CHAPTER 53Sa sandaling ito ay hindi na mahalaga pa kay Bianca kung si Sophia ba ang may gawa noon sa kanya o hindi. Para kay Bianca ang lahat ng sisi ay itinulak na niya kay Sophia. May galit siya kay Sophia. Nasaktan si Sophia sa kaarawan ng kanilang ama na si Nelson kaya iniisip nya na naghihiganti nga ito. Wala naman kasi siyang naalalang inaway kamakailan at ang tanging taong nakaalitan niya ay si Sophia lamang. Kung hindi si Sophia ang gumawa nito ay sino naman ang gagawa nito sa kanya.Wala namang ibang gustong ipahiwatig si Bianca ngayon kay Francis kundi ang kung gaano kasama si Sophia para maging masama nga rin ang tingin nito rito."Sa tingin mo ba ay si Sophia ang may gawa nito?" seryosong tanong ni Francis kay Bianca habang malamig ang tingin nya sa dalaga.Nang mapansin ni Bianca ang malamig na tingin ni Francis sa kanya ay para bang may tumusok sa kanyang puso."Hindi ba at si ate Sophia lamang naman ang maaaring gumawa nito sa akin?” nginig ang boses na sagot ni Bianc
CHAPTER 54Maliban kasi kay Raymond ay wala na ngang ibang maisip si Sophia na maaaring gumawa nito kay Bianca.Hindi pa naman kasi bumabalik si Louie sa bansa. Kahit pa narito ito ay hindi naman siya gaganti sa ganoong paraan. Samantala naman si Harold naman ay hindi papansin ang isang katulad ni Bianca. Mula sa isang perspektibo ay tila hindi rin niya binibigyang pansin ang epekto ng mga tulad ni Bianca kay Sophia.Wala ring alam sina Harold at Louie tungkol sa mga nagawa ni Bianca. Kaya sa lahat ng taong may kaalaman tungkol sa nangyari maliban kina Francis at Raymond ay tanging si Bianca na lang ang posibleng may alam ng buong katotohanan.Pero mahal na mahal ni Francis si Bianca kaya imposibleng siya ang manakit dito. Kaya ang natitira na lang talaga na maaaring gumawa noon ay si Raymond.Malinaw sa kilos niya na hindi niya balak palampasin ang ginawa ni Bianca kay Sophia. Kung tutuusin ay mas malupit pa ang ginawa niya kumpara sa nagawa ni Bianca kay Sophia.Pagbalik ni Raymo
CHAPTER 55“Sigurado ka ba na hindi ito mabubuking? Panloloko ito sa pagsusulit para sa kolehiyo,” tanong ni Johnny kay Joshua at halatang nag aalala at kinakabahan nga ito. Isa siyang guro kaya alam niya ang bigat ng ganitong klaseng sitwasyon.Ngumiti naman si Joshua sa kanyang ama at saka ito umiling dito.“Dad ilang taon ka nang guro diba. Hindi ako naniniwala na hindi mo alam ang mga ganitong bagay dahil alam naman natin na may mga taong handang magbayad para lang dyan. Yung mga mayayaman at mga makapangyarihan na tao ayaw ng mga yan na lumabas ang mga ganitong bagay,” sagot ni Joshua sa kanyang ama.May punto naman talaga si Joshua ngunit hindi pa rin maalis ang kaba ni Johnny dahil doon. Gayunpaman ay tila natabunan ang kanyang konsensya ng malaking halagang nabanggit ng anak. Umakbay pa nga si Joshua sa kanyang ama na parang magkaibigan lang sila habang nagkukwentuhan.“Basta sapat ang perang ibabayad ay ayos lang isakripisyo si Jacob,” bulong ni Joshua sa kanyang ama.Kahi
