CHAPTER 41“Mabuti pa ay tara ng pumasok sa loob,” sabi ni Raymond kay Sophia saka nya iniabot dito ang kanyang kamay.Tiningnan naman ni Sophia ang kanyang kamay ni Raymond na nakalahad sa kanyang harapan. Sa pagkakataong ito ay hindi na niya tinanggihan ang alok ni Raymond kaya naman tinanggap na rin nya ang kamay nito.Divorce na sila ni Francis at sa ngayon ay kailangan niya ng bagong tagapagtaguyod na makikita ng lahat. Bagamat madaldal si Raymond at mahilig magbiro ay isa siyang tunay na maginoo na may sariling prinsipyo. Bukod dito ay hindi nagpapahuli ang yaman at impluwensya ng pamilya Villamayor sa pamilya Bustamante.Kapag nasa tabi ni Sophia si Raymond ay alam ni Nelson na hindi na nito basta bastang pwedeng maliitin si Sophia. Kahit wala na si Francis sa tabi nito ay may ibang tao pa rin siyang maaasahan.Habang hindi pa niya nakakamit ang sariling kapangyarihan ay hindi niya dapat bigyan ng pagkakataon si Nelson na mag isip ng kahit ano pang masama laban sa kanya.Ang bi
CHAPTER 42Hindi na kayang kumalma pa ni Sophia. Bagamat bata pa siya noon ay malinaw pa rin sa alaala niya ang maamo at napakagandang mukha ng kanyang ina na si Theresa na banayad at puno ng liwanag ang anyo nito.Napakahilig ng kanyang ina sa mga magagandang damit at mga alahas at mahilig din talaga ito na magpaganda ng kanyang sarili. Kahit sa huling sandali nga nito bago ito pumanaw ay espesyal niyang ginawa ang damit na iyon para maipakita ang kanyang kariktan hanggang sa huli. Ito ang huling alaala na iniwan ng kanyang ina na isang bagay na siya mismo ang gumawa gamit ang sariling mga kamay.“Hindi siya isang bagay na basta basta lang puwedeng pakialaman ng isang tulad ni Bianca!” Sigaw ni Sophia sa kanyang isipan.“Isang tulad mo na nababagay lamang sa putikan!” dagdag pa nga nito.“Hubarin mo 'yan,” galit pa na sabi ni Sophia at saka nya hinawakan sa leeg si Bianca at halos ibuhos talaga nya ang lahat ng kanyang lakas.“Hubarin mo!” gigil pa na sabi ni Sophia at bawat salit
CHAPTER 43Tumayo naman na si Sophia habang hawak pa rin nya ang masakit niyang ibabang tiyan at dahan dahan na lumapit kay Bianca.Ang dugo sa kanyang mga kamay ay patuloy pa rin na tumutulo at ang bawat patak nito ay nag iipon sa sahig at nagiging isang maliit na lawa ng dugo.“Ngayon hubarin mo ang damit na iyan,” sabi ni Sophia kay Bianca.Pinahid ni Sophia ang luha sa kanyang mukha ngunit sa halip na malinis iyon ay lalo pa nitong nadungisan ng dugo ang kanyang mukha. Nagmukha tuloy siyang nakakatakot. Ngunit sa kabila nito ay maputla pa rin siya at halatang wala nang natitirang lakas. Pero kahit ganon pa man ay nagmumukha pa rin syang malakas at matapang.“Hubarin mo ang damit na iyan,” pag uulit ni Sophia kay Bianca habang seryoso syang nakatitig dito.Akmang tatakbo na sana si Bianca ngunit mabilis siyang hinawakan ni Sophia sa pulso gamit ang kamay niyang walang sugat.“Huwag mong pagnasaan ang hindi sa’yo,” galit pa na sabi ni Sophia kay Bianca. “Kung gusto mong mang agaw ba
