ang pangalan na iyon ay parang multo na bumabalik sa bawat alaala ng pamilya Ledezma at isang bangungot nga iyon na hindi nila matakasan.Gaano nga ba kalalim ang galit ni Mr. Ledezma kay Theresa?Si Jayson Ledezma sana dapat ang naging pinakamagaling na tagapagmana ng pamilya Ledezmam. Pero minahal nga nito si Theresa na isang babae na handang baguhin ang sarili, magsakripisyo at ibigay ang lahat para sa kanya at kahit pa nga ang sarili niyang buhay.At ma
Hindi nga niya malaman kung kanino ba siya galit ngayon. Sa sarili ba niya o sa mga taong walang alam pero nanghuhusga na lamang ng basta basta.Tahimik na nga lang siyang naglakad papunta sa kanyang study room at hindi na nga siya nag-abala pa na magbukas ng ilaw doon. Naupo na nga lang siya ng mag-isa sa madilim na lugar na yon.Iniisip niya kung may pag-asa pa kaya siya? Ayaw pa rin kasi niyang hayaan na tuluyan ngang mawala si Sophia sa kanya.*********Samantala naman sa isang malayong isla sa ibang bansa ay tahimik nga na sinusubaybayan ni Theresa ang mga balita at kaganapan tungkol sa kanyang mga anak at sa bansa.Nalaman niya na ang bago ngang pinuno ng pamilya Ledezma ngayon ay ang pinsan ni Jayson at ang pakakalinlan nga ni Camille Ledezma ay…. Natatawa na lamang nga si Theresa nang mabasa pa nga niya ang iba pang balita.Ang akala nga ng ibang tao sa pamilya Ledezma ngayon ay naputol na ang tunay na dugo ng kanilang linya. Kaya naman akala nga nila ay pwede na silang magha
Sunod-sunod pa nga siyang nag-post sa kanyang sariling social media account at parang ginawa na nga niya itong chat app.“Magkita tayo. Mag-usap tayo.”“Wala na si Raymond, pero ako, narito pa rin ako.”“Kung nababasa mo ito ay tawagan mo ako.”“Pagkaalis mo kay Raymond a hihintayin pa rin kita kahit ailan.”Sa loob nga ng ilang minuto ay mas marami pa nga siyang naipost kaysa sa kabuuan ng mga naging post niya sa nakaraang mga taon.Ipinapakita nga ng bawat salita niya ang kanyang matinding pag-aalala, pagkalito, takot at ayaw pa niyang bumitaw.Maging ang mga netizen nga na dating abala sa tsismis ay bigla ngang napahinto at napatulala sa dami ng mga post ni Francis.Kung may mata pa nga ang mga tao at kung marunong nga silang umintindi at makaramdam kahit sa pinaka-mababaw na paraan ay malalaman sana nila na ang kasal na iyon ay hindi isang simpleng transaksyon lamang.Para kay Francis, si Sophia ay hindi nga kailanman naging isang bagay na maaari niyang piliin o talikuran kung ka