CHAPTER 56Si Jacob ay may kakaibang pakiramdam habang nakatingin sa babaeng nasa harapan niya. Pakiramdam niya ay nakita na niya ito noon pa ngunit hindi niya matiyak kung kailan o saan ito. Ang damdamin na iyon ay parehong pamilyar at estranghero.Habang abala ang mga tao sa pagparoon at pagparito sa paligid nila ay nanatili namang magkarugtong ang kanilang mga tingin.Nang mapansin ni Principal Monica na nakatuon lamang ang mga mata ni Sophia kay Jacob ay agad siyang nakaisip ng ideya. Tinawag niya ang direktor upang lapitan si Jacob at anyayahan na lumapit sa kanila para ipakilala ito kay Sophia."Ms. Sophia ipinapakikilala ko nga pala sa’yo si Jacob Flores siya nga pala ang pinakabagong henyo rito sa aming paaralan ngayon. Siya ang nangunguna sa klase at may pinakamalaking tsansang maging top science student ngayong taon," may pagmamalaking sabi ni Principal Monica kay Sophia.Ramdam ni Sophia na labis ang paghanga ni Principal Monica kay Jacob at tila ba nakahinga siya nang ma
CHAPTER 57Tiningnan naman ni Jacob si Sophia at kinuha ang business card at saka sya nagpasalamat dito.Tahimik naman na nakatayo sila Sophia sa ilalim ng malaking puno roon. Banayad naman ang ihip ng hangin at ang mga dahon nga ay nagliliparan na at naglalaglagan na nga sa kanya ang iba roon.Ang kanyang mahabang itim na buhok ay linilipad ng hangin at dumadapo sa kanyang mga balikat. Paminsan minsan ay natatakpan ng hibla ng kanyang buhok ang kanyang mga mata na malamig ngunit may bakas ng lambing. May bahagyang ngiti sa sulok ng kanyang labi at ang kanyang malambing na tingin ay napadako kay Jacob."Kung may mga tanong ka ay huwag kang mag atubiling tawagan ako," sabi ni Sophia kay Jacob bago sya tuluyang tumalikod dito at umalis.Napatingin naman si Jacob sa hawak nyang business card na iniabot sa kanya ni Sophia kanina.“Sophia Marquez Bustamante Project Manager,” basa ni Jacob sa nakasulat doon.Napakaganda ng pangalan. Kung sana lang ay tulad ng kanyang pangalan ay magawa niy
CHAPTER 58Tahimik naman sa loob ng sasakyan. Tanging sina Sophia at Francis na lang ang natitira roon. Bahagya namang ipinikit ni Sophia ang kanyang mga mata at parang wala talaga syang balak na magsalita. Makalipas ang ilang sandali ay pumwesto na ngansi Sophia sa upuan ng drayber at saka pinaandar ang kotse.Ito ang bagong sasakyan ni Francis ngayon isang itim na Mércedes Benz na Maybach na ipinalit nito sa asul na Cayenne na ibinigay ni Sophia noon sa kanya.Tahimik naman ang buong biyahe. Wala ni isa man sa kanila ang nagsalita habang papunta sila sa lumang bahay ng pamilya Bustamante.“Sophia may itatanong ako sa’yo,” pambabasag ni Francis sa katahimikan nila bago sila bumaba ng sasakyan ni Sophia. “Ano ang relasyon mo kay Jacob?” seryosong tanong ni Francis kay Sophia.Natigilan naman si Sophia sa naging tanong ni Francis sa kanya. Maya maya ay lumitaw ang banayad na ngiti sa sulok ng kanyang labi.“Relasyon ko kay Jacob? Mukhang wala ka namang kinalaman panroon. Mr. Francis
CHAPTER 59"Si Lolo Robert ay mukhang malusog at malakas pa pero ang puso niya ay laging nasa maselang kalagayan na," sabi ni Sophia kay Francis. "Napakatalino ni Lolo at kung mahuhulaan niya ang totoong relasyon nating dalawa dahil sa mga nangyayari ngayon ay paano natin ito haharapin? Hahayaan ba nating maapektuhan siya at magdulot pa ito ng atake sa puso at maospital siya?" dagdag pa ni Sophia.Hindi naman nakapagsalita si Francis dahil may punto naman ang sinasabi ni Sophia."Mahal ako ni Lolo. Hindi ko kayang gawin 'yon sa kanya. Kaya sa ganitong sitwasyon mas pipiliin ko pang magparaya na lang,” sabi pa ni Sophia at saka sya huminga ng malalim.Pagkasabi noon ay muli namang ngumiti si Sophia kahit na may kirot sa kanyang mga mata."Hindi ba att pinapahirapan mo rin si Bianca dahil dito?" sabi pa ni Sophia.Dahil natatakot siyang masaktan ang matanda ay hindi niya magawang sabihin ang katotohanan na hiwalay na sila ni Francis. Kahit ngayon na dinala pa rin siya ng lalaki pabali
