CHAPTER 43Tumayo naman na si Sophia habang hawak pa rin nya ang masakit niyang ibabang tiyan at dahan dahan na lumapit kay Bianca.Ang dugo sa kanyang mga kamay ay patuloy pa rin na tumutulo at ang bawat patak nito ay nag iipon sa sahig at nagiging isang maliit na lawa ng dugo.“Ngayon hubarin mo ang damit na iyan,” sabi ni Sophia kay Bianca.Pinahid ni Sophia ang luha sa kanyang mukha ngunit sa halip na malinis iyon ay lalo pa nitong nadungisan ng dugo ang kanyang mukha. Nagmukha tuloy siyang nakakatakot. Ngunit sa kabila nito ay maputla pa rin siya at halatang wala nang natitirang lakas. Pero kahit ganon pa man ay nagmumukha pa rin syang malakas at matapang.“Hubarin mo ang damit na iyan,” pag uulit ni Sophia kay Bianca habang seryoso syang nakatitig dito.Akmang tatakbo na sana si Bianca ngunit mabilis siyang hinawakan ni Sophia sa pulso gamit ang kamay niyang walang sugat.“Huwag mong pagnasaan ang hindi sa’yo,” galit pa na sabi ni Sophia kay Bianca. “Kung gusto mong mang agaw ba
CHAPTER 44"Isang pangungusap lang naman ang sinabi ni daddy noong mga oras na iyon," nakangiti pa na sabi ni Bianca habang nakatingin sya kay Sophia. "Alam mo ba kung anong sinabi ni daddy? Sinabi ni daddy na talaga yatang malas. Sinabi niyang sobrang tanga ng unang misis niya. Bakit nga ba siya nagpasya na magpakamatay sa kanyang kaarawan? Dapat sana'y ibang araw na lang siya namatay," tatawa tawa pa na sabi Bianca.Alam naman ni Sophia na sinasadya ni Bianca na inisihin siya sa pagkakataong ito. Naiintindihan niya ito ngunit hindi pa rin niya mapigilan ang galit na unti unting umuusbong sa kanyang dibdib.Titig na titig naman si Sophia kay Bianca habang may nakakalokong ngiti sa kanyang labi. Habang si Bianca naman ay patuloy na nakangiti sa kanya habang inaalis ang silver dress at saka nito itinatapon kay Sophia iyon."Akala mo ba magugustuhan ko ang mga damit ng patay?" sabi pa ni Bianca kay Sophia.Agad naman na kinuha ni Bianca ang isang bagong high end na damit mula sa silid
CHAPTER 45 Ngayon ang anibersaryo ng pagkamatay ng ina ni Sophia. Ano na nga ba ang nagawa niya? Para bang biglang bumagal ang lahat at ang mga alaala ng nakalipas na tatlong taon ay nagsimulang maglaro sa kanyang isipan na tila isang pelikula na nagpe play sa slow motion. Bigla pa nyang naalala ang isang pangyayare noon sa kanila ni Sophia. "Francis anibersaryo ng pagkamatay ng nanay ko sa loob ng tatlong araw. Pwede mo ba akong samahan para magbigay galang sa kanya?" sabi ni Sophia. Hindi pa man tapos ang mga salita ni Sophia ay bigla na nga niyang pinutol ang pagsasalita nito. "Kailangan kong lumipad papuntang ibang bansa para sa isang meeting. Bilhin mo na lang ang mga kailangan mo," sabi ni Francis at saka nya Kinuha ang itim na card at iniabot kay Sophia at dali daling umalis. Sa tuwing anibersaryo kasi ng kamatayan ng ina ni Sophia na si Theresa ay lagi siyang iniimbitahan ni Sophia na magpunta sila sa puntod nito. Ngunit paulit ulit naman itong tinatanggihan ni F
