CHAPTER 66Rinig na rinig naman ni Bianca ang mapanuyang boses ni Khate at agad nga siyang namutla dahil doon. Naikuyom na nga lamang niya ang kanyang mga kamay habang nagpipigil na magsalita ngunit bago pa man siya makapagpaliwanag ay isang mapanuksong tinig ang umalingawngaw na punong puno ng panunuya."Ang mga damdamin mo at sariling pananaw ay tuluyan nang sumakop sa isip mo. Hindi mo na kayang mag isip nang mahinahon. Kung sakaling mabigo ang investment na ito ay paano mo ito ipaliliwanag sa iba?" sabat na ni Raymond na kasalukuyang nakasandal na sa pinto ng opisina ni Francis. Ang kanyang makitid na mga mata ay puno ng kuryosidad na may halong ngiting tila nanunubok."Hindi mabibigo ang investment ko. Itataya ko kahit pa ang sarili kong career,” madiing sagot ni Bianca at bawat salita nya ay punong puno ng determinasyon.Ngunit hindi basta basta sinasabi ang mga ganoong bagay lalo na ang pagtaya sa sariling karera.Napataas naman ang kilay ni Khate habang seryoso nga syang nak
CHAPTER 67“Gusto mo bang sabihin sa akin ngayon Bianca na hindi ko pinaghihiwalay ang public at private life ko?” tanong nu Francis kay Bianca habang seryoso nga syang nakatingin dito. “Sabagay tama ka nga Bianca. Hindi ko nga pinaghihiwalay ang public at private life ko,” dagdag pa ni Francis.Natigilan naman si Bianca dahil sa sinabi ni Francis at hindi nga sya makapaniwala rito kaya naman muling sumiklab ang galit nya."Kung magiging patas kasi talaga ako Bianca ay dapat si Sophia ang nararapat na naroroon sa posisyon mo at hindi ikaw Bianca. At kung tiitingnan naman ang kakayahan mo ay hindi ka karapat dapat na mapasama sa pamilya Bustamante,” seryoso pa na sabi ni Francis kay Bianca.Alam naman talaga ni Francis ang lahat ng ito. Ngunit kahit pa ganon ay binigyan pa rin nga nya ng pagkakataon si Bianca at pinayagan nya si Sophia na magsimula sa mga proyekto. Ngunit ngayon ay si Bianca mismo ay nagsasabi na hindi niya kayang paghiwalayin ang pampubliko at pribadong mga bagay na
CHAPTER 68Rinig na rinig naman ni Raymond ang sinabi ni Sophia at bahagyang tumaas nga ang kilay nito kasabay ng paglalim ng ngiti sa kanyang mga mata. Ang mga matang laging may bahagyang ngiti ay tila ngayon mas maliwanag."Hindi madalas na marinig ang mga salita na yan mula sa'yo," sabi ni Raymond kay Sophia. "Huwag kang mag alala dahil hindi lang ako babalik nang ligtas dahil magdadala pa ako ng mga espesyal na pasalubong para sa’yo," dagdag pa ni Raymond at saka sya tuluyang umalis.Bakit nga ba napasama si Raymond dito? Hindi naman kasi mahirap para kay Raymond na tanggihan ang alok ni Michael pero mas pinili nga nya na magpunta na muna sa kumpanya ni Francis.Nang iminungkahi ni Francis na magpunta siya sa ibang bansa para sa inspeksyon ay ni hindi nga man lang siya tumanggi o nagdahilan pa. Hindi naman sila ganoon kalapit ni Francis kaya bakit tila napakadali para kay Francis na kumbinsihin siya? At kitang kita nga ni Khate ang lahat ng ito.Malinaw para kay Khate na pumunta
