CHAPTER 52"Mr. Raymond," sabi ng isang sekretarya na naroon ng makita nga nito si Raymond na dumating.Bigla namang naputol ang usapan ng mga sekretarya na naroon ng makita nila si Raymond. “Good morning po Mr. Raymond,” bati ng mga sekretarya na naroon.Ngumiti naman si Raymond sa kanila at nagtanong. "Nasa opisina ba si Mr. Francis?""Opo, nasa opisina po si Mr. Francis. May gusto po ba kayong sabihin sa kanya?" sagot ng head ng mga secretary na naroon.Ngumiti lamang naman si Raymond dito at saka nya binuksan ang pinto ng opisina ni Francis. Agad nga nyang nakita si Francis doon na nakaupo sa upuan nito habang hinihilot ang sintido nito.Nang marinig ni Francis ang pagbukas ng pinto ay nag angat nga siya ng tingin at nakita nga nya si Raymond. Ngunit saglit lamang naman nya tiningnan si Raymond na para bang hindi nya ito napapansin at muli nga nyang tiningnan ang mga dokumento na nasa kayang harapan.Dahil sa ginawa ni Francis na iyon ay lalo namang napangiti si Raymond sa kanya
CHAPTER 53Sa sandaling ito ay hindi na mahalaga pa kay Bianca kung si Sophia ba ang may gawa noon sa kanya o hindi. Para kay Bianca ang lahat ng sisi ay itinulak na niya kay Sophia. May galit siya kay Sophia. Nasaktan si Sophia sa kaarawan ng kanilang ama na si Nelson kaya iniisip nya na naghihiganti nga ito. Wala naman kasi siyang naalalang inaway kamakailan at ang tanging taong nakaalitan niya ay si Sophia lamang. Kung hindi si Sophia ang gumawa nito ay sino naman ang gagawa nito sa kanya.Wala namang ibang gustong ipahiwatig si Bianca ngayon kay Francis kundi ang kung gaano kasama si Sophia para maging masama nga rin ang tingin nito rito."Sa tingin mo ba ay si Sophia ang may gawa nito?" seryosong tanong ni Francis kay Bianca habang malamig ang tingin nya sa dalaga.Nang mapansin ni Bianca ang malamig na tingin ni Francis sa kanya ay para bang may tumusok sa kanyang puso."Hindi ba at si ate Sophia lamang naman ang maaaring gumawa nito sa akin?” nginig ang boses na sagot ni Bianc
CHAPTER 54Maliban kasi kay Raymond ay wala na ngang ibang maisip si Sophia na maaaring gumawa nito kay Bianca.Hindi pa naman kasi bumabalik si Louie sa bansa. Kahit pa narito ito ay hindi naman siya gaganti sa ganoong paraan. Samantala naman si Harold naman ay hindi papansin ang isang katulad ni Bianca. Mula sa isang perspektibo ay tila hindi rin niya binibigyang pansin ang epekto ng mga tulad ni Bianca kay Sophia.Wala ring alam sina Harold at Louie tungkol sa mga nagawa ni Bianca. Kaya sa lahat ng taong may kaalaman tungkol sa nangyari maliban kina Francis at Raymond ay tanging si Bianca na lang ang posibleng may alam ng buong katotohanan.Pero mahal na mahal ni Francis si Bianca kaya imposibleng siya ang manakit dito. Kaya ang natitira na lang talaga na maaaring gumawa noon ay si Raymond.Malinaw sa kilos niya na hindi niya balak palampasin ang ginawa ni Bianca kay Sophia. Kung tutuusin ay mas malupit pa ang ginawa niya kumpara sa nagawa ni Bianca kay Sophia.Pagbalik ni Raymo
