Chapter: Chapter 3Mula sa pagkakahiga sa malamig na lupa ay bigla akong napabalikwas sabay tayo. Hindi ko alam kung nasaan ako at paano ako napunta sa lugar na ito. Inilibot ko ang aking mga mata sa paligid. Tila nasa loob ako ng kuweba. Nakikita ko kasi ang makapal na batong pader sa paligid. Kahit na hindi pa ako nakakapasok sa loob ng kuweba ay ilang beses naman na akong nakapanuod ng ng palabas na may kuweba kaya kahit paano ay may ideya ako kung ano ang hitsura ng mga kuweba sa loob. At ang nakikita ko ngayon ay katulad ng mga napapanuod kong hitsura ng kuweba. Pero ano ang ginagawa ko rito? Sino ang nagdala sa akin dito sa loob ng kuweba?"Bakit ako napunta sa loob ng kuweba? At paano ako napunta sa lugar na ito?" naguguluhang tanong ko sa aking sarili. Ang huling natatandaan ko ay nasa loob lamang ako ng kuwarto ko sa bahay ni Papa. Ngunit bakit nandito na ako nang magising ako? May kumidnap ba sa akin habang natutulog ako sa loob ng kuwarto? May pumasok ba sa loob ng bahay namin at lingid sa ka
Last Updated: 2022-06-08
Chapter: Chapter 2Arra's PovNang makarating kami sa bahay ni Papa ay tahimik lamang akong sumunod sa kanya papasok sa bahay niya na magiging bahay ko na rin magmula ngayon. Hindi gaanong kalakihan ang bahay ni Papa ngunit two-story ito. Malinis naman sa loob at halatadong alaga sa linis. Naisip ko na baka palaging naglilinis ang kanyang asawa kaya malinis ang buong bahay. Hindi ko alam kung anong ugali mayroon ang ipinalit ni Papa sa amin ni Mama ngunit huwag niya akong aapihin dahil hindi ako magpapaapi sa kanya."Pumasok ka na muna sa kuwarto mo, Arra. Ang pangalawang kuwarto ang sa'yo at sa akin naman ang isa. Magpahinga ka na muna at tatawagin na lang kita kapag nakaluto na ako," kausap niya sa akin na para bang close kaming dalawa. Na para bang hindi kami nagkalayo ng maraming taon. Hindi ko alam kung paano niya nagagawang makipag-usap sa akin na parang walang nangyari samantalang ako ay halos hindi ko siya makayang tingnan dahil sa kinikimkim kong galit sa kanya. "Arra? Natutulala ka na naman. A
Last Updated: 2022-06-08
Chapter: Chapter 1Arra's PovMalayang inililipad ang aking buhok ng malakas na hangin na nagmumula sa nakabukas na bintana ng kotse ng aking Papa habang nagbibiyahe kami papunta sa lugar kung saan magsisimula ako ng panibagong buhay kasama ang Papa ko na ilang taon kong hindi nakasama. Malamig man at presko ang hangin sa probinsiya ay hinding-hindi ko ipagpapalit ang mausok at mainit na lugar ng Maynila dahil doon ako lumaki at nagkaisip. Mabigat ang loob ko sa pagsama kay Papa ngunit wala akong magagawa dahil wala naman kaming ibang mga kamag-anak sa Maynila na maaari kong tirahan. Tanging ang mga magulang ko lamang ang aking mga kamag-anakan sa mundo na hindi ko alam kung bakit gano'n. Puwede ba iyon? Wala kang ibang mga kamag-anak sa mundo kahit sabihin pang malayong kamag-anakan man lang? Parang hindi kapani-paniwala pero ganyan ako. Ang sabi sa'kin ni Mama kaya wala kaming kamag-anak dahil parehong nag-iisang anak ng kani-kanilang mga magulang sila ni Papa. Hindi ako kumbinsido sa paliwanag ni Ma
Last Updated: 2022-06-08