CHAPTER 69Tahimik naman na ibinaba ni Sophia ang hawak niyang baso at saka nya dahan dahang ibinaling ang tingin kay Francis.Sa gabing iyon ay suot ni Francis ang isang dark blue na suit na elegante at presko sa mata. Nakasilip sa kanyang pulso ang isang relo na may halagang sampung milyon at ang kanyang kurbata ay sinelyuhan ng platinum iris tie clip. Isa itong imahe ng karangyaan na sadyang bumabagay sa kanya.Mula sa makintab niyang kurbata ay iniangat ni Sophia ang tingin sa gwapo nitong mukha na perpekto ang hugis.Dark blue ito ang paboritong kulay ni Francis. Napangiti na lamang si Sophia habang napatingin naman siya sa kanyang suot na red dress.Kapansin pansin ang kanilang kombinasyon ng kulay. Kung titingnan sila mula sa malayo ang pula at asul ay magbibigay ng ilusyon na magkasintahan sila. Pero ang katotohanan ay hiwalay na sila.Mula nang maghiwalay sila ay mas naging mapangahas ang estilo ni Sophia naging mas matingkad at mas kaakit akit nga ito ngayon. Isang anyo na h
CHAPTER 70Mula sa kanilang kinaroroonan ay naririnig na nga nila na mayroon na ngang tumutugtog sa loob ng bulwagan. Ang musika na iyon ay nagmumula sa mga estudyante ng Music Deapartment ng naturang unibersidad na nagtatanghal na sa entablado.“Kailangan na siguro nating pumunta kay Desiree,” sabi ni Sophia kay Francis habang tinitingnan nga nya ang oras sa kanyang suot na relo. Pinangako nya kasi kay Desiree na sasa,ahan nya nga ito sa entablado para tumugtog ng piano.Bahagya lamang naman na tumango si Francis at halata naman na hindi nito binibigyang pansin ang pag akyat ni Desiree sa entablado. Para bang iniisip nito na wala namang dapat ipag alala dahil kayang kaya naman iyon ni Desiree na mag isa.“Pupunta muna ako sa backstage para puntahan si Desiree,” sabi ni Sophia at ltiningnan pa nga nya saglit si Francis bago sya tuluyang umalis.Ngunit bago pa man siya makalayo ay bigla siyang naitulak ng isang babaeng estudyante na nagmamadaling dumaan. Napahinto naman si Sophia at ag
CHAPTER 71Narinig naman ni Angel ang mga sinabi ni Francis at bigla ngang namutla ang kanyang mukha. Nanginig ang kanyang mga labi at hindi siya makapagsalita. Parang nalunod ang kanyang boses sa kaba at takot. Paano niya magagawang ibintang ang lahat sa propesor?Ang propesor nya ay kilalang tagapayo ni Sophia at labis na humahanga kay Francis at Sophia. Palaging sinasabi ng propesor na sila ang pinakamahuhusay, pinakamatalino, at pinakamalalakas ang loob na negosyanteng kanyang naturuan sa larangan ng pananalapi.Napakahalaga ng respeto ng propesor nya kay Sophia. Kung malalaman niyang binabaluktot ni Angel ang katotohanan para lang mapalapit kay Francis ay siguradong magagalit ito. Sa isipang ito ay natulala na lamang si Angel at nanatiling walang imik.Parang naaninag ng lahat ang kanyang iniisip habang siya ay nakapako sa matatalim na titig ng lalaki. Hindi niya maitatago ang kaba at takot na bumalot sa kanya.Sa puntong iyon ay parang gusto ng bumigay ni Angel. Ang kaba at ta
CHAPTER 72"Hinahangaan at mahal ka niya. Kaya natural lang na maging masama ang trato niya sa akin. Napadaan lang siya at nabangga ako nang magmadali siyang pumunta rito. Sinabi niya ang ilang mga salitang totoo at ilan namang hindi at binalewala ang mga nagawa ko para lang makalapit sa’yo. At wala naman yung epekto sa akin," sabi pa ni Sophia kay Francis. "Isa lang siyang batang estudyante. Paano niya ako masasaktan? Pero sobra ka naman na yata sa kanya kanina," dagdag pa ni Sophia.Malamig naman na tiningnan ni Sophia si Francis at halata mo sa mukha ng dalaga na galit nga ito.Tiningnan lamang din naman sya ni Francis at hinayaan nya lamang nga ito na magsalita."Alam mo naman na nakatingin ang lahat sa kanya. Naghihintay sila ng pagkakataong makita siyang sumuko at mapahiya dahil sa’yo. Pero hindi mo sila binigo at ipinahiya mo siya gamit ang malamig mong mga salita. Maaaring wala kang pakialam sa mga bagay na ito at maaaring totoo ngang wala siyang epekto sa’yo. Pero nasisira mo
