Share

CHAPTER 80

Author: Phoenix
last update Huling Na-update: 2025-01-17 17:05:08

CHAPTER 80

Habang pinagmamasdan naman ni Bianca ang papalayong sasakyan ni Raymond ay unti unting bumigat ang kanyang dibdib. At ang kanyang mga kamay ay naikuyom na lamang ngabniya ng dahil sa galit.

Hindi na rin naman nagtagal pa roon si Bianca at umuwi na nga rin siya sa kanilang bahay at agad na nga diyang pumasok sa kanyang kwarto at nagkulong. Naupo siya sa harap ng kanyang laptop at mabilis na nagsimulang magsulat. Isang blog post ang kanyang binuo at bawat salita nya roon ay puno ng hinanakit at layuning manira.

Ang nilalaman ng post ay tungkol sa lihim na ugnayan nina Sophia at Raymond. Ayon dito ay nagtutulungan ang dalawa upang makuha ni Raymond ang kayamanan ng pamilya Villamayor. Dagdag pa niya ay sinira umano ni Raymond ang isang mahalagang kasunduan bilang paghihiganti para kay Sophia.

Pagkatapos niyang i-post ito sa internet ay napangisi na lamang talaga si Bianca.

"Tingnan natin bukas," aniya sa sarili. "Wawasakin ng blog post na ito sina Sophia at Raymond!" dagdag pa
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 81

    CHAPTER 81Ang holography ay matagal nang layunin ni David. Hindi lamang ito simpleng proyekto para sa kanya dahil ito ang susi sa hinaharap na teknolohiya. Ngunit bago pa man pumasok si Sophia sa eksena ay ang ganitong uri ng pananaliksik ay matagal nang umiikot sa pangalan ni Theresa.Si Theresa ay ang ina ni Sophia na may hawak ng mga datos na tila nanggaling sa hinaharap. Walang nakakaalam kung saan nanggaling ang mga ito ngunit ang halaga ng mga datos na iyon ay napakahalaga. Matapos mapasakamay ni David ang mga ito ay hindi niya lubusang maunawaan ang detalye ng nasabing impormasyon.Sa loob ng maraming taon ay minamatyagan ni David ang bawat institusyong gumagawa ng pananaliksik sa holography. Isa na rito ang proyekto ni Sophia. Kung nagawa ni Theresa na makapaglabas ng ganitong klase ng teknolohiya noon pa man ay naniniwala si David na may potensyal ding mamana ni Sophia ang kakayahang ito mula sa kanyang ina. At mukhang tama nga siya.Kaya naman ng malaman ni David na may kon

    Huling Na-update : 2025-01-17
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 82

    CHAPTER 82Alam naman ni Sophia na ang puso niya ay matagal ng nawalan ng sigla. Akala niya ay siya ay isang taong rasyonal na prangka at maingat magpasya. Ngunit kapag ang isang taong rasyonal ay nahulog sa pag ibig ang lahat ng lohika ay nawawala at ang puso ang siyang nangingibabaw.Inialay niya ang lahat ng kanyang pagmamahal noon kay Francis. Ngunit kahit hindi na niya ito mahal ngayon ay tila naubos na rin ang kakayahan niyang magmahal ng iba. Masasabi nga na isang mabuting tao talaga si Raymond at maaasahan pa. Kung tungkol sa kasunduan sa negosyo lang ang kanilang pag uusapan ay kaya niyang pumayag pa roon. Pero kung ito ay tungkol na sa pag ibig ay ni minsan ay hindi na ito sumagi pa sa isipan ni Sophia."Huwag kang mag alala Sophia. Alam ko naman ang ginagawa ko," sabi ni Raymond.Agad naman na napangiti si Sophia dahil sa sinabi ni Raymond at bahagya pa nga na nagkaroon ng ningning ang kanyang mga mata.************Pagdating ni Sophia sa opisina nya sa kumpanya ni Franci

    Huling Na-update : 2025-01-18
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 83

    CHAPTER 83"Kailangan ko ng isang maganda at perpektong asawa. At ikaw, kailangan mo ng isang 'kasintahan' na magagamit mo, hindi ba? Kung nagawa mong pakasalan si Francis noon ay kaya mo rin siguro akong pakasalan,” sabi ni Raymond kay Sophia at ang boses nga niya ay banayad lamang ngunit tila ba nang aakit. "Pag isipan mo itong mabuti Sophia. Gumawa ka ng desisyon na sa tingin mo ay tama. Tandaan mo na maibibigay ko sa'yo ang lahat ng emosyonal na halagang kailangan mo. Ako ang magiging kasintahang magpapasaya sa’yo,” pagpapatuloy pa ni Raymond.Matalino talaga si Raymond. Ni hindi niya binanggit kung gaano niya ito kamahal o kung gaano niya ito kagusto. Sa halip ay sinabi niya lamang na siya ang magiging kasintahan na kayang punan ang kakulangan sa buhay nito. Pero sa huli ay hindi pa rin niya matakasan ang katotohanan na ito ay isang transaksyon lamang.Napakurap kurap naman ng kanyang mata si Sophia at hindi nga sya nakasagot kaagad dito. Sa halip ay iniwas niya ang tingin nya r