CHAPTER 44"Isang pangungusap lang naman ang sinabi ni daddy noong mga oras na iyon," nakangiti pa na sabi ni Bianca habang nakatingin sya kay Sophia. "Alam mo ba kung anong sinabi ni daddy? Sinabi ni daddy na talaga yatang malas. Sinabi niyang sobrang tanga ng unang misis niya. Bakit nga ba siya nagpasya na magpakamatay sa kanyang kaarawan? Dapat sana'y ibang araw na lang siya namatay," tatawa tawa pa na sabi Bianca.Alam naman ni Sophia na sinasadya ni Bianca na inisihin siya sa pagkakataong ito. Naiintindihan niya ito ngunit hindi pa rin niya mapigilan ang galit na unti unting umuusbong sa kanyang dibdib.Titig na titig naman si Sophia kay Bianca habang may nakakalokong ngiti sa kanyang labi. Habang si Bianca naman ay patuloy na nakangiti sa kanya habang inaalis ang silver dress at saka nito itinatapon kay Sophia iyon."Akala mo ba magugustuhan ko ang mga damit ng patay?" sabi pa ni Bianca kay Sophia.Agad naman na kinuha ni Bianca ang isang bagong high end na damit mula sa silid
CHAPTER 45 Ngayon ang anibersaryo ng pagkamatay ng ina ni Sophia. Ano na nga ba ang nagawa niya? Para bang biglang bumagal ang lahat at ang mga alaala ng nakalipas na tatlong taon ay nagsimulang maglaro sa kanyang isipan na tila isang pelikula na nagpe play sa slow motion. Bigla pa nyang naalala ang isang pangyayare noon sa kanila ni Sophia. "Francis anibersaryo ng pagkamatay ng nanay ko sa loob ng tatlong araw. Pwede mo ba akong samahan para magbigay galang sa kanya?" sabi ni Sophia. Hindi pa man tapos ang mga salita ni Sophia ay bigla na nga niyang pinutol ang pagsasalita nito. "Kailangan kong lumipad papuntang ibang bansa para sa isang meeting. Bilhin mo na lang ang mga kailangan mo," sabi ni Francis at saka nya Kinuha ang itim na card at iniabot kay Sophia at dali daling umalis. Sa tuwing anibersaryo kasi ng kamatayan ng ina ni Sophia na si Theresa ay lagi siyang iniimbitahan ni Sophia na magpunta sila sa puntod nito. Ngunit paulit ulit naman itong tinatanggihan ni F
CHAPTER 46Sa mga nakakakilala kay Sophia siya ang anak ng pamilya Marquez na isang honor student sa pinasukan nito na University sa syudad at isang henyo na walang kapantay sa lahat ng asignatura. Ngunit sa likod ng mga mata ng iba ay siya ang utak sa likod ng isang mabilis na umuunlad na negosyo.Noong una ay hindi alam ni Raymond ang tunay na pagkakakilanlan ni Sophia. Kung nalaman lang sana niya agad ito ay mas seryoso sana niyang tinutukan noon pa man ang dalaga.Akala niya ang pinakamalaki niyang pangarap ay magkaroon ng sariling negosyo pero hindi niya inasahan na ang Prudence Group of Company ay mabilis na lumalago at ang magiging katuparan ng kanyang mga hiling.“Bakit nga ba tinawag na Prudence Group of Company iyon?” hindi na maiwasang tanong ni Raymond kay Sophia.Sino ba naman kasi ang mag aakalang ang kumpanyang ito ay mayroon palang koneksyon kay Sophia.“Ang Prudence ay nangangahulugan ng paggawa at maingat na desisyon. Kaya yan ang naisip ko ay dahil gusto ko na mag
CHAPTER 47"Francis napakalupit mo naman," hindi na napigilan ni Dr. Gerome na sabi. "Pwede mong sabihin na abala ka sa trabaho at hindi mo siya masamahan sa pag alay ng respeto kay Ms. Theresa. Pero ang dumalo sa kaarawan ni Nelson ngayon? Para kang sumaksak ng kutsilyo sa puso niya," dagdag pa ninDr. Gerome at ramdam mo sa tinig nito ang lamig ngunit hindi sumagot si Francis rito at bahagya lang itong yumuko habang si Kurt naman ay napabuntong hininga na lamang."Kung maghahangad ako gusto ko nang kamuhian ka ng lubos. Alam mo bang niloko ni Nelson ang ina ni Sophia na si Ms. Theresa? Nagkaanak pa siya at si Bianca iyon habang kasal sila pa sila ni Ms. Theresa. Hindi ko alam kung si Theresa ba ay namatay sa mismong araw ng kaarawan ni Nelson. Pero ikaw iniwan mo talaga si Sophia para kay Bianca na isang anak sa labas at dumalo ka pa sa kaarawan ng walang hiyang iyon sa mismong araw ng kamatayan ng ina niya!" galit pa na sabi ni Kurt.Gusto sana nyang tawagan si Sophia upang kumus
