Tahimik ako na tumayo. Isa lang ang nais ko sa mga oras na ito at iyon ay ang makalayo sa kaniya."You can't even walk straight for at least four steps. Pupusta ako na kahit pumutok na ang araw ay hindi ka pa nakababalik sa room mo," pagdadaldal niya."Puwede ba? Iwan mo na lang ako. Hindi kita kailangan dito."Kahit balingan siya ay hindi ko magawa. Lasing ako pero nasa katinuan pa ako. Kung sakali na wala ako ngayon sa wisyo ay hindi ko na alam kung ano ang magagawa ko sa lalaki na ito.Ni hindi ko nga alam kung bakit kinakausap ko siya at mas lalong hindi ko alam kung saan niya pinagawa ang napakakapal niyang mukha para lapitan ako pagkatapos ng lahat ng nangyari sa pagitan naming dalawa.Animo'y normal ang lahat ng mga nangyayari ngayon at para bang hindi niya ako pinagbantaan noong nagkita kami sa sementeryo. Wala ang nakakatakot an aura niya at napalitan iyon ng nakakagalit. Ang lahat ng galit sa puso ko ay nabubuhay ngayon na nakikita ko siya ngayon na parang wala naman sa pla
"Miss me?" tanong niya na siyang nagpatigil sa akin.Ang pamilyar na boses na iyon ang animo'y gumising sa lasing kong diwa.Mabigat ang bawat paghinga ko bago tuluyan na tingnan siya. It was Haze. He was smiling at me and seems to be waiting me patiently to look at him.Nilibot ko ang tingin ko, trying to find someone who I can ask for help but there's no one. Wala na rin si Lucas sa paligid. Malakas ang kabog ng dibdib ko habang nakatingin sa kaniya.Nakakatakot ang ngisi na nakapaskil sa kaniyang mukha. May hawak siyang sigarilyo at sa kabilang kamay niya ay isang baril."Dare to shout, Aurora. Pinapangako ko sa'yo, that will be your last word," pagbabanta niya."Haze," halos mautal sa takot na banggit ko sa pangalan niya.Umiling siya. "Alam mo ba napakasarap sa tainga kapag ikaw ang tumawag sa pangalan ko? Sa sobrang sarap ay gusto kong isama ka sa kamatayan."Napasunod ang ulo ko nang hatakin niya ang buhok ko. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang halo-halong emosiyon. Gigil, gal
Nagising ako na parang nauubusan na ng hangin. Nagkumawala ako sa mahigpit na pagkakasakal sa akin ni Haze. Nakatali ang aking mga kamay kaya kahit anong gusto ko na alisin ang kaniyang kamay sa leeg ko ay hindi ko gumawa. Maging ang mga paa ko ay nakatali sa upuan.Uubo-ubo ako nang pakawalan niya ang aking leeg."Kanina ka pa ginigising," galit na sambit niya.Matalim ang mga mata na tiningnan ko siya. May mga lalaking armado sa aking paligid. Kung ano ang sitwasyon nang una akong mapasakamay ni Haze ay ganoon din ang sitwasyon ko ngayon. Nakangisi sila sa akin at parang mga demonyo na handa ng pumatay ng isang tao.Napadaing na lang ako sa sakit ng katawan ko nang sipain ni Haze ang inuupuan ko na naging dahilan ng pagkahulog ko sa semento."Kumain ka," utos niya at pasipa na pinunta sa harapan ko ang animo'y pagkain ng baboy. Wala sa ayos ang pagkakalagay noon at maging ang mismong lagayan ay hindi malinis."Mas gugustuhin kong mamatay kaysa kainin ang pagkain na binibigay mo—"Hi
Katulad ko ay nanlalaki rin ang mga mata ng mga anak ko nang masaksihan ako. Tuluyan ko nang hindi mapigilan ang sarili ko sa pag-iyak."Hayop ka talaga, Haze!" sigaw ko.Tumakbo palapit sa akin ang mga anak ko ngunit mabilis din silang hinarang ng mga kalalakihan na nagbabantay rito sa loob.Nakangisi siya na naglakad papalapit sa akin. Gusto kong putulin ang mga kamay niya nang ilapat niya iyon sa balat ko. Hindi pa siya nakuntento nang pisilin niya ang dibdib ko."Nice body. Kaya pala mukhang nag-enjoy ang lahat."Mabigat ang paghinga ko nang taluntunin ng kaniyang kamay ang daan patungo sa aking pinakamaselang parte ng katawan ngunit bago pa niya iyon mahawakan ay mabilis ko nang inipon ang laway ko at saka iyon idinura sa mukha niya.Napabaling ang ulo ko sa kabilang gawi nang mabilis na hinampas ni Haze sa ulo ko ang hawak niya na baril.Naging mabilis ang mga pangyayari at ang sunod ko na lang nakita ay ang madilim niyang mga mata at naghahabol na ako ng hangin dahil sa mahigpi
Nag-aadjust ang mga mata ko nang puting ilaw ang bumungad sa akin. Amoy ng pamilyar na gamot ang siyang sumiksik sa ilong ko. Ang tunog ng mga makina ang pumuno sa mga tainga ko.Pakiramdam ko ay tuyong-tuyo ang lalamunan ko. Sinubukan ko na gumalaw ngunit bigo ako dahil sa kawalan ng lakas.Ramdam ko ang pagkatamlay ng katawan ko. Para akong lanta na gulay na pinabayaan na.Napadaing ako sa sakit nang sinubukan ko na gumalaw kahit papaano. Ang brace na nasa leeg ko ay ang nagpapahirap sa akin upang makita ang kalagayan ko.Matagal akong nakatitig sa malaking orasan na nasa harapan ko bago tuluyan na tumunog ang pinto, hudyat na may papasok.Nakatingin lang ako roon at hinintay na may pumasok. Hindi nagtagal nang tumambad sa akin ang isang nurse. Animo'y nagulat pa siya nang makita ako na gising."Gising ka na po pala, Ms. Aurora," nakangiting bungad niya. Kalmado ang kaniyang aura na nakadagdag dahilan kung bakit kalmado lang din ako."Check ko lang po muna vital niyo," paalam niya.