    Huling Na-update : 2025-01-18
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 84

    CHAPTER 84Nang dahil sa ginawa na iyon ni Raymond ay naging senyales iyon ng isang labanan.Itinaas naman ni Sophia ang kanyang malamlam ngunit malamig na tingin. Wala ngang bahid ng emosyon ang kanyang mga mata ngunit ang tahimik niyang pagtitig kay Francis ay parang patalim na tumatarak sa katahimikan. Sa dahan dahang pag angat ng sulok ng labi ni Sophia ay isang makahulugang ngiti ang lumitaw. Ngiti na animo’y nagbibigay ng babala.Tila naunawaan naman ni Raymond ang pahiwatig na iyon ni Sophia. Wari’y sinadya niyang ipulupot ang braso niya sa baywang ni Sophia. Bahagya siyang nanigas sa pagkilos na iyon ngunit hindi naman na nag atubili pa si Raymond. “Kung bumagsak man ang langit ay ako ang hahawak para sa'yo,” bulong ni Raymond kay Sophia.“Hindi kita kailangan sa ngayon,” malamig ang tono na sagot ni Sophia kay Raymond habang hindi nya inaalis ang pagkakatitig nya kay Francis. “Maski bumagsak ang langit ay kaya kong humawak mag isa,” dagdag pa nya.Sa mga oras na iyon ay til

    Huling Na-update : 2025-01-19
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 85

    CHAPTER 85Bakit nga ba si Raymond agad ang pinili niya pagkatapos ng divorce nila ni Francis? Bakit gano’n siya kabilis bumitaw? Paano kung totoo ang pagmamahal ni Sophia sa kanya? Bakit tila ang babaw ng damdamin niya?"Ano?" balik tanong ni Sophia kay Francis at napakurap kurap pa nga siya at halatang naguguluhan.Samantala naman si Raymond ay naiintindihan naman siya. Lumapad pa nga ang pagkakangiti nito at saka ito pumalakpak habang tumatawa ng marahan."Dahil pareho lang tayo," sagot ni Raymond at ang tinig ay puno ng kumpiyansa. "Ganoon lang kasimple," dagdag pa nya.Sinabi ito ni Raymond ng malinaw na parang sinadya niyang iparinig ang bawat salita kay Francis.Ang totoo nyan ay kaya nagawa ni Sophia na aminin ang ganitong relasyon ay dahil na rin sa patibong ni Raymond. Kaya inilatag na niya ang kanyang alas. Sa sitwasyong ito ay siya ang pinakamainam na pagpipilian ni Sophia. Walang dahilan para hindi niya ito piliin. At higit sa lahat ang bawat hakbang na ito ay sinadya a

    Huling Na-update : 2025-01-20
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 86

    CHAPTER 86Nananatili ang mga mata ni Francis kay Sophia na tila ba hinihintay niya ang sagot nito.“Gusto mo ba talaga? Wala namang problema roon,” sagot ni Sophia kay Raymond at bahagya pa nga itong tumawa."Pero kung gusto mo talaga ng ganoong klase ng panulat ay kailangan mo oang maghintay ng kaunti,” dagdag pa nya.“Kung makakakuha ako ng regalo na gawa mo ay handa aking maghintay kahit na gaano pa yan katagal,” agad naman na sagot ni Raymond habang hawak nga niya ang kamay ni Sophia.Hindi naman na nagsalita pa si Francis at tahimik nga lang niyang kinuha ang kanyang naiwan na cellphone ar kaagad na rin naman siyang umalis doon. Ngunit pagdating niya sa elevator ay bigla na nga lamang syang napahinto habang nakahawak a metal na dingding noon at saka sya huminga ng malalim na para bang pinapakalma nya angbkanyang sarili.Sumunod naman ang ilang shareholders sa kanya at nagkukumahog na makipag usap sa kanya tungkol sa kung gaano kalaki ang maibibigay na kita ng pakikipag ugnayan ni

    Huling Na-update : 2025-01-21
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 87