CHAPTER 73Ngayong gabi ay wala ngang buwan at bituin sa langit. Ngunit sa mata ng isang taong nag aasam na sinasalamin ng libu libong ilaw ay naroroon ang mga nakatagong buwan at bituin.Tahimik naman na tinitigan ni Francis si Sophia. Ngunit ng mapansin nga ni Sophia na nakatingin sa kanya si Francis ay agad nga syang nag iwas ng tingin nya rito.Lagi namang natatangi si Sophia at alam ito ni Francis mula pa noong una. Ngunit matapos nga silang maikasal nito ay naging abala na nga ito sa pagpapakita ng kanyang kakayahan. Inubos nga nito ang kanyang oras sa mga plano nito. Sa halip na magkasama nga sila ng tahimik ay naging limitado na lamang ang kanilang ugnayan na dalawa sa trabaho at sa mga gabi kung kailan parehong anguguhitannhg damdamin ang katahimikan.Alam niyang marunong tumugtog ng piyano si Sophia. Pero kahit kailan ay hindi niya pa ito nasilayan habang tumutugtog.Nang gabing iyon sa suot ni Sophia na nag aapoy na pulang bestida ay napakaliwanag niya na parang siya mismo
Dati nga ay hindi nga iyon pinapansin ni Sophia. Pero ngayon nga ay nagtataka na siya dahil isang estudyante pa si Jacob na malapit nang kumuha ng entrance exam at sa halip na nag-aaral nga ito at nagpapahinga sa bahay ay nandito sa isang auction para magtrabaho.Pakiramdam ni Sophia ay paramg may mali. Unti unti nga na dumidilim ang tingin ni Sophia habang nakatitig nga siya kay Jacob.“Jacob tandaan mo na ikaw ay isang kandidato sa gaganapin na entrance exam,” sabi ni Sophia kay Jacob.Bigla namang natigilan si Jacob dahil sa sunabi na iyon ni Sophia at napakurap kurap pa nga siya bago sya dahan dahan na tumango.“A-ayos na po ba ang p-problema nyo Ms. Sophia?” kandautal pa na tanong ni Jacob kay Sophia dahil nag aalala rin naman sya rito. At mahahalata mo nga sa mga mata ni Jacob na matagal na niyang binabantayan ang sitwasyon ni Sophia.Bahagya naman na lumiwanag ang mukha ni Sophia at saka sya tipid na ngumiti sa binata.“Oo tapos na. Hindi na rin magtatagal at malalantad na ang
CHAPTER 118Tuluyan na nga na natapos ang auction. At hindi na rin nga nagtagal pa roon si Sophia. Nang papalabas na nga si Sophia sa venue ay may napansin nga siyang isang binata na abala sa pagtanggap ng mga panauhin. Payat at matangkad ang binata at may lamig sa mga mata nito at maputla rin nga ang mukha nito at halatang may sakit nga ito. Pero kahit ganoon ay may matigas na determinasyon sa kanyang paningin.Ang binata na iyon ay walang iba kundi si Jacob.Nagtataka naman si Sophia dahil ano nga ba nag ginagawa ng binata ngayon doon. At naalala rin nga niya na malapit na ang pagsusulit sa kolehiyo.Hindi na rin naman nga nakatiis pa si Sophia at linapitan na nga niya ang binata. Unti unti nga na nawala ang lamig sa kanyang mukha.“Jacob anong ginagawa mo rito? Nagpapart time ka ba rito?” tanong ni Sophia sa binata ng makalapit na nga sya rito. Nagulat naman si Jacob nang makita nga niya si Sophia roon. Agad niyang naalala ang sinabi ni Sophia noong ibinigay nito ang kanyang bu
