Share

Chapter 3

Alexa's POV

Nagdidilig ako nang hapong iyon habang nagluluto naman ng aming hapunan si Travis. Natutuwa ako dahil kahit mag-iisang buwan na siya sa bahay ko ay hindi siya nagbabanggit sa akin tungkol sa pag-alis niya sa bahay ko. Naisip ko na marahil ay pareho kami ng nararamdaman ni Travis at hindi rin niya masabi sa akin ang tunay niyang nararamdaman dahil nahihiya siyang aminin sa akin ang nilalaman ng puso niya. Napagdesisyunan kong maghintay na lamang dahil kung pareho nga kami ng nararamdaman ni Travis ay natitiyak ko na hindi magtatagal ay magtatapat din siya ng pag-ibig sa akin. At kapag dumating na ang araw na iyon ay hinding-hindi na ako magpapakipot pa kahit na konti. Sigurado ako sa aking sarili na mahal ko siya at tanggap ko kung anuman ang pagkatao niya. Wala akong pakialam kahit na hindi ko alam ang background ni Travis dahil wala naman siyang nababanggit sa akin tungkol sa bagay na ito. Tila nga iniiwasan pa niya na mapag-usapan namin ang tungkol sa personal niyang buhay kaya hindi na lamang ako nagtatanong sa kanya. Mahal ko siya sa kung ano pa man siya at iyon lamang ang mahalaga sa akin. Bubuo kami ni Travis ng masaya at kumpletong pamilya na kahit kailan ay hindi ko naranasan sa buong buhay ko.

Abala ako sa pangangarap ng gising nang bigla na lamang may magarang kotse na huminto sa tapat ng bahay ko. Hindi ko napigilan ang mapasimangot nang makita ko si Robert. Ang hambog at mayaman kong manliligaw na kahit ilang beses ko nang binasted ay pabalik-balik pa rin sa bahay ko at may dala pa ito na kung anu-anong regalo para sa akin na palagi ko namang tinatanggihan.

"Magandang hapon sa napakagandang babaeng laman palagi ng aking isipan. Ako'y nagagalak sa tuwing masisilayan ko ang iyong mala-anghel na kagandahan," tila makatang bati niya sa akin.

Hindi ko napigilan ang pag-ikot ng aking mga mata. As usual, mukha na naman itong umiilaw na Christmas tree sa dami ng mga gold na burloloy sa katawan. Akala yata niya ay masisilaw ako sa ginto niyang mga alahas kaya kapag pumupunta siya sa bahay ko ay halos isuot na lahat ng mga gintong alahas niya sa kanyang pagmamay-aring pawn shop. 

Si Robert Chua ang masasabing pinakamayaman sa bayan namin sa San Agustin Tarlac. Nagkalat sa bayan namin ang mga pawn shop nito at may-ari rin ito ng ilang gasoline station sa bayan namin. Kaya siguro ganoon na lamang kalakas ang loob niyang manligaw sa akin at alukin ako ng kasal. Iniisip niya marahil na bibigay ako sa mga luhong nakikita ko sa kanya. Ngunit nagkakamali siya kung iniisip niyang ganoong klaseng babae ako. Wala akong pakialam kung mayaman man o mahirap ang isang lalaki as long na gusto ko siya ay tatatanggapin ko siya ng buong puso. Ang mahalaga s kin ay mahal ko siya at mahal din ako ng lalaking mahal ko.

"Ano naman ang ikinaganda ng hapon ko, eh, nakita na naman kita?" masungit kong sagot kay Robert. Ngunit sa halip na ma-offend ito sa sinabi ko ay napangisi pa ito na tila ba hindi ito naniniwala na biglang pumanget ang hapon kl dahil nakita ko siya. Iniisip yata ni Robert na nagpapa-hard to get lamang ako.

"May mga dala akong chocolate para sa'yo, Alexa. Imported pa ito galing Canada. Bigla kasing dumating ang tita ko galing abroad kaya nanguha ako ng mga chocolate para naman makatikim ka ng chocolate na galing sa ibang bansa," nakangising sabi ni Robert sabay abot sa akin ng isang paper bag na may lamang chocolates. "At siyempre ay hindi mawawala ang paborito mong rosas na bulaklak."

Bigla akong napabahing ng sunud-sunod nang inilapit ni Robert ang bulaklak na rosas sa aking mukha. Sa lahat ng mga bulaklak ay sa amoy ng rosas ako nagkakaroon ng allergic reaction. Nababahing ako kapag nakakaamoy ako ng rosas na bulaklak at kapag matagal akong na-expose sa amoy ng rosas ay biglang nag-iiba ang boses ko at pagkatapos ay tila hindi ako makahinga. Hindi ko maintindihan kung bakit ako may allergic sa amoy ng rosas gayong hindi naman matapang ang amoy ng bulaklak na ito. Siguro isa sa mga magulang ko ang may ganitong sakit na naipasa sa akin.

"Ano ba!? Ayoko ng mg rosas dahil allergic ako sa mga bulaklak na iyan!" galit na sigaw ko matapos kong tabigin ng malakas ang kamay niyang may hawak na bulaklak at paper bag. Nabitiwan nito ang mga dala-dala nito at tumapon sa lupa. "Puwede bang huwag ka nang pupunta pa rito, Robert? Sinabi ko naman sa'yo na wala akong gusto sa'yo at wala kang aasahan sa akin. Kahit anong gawin mo ay hindi ako magkakagusto sa'yo kaya puwede bang tantanan mo na ako?"

