Share

CHAPTER 47

Author: Phoenix
last update Last Updated: 2025-01-03 18:41:56

CHAPTER 47

"Francis napakalupit mo naman," hindi na napigilan ni Dr. Gerome na sabi. "Pwede mong sabihin na abala ka sa trabaho at hindi mo siya masamahan sa pag alay ng respeto kay Ms. Theresa. Pero ang dumalo sa kaarawan ni Nelson ngayon? Para kang sumaksak ng kutsilyo sa puso niya," dagdag pa ninDr. Gerome at ramdam mo sa tinig nito ang lamig ngunit hindi sumagot si Francis rito at bahagya lang itong yumuko habang si Kurt naman ay napabuntong hininga na lamang.

"Kung maghahangad ako gusto ko nang kamuhian ka ng lubos. Alam mo bang niloko ni Nelson ang ina ni Sophia na si Ms. Theresa? Nagkaanak pa siya at si Bianca iyon habang kasal sila pa sila ni Ms. Theresa. Hindi ko alam kung si Theresa ba ay namatay sa mismong araw ng kaarawan ni Nelson. Pero ikaw iniwan mo talaga si Sophia para kay Bianca na isang anak sa labas at dumalo ka pa sa kaarawan ng walang hiyang iyon sa mismong araw ng kamatayan ng ina niya!" galit pa na sabi ni Kurt.

Gusto sana nyang tawagan si Sophia upang kumus
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 48

    CHAPTER 48Bago pa man niya inasam ang hiling na iyon ay labis niyang hinangad na manatiling konektado kay Francis. Pero ngayon ang pagkapit sa kanya ay parang tali na hindi lang sumasakal kundi paulit ulit na nagbibigay ng sakit sa kanya.Sa tuwing naiisip niya si Francis ang masakit na alaala ng araw na ito ang bumabalik. Hindi niya nais maramdaman ang ganitong sakit at lalong hindi niya kayang tanggapin ang ganitong kawalang respeto sa kanya."Isa rin akong tao na marunong tumawa, masaktan at mangarap Kurt. Matapos ang lahat ng ginawa ni Francis paano ako magpapanggap na parang walang nangyari at harapin siya ng mahinahon?" seryosong sabi ni Sophia kay Kurt. Sandali pa nga syang tumigil sa pagsasalita at saka sya bumuntong hininga."Kurt hindi ba pwedeng kahit minsan lang ay hayaan niyo akong maging makasarili?" nginig ang boses na sabi ni Sophia.Mapait pa siyang ngumiti na para bang pilit nitong itinatago ang sugat na hindi niya kayang lunasan.Napatahimik naman si Kurt at tila

    Last Updated : 2025-01-03
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 49

    CHAPTER 49Dumating na nga si lolo Robert. At alam naman na ito ng lahat ng naroon pati na rin si Sophia.Bahagya pa nga na napakunot ang noo ni Sophia pero sa pagkakataon na iyon ay kusa naman na syang umupo sa tabi ni Francis. Hinawakan pa nga niya ang kamay ng lalaki na para bang magkasintahan sila na naglalambingan.Sino mang makakita sa tagpong iyon ay iisiping isa silang masayang mag-asawa. Ngunit sino ang mag aakala na ang lahat ng ito ay isang palabas lamang?Pagbukas ng pinto ni lolo Robert ay nasilayan niya ang eksena mula sa gilid. Sandaling natigilan ang matanda at halatang nagulat pa nga ito. Agad namang sumalubong si Kurt sa matanda at nakangiti pa nga itong inimbitahang pumasok sa loob si lolo Robert."Lo bakit pa po kayo nagpunta rito? Sabi ko naman po sa inyo ay huwag kayong mag alala kay Ali. Narito naman si Sophia. Siya pa nga po ang mas nag aalala kay Ali kaysa sa inyo," nakangiti pa na sabi ni Kurt sa matanda. "Kaunting tampuhan lang po ng mag asawa ito. Wala nama

    Last Updated : 2025-01-04
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 50