Matalim naman ang mga tingin ni Sophia at nang mag angat nga siya ng kanyang tingin ay agad nga niyang nakita ang mapanuksong ngiti ni Bianca at sa mga sandaling iyon ay mukhang alam na nya ang dahilan kung bakit naroon nga ang dress na iyon.Mabilis nga na tumaas ang presyo ng dress na iyon at umabot na nga ito sa tatlong milyong piso.Wala namang pag aalinlangan si Sophia na lalo pa ngang tinaasan ang nasabing halaga. Hindi niya kasi hahayaan na mapunta sa kamay ng ibang tao ang damit na ang kanyang ina mismo ang may gawa.Mula sa malayo ay napansin ni Bianca ang panlalamig ng mukha ni Sophia. Kaagad niyang niyugyog ang braso ni Francis na parang isang batang nagpapalambing."Ali gustong gusto ko talaga ang dress na ‘yan. Puwede mo ba itong ipakuha para sa akin?" sabi ni Bianca kay Francis Nanatili naman na tahimik lamang si Francis at pinipigilan nga niya na mpabuntong hininga. Ngunit si Bianca naman nga ay ayaw magpatinag. Kumurap kurap pa nga ito sa harap ni Francis na para ba
CHAPTER 117Napakagaganda naman talaga ng disenyo ng mga parol sa labas ng naturang auction house. Bahagya pa nga ito na sumasayaw dahil sa ihip ng hangin at nagdadagdag din nga ito ng masining na diwa sa buong kalsada.Isa isa naman na nga nagdadatingan ang mga panauhin sa naturang auction. Karamihan nga sa kanila ay naroon para sa manuscript ni Theresa. Ang ilan pa nga sa kanila ay may kanya kanyang umpukan at nag uusap ng tungkol sa naturang manuscript. Bagama’t nakangiti nga ang mga ito sa isa’t isa ay alam nilang lahat na ang bawat isa ay matindi nilang katunggali sa auction na ito.Sa ilalim ng madilim na kalangitan ang auction house ay mistulang isang makinang na perlas na pinapalibutan ng malambot at kaakit akit na liwanag.Pagpasok pa lamang sa pintuan ng auction house ay agad na napahanga ang mga panauhin sa kanilang nasaksihan dahil isa iyong maluwag at maliwanag na bulwagan na may mataas na kisame na pinintahan ng mga detalyadong mural. Mula sa lihim na sulok ay bumabagsa
"Ang totoo kasi niyan ay gusto ko lamang sabihin na hindi naman ganoon kalubha ang sugat ni Raymond. Hindi mo kailangang manatili sa tabi niya para lamang alagaan siya," sagot ni Dr. Gerome. “Maaari nga na masakit ang sugat niya pero sa totoo lang ay alam mo naman na mahilig lang siyang umarte,” dagdag pa nya.Alam kasi niya na tumanggi si Sophia na bumalik sa pamilya Bustamante at piniling manatili sa ospital para lamang samahan si Raymond.Tahimik naman na nilaro ni Sophia ang kanyang cellphone sa kanyang kamay at tila ba naaaliw siya sa sinabi na iyon ni Dr. Gerome."Dr. Gerome hindi ba pwedeng ito talaga anf gusto ko? Gusto kong alagaan si Raymond. Gusto ko syang makita sa ganitong estado,” sagot ni Sophia at saka nga siya bahagyang lumapit dito. “At saka nakalimutan mo na ba kung ano ang relasyon namin ngayon ni Raymond,” dagdag pa ni Sophia.Hindi naman kaagad nakasagot si Dr. Gerome kay Sophia.Bigla kasing naisip ni Dr. Gerome na tama nga naman si Sophia. Si Raymond ang kasal
CHAPTER 116At ngayon nga ay si Sophia na ang itinuturon na may kasalanan sa nangyari kay Emman. Sadyang napakalupit ng kapalaran kay Sophia.Kung si David nga talaga ang may kagagawan noon ay marahil mula pa sa simula ay hindi na niya talaga balak pakawalan si Sophia. O baka naman mas inisip niyang poprotektahan ito nina Raymond at Francis upang hindi na lumala pa ang sitwasyon.Anuman ang dahilan nito ay isang bagay lamang ang sigurado si Francis at yun ay ayaw niyang may masasaktan lalong lalo na si Sophia."Itago nyo ang balitang ito," malamig na utos ni Francis kay James. "Sabihin mong namatay si Emman sa isang aksidente at hindi na nailigtas kahit na sinubukan ng mga doktor," dagdag pa nya.Totoo namang nasangkot ito sa isang malubhang aksidente bago ito tuluyang binawian ng buhay kaya hindi naman din iyon isang kasinungalingan.Nanataili naman na walang imik sa mga sandali na iyon si James bago sya tumango kay Francis at saka lumabas doon upang linisin ang anumang ebidensya.Ku
