CHAPTER 47"Francis napakalupit mo naman," hindi na napigilan ni Dr. Gerome na sabi. "Pwede mong sabihin na abala ka sa trabaho at hindi mo siya masamahan sa pag alay ng respeto kay Ms. Theresa. Pero ang dumalo sa kaarawan ni Nelson ngayon? Para kang sumaksak ng kutsilyo sa puso niya," dagdag pa ninDr. Gerome at ramdam mo sa tinig nito ang lamig ngunit hindi sumagot si Francis rito at bahagya lang itong yumuko habang si Kurt naman ay napabuntong hininga na lamang."Kung maghahangad ako gusto ko nang kamuhian ka ng lubos. Alam mo bang niloko ni Nelson ang ina ni Sophia na si Ms. Theresa? Nagkaanak pa siya at si Bianca iyon habang kasal sila pa sila ni Ms. Theresa. Hindi ko alam kung si Theresa ba ay namatay sa mismong araw ng kaarawan ni Nelson. Pero ikaw iniwan mo talaga si Sophia para kay Bianca na isang anak sa labas at dumalo ka pa sa kaarawan ng walang hiyang iyon sa mismong araw ng kamatayan ng ina niya!" galit pa na sabi ni Kurt.Gusto sana nyang tawagan si Sophia upang kumus
CHAPTER 48Bago pa man niya inasam ang hiling na iyon ay labis niyang hinangad na manatiling konektado kay Francis. Pero ngayon ang pagkapit sa kanya ay parang tali na hindi lang sumasakal kundi paulit ulit na nagbibigay ng sakit sa kanya.Sa tuwing naiisip niya si Francis ang masakit na alaala ng araw na ito ang bumabalik. Hindi niya nais maramdaman ang ganitong sakit at lalong hindi niya kayang tanggapin ang ganitong kawalang respeto sa kanya."Isa rin akong tao na marunong tumawa, masaktan at mangarap Kurt. Matapos ang lahat ng ginawa ni Francis paano ako magpapanggap na parang walang nangyari at harapin siya ng mahinahon?" seryosong sabi ni Sophia kay Kurt. Sandali pa nga syang tumigil sa pagsasalita at saka sya bumuntong hininga."Kurt hindi ba pwedeng kahit minsan lang ay hayaan niyo akong maging makasarili?" nginig ang boses na sabi ni Sophia.Mapait pa siyang ngumiti na para bang pilit nitong itinatago ang sugat na hindi niya kayang lunasan.Napatahimik naman si Kurt at tila
CHAPTER 49Dumating na nga si lolo Robert. At alam naman na ito ng lahat ng naroon pati na rin si Sophia.Bahagya pa nga na napakunot ang noo ni Sophia pero sa pagkakataon na iyon ay kusa naman na syang umupo sa tabi ni Francis. Hinawakan pa nga niya ang kamay ng lalaki na para bang magkasintahan sila na naglalambingan.Sino mang makakita sa tagpong iyon ay iisiping isa silang masayang mag-asawa. Ngunit sino ang mag aakala na ang lahat ng ito ay isang palabas lamang?Pagbukas ng pinto ni lolo Robert ay nasilayan niya ang eksena mula sa gilid. Sandaling natigilan ang matanda at halatang nagulat pa nga ito. Agad namang sumalubong si Kurt sa matanda at nakangiti pa nga itong inimbitahang pumasok sa loob si lolo Robert."Lo bakit pa po kayo nagpunta rito? Sabi ko naman po sa inyo ay huwag kayong mag alala kay Ali. Narito naman si Sophia. Siya pa nga po ang mas nag aalala kay Ali kaysa sa inyo," nakangiti pa na sabi ni Kurt sa matanda. "Kaunting tampuhan lang po ng mag asawa ito. Wala nama