    CHAPTER 50Ang kanyang kasintahan ngayon ay si Bianca na. Hindi na sila maaaring magpatuloy pa. Paano pa nga ba sila magpapatuloy kung ang dami nang nangyari ngayong araw? Kung matapos man ang lahat ng ito ay kaya pa rin niyang tanggapin ang halik ng isang lalaki na hindi alam kung anongnklaseng tao siya.Huminga naman ng malalim si Sophia at saka nya itinulak ang lalaki palayo sa kanya."Francis, tapos na tayo. Divorced na tayo. Kaya't huwag na nating ituloy pa ito,” dahan dahan pa na sabi ni Sophia habnag malamig ang tingin nya kay Francis.Bigla namang natigilan si Francis dahil sa sinabi ni Sophia at hindi nakapag salita. Seryoso naman nyang tinitigan si Sophia na para bang sinusuri o binabasa nito ang ekspresyon nito.“Si Bianca na ang iyong nobya ngayon Francis at hindi mo na rin ako asawa ngayon,” sabi pa ni Sophia kay Francis.Bigla namang natauhan si Francis dahil sa sinabi ni Sophia kaya naman binitawan na nga nya ito. Pagkatapos bitawan ni Francis si Sophia ay nahiga nama

    Last Updated : 2025-01-04
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 51

    CHAPTER 51Nakaupo naman ngayon si Sophia sa upuan na nasa loob ng kanyang opisina habang suot ang itim na salamin na saktong tumakip sa sugat sa kanyang noo. Kung ibang tao ang magsusuot nito ay baka magmukhang pangkaraniwan at medyo nakakabagot. Ngunit dahil sa sobrang kinang ng kanyang kagandahan at perpektong anyo ang simpleng itim na salamin ay tila bumagay talaga kay Sophia.Inayos naman ni Sophia ang suot niyang salamin. Dahil sa pag iyak niya kahapon ay nananatiling namumula ang kanyang mga mata. Kahit nilagyan na niya ng yelo iyon ay bahagya pa rin itong namamaga at tila ba nabawasan ng kaunti ang lamig sa kanyang titig.“Wala akong oras para sa mga walang kuwentang hula na iyan Raymond. Kung may sasabihin ka ay sabihin mo na. At Kung wala naman ay maaari ka ng umalis ngayon,” masungit na sabi ni Sophia kay Raymond dahil wala sya sa mood para makipag biruan dito.Bagaman sinabi ni Raymond na hindi siya katulad ni Francis at pinakiusapan siyang huwag silang ituring na magkapa

    Last Updated : 2025-01-05
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 52

    CHAPTER 52"Mr. Raymond," sabi ng isang sekretarya na naroon ng makita nga nito si Raymond na dumating.Bigla namang naputol ang usapan ng mga sekretarya na naroon ng makita nila si Raymond. “Good morning po Mr. Raymond,” bati ng mga sekretarya na naroon.Ngumiti naman si Raymond sa kanila at nagtanong. "Nasa opisina ba si Mr. Francis?""Opo, nasa opisina po si Mr. Francis. May gusto po ba kayong sabihin sa kanya?" sagot ng head ng mga secretary na naroon.Ngumiti lamang naman si Raymond dito at saka nya binuksan ang pinto ng opisina ni Francis. Agad nga nyang nakita si Francis doon na nakaupo sa upuan nito habang hinihilot ang sintido nito.Nang marinig ni Francis ang pagbukas ng pinto ay nag angat nga siya ng tingin at nakita nga nya si Raymond. Ngunit saglit lamang naman nya tiningnan si Raymond na para bang hindi nya ito napapansin at muli nga nyang tiningnan ang mga dokumento na nasa kayang harapan.Dahil sa ginawa ni Francis na iyon ay lalo namang napangiti si Raymond sa kanya

    Last Updated : 2025-01-05
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 53

    CHAPTER 53Sa sandaling ito ay hindi na mahalaga pa kay Bianca kung si Sophia ba ang may gawa noon sa kanya o hindi. Para kay Bianca ang lahat ng sisi ay itinulak na niya kay Sophia. May galit siya kay Sophia. Nasaktan si Sophia sa kaarawan ng kanilang ama na si Nelson kaya iniisip nya na naghihiganti nga ito. Wala naman kasi siyang naalalang inaway kamakailan at ang tanging taong nakaalitan niya ay si Sophia lamang. Kung hindi si Sophia ang gumawa nito ay sino naman ang gagawa nito sa kanya.Wala namang ibang gustong ipahiwatig si Bianca ngayon kay Francis kundi ang kung gaano kasama si Sophia para maging masama nga rin ang tingin nito rito."Sa tingin mo ba ay si Sophia ang may gawa nito?" seryosong tanong ni Francis kay Bianca habang malamig ang tingin nya sa dalaga.Nang mapansin ni Bianca ang malamig na tingin ni Francis sa kanya ay para bang may tumusok sa kanyang puso."Hindi ba at si ate Sophia lamang naman ang maaaring gumawa nito sa akin?” nginig ang boses na sagot ni Bianc

    Last Updated : 2025-01-06
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 54

