CHAPTER 50Ang kanyang kasintahan ngayon ay si Bianca na. Hindi na sila maaaring magpatuloy pa. Paano pa nga ba sila magpapatuloy kung ang dami nang nangyari ngayong araw? Kung matapos man ang lahat ng ito ay kaya pa rin niyang tanggapin ang halik ng isang lalaki na hindi alam kung anongnklaseng tao siya.Huminga naman ng malalim si Sophia at saka nya itinulak ang lalaki palayo sa kanya."Francis, tapos na tayo. Divorced na tayo. Kaya't huwag na nating ituloy pa ito,” dahan dahan pa na sabi ni Sophia habnag malamig ang tingin nya kay Francis.Bigla namang natigilan si Francis dahil sa sinabi ni Sophia at hindi nakapag salita. Seryoso naman nyang tinitigan si Sophia na para bang sinusuri o binabasa nito ang ekspresyon nito.“Si Bianca na ang iyong nobya ngayon Francis at hindi mo na rin ako asawa ngayon,” sabi pa ni Sophia kay Francis.Bigla namang natauhan si Francis dahil sa sinabi ni Sophia kaya naman binitawan na nga nya ito. Pagkatapos bitawan ni Francis si Sophia ay nahiga nama
CHAPTER 51Nakaupo naman ngayon si Sophia sa upuan na nasa loob ng kanyang opisina habang suot ang itim na salamin na saktong tumakip sa sugat sa kanyang noo. Kung ibang tao ang magsusuot nito ay baka magmukhang pangkaraniwan at medyo nakakabagot. Ngunit dahil sa sobrang kinang ng kanyang kagandahan at perpektong anyo ang simpleng itim na salamin ay tila bumagay talaga kay Sophia.Inayos naman ni Sophia ang suot niyang salamin. Dahil sa pag iyak niya kahapon ay nananatiling namumula ang kanyang mga mata. Kahit nilagyan na niya ng yelo iyon ay bahagya pa rin itong namamaga at tila ba nabawasan ng kaunti ang lamig sa kanyang titig.“Wala akong oras para sa mga walang kuwentang hula na iyan Raymond. Kung may sasabihin ka ay sabihin mo na. At Kung wala naman ay maaari ka ng umalis ngayon,” masungit na sabi ni Sophia kay Raymond dahil wala sya sa mood para makipag biruan dito.Bagaman sinabi ni Raymond na hindi siya katulad ni Francis at pinakiusapan siyang huwag silang ituring na magkapa
CHAPTER 52"Mr. Raymond," sabi ng isang sekretarya na naroon ng makita nga nito si Raymond na dumating.Bigla namang naputol ang usapan ng mga sekretarya na naroon ng makita nila si Raymond. “Good morning po Mr. Raymond,” bati ng mga sekretarya na naroon.Ngumiti naman si Raymond sa kanila at nagtanong. "Nasa opisina ba si Mr. Francis?""Opo, nasa opisina po si Mr. Francis. May gusto po ba kayong sabihin sa kanya?" sagot ng head ng mga secretary na naroon.Ngumiti lamang naman si Raymond dito at saka nya binuksan ang pinto ng opisina ni Francis. Agad nga nyang nakita si Francis doon na nakaupo sa upuan nito habang hinihilot ang sintido nito.Nang marinig ni Francis ang pagbukas ng pinto ay nag angat nga siya ng tingin at nakita nga nya si Raymond. Ngunit saglit lamang naman nya tiningnan si Raymond na para bang hindi nya ito napapansin at muli nga nyang tiningnan ang mga dokumento na nasa kayang harapan.Dahil sa ginawa ni Francis na iyon ay lalo namang napangiti si Raymond sa kanya
