CHAPTER 73Ngayong gabi ay wala ngang buwan at bituin sa langit. Ngunit sa mata ng isang taong nag aasam na sinasalamin ng libu libong ilaw ay naroroon ang mga nakatagong buwan at bituin.Tahimik naman na tinitigan ni Francis si Sophia. Ngunit ng mapansin nga ni Sophia na nakatingin sa kanya si Francis ay agad nga syang nag iwas ng tingin nya rito.Lagi namang natatangi si Sophia at alam ito ni Francis mula pa noong una. Ngunit matapos nga silang maikasal nito ay naging abala na nga ito sa pagpapakita ng kanyang kakayahan. Inubos nga nito ang kanyang oras sa mga plano nito. Sa halip na magkasama nga sila ng tahimik ay naging limitado na lamang ang kanilang ugnayan na dalawa sa trabaho at sa mga gabi kung kailan parehong anguguhitannhg damdamin ang katahimikan.Alam niyang marunong tumugtog ng piyano si Sophia. Pero kahit kailan ay hindi niya pa ito nasilayan habang tumutugtog.Nang gabing iyon sa suot ni Sophia na nag aapoy na pulang bestida ay napakaliwanag niya na parang siya mismo
CHAPTER 74"Hindi lang binasa ni Manager Sophia ang mga notes ko kundi hiniram pa nya ito at binigyan pa nya ako ng kanyang business card at inalok ako ng oportunidad para mag intern. Nakita n'yo iyon kahit ang layo-layo n'yo, hindi ba?" pagmamalaki ni Angel sa mga kaharap nya ngayon at halata sa boses nito ang pasasalamat kay Sophia.Alam naman ni Angel na naisip na ni Sophia ang posibleng mangyari sa kanya pagbalik nya kaya inunahan na siya nitong sagipin. Kung hindi ito ginawa ni Sophia ay mas mahirap pa sana ang sitwasyon niya ngayon."Tsk. Sa tingin mo ba talagang hindi namin nakita na papunta ka kay Mr. Francis noong una? Halos mabangga mo pa nga si Ms Sophia sa pagmamadali mo," nakangisi pa na sabi ni Paula kay Angel.Nanliit ang mga mata ni Angel at biglang nakaramdam ng pagsisisi. Ngunit bago pa man siya makapagsalita muli ay narinig niyang may tumawa nang mahina mula sa kanyang likuran."Sa akin talaga sya pupunta,” sabi ng isang boses babae sa may likuran ni Angel. “Bakit k
CHAPTER 75Ang layunin ng aktibidad na ito ay para mapalapit sa mga tao mula sa mataas na antas ng lipunan. Ngunit hindi inaasahan ni Marlon na ang kanyang anak na babae ay magdudulot ng ganitong kalaking kahihiyan.Lumapit si Marlon na may mabigat na ekspresyon. Ngunit sa halip na siya mismo ang tumulong kay Paula na basang basa sa sabaw at natabunan ng mga cake ay tumawag siya ng dalawa niyang tauhan upang alalayan ito.Nang maiangat si Paula ng mga tauhan ni Marlon ay umiiyak siyang tumawag sa kanyang ama. Ngunit sa halip na kaawaan sya nito ay sinigawan lamang sya nito.“Manahimik ka at umalis ka na rito,” sigaw ni Marlon kay Paula.“Tulungan mo siya,” baling naman ni Marlon sa kanyang asawa.Wala namang magawa ang asawa ni Marlon kundi ang samahan ang magulo at basang basa na si Paula palabas habang labis na napapahiya.Habang naglalakad na sila palabas doon ay bigla namang tumigil si Paula na tila ba may naalala sya bigla. Mabilis siyang lumingon sa paligid at napansin nga nya