    CHAPTER 87Unti unti naman na dumilim ang mga mata ni Francis at halos parang namumula na nga ito habang hindi niya mapigilan ang sarili na magpadala ng mensahe kay Sophia.[Sophia, talaga bang wala ka ng pakialam pa kay Lolo?] Habang itinatype nga ito ni Francis ay naramdaman niyang napakababa at nakakahiyang gawain iyon at parang ginagamit niya si Lolo para pigilan si Sophia. Pero alam niya na matapos nilang magkaroon ng relasyon ay hindi na tama ang ganitong klase ng mensahe.Ibinalik ni Francis ang tingin sa mga salitang iyon. Matapos ang mahabang pag aalinlangan ay dahan dahan din niyang binura ang mga ito.Bigla namang tumigil na ang malakas na ulan na iyon. Habang si Sophia nga ay nakatanaw mula sa malalaking bintana ng Hoya Presidential Suite.Sa totoo lang ay may kaba siya nararamdaman hanggang sa bigla ngang tumunog ang kanyang cellphone at agad nga nya itong kinuha at nakita nga niya na tumatawag ang kanyang ama na si Nelson sa kanya at inuutusan nga siya nito na umuwi par

    Huling Na-update : 2025-01-21
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 88

    CHAPTER 88"Raymond alam mo ba talaga ang ginagawa mo?" kunot noo na tanong ni Bianca kay Raymond at ang kanyang boses ay puno ng galit at sama ng loob.Pakiramdam niya ay may bumabara sa kanyang lalamunan at parang sasabog ang kanyang dibdib. Ang sakit sa kanyang puso ay umabot na sa sukdulan.Akala niya ay walang tunay na pagmamahal sa pagitan nina Raymond at Sophia. Akala niya ay magagalit si Raymond kapag nalaman niya ang lahat. Inakala niya na si Sophia ang pagbubuntunan ng galit nito! Pero nagkamali pala siya.Ipinakita ni Raymond sa kanya ang lahat. At lahat ng ito ay pagpapanggap lamang. Lahat ng ito ay isang palabas lamang."Bakit?" bulong ni Bianca sa kanyang sarili. "Bakit nagkakaroon ng ganoon kagaling na lalaki si Sophia nang hindi man lang gumagawa ng kahit ano?" dagdag pa nya at naikuyom na lamang talaga nya ang kanyang kamao.Hindi naman matanggap ni Bianca ang lahat ng ito!"Nagpakasal na siya noon. At ang lalaki niya noon ay si Francis!" sigaw ni Bianca na halata mo

    Huling Na-update : 2025-01-21

Pinakabagong kabanata

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 118.2

    Dati nga ay hindi nga iyon pinapansin ni Sophia. Pero ngayon nga ay nagtataka na siya dahil isang estudyante pa si Jacob na malapit nang kumuha ng entrance exam at sa halip na nag-aaral nga ito at nagpapahinga sa bahay ay nandito sa isang auction para magtrabaho.Pakiramdam ni Sophia ay paramg may mali. Unti unti nga na dumidilim ang tingin ni Sophia habang nakatitig nga siya kay Jacob.“Jacob tandaan mo na ikaw ay isang kandidato sa gaganapin na entrance exam,” sabi ni Sophia kay Jacob.Bigla namang natigilan si Jacob dahil sa sunabi na iyon ni Sophia at napakurap kurap pa nga siya bago sya dahan dahan na tumango.“A-ayos na po ba ang p-problema nyo Ms. Sophia?” kandautal pa na tanong ni Jacob kay Sophia dahil nag aalala rin naman sya rito. At mahahalata mo nga sa mga mata ni Jacob na matagal na niyang binabantayan ang sitwasyon ni Sophia.Bahagya naman na lumiwanag ang mukha ni Sophia at saka sya tipid na ngumiti sa binata.“Oo tapos na. Hindi na rin magtatagal at malalantad na ang

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 118.1

    CHAPTER 118Tuluyan na nga na natapos ang auction. At hindi na rin nga nagtagal pa roon si Sophia. Nang papalabas na nga si Sophia sa venue ay may napansin nga siyang isang binata na abala sa pagtanggap ng mga panauhin. Payat at matangkad ang binata at may lamig sa mga mata nito at maputla rin nga ang mukha nito at halatang may sakit nga ito. Pero kahit ganoon ay may matigas na determinasyon sa kanyang paningin.Ang binata na iyon ay walang iba kundi si Jacob.Nagtataka naman si Sophia dahil ano nga ba nag ginagawa ng binata ngayon doon. At naalala rin nga niya na malapit na ang pagsusulit sa kolehiyo.Hindi na rin naman nga nakatiis pa si Sophia at linapitan na nga niya ang binata. Unti unti nga na nawala ang lamig sa kanyang mukha.“Jacob anong ginagawa mo rito? Nagpapart time ka ba rito?” tanong ni Sophia sa binata ng makalapit na nga sya rito. Nagulat naman si Jacob nang makita nga niya si Sophia roon. Agad niyang naalala ang sinabi ni Sophia noong ibinigay nito ang kanyang bu

