CHAPTER 58Tahimik naman sa loob ng sasakyan. Tanging sina Sophia at Francis na lang ang natitira roon. Bahagya namang ipinikit ni Sophia ang kanyang mga mata at parang wala talaga syang balak na magsalita. Makalipas ang ilang sandali ay pumwesto na ngansi Sophia sa upuan ng drayber at saka pinaandar ang kotse.Ito ang bagong sasakyan ni Francis ngayon isang itim na Mércedes Benz na Maybach na ipinalit nito sa asul na Cayenne na ibinigay ni Sophia noon sa kanya.Tahimik naman ang buong biyahe. Wala ni isa man sa kanila ang nagsalita habang papunta sila sa lumang bahay ng pamilya Bustamante.“Sophia may itatanong ako sa’yo,” pambabasag ni Francis sa katahimikan nila bago sila bumaba ng sasakyan ni Sophia. “Ano ang relasyon mo kay Jacob?” seryosong tanong ni Francis kay Sophia.Natigilan naman si Sophia sa naging tanong ni Francis sa kanya. Maya maya ay lumitaw ang banayad na ngiti sa sulok ng kanyang labi.“Relasyon ko kay Jacob? Mukhang wala ka namang kinalaman panroon. Mr. Francis
CHAPTER 59"Si Lolo Robert ay mukhang malusog at malakas pa pero ang puso niya ay laging nasa maselang kalagayan na," sabi ni Sophia kay Francis. "Napakatalino ni Lolo at kung mahuhulaan niya ang totoong relasyon nating dalawa dahil sa mga nangyayari ngayon ay paano natin ito haharapin? Hahayaan ba nating maapektuhan siya at magdulot pa ito ng atake sa puso at maospital siya?" dagdag pa ni Sophia.Hindi naman nakapagsalita si Francis dahil may punto naman ang sinasabi ni Sophia."Mahal ako ni Lolo. Hindi ko kayang gawin 'yon sa kanya. Kaya sa ganitong sitwasyon mas pipiliin ko pang magparaya na lang,” sabi pa ni Sophia at saka sya huminga ng malalim.Pagkasabi noon ay muli namang ngumiti si Sophia kahit na may kirot sa kanyang mga mata."Hindi ba att pinapahirapan mo rin si Bianca dahil dito?" sabi pa ni Sophia.Dahil natatakot siyang masaktan ang matanda ay hindi niya magawang sabihin ang katotohanan na hiwalay na sila ni Francis. Kahit ngayon na dinala pa rin siya ng lalaki pabali
CHAPTER 60Ang nakaraan ay nakaraan na. Matagal naman ng alam ni Sophia sa puso niya na si Francis ay si Francis at hindi na niya ito asawa ngayon.Napataas naman ang kilay ni Raymond at napapangiti na nga lamang sya at mukhang nag eenjoy nga sya sa kanyang nasasaksihan.Nanatili namang malamig ang tingin ni Francis kay Sophia ngunit bahagyang dumilim ang ekspresyon nito nang marinig niyang sinabi ni Sophia ang tungkol sa nakaraan nila. Alam naman niyang tama si Sophia dahil mula nang araw na naghiwalay sila ay naging bahagi na siya ng nakaraan nito."Mas gumaan ang pakiramdam ko ngayon dahil sa sinabi mo," nakangiti pa na sabi ni Raymond kay Sophia."Mr. Francis narinig mo rin naman siguro ang mga sinabi ni Sophia di ba? Ang nangyari sa inyo ni Sophia ay bahagi na ng kanyang nakaraan. Naiintindihan mo ba? San a'y huwag ka nang makialam pa sa amin,” baling naman ni Raymond kay Francis at napapangisi pa nga sya at halata mo na inaasar nga nito si Francis.Nanatili namang malamig ang
