CHAPTER 44"Isang pangungusap lang naman ang sinabi ni daddy noong mga oras na iyon," nakangiti pa na sabi ni Bianca habang nakatingin sya kay Sophia. "Alam mo ba kung anong sinabi ni daddy? Sinabi ni daddy na talaga yatang malas. Sinabi niyang sobrang tanga ng unang misis niya. Bakit nga ba siya nagpasya na magpakamatay sa kanyang kaarawan? Dapat sana'y ibang araw na lang siya namatay," tatawa tawa pa na sabi Bianca.Alam naman ni Sophia na sinasadya ni Bianca na inisihin siya sa pagkakataong ito. Naiintindihan niya ito ngunit hindi pa rin niya mapigilan ang galit na unti unting umuusbong sa kanyang dibdib.Titig na titig naman si Sophia kay Bianca habang may nakakalokong ngiti sa kanyang labi. Habang si Bianca naman ay patuloy na nakangiti sa kanya habang inaalis ang silver dress at saka nito itinatapon kay Sophia iyon."Akala mo ba magugustuhan ko ang mga damit ng patay?" sabi pa ni Bianca kay Sophia.Agad naman na kinuha ni Bianca ang isang bagong high end na damit mula sa silid
CHAPTER 45 Ngayon ang anibersaryo ng pagkamatay ng ina ni Sophia. Ano na nga ba ang nagawa niya? Para bang biglang bumagal ang lahat at ang mga alaala ng nakalipas na tatlong taon ay nagsimulang maglaro sa kanyang isipan na tila isang pelikula na nagpe play sa slow motion. Bigla pa nyang naalala ang isang pangyayare noon sa kanila ni Sophia. "Francis anibersaryo ng pagkamatay ng nanay ko sa loob ng tatlong araw. Pwede mo ba akong samahan para magbigay galang sa kanya?" sabi ni Sophia. Hindi pa man tapos ang mga salita ni Sophia ay bigla na nga niyang pinutol ang pagsasalita nito. "Kailangan kong lumipad papuntang ibang bansa para sa isang meeting. Bilhin mo na lang ang mga kailangan mo," sabi ni Francis at saka nya Kinuha ang itim na card at iniabot kay Sophia at dali daling umalis. Sa tuwing anibersaryo kasi ng kamatayan ng ina ni Sophia na si Theresa ay lagi siyang iniimbitahan ni Sophia na magpunta sila sa puntod nito. Ngunit paulit ulit naman itong tinatanggihan ni F
CHAPTER 46Sa mga nakakakilala kay Sophia siya ang anak ng pamilya Marquez na isang honor student sa pinasukan nito na University sa syudad at isang henyo na walang kapantay sa lahat ng asignatura. Ngunit sa likod ng mga mata ng iba ay siya ang utak sa likod ng isang mabilis na umuunlad na negosyo.Noong una ay hindi alam ni Raymond ang tunay na pagkakakilanlan ni Sophia. Kung nalaman lang sana niya agad ito ay mas seryoso sana niyang tinutukan noon pa man ang dalaga.Akala niya ang pinakamalaki niyang pangarap ay magkaroon ng sariling negosyo pero hindi niya inasahan na ang Prudence Group of Company ay mabilis na lumalago at ang magiging katuparan ng kanyang mga hiling.“Bakit nga ba tinawag na Prudence Group of Company iyon?” hindi na maiwasang tanong ni Raymond kay Sophia.Sino ba naman kasi ang mag aakalang ang kumpanyang ito ay mayroon palang koneksyon kay Sophia.“Ang Prudence ay nangangahulugan ng paggawa at maingat na desisyon. Kaya yan ang naisip ko ay dahil gusto ko na mag