CHAPTER 76Napa ayos naman ng pagkaka upo nya si Khate at saka sya tumingin kay Sophia at naghihintay nga sya ng sagot nito.Hindi naman kaagad kumibo si Sophia. Sa halip ay itinaas niya ang kanyang suot na salamin na sinusuot lamang nya upang mabawasan ang pagod ng kanyang mga mata mula sa pagbabasa ng mga dokumento. Ang kanyang itsura ngayon ay seryoso at may halong intelektwal na kagandahan."Hayaan mo siya," sabi ni Sophia sa malamig na boses. "Mas maigi nga na maupo ka sa kabila ni President Francis,"Natigilan naman si Khate at hindi nga sya makapaniwala sa kanyang mga narinig. Hindi niya mawari kung nagbibiro lang ba si Sophia o hindi.Malapit naman ng magsimula ang pagpupulong. Tahimik ang buong silid ngunit ang mga mata ni Francis ay nakatuon sa dalawang tao na tila may sarili silang mundo. Hindi niya inalis ang tingin nya sa mga ito na parang nagmamasid sa isang palabas.Bago pa man makapagsalita si Khate ay walang pasintabing itinulak ni Raymond ang kanyang upuanbat isan
CHAPTER 77"Ang maliit na bansang sinasabi mo ay dating bahagi ng isang karatig bansa. Bakit sa tingin mo ay laging may digmaan doon pero walang gustong makialam? Dahil iyon ay usaping panloob nila. Kahit gusto nating sakupin ang maliit na bansang iyon ay hindi na natin iyon trabaho pa,” sabi pa ni Sophia kay Bianca. "Ang lakas naman ng loob mong gumawa ng ganito gusto mo ba talagang ilagay si Francis sa peligro?" dagdag pa ni Sophia.Bigla namang namutla ang mukha ni Bianca dahil sa mga sinabi ni Sophia.Ang mga nakatataas na empleyado ng mga Villamayor ay nakatingin kay Bianca na parang isa siyang hangal. Ramdam ni Bianca ang matinding pagkapahiya. Nanatili na nga lamang talaga sya na tahimik habang nakakuyom ang kanyang mga kamao. Dahil hindi nga talaga maaaring pirmahan ang kontrata na iyon.Hindi na rin naman nagtagal pa at natapos na nga rin kaagad ang meeting nila na iyon.Ang mga nakatataas sa pamilya Bustamante ay halatang nakakaramdam ng kahihiyan. Samantala naman ang mga ta
CHAPTER 78Nakainom na si Raymond ng maraming alak pero hindi pa naman siya lasing. Ang mga mata niyang tila lasing dapat ay naging matalas at malamig na para bang may nakatagong talim sa likod ng kanyang tingin. At sinumang makakakita ng kanyang mapanlinlang na ngiti ay siguradong matatakot.Ang lasing na researcher ay bigla namang natauhan at napaatras na lamang at mabilis na kumaway ng kanyang kamay. "H-huwag na tayong mag inuman siguro ay t-tama na iyon. Mr. Raymond nagkamali lamang ako ng sinabi,” kandautal na sabi ng lalaking kanina ay walang modo sa harapan ni Sophia.Sa sobrang kahihiyan ay mabilis siyang bumalik sa kanyang upuan at agad na tumahimik at hindi na naglakas loob pa na magsalita.Ibinaba naman ni Raymond ang bote ng alak at saka sya tumingin kay Sophia. Habang nanatili pa rin ang kalmado sa ekspresyon ng mukha ni Sophia."Raymond hindi ka talaga lasing hindi ba? Nagkukunwari ka lang?" tanong ni Sophia at halos natawa na lamang siya sa inis.Naalala niya ang g
CHAPTER 79Kitang kita naman ang malamig na ngiti ni Sophia habang nakatingin nga sya sa surveillance camera. Bagama’t nakangiti nga si Sophia ay kitang kita naman sa kanyang mga ngiti ang matinding pangungutya sa mga ito.Sa sandaling iyon ang lahat ng nanonood ng live broadcast ay biglang kinabahan at nagmadaling subukang lumabas sa site ng live broadcast. Ngunit hindi na nga nila ito magawa. Para bang biglang nasira ang mga keyboard ng kanilang phone na para bang may kumokontrol dito para hindi sila makalabas sa naturang site.Ang mga lalaki kasi na nanonood sa live broadcast na iyon ay madalas na talaga na manood ng mga ganoong live broadcast na may kalaswaan. At dahil sa takot nga nila dahil hindi sila makaalis sa naturang site ang iba sa kanila ay binasag ang kanilang mga phone at ang iba naman ay inihagis sa tubig ang kanilang phone sa pag aakala na makakatakas na sila roon.Ang hindi nila alam ay naipadala na nga ni Sophia ang kanilang mga address sa mga pulis. At hindi nga na
