Share

Chapter 3

Author: MissD
last update Huling Na-update: 2022-06-08 17:38:11

Mula sa pagkakahiga sa malamig na lupa ay bigla akong napabalikwas sabay tayo. Hindi ko alam kung nasaan ako at paano ako napunta sa lugar na ito. Inilibot ko ang aking mga mata sa paligid. Tila nasa loob ako ng kuweba. Nakikita ko kasi ang makapal na batong pader sa paligid. Kahit na hindi pa ako nakakapasok sa loob ng kuweba ay ilang beses naman na akong nakapanuod ng ng palabas na may kuweba kaya kahit paano ay may ideya ako kung ano ang hitsura ng mga kuweba sa loob. At ang nakikita ko ngayon ay katulad ng mga napapanuod kong hitsura ng kuweba. Pero ano ang ginagawa ko rito? Sino ang nagdala sa akin dito sa loob ng kuweba?

"Bakit ako napunta sa loob ng kuweba? At paano ako napunta sa lugar na ito?" naguguluhang tanong ko sa aking sarili. Ang huling natatandaan ko ay nasa loob lamang ako ng kuwarto ko sa bahay ni Papa. Ngunit bakit nandito na ako nang magising ako? May kumidnap ba sa akin habang natutulog ako sa loob ng kuwarto? May pumasok ba sa loob ng bahay namin at lingid sa kaalaman ni Papa ay kinuha ako ng kidnapper? Napailing-iling ako. Imposible na kinidnap ako mula sa loob ng aking kuwarto. Kadarating ko lang ngayong araw kaya sino naman ang  magtatangkang kumidnap sa akin? Wala naman akong alam na kaaway.

Sa halip na manatili ako sa kinalalagyan ko ay naglakad ako at sinuri ang loob ng kuweba. Baka sakaling mahanap ko ang lagusan palabas ng kuweba. Ilang minuto na akong naglalakad nang mapansin ko na tila mas napupunta ako sa pinakaloob ng kuweba. At tila walang katapusan ang daan na tinatahak ko. Huminto ako sa paglalakad at nagdesisyong bumalik na lamang sa pinanggalingan ko. Ngunit ilang hakbang pa nga lang ang aking nagagawa nang marinig ko ang tila pagbukas ng isang pintuan mula sa tagilirang bahagi ng kuweba. Napahinto ako at bahagyang napalunok. Ngayon ako nakaramdam ng kaba at wala sa loob na nayakap ko ang aking sarili. Nanlalamig na pala ang aking balat at naninindig ang aking mga balahibo sa magkahalong lamig at takot na nagsisimulang bumangon sa aking dibdib. Paano na lang kung may nagtatagong halimaw sa loob ng kuwebang ito katulad ng mga napapanuod ko sa movie?

"Ano ka ba, Arra? Huwag mo ngang takutin ang sarili mo. Iyan ang napapala mo sa sobrang hilig mong manuod ng mga nakakatakot na palabas," kastigo ko sa aking sarili. Wala akong ibang makausap kaya sarili ko na lamang ang kinakausap ko.

Lumingon ako sa aking kanang tagiliran kung saan ko narinig ang tila pagbubukas ng pintuan. Napakunot ako ng noo nang makita kong may isang silid sa gilid ng batong pader at ito ang biglang bumukas kahit na wala namang taong nagbubukas. Wala rin namang hangin na maaaring magtulak sa pintuan kaya bakit bigla itong bumukas? Lalo tuloy akobg ninerbyos at nanayo ang aking mga balahibo. Mukhang may multo pa yata sa loob ng kuwebang ito.

Kahit na natatakot ay tila hindi ko mapigilan ang aking sarili na maglakad palapit sa nakabukas na pintuan. Para bang may sariling isip ang aking mga paa na kusang hinila ako papunta sa pintuan.

Walang katao-tao sa loob. Medyo nabawasan ang aking kaba nang makita kong wala naman palang tao sa loob. Dahan-dahan akong humakbang papasok sa loob. Napatili ako ng malakas nang eksaktong nakapasok na ako sa loob ay bigla namang nagsarado ang pintuan ng malakas na para bang may tumulak sa pintuan. Mabilis akong lumapit sa pintuan at pinihit ko ang doorknob ngunit kahit anong gawin kong pihit ay hindi ito mabuksan. Tila ba naka-lock ito mula sa labas at tanging mga taong nasa labas lamang ang makakapagbukas ng pintuan. Nahinto ako sa pagpupumilit na buksan ang pintuan nang makarinig ako ng malalim na boses nang isang lalaki at tinatawag ang aking pangalan.