CHAPTER 50Ang kanyang kasintahan ngayon ay si Bianca na. Hindi na sila maaaring magpatuloy pa. Paano pa nga ba sila magpapatuloy kung ang dami nang nangyari ngayong araw? Kung matapos man ang lahat ng ito ay kaya pa rin niyang tanggapin ang halik ng isang lalaki na hindi alam kung anongnklaseng tao siya.Huminga naman ng malalim si Sophia at saka nya itinulak ang lalaki palayo sa kanya."Francis, tapos na tayo. Divorced na tayo. Kaya't huwag na nating ituloy pa ito,” dahan dahan pa na sabi ni Sophia habnag malamig ang tingin nya kay Francis.Bigla namang natigilan si Francis dahil sa sinabi ni Sophia at hindi nakapag salita. Seryoso naman nyang tinitigan si Sophia na para bang sinusuri o binabasa nito ang ekspresyon nito.“Si Bianca na ang iyong nobya ngayon Francis at hindi mo na rin ako asawa ngayon,” sabi pa ni Sophia kay Francis.Bigla namang natauhan si Francis dahil sa sinabi ni Sophia kaya naman binitawan na nga nya ito. Pagkatapos bitawan ni Francis si Sophia ay nahiga nama
CHAPTER 51Nakaupo naman ngayon si Sophia sa upuan na nasa loob ng kanyang opisina habang suot ang itim na salamin na saktong tumakip sa sugat sa kanyang noo. Kung ibang tao ang magsusuot nito ay baka magmukhang pangkaraniwan at medyo nakakabagot. Ngunit dahil sa sobrang kinang ng kanyang kagandahan at perpektong anyo ang simpleng itim na salamin ay tila bumagay talaga kay Sophia.Inayos naman ni Sophia ang suot niyang salamin. Dahil sa pag iyak niya kahapon ay nananatiling namumula ang kanyang mga mata. Kahit nilagyan na niya ng yelo iyon ay bahagya pa rin itong namamaga at tila ba nabawasan ng kaunti ang lamig sa kanyang titig.“Wala akong oras para sa mga walang kuwentang hula na iyan Raymond. Kung may sasabihin ka ay sabihin mo na. At Kung wala naman ay maaari ka ng umalis ngayon,” masungit na sabi ni Sophia kay Raymond dahil wala sya sa mood para makipag biruan dito.Bagaman sinabi ni Raymond na hindi siya katulad ni Francis at pinakiusapan siyang huwag silang ituring na magkapa
CHAPTER 52"Mr. Raymond," sabi ng isang sekretarya na naroon ng makita nga nito si Raymond na dumating.Bigla namang naputol ang usapan ng mga sekretarya na naroon ng makita nila si Raymond. “Good morning po Mr. Raymond,” bati ng mga sekretarya na naroon.Ngumiti naman si Raymond sa kanila at nagtanong. "Nasa opisina ba si Mr. Francis?""Opo, nasa opisina po si Mr. Francis. May gusto po ba kayong sabihin sa kanya?" sagot ng head ng mga secretary na naroon.Ngumiti lamang naman si Raymond dito at saka nya binuksan ang pinto ng opisina ni Francis. Agad nga nyang nakita si Francis doon na nakaupo sa upuan nito habang hinihilot ang sintido nito.Nang marinig ni Francis ang pagbukas ng pinto ay nag angat nga siya ng tingin at nakita nga nya si Raymond. Ngunit saglit lamang naman nya tiningnan si Raymond na para bang hindi nya ito napapansin at muli nga nyang tiningnan ang mga dokumento na nasa kayang harapan.Dahil sa ginawa ni Francis na iyon ay lalo namang napangiti si Raymond sa kanya
CHAPTER 53Sa sandaling ito ay hindi na mahalaga pa kay Bianca kung si Sophia ba ang may gawa noon sa kanya o hindi. Para kay Bianca ang lahat ng sisi ay itinulak na niya kay Sophia. May galit siya kay Sophia. Nasaktan si Sophia sa kaarawan ng kanilang ama na si Nelson kaya iniisip nya na naghihiganti nga ito. Wala naman kasi siyang naalalang inaway kamakailan at ang tanging taong nakaalitan niya ay si Sophia lamang. Kung hindi si Sophia ang gumawa nito ay sino naman ang gagawa nito sa kanya.Wala namang ibang gustong ipahiwatig si Bianca ngayon kay Francis kundi ang kung gaano kasama si Sophia para maging masama nga rin ang tingin nito rito."Sa tingin mo ba ay si Sophia ang may gawa nito?" seryosong tanong ni Francis kay Bianca habang malamig ang tingin nya sa dalaga.Nang mapansin ni Bianca ang malamig na tingin ni Francis sa kanya ay para bang may tumusok sa kanyang puso."Hindi ba at si ate Sophia lamang naman ang maaaring gumawa nito sa akin?” nginig ang boses na sagot ni Bianc