CHAPTER 80Habang pinagmamasdan naman ni Bianca ang papalayong sasakyan ni Raymond ay unti unting bumigat ang kanyang dibdib. At ang kanyang mga kamay ay naikuyom na lamang ngabniya ng dahil sa galit.Hindi na rin naman nagtagal pa roon si Bianca at umuwi na nga rin siya sa kanilang bahay at agad na nga diyang pumasok sa kanyang kwarto at nagkulong. Naupo siya sa harap ng kanyang laptop at mabilis na nagsimulang magsulat. Isang blog post ang kanyang binuo at bawat salita nya roon ay puno ng hinanakit at layuning manira.Ang nilalaman ng post ay tungkol sa lihim na ugnayan nina Sophia at Raymond. Ayon dito ay nagtutulungan ang dalawa upang makuha ni Raymond ang kayamanan ng pamilya Villamayor. Dagdag pa niya ay sinira umano ni Raymond ang isang mahalagang kasunduan bilang paghihiganti para kay Sophia.Pagkatapos niyang i-post ito sa internet ay napangisi na lamang talaga si Bianca."Tingnan natin bukas," aniya sa sarili. "Wawasakin ng blog post na ito sina Sophia at Raymond!" dagdag pa
Nang marinig naman nga ni Sophia ag boses ni George ay marahil nga ay naroon si Louie sa tabi niya o baka rin dahil sa nalalapit na paghihiganti kay Nelson ay nagsalita nga si Sophia na may halong biro pero may kurot sa tonong matalim.“Ms. Melanie, gusto raw sumama ng kuya ko. Bakit hindi tayo sabay-sabay na dumalo sa board meeting ng Marquez Corporation?” sabi ni Sophia.Nang marinig nga ni George na tinawag siyang ‘kuya’ ni sophia ay bahagya nga napataas ang kanyang kilay. Lalo tuloy siyang naging interesado sa babaeng ito na tinatawag siyang kuya at tila ba nagkaroon nga siya ng magandang impresyon kay Sophia.Ngunit bigla ngang pinandilatan ni Louie si Sophia at marahan nga niyang pinisil ang tenga ni Sophia. Bagamat hindi naman nga iyon masakit ay malinaw ang paninito nito sa tono ng dalaga.“Sino na naman ang kinikilala mong kuya sa harap ng tunay mong kuya?” tanong ni Louie kay Sophia.Nameywang naman nga si Sophia at saka nga siya tumingin kay Louie.“Kasalanan ito ni Nelson.
CHAPTER 203Agad naman nga na nag-utos si Harold na mag-imbstiga tungkol sa taong nasa likod ng nangyaring insidente. Ngunit hindi nga niya inaasahan na ang mga taong nasa itaas ng listahan ay mga miyembro mismo ng pamilya Marquez naa sina Nelson at Bianca.ang mga tulad nila ay sakim at naiinggit ay kailanman ay hindi tatantanan ssina Sophia at Jacob. Para kasi kay Bianca basta’t buhay pa si Sophia ay parang tinik ito sa lalamunan niya. At para naman kay Nelson si Jacob ay isa namang malaking kahihiyan sa buong pagkatao niya At gusto nga niya ng isang nakakabaliw na paghigati.Kung hindi lang sana niyayani Raymond si Sophia sa labas ay malamang na nadamay na rin siya sa aksidente sa sasakyan.Alam ni Sophia sa puso niya na ang pamilya Marquez ay ginamit lang bilang sangkalan upang mabigyan siya ng paliwanag. Ngunit kahit nga ganoon ay hindi nga siya basta-basta papayag na matapos na lang ito nang ganoon kadali.Bago nga umalis si Sophia ay nasalubong nga niya si Louie na mabilis na p