CHAPTER 46Sa mga nakakakilala kay Sophia siya ang anak ng pamilya Marquez na isang honor student sa pinasukan nito na University sa syudad at isang henyo na walang kapantay sa lahat ng asignatura. Ngunit sa likod ng mga mata ng iba ay siya ang utak sa likod ng isang mabilis na umuunlad na negosyo.Noong una ay hindi alam ni Raymond ang tunay na pagkakakilanlan ni Sophia. Kung nalaman lang sana niya agad ito ay mas seryoso sana niyang tinutukan noon pa man ang dalaga.Akala niya ang pinakamalaki niyang pangarap ay magkaroon ng sariling negosyo pero hindi niya inasahan na ang Prudence Group of Company ay mabilis na lumalago at ang magiging katuparan ng kanyang mga hiling.“Bakit nga ba tinawag na Prudence Group of Company iyon?” hindi na maiwasang tanong ni Raymond kay Sophia.Sino ba naman kasi ang mag aakalang ang kumpanyang ito ay mayroon palang koneksyon kay Sophia.“Ang Prudence ay nangangahulugan ng paggawa at maingat na desisyon. Kaya yan ang naisip ko ay dahil gusto ko na mag
CHAPTER 47"Francis napakalupit mo naman," hindi na napigilan ni Dr. Gerome na sabi. "Pwede mong sabihin na abala ka sa trabaho at hindi mo siya masamahan sa pag alay ng respeto kay Ms. Theresa. Pero ang dumalo sa kaarawan ni Nelson ngayon? Para kang sumaksak ng kutsilyo sa puso niya," dagdag pa ninDr. Gerome at ramdam mo sa tinig nito ang lamig ngunit hindi sumagot si Francis rito at bahagya lang itong yumuko habang si Kurt naman ay napabuntong hininga na lamang."Kung maghahangad ako gusto ko nang kamuhian ka ng lubos. Alam mo bang niloko ni Nelson ang ina ni Sophia na si Ms. Theresa? Nagkaanak pa siya at si Bianca iyon habang kasal sila pa sila ni Ms. Theresa. Hindi ko alam kung si Theresa ba ay namatay sa mismong araw ng kaarawan ni Nelson. Pero ikaw iniwan mo talaga si Sophia para kay Bianca na isang anak sa labas at dumalo ka pa sa kaarawan ng walang hiyang iyon sa mismong araw ng kamatayan ng ina niya!" galit pa na sabi ni Kurt.Gusto sana nyang tawagan si Sophia upang kumus
CHAPTER 48Bago pa man niya inasam ang hiling na iyon ay labis niyang hinangad na manatiling konektado kay Francis. Pero ngayon ang pagkapit sa kanya ay parang tali na hindi lang sumasakal kundi paulit ulit na nagbibigay ng sakit sa kanya.Sa tuwing naiisip niya si Francis ang masakit na alaala ng araw na ito ang bumabalik. Hindi niya nais maramdaman ang ganitong sakit at lalong hindi niya kayang tanggapin ang ganitong kawalang respeto sa kanya."Isa rin akong tao na marunong tumawa, masaktan at mangarap Kurt. Matapos ang lahat ng ginawa ni Francis paano ako magpapanggap na parang walang nangyari at harapin siya ng mahinahon?" seryosong sabi ni Sophia kay Kurt. Sandali pa nga syang tumigil sa pagsasalita at saka sya bumuntong hininga."Kurt hindi ba pwedeng kahit minsan lang ay hayaan niyo akong maging makasarili?" nginig ang boses na sabi ni Sophia.Mapait pa siyang ngumiti na para bang pilit nitong itinatago ang sugat na hindi niya kayang lunasan.Napatahimik naman si Kurt at tila
CHAPTER 49Dumating na nga si lolo Robert. At alam naman na ito ng lahat ng naroon pati na rin si Sophia.Bahagya pa nga na napakunot ang noo ni Sophia pero sa pagkakataon na iyon ay kusa naman na syang umupo sa tabi ni Francis. Hinawakan pa nga niya ang kamay ng lalaki na para bang magkasintahan sila na naglalambingan.Sino mang makakita sa tagpong iyon ay iisiping isa silang masayang mag-asawa. Ngunit sino ang mag aakala na ang lahat ng ito ay isang palabas lamang?Pagbukas ng pinto ni lolo Robert ay nasilayan niya ang eksena mula sa gilid. Sandaling natigilan ang matanda at halatang nagulat pa nga ito. Agad namang sumalubong si Kurt sa matanda at nakangiti pa nga itong inimbitahang pumasok sa loob si lolo Robert."Lo bakit pa po kayo nagpunta rito? Sabi ko naman po sa inyo ay huwag kayong mag alala kay Ali. Narito naman si Sophia. Siya pa nga po ang mas nag aalala kay Ali kaysa sa inyo," nakangiti pa na sabi ni Kurt sa matanda. "Kaunting tampuhan lang po ng mag asawa ito. Wala nama