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 117.2

    Matalim naman ang mga tingin ni Sophia at nang mag angat nga siya ng kanyang tingin ay agad nga niyang nakita ang mapanuksong ngiti ni Bianca at sa mga sandaling iyon ay mukhang alam na nya ang dahilan kung bakit naroon nga ang dress na iyon.Mabilis nga na tumaas ang presyo ng dress na iyon at umabot na nga ito sa tatlong milyong piso.Wala namang pag aalinlangan si Sophia na lalo pa ngang tinaasan ang nasabing halaga. Hindi niya kasi hahayaan na mapunta sa kamay ng ibang tao ang damit na ang kanyang ina mismo ang may gawa.Mula sa malayo ay napansin ni Bianca ang panlalamig ng mukha ni Sophia. Kaagad niyang niyugyog ang braso ni Francis na parang isang batang nagpapalambing."Ali gustong gusto ko talaga ang dress na ‘yan. Puwede mo ba itong ipakuha para sa akin?" sabi ni Bianca kay Francis Nanatili naman na tahimik lamang si Francis at pinipigilan nga niya na mpabuntong hininga. Ngunit si Bianca naman nga ay ayaw magpatinag. Kumurap kurap pa nga ito sa harap ni Francis na para ba

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 117.1

    CHAPTER 117Napakagaganda naman talaga ng disenyo ng mga parol sa labas ng naturang auction house. Bahagya pa nga ito na sumasayaw dahil sa ihip ng hangin at nagdadagdag din nga ito ng masining na diwa sa buong kalsada.Isa isa naman na nga nagdadatingan ang mga panauhin sa naturang auction. Karamihan nga sa kanila ay naroon para sa manuscript ni Theresa. Ang ilan pa nga sa kanila ay may kanya kanyang umpukan at nag uusap ng tungkol sa naturang manuscript. Bagama’t nakangiti nga ang mga ito sa isa’t isa ay alam nilang lahat na ang bawat isa ay matindi nilang katunggali sa auction na ito.Sa ilalim ng madilim na kalangitan ang auction house ay mistulang isang makinang na perlas na pinapalibutan ng malambot at kaakit akit na liwanag.Pagpasok pa lamang sa pintuan ng auction house ay agad na napahanga ang mga panauhin sa kanilang nasaksihan dahil isa iyong maluwag at maliwanag na bulwagan na may mataas na kisame na pinintahan ng mga detalyadong mural. Mula sa lihim na sulok ay bumabagsa

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 116.2

    "Ang totoo kasi niyan ay gusto ko lamang sabihin na hindi naman ganoon kalubha ang sugat ni Raymond. Hindi mo kailangang manatili sa tabi niya para lamang alagaan siya," sagot ni Dr. Gerome. “Maaari nga na masakit ang sugat niya pero sa totoo lang ay alam mo naman na mahilig lang siyang umarte,” dagdag pa nya.Alam kasi niya na tumanggi si Sophia na bumalik sa pamilya Bustamante at piniling manatili sa ospital para lamang samahan si Raymond.Tahimik naman na nilaro ni Sophia ang kanyang cellphone sa kanyang kamay at tila ba naaaliw siya sa sinabi na iyon ni Dr. Gerome."Dr. Gerome hindi ba pwedeng ito talaga anf gusto ko? Gusto kong alagaan si Raymond. Gusto ko syang makita sa ganitong estado,” sagot ni Sophia at saka nga siya bahagyang lumapit dito. “At saka nakalimutan mo na ba kung ano ang relasyon namin ngayon ni Raymond,” dagdag pa ni Sophia.Hindi naman kaagad nakasagot si Dr. Gerome kay Sophia.Bigla kasing naisip ni Dr. Gerome na tama nga naman si Sophia. Si Raymond ang kasal

