Share

Chapter 6

Alexa's POV

Walang kaming imikan ni Travis habang nakasakay kami sa kanyang kotse. Pagkatapos kong mapirmahan ang kontrata kahapon ay ipinahatid niya ako kay Tirso sa magiging unit ko sa hotel na siyang magsisilbing tirahan ko magmula ngayon. Magdamag akong umiyak dahil sa hindi ko inaasahang daratnan ko. Sobrang miss na miss ko si Travis ngunit ibang tao na pala ang aking makikita sa muli naming pagtatagpo. Puro pakitang-tao lang pala ang mga ikinilos niya noong nakatira pa siya sa bahay ko. Pakitang-tao lamang pala para mahulog ako sa kanyang bitag. 

Mabuti na lamang kahit magdamag akong umiyak ay hindi namamaga ang aking mga mata kaya hindi malalaman ni Travis na umiyak ako. Kaninang umaga ay ipinasundo niya ulit ako kay Tirso. Hindi ko siya binati pagpasok ko sa loob ng kotse at nakita ko siyang nakaupo sa passenger seat. Hindi ko rin siya sinagot kahit sinabi niya sa akin na sa ospital kami pupunta para makita ako ng daddy niya. Sinabi niya sa akin kung ano ang mga dapat kong sabihin sa harapan ng kanyang daddy. Puro at tango lamang ang isinagot ko sa kanya. Wala ako sa mood na kausapin siya. Sinaktan niya ako kaya hindi maaaring hindi ako magalit sa kanya. Ngunit hindi ko naman siya puwedeng sumbatan dahil ano naman ang isusumbat ko sa kanya? Na pinaasa lamang niya ako? Hindi niya ako pinaasa kundi pinasakay niya ako sa kabaitang ipinakita niya sa akin.

"Natandaan mo ba ang mga ibinilin ko sa'yo kanina, Alexa?" tanong sa akin ni Travis nang nasa harapan na kami ng silid nang kanyang ama. Sa harapan ng pintuan ay may apat na lalaking armado ang nagbabantay para sa kaligtasan ng ama nito. Gusto sanang magtanong kay Travis dahil hindi ko maintindiham kung bakit kailangan pang may guwardiya na may mga baril sa labas ng silid ng ama niya? May tao bang nagtatangka sa buhay ng ama nito? Ngunit pinagkibit ko na lamang ng aking mga balikat ang tanong na iyon sa halip na isatinig. Tumango na lamang ako bilang sagot sa tanong niya. Tila naman hindi niya nagustuhan ang hindi ko pagsasalita dahil biglang dumilim ang kanyang mukha at naningkit ang kanyang mga mata. "Hindi puwedeng hindi ka magsasalita sa harapan ng daddy ko dahil maghihinala siya na hindi tayo totoong mag-asawa."

"Hindi naman talaga tayo totoong mag-asawa. Pero huwag kang mag-aalala dahil hindi naman maitim ang budhi ko para pasamain ang loob ng iyong amang may sakit," malamig ang boses na sagot ko sa kanya. Gusto kong iparating sa kanya na maitim ang budhi niya dahil sa ginawa niya sa akin. Pinasakay na nga niya ako para mahulog sa bitag niya ay ikinulong pa niya ako ngayon kanyang hotel. Ngunit hindi literal na nakakulong dahil sa pinirmahan kong kontrata ako nakulong.

Hindi ako sinagot ni Travis sa sahalip ay tinitigan lamang niya ako ng mariin. Parang may nais siyang sabihin sa akin ngunit biglang nagbago ang isip at hindi na lamang itinuloy. Kumatok na lamang ito sa pintuan ng tatlong beses.

"Come in," mahina ang boses na sagot ng boses-lalaki mula sa loob ng silid. Agad na binuksan ni Travis ang pintuan at naunang pumasok pagkatapos ay sumunod naman ako.

"Look who is here, Dad," agad na sabi ni Travis habang papalapit sa ama nitong nakahiga sa hospital bed. "Isinama ko ang asawa ko para makilala mo."

Bumakas ang kasiyahan sa hapis na mukha ng matandang lalaking nakahiga. Kahit nahihirapang gumalaw ay pinilit pa rin nitong makaupo sa kama. Tinulungan naman ni Travis ang ama para makaupo ng maayos.

"Nagawa mo,Travis. Totoo nga na may asawa ka na," natutuwang sambit nito habang nakatingin sa akin.