CHAPTER 50Ang kanyang kasintahan ngayon ay si Bianca na. Hindi na sila maaaring magpatuloy pa. Paano pa nga ba sila magpapatuloy kung ang dami nang nangyari ngayong araw? Kung matapos man ang lahat ng ito ay kaya pa rin niyang tanggapin ang halik ng isang lalaki na hindi alam kung anongnklaseng tao siya.Huminga naman ng malalim si Sophia at saka nya itinulak ang lalaki palayo sa kanya."Francis, tapos na tayo. Divorced na tayo. Kaya't huwag na nating ituloy pa ito,” dahan dahan pa na sabi ni Sophia habnag malamig ang tingin nya kay Francis.Bigla namang natigilan si Francis dahil sa sinabi ni Sophia at hindi nakapag salita. Seryoso naman nyang tinitigan si Sophia na para bang sinusuri o binabasa nito ang ekspresyon nito.“Si Bianca na ang iyong nobya ngayon Francis at hindi mo na rin ako asawa ngayon,” sabi pa ni Sophia kay Francis.Bigla namang natauhan si Francis dahil sa sinabi ni Sophia kaya naman binitawan na nga nya ito. Pagkatapos bitawan ni Francis si Sophia ay nahiga nama
Dati nga ay hindi nga iyon pinapansin ni Sophia. Pero ngayon nga ay nagtataka na siya dahil isang estudyante pa si Jacob na malapit nang kumuha ng entrance exam at sa halip na nag-aaral nga ito at nagpapahinga sa bahay ay nandito sa isang auction para magtrabaho.Pakiramdam ni Sophia ay paramg may mali. Unti unti nga na dumidilim ang tingin ni Sophia habang nakatitig nga siya kay Jacob.“Jacob tandaan mo na ikaw ay isang kandidato sa gaganapin na entrance exam,” sabi ni Sophia kay Jacob.Bigla namang natigilan si Jacob dahil sa sunabi na iyon ni Sophia at napakurap kurap pa nga siya bago sya dahan dahan na tumango.“A-ayos na po ba ang p-problema nyo Ms. Sophia?” kandautal pa na tanong ni Jacob kay Sophia dahil nag aalala rin naman sya rito. At mahahalata mo nga sa mga mata ni Jacob na matagal na niyang binabantayan ang sitwasyon ni Sophia.Bahagya naman na lumiwanag ang mukha ni Sophia at saka sya tipid na ngumiti sa binata.“Oo tapos na. Hindi na rin magtatagal at malalantad na ang
CHAPTER 118Tuluyan na nga na natapos ang auction. At hindi na rin nga nagtagal pa roon si Sophia. Nang papalabas na nga si Sophia sa venue ay may napansin nga siyang isang binata na abala sa pagtanggap ng mga panauhin. Payat at matangkad ang binata at may lamig sa mga mata nito at maputla rin nga ang mukha nito at halatang may sakit nga ito. Pero kahit ganoon ay may matigas na determinasyon sa kanyang paningin.Ang binata na iyon ay walang iba kundi si Jacob.Nagtataka naman si Sophia dahil ano nga ba nag ginagawa ng binata ngayon doon. At naalala rin nga niya na malapit na ang pagsusulit sa kolehiyo.Hindi na rin naman nga nakatiis pa si Sophia at linapitan na nga niya ang binata. Unti unti nga na nawala ang lamig sa kanyang mukha.“Jacob anong ginagawa mo rito? Nagpapart time ka ba rito?” tanong ni Sophia sa binata ng makalapit na nga sya rito. Nagulat naman si Jacob nang makita nga niya si Sophia roon. Agad niyang naalala ang sinabi ni Sophia noong ibinigay nito ang kanyang bu