    CHAPTER 54Maliban kasi kay Raymond ay wala na ngang ibang maisip si Sophia na maaaring gumawa nito kay Bianca.Hindi pa naman kasi bumabalik si Louie sa bansa. Kahit pa narito ito ay hindi naman siya gaganti sa ganoong paraan. Samantala naman si Harold naman ay hindi papansin ang isang katulad ni Bianca. Mula sa isang perspektibo ay tila hindi rin niya binibigyang pansin ang epekto ng mga tulad ni Bianca kay Sophia.Wala ring alam sina Harold at Louie tungkol sa mga nagawa ni Bianca. Kaya sa lahat ng taong may kaalaman tungkol sa nangyari maliban kina Francis at Raymond ay tanging si Bianca na lang ang posibleng may alam ng buong katotohanan.Pero mahal na mahal ni Francis si Bianca kaya imposibleng siya ang manakit dito. Kaya ang natitira na lang talaga na maaaring gumawa noon ay si Raymond.Malinaw sa kilos niya na hindi niya balak palampasin ang ginawa ni Bianca kay Sophia. Kung tutuusin ay mas malupit pa ang ginawa niya kumpara sa nagawa ni Bianca kay Sophia.Pagbalik ni Raymo

    Last Updated : 2025-01-06
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 55

    CHAPTER 55“Sigurado ka ba na hindi ito mabubuking? Panloloko ito sa pagsusulit para sa kolehiyo,” tanong ni Johnny kay Joshua at halatang nag aalala at kinakabahan nga ito. Isa siyang guro kaya alam niya ang bigat ng ganitong klaseng sitwasyon.Ngumiti naman si Joshua sa kanyang ama at saka ito umiling dito.“Dad ilang taon ka nang guro diba. Hindi ako naniniwala na hindi mo alam ang mga ganitong bagay dahil alam naman natin na may mga taong handang magbayad para lang dyan. Yung mga mayayaman at mga makapangyarihan na tao ayaw ng mga yan na lumabas ang mga ganitong bagay,” sagot ni Joshua sa kanyang ama.May punto naman talaga si Joshua ngunit hindi pa rin maalis ang kaba ni Johnny dahil doon. Gayunpaman ay tila natabunan ang kanyang konsensya ng malaking halagang nabanggit ng anak. Umakbay pa nga si Joshua sa kanyang ama na parang magkaibigan lang sila habang nagkukwentuhan.“Basta sapat ang perang ibabayad ay ayos lang isakripisyo si Jacob,” bulong ni Joshua sa kanyang ama.Kahi

    Last Updated : 2025-01-07

Latest chapter

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 170.3

    “R-Raymond,” mahinang bulong ni Sophia at bahagya pa nga na paos ang kanyang boses. “A-akala ko ba gusto mo lang akong titigan? Hindi ba sapat ang mukha ko?” dagdag pa nya.Bahagya naman na natawa si Raymond dahil sa sinabi na iyon ni Sophia.“Syempre sa paningin ko ay ikaw ang pinakamaganda,” walang pag aalinlangan na sagot ni Raymond at totoo nga iyon.Para kay Raymond ay hindi lang nga ito tungkol sa itsura. Ang kagandahan ni Sophia ay hindi lang sa panlabas. Nasa kanyang tindig, sa kanyang lakas, sa talino at katalinuhan niya. At lahat ng iyon ay kapag pinagsama sama ay bumubuo sa isang tao na hindi lang maganda kundi natatangi talaga.At para kay Raymond si Sophia ang pinaka natatanging babae sa mundo. At para rin sa kanya isang karangalan na siya ang pinili ni Sophia.Habang minamaneho nga ni Raymond ang kanyang sasakyan patungo sa apartment ng dalaga ay naroon pa rin ang matinding presensya sa loob ng sasakyan. Ang pabango niya o marahil ang likas na halimuyak ng kanyang kataw

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 170.2

    Ngunit sa halip nga na sumunod ang binata ay tiningnan nga lang siya nito mula sa taas habang may mapanuksong ngiti sa labi nito.“Ang ingay mo naman. Gusto mo ba na mahuli nila tayo habang tumatakas?” sabi ni Raymond.Napakurap kurap naman nga si Sophia dahil sa sinabi na iyon ni Raymond.“S-sige na, ibaba mo na lang kasi ako. Hindi maganda kung may ibang makakakita sa atin dito,” mahinang sabi ni Sophia.“Ano naman ang masama roon?” sagot ni Raymond at may bahagya pa nga na pang aasar sa boses nito. “Magkasintahan naman tayo. Kaya kahit pa makita nila tayo na magkayakap o naghahalikan ay ang sasabihin lang nila sa atin ay napakasweet naman nating dalawa,” dagdag pa ni Raymond.Napalabi naman nga si Sophia at saka nga niya masamang tiningnan si Raymond. Ngunit sa halip nga na sumuko ito ay mas lalo pa nga na lumawak ang ngiti sa labi ng binata. At sa isang iglap nga ay bigla nga siyang binitiwan nito.Nanlaki naman nga ang mata ni Sophia dahil sa ginawa ni Raymond na iyon. Napasigaw