CHAPTER 60Ang nakaraan ay nakaraan na. Matagal naman ng alam ni Sophia sa puso niya na si Francis ay si Francis at hindi na niya ito asawa ngayon.Napataas naman ang kilay ni Raymond at napapangiti na nga lamang sya at mukhang nag eenjoy nga sya sa kanyang nasasaksihan.Nanatili namang malamig ang tingin ni Francis kay Sophia ngunit bahagyang dumilim ang ekspresyon nito nang marinig niyang sinabi ni Sophia ang tungkol sa nakaraan nila. Alam naman niyang tama si Sophia dahil mula nang araw na naghiwalay sila ay naging bahagi na siya ng nakaraan nito."Mas gumaan ang pakiramdam ko ngayon dahil sa sinabi mo," nakangiti pa na sabi ni Raymond kay Sophia."Mr. Francis narinig mo rin naman siguro ang mga sinabi ni Sophia di ba? Ang nangyari sa inyo ni Sophia ay bahagi na ng kanyang nakaraan. Naiintindihan mo ba? San a'y huwag ka nang makialam pa sa amin,” baling naman ni Raymond kay Francis at napapangisi pa nga sya at halata mo na inaasar nga nito si Francis.Nanatili namang malamig ang
Sa dami nga ng kneksyon ni Sophia ay hindi na nga siya nauubusan ng kasosyo o kontrata. At kung ihahambing ang mga mumurahing benepisyong iniaalok nina Max at Migual sa kung ano ang kayang ibigay ni Sophia ay parang katawa tawa lang nga iyon.May ilan nga na naroon sa silid na iyon ang napatingin nga kay Gilbert na may halong awa. Dahil kung tuluyan ngang mawawala si Raymond ayon sa batas ang lahat nga ng pag-aari nito ay mapupunta kay Sophia.At ang mga direktor nga na naroon sa silid na iyon. Halos lahat nga sila ay tahimik pero malinaw ang kinikilingan nitong panig at yun ay suportado nga nila si Sophia. Ang importante lang naman sa kanila ay ang kita. At wala nga silang pakialam kung sino ang umuupo basta’t may dala nga itong pera. Para kasi sa kanilaay wala ngang pinagkaiba si Sophia at ang pagsamba sa Diyos ng Kayamanan.Tumayo nga si Sophia habang may ngiti nga sa kanyang labi at pinagmamasdan ang lahat ng mga naroon.“Maalala ko nga pala… Ano nga ba ulit ang dahilan ng board m
Gaya nga ng madalas sabihin ni Gilbert na, “Kung isa man sa mga sira ulo na kamag-anak natin ay lumaking kasing ganda ni Harold ay panigurado na siya rin ang magiging paborito ng lahat.”May lambing at pino ang itsura ni Harold at kabigha-bighani at malumanay nga ito kabaligtaran ng hitsura ng ibang miyembro ng pamilya Villamayor. Magaganda rin naman ang kanilang lahi pero lagi ngang may matigas at mapanghamon na aura ang mga ito.At dahil nga roon ay unti-unti na nga na naging kakaiba ang tensyon sa loob ng conference room.“Hindi mo na kailangang ipaliwanag pa,” sabi ni Sophia kasabay nga ng pagsulyap niya sa mga ito habang nakaupo nga siya sa gilid ng mahabang mesa. Marahan pa nga niyang pinipindot-pindot ng kanyang mahabang daliri ang mesa.“Narito ako ngayon sa kumpanya kasama si Harold para sa isang kontrata,” kalmado pa na sabi ni Sophia.“Matagal nang may ugnayan ang Prudence at ako. At ang bagong 3D rlated na proyekto ay personal kong pakikipagtulungna sa Prudence at hindi sa