Matalim naman ang mga tingin ni Sophia at nang mag angat nga siya ng kanyang tingin ay agad nga niyang nakita ang mapanuksong ngiti ni Bianca at sa mga sandaling iyon ay mukhang alam na nya ang dahilan kung bakit naroon nga ang dress na iyon.Mabilis nga na tumaas ang presyo ng dress na iyon at umabot na nga ito sa tatlong milyong piso.Wala namang pag aalinlangan si Sophia na lalo pa ngang tinaasan ang nasabing halaga. Hindi niya kasi hahayaan na mapunta sa kamay ng ibang tao ang damit na ang kanyang ina mismo ang may gawa.Mula sa malayo ay napansin ni Bianca ang panlalamig ng mukha ni Sophia. Kaagad niyang niyugyog ang braso ni Francis na parang isang batang nagpapalambing."Ali gustong gusto ko talaga ang dress na ‘yan. Puwede mo ba itong ipakuha para sa akin?" sabi ni Bianca kay Francis Nanatili naman na tahimik lamang si Francis at pinipigilan nga niya na mpabuntong hininga. Ngunit si Bianca naman nga ay ayaw magpatinag. Kumurap kurap pa nga ito sa harap ni Francis na para ba
CHAPTER 117Napakagaganda naman talaga ng disenyo ng mga parol sa labas ng naturang auction house. Bahagya pa nga ito na sumasayaw dahil sa ihip ng hangin at nagdadagdag din nga ito ng masining na diwa sa buong kalsada.Isa isa naman na nga nagdadatingan ang mga panauhin sa naturang auction. Karamihan nga sa kanila ay naroon para sa manuscript ni Theresa. Ang ilan pa nga sa kanila ay may kanya kanyang umpukan at nag uusap ng tungkol sa naturang manuscript. Bagama’t nakangiti nga ang mga ito sa isa’t isa ay alam nilang lahat na ang bawat isa ay matindi nilang katunggali sa auction na ito.Sa ilalim ng madilim na kalangitan ang auction house ay mistulang isang makinang na perlas na pinapalibutan ng malambot at kaakit akit na liwanag.Pagpasok pa lamang sa pintuan ng auction house ay agad na napahanga ang mga panauhin sa kanilang nasaksihan dahil isa iyong maluwag at maliwanag na bulwagan na may mataas na kisame na pinintahan ng mga detalyadong mural. Mula sa lihim na sulok ay bumabagsa
"Ang totoo kasi niyan ay gusto ko lamang sabihin na hindi naman ganoon kalubha ang sugat ni Raymond. Hindi mo kailangang manatili sa tabi niya para lamang alagaan siya," sagot ni Dr. Gerome. “Maaari nga na masakit ang sugat niya pero sa totoo lang ay alam mo naman na mahilig lang siyang umarte,” dagdag pa nya.Alam kasi niya na tumanggi si Sophia na bumalik sa pamilya Bustamante at piniling manatili sa ospital para lamang samahan si Raymond.Tahimik naman na nilaro ni Sophia ang kanyang cellphone sa kanyang kamay at tila ba naaaliw siya sa sinabi na iyon ni Dr. Gerome."Dr. Gerome hindi ba pwedeng ito talaga anf gusto ko? Gusto kong alagaan si Raymond. Gusto ko syang makita sa ganitong estado,” sagot ni Sophia at saka nga siya bahagyang lumapit dito. “At saka nakalimutan mo na ba kung ano ang relasyon namin ngayon ni Raymond,” dagdag pa ni Sophia.Hindi naman kaagad nakasagot si Dr. Gerome kay Sophia.Bigla kasing naisip ni Dr. Gerome na tama nga naman si Sophia. Si Raymond ang kasal
CHAPTER 116At ngayon nga ay si Sophia na ang itinuturon na may kasalanan sa nangyari kay Emman. Sadyang napakalupit ng kapalaran kay Sophia.Kung si David nga talaga ang may kagagawan noon ay marahil mula pa sa simula ay hindi na niya talaga balak pakawalan si Sophia. O baka naman mas inisip niyang poprotektahan ito nina Raymond at Francis upang hindi na lumala pa ang sitwasyon.Anuman ang dahilan nito ay isang bagay lamang ang sigurado si Francis at yun ay ayaw niyang may masasaktan lalong lalo na si Sophia."Itago nyo ang balitang ito," malamig na utos ni Francis kay James. "Sabihin mong namatay si Emman sa isang aksidente at hindi na nailigtas kahit na sinubukan ng mga doktor," dagdag pa nya.Totoo namang nasangkot ito sa isang malubhang aksidente bago ito tuluyang binawian ng buhay kaya hindi naman din iyon isang kasinungalingan.Nanataili naman na walang imik sa mga sandali na iyon si James bago sya tumango kay Francis at saka lumabas doon upang linisin ang anumang ebidensya.Ku