CHAPTER 55“Sigurado ka ba na hindi ito mabubuking? Panloloko ito sa pagsusulit para sa kolehiyo,” tanong ni Johnny kay Joshua at halatang nag aalala at kinakabahan nga ito. Isa siyang guro kaya alam niya ang bigat ng ganitong klaseng sitwasyon.Ngumiti naman si Joshua sa kanyang ama at saka ito umiling dito.“Dad ilang taon ka nang guro diba. Hindi ako naniniwala na hindi mo alam ang mga ganitong bagay dahil alam naman natin na may mga taong handang magbayad para lang dyan. Yung mga mayayaman at mga makapangyarihan na tao ayaw ng mga yan na lumabas ang mga ganitong bagay,” sagot ni Joshua sa kanyang ama.May punto naman talaga si Joshua ngunit hindi pa rin maalis ang kaba ni Johnny dahil doon. Gayunpaman ay tila natabunan ang kanyang konsensya ng malaking halagang nabanggit ng anak. Umakbay pa nga si Joshua sa kanyang ama na parang magkaibigan lang sila habang nagkukwentuhan.“Basta sapat ang perang ibabayad ay ayos lang isakripisyo si Jacob,” bulong ni Joshua sa kanyang ama.Kahi
CHAPTER 56Si Jacob ay may kakaibang pakiramdam habang nakatingin sa babaeng nasa harapan niya. Pakiramdam niya ay nakita na niya ito noon pa ngunit hindi niya matiyak kung kailan o saan ito. Ang damdamin na iyon ay parehong pamilyar at estranghero.Habang abala ang mga tao sa pagparoon at pagparito sa paligid nila ay nanatili namang magkarugtong ang kanilang mga tingin.Nang mapansin ni Principal Monica na nakatuon lamang ang mga mata ni Sophia kay Jacob ay agad siyang nakaisip ng ideya. Tinawag niya ang direktor upang lapitan si Jacob at anyayahan na lumapit sa kanila para ipakilala ito kay Sophia."Ms. Sophia ipinapakikilala ko nga pala sa’yo si Jacob Flores siya nga pala ang pinakabagong henyo rito sa aming paaralan ngayon. Siya ang nangunguna sa klase at may pinakamalaking tsansang maging top science student ngayong taon," may pagmamalaking sabi ni Principal Monica kay Sophia.Ramdam ni Sophia na labis ang paghanga ni Principal Monica kay Jacob at tila ba nakahinga siya nang ma
CHAPTER 57Tiningnan naman ni Jacob si Sophia at kinuha ang business card at saka sya nagpasalamat dito.Tahimik naman na nakatayo sila Sophia sa ilalim ng malaking puno roon. Banayad naman ang ihip ng hangin at ang mga dahon nga ay nagliliparan na at naglalaglagan na nga sa kanya ang iba roon.Ang kanyang mahabang itim na buhok ay linilipad ng hangin at dumadapo sa kanyang mga balikat. Paminsan minsan ay natatakpan ng hibla ng kanyang buhok ang kanyang mga mata na malamig ngunit may bakas ng lambing. May bahagyang ngiti sa sulok ng kanyang labi at ang kanyang malambing na tingin ay napadako kay Jacob."Kung may mga tanong ka ay huwag kang mag atubiling tawagan ako," sabi ni Sophia kay Jacob bago sya tuluyang tumalikod dito at umalis.Napatingin naman si Jacob sa hawak nyang business card na iniabot sa kanya ni Sophia kanina.“Sophia Marquez Bustamante Project Manager,” basa ni Jacob sa nakasulat doon.Napakaganda ng pangalan. Kung sana lang ay tulad ng kanyang pangalan ay magawa niy
CHAPTER 58Tahimik naman sa loob ng sasakyan. Tanging sina Sophia at Francis na lang ang natitira roon. Bahagya namang ipinikit ni Sophia ang kanyang mga mata at parang wala talaga syang balak na magsalita. Makalipas ang ilang sandali ay pumwesto na ngansi Sophia sa upuan ng drayber at saka pinaandar ang kotse.Ito ang bagong sasakyan ni Francis ngayon isang itim na Mércedes Benz na Maybach na ipinalit nito sa asul na Cayenne na ibinigay ni Sophia noon sa kanya.Tahimik naman ang buong biyahe. Wala ni isa man sa kanila ang nagsalita habang papunta sila sa lumang bahay ng pamilya Bustamante.“Sophia may itatanong ako sa’yo,” pambabasag ni Francis sa katahimikan nila bago sila bumaba ng sasakyan ni Sophia. “Ano ang relasyon mo kay Jacob?” seryosong tanong ni Francis kay Sophia.Natigilan naman si Sophia sa naging tanong ni Francis sa kanya. Maya maya ay lumitaw ang banayad na ngiti sa sulok ng kanyang labi.“Relasyon ko kay Jacob? Mukhang wala ka namang kinalaman panroon. Mr. Francis