CHAPTER 201Bahagya naman nga na tumaas ang kilay ni Harold saka nga siy marahan na ngumiti habang nakatitig kay Miguel Villamayor.Sanay na nga siya sa negosyante na mukhang maamo pero mapanganib. At ito nga ang mga tao na may apanlinlang na ngiti, pero may itinatagong bangis o matinding plano sa likod ng kanilang mga salita.Pero sa pananaw nga ni Harold ay isa lang nga lang ang naiisip niya kay Miuel at iyon nga ay ‘mukha siyang tanag’.“Hindi ba at iisa lamang ang kapatid ni Mr. Raymond?” tanong ni Harold habang bahagya pa nga na naningkit ang kanyang mga mata. “Hindi ba’t ang kapatid niya ay si Miguel? Kailan pa naging malapit si Raymond kay Max Villamayor?” sabi pa ni Harold at saka nga siya napangisi.“bagong bago pa lang nga ang gulo ni Mr. Max, pero heto at masaya pa ring umiinom at nakikipagkwentuhan si Mr. Miguel sa kanya at tinatawag pa nga siyang ‘kapatid’. Mukhang ganito pala talaga kalalim ang relasyon nilang dalawa,” pagpapatuloy pani Harold.Pero ano nga ba talaga ang
Pero pinatunayan nga ng reyalidad ang masakit na katotohanan. Ang kagandahan ay isa ngang kapangyarihan. At kapag ang kagandahan ay sinamahan pa nga ng tagumpay ay mas lalo nga iyong nakakabighani.“Si Sophia ay niloloko si Raymond. Niloloko niya. Pakiusap, mag-focus kayo sa tunay na issue. May affair silang dalawa. Naiintindihan nyo ba? MAY AFFAIR SILA!” halos mapasigaw na nga si Max habang patuloy nga ito sa live stream niya.Sa comment section naman ay may mga ilan nga na hindi nagpapatinag at tila ba mas panig pa nga ang mga ito kina Sophia at Harold.“Napakagwapo talaga ni Mr. Harold. At parang nakakabaliw nga talaga ang kagwapuhan niya.”“Hindi ba’t si Ms. Sophia ay malaki ang impluwensya sa mundo ng negosyo? Bakit naman hindi sila pwedeng magtulungan na dalawa? Wag kayong basta n alang manghusga at sabihing may milagro na nangyayari,” sabi ng isa sa mga nanonood ng live stream ni Max. “Ang totoo nyan ay ikaw nga yata ang mukhang mahilig sa gulo Mr. Max Villamayor, /sigurado ka
Isang titig nga iyon na parang tumatagos sa kaluluwa dahilan para mapahinto ang tibok ng puso ng sinumang nakatingin doon.Sunod-sunod nga ang mga naging komento sa live chat at karamihan nga ay paulit-ulit na binabanggit ang pangalan ni Sophia.Bahagya lamang nga na itinaas ni Sophia ang kanyang kilay habang si Max ay halos mamula na ang mukha nang dahil sa galit. At sa mga sandaling iyon ay pakiramdam nga niya ay isa siyang malaking biro.Galit na galit nga na itinutok ni Max ang screen ng cellphone niya kay Harold. Isa na namang beauty filter attack ang nakita ng lahat ng nanonood ng live stream na iyon.Kakaiba nga ang itsura ni Harold kay Sophia. Kung si Sophia kasi ay malamig at elegante ang dating, si Harold naman ay may pilak na buhok na lalo ngang nagpatingkad sa matalas at mapanuksong anyo ng kanyang mukha. Nakatayo nga siya ngayon sa harap ni Sophia at tila ba wala nga itong pakialam, tamad ang kilos at ni hindi man lang nga ito tumitingin sa camera.“Tingnan niyo. Ito ang
CHAPTER 200Nagtaas naman ng tingin niya si Sophia at saka nga niya malamig na tiningnan si Max. At kitang kita nga sa knyang mga mata ang lamig at pangungutya.“Maaari ko bang malaman kung sino ka?” malamig na tanong ni Sophia kay Max.Nakahawak nga ang isang kamay ni Sophia sa gilid ng mesa habang may bahid nga ng malamig na ngiti ang kanyang mga mata.“Tatlong taon akong nagtrabaho sa lungsod pero ngayon ko lang narinig ang tungkol sa’yo ‘Dakilang Buddha’ sa marangyang mundong ito,” sabi pa ni Sophia at saglit pa nga siyang nagkunwari na natauhan. “Ahh… Ikaw nga pala si Mr. Max Villamayor. Pasensya ka na. Matagal-tagal na in mula nang huli tayong nagkita. Sa tingin ko ay parang pumayat ka yata nitong mga nakaraang araw dahil sa kung ano mang problema. Kaya siguro ganito ka kahina ngayon,” pagpapatuloy pa ni Sophia at wala ngang pag-aalinlangan iyon at isang malinaw at lantad na panlalait nga iyon.Alam kasi ng lahat na kamakailan lang ay pinaalis nga ni Raymond si Max at inalis sa