CHAPTER 54Maliban kasi kay Raymond ay wala na ngang ibang maisip si Sophia na maaaring gumawa nito kay Bianca.Hindi pa naman kasi bumabalik si Louie sa bansa. Kahit pa narito ito ay hindi naman siya gaganti sa ganoong paraan. Samantala naman si Harold naman ay hindi papansin ang isang katulad ni Bianca. Mula sa isang perspektibo ay tila hindi rin niya binibigyang pansin ang epekto ng mga tulad ni Bianca kay Sophia.Wala ring alam sina Harold at Louie tungkol sa mga nagawa ni Bianca. Kaya sa lahat ng taong may kaalaman tungkol sa nangyari maliban kina Francis at Raymond ay tanging si Bianca na lang ang posibleng may alam ng buong katotohanan.Pero mahal na mahal ni Francis si Bianca kaya imposibleng siya ang manakit dito. Kaya ang natitira na lang talaga na maaaring gumawa noon ay si Raymond.Malinaw sa kilos niya na hindi niya balak palampasin ang ginawa ni Bianca kay Sophia. Kung tutuusin ay mas malupit pa ang ginawa niya kumpara sa nagawa ni Bianca kay Sophia.Pagbalik ni Raymo
CHAPTER 66Rinig na rinig naman ni Bianca ang mapanuyang boses ni Khate at agad nga siyang namutla dahil doon. Naikuyom na nga lamang niya ang kanyang mga kamay habang nagpipigil na magsalita ngunit bago pa man siya makapagpaliwanag ay isang mapanuksong tinig ang umalingawngaw na punong puno ng panunuya."Ang mga damdamin mo at sariling pananaw ay tuluyan nang sumakop sa isip mo. Hindi mo na kayang mag isip nang mahinahon. Kung sakaling mabigo ang investment na ito ay paano mo ito ipaliliwanag sa iba?" sabat na ni Raymond na kasalukuyang nakasandal na sa pinto ng opisina ni Francis. Ang kanyang makitid na mga mata ay puno ng kuryosidad na may halong ngiting tila nanunubok."Hindi mabibigo ang investment ko. Itataya ko kahit pa ang sarili kong career,” madiing sagot ni Bianca at bawat salita nya ay punong puno ng determinasyon.Ngunit hindi basta basta sinasabi ang mga ganoong bagay lalo na ang pagtaya sa sariling karera.Napataas naman ang kilay ni Khate habang seryoso nga syang nak
CHAPTER 65Maingat naman na inilapag ni Sophia ang mga dokumento sa harap ni Khate saka nya ito binuksan sa pahinang may isyu itinuro pa nga nya ang isang partikular na bahagi ng kontrata."Maayos ang bawat bahagi ng kontratang ito pero itong halos hindi mapansing tala ay isa itong patibong," sabi ni Sophia kay Khate.Napangiti naman si Khate dahil sa pinakita at sinabi ni Sophia."Nakita mo nga pero ang bago nating punong sekretarya akala nya ay isang malaking pagkakataon lamang ito. Gusto pa niyang sunggaban agad natin ito," sagot ni Khate kay Sophia.Napakunot naman ang noo ni Sophia dahil sa naging sagot ni Khate sa kanya."Anong klaseng biro na naman ito? Si Bianca ba ang may pakana ng kasunduang ito? Baliw na ba talaga siya?" tila hindi makapaniwalang sagot ni Sophia kay Khate.Bahagya namang tumango si Khate ngunit hindi sya nagbigay ng opinyon."Si Secretary Bianca kahit na halos hindi pa nakakabawi mula sa aksidente ay pilit pa ring pumapasok sa trabaho kahit naka wheelchair