CHAPTER 61Galit na galit talaga si Sophia sa dugo ng pamilya Marquez na nanalaytay sa kanya. Kinasusuklaman niya sina Nelson at Bianca dahil sa kanilang pagiging mababa ng mga ito at walang hiya ngunit hindi niya maikakaila na may dugo pa rin siya ng pamilya Marquez. Kung may paraan lang na mabuhay siya kahit mawalan ng dugo ay handa niiyang gawin iyon mapalitan lamang lahat ng dugong dumadaloy sa kanyang katawan. Mas pipiliin pa niyang magdusa kaysa madiri sa dugong ikinakabit sa isang maruming angkan.Para kay Sophia ay wala siyang ginagawang mali. Ang tunay na mali ay ang iba pang miyembro ng pamilya Marquez. Ngunit totoo rin na labis siyang nasusuklam sa pamilya Marquez. Kung gusto niyang putulin ang anumang ugnayan sa kanila ay kailangan nga niyang maging maayos sa kanyang mga desisyon. Ngunit hindi siya hangal. Alam niyang hindi nya kailangang saktan ang sarili nya para lang mawala ang kaugnayan niya sa kanila. Ito ang unang pagkakataon na narinig ni Nelson ang mga matitindi
CHAPTER 62"Tama ka. Hindi madaling ipaliwanag ang bagay na ito sa telepono. May oras ka ba bukas? Bakit hindi na lamang tayo magkita upang mapag usapan natin ito ng mas maayos?” sabi ni Sophia kay Timothy."Sige dahil ikaw ang nagsabi ay hindi ko yan tatanggihan," sagot ni Timothy kay Sophia.Ngumiti naman si Sophia kay Timothy bago sya tumingin sa kanyang suot na relo."Paano kung magkita tayo bukas ng alas tres ng hapon sa kumpanya ng mga Bustamante?" pag aaya pa ni Sophia sa kanyang kausap.Binanggit na ito ni Sophia para ipahiwatig ang kanyang koneksyon sa pamilya Bustamante at para isipin ni Timothy kung paano aayusin ang presyo sa negosasyon nila."Sige. Walang problema darating ako. Inaasahan kong makilala ka Miss Sophia," pag sang ayon ni Timothy.Hindi ka magiging matagumpay na namamahala ng malaking kumpanya kung kulang ka sa talino. Natural lamang na narinig ni Timothy ang patagong mensahe ni Sophia at nagbigay ito ng mas mataas na halaga sa kanya. Si Sophia ang alas ng mg
CHAPTER 63Seryoso naman na tinitigan ni Timothy si Sophia na animo’y tinitingnan nga nito kung seryoso ba talaga ito sa sinasabi nito sa kanya"Alam mo ba na nakita na kita noong bata ka pa lang," ani Timothy kay Sophia at napahalukipkip pa nga siya habang seryoso syang nakatitig sa dalaga. "Hawak hawak ka ni Nelson at sobrang liit mo pa noon at napakacute mo. Akala ko ay mabait siya sa'yo kaya ngayon ay nagtataka ako kung bakit mo siya kinaiinisan ng ganyan ngayon," dagdag pa ni Timothy.Naramdaman naman ni Sophia na para bang pinagtatawanan siya ni Timothy. "Akala ko po ay alam nyo na Mr. Bautista ang tunay na pagkatao ni Nelson. Pwede siyang maging mabait sa akin pero kaya rin niyang itulak ang sariling anak sa apoy. Si Nelson ay isang makasariling nilalang na ang tanging layunin ay ang sarili niyang kasiyahan," seryosong sagot ni Sophia kay Timothy.Nagulat naman si Timothy sa sinabi ni Sophia at hindi nya akalain na ganito na magsalita ngayon si Sophia."Talaga palang ibang iba
CHAPTER 64Napamulagat naman si Timothy dahil sa sinabi ni Sophia.Habang nakayuko naman si Sophia ay tahimik niyang hinahalo ang kape sa tasa. Ang malamig na simoy ng aircon sa silid ay nagdulot ng ginaw kay Timothy. Napansin iyon ni Sophia kaya itinaas niya ang temperatura ng aircon at saka sya umayos ng kanyang pagkakaupo.“Ang ugnayan ng pagiging magkadugo ay hindi laging sukatan,” mahinahongnsabi ni Sophia kay Timothy. “Hangga’t may tunay na pagmamahal at kahit walang kaugnayang dugo ay maaari kang maging pamilya. Pero kung wala namang pagmamahalan kahit na magkadugo pa kayo ay kayang lamunin hanggang sa wala nang matira ni bakas man lang,” dagdag pa ni Sophia.Habang sinisiyasat ang air vent ng aircon, hindi alintana ni Sophia ang malamig na hangin. Para sa kanya ito ay mas komportable at hindi malamig."Mr. Bautista matagal ka na sa mundong ito. Hindi ba sapat ang mga nakita mo para maunawaan ang ganitong mga bagay? Ilang tao na ang yumaman at iniwan ang kanilang asawa at mga