“Sa tingin ko ay mas mukha kang kontrabida,” sabi ni Sophia kay Raymond. “Kung tutuusin nga ay mas bagay pa kay Francis ang maging male lead sa isang CEO novels,” dagdag pa nya na tila ba inaasar pa nga niya si Raymond.Hindi naman nabawasan ang ngiti ni Raymond at sa halip nga ay mas lalo pa itong lumalim. Hinaplos niya ang palad ni Sophia bago hinawakan ito at saka nya pinagsalikop ang kanilang mga daliri."Sabagay ayos na rin ‘yon. Ako ang kontrabida na tatalo sa male lead at ninakaw ko lang naman ang prinsesa ng bida. Hindi ba perpektong ending ‘yon? Mukhang gusto ng kontrabida ang ganyang klaseng pagtatapos," sagot naman ni Raymond kay Sophia.Alam naman ni Sophia na para siyang batang kinakausap nito. Nang makita niyang muling lumalapit si Raymond sa kanya upang halikan siya ay mabilis niyang itinagilid ang kanyang ulo at tinakpan ang bibig ng lalaki gamit ang kanyang kamay."Raymond bakit ba halik ka ng halik?" tanong ni Sophia rito at nanatili nga na hawak nito ang bibig ng bi
CHAPTER 115Narinig naman ni Sophia ang sinabi na iyon ni Raymond at bahagya pa nga na napataas ang kanyang kilay na waring may iniisip. Nag angat naman ng tingin nya si Sophia at may bakas pa nga ng pang uuyam ang ekspresyon ng kanyang mukha.Tinabig nga ni Sophia ang kamay ni Raymond at saka nga nya muling binalingan ang mga dokumento na hawak nya at muli nya nga itong binasa.“Bakit mo naman nasabi na iniisip ko pa rin si Francis?” tanong ni Sophia kay RaymondAng world class financial summit na ito ay gaganapin sa Lungsod at dinaluhan nga ito ng mga malalaking kumpanya mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Lahat ng naroon ay may isang layunin lamang at yun ay ang makahanap ng matibay na oportunidad sa negosyo.Natural lamang na may ilang proyektong gustong makuha si Sophia kaya naman pursigido siyang magtagumpay sa bidding."May paparating na auction sa loob ng dalawang araw, may isang financial summit at pagkatapos ay college entrance exams sa loob ng isang buwan. Balak ko ri
Samantala naman lumabas na rin nga si Francis sa loob ng silid ni Raymond pero hindi nga siya tuluyang umalis dahil nanatili nga lamang siya sa labas ng silid na iyon habang tahimik nga siyang nakamasid kila Raymond at Sophia.Pinagmamasdan nga ni Francis ang dalawa at kitang kita nga niya ang paraan ng kanilang pagtitinginan at ang matamis na ilusyon ng pag ibig sa pagitan nilaAlam naman ni Francis na hindi totoo iyon at isang palabas lamang nga ang lahat ng iyon.Ngunit bakit parang may kung anong pumipiga sa puso ni Francis? Bakit nga ba may pait na lumalagok sa kanyang lalamunan. Yun ay dahil nga sa natalo nga siya.Dahan dahan naman nga na sumandal sa malamig na pader na iyon si Francis habang mahigpit nga niyang hawak ang kanyang cellphone. Marahan pa nga niyangbipinikit ang kanyang mga mqta at pilit na tinatanggal ang bigat sa kanyang dibdib.Sa tabi niya ay isang pamilyar na tinig ang marahang bumasag sa katahimikan."Nagsisisi ka na ba?" tanong ni Dr. Gerome kay Francis at