CHAPTER 89Walang awa si Raymond nang takpan niya ang bibig ni Bianca gamit ang tape. Kaya pati ang mahabang buhok nito ay dumikit na rin sa tape na iyon. Nang tanggalin nila ang tape ay kasamang nahila ang buhok ni Bianca kaya naman hindi na nga nito napigilan pa ang kanyang sarili na mapasigaw dahil sa sakit. "Isa ka bang inutil? Alam mo ba ang ginagawa mo? Umalis ka nga rito," sabi ni Bianca sa kanilang kasambahay at saka nya nga ito itinulak.Hindi kasi magawang tanggalin ni Bianca ang tape sa kanyang buhok at nanginginig na lang siyang tumayo. Sa mga sandaling iyon ay hindi niya magawang tingnan sila Sophia at Raymond. Takot siyang baka mabunyag sa kanyang mga mata ang galit na pilit niyang itinatago.Kaya naman napilitan na lamang si Bianca na magtimpi ngbkanyang galit at naikuyom na lamang talaga nya ang kanyang kamao. Nanatili naman na nakayuko si Bianca at saka nya kinuha ang isang dokumento."Mr. Raymond ito ang authorization letter na natanggap ko kanina. Pinili ako ng mga
CHAPTER 90Hindi lubos maisip ni Bianca kung bakit ito nangyayare sa kanya. Akala nya ay matapos na maghiwalay nila Francis at Sophia ay wala ng posibilidad na magkatuluyan pa ang dalawa. Pero sa nakikita nga ngayon ni Bianca ay tila iniisip pa rin nga ni Francis si Sophia.Hindi nya akalain na matapos ng lahat ng ginawa nya ay bakit parang si Sophia pa rin ang nakikita ni Francis. Kinuha na nga niya ang lahat ng meron ito. Kinuha na nya ang koneksyon. Kinuha na rin nya ang alaala ni Jennifer na matagal ng nakabaon sa puso ni Francis. Kinuha na nya ang lahat at pinaltan na nya ito kung saan sya naman ang magiging bida sa buhay ni Francis pero parang ang lahat ng ginawa nya ay nabalewala lang lahat dahil hanggang ngayon ay parang si Sophia pa rin ang pinahahalagahan ni Francis.Si Francis na tinitingala ng lahat ay parang biglang naging ordinaryong tao ng dahil kay Sophia kaya naman hindi mapigilan ni Bianca ang magalit kay Sophia dahil sa kanyang mga iniisip.“Talaga bang gusto ni Fra
CHAPTER 91Mukha namang tamad na tamad na si Dr. Gerome. Ang itsura nya ngayon ay kalmado lamang pero makikita mo sa mga mata nito ang sobrang pagod. Marahil ay dahil sa kagagaling lamang nga nito sa dalawang operasyon at hindi pa nga ito nakakapag pahinga man lang.At dahil nga sensitibo ang pang amoy ni Sophia ay amoy na amoy na talaga niya ang disinfectant na tila nakakapit na sa katawan ni Dr. Gerome.Napatingin naman si Dr. Gerome sa gawi ni Raymond at kalmado lamang niya itong tiningnan saka nya muling ibinaling ang tingin nya kay Sophia.“Anong nangyare sa’yo?” tanong ni Dr. Gerome kay Sophia. “Ako na lamang ang titingin sa’yo. Bilang kuya mo ay nag aalala rin ako sa’yo,” dagdag pa ni Dr. Gerome.Napakumot naman ang noo ni Raymond dahil sa narinig nya na sinabi nitong ‘kuya’ dahil hindi nya alam kung magkapatid ba talaga ang mga ito o baka naman hinahangaan lamang nya itong kuya o baka naman sadyang malambing lamang ito kay Sophia kaya kuya na ito kung ituring nito.Bahagya nam