"Arra... Arra..." muling tawag sa akin ng boses. "Lumapit ka sa akin at gisingin mo ako," utos sa akin ng boses-lalaki.

Tila lumaki ang aking ulo nang muli kong marinig ang boses ng lalaki. May kumakausap sa akin ngunit hindi ko naman nakikita.

"S-Sino ka? N-Nasaan ka? M-Magpakita ka sa akin," sagot ko sa lalaki. Nagtatapang-tapangan na ako kahit ang totoo ay nag-uumpisa nang manginig ang aking mga tuhod at para bang lalabas na sa aking dibdib ang aking puso sa sobrang lakas at pagtibok nito.

"Hanapin mo ako, Arra... hanapin mo ako," muling kausap sa akin ng mahiwagang tinig.

Sinundan ko ang mahiwagang tinig at natuklasan ko na may maliit na kanto pala sa dulo ng silid. Binaybay ko ang kuwarto hanggang sa nakarating ako sa isa pang maliit na silid. Maliit na silid sa loob ng maliit na silid? Ang galing naman ng layout nang kuwebang ito, sabi ko sa isip ko. Kahit na natatakot ay hindi ko napigilang mapansin iyon.

Napaawang ang aking mga labi nang makita ko ang isang lalaki na nakahiga sa malapad at bilog na batong umuusok sa lamig. Napapaligiran ng mga may sinding pulang kandila ang bato. Hindi gumagalaw ang apoy kaya ibig sabihin ay walang nakakapasok na hangin sa loob ng kuweba ngunit nakapagtatakang nakakahinga ako.

Nag-aalala ako na baka halimaw ang taong nakahiga at nagpapanggap lamang na tao para linlangin ako kaya nagpasya akong huwag lumapit sa kanya at tumalikod na lamang. Ngunit hindi pa man ako nakakatalikod ay biglang gumalaw ng kusa ang aking mga paa. Tila may sariling isip ang aking mga paa na humakbang palapit sa lalaking nakahiga. Nanlalaki ang mga mata ko habang patuloy na humahakbang ang aking mga paa palapit sa kanya.

Kusang huminto ang aking mga paa nang nasa tapat na ako ng lalaki. Napansin kong guwapo ito. Makapal ang kilay, matangos na ilong ngunit at makinis na balat na sa sobrang kaputian ay para nang ibinabad sa suka. Ngunit kahit maputlang-maputla ang hitsura nito at medyo violet ang kulay ng mga labi ay hindi maikakailang guwapo ito. Mestizo ang anyo nito at hindi mukhang Pilipino. Bakit kaya siya nakahiga sa malamig na bato? Sino ang naglagay sa kanya diyan? Siya ba ang tumawag sa akin kanina?

Hindi ko napigilan ang mapatili ng malakas sa sobrang pagkagulat nang biglang dumilat ang mga mata ng lalaking nakahiga at pagkatapos ay biglang ngumiti ng maluwang sa akin. Kubg guwapo ito kapag nakapikit ang mga mata ay nakakatakot naman ang hitsura nito kapag gising. Namumula ang mga mata nitong nanlalaki at may pangil sa itaas ng bibig nito. Isang realisasyon ang pumasok sa isip ko. Isang bampira ang lalaking nas harapan ko at nakahiga. Dahil sa realisasyong ito ay muli akong napatili ng malakas sa takot at pagkatapos ay mabilis na nagtatakbo palabas ng silid. Mabuti na lamang at nabuksan ko na ang pintuan ng silid kaya agad akong nakalabas. Tumakbo ako ulit pagkalabas ko sa maliit na silid. Hindi ko alam kung saang bahagi ng kuweba ako patungo basta ang mahalaga lamang sa akin ay makalayo sa silid na iyon na may nagtatagong bampira.

Saka lamang ako tumigil sa pagtakbo nang makaramdam ako ng matinding pagod. Hingal na hingal ako at tumutulo ang malamig na pawis sa aking katawan. Nanginginig hindi lamang ang aking mga tuhod kundi ang aking buong katawan. Ito ang unang beses na nakakita ako ng bampira sa personal at masasabi ko na mas nakakatakot pala silang talaga.

"Papa! Tulungan mo ako! Nasaan ka na, Papa? Ilabas mo ako rito?"  sigaw ko ng malakas. Ngunit kahit anong pagsigaw ang gawin ko ay walang sagot mula kay Papa. Paano nga naman niya ako maririnig gayong nasa loob ako ng kuweba?

Biglang nanigas ang aking katawan nang maramdaman ko na tila may tao sa aking likuran.