CHAPTER 65Maingat naman na inilapag ni Sophia ang mga dokumento sa harap ni Khate saka nya ito binuksan sa pahinang may isyu itinuro pa nga nya ang isang partikular na bahagi ng kontrata."Maayos ang bawat bahagi ng kontratang ito pero itong halos hindi mapansing tala ay isa itong patibong," sabi ni Sophia kay Khate.Napangiti naman si Khate dahil sa pinakita at sinabi ni Sophia."Nakita mo nga pero ang bago nating punong sekretarya akala nya ay isang malaking pagkakataon lamang ito. Gusto pa niyang sunggaban agad natin ito," sagot ni Khate kay Sophia.Napakunot naman ang noo ni Sophia dahil sa naging sagot ni Khate sa kanya."Anong klaseng biro na naman ito? Si Bianca ba ang may pakana ng kasunduang ito? Baliw na ba talaga siya?" tila hindi makapaniwalang sagot ni Sophia kay Khate.Bahagya namang tumango si Khate ngunit hindi sya nagbigay ng opinyon."Si Secretary Bianca kahit na halos hindi pa nakakabawi mula sa aksidente ay pilit pa ring pumapasok sa trabaho kahit naka wheelchair
“Sir Francis may kailangan po ba kayo?” nag aalala na tanong ng kasambahay kay Francis.Napatingin naman si Francis sa gawi ng kasambahay. Sa mga sandali nga na iyon ay tila ba may ibang anyo nga siyang nakikita at isang anino iyon na hindi dapat naroon. Payat at mukhang marupok ngunit may kakaibang lakas.Mahigpit naman nga na naikuyom ni Francis ang kanyang kamao at nanatili nga ang malamig na ekspresyon ng mukha nito.“Wala. Bumalik ka na sa ginagawa mo,” malamig na sagot ni Francis sa kasambahay.Napabuntong hininga naman nga ang kasambahay. Gusto pa sana niyang magtanong sa kanyang amo ngunit nang makita nga niya na wala ng sasabihin si Francis ay tumalikod na nga rin siya.Sakto naman nga na tumunog ang doorbell kaya naman agad na nga na binuksan ng kasambahay ang pinto at agad nga na bumungad sa kanya si Bianca. Dali dali pa nga itong pumasok at halos itulak pa nga nito ang kasambahay sa gilid.“Ali masyadong marami ang nainom mo ngayong gabi. Ayos ka lang ba? Masama ba ang pak
CHAPTER 161Marami na nga ang lumabas na ulat tungkol kay Raymond noon na madalas nga siyang makita na kasama ng iba’t ibang babae. Ngunit sa larawan nga na ito ay ibang iba nga ang kanyang dating. Mukha kasi siyang maamo at malambing na malayong malayo sa dati niyang imahe na may bahid nga ng kasamaan at tikas. Parang nawala nga bigla ang kanyang mga tinik at ang natira na nga lang ay puro lambing.Pagkatapos nga na maipost ni Sophia ang larawan na iyon ni Raymond ay agad nga iyong naging trending sa internet.Noon nga ay marami pa rin nga ang hindi naniniwala sa relasyon nila Sophia at Raymond. Pero ngayon nga na nakita nila ang larawan na ipinost ni Sophia ay tila ba bigla ngang nagbago ang ihip ng hangin.“Sino ba kasi ang nagsabi na hindi sila bagay na dalawa? Sige nga lumabas ka ngayon at ngayon mo nga sabihin na hindi sila bagay na dalawa.”“Marahil ito na nga ang eksakto na kwento ng isang lalaki na gala na bumalik para sa kanyang minamahal. Perpekto talaga ang kombinasyon nil