CHAPTER 48Bago pa man niya inasam ang hiling na iyon ay labis niyang hinangad na manatiling konektado kay Francis. Pero ngayon ang pagkapit sa kanya ay parang tali na hindi lang sumasakal kundi paulit ulit na nagbibigay ng sakit sa kanya.Sa tuwing naiisip niya si Francis ang masakit na alaala ng araw na ito ang bumabalik. Hindi niya nais maramdaman ang ganitong sakit at lalong hindi niya kayang tanggapin ang ganitong kawalang respeto sa kanya."Isa rin akong tao na marunong tumawa, masaktan at mangarap Kurt. Matapos ang lahat ng ginawa ni Francis paano ako magpapanggap na parang walang nangyari at harapin siya ng mahinahon?" seryosong sabi ni Sophia kay Kurt. Sandali pa nga syang tumigil sa pagsasalita at saka sya bumuntong hininga."Kurt hindi ba pwedeng kahit minsan lang ay hayaan niyo akong maging makasarili?" nginig ang boses na sabi ni Sophia.Mapait pa siyang ngumiti na para bang pilit nitong itinatago ang sugat na hindi niya kayang lunasan.Napatahimik naman si Kurt at tila
CHAPTER 66Rinig na rinig naman ni Bianca ang mapanuyang boses ni Khate at agad nga siyang namutla dahil doon. Naikuyom na nga lamang niya ang kanyang mga kamay habang nagpipigil na magsalita ngunit bago pa man siya makapagpaliwanag ay isang mapanuksong tinig ang umalingawngaw na punong puno ng panunuya."Ang mga damdamin mo at sariling pananaw ay tuluyan nang sumakop sa isip mo. Hindi mo na kayang mag isip nang mahinahon. Kung sakaling mabigo ang investment na ito ay paano mo ito ipaliliwanag sa iba?" sabat na ni Raymond na kasalukuyang nakasandal na sa pinto ng opisina ni Francis. Ang kanyang makitid na mga mata ay puno ng kuryosidad na may halong ngiting tila nanunubok."Hindi mabibigo ang investment ko. Itataya ko kahit pa ang sarili kong career,” madiing sagot ni Bianca at bawat salita nya ay punong puno ng determinasyon.Ngunit hindi basta basta sinasabi ang mga ganoong bagay lalo na ang pagtaya sa sariling karera.Napataas naman ang kilay ni Khate habang seryoso nga syang nak
CHAPTER 65Maingat naman na inilapag ni Sophia ang mga dokumento sa harap ni Khate saka nya ito binuksan sa pahinang may isyu itinuro pa nga nya ang isang partikular na bahagi ng kontrata."Maayos ang bawat bahagi ng kontratang ito pero itong halos hindi mapansing tala ay isa itong patibong," sabi ni Sophia kay Khate.Napangiti naman si Khate dahil sa pinakita at sinabi ni Sophia."Nakita mo nga pero ang bago nating punong sekretarya akala nya ay isang malaking pagkakataon lamang ito. Gusto pa niyang sunggaban agad natin ito," sagot ni Khate kay Sophia.Napakunot naman ang noo ni Sophia dahil sa naging sagot ni Khate sa kanya."Anong klaseng biro na naman ito? Si Bianca ba ang may pakana ng kasunduang ito? Baliw na ba talaga siya?" tila hindi makapaniwalang sagot ni Sophia kay Khate.Bahagya namang tumango si Khate ngunit hindi sya nagbigay ng opinyon."Si Secretary Bianca kahit na halos hindi pa nakakabawi mula sa aksidente ay pilit pa ring pumapasok sa trabaho kahit naka wheelchair