"Aurora," tawag sa akin ni Auntie Gia nang pumasok sila sa room ko. Akala ko wala nang pupunta ngayong araw dahil gabi na rin nang dumating sila."Mommy!" tawag sa akin ni Luna at nagmamadali na tumabi.Mabilis na humarang si Liam sa kaniyang kapatid at umiling. "Hindi pa tuluyan na magaling si Mommy, Luna. Hindi ka niya mabubuhat," paalala niya.Nagsimangot si Luna ngunit hindi na rin nagpumilit pa. Patuloy sila na nag-uusap sa harapan ko habang tahimik lang ako na nakamasid sa kanila. Namasa ang aking mga mata habang nakatingin sa kanilang dalawa. I don't know how long a year was for them to grew up really fast.Mas matangkad na si Liam kumpara noon, gayundin si Luna."P'wede babg yakapin niyo si Mommy?" halos maiyak na sambit ko.Walang alinlangan na niyakap nila akong dalawa. Pigil ang pag-iyak ko nang mahagkan sila sa aking mga braso.I can clearly remember how they were thrown in that room. They were too young to experience that yet I don't have any choice to save them from th
"Hindi pa rin ba ako puwede ma-discharge?" tanong ko kay Nurse Trina.Two weeks have been passed since I woke up at hanggang ngayon ay hindi ako pinupuntahan ni Noah kasama ang mga anak ko. Mayroon naman akong tinuturing na mga pamilya pero pakiramdam ko ay nag-iisa lang ako.Pagod na pagod na akong maghintay sa wala."You can. Normal na ang lahat sa'yo, fully healed na rin surgical area mo. Gusto mo na ba ma-discharge? Just let me know para ako na lang ang mag-aasikaso noon then I'll update you sa progress," aniya.Tumango ako. "Pakiramdam ko rin ay mas lalo lang ako magkakasakit kung mananatili ako rito. As a mother, I need to go back to my usual routine. Isang taon na akong nawalay sa mga anak ako. Isang taon na hindi ko sila naasikaso at hindi ko na kakayanin pa na tumagal iyon. Miss na miss ko na rin ang mga anak ko."Bahagyang ngumiti si Nurse Trina. "Pansin ko nga na madalang ka talagang dalawin kahit noong nasa ICU ka pa. Mukhang sobrang busy nilang tao.""May kaniya-kaniyang
Ilang minuto na ang lumipas ngunit pareho kami na walang imik.Katulad ko ay tahimik lang din siya at animo'y nakikiramdam sa kaniyang paligid."Huwag mo akong titigan," utos niya.Pansin ko ang mga peklat sa kaniyang braso at binti. Hindi rin ako nakasisiguro kung bakit naka-wheelchair siya. Isang taon... isang taon ako bago nagising. Ibig-sabihin ba noon ay mas malala pa ang nangyari sa kaniya kaya hanggang ngayon ay naririto pa rin siya sa hospital."Gusto ko na muna na magpahinga. Kung p'wede iwan mo na muna ako—""Mukhang ayos ka naman katulad nang sinabi ni Chris," pagpuputol ko sa kaniya.Kahit hindi niya sabihin ay ramdam ko ang pag-iwas niya sa akin. Kung p'wede lang mag-inarte ay ginawa ko na. Ni hindi ko alam kung bakit nila ako iniiwasan.Is it because I heard what they were talking about earlier? Kung hindi ko ba narinig ang lahat ng iyon ay hindi siya ganito umakto sa harapan ko ngayon?Nakakasawa lang sa pakiramdam na parang ayaw kang makita, kausapin, o malaman na nasa