Share

Chapter 5

Alexa's POV

Lumarawan ang pagtataka sa aking mukha nang marinig ko ang sinabi ni Travis. Bakit niya ako binibigyan ng ganitong papeles? At saka bakit ganito ang trato niya sa akin? Parang hindi siya masaya na makita ako. Ako lang ba ang nag-iisip na namimis din niya ako?

"Ano ang ibig mong sabihin na marriage contract agreement natin?" hindi napigilang tanong ko sa kanya.

"Nagkapag-aral ka naman kaya natitiyak kong naiintindihan mo kung ano ang ibig sabihin ng marriage contract agreement," matalas ang dila na sagot niya sa akin. Akmang magsasalita ako ngunit inunahan niya ako sa pagsasalita. "Sit down and I will explain to you about the details of this marriage agreement after you read it," parang hari na utos niya sa akin.

Kahit nagtataka sa ikinikilos ni Travis ay sinunod ko ang utos niya. Umupo ako sa pang-isahang upuan samantalang bumalik naman ito sa pagkakaupo. Binuksan ko ang folder na isinalubong niya agad sa akin pagdating ko. Napaawang ang bibig ko matapos kong mabasa ang nilalaman ng marriage contract agreement.

"Ano ang ibig sabihin nito, Travis?" muling tanong ko sa kanya. Ngunit hindi ang nilalaman ng agreement ang nais kong tukuyin kundi ang malamig na pakikitungo niya sa akin. 

"I thought your smart, Alexa. Nagkamali pala ako ng pag-assest sa'yo," ani Travis sa nang-iinsultong tono. "Katulad ng nabasa mo sa agreement ay magiging mag-asawa lamang tayo sa harapan ng daddy ko. At hindi niya puwedeng malaman na hindi tayo totoong mag-asawa. At bilang asawa ko ay dito ka titira sa aking hotel. Ang pagkakaalam naman ng lahat mga tao sa aking paligid maliban sa aking ama ay ginagantihan ko lamang ang ginawa mong pagliligtas sa aking buhay. At bilang ganti sa ginawa mo ay ako na ang bahalang gumastos sa pag-aaral mo. Huwag kang mag-alala dahil pinaasikaso ko na sa aking tauhan ang paglilipat mo ng school dito sa Maynila. Tandaan mo, Alexa. Hindi puwedeng malaman ng ibang tao na ikinasal tayo. Naiintindihan mo?" mahabang paliwanag ni Travis sa nakasulat sa loob ng agreement. Ngunit hindi iyon ang paliwanag na gusto kong marinig. Ang gusto kong malaman ay kung bakit niya ito ginagawa sa akin. Iniisip ba niya ipagsisiksikan ko ng aking sarili sa kanya ngayong natuklasan kong sobrang yaman pala niya? Ganoon ba ang tingin niya sa akin?

Oo nga at mahal ko siya. Gusto ko siyang makasama at gusto kong maging totohanan ng aming pagiging mag-asawa ngunit kahit kailan ay hindi ko inisip na ipagsiksikan ang aking sarili sa isang taong ang iniisip ay isa akong gold digger. 

"Naiintindihan ko ang mga sinabi mo, Travis. Ngunit huwag kang mag-alala dahil hindi mo na kailangan pang gumawa ng marriage contract agreement. Ngayon din ay babalik ako sa probinsiya at kakalimutan kong nakilala kita," mariin ang boses na sabi ko sa kanya. Pagkatapos ay itinapon ko sa harapan niya ang mga papeles at walang paalam na tumayo para lumabas sa silid na iyon. Ngunit nagulat ako nang bigla akong hinarang ni Tirso na nakabantay malapit sa pintuan.

"Sa tingin mo ay hahayaan kitang umalis, Alexa? Kailangan kita kaya inalok kita ng kasal," biglang sabi ni Travis na ngayon ay nakatayo na sa aking likuran.

Nanlamig ang aking buong katawan sa aking narinig. Kung ganoon ay pinlano pala niya ang lahat. Nasa plano pala talaga niya na pakasalan ako paragamitin niya. Biglang nagsikip ang aking dibdib kaya huminga ako ng malalim. Gusto kong sumigaw, magwala at magmura. Niloko ako ni Travis. Iniligtas ko ng buhay niya tapos ito ang igaganti niya sa akin? Ano ang nagawa kong kasalanan para gawin niya sa akin ito?

