Share

Chapter 4

Travis POV

Nakaramdam ako ng labis na pag-aalala sa kaligtasan ni Alexa matapos kong malaman mula sa kanya ang tungkol sa pangungulit ng manliligaw niyang si Robert. Nag-aalala ako na baka magtagumpay ang lalaking iyon sa maitim nitong binabalak kay Alexa kapag wala na ako rito. Hindi naman kasi habambuhay akong nakatira sa bahay niya dahil kailangan ko rin bumalik sa lugar kung saan ako nararapat. Noong isang araw lamang ay nakausap ko ang aking kanang kamay at ibinalita nito sa akin ang sitwasyon. Kailangan nang makabalik sa lalong madaling panahon dahil baka pagbalik ko ay wala na ang inaasam kong liderato. Ngunit sa sitwasyon ngayon ni Alexa ay hindi ko maatim na iwan siya. Natitiyak ko babalikan siya ng tarantadong manliligaw niyang iyon.

Kahit mag-iisang buwan pa lamang kaming magkakilala ni Alexa ay nararamdaman ko sa aking puso na may espesyal na pagtingin ako sa kanya. Gusto ko siyang makasama palagi,  alagaan at protektahan. At kahit kailan ay hindi ko ito naramdaman sa kahit na sinong nanging ex-girlfriend ko or even my flings before. Ngunit alam ko na walang patutunguhan ang anumang nararamdaman ko sa kanya kaya ngayon pa lang ay dapat ko nang pigilan ang aking puso. Mabait at sanay si Alexa sa tahimik na buhay samantalang magulo at madugo ang aking mundo. Patunay na itong nangyari sa akin. At kung hindi lamang niya ako natagpuan ay natitiyak kong nasa ilalim na ako ngayon ng lupa at malamang ay inaagnas na.

Kaya ako napunta sa napakalaya na bayang ito dahil binisita ko ang aking lolo. Matapos king bisitahin ang lolo ko ay niyaya ako ng pinsan ko na mag-inuman sa isang bar. Ngunit habang pauwi kami ay hinarang ng mga armadong kalalakihan ang kotse ko. Dahil lasing kaming dalawa ng pinsan ko ay hindi kami nakapanlaban. At saka hindi ko rin inaasahan na susundan ako ng aking kalaban hanggang dito sa probinsiya. Dinala ako ng mga armadong lalaki sa isang abandonadong warehouse at binugbog. Balak nila akong patayin ngunit masuwerteng nakatakas ako sa kanila. Inisip marahil ng mga lalaking iyon na patay na ako dahil hindi na ako gumagalaw. Saglit nila akong iniwan kaya. doon ako nakahanap ng pagkakataon na makatakas. Hindi ko alam kung nasaan ako basta naglakad na lamang ako sa kahit saang direksiyon. Sobrang lakas ng buhos ng ulan na mas lalong nakaragdag sa bigat ng aking katawan. Nang hindi ko na makayanan ang aking nararamdaman ay basta na lamang akong tumimbuwag sa gilid ng kalsada. At doon ako natagpuan ni Alexa na ang akala ko noong una ay isang anghel na bumaba sa langit para sunduin ako. Maamo at napakaganda ng mukha nito nang unang masilayan ko ang kanyang mukha bago ako nawalan muli ng malay. Ngunit nang magising ako mula sa ilang araw na wala akong malay ay natuklasan ko na hindi pala ito isang anghel kundi isang tao. Napakaganda at mukhang anghel na tao. 

May hinala ako kung sino ang nasa likuran ng pagdukot at tangkang pagpatay sa aki ngunit wala akong matibay na ebidensiya kaya wala akong magagawa para panagutin siya sa ginawa sa akin. Ang magagawa ko na lamang ay harapin siya ng mata sa mata at ngipin sa ngipin. Hindi ko soya aatrasan. Hindi ako natatakot sa kanya. Naging pabaya lamang ako at naging kampante kung kaya't nakahanap ang taong iyon ng pagkakataon para pagtangkaan ang aking buhay. Ngunit sinisigurado ko na hinding-hindi na iyon mauulit pa. 

Alexa's POV

"Travis? May problema ba? Sobrang lalim naman yata ng iniisip mo?" biglang tanong ko kay Travis nang makita kong tila malalim ang iniisip niya.

"Pasensiya na, Alexa. Tama ka. Malalim nga ang iniisip ko kaya hindi ko narinig na nagsasalita ka pala," nahihiyang paumanhin ni Travis sa akin. "Ano nga ulit ang sinasabi mo?"

Napahugot naman ako ng malalim na buntong-hininga. It's now or never. Kailangan ko nag tulong ni Travis para lubayan na ako ni Robert and at the same time ay may rason na rin ako para manatili siya sa aking tabi.