CHAPTER 47"Francis napakalupit mo naman," hindi na napigilan ni Dr. Gerome na sabi. "Pwede mong sabihin na abala ka sa trabaho at hindi mo siya masamahan sa pag alay ng respeto kay Ms. Theresa. Pero ang dumalo sa kaarawan ni Nelson ngayon? Para kang sumaksak ng kutsilyo sa puso niya," dagdag pa ninDr. Gerome at ramdam mo sa tinig nito ang lamig ngunit hindi sumagot si Francis rito at bahagya lang itong yumuko habang si Kurt naman ay napabuntong hininga na lamang."Kung maghahangad ako gusto ko nang kamuhian ka ng lubos. Alam mo bang niloko ni Nelson ang ina ni Sophia na si Ms. Theresa? Nagkaanak pa siya at si Bianca iyon habang kasal sila pa sila ni Ms. Theresa. Hindi ko alam kung si Theresa ba ay namatay sa mismong araw ng kaarawan ni Nelson. Pero ikaw iniwan mo talaga si Sophia para kay Bianca na isang anak sa labas at dumalo ka pa sa kaarawan ng walang hiyang iyon sa mismong araw ng kamatayan ng ina niya!" galit pa na sabi ni Kurt.Gusto sana nyang tawagan si Sophia upang kumus
CHAPTER 48Bago pa man niya inasam ang hiling na iyon ay labis niyang hinangad na manatiling konektado kay Francis. Pero ngayon ang pagkapit sa kanya ay parang tali na hindi lang sumasakal kundi paulit ulit na nagbibigay ng sakit sa kanya.Sa tuwing naiisip niya si Francis ang masakit na alaala ng araw na ito ang bumabalik. Hindi niya nais maramdaman ang ganitong sakit at lalong hindi niya kayang tanggapin ang ganitong kawalang respeto sa kanya."Isa rin akong tao na marunong tumawa, masaktan at mangarap Kurt. Matapos ang lahat ng ginawa ni Francis paano ako magpapanggap na parang walang nangyari at harapin siya ng mahinahon?" seryosong sabi ni Sophia kay Kurt. Sandali pa nga syang tumigil sa pagsasalita at saka sya bumuntong hininga."Kurt hindi ba pwedeng kahit minsan lang ay hayaan niyo akong maging makasarili?" nginig ang boses na sabi ni Sophia.Mapait pa siyang ngumiti na para bang pilit nitong itinatago ang sugat na hindi niya kayang lunasan.Napatahimik naman si Kurt at tila
CHAPTER 49Dumating na nga si lolo Robert. At alam naman na ito ng lahat ng naroon pati na rin si Sophia.Bahagya pa nga na napakunot ang noo ni Sophia pero sa pagkakataon na iyon ay kusa naman na syang umupo sa tabi ni Francis. Hinawakan pa nga niya ang kamay ng lalaki na para bang magkasintahan sila na naglalambingan.Sino mang makakita sa tagpong iyon ay iisiping isa silang masayang mag-asawa. Ngunit sino ang mag aakala na ang lahat ng ito ay isang palabas lamang?Pagbukas ng pinto ni lolo Robert ay nasilayan niya ang eksena mula sa gilid. Sandaling natigilan ang matanda at halatang nagulat pa nga ito. Agad namang sumalubong si Kurt sa matanda at nakangiti pa nga itong inimbitahang pumasok sa loob si lolo Robert."Lo bakit pa po kayo nagpunta rito? Sabi ko naman po sa inyo ay huwag kayong mag alala kay Ali. Narito naman si Sophia. Siya pa nga po ang mas nag aalala kay Ali kaysa sa inyo," nakangiti pa na sabi ni Kurt sa matanda. "Kaunting tampuhan lang po ng mag asawa ito. Wala nama
CHAPTER 50Ang kanyang kasintahan ngayon ay si Bianca na. Hindi na sila maaaring magpatuloy pa. Paano pa nga ba sila magpapatuloy kung ang dami nang nangyari ngayong araw? Kung matapos man ang lahat ng ito ay kaya pa rin niyang tanggapin ang halik ng isang lalaki na hindi alam kung anongnklaseng tao siya.Huminga naman ng malalim si Sophia at saka nya itinulak ang lalaki palayo sa kanya."Francis, tapos na tayo. Divorced na tayo. Kaya't huwag na nating ituloy pa ito,” dahan dahan pa na sabi ni Sophia habnag malamig ang tingin nya kay Francis.Bigla namang natigilan si Francis dahil sa sinabi ni Sophia at hindi nakapag salita. Seryoso naman nyang tinitigan si Sophia na para bang sinusuri o binabasa nito ang ekspresyon nito.“Si Bianca na ang iyong nobya ngayon Francis at hindi mo na rin ako asawa ngayon,” sabi pa ni Sophia kay Francis.Bigla namang natauhan si Francis dahil sa sinabi ni Sophia kaya naman binitawan na nga nya ito. Pagkatapos bitawan ni Francis si Sophia ay nahiga nama