CHAPTER 64Napamulagat naman si Timothy dahil sa sinabi ni Sophia.Habang nakayuko naman si Sophia ay tahimik niyang hinahalo ang kape sa tasa. Ang malamig na simoy ng aircon sa silid ay nagdulot ng ginaw kay Timothy. Napansin iyon ni Sophia kaya itinaas niya ang temperatura ng aircon at saka sya umayos ng kanyang pagkakaupo.“Ang ugnayan ng pagiging magkadugo ay hindi laging sukatan,” mahinahongnsabi ni Sophia kay Timothy. “Hangga’t may tunay na pagmamahal at kahit walang kaugnayang dugo ay maaari kang maging pamilya. Pero kung wala namang pagmamahalan kahit na magkadugo pa kayo ay kayang lamunin hanggang sa wala nang matira ni bakas man lang,” dagdag pa ni Sophia.Habang sinisiyasat ang air vent ng aircon, hindi alintana ni Sophia ang malamig na hangin. Para sa kanya ito ay mas komportable at hindi malamig."Mr. Bautista matagal ka na sa mundong ito. Hindi ba sapat ang mga nakita mo para maunawaan ang ganitong mga bagay? Ilang tao na ang yumaman at iniwan ang kanilang asawa at mga
CHAPTER 63Seryoso naman na tinitigan ni Timothy si Sophia na animo’y tinitingnan nga nito kung seryoso ba talaga ito sa sinasabi nito sa kanya"Alam mo ba na nakita na kita noong bata ka pa lang," ani Timothy kay Sophia at napahalukipkip pa nga siya habang seryoso syang nakatitig sa dalaga. "Hawak hawak ka ni Nelson at sobrang liit mo pa noon at napakacute mo. Akala ko ay mabait siya sa'yo kaya ngayon ay nagtataka ako kung bakit mo siya kinaiinisan ng ganyan ngayon," dagdag pa ni Timothy.Naramdaman naman ni Sophia na para bang pinagtatawanan siya ni Timothy. "Akala ko po ay alam nyo na Mr. Bautista ang tunay na pagkatao ni Nelson. Pwede siyang maging mabait sa akin pero kaya rin niyang itulak ang sariling anak sa apoy. Si Nelson ay isang makasariling nilalang na ang tanging layunin ay ang sarili niyang kasiyahan," seryosong sagot ni Sophia kay Timothy.Nagulat naman si Timothy sa sinabi ni Sophia at hindi nya akalain na ganito na magsalita ngayon si Sophia."Talaga palang ibang iba
CHAPTER 62"Tama ka. Hindi madaling ipaliwanag ang bagay na ito sa telepono. May oras ka ba bukas? Bakit hindi na lamang tayo magkita upang mapag usapan natin ito ng mas maayos?” sabi ni Sophia kay Timothy."Sige dahil ikaw ang nagsabi ay hindi ko yan tatanggihan," sagot ni Timothy kay Sophia.Ngumiti naman si Sophia kay Timothy bago sya tumingin sa kanyang suot na relo."Paano kung magkita tayo bukas ng alas tres ng hapon sa kumpanya ng mga Bustamante?" pag aaya pa ni Sophia sa kanyang kausap.Binanggit na ito ni Sophia para ipahiwatig ang kanyang koneksyon sa pamilya Bustamante at para isipin ni Timothy kung paano aayusin ang presyo sa negosasyon nila."Sige. Walang problema darating ako. Inaasahan kong makilala ka Miss Sophia," pag sang ayon ni Timothy.Hindi ka magiging matagumpay na namamahala ng malaking kumpanya kung kulang ka sa talino. Natural lamang na narinig ni Timothy ang patagong mensahe ni Sophia at nagbigay ito ng mas mataas na halaga sa kanya. Si Sophia ang alas ng mg
CHAPTER 61Galit na galit talaga si Sophia sa dugo ng pamilya Marquez na nanalaytay sa kanya. Kinasusuklaman niya sina Nelson at Bianca dahil sa kanilang pagiging mababa ng mga ito at walang hiya ngunit hindi niya maikakaila na may dugo pa rin siya ng pamilya Marquez. Kung may paraan lang na mabuhay siya kahit mawalan ng dugo ay handa niiyang gawin iyon mapalitan lamang lahat ng dugong dumadaloy sa kanyang katawan. Mas pipiliin pa niyang magdusa kaysa madiri sa dugong ikinakabit sa isang maruming angkan.Para kay Sophia ay wala siyang ginagawang mali. Ang tunay na mali ay ang iba pang miyembro ng pamilya Marquez. Ngunit totoo rin na labis siyang nasusuklam sa pamilya Marquez. Kung gusto niyang putulin ang anumang ugnayan sa kanila ay kailangan nga niyang maging maayos sa kanyang mga desisyon. Ngunit hindi siya hangal. Alam niyang hindi nya kailangang saktan ang sarili nya para lang mawala ang kaugnayan niya sa kanila. Ito ang unang pagkakataon na narinig ni Nelson ang mga matitindi