CHAPTER 92Tahimik naman na nag angat ng kanyang tingin si Sophia at ang malamig niyang mga mata ay dumapo kay Dr. Gerome."Kasal na ako at nagdadalang tao ako sa anak namin ni Francis. Ang batang ito ay kailangang maipanganak at maalagaan ko ng maayos," sabi ni Sophia kay Dr. Gerome at bawat salita na iyon ay may diin pa ang pagkakasabi."Oo nga at marami nga ang may gustong mapalapit sa akin. Pero sino sa kanila ang mapagkakatiwalaan ko at makakasiguro ako na indi magbabago ang isip kapag nalaman nila ang totoo. Baka nga hindi sila mag alala pero sigurado ako na ang mga nakatatanda sa pamilya nila ang unang tututol. At ang bata na nasa sinapupunan ko ay magiging tinik sa kanilang mga mata. Kahit maipanganak ko siya ay baka hindi niya kayanin ang mga susunod na taon,” sabi pa ni Sophia at ang kanyang boses ay nanatiling malamig.Tahimik lamang naman na nakikinig si Dr. Gerome sa mga sinasabi ni Sophia at ramdam nya na nangangamba rin ito para sa batang nasa sinapupunan nito.“Alam ko
CHAPTER 93Pagkatapos sabihin iyon ay agad na rin naman na umalis si Sophia roon.Ang receptionist pala na kausap ni Sophia ay may nakalagay na bluetooth headset sa isang tenga at napabalik lamang nga ito sa wisyo ng umalis na sa harapan nya si Sophia kaya naman napakamot na lamang nga siya sa kanyang ulo.“Kanino ko raw ibibigay ang sulat na ito?” tanong ng receptionist sa kanyang sarili habang nakatingin sa pinapabigay na sulat ni Sophia.Abala kasi sya kanina sa pakikinig ng kanta kaya hindi na nya napagtuunan ng pansin ang sinasabi ni Sophia sa kanya kanina.“Para kaya ito kay Mr. Francis? Malapit si Manager Sophia kay President Francis kaya siguradong ipapaliwanag nya ang tungkol sa kaso ng mga Cruz. Siguro ang sulat na ito ay paliwanag nya tungkol doon,” sabi ng receptionist na iyon sa kanyang sarili.Pero nababahala pa rin nga ito dahil baka nga magkamali rin sya. Kaya naman agad na nga lamang nyang tinawagan si Khate upang ireport dito ang nangyare.Nang matanggap naman ni K
CHAPTER 94“We were kissing, hindi mo ba nakita?” paos ang boses na sagot ni Francis kay Raymond at ang kanyang boses pa nga ang may pahiwatig ng kasiyahan matapos matikman ang labi ni Sophia. Mahigpit pa nga rin niyang yakap si Sophia at hindi nga nya ito pinayagang makapalag pa.“Francis nababaliw ka na talaga,” sabi ni Sophia habang pilit nga niyang itinutulak si Francis. Sa pagkakataon na ito ay hindi naman na sya pinigilan pa ni Francis.Pero kahit na hinayaan na nga sya ni Francis ay hindi naman nya kayang tumayo ng maayos kahit pa humawak sya sa pader at ang sampal na ibinigay niya sa lalaki ay parang wala namang epekto rito.“Francis krimen na itong ginagawa mo,” sabi pa ni Sophia at akmang tatayo na nga sana sya ng bigla nga syang nanghina at kamuntik na ngansyang bumagsak pero mabuti na lamang nga at may sumalo sa kanyang baywang at nakita nga nya na si Raymond ito kaya naman agad nga syang napasandal sa bisig nito at mahigpit nga siyang niyakap nito.“Phia, sabihin mo sa ak
CHAPTER 95Ang mga alaala ng titig ni Sophia noong nasa tabi niya ito ay biglang bumalik sa isipan ni Francis. Napaka seryoso nito ngunit malinaw na may nakatagong lambing at pagmamahal doon. Ngunit sa isang iglap ay napunta si Sophia a puling ng iba at para iyong isang kataksilan.Kitang kita naman ni Francis na magkayakap nga sila Raymond at Sophia na para bang walang ibang tao sa kanilang paligid. Kaya naman ang mga mata ni Francis ay nabalot ng lungkot habang nakatingin sa dalawang naghahalikan sa kanyang harapan. Ang dating mainit na tingin ninFrancis kay Sophia ngayon nga ay napalitan na ng kilabot na malamig.Hindi na nga namalayan ni Francis kung gaano ba nya katagal na pinapanuod ang dalawa kahit na alam nya sa sarili nya na parang dinudurog ang puso nya sa kanyang nasasaksihan at talagamg parang pinaparusahan na ni Francis ang kanyang sarili dahil sa ginagawa nyang iyon.Nang matapos na maghalikan sila Raymond at Sophia ay parang bigla nga syang nawalan ng lakas at ang kanya