Hindi gusto na maging harsh sa kanya ngunit ito lamang ang paraan para magising na ito sa katotohanan na wala itong aasahan sa akin. Na kahit ano ang gawin nito ay hindi ko matuturuan ang aking puso na ibigin at gustuhin siya.

"Nag-effort ako na dalhan ka ng mga chocolate at bulaklak pero ito lang ang gagawin mo," mahina ngunit matigas ang boses na wika ni Robert habang pinupulot ang nagkalat na chocolate at bulaklak sa lupa. Tumayo ito matapos pulutin ang mga dala at tinapunan ako ng matalim na tingin. 

"I'm sorry. Hindi ko sinasadyang tabigin ang kamay mo pero allergic talaga ako sa rosas at para na rin tigilan mo na ang panliligaw sa akin dahil wala kang mapapala," paumanhin ko sa kanya. Bigla akong kinabahan sa klase ng pagtitig niya sa akin. Sa loob ng mahigit anim na buwan niyang panunuyo sa akin ay ngayon lamang niya ako tinapunan ng kakaibang tingin. Nakakatakot. Para bang nagbabanta ng panganib ang klase ng tinging ipinupukol niya sa akin.

Napatili ako nang bigla na lamang inihampas ni Robert ang mga bulaklak sa baldeng nasa tabi ko at may laman na tubig. 

"Sinuyo kita ng mahigit na anim na buwan pero hindi mo pa rin ako magawang mahalin? Bakit? Dahil hindi ako kasing-guwapo ng ibang mga lalaki diyan?" nanlilisik ang mga matang pasigaw na tanong niya sa akin.

"Hindi! Dahil hindi ko kayang turuan ang puso ko na mahalin ka. At ilang beses ko na ring sinabi sa'yo na tigilan mo na ang panliligaw mo sa akin dahil wala kang mapapala sa akin pero ayaw mong maniwala," sagot ko na pilit pinaglalabanan ang takot na aking nararamdaman.

"Hindi mo ako magawang mahalin? Puwes! Tuturuan kitang mahalin ako. At sa gagawin ko sa'yo ngayon ay natitiyak ko na ikaw pa ang magmamakaawang pakasalan ko," nakangising wika ni Robert habang nalilisik ang mga mata.

"A-Anong g-gagawin mo?" nauutal na tanong ko sa kanya. Halos manginig na ako sa takot dahil sa sobrang nerbiyos. Bigla akong napaatras nang unti-unting lumapit isa akin Si Robert. Pakiramdam ko ay nag-iba ang paningin ko sa lalaking kaharap ko. Para siyang isang demonyong aso na may sungay at nakahanda akong dambahin anumang oras.

Muli akong napatili nang bigla na lamang niya niyakap at pilit na hinahalikan sa aking mga labi.

"Magiging akin ka, Alexa. Akin ka lamang," tila nababaliw na sambit ni Robert habang inaamoy-amoy ang aking leeg.

"Bitiwan mo ako hayop ka!" galit na sigaw ko. Saka lamang pumasok sa isip ko na may kasama nga pala akong lalaki na nasa loob ng bahay ko. Bakit nga ba nakalimutan si Travis gayong ito ang laman ng aking isip kanina bago dumating si Robert? "Travis! Tulungan mo ako!" malakas kong sigaw para marinig ng lalaking nagluluto sa kusina.

"At sino naman ang lalaking tinatawa—" Hindi na naituloy ni Robert ang sinasabi nito dahil biglang sinalubong ng isang malakas na suntok ang bibig nito. Nabitiwan niya ako at galit na tiningnan ang taong nanuntok sa kanya. "At sino ka namang pakialamero ka? Bakit nasa loob ka ng bahay nang babaeng pakakasalan ko?"nanlilisik ang mga matang tanong ni Robert kay Travis.

Sa halip na sagutin ni Travis ang tanong ni Robert ay muli lamang nitong inundayan ng sunud-sunod na suntok ang lalaki. Malaki ang at batak ang pangangatawan ni Travis kaya walang panama ang puro taba na katawan ng kaaway nito kaya naman bugbog sarado ang inabot ni Robert na hindi nagawang makaganti kahit isang suntok man lang. 

"Huwag na huwag ka ng babalik pa rito!" galit na sigaw ni Travis.  Nagngangalit ang mga ngipin nito habang dinuduro si Robert.

Kahit nanghihina at duguan na ang mukha ay nagawa pa ring makatayo ni Robert at dinuro ron si Travis. "May araw ka rin sa akin! At hindi mo maaagaw sa akin si Alexa dahil akin lamang siya!"

Isang malakas na tadyak sa sikmura ang isinagot ni Travis kay Robert. Hindi pa ito nakuntento at kinaladkad nito palapit sa nakaparadang kotse ni Robert ang lalaki.

"Kapag ginulo mo pa si Alexa ay hindi ako magdadalawang isip na patayin ka. Tandaan mo iyan," mahina ngunit mariing bulong ni Travis kay Robert bago muling binigyan ng isang malakas na suntok sa sikmura ang huli. Napaluhod sa lupa ang aking makulit na manliligaw habang napapaubo. Tila walang nangyari na naglakad si Travis palapit sa akin pagkatapos ay niyakap ako ng mahigpit.

"Travis," uumiyak na gumantia ko ng yakap sa kanya. Sobrang grateful ako na narito sa bahay ko si Travis ngayon. Dahil hindi ko ma-imagine kung ano ang mangyayari sa kanya kung nagkataong wala wala akong kasama sa bahay ngayon.

"Sshh. You're safe now, Aleya. Walang makakapanakit sa'yo hangga't nasa tabi mo ako," pang-aalo niya sa akin habang magaan na hinahaplos ng kanyang kamay ang aking likuran.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status