Pagdating nga niya sa conference room sa pinakamataas na palapag ay hindi na nga siya nag-abala pa na kumatok roon. Bahagya pa ngang namutla ang guard na nakabantay sa sa pinto ng makita nga siya. Wala namang malinaw na utos mula sa director na hindi nga siya pwedeng pumasok kaya hindi naman nga siya pinigilan ng guard.Mas deretsahan nga si Harold at agad na nga niyang binuksan ang pintuan ng conference room.Sa loob nga noon ay naroon nga si Gilbert na kasalukuyan nga na nagsasalita. Pero natigilan nga ito ng makita nga niya si Sophia.“Pasensya na kung nahuli ako ng dating,” malumanay pa na sabi ni Sophia at wala ngang bahid ng kaba ang kanyang tinig.Matatag nga ang kanyang tindig. Maliwanag ang kanyang mga mata ngunit may kalamigan nga ng tingin nito. Dahan-dahan nga siyang naglakad sa loob ng conference room hanggang sa makarating nga siya sa upuan kung saan nakaupo si Gilbert.Diretso nga na tiningnan ni sphia si Gilbert.“Mr. Gilbert, mukhang akin ang upuan na iyan,” kalmado p
“Sigurado ka ba na pupunta ka pa roon?” tanong kaagad ni Harold kay Sophia. “Sa lagay mong iyan ay mahina pa ang iyong katawan. Tapos haharap ka pa sa mga matatandang buwaya ng pamilya Villamayor? Mas tuso pa ang mga iyon kaysa sa inaakala mo…”Hindi pa man nga tapos sa kanyang sinasabi si Harold ay tiningnan na nga siya ni Sophia habang may ngiti nga sa labi nito.“Mas mabigat pa ang laman ng isipan ko kaysa sa kanila,” sabi ni Sophia.Totoo naman kasi na mas mabigat nga ang iniisip ngayon ni Sophia kaysa sa mga tao ng Villamayor Group. Alam na alam na kasi ni Sophia ng mga pinaplano ng pamilya Villamayor. Pero alam kaya ng pamilya Villamayor ang totoong nilalaman ng puso’t isipan niya?Nagbihis naman nga si Sophia ng isang beige na corporate suit. Maingat nga siyang nag make-up para nga maitago niya ang maputla niyang mukha.Habang nakatingin nga siya sa salamin ay nakita nga ni Sophia ang kanyang sarili na matalas ang tingin at matapang ang anyo. At hindi nga niya kayang ipakita na
CHAPTER 199Marami nga ngayon ang usap-usapan tungkol sa pamilya Villamayor.Ayon nga sa balita ay matagal nang gumawa ng testamento si Raymond dahil sa sobrang pagkahumaling niya sa isang babae. At sa kanya ngang testamento ay iniiwan niya ang lahat ng kanyang ari-arian at shares kay Sophia. At kung hindi nga mahanap ang katawan ni Raymond ngayon ay si Sophia lang ang magiging tagapagmana ng lahat ng iyon. Siya lang ang makakakuha ng kabuuang yaman ng Villamayor Group sa mga darating na taon.“Ang galing naman niya. Na-promote, yumaman tapos nawalan ng asawa. Sino ba naman ang hindi magdududa sa kanya?”“Pero teka lang. Hindi ba at linoko ni Sophia si Francis habang kasal pa sila? Pagkatapos ay halos wala pa ngang pagitan ay agad na nga siyang sumama kay Raymond. At pagkatapos nga niyang umalis sa kumpanya ng mga Bustamante ay nakunan nga siya sa anak nila ni Ramond. Tapos ngayon nga ay may problema na naman si Raymond? Paano mo nga naman masasabing wala siyang kinalaman dito?”“Kung