"Ang sabi ko ay baka puwedeng magpanggap kang asawa ko para hindi na ako gambalain pa ni Robert," kinakabahang ulit ko sa aking sinabi kanina na hindi narinig ni Travis. Kinakabahan ako dahil baka tanggihan niya ako. "Huwag kang mag-alala dahil hindi naman tayo magiging totoong mag-asa—"

"Pumapayag ako," mabilis na putol ni Travis sa iba pang sasabihin ko sa kanya.

"Ha?" tila wala sa sariling sambit ko. Hindi kl inaasahan na papayag si Travis nang ganoon kabilis.

"Ang sabi ko ay pumapayag ako na magpanggap bilang asawa mo. Ngunit kung sasabihin lang natin sa kanya na asawa mo ako ay tiyak na hindi siya maniniwala sa atin kaya kailangan natin ng patunay na mag-asawa nga tayo. Kailangan nating magpakasal sa huwes, Alexa," seryoso ang mukha na paliwanag ni Travis sa akin na bahagyang napaawang ang bibig. 

Magpapanggap lamang kaming mag-asawa. Iyon lamang ang tanging nasa isip ko ngunit mas magiging malalim pa pala ang magiging ugnayan naming dalawa. May point naman siya. Hindi nga naman basta paniniwalaan ni Robert kapag sinabi ko na asawa ko si Travis kung wala ako patunay na maipapakita rito. Alam naman kasi ni Robert na wala akong nobyo tapos bigla akong magkakaroon ng asawa. Hindi nga naman kapani-paniwala.

"K-Kung iyon ang makakabuting gawin ay papayag akong magpakasal tayo sa huwes," sang-ayon ni ko sa sinabi niya. Wala akong ibang maisip na paraan para lubayan ako ni Robert kaya ang pagpapakasal kay Travis ang pinaka-ipektibong paraan. At isa pa ay mahal ko naman si Travis. Sasamantalahin ko ang pagkakataong ito para matutunan niya akong mahalin.

Sa mga sumunod na araw ay naging busy kaming dalawa sa pag-aasikaso ng aming mga papeles para sa aming kasal. At pagkalipas lamang ng isang Linggo ay nasa harapan na kami ng mayor sa aming bayan at nagpapalitan ng wedding vows. Ang ninong na kinuha namin ay ang doktor na gumamot kay Travis samantalang nagpresentabg maging ninang ang asawa ni Mayor. Kilala niya kasi ako dahil sa aking lolo. Present din sa kasal namin ang pinsan koang si Girlie na hindi makapaniwala sa sobrang bilis ng mga pangyayari.

Ang alam ni Girlie ay wala akong boyfriend tapos bigla na lamang malalaman nito na ikakasal na pala ako sa isang lalaking ni hindi ko nga ipinakilala sa kanya. Ngunit nakikita niyang mahal ko si Travis kaya walang pagtutol na namutawi sa mga labi nito. Malaki na raw ako at nasa tamang edad na kaya alam ko na kung ano ang ginagawa ko. Ang hiling lamang niya sa akin ay hindi ko sana pagsisihan ang mabilisang desisyon kong ito.

"And now, you may kiss the bride," nakangiting pag-aannounce ng mayor.

Kinabahan ako nang hawakan ni Travis ang aking mga balikat at ipinihit paharap sa kanya. Matiim niya akong tinitigan habang unti-unting lumalapit sa aking mukha ang mukha niya. Ipinikit ko ang aking mga mata at hinintay ang paglapat ng mga labi namin ngunit nadismaya ako nang maramdaman kong sa gilid lamang ng aking mga labi dumampi ang kanyang halik. Magaan pa ang halik niya na para bang hangin lamang ang tumama sa aking pisngi.

Hindi ko ipinahalata ang pagkadismayang naramdaman. Ano nga ba naman kasi ang  inaasahan ko mula kay Travis?  Oo nga at tunay ang kasal naming dalawa ngunit sa papel lamang kami magiging mag-asawa at sa mata ng mga tao. Dahil magpapanggap lamang kami na mag-asawa para sa aking kapakanan at kaligtasan.

Pagkatapos ng aming kasal ay dumiretso kami sa isang restaurant para sa konting salu-salo. Hindi rin lang naman kami nagtagal dahil pagkatapos naming kumain ay naghiwa-hiwalay na rin kami. Tanging kami lamang ni Travis ang hindi naghiwalay dahil sa iisang bahay lang naman kami uuwi.

Pagdating namin sa bahay ay nagtaka ako nang makita kong may nakaparadang magarang sasakyan sa tapat ng bahay ko. Inisip kong si Robert iyon ngunit nagkamali ako nang lumabas ang isang lalaking hindi ko kilala.

"Travis!" masayang niyakap ng lalaki ang aking asawa nang bumaba kami sa aking kotse.

"Ano ang ginagawa mo rito, Thor? Paano mo nalaman kung nasaan ako?" nagtatakang tanong ni Travis sa lalaki matapos kumawala sa pagkakayakap nito.