Ang pamilya Villamayor kasi ay may mga matang gutom na gutom sa yaman. at kahit kailan nga ay hindi sila titigil hangga’t hindi nila nasasakmal ang lahat.“Bakit ko naman ipamimigay ang mga bagay na iniwan sa akin ng taong mahal ko?” sagot ni Sophia habang may ngiti nga sa kanyang labi na may kasamang pangungutya. “Kapag ibinigay ko yun sa inyo ay maibabalik pa ba iyon sa akin? Alam ko na hindi na. At ngayon nga kung ganito rin lang ang magiging usapan natin ay may saysay pa ba ang pagpapatuloy nito?” pagpapatuloy pa nga ni Sophia.Bahagya pa nga na itinaas ni Sophia ang isa niyang kilay. Pero hindi nga nawala ang lamig sa kanyang mga tingin. Nanatili naman nga na tahimik si Gilbert pero madilim nga ang ekspresyon ng kanyang mukha.Hindi na nga pinansin pa ni Sophia ang katahimikan sa buong paligid. Bumaba na nga siya sa pagkakaupo niya sa mesa pero nang lumapat nga ang kanyang mga paa sa sahig ay bigla nga siyang nanghina at kamuntik na nga siyang matumba. Mabuti na lang nga at mab
“Ako lang naman ang bumubuhay sa kumpanya nyo ngayon. At kung wala kang alam sa finance at business ay bumalik ka na lang sa pamilya niyo at maging palamunin habang buhay. At huwag ka nang magpahiya pa rito,” galit pa na sabi ni Harold.Matagal na kasi talagang naiinis ssi Harold kay Max at ngayon nga ay hindi na talaga siya nakapagtimpi pa.Pagkabitaw nga ni Harold kay Max ay tumingin nga siya kay Gilbert na tahimik lang nga sa kinatatayuan nito.“Mr. Gilbert alam mo naman siguro kung gaano kahalaga si Sophia sa Villamayor Group, hindi ba?” baling ni Harold kay Gilbert dahl alam naman niya na alam nga nito na kung wala nga si sophia ay matagal na rin nga n natumba ang kumpanya ng mga Villamayor.Pinunasan naman nga muna ni Gilbert ang malamig niyang pawis sa kanyang noo at sunod-sunod nga ito na tumango. Ngunit sa huli nga ay hindi rin sya nakapagpigil at nagsalita na nga rin siya.“W-wala naman akong ibang ibig sabihin. Ang sa akin lang… p-pwede namang maging vice president si Sophi
CHAPTER 202Nakangiti naman nga si Sophia habang pinagmamasdan nga niya ang lahat ng mga naroon sa meeting na iyon. Tahimik lang naman din ang lahat ng mga naroon pero bigla ngang nagsalita muli si Max.“Sinabi mo na makikipag cooperate ang Prudence sa Villamayor Group. Ibig bang sabihin niyan ay tiyak na mangyayari iyon? Akala mo ba ay ikaw ang presidente ng Prudence? Pinapaalala ko lang sa’yo na hindi ikaw si Mr. Louie Hernandez,” sabi ni Max ng mapanuyang tono ng pagsasalita.Tahimik naman na napatingin si Harold sa gawi ni Max at saka nga niya iyon malamig na tinitigan.“Sa palagay ko, sapat na sigurong kasagutan sa tanong mo na iyan ay ang narito ako ngayon sa harapan ninyo,” malamig na sabat ni Harold.Halos mapasigaw naman nga si Gilbert sa inis sa kanyang anak na si Max, Kaya naman mabilis na nga niya itong sinaway.“Tumigil ka na nga, Max,” saway ni Gilbert sa kanyang anak.Alam naman ni Gilbert na kinikilingan nga niya ang kanyang anak na ito pero hindi niya inakala na ganit
Sa dami nga ng kneksyon ni Sophia ay hindi na nga siya nauubusan ng kasosyo o kontrata. At kung ihahambing ang mga mumurahing benepisyong iniaalok nina Max at Migual sa kung ano ang kayang ibigay ni Sophia ay parang katawa tawa lang nga iyon.May ilan nga na naroon sa silid na iyon ang napatingin nga kay Gilbert na may halong awa. Dahil kung tuluyan ngang mawawala si Raymond ayon sa batas ang lahat nga ng pag-aari nito ay mapupunta kay Sophia.At ang mga direktor nga na naroon sa silid na iyon. Halos lahat nga sila ay tahimik pero malinaw ang kinikilingan nitong panig at yun ay suportado nga nila si Sophia. Ang importante lang naman sa kanila ay ang kita. At wala nga silang pakialam kung sino ang umuupo basta’t may dala nga itong pera. Para kasi sa kanilaay wala ngang pinagkaiba si Sophia at ang pagsamba sa Diyos ng Kayamanan.Tumayo nga si Sophia habang may ngiti nga sa kanyang labi at pinagmamasdan ang lahat ng mga naroon.“Maalala ko nga pala… Ano nga ba ulit ang dahilan ng board m