CHAPTER 53Sa sandaling ito ay hindi na mahalaga pa kay Bianca kung si Sophia ba ang may gawa noon sa kanya o hindi. Para kay Bianca ang lahat ng sisi ay itinulak na niya kay Sophia. May galit siya kay Sophia. Nasaktan si Sophia sa kaarawan ng kanilang ama na si Nelson kaya iniisip nya na naghihiganti nga ito. Wala naman kasi siyang naalalang inaway kamakailan at ang tanging taong nakaalitan niya ay si Sophia lamang. Kung hindi si Sophia ang gumawa nito ay sino naman ang gagawa nito sa kanya.Wala namang ibang gustong ipahiwatig si Bianca ngayon kay Francis kundi ang kung gaano kasama si Sophia para maging masama nga rin ang tingin nito rito."Sa tingin mo ba ay si Sophia ang may gawa nito?" seryosong tanong ni Francis kay Bianca habang malamig ang tingin nya sa dalaga.Nang mapansin ni Bianca ang malamig na tingin ni Francis sa kanya ay para bang may tumusok sa kanyang puso."Hindi ba at si ate Sophia lamang naman ang maaaring gumawa nito sa akin?” nginig ang boses na sagot ni Bianc
CHAPTER 54Maliban kasi kay Raymond ay wala na ngang ibang maisip si Sophia na maaaring gumawa nito kay Bianca.Hindi pa naman kasi bumabalik si Louie sa bansa. Kahit pa narito ito ay hindi naman siya gaganti sa ganoong paraan. Samantala naman si Harold naman ay hindi papansin ang isang katulad ni Bianca. Mula sa isang perspektibo ay tila hindi rin niya binibigyang pansin ang epekto ng mga tulad ni Bianca kay Sophia.Wala ring alam sina Harold at Louie tungkol sa mga nagawa ni Bianca. Kaya sa lahat ng taong may kaalaman tungkol sa nangyari maliban kina Francis at Raymond ay tanging si Bianca na lang ang posibleng may alam ng buong katotohanan.Pero mahal na mahal ni Francis si Bianca kaya imposibleng siya ang manakit dito. Kaya ang natitira na lang talaga na maaaring gumawa noon ay si Raymond.Malinaw sa kilos niya na hindi niya balak palampasin ang ginawa ni Bianca kay Sophia. Kung tutuusin ay mas malupit pa ang ginawa niya kumpara sa nagawa ni Bianca kay Sophia.Pagbalik ni Raymo
CHAPTER 55“Sigurado ka ba na hindi ito mabubuking? Panloloko ito sa pagsusulit para sa kolehiyo,” tanong ni Johnny kay Joshua at halatang nag aalala at kinakabahan nga ito. Isa siyang guro kaya alam niya ang bigat ng ganitong klaseng sitwasyon.Ngumiti naman si Joshua sa kanyang ama at saka ito umiling dito.“Dad ilang taon ka nang guro diba. Hindi ako naniniwala na hindi mo alam ang mga ganitong bagay dahil alam naman natin na may mga taong handang magbayad para lang dyan. Yung mga mayayaman at mga makapangyarihan na tao ayaw ng mga yan na lumabas ang mga ganitong bagay,” sagot ni Joshua sa kanyang ama.May punto naman talaga si Joshua ngunit hindi pa rin maalis ang kaba ni Johnny dahil doon. Gayunpaman ay tila natabunan ang kanyang konsensya ng malaking halagang nabanggit ng anak. Umakbay pa nga si Joshua sa kanyang ama na parang magkaibigan lang sila habang nagkukwentuhan.“Basta sapat ang perang ibabayad ay ayos lang isakripisyo si Jacob,” bulong ni Joshua sa kanyang ama.Kahi
CHAPTER 56Si Jacob ay may kakaibang pakiramdam habang nakatingin sa babaeng nasa harapan niya. Pakiramdam niya ay nakita na niya ito noon pa ngunit hindi niya matiyak kung kailan o saan ito. Ang damdamin na iyon ay parehong pamilyar at estranghero.Habang abala ang mga tao sa pagparoon at pagparito sa paligid nila ay nanatili namang magkarugtong ang kanilang mga tingin.Nang mapansin ni Principal Monica na nakatuon lamang ang mga mata ni Sophia kay Jacob ay agad siyang nakaisip ng ideya. Tinawag niya ang direktor upang lapitan si Jacob at anyayahan na lumapit sa kanila para ipakilala ito kay Sophia."Ms. Sophia ipinapakikilala ko nga pala sa’yo si Jacob Flores siya nga pala ang pinakabagong henyo rito sa aming paaralan ngayon. Siya ang nangunguna sa klase at may pinakamalaking tsansang maging top science student ngayong taon," may pagmamalaking sabi ni Principal Monica kay Sophia.Ramdam ni Sophia na labis ang paghanga ni Principal Monica kay Jacob at tila ba nakahinga siya nang ma