CHAPTER 59"Si Lolo Robert ay mukhang malusog at malakas pa pero ang puso niya ay laging nasa maselang kalagayan na," sabi ni Sophia kay Francis. "Napakatalino ni Lolo at kung mahuhulaan niya ang totoong relasyon nating dalawa dahil sa mga nangyayari ngayon ay paano natin ito haharapin? Hahayaan ba nating maapektuhan siya at magdulot pa ito ng atake sa puso at maospital siya?" dagdag pa ni Sophia.Hindi naman nakapagsalita si Francis dahil may punto naman ang sinasabi ni Sophia."Mahal ako ni Lolo. Hindi ko kayang gawin 'yon sa kanya. Kaya sa ganitong sitwasyon mas pipiliin ko pang magparaya na lang,” sabi pa ni Sophia at saka sya huminga ng malalim.Pagkasabi noon ay muli namang ngumiti si Sophia kahit na may kirot sa kanyang mga mata."Hindi ba att pinapahirapan mo rin si Bianca dahil dito?" sabi pa ni Sophia.Dahil natatakot siyang masaktan ang matanda ay hindi niya magawang sabihin ang katotohanan na hiwalay na sila ni Francis. Kahit ngayon na dinala pa rin siya ng lalaki pabali
Samantala naman hindi nga alam ni Sophia kung ano ba ang iniisip ni Bianca ngayon at wala rin naman siyang balak na alamin nga iyon.At ngayon nga ay napapalibutan siya ng isang grupo ng mga kilalang tao sa industriya. Marami na nga siyang nakausap at halid hindi na nga niya namalayan pa ang oras. Ngunit sa totoo lang ay pagod na talaga siya.Nagulat naman nga si Sophia ng makatanggap nga siya ng mensahe mula kay Raymond. Isang lokasyon nga ang pinadala nito. Nasa balcony lang pala ito ng hapunan at hindi nag iyon kalayuan sa kanya.Napataas na lamang nga ang kilay ni Sophia dahil paano nga ba nakatago ang taong ito rito sa dami ng mga bisita. Marahil ay naiinip nga lang talaga ito.Ang balcony nga ng bulwagan na iyon ay nakausli at ang mga rehas nito ay umabot na nga sa magkabilang gilid ng dingding. May mga bahagi nga sa magkabilang gilid noon na pwede ngang pagtaguan pero masyado ngang makitid ang espasyo roon.Hindi nga pinili ni Sophia na pumunta sa mga tagong bahagi ng balcony.
CHAPTER 166 Isa isa na nga na nag aalisan sila Mr. Benedict at ang mga kasamahan niya at karamihan nga sa kanila ay magkakagrupo. Ngunit bago pa nga sila tuluyang lumabas ay nag iwan nga ang lahat ng tingin kay Bianca at ang tingin nga ng mga ito ay may halong panunuya. Napakagat labi na lamang nga si Bianca at pilit na pinipigil ang kanyang galit at panghihuna ng loob. Hanggang sa hindi na nga niya napigilan pa ang kanyang sarili. “Bakit mo nasabi ang bagay na yun?” may gigil pa na sabi ni Bianca kay Sophia. Saglit naman nga na tiningnan ni Sophia si Bianca at isang malamig at matalim na tingin nga ito na para bang hindi siya nararapat na kausapin. “Ang tanga mo naman. Hinfi mo ako ka levek para kausapin,” sagot ni Sophia at wala nga siyang pag aalinlangan na tumalikod at tuluyang lumayo rito. Gusto sanang isigaw ni Bianca ang pangalan ni Sophia at parang gusto nga niya sanang habulin ang kapatid nya ngunit nanaig nga sa kanya ang takot na baka kumalat ang hindi nila pagkakasun