"Hindi na mahalaga iyon, Travis. Ang mahalaga ay kailangan mong makabalik ngayon sa Maynila dahil nasa ospital ang daddy mo at malubha ang kalagayan niya," pagbabalita ng lalaki kay Travis. Nakalarawan sa mukha nito ang labis na pag-aalala.

"Ano ang ibig mong sabihin? Bakit na-ospital si Daddy gayong malakas naman ang kalusugan niya?" agad na tanong ni Travis na lumarawan din sa mukha ang labis na pag-alala.

"Sa daan ko na ipapaliwanag ang lahat, Travis. Umalis na tayo ngayon din," nagmamadaling wika ng lalaking Thor ang pangalan.

Natulala na lamang ako nang walang sabi-sabing sumakay si Travis sa kotse at tila nakalimutan nito ang aking presensiya sa labis na pag-aalala sa kanyang ama. Nang sa wakas ay naalala niya ako ay bigla itong lumabas at niyakap ako ng mahigpit na mahigpit.

"I'm sorry but I have to go. Ngunit ipinapangako ko sa'yo na babalikan kita at isasama sa Maynila. Kaya hintayin mo ako. At mag-iingat ka habang wala ako, okay?" bulong ni Travis sa akin habang yakap niya ako ng mahigpit.

Tumango lamang ako at hindi nagsalita. Pakiramdam ko kasi ay tila may bara sa aking lalamunan kaya hindi ko magawang makapagsalita. Pagkatapos niya akong yakapin ay muli na itong sumakay sa kotse. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng aking mga luha habang tinatanaw ko ang papalayong sasakyan na lulan si Travis. Maghihintay ako sa pagbabalik niya. Naniniwala akong tutupad siya sa ipinangako niya na babalikan niya ako at isasama sa Maynila.

Naghintay ako at hindi nawalan ng pag-asa kahit na umabot na ng isang Linggo ngunit walang Travis na bumalik para kunin ako. Akala ko ay hindi na iyon mangyayari ngunit isang araw ay bigla na lamang may magarang kotse na pumarada sa tapat ng bahay ko. Patakbo akong lumabas ng bahay sa pag-aakalang si Travis ang dumating. Ngunit nadismaya ako  nang makita kong hindi ang aking asawa ang dumating sa halip ay isang lalaking nakasuot ng tila pang-bodyguard na uniform ang dumating at siyang kumausap sa akin.

"Good morning, Miss Montemayor. Ako po si Tirso at isa sa mga tauhan ni Boss Travis. Inutusan niya ako na sunduin kita at isama sa Maynila," magalang na kausap sa akin ng lalaki.

Agad na nabuhayan ang aking loob. Nakaramdam ako ng saya nng malamang pinapasundo ako ni Travis. Sinasabi ko na nga ba at tutupad siya sa ipinangako niya sa akin. Bagama't hindi siya mismo ang bumalik para kunin ako ay okay lang. Naisip kong sobrang busy siguro ito kaya nag-utos na lamang ng tauhan nito para sunduin ako. Sa oras ding iyon ay nag-impake ako ng aking mga damit at sumama kay Tirso papuntang Maynila.

Mahabang oras din ang ibiniyahe namin bago namin narating ang Maynila. Huminto ang kotseng sinasakyan ko sa tapat ng isang napakagandang hotel na mukhang mamahalin.

"D-Dito ba nakatira si Travis?" nahihiyang tanong ko kay Tirso. Pakiramdam ko ay nanliit ako sa aking sarili. Sa mamahaling hotel nakatira ang asawa ko samantalang pinatira ko siya sa maliit kong bahay sa probinsiya.

"Yes, Miss Montemayor. Dito siya nakatira at siya rin ang may-ari ng hotel na ito," mabilis na paliwanag ni Tirso. "Pumasok na tayo at kanina pa naghihintay sa'yo si Boss Travis."

Mas lalo lamang nanliit ang aking pakiramdam habang pumapasok kami sa magarang hotel. Hindi ko akalain na sobrang yaman pala ni Travis. Ngunit hindi iyon ang mahalaga. Ang mahalaga ay muli ko siyang makikita at makakasama. Sobrang miss na miss ko na talaga siya.

Nang makarating kami sa isang magara at maluwang na silid ay biglang lumukso ang aking puso nang makita ko si Travis na nakaupo sa sofa habang naka-de kuwatro ang mga paa. 

"Travis!" halos patakbong nilapitan si Travis na biglang napatayo nang makita naman ako. Ang balak kong pagyakap sa kanya ng mahigpit ay hindi natuloy nang sa halip na mahigpit na yakap ang isalubong ni Travis sa akin ay isang puting folder ang isinalubong niya sa akin. "A-Ano ito, Travis?"

"Our marriage and contract agreement," seryoso ang mukha na sagot ni Travis.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status