CHAPTER 57Tiningnan naman ni Jacob si Sophia at kinuha ang business card at saka sya nagpasalamat dito.Tahimik naman na nakatayo sila Sophia sa ilalim ng malaking puno roon. Banayad naman ang ihip ng hangin at ang mga dahon nga ay nagliliparan na at naglalaglagan na nga sa kanya ang iba roon.Ang kanyang mahabang itim na buhok ay linilipad ng hangin at dumadapo sa kanyang mga balikat. Paminsan minsan ay natatakpan ng hibla ng kanyang buhok ang kanyang mga mata na malamig ngunit may bakas ng lambing. May bahagyang ngiti sa sulok ng kanyang labi at ang kanyang malambing na tingin ay napadako kay Jacob."Kung may mga tanong ka ay huwag kang mag atubiling tawagan ako," sabi ni Sophia kay Jacob bago sya tuluyang tumalikod dito at umalis.Napatingin naman si Jacob sa hawak nyang business card na iniabot sa kanya ni Sophia kanina.“Sophia Marquez Bustamante Project Manager,” basa ni Jacob sa nakasulat doon.Napakaganda ng pangalan. Kung sana lang ay tulad ng kanyang pangalan ay magawa niy
“Hindi mo ba sinabi… na itatago mo ako? mahinang sabi ni Raymond at basag pa nga ang kanyang boses. “Bakit hindi na lang ako manatili rito? Kung hindi ko na siya makikita.. ayos na rin na manatili na lamang ako na pilay,” dagdag pa niya.Hindi na nga iniisip ni Raymond ang sarili niyang nararamdaman. Alam kasi siyang hindi na niya kayang bumalik.Galit na galit naman nga si Camille dahil sa sinabi na iyon ni Raymond. Namumula na nga ang kanyang mga mata at handa na nga sana siyang magwala, pero bago pa man nga siya makasigaw ay isang grupo nga ng mga tao ang biglang sumugod sa loob ng villa. At sinimulan na nga ng mga ito na halughugin ang buong bahay.“Alam nyo ba kung nasaan kayo? Lumayas kayorito,” galit nga na sigaw ni Camille at nanginginig pa nga siya sa sobrang galit.Pero para ngang walang naririnig ang mga ito. At nang makita nga nila si Raymond ay nagkatinginan nga ang mga lalaki at dahan-dahan nga nilang inakay si Raymond palabas mula sa basement patungong sala.At sa sala
“Sabihin mo kay Rafael na nakatanggap ako ng email mula kay Theresa,” kalmado pero mabigat nga ang boses na utos ni Lester sa kanyang assistant. “At bilang isang mahusay na pinuno ng pamilya ay alam na niya siguro kung ano ang dapat niyang gawin,” dagdag pa niya.Alam nga ng lahat sa pamilya Ledezma kung sino si Theresa at kung gaano nga sya kadelikado kapag nasaktan. At gaya nga ng inaasahan nang mabalitaan nga ni Rafael na nakatanggap ng email si Mr. Lester mula kay Theresa ay agad nga itong nag-panic.Noon ay hindi nga niya gaanong inintindi ang ginawang pagdukot ni Camille kay Raymond. Pero ngayon nga nang marinig niya ang pangalan ni Theresa ay bigl nga siyang nakaramdam ng takot.Bilang pinsan nga ni Jayson ay alam na alam niya kung gaao kadelikado si Theresa noon — kung paano nga niloko at tinalo ang buong pamilya Ledezma, kung paano niya naitakas si Jayson at nagkunwaring patay na nang hindi man lang sila nahalata.At kung si Theresa nga ang kalaban ay hindi nga sila basta-ba