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 170.1

    CHAPTER 170“Sophia naghihintay ako,” nakataas ang kilay na sabi ni Raymond at may ngiti rin nga sa kanyang labi habang nakatingin kay Sophia. Muli nga niyang iniabot ang kanyang kamay sa dalaga at hinihintay nga niya na abutin nga ito ni Sophia.Napatingin naman nga si Sophia sa kamay ni Raymond at nakita nga niya na tuyo, malalalim ang mga ugat at mahahaba ang daliri nito na may malinaw na mga kuko.Dahan dahan nga na inabot ni Sophia ang kamay ni Raymond at sa isang iglap nga ay hinila siya nito palapit sa railings.Nang makarating nga sila roon ay bigla nga niyang binitawan ang kamay ni Raymond pero bago pa man nga siya makawala rito ay dalawang mainit na palad nga ang lumapat sa kanyang bewang. At wala ngang kahirap hirap na iniangat nga siya ng binata.Kusa naman nga na tumiklop ang mga binti ni Sophia at sa huli nga ay tuluyan na niyang nalampasan ang railings. Ngunit dahil nga sa bilis ng mga pangyayari ay hindi nga niya nagawang kontrolin ang kanyang katawan kaya bumagsak nga

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 169.2

    “R-Raymond!” nauutal pa na sabi ni Sophia at bahagya pa nga niya itong itinulak. Ngunit mabilis nga siyang hinawakan nito at saka nga ito marahang bumulong sa kanya.“Ssshhh. Huwag kang maingay dahil baka marinig nila tayo,” bulong ni Raymond sa punong tainga ni Sophia.Hindi naman nga nakasagot si Sophia rito. Alam kasi niya na hindi nga sila dapat marinig nila Karylle at Jefferson dahil kung hindi ay siguradong matinding kahihiyan nga ang aabutin nila.Napakagat na lamang nga si Sophia sa kanyang labi at saka nga siya dahan dahan na tumigil sa paggalaw. Ngunit sa gitna ng katahimikan ay isang bagay nga ang kanyang napansin. Wala nang ingay na nagmumula sa labas. Kaya naman mabilis nga na napamulagat ng kanyang mata si Sophia.“Raymond wala ng tao sa labas,” sabi ni Sophia.Saglit naman nga na natigilan si Raymond. Muli nga siyang nag angat ng kanyang ulo at saka nga siya tumingin sa paligid at tila ba noon lang niya naalala ang ibang bagay maliban nga sa halik.Napabuntong hininga n

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 169.1

    CHAPTER 169Ipinag utos naman nga ni Jeffrey na ikandado ang pinto ng balkonahe. Ang kanya ngang mga mata ay lalong lumamig habang idinidiin nga niya sa kahoy na upuan si Karylle.Habang si Karylle naman sa kabila ng pagkakadiin sa kanya ni Jeffrey ay patuloy nga na humihingal at bahagyang tumatawa na tila ba isa nga itong mapanuksong babae ngunit sa mga sumunod nga na sandali ay muli nga niyang ginaya ang kilos at anyo ni Maxene na isang bagay nga na hindi naman tunay na sa kanya. At ang laro nga na ito ni Karylle ay lalo ngang nagpaalab sa galit ni Jeffrey.Dahan dahan nga na inilapit ni Karylle ang kanyang mukha sa punong tainga ni Jeffrey at saka nga ito roon mahinang bumulong.“Hindi ba’t mas kapana panabik ito Jeffrey?” paos ang boses na bulong ni Karylle at ang tinig nga niya ay puno nga ng pang aakit.Akmang magsasalita na nga sana si Jeffrey ng bigla nga siyang yakapin ni Karylle. Ramdam na ramdam naman nga ng lalaki ang malambot na katawan ni Karylle ngunit sa likod nga ng m