Napangiti na lang nga ang mga tao na naroon at pilit na nililibang ang kanilang mga sarili at kunwari nga ay hindi sila naroon upang manood. Mabilis nga nilang ibinaling ang kanilang atensyon sa iba pang mga naroon kahit pa hindi nga sila magkakakilala at saka sila tuluyang nag alisan.Sakto naman na lumabas nga mula sa kabilang elevator sila Sophia at Raymond at nakita nga nila ang eksena na iyon.“Mukha ba siyang salot?” bulong ni Sophia at bahagya pa nga na nakataas ang kanyang kilay.Mahina naman nga natawa si Raymond at saka nga ito tumikhim.“Mukha nga,” mahina rin naman na sagot nito.Kahit nga sa mga ganitong sitwasyon ay hindi pa rin nga pinalampas nito ang pagkakataon na manudyo. At talaga ngang malakas mang udyok si Sophia na gumanti.Ngayon nga ay kakaunti na lamang ang natitirang tao sa lugar at ang mga matatapang na lamang nga ang hindi agad umalis. Nanatili pa rin nga na nakatayo si Sophia ngunit hindi man lang nga siya tumitingin kay Francis, mula sa umpisa hanggang s
CHAPTER 160Bahagya naman nga na natawa si Raymond at saka nga niya hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ni Sophia at pinagsalikop pa nga niya ang kanilang mga daliri.“Dahil nag aalala ako na baka ang magiging nobya ko sa hinaharap ay magseselos at magagalit ay inayos ko na ang lahat ng impormasyon kaninang umaga. Kaya ipapakita ko sa’yo ang lahat ng iyon pagbalik natin at pangako ko na wala akong itatago sa’yo,” seryosong sabi ni Raymond kay Sophia.Agad naman nga na napangiti si Sophia dahil sa sinabi na iyon ni Raymond at bakas nga sa magandang mukha nito ang kasiyahan.“Kung ganon ay bakit wala naman yatang maayos na impormasyon sa simula?” tanong ni Sophia.Bahagya naman nga na napataas ang kanyang kilay dahil sa tanong na iyon ni Sophia.“Alam mo ba kung ano ang iniisip ko ngayon?” tanong ni Raymond kay Sophia at may halo pa nga na pang aasar ang kanyang tinig.Napatingin naman nga si Sophia kay Raymond habang hindi nga nawawala ang ngiti sa kanyang labi.“Tinatablan ka na ba n
Samantala naman ang usapan sa pagitan nila Khate at Jeric na secretary ni Jeffrey ay mas mahinahon naman. Bagamat hindi nga nagkatinginan ang dalawa ay wala naman ngang matinding tensyon sa pagitan nilang dalawa.“Talaga bang nakakatakot si Ms. Sophia kapag nawawala sa sarili?” tanong ni Jeric na tila ba inosente sa buong sitwasyon. Wala kasi siyang masyadong alam tungkolkay Sophia kaya hindi siya nagdalawang isip na magtanong.Napabuntong hininga naman nga si Khate at saka nga sya napahilot sa kanyang sintido.“Ang tinatawag na ‘iron triangle’ ng pamilya Bustamante ay unang una na nga si Sophia, pangalawa si James at ako naman nga ang pangatlo. Sa tingin mo ba ay inayos ang ranggo na iyon ayon sa edad o sa lakas? Pero hindi nga iyon ang naging batayan doon. Dahil ang naging batayan nga roon ay kung sino ang may pinakamalalang kabaliwan,” sabi ni Khate at bahagya pa nga siyang napangiwi dahil sa sunabi nyang iyon.“Si Phia ang mas mataas kay James sa ranggo na ito. Isipin mo na lang n
CHAPTER 159“Gumastos pa nga siya ng napakalaking halaga upang suportahan ang isang Hollywood actress. At ang damit nga na ibinigay nila rito ay nagkakahalaga ng milyon milyon.”“Oo nga. At hinabol ko pa nga ang isang pares ng kambal na magkapatid ng sabay.”Nag uusao usap nga silang lahat doon tungkol sa tsismis na may kinalaman nga kay Raymond.natwala nga silang balak na na magpapigil at tila ba gusto nga nilang ilabas ang lahat ng maaaring ipakalat tungkol kay Raymond.Sa hindi nga maipaliwanag na dahilan ay naging tampulan nga ng usapan si Raymond at tila ba lumalabas pa nga na sya ang masama sa lahat.Hindi naman nga maiwasan ni Raymond na mapangiwi dahil sa mga sinasabi ng mga kasama nila roon.Samantala naman si Sophia ay hindi man lang nga nabawasan ang sigla. Para sa kanya ay nakakaaliwnga ang usapan nila na iyon. At tila nga wala siyang interes na seryosohin ang mga tsismis tungkol kay Raymond at sa halip nga ay masaya pa nga siyang pumalakpak.“Ang galing naman. Talaga nga