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 116.1

    CHAPTER 116At ngayon nga ay si Sophia na ang itinuturon na may kasalanan sa nangyari kay Emman. Sadyang napakalupit ng kapalaran kay Sophia.Kung si David nga talaga ang may kagagawan noon ay marahil mula pa sa simula ay hindi na niya talaga balak pakawalan si Sophia. O baka naman mas inisip niyang poprotektahan ito nina Raymond at Francis upang hindi na lumala pa ang sitwasyon.Anuman ang dahilan nito ay isang bagay lamang ang sigurado si Francis at yun ay ayaw niyang may masasaktan lalong lalo na si Sophia."Itago nyo ang balitang ito," malamig na utos ni Francis kay James. "Sabihin mong namatay si Emman sa isang aksidente at hindi na nailigtas kahit na sinubukan ng mga doktor," dagdag pa nya.Totoo namang nasangkot ito sa isang malubhang aksidente bago ito tuluyang binawian ng buhay kaya hindi naman din iyon isang kasinungalingan.Nanataili naman na walang imik sa mga sandali na iyon si James bago sya tumango kay Francis at saka lumabas doon upang linisin ang anumang ebidensya.Ku

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 115.2

    “Sa tingin ko ay mas mukha kang kontrabida,” sabi ni Sophia kay Raymond. “Kung tutuusin nga ay mas bagay pa kay Francis ang maging male lead sa isang CEO novels,” dagdag pa nya na tila ba inaasar pa nga niya si Raymond.Hindi naman nabawasan ang ngiti ni Raymond at sa halip nga ay mas lalo pa itong lumalim. Hinaplos niya ang palad ni Sophia bago hinawakan ito at saka nya pinagsalikop ang kanilang mga daliri."Sabagay ayos na rin ‘yon. Ako ang kontrabida na tatalo sa male lead at ninakaw ko lang naman ang prinsesa ng bida. Hindi ba perpektong ending ‘yon? Mukhang gusto ng kontrabida ang ganyang klaseng pagtatapos," sagot naman ni Raymond kay Sophia.Alam naman ni Sophia na para siyang batang kinakausap nito. Nang makita niyang muling lumalapit si Raymond sa kanya upang halikan siya ay mabilis niyang itinagilid ang kanyang ulo at tinakpan ang bibig ng lalaki gamit ang kanyang kamay."Raymond bakit ba halik ka ng halik?" tanong ni Sophia rito at nanatili nga na hawak nito ang bibig ng bi

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 115.1

    CHAPTER 115Narinig naman ni Sophia ang sinabi na iyon ni Raymond at bahagya pa nga na napataas ang kanyang kilay na waring may iniisip. Nag angat naman ng tingin nya si Sophia at may bakas pa nga ng pang uuyam ang ekspresyon ng kanyang mukha.Tinabig nga ni Sophia ang kamay ni Raymond at saka nga nya muling binalingan ang mga dokumento na hawak nya at muli nya nga itong binasa.“Bakit mo naman nasabi na iniisip ko pa rin si Francis?” tanong ni Sophia kay RaymondAng world class financial summit na ito ay gaganapin sa Lungsod at dinaluhan nga ito ng mga malalaking kumpanya mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Lahat ng naroon ay may isang layunin lamang at yun ay ang makahanap ng matibay na oportunidad sa negosyo.Natural lamang na may ilang proyektong gustong makuha si Sophia kaya naman pursigido siyang magtagumpay sa bidding."May paparating na auction sa loob ng dalawang araw, may isang financial summit at pagkatapos ay college entrance exams sa loob ng isang buwan. Balak ko ri

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 114.2

    Samantala naman lumabas na rin nga si Francis sa loob ng silid ni Raymond pero hindi nga siya tuluyang umalis dahil nanatili nga lamang siya sa labas ng silid na iyon habang tahimik nga siyang nakamasid kila Raymond at Sophia.Pinagmamasdan nga ni Francis ang dalawa at kitang kita nga niya ang paraan ng kanilang pagtitinginan at ang matamis na ilusyon ng pag ibig sa pagitan nilaAlam naman ni Francis na hindi totoo iyon at isang palabas lamang nga ang lahat ng iyon.Ngunit bakit parang may kung anong pumipiga sa puso ni Francis? Bakit nga ba may pait na lumalagok sa kanyang lalamunan. Yun ay dahil nga sa natalo nga siya.Dahan dahan naman nga na sumandal sa malamig na pader na iyon si Francis habang mahigpit nga niyang hawak ang kanyang cellphone. Marahan pa nga niyangbipinikit ang kanyang mga mqta at pilit na tinatanggal ang bigat sa kanyang dibdib.Sa tabi niya ay isang pamilyar na tinig ang marahang bumasag sa katahimikan."Nagsisisi ka na ba?" tanong ni Dr. Gerome kay Francis at

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status