CHAPTER 51Nakaupo naman ngayon si Sophia sa upuan na nasa loob ng kanyang opisina habang suot ang itim na salamin na saktong tumakip sa sugat sa kanyang noo. Kung ibang tao ang magsusuot nito ay baka magmukhang pangkaraniwan at medyo nakakabagot. Ngunit dahil sa sobrang kinang ng kanyang kagandahan at perpektong anyo ang simpleng itim na salamin ay tila bumagay talaga kay Sophia.Inayos naman ni Sophia ang suot niyang salamin. Dahil sa pag iyak niya kahapon ay nananatiling namumula ang kanyang mga mata. Kahit nilagyan na niya ng yelo iyon ay bahagya pa rin itong namamaga at tila ba nabawasan ng kaunti ang lamig sa kanyang titig.“Wala akong oras para sa mga walang kuwentang hula na iyan Raymond. Kung may sasabihin ka ay sabihin mo na. At Kung wala naman ay maaari ka ng umalis ngayon,” masungit na sabi ni Sophia kay Raymond dahil wala sya sa mood para makipag biruan dito.Bagaman sinabi ni Raymond na hindi siya katulad ni Francis at pinakiusapan siyang huwag silang ituring na magkapa
Ilang sandali pa nga na pinakatitigan ni Raymond si Sophia bago nga ito huminga ng malalim at saka nya ibinigay ang kanyang cellphone rito.Agad naman na tinawagan ni Sophia si Lawrence at ang kanya ngang assistant ang sumagot. At halata nga ni Sophia na hindi na nais pa ni Lawrence na makipagkita kay Raymond.Sa simula nga ay tila ba gusto na ng assistant ni Lawrence na tapusin na kaagad ang kanilang tawag ngunit nang marinig nga nito na si Sophia ang tumawag ay napamulagat nga ito.Agad naman nga nitong tinawagan si Lawrence at agad naman din nga ito na sumagot.“Sophia? Diyos ko ikaw nga ba ito? Bakit mo ginagamit ang cellphone ni Mr. Raymond?” kunot noo pa na tanong ni Lawrence kay Sophia pagkasahot nito sa tawag ng dalaga. “Sophia parang masama yata ang pakiramdam mo. May nangyari ba sa’yo? Gusto mo ba na ipadala ko ang personal doctor ko para sa’yo? Para kasing hindi ayos ang lagay mo,” pagpapatuloy pa nga ni Lawrence.Kung gaano nga kasarkastiko at kalamig si Lawrence kay Raym
CHAPTER 178“Sophia, nababaliw ka na ba talaga?” may halong galit ang boses ni Khate na tanong kay Sophia nang makabawi nga siya sa kanyang pagkagulat.“Kaya ko ang sarili ko,” baliwalang sagot ni Sophia at nanatili nga siyang kalmado. “Wala ka naman nang kinalaman pa rito,” dagdag pa niya at sakanga niya itinaasang kanyang kamay atsaka nya pinunasan ang dugo na dumaloy mula sa braso nya.Tahimik naman nga ang buong silid habang nakasarado nga ang pinto nito. At sa gitna nga ng katahimikan na iyon ay nanginginig nga na tumayo si Sophia at mahigpit nga siyang kumapit sa dingding upang hindi nga siya matumba. At kahit nga hirap pa talaga siyang tumayo ng matagal ay pinilit nga niya na itulak palayo ang kamay ni Khate at saka nya marahan na binuksan ang pinto ng kaunti. Gusto kasi niyang marinig ang pinag uusapan ng nasa labas.Kanina lang nga si Raymond ay umalis na nga patungong ibang bansa upang dumalo sa isang financial summit para sa isang mahalagang kasunduan. Ngunit sa hindi nga i