Chapter: Chapter 9Alexa's PovIt's my first day sa bago kong school kung saan ako inilipat ni Travis. Sa hitsura pa lamang ng school ay masasabi agad na isa itong mamahaling school. Ni sa panaginip ay hindi ko inaasahan na makakapag-aral ako sa ganitong school. Kapalit naman ng pag-aaral ko sa magandang school ay ang pagkadurog ng aking puso. Ngunit iisipin ko na lamang na ang nangyayaring ito sa akin ay bahagi lanang ng mga pagsubok na pagdaaraanan ko habang tumatanda. Pagsubok na kailangan kong malagpasan. Dahil ang pagsubok na ito ang siyang magpapatibay sa akin."Hihintayin mo pa ba na matapos ang klase ko o babalikan mo na lang ako mamayang hapon?" tanong ko kay Tirso bago lumabas sa kotse."Babalikan na lang kita mamaya, Ma'am. Babalik muna ako sa hotel dahil baka may ipag-utos sa akin si Boss Travis," sagot sa akin ni Tirso. Pagkatapos ko siyabg tanguan ay umalis na rin siya kaagad. Pagkaalis naman ni Tirso ay saka ako naglakad papasok sa gate. Hindi pa ako tuluyang nakakapasok sa gate nang mar
Last Updated: 2022-09-11
Chapter: Chapter 8Alexa's POVNakatulala ako habang nakahiga sa ibabaw ng kama at tumutulo ang luha. Ngayon ay alam ko na kung bakit hindi ako nagawang mahalin ni Travis habang magkasama kami sa iisang bubong noon. Dahil mayroon pala itong napakagandang girlfriend sa katauhan ni Claire Sebastian. Isang model ang babae at madalas ko siyabg nakikita sa cover ng mga magasine. Maganda ito sa cover ngunit hindi ko akalain na mas maganda pala ito sa personal. Para itong manyika na naging tao. Perfect ang mukha nito. Wala akong makitang maipintas sa kanya. Bagay na bagay siña ni Travis. Hindi nga naman magugustuhan ni Travis ang isang probinsiyanang katulad ko. Akala ko ay magagawa ko siyang limutin katulad ng ipinangako ko sa aking sarili nang araw na pumirma ako sa kontrata. Ngunit tila mas lumalalim lang yata ang nararamdaman ko dahil araw-araw ko siyang nakikita."Tumigil ka na, Alexa. Kalimutan mo na ang walang kuwentang lalaking iyon. Bata ka pa at natitiyak ko na maraming pang lalaki na mas nakahihigi
Last Updated: 2022-09-09
Chapter: Chapter 7Alexa's POVMabilis ang mga hakbang ko habang naglalakad papynta sa kotse ni Travis samantalang nasa likuran ko naman ang asawa ko sa papel at madilim ang mukha habang hinahabol ako. Mabilis akong pumasok sa passenger seat at umurong sa sulok ng upuan. Hindi nagtagal ay pumasok na rin si Travis sa pinasukan kong pintuan."Hindi ko gusto ang ginawa mo kanina sa harapan ni Daddy, Alexa. Kung hindi ka agad nakaisip ng palusot ay nabuko na sana tayo kanina," galit na sita sa akin ni Travis pagkapasok niya sa loob ng kotse.Ang tinutukoy niyang ginawa ko ay ang pagtulak ko sa kanya kanina habang hinahalikan niya ako sa harapan ng kanyang ama. Nadala kasi ako sa tamis ng mapagkunwari niyang mga halik kaya muntik ko nang makalimutan na nagpapanggap lamang kami. At nang mahimasmasan ako ay pabigla ko siyang naitulak. Nagtaka ang daddy niya kung bakit ko siya itinulak. Ang sagot ko ay hindi na ako makahinga kaya itinulak ko ang anak niya. Mabuti na lamang at naniwala ito sa aking sinabi at hin
Last Updated: 2022-09-09
