Tumigil ako sa paglalakad at tiningnan ang tao na naroroon at nakaupo sa tapat ng lapida ng mga magulang ko.Ramdam ko ang pagkabuhay ng dugo ko nang dahil sa galit. Kahit ilang taon pa ang lumipas ay hindi ko pa rin maitatanggi na kilala ko ang bawat pangangatawan at kilos ni Lucas. Kaya kong sabihin at patunayan na siya ang nakaupo ngayon doon.Sa ilang taon namin na magkasama ay memorya ko na ang tindig niya. Sadyang hindi ko lang inaasahan na magkikita kami ngayon at dito pa mismo.Gaano kakapal ang mukha niya upang umupo mismo sa tapat ng lapida ng mga magulang ko kung siya mismo ang siyang may kagagawan kung bakit nakahimlay ang mga magulang ko sa ilalim ng lupa?As much as I could, I calm myself while walking towards. Gusto ko siyang pagsalitaan ng masasama, gusto ko siyang saktan pero bilang paggalang na rin sa pahingaan ng mga magulang ko ay hindi ko iyon ginawa.I was alone, Noah was with Bernadette while my children was with Noah's parents. Gustong isama nila Bernadette ang
"Sabi ko sasama ako sa'yo kaso hindi mo na ako tinawagan," reklamo ni Noah nang makarating ako sa bahay nila.Tulog ang mga anak ko sa itaas. Dapat nga ay isasama ko sila pero mabuti na rin na hindi ko ginawa. Grabe ang kaginhawaan nang makita ko sila na masasaya ang mukha matapos akong makauwi galing sa sementeryo. Hindi ko rin naman aakalain na makikita ko si Lucas.Napabuntonghininga ako at saka minadali na ang paghuhugas ng pinagkainan ko. May takot at pangamba pa rin akong nararamdam sa naging tagpo naming dalawa kanina. Marahas ako na umiling upang alisin iyon sa isipan ko. Hindi ko maitatanggi na kasabay nang pagkakita ko sa kaniya ay ang pagbuhos ng mga alaala ng nakaraan. Hanggang ngayon ay parang sariwa pa rin sa akin ang lahat. Parang binabalik sa akin ang panahon na nakatayo ako sa harap ng sala at pinanonood ang nangyaring insidente sa aking mga magulang.Bumabalik sa akin ang ala-ala na nasa cctv room ako at pinanonood ang ginawang pagpapaulan ng bala ng baril ni Lucas
"Are you okay?" tanong ni Noah.He was looking at me intently. Kanina ko pa nararamdaman ang mga mata niya at kanina ko pa rin pinipilit na maging okay sa harapan niya kahit na binabagabag pa rin ako sa dahilan na naririto lang din sa resort na ito si Lucas.What a fucking damn small world."Kanina ka pa hindi mapakali. You kept wandering your eyes, what is it?" pangugulit niya.Umiling ako. "Medyo nasu-suffocate lang ako," pagdadahilan ko.Nanliit ang kaniyang mga mata na para bang binabasa kung ano ang nasa isip ko. Nagbuntonghininga na lang ako at binalingan sila Liam na abala naman sa pagkain ng mga seafoods sa harapan nila."Auntie, kain na po kayo. Ako na po bahala sa kanila," ani ko dahil siya ang panay na asikaso sa mga anak ko."No, it's okay. Tapos na rin naman ako."I was about to speak nang maramdaman ang paghawak ni Noah sa kamay ko na nakapatong sa aking hita."You're making me worried," halos pabulong na sambit niya. "Tell me what's bothering you, please.""Noah, ayos l
Tulala ako na nakatayo ngayon sa veranda. Up until now, parang hindi pa rin napo-proseso ng utak ko ang nangyari.What the hell just happened?Pinagbigyan ko si Noah na sumama kami sa resort sa kagustuhan na hindi magtampo ang mga bata pero hindi ko rin aakalain na paglabas namin sa resort na ito ay fiancé na ako ng kaisa-isang kaibigan ko.Buntonghininga na dumungaw ako sa ibaba. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng desisyon ko na ito but one thing is for sure, hindi ako pababayaan ni Noah.Noah is a good man but if I will be honest, I don't really see him as my husband or partner in life. Yet, I don't want to hurt his feelings again and again. All of these even felt like wrong. It felt incest to marry the guy you treat as your closest sibling. Damn it.Napasabunot ako sa buhok ko. Tulog na silang lahat at ako na lang ang gising. Hindi ko magawang matulog dahil sa pangyayari kanina. Halos hindi ko na nga sila kausapin nang bumalik kami rito dahil sadyang hindi ko lang inaasahan na