CHAPTER 64Napamulagat naman si Timothy dahil sa sinabi ni Sophia.Habang nakayuko naman si Sophia ay tahimik niyang hinahalo ang kape sa tasa. Ang malamig na simoy ng aircon sa silid ay nagdulot ng ginaw kay Timothy. Napansin iyon ni Sophia kaya itinaas niya ang temperatura ng aircon at saka sya umayos ng kanyang pagkakaupo.“Ang ugnayan ng pagiging magkadugo ay hindi laging sukatan,” mahinahongnsabi ni Sophia kay Timothy. “Hangga’t may tunay na pagmamahal at kahit walang kaugnayang dugo ay maaari kang maging pamilya. Pero kung wala namang pagmamahalan kahit na magkadugo pa kayo ay kayang lamunin hanggang sa wala nang matira ni bakas man lang,” dagdag pa ni Sophia.Habang sinisiyasat ang air vent ng aircon, hindi alintana ni Sophia ang malamig na hangin. Para sa kanya ito ay mas komportable at hindi malamig."Mr. Bautista matagal ka na sa mundong ito. Hindi ba sapat ang mga nakita mo para maunawaan ang ganitong mga bagay? Ilang tao na ang yumaman at iniwan ang kanilang asawa at mga
CHAPTER 63Seryoso naman na tinitigan ni Timothy si Sophia na animo’y tinitingnan nga nito kung seryoso ba talaga ito sa sinasabi nito sa kanya"Alam mo ba na nakita na kita noong bata ka pa lang," ani Timothy kay Sophia at napahalukipkip pa nga siya habang seryoso syang nakatitig sa dalaga. "Hawak hawak ka ni Nelson at sobrang liit mo pa noon at napakacute mo. Akala ko ay mabait siya sa'yo kaya ngayon ay nagtataka ako kung bakit mo siya kinaiinisan ng ganyan ngayon," dagdag pa ni Timothy.Naramdaman naman ni Sophia na para bang pinagtatawanan siya ni Timothy. "Akala ko po ay alam nyo na Mr. Bautista ang tunay na pagkatao ni Nelson. Pwede siyang maging mabait sa akin pero kaya rin niyang itulak ang sariling anak sa apoy. Si Nelson ay isang makasariling nilalang na ang tanging layunin ay ang sarili niyang kasiyahan," seryosong sagot ni Sophia kay Timothy.Nagulat naman si Timothy sa sinabi ni Sophia at hindi nya akalain na ganito na magsalita ngayon si Sophia."Talaga palang ibang iba
CHAPTER 62"Tama ka. Hindi madaling ipaliwanag ang bagay na ito sa telepono. May oras ka ba bukas? Bakit hindi na lamang tayo magkita upang mapag usapan natin ito ng mas maayos?” sabi ni Sophia kay Timothy."Sige dahil ikaw ang nagsabi ay hindi ko yan tatanggihan," sagot ni Timothy kay Sophia.Ngumiti naman si Sophia kay Timothy bago sya tumingin sa kanyang suot na relo."Paano kung magkita tayo bukas ng alas tres ng hapon sa kumpanya ng mga Bustamante?" pag aaya pa ni Sophia sa kanyang kausap.Binanggit na ito ni Sophia para ipahiwatig ang kanyang koneksyon sa pamilya Bustamante at para isipin ni Timothy kung paano aayusin ang presyo sa negosasyon nila."Sige. Walang problema darating ako. Inaasahan kong makilala ka Miss Sophia," pag sang ayon ni Timothy.Hindi ka magiging matagumpay na namamahala ng malaking kumpanya kung kulang ka sa talino. Natural lamang na narinig ni Timothy ang patagong mensahe ni Sophia at nagbigay ito ng mas mataas na halaga sa kanya. Si Sophia ang alas ng mg
CHAPTER 61Galit na galit talaga si Sophia sa dugo ng pamilya Marquez na nanalaytay sa kanya. Kinasusuklaman niya sina Nelson at Bianca dahil sa kanilang pagiging mababa ng mga ito at walang hiya ngunit hindi niya maikakaila na may dugo pa rin siya ng pamilya Marquez. Kung may paraan lang na mabuhay siya kahit mawalan ng dugo ay handa niiyang gawin iyon mapalitan lamang lahat ng dugong dumadaloy sa kanyang katawan. Mas pipiliin pa niyang magdusa kaysa madiri sa dugong ikinakabit sa isang maruming angkan.Para kay Sophia ay wala siyang ginagawang mali. Ang tunay na mali ay ang iba pang miyembro ng pamilya Marquez. Ngunit totoo rin na labis siyang nasusuklam sa pamilya Marquez. Kung gusto niyang putulin ang anumang ugnayan sa kanila ay kailangan nga niyang maging maayos sa kanyang mga desisyon. Ngunit hindi siya hangal. Alam niyang hindi nya kailangang saktan ang sarili nya para lang mawala ang kaugnayan niya sa kanila. Ito ang unang pagkakataon na narinig ni Nelson ang mga matitindi