Nanatili naman nga na nakangiti si Sophia. Bahagya pa nga niyang hinigpitan ang pagkakahawak nya sa baso na may lamang wine at saka nya nga iyon banayad na inalog.“Hindi pa ba sinabi sa’yo ni James na hindi pa ako tuluyang nagbitiw sa Bustamante Group?” seryoso pa na tanong ni Sophia kay Benedict. “Sa ngayon ay ako nga ang general manager ng Villamayor Group pero kasabay nganniyan ay ako pa rin si Manager Sophia ng Bustamante Group. At ang tinutukoy ni Boss Francis na secretary ay ako pa rin. Wala namang nagsabi na hindi pwedeng humawak ng maraming posisyon ang isang tao, hindi ba?” pagpapatuloy pa ni Sophia.Bigla naman ngang namilog ang mga mata ni Benedict dahil sa gulat sa mga sinabi na iyon ni Sophia.“Ha? Ano? P-Paano? P-pero hindi ba sa social media mo mismo sinabi na aalis ka na sa Bustamante Group?” kandautal pa na tanong ni Benedict.Bahagya naman na tumaas ang kilay ni Sophia at parabang nakarinig nga siya ng isang nakakatawang biro.“Mr. Benedict ang Bustamante Group ay
CHAPTER 165“Pupunta ka na ba roon para tulungan siya?” isang malamig na tanong ang binitawan ni Sophia habang nakatingin nga siya kay James. “Sa tingin mo ba ay dapat ka talagang pumunta roon? Pero wag kang umasa na magpapasalamat sa’yo si Bianca,” dagdag pa niya at saka nga siya ngumiti kay James.Nanatili naman nga na nakatingin si James kay Sophia at hindi nga siya nagsasalita man lang.“Baka nga isipin pa ni Bianca na inaagawan mo siya ng pagkakataon bilang head secretary ng Bustamante Corporation. Maaari rin kasi niyang maramdaman na mas lalo siyang mapapahiya sa harap ng lahat dahil sa presensya mo. Baka nga iniisip niya na kahit wala ka ay kaya niyang ayusin ang lahat ngbiyan ng mag isa,” sabi pa ni Sophia at saka nga siya mahinang natawa.“Napakayabang at napakataas ng tingin niya sa kanyang sarili. At sa paningin niya ay hindi siya kailanman magiging mas mababa sa’yo, sa akin o kay Khate,” dagdag pa ni Sophia.Bahagya pa nga na nakataas ang kilay ni Sophia at tila ba aliw na
“Kung hindi ka pa rin naniniwala ay bumalik ka at tanungin mo sila Khate at James para malaman mo kung nagbibiro lamang ako hindi. At para rin malaman mo na isa ka lang malaking biro,” dagdag pa ni Sophia at saka nga siya bahagyang lumapit pa kay Bianca.“At isa pa nga pala ay alamin mong mabuti na iniwan ko na talaga si Francis. At simula pa noong una hanggang ngayon ay ni minsan ay hindi ko siya ginulo. Kaya naman sana ay makontrol mo ang lalaki mo at huwag mo siyang hayaan na manggulo pa sa akin. Nakakabigat lang sya sa buhay ko,” sabi pa ni Sophia.Hindi naman nga nakaimik si Bianca atnanatili nga siyang nakatulala na lang kay Sophia.Akmang lalampasan na nga sana ni Sophia si Bianca pero saglit nga siyang natigilan at muli nga ay humarap sya rito.“Imbes na ako ang haeapin mo ay bakit hindi mo pigilan ang lalaki mo at siguraduhin na hindi diya naghahanap ng iba? Kung kahapon ay ikaw ang pinili niyang punatahan ay maaaring bukad ay iba naman. Sa dami ba naman ng babae sa mundo ay
CHAPTER 164Ilang araw na rin kasi na hindi nakikita ni Bianca si Sophia. At sa totoo lang sa nakalipas nga na mga araw ay galit na galit nga si Bianca dahil sa litrato na ipinost ni Francis sa social media nito kaya naman halos mawala nga siya sa katinuan dahil sa sobrang galit. Kaya naman ngayong gabi nga nang makita nga ni Bianca si Sophia ay agad nga niya itong sinundan dahil hindi na nga niya kayang pigilan pa ang kanyang sarili.Iniisip kadi ni Bianca na kung umalis na nga si Sophia sa poder ni Francis pero patuloy pa rin nga itong iniisip ni Francis ay ibig sabihin non para sa kanya ay sinadya nga ni Sophia na akitin ito. Sa madaling salita para kay Bianca ay si Sophia nga ang may kasalanan at hindi si Francis.“Bianca mag dahan dahan ka sa mga sinasabi mo. Simula noong gabi na nakita kita ay ni minsan ay hindi na ako nakipag ugnayan pa kay Francis. Wala akong interes na maging kabit sa katawa tawa nyong relasyon na dalawa lalo na sa isang lalaki na katulad niya. Huwag mo ako