Maaari nga na magmukha ngang matapang at walang bahid ng kahinaan si Sophia ngunit kagaya nga ng ibang tao ay may pagkakataon pa rin talaga na parang gusto niyang sumandal sa ibang tao.At kanina lang nga ay may hinahanap na nga na tao si Sophia at walang iba iyon kundi si Raymond. Sa puso kasi niya ay tila ba ito nga ang taong mapagkakatiwalaan niya na pakitaan ng kanyang kahinaan. Dahil si Raymond nga ang tanging tao na hindi nga siya huhusgahaan. At siya nga ang tanging tao na mahal niya. At bilang kapalit nga noon ay minahal nga rin siya nito pabalik ng walang pag aalinlangan.Bigla ngang namuo ang pait sa lalamunan ni Khate. Bigla ngang sumama ang kanyang pakiramdam at wala nga siyang masabi. Wala nga siyang magawa kundi ang panoorin na nga lang sila Raymond at Sophia at nanatilina lamang nga siya sa isang tabi.Samantala naman si Raymond ay tahimik na tinititigan ang babae na minamahal niya. Ang babae na laging may takot sa puso tuwing nasa harapan niya. Bigla ngang nagdilim an
Tahimik lamang naman nga si Sophia na nakatingin kay Raymond pero makalipas nga ang ilang sandali ay dahan dahan nga nga ito na tumango.Hindi naman nga nakapagsalita si Raymond nang mapansin nga niya na halos hindi nga nagalaw ang mga pagkain na nasa lamesa. Sinadya na lamang nga rin ng kanyang assistant na magdala ng mga bagong pagkain at naisip nga rin nito na wala pang gana na kumain si Sophia. Kaya naman naisipan nga niya na tinolang manok na lamang ang dalhin na pagkain para kay Sophia. At manamis namis naman nga ang lasa ng tinola na iyon at hindi nga siya malansa.Dahan dahan nga na inilagay ni Raymond ang isang maliit na mesa sa kama at saka nga niya sinubuan si Sophia. Dahan dahan pa nga niya itong sinubuan at buong puso nga niya itong inalagaan. At sa pagkakataon nga na iyon ay hindi naman siya tinanggihan ni Sophia.Pero sa totoo lang ay hindi pa nga kailanman nararanasan ni Sophia na maalagaan ng ganito.Noong bata pa kasi si Sophia ay hindi naman siya inaalagaan ng maay
CHAPTER 177Nanatili lamang nga na tahimik si Sophia. Ayaw niya kasi na ipasa ang lahat ng sakit kay Raymond dahil alam niya na wala nga naman talaga itong kasalanan sa mga nangyari.“Hindi ko lang matanggap,” mahinang bulong ni Raymond.Sa totoo lang ay sabik na sabik na nga talaga silang dalawa sa pagdating ng bata. Nangangarap na nga silang dalawa ni Sophia na makagawa ng mga likhang sining kasama ang bata, makasama rin ito na manood ng mga cartoons at nangarap na rin nga sila na makasama ito mula pagkabata nito hanggang sa lumaki nga ito. Nais pa nga ni Raymond na ibigay ang lahat ng mayroon siya rito pero ngayon nga ay nawala na ang lahat ng pangarap nila na iyon.Muli ngang bumigat ang pakiramdam ni Raymond at hindi na nga niya napigilan pa ang pagpatak ng kanyang mga luha.“Phia, huwag kang tumakbo palayo. Kailangan mong tanggapin ang lahat ng ito,” sabi ni Raymond at pinilit nga niyang maging matatag habang sinasabi niya ang mga salita na iyon.“Hindi natin ginusto ang lahat n
“Sshhhh… Natutulog si Phia. Kaya huwag kang maingay ng hindi siya magambala sa kanyang pagtulog,” bulong ni Raymond kay Khate.Agad naman na natahimik si Khate at muli nga ay nakabibinging katahimikan ang namayani sa buong silid.Dahan dahan nga na napalingon si Raymond sa gawi kung saan nakahiga si Sophia at napansin nga niya na nakalabas nga ang kamay nito. Maputla nga ang kamay nito at may bakas pa nga ito ng pasa marahil ay dulot nga ito ng paggalaw ng karayom habang nakasaksak nga ito sa swero.Tahimik nga na naglabas ng alcohol wipes si Raymond at saka nga niya maingat na nilinis ang kanyang mga kamay at saka niya marahan na hinawakan ang malamig na kamay ni Sophia. Naging maingat nga siya at sa bawat pagdampi nga ng kanyang kamay dito ay para bang nag aalala nga siya na magising si Sophia sa kanyang mahimbing na pahinga.Nang mga oras nga na iyon ay hindi pa nga nakakatulog si Sophia. Ramdam na ramdam nga niya ang pag aalaga na iyon ni Raymond sa kanya at sa mga sandali ng ana
