Share

The Mafia's Hidden Wife
The Mafia's Hidden Wife
Author: MissD

Chapter 1

Alexa's POV

Mabagal lamang ang patakbo ko sa aking second-hand Honda Civic dahil sa lakas ng ulan at halos zero visibility na ang paligid. Kagagaling ko pa lamang  sa birthday party ng pinsan ko at malalim na ang gabi nang ipinasya kong umuwi sa aking bahay. Ayaw sana akong payagan ni Girlie na umuwi at inalok na sa bahay na lamang nila ako matulog dahil umuulan. Hindi pa naman gaanong malakas ang buhos ng ulan kaya tinanggihan ako ang alok niya na sa bahay nila matulog. Ngunit ilang minuto na lamang ay makakarating na ako sa bahay ko ay biglang bumuhos ang malakas na lakas na tila ba sa dinaraanan ko ibinuhos ang sobrang dami ng tubig-ulan. Ipinasya kong itabi muna sa gilid ng kalsada ang kotse ko at patilain muna saglit ang ulan dahil nag-aalala ako na baka may mabangga akong sasakyan or worst ay sako ang makabangga ng kotse.

Ilang segundo nang nakatabi sa gilid ng kalsada ang aking kotse nang hindi sinasadyang napatingin ako bandang unahan ko. May bahagya akong naaaninag na kung anong bagay na kulay itim sa gilid ng kalsada. Iniisip ko na baka kahoy lamang ito kaya hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin. Ngunit nang tuluyang humina ang buhos ng ulan at nakikita ko na ang buong paligid ay muli akong napasulyap sa naaninag ko kanina. Biglang nanlaki ang aking mga mata nang makita kong bulto pala ng isang tao ang naaninagan ko kanina. Hindi na ako nagdalawang isip at agad na bumaba ako s aking kotse para tulungan ang lalaking nakadapa sa kalsada at tila walang malay.

Lalong nanlaki ang aking mga mata at sinalakay ng matinding kaba ang aking dibdib matapos kong itihaya ang lalaki at nakitang maraming pasa ito sa mukha at katawan. May mga sugat ito sa kaliwang braso na nagdurugo pa. Bigla kong naisip na baka salvage victim ang lalaking ito na basta na lamang itinapon sa gilid ng kalsada nang inaakala ng mga salarin na patay na ang taong ito. Ngunit bigla ring pumasok sa isip ko na baka ang lalaking ito naman ay isang masamang tao.

Hindi naman siguro, kontra ko sa aking isip matapos kong suyurin ng tingina ng nakapikit na estranghero. Hindi naman ito mukhang masamang tao dahil sa katunayan ay maamo ang maliit nitong mukha. Medyo makapal ang kilay nito ngunit sa tingin ko ay bagay lamang dito ang ganoong klaseng kilay lalo na at mahahaba ang pilikmata nito. Matangos ang ilong nito at namumutla ang manipis at tikom nitong mga labi. Mukhang makinis ang maputi nitong balat sa kabila ng maraming pasa at sugat kaya nahuhulaan ko na mula siya sa may kayang pamilya. Sa isang salita ay guwapo ang lalaki kahit na nakapikit ito kaya naisip ko na hindi naman siguro ito masamang tao.

Bakit kapag panget ba ang tao ang ibig sabihin ay masamang tao na at kapag guwapo naman ay imposible na maging masamang tao? tinig mula sa loob ng aking isip na tila kumukontra sa aking naisip tungkol sa lalaki. Malakas kong ipinilig ang aking ulo para maalis ang kung anumang nais na gumulo sa aking isipan at pagkatapos ay pinilit kong maitayo ang lalaki para maisakay ko siya sa aking sasakyan. Malaki ang katawan nito kaya naman hirap na hirap akong maipasok ito sa loob ng kotse. At para akong nagbuhat ng sako-sakong bigas matapos kong maiupo ang estranghero sa likurang upuan ng kotse. Pakiramdam ko ay bigla akong tumanda ng limampung taon dahil nanakit ang aking mga kasu-kasuan sa paghila sa kanya. Nang masiguro ko na maayos ang kalagayan ng lalaki sa upuan ay mabilis kong pinasibad ang aking kotse palayo sa lugar na iyon sa takot na baka bumalik pa ang mga taong nang-salvage sa lalaki at madamay pa ako.