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 168.3

    Alam naman ni Karylle na may mas maayos pa nga na paraan para kausapin si Jeffrey ngunit hindi nga niya iyon ginawa. At hindi nga siya kailanman pipili ng madaling paraan. At sa halip nga ay mas pinili nga niya na akitin na lamang ito at tuksuhin at dalhin ito sa isang laro na alam niyang siya ang may kontrol.Bahagya naman nga na ngumiti si Jeffrey isang malamig at walang emosyon na ngiti nga iyon. Pinadaan nga niya ang kanyang daliri sa malambot na labi ni Karylle at marahan nga niya itong hinaplos.Ang kanya ngang mga daliri ay gumapang pa pababa at ipinasok nga niya ito sa loob ng bibig ni Karylle. Hinipo pa nga niya ang dila nito sa paraan na puno ng panunuya. At hindi nga siya kailanman nag aalala para kay Karylle.Kung totoo man na may halaga nga si Karylle kay Jeffrey ay hindi nga niya magagawang laruin ito nang ganito. Dahil sa mata nga niya si Karylle ay isa lamang ngang bagay para sa kanya.May namumuo na nga na luha sa mata ni Karylle at mula nga sa kanyang lalamunan ay lu

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 168.2

    Si Maxene kasi ay nagmula sa isang kilalang pamilya. Lumaki siya sa marangyang tahanan ng mga Flores at ang kanya namang ugali, kilos at pananalita ay likas na mataas ang antas at malayong malayo nga sa karaniwang babae.Samantalang si Karylle. Siya ang babae na ginamit bilang pamalit at iyon nga ang masakit na katotohanan.Hindi nga katulad ng ibang mga kilalang artista na gumagamit ng kanilang presensya upang pang ibabawan ang iba si Maxene kadi ay palagi ngang mabait at madaling lapitan. Sa bawat pakikipag usap nga nito ay likas na nga siyang palakaibugan. At sinuman nga ang makakita sa kanya ay hindi nga maiiwasang humanga rito dahil para nga itong isang prinsesa na isinilang sa isang tanyag na pamilya. At iyon nga ang matinding pagkakaiba ni Maxene kay Karylle.Si Karylle kasi ay isa ngang kabaligtaran dahil para nga diyang isang ligaw na rosas sa gitna ng marangyang hardin.Bahagya nga na iniyuko ni Karylle ang kanyang ulo at sa gilid nga ng kanyang labi ay lumitaw nga ang isang

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 168.1

    CHAPTER 168Kahit kailan talaga ay marunong nga na magpalit ng atensyon si Karylle. Kahit na nga ang mga salita na binibitawan niya ay puno nga ng pang uuyam at ang kilos nga niya ay tila ba isang inosenteng bata ay nakatingin pa rin nga siya kay Jeffrey ng hindi man lang kumukurap na para bang ito lamang ang tao sa kanyang paningin. Ang kanya ngang mga mata na dapat ay puno ng ningning ay nagpakita ng isang tila walang malay na paghanga.Napahinto naman nga si Jeffrey at tila ba may gusto nga siyang sabihin ngunit bigla ngang tumunog ang kanyang cellphone. Kaya naman agad nga niya itong kinuha at nang makita nga niya kung sino nga ang tumatawag ay bigla ngang nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. At ang tumatawag nga roon ay walang iba kundi si Maxene.Si Maxene ay isang sikat na artista at isa syang babae na hinahangaan ng marami. At si Karylle? Isa lamang nga siyang babae na pinanatili ni Jeffrey sa kanyang tabi dahil kahawig nga nito si Maxene.Si Maxene ang kababata ni Jeffrey

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 167.2

    Subalit sa kabila nga ng tila malalim na pagmamahal sa mga mata ni Karylle ay alam ni Jeffrey ang totoo na sa likod ng malambing nitong tingin ay ang hindi masukat na kaswalidad na isang damdamin na hindi niya lubusang matukoy.Bahagya nga na gumalaw ang Adam’s apple ni Jeffrey. Sa paligid nga nila ay malamig nga ang simoy ng hangin mula sa aircon ng open air balcony. At dapat nga ay nakakapresko ito ngunit tila ba lalo lang nitong pinalaks ang matamis na samyo ni Karylle at ang amoy nga nito ay tila ba isang bagong pitas na peach.“Kumain ako ng candy. Gusto mo bang tikman?” mahinang bulong ni Karylle kay Jeffrey.At bawat galaw at bawat kilos nga nito ay para bang kalkulado na. Alam ni Jeffrey na patibong lamang ito at tila naghihintay lang na mahulog nga siya rito.Lumapit pa nga lalo si Karylle kay Jeffrey at ang mukha nga niya ay bigla ngang lumaki sa paningin ni Jeffrey at naging dahilan nga iyon upang saglit napga itong mawalan ng pokus.Ngunit bago pa man nga makalayo si Jeff

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status