Tuluyan na nga na tumulo ang masaganang luha ni Sophia dahil sa isipin na iyon. At mapait na lamang nga rin talaga siyang napangiti.“Ilang beses ko bang kailangan na magkamali? Bakit ba hindi hindi ako magkaroon ng tahimik na buhay?” umiiyak pa na sabi ni Sophia. At lalo pa nga siyang nanghina dahil sa matinding lungkot at pakiramdam pa nga niya ay unti unti nga na natutuyo ang kanyang puso.Nanginginig nga ang tuhod ni Sophia at pinilit nga niya na makatayo kahit na ramdam nga niya ang sakit ng kanyang katawan na hindi nga niya kayang balewalain. Dahan dahan nga siyang lumaoit sa pintuan ng silid na iyon at saka siya mahigpit na kumapit sa dingding at saka niya hinawakan ang door handle nang buong lakas. Bahagya pa na na namutla ang kanyang kamay dahil sa higpit nga ng pagkakahawak niya rito.“Sophia ano ba ang balak mong gawin?” tanong na ni Khate dahil hindi na nga niya kayang makita na ganito si Sophia.Tatlong taon na kasi silang magkakilala na dalawa. Tatlong taon na rin silang
CHAPTER 176Hindi man lang nga liningon ni Sophia si Khate. At binalot nga ng malamig na pakiramdam ang kanyang buong katawan at dahil nga roon ay hindi nga siya makakain ng maayos at pakiramdam nga niya ay nahihilo at nasusuka siya sa mga oras na iyon.“Nasaan ang cellphone ko?” mahina ang boses na tanong ni Sophia at ni hindi man lang nga niya linilingon si Khate. At ni hndi rin nga niya alam kung kanino ba talaga siya nagagalit sa mga sandali na iyon.Saglit ngang natigilan si Khate dahil sa tanong na iyon ni Sophia.“Nawasak ang cellphone mo noong naaksidente ka,” mahinang sagot din naman ni Khate.Hindi naman na sumagot pa si Sophia rito. Tahimik na lamang nga niyang sinusubukan na bumangon mula sa kama ngunit masyado pa ngang mahina ang kanyang katawan. At dahil nga nanghihina pa siya ay kamuntik na nga siyang bumagsak.Mabilis naman nga na linapitan ni Khate si Sophia upang alalayan sana ito ngunit mariin nga siyang tinanggihan nito. Agad kasi na umiwas si Sophia sa kanya at ag
May nalalasahan na nga sila na dugo mula sa kanilang mga bibig ngunit imbes nga na huminahon si Francis ay mas lalo pa nga na napukaw ang apoy sa kanyang dibdib.Gustong gusto na nga na lumaban ni Sophia pero hindi nga niya magawang itulak palayo si Francis dahil wala nga siyang kalakas lakas man lang. Ang kaya lang nga niyang gawin ngayon ay tanggapin ang marahas nitong halik habang patuloy na pumapatak ang kanyang masaganang mga luha.At dahil nga sa desperasyon ni Sophia ay mariin nga niyang kinagat ang ibabang labi ni Francis. Kaya naman napasinghap nga ito sa sakit at agad na napaatras at ang kanya ngang tingin kay Sophia ay puno nga ng galit.“Baliw ka na,” mahina ngunit matalim na bulong ni Sophia habang habol nga niya ang kanyang hininga at yakap ang kanyang sariling mga tuhod. “Isa kang baliw, Francis,” may diin pa na sabi niya.Bigla ngang nagdilim ang mga mata ni Francid at tila b apilit nga niyang itinatago ang isang emosyon na hindi niya kayang ipahayag.“Sophia binibigya