CHAPTER 60Ang nakaraan ay nakaraan na. Matagal naman ng alam ni Sophia sa puso niya na si Francis ay si Francis at hindi na niya ito asawa ngayon.Napataas naman ang kilay ni Raymond at napapangiti na nga lamang sya at mukhang nag eenjoy nga sya sa kanyang nasasaksihan.Nanatili namang malamig ang tingin ni Francis kay Sophia ngunit bahagyang dumilim ang ekspresyon nito nang marinig niyang sinabi ni Sophia ang tungkol sa nakaraan nila. Alam naman niyang tama si Sophia dahil mula nang araw na naghiwalay sila ay naging bahagi na siya ng nakaraan nito."Mas gumaan ang pakiramdam ko ngayon dahil sa sinabi mo," nakangiti pa na sabi ni Raymond kay Sophia."Mr. Francis narinig mo rin naman siguro ang mga sinabi ni Sophia di ba? Ang nangyari sa inyo ni Sophia ay bahagi na ng kanyang nakaraan. Naiintindihan mo ba? San a'y huwag ka nang makialam pa sa amin,” baling naman ni Raymond kay Francis at napapangisi pa nga sya at halata mo na inaasar nga nito si Francis.Nanatili namang malamig ang
CHAPTER 59"Si Lolo Robert ay mukhang malusog at malakas pa pero ang puso niya ay laging nasa maselang kalagayan na," sabi ni Sophia kay Francis. "Napakatalino ni Lolo at kung mahuhulaan niya ang totoong relasyon nating dalawa dahil sa mga nangyayari ngayon ay paano natin ito haharapin? Hahayaan ba nating maapektuhan siya at magdulot pa ito ng atake sa puso at maospital siya?" dagdag pa ni Sophia.Hindi naman nakapagsalita si Francis dahil may punto naman ang sinasabi ni Sophia."Mahal ako ni Lolo. Hindi ko kayang gawin 'yon sa kanya. Kaya sa ganitong sitwasyon mas pipiliin ko pang magparaya na lang,” sabi pa ni Sophia at saka sya huminga ng malalim.Pagkasabi noon ay muli namang ngumiti si Sophia kahit na may kirot sa kanyang mga mata."Hindi ba att pinapahirapan mo rin si Bianca dahil dito?" sabi pa ni Sophia.Dahil natatakot siyang masaktan ang matanda ay hindi niya magawang sabihin ang katotohanan na hiwalay na sila ni Francis. Kahit ngayon na dinala pa rin siya ng lalaki pabali
CHAPTER 58Tahimik naman sa loob ng sasakyan. Tanging sina Sophia at Francis na lang ang natitira roon. Bahagya namang ipinikit ni Sophia ang kanyang mga mata at parang wala talaga syang balak na magsalita. Makalipas ang ilang sandali ay pumwesto na ngansi Sophia sa upuan ng drayber at saka pinaandar ang kotse.Ito ang bagong sasakyan ni Francis ngayon isang itim na Mércedes Benz na Maybach na ipinalit nito sa asul na Cayenne na ibinigay ni Sophia noon sa kanya.Tahimik naman ang buong biyahe. Wala ni isa man sa kanila ang nagsalita habang papunta sila sa lumang bahay ng pamilya Bustamante.“Sophia may itatanong ako sa’yo,” pambabasag ni Francis sa katahimikan nila bago sila bumaba ng sasakyan ni Sophia. “Ano ang relasyon mo kay Jacob?” seryosong tanong ni Francis kay Sophia.Natigilan naman si Sophia sa naging tanong ni Francis sa kanya. Maya maya ay lumitaw ang banayad na ngiti sa sulok ng kanyang labi.“Relasyon ko kay Jacob? Mukhang wala ka namang kinalaman panroon. Mr. Francis