Gaya nga ng madalas sabihin ni Gilbert na, “Kung isa man sa mga sira ulo na kamag-anak natin ay lumaking kasing ganda ni Harold ay panigurado na siya rin ang magiging paborito ng lahat.”May lambing at pino ang itsura ni Harold at kabigha-bighani at malumanay nga ito kabaligtaran ng hitsura ng ibang miyembro ng pamilya Villamayor. Magaganda rin naman ang kanilang lahi pero lagi ngang may matigas at mapanghamon na aura ang mga ito.At dahil nga roon ay unti-unti na nga na naging kakaiba ang tensyon sa loob ng conference room.“Hindi mo na kailangang ipaliwanag pa,” sabi ni Sophia kasabay nga ng pagsulyap niya sa mga ito habang nakaupo nga siya sa gilid ng mahabang mesa. Marahan pa nga niyang pinipindot-pindot ng kanyang mahabang daliri ang mesa.“Narito ako ngayon sa kumpanya kasama si Harold para sa isang kontrata,” kalmado pa na sabi ni Sophia.“Matagal nang may ugnayan ang Prudence at ako. At ang bagong 3D rlated na proyekto ay personal kong pakikipagtulungna sa Prudence at hindi sa
CHAPTER 201Bahagya naman nga na tumaas ang kilay ni Harold saka nga siy marahan na ngumiti habang nakatitig kay Miguel Villamayor.Sanay na nga siya sa negosyante na mukhang maamo pero mapanganib. At ito nga ang mga tao na may apanlinlang na ngiti, pero may itinatagong bangis o matinding plano sa likod ng kanilang mga salita.Pero sa pananaw nga ni Harold ay isa lang nga lang ang naiisip niya kay Miuel at iyon nga ay ‘mukha siyang tanag’.“Hindi ba at iisa lamang ang kapatid ni Mr. Raymond?” tanong ni Harold habang bahagya pa nga na naningkit ang kanyang mga mata. “Hindi ba’t ang kapatid niya ay si Miguel? Kailan pa naging malapit si Raymond kay Max Villamayor?” sabi pa ni Harold at saka nga siya napangisi.“bagong bago pa lang nga ang gulo ni Mr. Max, pero heto at masaya pa ring umiinom at nakikipagkwentuhan si Mr. Miguel sa kanya at tinatawag pa nga siyang ‘kapatid’. Mukhang ganito pala talaga kalalim ang relasyon nilang dalawa,” pagpapatuloy pani Harold.Pero ano nga ba talaga ang
Pero pinatunayan nga ng reyalidad ang masakit na katotohanan. Ang kagandahan ay isa ngang kapangyarihan. At kapag ang kagandahan ay sinamahan pa nga ng tagumpay ay mas lalo nga iyong nakakabighani.“Si Sophia ay niloloko si Raymond. Niloloko niya. Pakiusap, mag-focus kayo sa tunay na issue. May affair silang dalawa. Naiintindihan nyo ba? MAY AFFAIR SILA!” halos mapasigaw na nga si Max habang patuloy nga ito sa live stream niya.Sa comment section naman ay may mga ilan nga na hindi nagpapatinag at tila ba mas panig pa nga ang mga ito kina Sophia at Harold.“Napakagwapo talaga ni Mr. Harold. At parang nakakabaliw nga talaga ang kagwapuhan niya.”“Hindi ba’t si Ms. Sophia ay malaki ang impluwensya sa mundo ng negosyo? Bakit naman hindi sila pwedeng magtulungan na dalawa? Wag kayong basta n alang manghusga at sabihing may milagro na nangyayari,” sabi ng isa sa mga nanonood ng live stream ni Max. “Ang totoo nyan ay ikaw nga yata ang mukhang mahilig sa gulo Mr. Max Villamayor, /sigurado ka