"Siyempre naman, Dad. I will never let you down," mabilis na sagot ni Travis sa tila nagmamalaking tono. Lihim naman akong napaismid sa aking narinig. Ang galing umarte ni Travis. No wonder na mabilis niya akong napaniwala sa kanyang drama dahil kahit ang sarili nitong ama ay kaya rin nitong bilugin ang ulo. "This is Alexa Montemayor, Dad. And Alexa, this handsome oldman is my Dad, Trevor El greeco," pakilala ni Travis sa aming dalawa ng kanyang ama.

"Good morning po, Dad," bati ko sa ama ni Travis pagkatapos ay hinalikan ko siya sa pisngi. "Kamusta po ang pakiramdam ninyo?" magalang kong tanong. 

"Heto at nahihirapang gumalaw dahil kaka-opera ko pa lamang sa aking atay noong isang araw. Pero ngayong nakita ko na ang mukha ng asawa ng anak ko ay ara bang bigla akong lumakas," nakangiting sagot nito. 

Napangiti ako sa kanyang sinabi. Nakikita ko na botong-boto sa akin ang ama ni Travis ngunit hindi ko maiwasang malungkot na lahat ng ito ay palabas lamang at hindi totoo.

"Magpagaling kayo para matagal mong makita ang iyong daughter-in-law, Dad," sabi pa ni Travis sa ama nito pagkatapos ay inakbayan ako at hinila palapit sa kanya. Napipilitang ngumiti ako kahit na ang aking dibdib sa ginagawa naming pagpapanggap. Mukhang mabait kasi ang ama nito kaya ayokong lokohin siya. 

"Sigurado ka bang kasal na kayo?" biglang nagduda ang tingin sa amin ng ama ni Travis. "Baka naman kunwari lamang kayong mag-asawa para makuha—"

"Dad, may marriage certificate kami. Kaso hindi pa lang kami matagal na nagpapakasal at nasa honeymoon stage pa kami pero pinauwi agad ako ni Thor dahil nandito ka nga sa ospital," mabilis na paliwanag ni Travis sa ama nito para mawala ang pagdududa sa mga mata nito. 

"Are you sure? Then kiss Alexa kung talagang tunay kayong mag-asawa," hindi pa rin kumbinsido na sabi ng daddy nito.

Biglang nanigas ang aking katawan nang marinig ko ang sinabi ng dadd ni Travis. Oo nga at gusto kong mahalikan siya dahil mahal ko siya ngunit ganitong hindi naman niya ako mahal ay hindi gugustuhing mahalikan niya. Gusto kong mahal ako ng lalaking magiging first kiss ko.

"Sure, Dad. No problem," mabilis namang sagot ni Travis pagkatapos ay hinarap ako. Tinitigan niya ako ng matiim. Agad kong inalis sa aking balikat ang kanyang braso at nakangiting humakbang palapit sa ama ni Travis.

"Dad, nakakahiya po na gawin iyon dito sa ospital," palusot ko. Baka sakaling sumang-ayon siya sa akin. 

"Ano ba ang nakakahiya, Alexa? Asawa mo naman ang anak ko at tayong tatlo lamang ang nandito sa loob ng silid ko. Hindi naman malalaman at makikita ng mga tao sa labas na hinalikan ka ng anak ko," nakangiting sagot sa akin ng ama ni Travis. Marahil ay iniisip nito na talagang nahihiya lamang akong magpahalik sa anak niya sa harapan nito.

"Pero—" Hindi ko na naituloy ang balak kong pagpoprotesta dahil bigla na lamang akong hinila ni Travis at walang babalang hinalikan ng mariin ang aking mga labi. Nanlaki ang aking mga mata sa labis na pagkabigla at hindi ako nakagalaw habang bahagyang nakaawang naman ang aking mga labi. 

"Don't act like a statue, Alexa. Close your eyes and respond to my kisses,"mahina ang boses ngunit mariin na bulong sa akin ni Travis nang saglit niya akong pakawalan. "Kapag nabuko ni daddy na nagpapanggap lamang tayo ay sinisigurado ko sa'yo na iuuwi kita sa probinsiya mo na pikit ang mga mata at matigas na ang katawan."

Nakaramdm ako ng takot dahil sa sinabi niya. Ang ibig niyang sabihin ay papatayin niya ako sa oras na malaman ng ama niya ang totoo. Kahit tila patalim na humiwa sa aking puso ang sinabi niya ay sinunod ko ang gusto niya. Ipinikit ko ang aking mga mata nang muli niya akong hinalikan at sa pagkakataong ito ay ginantihan ko na ang kanyang halik. Ilang segundo lamang ay tuluyan na akong nagpatangay sa kanyang matamis ngunit mapagkunwaring halik.  

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status