“Sa tingin ko ay mas mukha kang kontrabida,” sabi ni Sophia kay Raymond. “Kung tutuusin nga ay mas bagay pa kay Francis ang maging male lead sa isang CEO novels,” dagdag pa nya na tila ba inaasar pa nga niya si Raymond.Hindi naman nabawasan ang ngiti ni Raymond at sa halip nga ay mas lalo pa itong lumalim. Hinaplos niya ang palad ni Sophia bago hinawakan ito at saka nya pinagsalikop ang kanilang mga daliri."Sabagay ayos na rin ‘yon. Ako ang kontrabida na tatalo sa male lead at ninakaw ko lang naman ang prinsesa ng bida. Hindi ba perpektong ending ‘yon? Mukhang gusto ng kontrabida ang ganyang klaseng pagtatapos," sagot naman ni Raymond kay Sophia.Alam naman ni Sophia na para siyang batang kinakausap nito. Nang makita niyang muling lumalapit si Raymond sa kanya upang halikan siya ay mabilis niyang itinagilid ang kanyang ulo at tinakpan ang bibig ng lalaki gamit ang kanyang kamay."Raymond bakit ba halik ka ng halik?" tanong ni Sophia rito at nanatili nga na hawak nito ang bibig ng bi
CHAPTER 115Narinig naman ni Sophia ang sinabi na iyon ni Raymond at bahagya pa nga na napataas ang kanyang kilay na waring may iniisip. Nag angat naman ng tingin nya si Sophia at may bakas pa nga ng pang uuyam ang ekspresyon ng kanyang mukha.Tinabig nga ni Sophia ang kamay ni Raymond at saka nga nya muling binalingan ang mga dokumento na hawak nya at muli nya nga itong binasa.“Bakit mo naman nasabi na iniisip ko pa rin si Francis?” tanong ni Sophia kay RaymondAng world class financial summit na ito ay gaganapin sa Lungsod at dinaluhan nga ito ng mga malalaking kumpanya mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Lahat ng naroon ay may isang layunin lamang at yun ay ang makahanap ng matibay na oportunidad sa negosyo.Natural lamang na may ilang proyektong gustong makuha si Sophia kaya naman pursigido siyang magtagumpay sa bidding."May paparating na auction sa loob ng dalawang araw, may isang financial summit at pagkatapos ay college entrance exams sa loob ng isang buwan. Balak ko ri
Samantala naman lumabas na rin nga si Francis sa loob ng silid ni Raymond pero hindi nga siya tuluyang umalis dahil nanatili nga lamang siya sa labas ng silid na iyon habang tahimik nga siyang nakamasid kila Raymond at Sophia.Pinagmamasdan nga ni Francis ang dalawa at kitang kita nga niya ang paraan ng kanilang pagtitinginan at ang matamis na ilusyon ng pag ibig sa pagitan nilaAlam naman ni Francis na hindi totoo iyon at isang palabas lamang nga ang lahat ng iyon.Ngunit bakit parang may kung anong pumipiga sa puso ni Francis? Bakit nga ba may pait na lumalagok sa kanyang lalamunan. Yun ay dahil nga sa natalo nga siya.Dahan dahan naman nga na sumandal sa malamig na pader na iyon si Francis habang mahigpit nga niyang hawak ang kanyang cellphone. Marahan pa nga niyangbipinikit ang kanyang mga mqta at pilit na tinatanggal ang bigat sa kanyang dibdib.Sa tabi niya ay isang pamilyar na tinig ang marahang bumasag sa katahimikan."Nagsisisi ka na ba?" tanong ni Dr. Gerome kay Francis at