CHAPTER 220Gabi pa rin nga ng mga oras na iyon. At nang matanggap nga ni Mr. Ledezma ang email na iyon ay agad nga niyang kinuha ang kanyang reading glass at agad niyang tiningnan ang bagong dating na mensahe na iyon.Kakaunti lamang nga ang nakakaalam ng kanyang personal na email address. At kadalasan nga mga liham lamang tungkol sa negosyo o mahahalagang pagpupulong ang pumapasok doon. Pero ngayon nga pagtingin niya sa pinakadulo ng email ay bigla ngang nanigas ang kanyang katawan ng mabasa nga niya ang pangalan ni Theresa roon.Ang pangalan na iyon ay parang multo na bumabalik sa bawat alaala ng pamilya Ledezma at isang bangungot nga iyon na hindi nila matakasan.Gaano nga ba kalalim ang galit ni Mr. Ledezma kay Theresa?Si Jayson Ledezma sana dapat ang naging pinakamagaling na tagapagmana ng pamilya Ledezmam. Pero minahal nga nito si Theresa na isang babae na handang baguhin ang sarili, magsakripisyo at ibigay ang lahat para sa kanya at kahit pa nga ang sarili niyang buhay.At ma
Hindi nga niya malaman kung kanino ba siya galit ngayon. Sa sarili ba niya o sa mga taong walang alam pero nanghuhusga na lamang ng basta basta.Tahimik na nga lang siyang naglakad papunta sa kanyang study room at hindi na nga siya nag-abala pa na magbukas ng ilaw doon. Naupo na nga lang siya ng mag-isa sa madilim na lugar na yon.Iniisip niya kung may pag-asa pa kaya siya? Ayaw pa rin kasi niyang hayaan na tuluyan ngang mawala si Sophia sa kanya.*********Samantala naman sa isang malayong isla sa ibang bansa ay tahimik nga na sinusubaybayan ni Theresa ang mga balita at kaganapan tungkol sa kanyang mga anak at sa bansa.Nalaman niya na ang bago ngang pinuno ng pamilya Ledezma ngayon ay ang pinsan ni Jayson at ang pakakalinlan nga ni Camille Ledezma ay…. Natatawa na lamang nga si Theresa nang mabasa pa nga niya ang iba pang balita.Ang akala nga ng ibang tao sa pamilya Ledezma ngayon ay naputol na ang tunay na dugo ng kanilang linya. Kaya naman akala nga nila ay pwede na silang magha
Sunod-sunod pa nga siyang nag-post sa kanyang sariling social media account at parang ginawa na nga niya itong chat app.“Magkita tayo. Mag-usap tayo.”“Wala na si Raymond, pero ako, narito pa rin ako.”“Kung nababasa mo ito ay tawagan mo ako.”“Pagkaalis mo kay Raymond a hihintayin pa rin kita kahit ailan.”Sa loob nga ng ilang minuto ay mas marami pa nga siyang naipost kaysa sa kabuuan ng mga naging post niya sa nakaraang mga taon.Ipinapakita nga ng bawat salita niya ang kanyang matinding pag-aalala, pagkalito, takot at ayaw pa niyang bumitaw.Maging ang mga netizen nga na dating abala sa tsismis ay bigla ngang napahinto at napatulala sa dami ng mga post ni Francis.Kung may mata pa nga ang mga tao at kung marunong nga silang umintindi at makaramdam kahit sa pinaka-mababaw na paraan ay malalaman sana nila na ang kasal na iyon ay hindi isang simpleng transaksyon lamang.Para kay Francis, si Sophia ay hindi nga kailanman naging isang bagay na maaari niyang piliin o talikuran kung ka
CHAPTER 219Pagkatapos nga na basahin ni Sophia ang mga post na iyon ni Raymond noon ay agad nga siyang nagreply doon.“Hihintayin ko ang pagbabalik mo,” sagot nga ni Sophia. At ang simpleng sagot nga niya na yun ay ang naging sagot niya sa lahat at isang tahasang pagpili nga iyon.Sa pagitan ni Francis at Raymond ay buong puso at walang pagdadalawang isip na pinili ni Sophia si Raymond. At bawat salita nga na sinabi ni Raymond sa post niya ay tinugunan nga ni Sophia ng katapatan. Samantalang nang ipinahayag nga ni Francis ang kanyang pagmamahal ay walang alinlangan nga itong tinanggihan ni Sophia.Mahal ni Sophia si Raymond. At tanging si Raymond lamang nga ang pinili niya at wala ng iba pa.May ilang mga tao nga na matagal nang sumusubaybay sa kwento nilang ito at hindi nga nila maiwasang malungkot sa naging takbo ng mga pangyayari. Ang iba pa nga sa kanila ay ipinagdasal nga na sana raw ay ligtas na makabalik si Raymond kay Sophia.Hindi pa nga alintana ng mga ito ang interes o ang