Pagdating ko sa tapat bahay ko ay bumaba ako agad ngunit kinatok ko muna ang doktor kong kapitbahay na ilang metro lamang ang layo mula sa bahay ko. Mabuti na lamang at naroon ito kaya may mahihingan ako ng tulong. Mabilis kong ipinaliwanag sa doktor tungkol sa lalaking natagpuan ko sa gilid ng kalsada pagkatapos ay nagpatulong ako sa kanya na maipasok sa loob ng bahay ko ang lalaki. Pinasuri ko na rin sa doktor ang katawan ng lalaki dahil baka nagtamo ito ng malalang pinsala sa katawan.

"Huwag kang mag-alala dahil ligtas naman ang lalaking natagpuan mo, Alexa. Daplis lang naman ang tama niya sa kaliwang braso kaya malayo pa ito sa bituka. Ngunit kung hindi mo siya agad nakita ay posible siyang mamatay mula sa pagkaubos ng kanyang dugo. Kaya kung sino man ang lalaking iyan ay napakalaki ng utang-na-loob niya sa'yo dahil iniligtas mo ang buhay niya," paliwanag sa aki ng doktor kong kapitbahay.

"Salamat naman at ligtas na siya," nakahingang sambit ko. At least, hindi nasayang ang ginawa kong pagliligtas sa buhay niya. At sana nga lang ay hindi siya masamang tao.

"Hindi na ako magtatagal, Alexa. Hindi na gaanong malakas ang ulan kaya aalis na ako at may duty pa ako sa ospital," paalam ng doktor sa kanya. Bago ito tuluyang umalis ay niresitahan siya ng gamot na dapat niyang bilhin na kailangan niyang ipainom dito kapag nagising ito.

Nang makaalis na ang doktor ay saglit na pinuntahan ko ang lalaking nakahiga sa aking kama. Masyado akong nataranta kaya sa silid ko dinala namin siya s halip na sa dating silid ng namayapa kong lolo. Hindi na basa ang damit nito dahil nabihisan na ito ng doktor. At ang lumang damit ng aking lolo ang ipinasuot ko sa kanya dahil wala naman akong ibang damit pang-lalaki sa bahay ko kundi damit lamang ng aking yumaong abuelo.

Isang taon pa lamang na namamatay ang aking lolo na siyang nagpalaki at nagtaguyod sa akin matapos akong basta na lamang iwan ng aking ina noong anim na taong gulang pa lamang siya. Ang sabi ng aking ina ay mamamalengke lamang ito kaya iiwan niya ako saglit sa aking Lolo Gusting. Naghintay ako sa pagbabalik ni Mama ngunit hindi na niya ako binalikan pa. At sa tagal ng panahon na hindi ko na nakita ang mukha niya ay natitiyak ko na hindi ko na siya makikilala kahit na magkasalubong pa kami sa daan. Ang aking ama naman ay hindi ko kilala maski ang pangalan niya dahil kapag nagtatanong ako noon kay Mama kung sino at nasaan ang ama ko ay pinagagalitan niya ako. Madalas din sabihin sa akin ni Mama na patay na ang aking ama kaya huwag ko na itong hahanapin pa.

Ang Lolo Gusting ko na isang retired teacher ang tumayong ama't ina sa akin. At nang mag-retired na si lolo ay tanging sa pension na lamang niya kami umaasa. Mabuti na nga lang at nakakuha ako ng full scholarship sa school namin kaya hindi na namin pinu-problema ang aking tuition fee. Sa kasalukuyan ay graduating na ako sa senior high school at balak kong hindi muna mag-enrol sa kolehiyo. Magtatrabaho muna ako at mag-iipon pang-tuition fee dahil ang scholarship ko ay hindi na kasali hanggang college. Kaya tipid-tipid muna ako ngayon at saka na lamang ako magpapakasarap at bibilhin ang anumang nais kong bilhin kapag nakatapos na ako sa aking pag-aaral at makahanap ng stable na trabaho. Ngunit kung kailan naman ako nagtitipid ay saka naman dumating sa akin ang gastusin. Tinitipid ko nga ang aking sarili pero heto at gagastos ako para sa ibang tao. Ngunit 'di bale na. Atleast nakatulong ako sa ibang tao. Naniniwala ako na may suwerte rin na darating sa akin balang-araw.

Akmang aalis na ako para bumili ng gamot nang biglang nagmulat ng kanyang mga mata ang lalaki. Agad akong napalapit sa kanya para kausapin siya.

"Kamusta na ang pakiramdam mo? Okay ka na ba?" nakangiting tanong ko sa kanya.

Hindi ako nakaiwas nang bigla na lamang umangat ang dalawang kamay nito at sinapo ang magkabila kong pisngi.

"Am I dead? Sinusundo na ba ako ng isang napakagandang anghel?" mahina ang boses na tanong ng lalaki habang nakatitig sa akin ang abuhin nitong mga mata.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status