CHAPTER 96Ang laman na tubig kasi ng timba na iyon ay linagyan pa nga ni Sophia ng yelo bago nya tuluyang ibinuhos sa dalawang lalaki na nag aaway. Kaya naman talagang natigilan na lamang sila Raymond at Francis sa kanilang pag aaway.“Phia gusto ko lamang naman na ilabas ang galit ko,” sabi ni Raymond at halata mo nga sa boses nito na galit nga ito.Nang marinig kasi ni Raymond ang mga sinabing pang iinsulto na iyon ni Francis kay Sophia ay hindi na nga nya napigilan pa ang kanyang sarili at agad nya nga muling sinugod muli si Francis at agad nga nya itong sinuntok at hindi rin naman nagpatalo si Francis dito at talagang halos magpagulong gulong na nga silang dalawa roon.Mahalaga kay Raymond si Sophia kaya hindi sya makapapayag na mayroong babastos dito. Ang mas lalong kinainis pa ni Raymond ay ang pagiging walang pakialam ni Francis kay Sophia matapos ang tatlong taon na pagsasama ng mga ito bilang mag asawa at talagang minahal nga ito ni Sophia ng mga panahon na iyon.Kaya nam
“Francis, ikaw mismo ang pumatay sa anak mo. Ikaw mismo ang nagplano para patayin ang tagapagmana mo,” sabi ni Sophia at patuloy pa rin nga sa pag agos ang kanyang luha habang sinasabi nga niya iyon.At talagang napakasakit nga nitong isipin. Siya ang nasaktan pero tila si Francis ay wala ngang pakialam. Paanong nagawa niyang patayin ang sarili niyang anak na para bang wala lang?“Bakit Francis? Bakit mo nagawa ito? Ikaw ang salarin dito. At iaw ang ugat sa lahat ng kasamaan na ito. Kaya dapat lang na magdusa ka rin kasama ko,” sabi pa ni Sophia.Nanatili naman nga na nakatayo lang si Francis at nakaatulala. Paa bang pakiramdam nga niya ay bigla ngang nawalan ng saysay ang lahat. At para bang wala siyang ibang naririnig kundi ang isang pangungusap na paulit-ulit nga sa kanyang isip.“Francis, ikaw mismo ang pumatay sa anak mo.’Napakurap kurap pa nga si Francis habang nakatingin nga siya kay Sophia at tila ba naguguluhan nga siya. Hindi nya alam kung anong ibig sabihin no’n? Paanong s
CHAPTER 215Sa mga sandali nga na iyon ay para bang tuluyan nang nakalimutan ni Francis ang lahat ng hindi nila pagkakaunawaan ni Sophia.Para bang hindi kailanman nangyari ang diborsyo, ang aksidente o ang lahat ng sakit sa pagitan nila. At para bang mag-asawa pa rin nga sila. At talaga namang nakakatawa nga iyon. KKung noon siguro ito ay maaaring natuwa pa nga si Sophia pero ngayon nga ay tila ba isa na itong katawa-tawang biro na lamang.“Francis, mukhang nakalimutan mo na ang lahat ng pader sa pagitan nating dalawa. Kailangan pa ba kitang paalalahanan ngayon?” sabi ni Sophia at saka nga siya napatingin sa red wine na nasa harapa nga niya at sa loob-loob nga niya ang may bahid nga ng pangungutya.“At saka kelan lang ako nakunan. Masyado pang mahina ang katawan ko. Hindi pa ako pwedeng uminom ng ganyan,” dagdag pa nga ni Sophia.Sa pagbanggit nga ni Sophia ng salitang ‘nakunan’ ay bigla ngang nagdilim ang mata ni Francis.“Huwag mo nang banggitin ang bagay na iyan sa harapan ko,” m