Noon kasing Federal Negotiation ay si Khate nga ang kumakatawan kay Francis habang si Jeric naman nga sa panig ni Wendell. At sa huli nga ay naglaban nga ng husto ang dalawang kampo at sa isang maliit na dayuhang kumpanya nga ang nakakuha ng benepisyo. At isang magandang kasunduan nga sana iyon na napunta lang sa wala.Ang pangyayari nga na iyon ay hindi naman nga kumalat kaya kakaunti lang din talaga ang nakakaalam noon. Pero sa pagitan nga nila Khate at Jeric ay iyon nga ay isang matinding pagkasira ng loob at pareho nga nilang sinisisi ang isa’t isa dahil nga hindi nga talaga sila magkaintindihan na dalawa.Ngunit hindi pa nga tapossi Sophia dahil tumingin naman nga ito kay James.“At ikaw naman James hindi ba at may maganda ka ring koneksyon kay Ian na sekretarya din ni Wendell? Maaari kayong magbalik tanaw sa bidding para sa lupa noon. Hindi ba at kayong dalawa ang halos magpatayan sa labanan para sa proyekto na iyon? At kahit nga nakahanda na ang lahat ng plano para roon ay big
CHAPTER 158 Napakatuso talaga ni James. Hindi naman nga sumagot si Sophia rito at diretsahan na nga rin niyang sinabi na ayaw niyang dumalo sa naturang dinner. Sa katunayan ay isa nga iyong pangungutya kay Raymond at sa iba pa dahil sa tahasang pagtanggi sa kanilang imbitasyon nang hindi dumaan kay Sophia. At isa pa kung sakali man nga na pumayag si Sophia na ihatid si Francis pauwi o kung may mangyari pan man na ibang bagay ay iyon ay desisyon na niya at wala nang kinalaman pa ang ibang tao roon. Ngunit isang simpleng pangungusap nga lang at may pahiwatig na nga siya tungkol sa mga tao na nasa paligid niya. Sino nga ba kasi sa kanila ang hindi matalino? Sino nga ba ang hindi makakakuha ng tunay na kahulugan sa likod ng mga salita ni James? At isang bibihira nga na tagpo ang naganap. Halos lahat nga sila roon ay kilalang personalidad sa kanilang mundo. At sa madaling salita nga ay kung mayroon man na mangyare sa kahit isa sa kanila ay tiyak na mayayanig ang mundo ng finan
“Ang sabi mo ay hindi mo matanggap. Pero ngayon nga ay alam mo nang wala kang karaparan na hindi iyon matanggap,” seryosong sabi ni Sophia kay Francis. At pagkasabi nga niya noon ay tumqlikod na nga siya at naglakad palayo sa mga ito. At habang naglalakad nga siya ay napansin nga niya sila Dr. Gerome kasama ang iba pa nga nitong kasamahan.Nanatili naman nga na nakasandal si Kurt sa pader. Mukhang nakainom na nga rin ito oero hindi naman sya lasing na lasing. Ang kanya ngang suit jacjet ay basta na lamang nga na nakapatong sa kanyang balikat at ang manggas ng kanyang suot na damit ay nakatupi na nga pataas at kita na nga rin ang matigas nitong braso.Ang ilang hibla nga rin ng buhok ni Kurt ay bumagsak na sa kanyang noo ngunit hindi naman nito naitago ang kanyang mga mata na puno ng panganib. Bahagya pa nga siyang nakangisi. At nang mapatingin nga siya kay Sophia ay tumango lamang nga siya rito bilang pagbati. Ngunit nang mapadako nga ang tingin niya kay Bianca ay isang mapang asar n