"Boss, tumawag si Sid. Ayaw raw talagang umamin ng mga lalaking kumidnap sa'yo kung sino ang nag-utos sa kanila para kidnapin ka. Kahit anong torture ang gawin daw nila ay matigas pa rin. Ayaw magsalita. Ano na ang gagawin nila sa mga taong iyon?" biglang tanong ni Tirso matapos makipag-usap sa clip mic na nakadikit sa collar ng suot nitong uniform.

"Kill them all. Ano pa ang silbi nila sa akin kung ayaw naman nilang magsalita? Kung gusto nilang manahimik ay sabihin mo kay Sid na patahimikin na sila habambuhay," utos ni Travis na para bang nag-uutos lamang ito na bunutiin ang mga walang silbing halaman.

"Yes, Boss," nakangising sagot naman ni Tirso kay Travis pagkatapos ay muling nakipag-usap sa clip mic at sinabi ng ipinag-uutos ng boss nito.

Biglang nanginig ang aking katawan nang marinig ko ang ipinag-utos ni Travis kay Tirso. Hindi ako makapaniwalan ganitong klaseng tao pala ang lalaking pinakasalan ko. Ibang-iba ang Travus na nakilala at nakasamako sa aking bahay sa probinsiya. Napakagaling niyang magpanggapna mabait. Naloko at napaniwala niya ako na isa siyang mabuting tao. Iyon pala ay may maitim pala siyang lihim. Papatayin niya ang mga taong walang silbi sa kanya. Papatayin din kaya niya ako kapag wala akong silbi sa kanya?

"Don't worry, Alexa. Hindi kita papatayin. I will still need you to acts as my wife in front of my father," biglang kausap sa akin ni Travis na tila nabasa ang takot sa aking mga mata.

"At paano kung hindi ako pumayag? Papatayin mo rin ba ako?" matapang na tanong ko sa kanya.

"Hindi. Dahil iniligtas mo ang buhay ko. Pero huwag mo akong galitin at pilitin na patayin ka. Kaya kung ayaw mong magalit ako ay sundin mo na lamang ang ipinapagawa ko sa'yo. Wala namang mawawala sa'yo sa halip ay magiging mariwasa pa ang buhay mo. Titira ka sa mamahaling hotel at makakapag-aral ka ng libre sa kolehiyo dahil katulad ng sinabi ko sa'yo kanina ay ako ang gagastos sa pag-aaral mo," sabi ni Travis sa tonong nakikipag-business deal.

Parang tinutusok ng libo-libong maliliit na karayom ang aking dibdib. Gusto kong umiyak ngunit ayokong ipakita sa kanya na nasasaktan ako dahil magiging kahiya-hiya lamang ako sa paningin niya. Akala ko kahit paano ay may nararamdaman siya sa akin na konting pagtingin. Iyon pala ay nangangarap lamang ako ng gising. Dahil isang busines deal lang ang tingin sa akin ni Travis? Business deal na pinagplanuhan niya ng maigi.

"Paano kung ayokong sundin ang ipinapagawa mo sa akin?" nakataas ang noo na tanong ko kay Travis. Gusto kong malaman kung papatayin ba niya ako sakaling wala akong pakinabang sa kanya.

"Bakit nais mong tanggihan ang magandang opportunity na iniaalok ko sa'yo, Alexa?," tanong niya sa akin sa halip na sagutin ng tanong ko. "Kanina ay masaya ka ng dumating ka ngunit biglang nagbago ang mood mo nang mabasa mo ang agreement. Don't tell me na umaasa kang tototohanin natin ang kasal? Sa tingin mo ba ay magkakagusto ako sa isang probinsiyanang katulad mo?"

Hindi lamang maliliit na karayom ang tila tumusok sa aking dibdib kundi isang matalas na punyal. Pakiramdam ko ay sinaksak ako maraming beses ng matalim na punyal. Sobrang sakit. Sobrang sakit na malaman na lahat ng inaakala ko ay biglang gumuho. Ngunit hindi ko ipapakita sa kanya na nagdurugo ang aking puso. Ayokong bigyan siya ng kasiyahan. Kaya taas ang noo na muli ko siyang kinausap.

"Pumapayag na ako sa gusto mong mangyari. Pipirmahan ko ang marriage contract agreement na iyan," malamig ang boses na sabi ko sa kanya. Ngunit ipinangako ko sa aking sarili na magmula sa araw na ito ay buburahin ko na siya sa aking puso.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status