Dahan-dahan naman nga na tumayo si Sophia at muli nga siyang tumingin sa buong paligid at talaga ngang walang nagbago roon.Nandoon pa rin nga ang mga stuffed toys sa sofa na siya nga mismo ang naglagay. Ang mga couple mugs na siya rin nga ang pumili ay nakapwesto rin nga sa mesa. Ang mga upuan ay ganoon pa rin nga ang disenyo. Ang rystal chandelier na siya rin nga mismo ang nagdisenyo ay nandoon pa rin. At ang mga mural sa pader na isa-isa nga niyang pinintahan ng buong pagmamahal noon para sana salubungin ang isang bagong buhay ay naroon pa rin. At halos sa lahat nga ng sulok ng bahay na iyon ay may bakas pa rin nga ng kanyang presensya.“Bakit hindi mo ito pinapalitan? Bakit nandito pa ang lahat ng ito? Iniisip mo ba na babalik pa ako?” mga tanong sa isipan ni Sophia habang inililibot nga niya ang kanyang tingin.Marahil nga sa sobrang liwanag ng ilaw ay itinaasnga ni Sophia ang kanyang mga kamay at saka nga niya tinakpan ang kanyang mga mata. At pakiramdam nga niya ay para bang ma
“Pwede kang bumalik sa bahay natin,” sabi ni Francis at may bahid nga ng hinanakit ang kanyang boses. Matagal na kasing hinihintay ni Francis ito ang pagbabalik ni Sophia sa kanilang tahanan— sa tahanang itinuring nila na tahanan nilang mag-asawa.Ibinaling nga ni Sophia ang kanyang tingin at saka nga siya mahinang sumagot dito. At sa totoo lang ay wala nga siyang pakialam kung saan sila magkikita ngayon.“Sige, pupunta ako,” sagot nga ni Sophia.Pagkababa nga ng tawag ay nanatili pa nga rin na nakaupo si Sophia sa kanyang hospital bed habang hawak nga niya ang kanyang cellphone. At tila ba hindi pa rin nga siya nakakabalik sa kanyang sarili.Maya maya nga ay dahan-dahan na nga siyang tumingin kay Harold.“Dalhin mo ako roon,” mahina ang boses na sabi ni Sophia kay Harold. Alam kasi niyang narinig ni Harold ang buong pag uusap nila ni Francis.Hindi naman din kasi kalayuan ang bahay nila dati ni Francis noon sa ospital kung nasaan siya ngayon. At mga sampung minuto lang naman ang bya
CHAPTER 214Pero ano nga ba ang papel ni Bianca sa lahat ng ito?Mahal na mahal nga ni Bianca si Francis at sa sobrang pagmamahal nga niya rito ay hindi nga niya matanggap na may ibang babae sa paligid ni Francis. Lalong lalo namang hindi niya matatanggap na si Sophia pa ang magdadala ng magiging anak ni Francis.Kaya naman hindi na nga kailangang kumilos ni Francis. Sapat na nga ang ibalita niya ang pagbubuntis ni Sophia at si Bianca na nga ang bahalang gumawa ng paraan para tapusin ito.Ang pagkalaglag nga ng bata na nasa sinapupunan ni Sophia ay dahil nga sa iniinom niyang gamot.Matapos nga na maisakatuparan ni Bianca ang una niyang plano ay mas lalo nga itong naging mapangahas. At unti-unti nga siyang tumapang. Lahat nga ng bagay tungkol kay Sophia ay kinamumuhian niya. At gusto nga niya na tuluyan na nga na mabaliw si Sophia hanggang sa manghina nga ito at sa huli ay mamamatay na lang na parang isang tuyong bulaklak.Sa puso nga ni Bianca ay pareho lang silang anak ni Nelson per
Nanatili naman nga na tahimik si Louie at pinagmamasdan nga niya ang lahat sa harap niya. Ni hindi nga ito ngumingiti at hindi rin nga niya pinipigil ang galit ni Harold. Pero sa totoo lang ay pareho nga sila ng iniisip.Maya maya nga ay lumapit na nga siya kay Dr. Gerome.“Dr. Gerome wala na dapat tayong inaaksaya pa na oras. Kailangan na nating madaliin ito,” mahina ngunit deretsahan na sabi ni Louie.Pero sino nga ba ang maaaring gumawa nito kay Sophia? Wala nga silang kaide-ideya kung sino. At sa totoo lang ay iniisip nila na baka nadiskubre na ang totoong pagkatao ni Sophia na siya pala ang tunay na utak sa likod ng Prudence.Iniisip nila na baka gusto ng mga ito na pigilan ang pagdalo ni Sophia sa paparating na financial summit kaya gumamit sila ng ganito karuming paraan.Kung iyon nga talaga ang dahilan ay napakarami nga ng posible nilang kalaban kagaya na lamang nga pamilya Villamayor, pamilya ng mga Marquez, mga dating kasosyo at pati na rin ang mga tao na galing pa sa malal