Hindi naman malaman ni Sophia kung saan nahalungkat ni Raymond ang mga ganitong matatamis na salita. At kasama pa nga sa post nito ang isang litrato ng kanyang likuran — isang kuha nga iyon na puno ng lambing at kalinawan at kahit ang simpleng pagtalikod niya ay napakaganda sa mata ni Raymond.Napangiti naman nga si Sophia at saka nga niya pinindot ang like sa post na iyon. Pagkatapos ay nagpatuloy pa ng siya sa pag-browse sa iba pang mga post ng binata.[Ang makilala ka ay isang napakagandang bagay at para nga itong marahang hangin sa tabing dagat, parang bituin sa gabi, parang malamig na pakwan sa tag-init at parang lahat ng magagandang bagay sa mundo.]Matamis naman nga na napangiti si Sophia matapos nga niyang mabasa iyon. At sa sobrang kilig nga niya ay nag comment nga siya sa ilalim ng post na iyon.“Parang si Sophia na nakilala ni Raymond.”Marami pa nga na post si Raymond na may kinalaman kay Sophia. Is-isa nga iyon na tiningnan ni Sophia at para bang gusto niyang damhin ang
CHAPTER 218“Alam mo ba kung gaano kahalaga ang Homen negotiations noon? Si Sophia ang mag-isang nagpatumba kay Michael at nakabili ng lupa ng dalawang bilyon na mas mababa pa sa orihinal na presyo nito. Nagulat pa nga noon ang mga banyagang negosyo at financial circle.”“Alam mo ba kung bakit tinawag na Homen negotiations yon? asi isa yon sa mga patibong na sinadya ng mga banyaga para hiyain ang ibang mga kumpanya. Pero si Sophia ang sumira ng plano nil. Siya ang dahilan kung bakit naipanalo ang negosasyon at naipamukha sa lahat ang kakayahan nila. At sa tulong nga ni Sophia ay nagbago ang tingin ng mundo sa bansa pagdating sa mga internationl na pag-uusap.”“Kung hindi nga dahil sa kanya ay sa tingin nyo ba magkakaroon ng pagkakataon ang iba para makipag-cooperate? Pati nga itong financial summit sa lungsod ay dito pa sa atin gaganapin. Hindi lang dahil lumipat doon ang headquarters ng Prudence. Isa pa ay dahil si Sophia na nakipaglaban noon sa Homen negotiations ay naroon din sa lu
Pagkaalis nga ni James ay muli ngang binalot ng katahimikan ang buong bahay na iyon. Tahimikk nga na binuksan ni Francis ang dating walk-in closet ni Sophia na puno nga ng makukulay at mamahaling damit. Karamihan pa nga roon ay pulang bestida, makikintab at mamula-mula na halos sumisigaw sa ilaw ng chandelier.Napatingin nga si Francis sa mga tela na iyon na magagara at mamahalin pero may masakit nga na alaala.Bigla nga niyang naalala ang isang gabi ng pagtitipon ilang linggo matapos nga ang kanilang divorce ni Sophia. Nakatayo nga si Sophia sa gitna ng madilim na bulwagan, hawak ang gunting at walang pag-aalinlangan niyang pinag pira-piraso ang isang pulang bestida. At ang mga hibla nga ng tela ay tila ba mga dugo na tumalsik sa sahig— kagaya g damdaming unti-unti nga na pinapatay.Hindi nga niya malilimutan ang mga mata ni Sophia noon na basag pero matatag, buo ang desisyon at isang pamamaalam. At ang bestida nga na iyon ay simbolo nga ng tuluyang pagkalas.Kaya paanong basta na la