Chapter: Chapter 6Alexa's POVWalang kaming imikan ni Travis habang nakasakay kami sa kanyang kotse. Pagkatapos kong mapirmahan ang kontrata kahapon ay ipinahatid niya ako kay Tirso sa magiging unit ko sa hotel na siyang magsisilbing tirahan ko magmula ngayon. Magdamag akong umiyak dahil sa hindi ko inaasahang daratnan ko. Sobrang miss na miss ko si Travis ngunit ibang tao na pala ang aking makikita sa muli naming pagtatagpo. Puro pakitang-tao lang pala ang mga ikinilos niya noong nakatira pa siya sa bahay ko. Pakitang-tao lamang pala para mahulog ako sa kanyang bitag. Mabuti na lamang kahit magdamag akong umiyak ay hindi namamaga ang aking mga mata kaya hindi malalaman ni Travis na umiyak ako. Kaninang umaga ay ipinasundo niya ulit ako kay Tirso. Hindi ko siya binati pagpasok ko sa loob ng kotse at nakita ko siyang nakaupo sa passenger seat. Hindi ko rin siya sinagot kahit sinabi niya sa akin na sa ospital kami pupunta para makita ako ng daddy niya. Sinabi niya sa akin kung ano ang mga dapat kong sab
Last Updated: 2022-09-08
Chapter: Chapter 5Alexa's POVLumarawan ang pagtataka sa aking mukha nang marinig ko ang sinabi ni Travis. Bakit niya ako binibigyan ng ganitong papeles? At saka bakit ganito ang trato niya sa akin? Parang hindi siya masaya na makita ako. Ako lang ba ang nag-iisip na namimis din niya ako?"Ano ang ibig mong sabihin na marriage contract agreement natin?" hindi napigilang tanong ko sa kanya."Nagkapag-aral ka naman kaya natitiyak kong naiintindihan mo kung ano ang ibig sabihin ng marriage contract agreement," matalas ang dila na sagot niya sa akin. Akmang magsasalita ako ngunit inunahan niya ako sa pagsasalita. "Sit down and I will explain to you about the details of this marriage agreement after you read it," parang hari na utos niya sa akin.Kahit nagtataka sa ikinikilos ni Travis ay sinunod ko ang utos niya. Umupo ako sa pang-isahang upuan samantalang bumalik naman ito sa pagkakaupo. Binuksan ko ang folder na isinalubong niya agad sa akin pagdating ko. Napaawang ang bibig ko matapos kong mabasa ang ni
Last Updated: 2022-09-07
Chapter: Chapter 4Travis POVNakaramdam ako ng labis na pag-aalala sa kaligtasan ni Alexa matapos kong malaman mula sa kanya ang tungkol sa pangungulit ng manliligaw niyang si Robert. Nag-aalala ako na baka magtagumpay ang lalaking iyon sa maitim nitong binabalak kay Alexa kapag wala na ako rito. Hindi naman kasi habambuhay akong nakatira sa bahay niya dahil kailangan ko rin bumalik sa lugar kung saan ako nararapat. Noong isang araw lamang ay nakausap ko ang aking kanang kamay at ibinalita nito sa akin ang sitwasyon. Kailangan nang makabalik sa lalong madaling panahon dahil baka pagbalik ko ay wala na ang inaasam kong liderato. Ngunit sa sitwasyon ngayon ni Alexa ay hindi ko maatim na iwan siya. Natitiyak ko babalikan siya ng tarantadong manliligaw niyang iyon.Kahit mag-iisang buwan pa lamang kaming magkakilala ni Alexa ay nararamdaman ko sa aking puso na may espesyal na pagtingin ako sa kanya. Gusto ko siyang makasama palagi, alagaan at protektahan. At kahit kailan ay hindi ko ito naramdaman sa kahi
Last Updated: 2022-08-11