Pero kailan nga ba nagsimula na palitan ang gamot na iyon? Bago ba o pagkatapos ng pagkakalaglag ng batang nasa sinapupunan ni Sophia?Tahimik nga na tiningnan ni Dr. Gerome ang report na iyon. At lalo lamang ngang bumigat ang pakiramdam niya.Akala niya ang Shawn Hospital ay isang ligtas na tahanan at isang lugar na kontrolado niya. Pero hindi nga niya inaasahan na may ibang kamay na pala ang humahawak sa loob nito.Napansin naman nga nina Harold at Louie ang biglang pag-iiba ng ekspresyon ng mukha ni Dr. Gerome. Pareho pa nga silang napatingin sa kanya na puno ng kaba.“May problema ba sa mga gamot mo?” hindi na nga napigilan na tanong ni Harold ay Dr. Gerome.Alam kasi niya na para bang may kakaiba nga roon. At ramdam na ramdam nga niya ito noon pa dahil hindi nga ganito si Sophia.Hindi kasi kailanman naging ganito kabaliw si Sophia. Siya kasi ang klase ng tao na paagi ngang kalmado at kontrolado ang kanyang sarili. Kahit noon pa man na napilitan nga itong lumagda sa kontrata na k
CHAPTER 213Kinabukasan nga ay maaga nga na isinalang ni Dr. Gerome si Sophia sa iba’t ibang klase ng test para malaman nga niya kung bakit hindi pa rin nga gumagaling si Sophia.At nang lumabas na nga ang resulta ng lahat ng ginawang test kay Sophia ay napakunot na lamang nga ang noo ni Dr. Gerome habang tinitingnan nga niya ito.Bagamat nagreseta nga siya ng mga gamot na pampalakas ng dugo para kay Sophia ay kitang kita naman nga na lalo nga na nanghihina ang katawan nito. At para bang may sintomas nga ito ng matinding pagkawala ng dugo at higit pa nga roon ay tila ba naapektuhan na rin nga ang kanyang utak.Isang maling galaw nga lang at maaari nga na tuluyan na itong mauwi sa bipolar disorder. Sa mga nakalipas kasi na mga araw ay napapansin nga ni Dr. Gerome na lalo ngang nagiging magulo at hindi na makatwiran ang mga kilos ni Sophia. Kaya nagtataka nga siya kung bakit nga ba ito humantong sa ganito.“Ano ba ang mga kinakain niya nitong mga nakaraang mga araw? unot noo nga na tan
Ang tanging laman ng puso ni Sophia ngayon ay si Raymond lang at wala ng iba pa.Tinitigan nga ni Sophia si Francis at nagtagpo nga ang malamig nilang mga mata at si Sophia na nga rin ang dahan-dahan na umiwas dito. Wala nga ni isang salita ang lumabas sa kanyang bibig. At wala na talaga siyang pakialam ngayon kay Francis.Dapat nga ay noon pa ito nangyari sa mismong araw ng kanilang paghihiwalay. At wala na ring dahilan pa par sa matinding damdamin sa pagitan ng isang dating mag-asawa.“Francis,” mahinang sabi ni Sophia. “Ang dami mong naging malasakit sa butihin mong tiyo. Pero tingnan na lang natin kung kaya mong protektahan ang mga binti niya,” malamig pa na sabi ni Sophia.Pagasabi nga ni Sophia no’n ay unti-unti na nga na umangat ang bintana ng kotse at tuluyan na nga na isinarado ang pagitan nila.Tuluyan na nga na umalis ang sasakyan kung saan nakasakay si Sophia. At naiwan nga si Francis na nakatayo lang doon at tahimik na pinapanood ang papalayong anyo ni Sophia. At sa ilali