CHAPTER 60Ang nakaraan ay nakaraan na. Matagal naman ng alam ni Sophia sa puso niya na si Francis ay si Francis at hindi na niya ito asawa ngayon.Napataas naman ang kilay ni Raymond at napapangiti na nga lamang sya at mukhang nag eenjoy nga sya sa kanyang nasasaksihan.Nanatili namang malamig ang tingin ni Francis kay Sophia ngunit bahagyang dumilim ang ekspresyon nito nang marinig niyang sinabi ni Sophia ang tungkol sa nakaraan nila. Alam naman niyang tama si Sophia dahil mula nang araw na naghiwalay sila ay naging bahagi na siya ng nakaraan nito."Mas gumaan ang pakiramdam ko ngayon dahil sa sinabi mo," nakangiti pa na sabi ni Raymond kay Sophia."Mr. Francis narinig mo rin naman siguro ang mga sinabi ni Sophia di ba? Ang nangyari sa inyo ni Sophia ay bahagi na ng kanyang nakaraan. Naiintindihan mo ba? San a'y huwag ka nang makialam pa sa amin,” baling naman ni Raymond kay Francis at napapangisi pa nga sya at halata mo na inaasar nga nito si Francis.Nanatili namang malamig ang
CHAPTER 59"Si Lolo Robert ay mukhang malusog at malakas pa pero ang puso niya ay laging nasa maselang kalagayan na," sabi ni Sophia kay Francis. "Napakatalino ni Lolo at kung mahuhulaan niya ang totoong relasyon nating dalawa dahil sa mga nangyayari ngayon ay paano natin ito haharapin? Hahayaan ba nating maapektuhan siya at magdulot pa ito ng atake sa puso at maospital siya?" dagdag pa ni Sophia.Hindi naman nakapagsalita si Francis dahil may punto naman ang sinasabi ni Sophia."Mahal ako ni Lolo. Hindi ko kayang gawin 'yon sa kanya. Kaya sa ganitong sitwasyon mas pipiliin ko pang magparaya na lang,” sabi pa ni Sophia at saka sya huminga ng malalim.Pagkasabi noon ay muli namang ngumiti si Sophia kahit na may kirot sa kanyang mga mata."Hindi ba att pinapahirapan mo rin si Bianca dahil dito?" sabi pa ni Sophia.Dahil natatakot siyang masaktan ang matanda ay hindi niya magawang sabihin ang katotohanan na hiwalay na sila ni Francis. Kahit ngayon na dinala pa rin siya ng lalaki pabali
CHAPTER 58Tahimik naman sa loob ng sasakyan. Tanging sina Sophia at Francis na lang ang natitira roon. Bahagya namang ipinikit ni Sophia ang kanyang mga mata at parang wala talaga syang balak na magsalita. Makalipas ang ilang sandali ay pumwesto na ngansi Sophia sa upuan ng drayber at saka pinaandar ang kotse.Ito ang bagong sasakyan ni Francis ngayon isang itim na Mércedes Benz na Maybach na ipinalit nito sa asul na Cayenne na ibinigay ni Sophia noon sa kanya.Tahimik naman ang buong biyahe. Wala ni isa man sa kanila ang nagsalita habang papunta sila sa lumang bahay ng pamilya Bustamante.“Sophia may itatanong ako sa’yo,” pambabasag ni Francis sa katahimikan nila bago sila bumaba ng sasakyan ni Sophia. “Ano ang relasyon mo kay Jacob?” seryosong tanong ni Francis kay Sophia.Natigilan naman si Sophia sa naging tanong ni Francis sa kanya. Maya maya ay lumitaw ang banayad na ngiti sa sulok ng kanyang labi.“Relasyon ko kay Jacob? Mukhang wala ka namang kinalaman panroon. Mr. Francis