Pagkalabas nga ng screenshot na iyon na nagpapaliwanag ang customer service ay agad nga na sumabog ang mga reaksyon sa social media.“Grabe kung hindi iyon si Mr. Raymond ay ewan ko na lang talaga. Malinaw naman na nagpapakita ito ng pagiging possessive nito.”“Ibig bang sabihin nito ay pareho na may gusto kay Ms. Sophia sika Mr. Francis at Mr. Raymond? Ang hirap naman paniwalaan na si Mr. Francis nga ang talo rito.”“Tama! Parang hindi talaga kapani paniwala na ang isang playboy na kagaya ni Mr. Raymond ang siyang magwawagi rito.”“Parang nahuhulaan ko na kung bakit umalis si Ms. Sophia sa Bustamante Group.”Maagang maaga pa nga lang ay sunod sunod na nga ang matitinding hakbang na ginawa ni Raymond dahilan upang sila nga ni Francis at Sophia ang maging trending sa social media.At nang makita nga nito ni Sophia ay natawa na lamang talaga siya dahil sa inis.gad naman na nagsorry si Raymond kay Sophia pero wala nga ni katiting na pagsisisi sa mukha nito at sa halip nga ay tila ba ipi
CHAPTER 163Nanatili nga na nakatingin si Francis sa mga damit na yun ni Sophia at hindi nga niya magawang itapon ang mga ito. Ang mga gamit kasi na iyon ay minsan na nga na ginamit ni Sophia at naiwan lamang. At kung sakali nga na bumalik si Sophia roon balang araw at makita nga ang mga iyon ay tiyak na mararamdaman nito na pamilyar ang mga iyon sa kanya.Bigla ngang nagdilim ang mga mata ni Francis. Naisip niya na babalik nga si Sophia. At walang duda na isang araw ay babalik nga ito roon.***********Bibihira nga na magpost si Francis sa kanyang social media kaya naman ng mag upload nga ito ng larawan ng usang plush doll ay agad nga itong naging usap usapan.Una kasi ay nag post nga si Sophia ng isang larawan kung san ipinakita nga niya ang pagmamahal niya kay Raymond. At pagkatapos naman nga ay si Francis naman ang nag upload ng isang hindi karaniwang larawan para sa kanyang istilo dahilan upang mapunta nga siya sa trending search sa social media.Maaga naman ngang nakita ni Raymo
Hindi na nga pinapansin ni Bianca kung mahal pa ba sya o hindi ni Francis. Dahil kung hindi nga niya makukuha ang pagmamahal ng binata ay makukuha naman nga niya ang kapangyarihan at posisyon. At kailangan nga niyang makuha ang isang bagay bilang kapalit ng lahat ng kanyang ginawa.“Syempre poprotektahan naman kita,” malamig na sabi ni Francis.Nag angat nga ng tingin niya si Francis at sa kauna unahan nga na pagkakataon ay isang mapait nga na ngiti ang lumitaw sa labi ng binata at isang ngiti nga iyon na tila ba hindi na nga niya namalayan na kanya palang ginawa.Bigla ngang natahimik si Bianca at bigla nga niyang naisip kung nailigtas ba siya noon? Bakit parang habang buhay na siyang nakakulong sa insidente na iyon? Bakit pakiramdam nga niya ay tila ba hindi nga siya kailanman tuluyang nakatakas?Naisip din nga niya na para bang habambuhay na lang siya na mabubuhay sa pagkakautang at pagkakasala.“Tara na. Umuwi na tayo,” sabi ni Francis kay Bianca at pilit nga niyang isinasantabi a