Tahimik ako na tumayo. Isa lang ang nais ko sa mga oras na ito at iyon ay ang makalayo sa kaniya."You can't even walk straight for at least four steps. Pupusta ako na kahit pumutok na ang araw ay hindi ka pa nakababalik sa room mo," pagdadaldal niya."Puwede ba? Iwan mo na lang ako. Hindi kita kailangan dito."Kahit balingan siya ay hindi ko magawa. Lasing ako pero nasa katinuan pa ako. Kung sakali na wala ako ngayon sa wisyo ay hindi ko na alam kung ano ang magagawa ko sa lalaki na ito.Ni hindi ko nga alam kung bakit kinakausap ko siya at mas lalong hindi ko alam kung saan niya pinagawa ang napakakapal niyang mukha para lapitan ako pagkatapos ng lahat ng nangyari sa pagitan naming dalawa.Animo'y normal ang lahat ng mga nangyayari ngayon at para bang hindi niya ako pinagbantaan noong nagkita kami sa sementeryo. Wala ang nakakatakot an aura niya at napalitan iyon ng nakakagalit. Ang lahat ng galit sa puso ko ay nabubuhay ngayon na nakikita ko siya ngayon na parang wala naman sa pla
"Miss me?" tanong niya na siyang nagpatigil sa akin.Ang pamilyar na boses na iyon ang animo'y gumising sa lasing kong diwa.Mabigat ang bawat paghinga ko bago tuluyan na tingnan siya. It was Haze. He was smiling at me and seems to be waiting me patiently to look at him.Nilibot ko ang tingin ko, trying to find someone who I can ask for help but there's no one. Wala na rin si Lucas sa paligid. Malakas ang kabog ng dibdib ko habang nakatingin sa kaniya.Nakakatakot ang ngisi na nakapaskil sa kaniyang mukha. May hawak siyang sigarilyo at sa kabilang kamay niya ay isang baril."Dare to shout, Aurora. Pinapangako ko sa'yo, that will be your last word," pagbabanta niya."Haze," halos mautal sa takot na banggit ko sa pangalan niya.Umiling siya. "Alam mo ba napakasarap sa tainga kapag ikaw ang tumawag sa pangalan ko? Sa sobrang sarap ay gusto kong isama ka sa kamatayan."Napasunod ang ulo ko nang hatakin niya ang buhok ko. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang halo-halong emosiyon. Gigil, gal
Nagising ako na parang nauubusan na ng hangin. Nagkumawala ako sa mahigpit na pagkakasakal sa akin ni Haze. Nakatali ang aking mga kamay kaya kahit anong gusto ko na alisin ang kaniyang kamay sa leeg ko ay hindi ko gumawa. Maging ang mga paa ko ay nakatali sa upuan.Uubo-ubo ako nang pakawalan niya ang aking leeg."Kanina ka pa ginigising," galit na sambit niya.Matalim ang mga mata na tiningnan ko siya. May mga lalaking armado sa aking paligid. Kung ano ang sitwasyon nang una akong mapasakamay ni Haze ay ganoon din ang sitwasyon ko ngayon. Nakangisi sila sa akin at parang mga demonyo na handa ng pumatay ng isang tao.Napadaing na lang ako sa sakit ng katawan ko nang sipain ni Haze ang inuupuan ko na naging dahilan ng pagkahulog ko sa semento."Kumain ka," utos niya at pasipa na pinunta sa harapan ko ang animo'y pagkain ng baboy. Wala sa ayos ang pagkakalagay noon at maging ang mismong lagayan ay hindi malinis."Mas gugustuhin kong mamatay kaysa kainin ang pagkain na binibigay mo—"Hi
Katulad ko ay nanlalaki rin ang mga mata ng mga anak ko nang masaksihan ako. Tuluyan ko nang hindi mapigilan ang sarili ko sa pag-iyak."Hayop ka talaga, Haze!" sigaw ko.Tumakbo palapit sa akin ang mga anak ko ngunit mabilis din silang hinarang ng mga kalalakihan na nagbabantay rito sa loob.Nakangisi siya na naglakad papalapit sa akin. Gusto kong putulin ang mga kamay niya nang ilapat niya iyon sa balat ko. Hindi pa siya nakuntento nang pisilin niya ang dibdib ko."Nice body. Kaya pala mukhang nag-enjoy ang lahat."Mabigat ang paghinga ko nang taluntunin ng kaniyang kamay ang daan patungo sa aking pinakamaselang parte ng katawan ngunit bago pa niya iyon mahawakan ay mabilis ko nang inipon ang laway ko at saka iyon idinura sa mukha niya.Napabaling ang ulo ko sa kabilang gawi nang mabilis na hinampas ni Haze sa ulo ko ang hawak niya na baril.Naging mabilis ang mga pangyayari at ang sunod ko na lang nakita ay ang madilim niyang mga mata at naghahabol na ako ng hangin dahil sa mahigpi