"Arra... Sa wakas ay ginising mo rin ako," boses ng lalaking narinig ko kanina na malamang ay boses ng bampirang nakahiga sa malamig at malapad na bato.

Bigla namang nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses niyang iyon. Dahan-dahan akong pumihit  para tiyakin na ang lalaking nakahiga sa malapad na bato ang nasa likuran ko ngayon. Muli akong napasigaw ng malakas nang makita kong nakalutang sa hangin ang lalaking bampira. Nandidilat ang kanyang namumulang mga mata habang nakatingin sa akin at nakalabas ang matutulis niyang ngipin mula sa kanyang pagkakangiti. Kahit pakiramdam ko ay gusto ko nang himatayin sa harapan niya ay pinilit ko pa rin ang aking sarili na tumakbo. Sobrang bilis ang ginawa kong pagtakbo para lamang makalayo sa bampira. Hindi ko na nga alintana ang ilang beses kong pagkakadapa sa sobrang takot makalayo lamang. Naiwan ang suot kong sapin sa paa nang muli akong madapa ngunit hindi ko na ito hinagilap sa takot na baka

maabutan niya ako.

Sa aking pagtakbo ay nakarating ako sa isang maliit na silid. Agad ko itong isinarado at ini-lock ang pintuan. Napasandig ako sa hamba ng pintuan at napadausdos dahil pakiramdam ko ay wala nang lakas ang aking mga tuhod. Gusto kong umiyak ngunit tila sa sobrang takot ay ayaw nang lumabas ang aking mga luha.

Mas maliit ang kuwartong napasukan ko ngayon kaysa sa pinasukan ko kanina. Hindi lang pala isa ang silid s loob ng kuwebang ito kundi marami yata. Bigla akong napatayo kasabay ng muling panlalaki ng aking mga mata nang biglang gumalaw ang isang maliit na baul na nakapatong sa isang maduming drawer na s sobrang tagal na yatang naka-imbak ay halos isang dangkal na ang alikabok. Tila may nagbubulong sa akin na huwag matakot at lumapit sa maliit na baul. Saka lamang huminto sa paggalaw ang maliit na baul nang hawakan ko ang ibabaw nito.

"Ouch!"  sambit ko nang tila may sumundot na maliit na bagay sa aking palad. Nang tingnan ko ang palad ko ay may maliit na sugat na tila gawa ng isang maliit na karayom. Bahagya akong napaatras nang bigla na lamang bumukas ang baul na nasa harapan ko. Tumambad sa aking mga mata ang isang punyal na gawa sa kahoy. Dinampot ko ito at sinuri nang makita kong may mga salitang nakasulat sa magkabiñang gilid ng punyal. "Banal na punyal. Punyal ng kamatayan at punyal ng pagkabuhay," basa ko sa mga salitang nakasulat. Ano ang ibig sabihin ng mga salitang ito?

"Arra... hindi mo ako matatakasan. Nakatakda na ikaw ang bubuhay sa akin," narinig ko na naman ang nakakatakot na boses ng lalaking bampira. Nasundan niya ako hanggang dito.

Itinago ko ang punyal sa aking likuran at pinilit ko ang aking sarili na maging matapang nang may usok na itim ang pumasok s aloob ng silid na mula sa ilalim ng pintuan. Unti-unting naging hugis ng lalaking bampira ang usok at pagkatapos ay bigla na lamang lumapit ito sa akin at walang babalang kinagat ang aking leeg. Buong tapang namang sinaksak ko sa dibdib ang bampira habang sumisigaw ng malakas.

"Layuan mo ako! Layuan mo ako!" naghihisteryang sigaw ko.

"Arra! Arra, gumising ka. Nananaginip ka lamang," malakas na yugyog ni Papa sa aking balikat ang nagpagising sa akin.

"Papa?" sambit ko habang nanlalaki ang aking mga mata. Agad akong bumangon sa pagkakahiga sa aking kama at mabilis na sinalat ng aking kamay ang leeg ko. Nakahinga ako nang maluwang nang wala akong nakapang sugat na gawa ng matulis na pangil ng bampira. Salamat sa Diyos at panaginip lamang pala ang lahat ng nangyari.

"Ano ba ang nangyari sa'yo, Arra? Nanaginip ka ba?" tanong ni Papa habang nakalarawan sa mukha niya ang pag-aalala. Tumango lamang ako at hindi sumagot sa kanya. "Ano ba ang napanaginipan mo at mukhang takot na takot ka?"

"Wala," maikling tugon ko sa kanya.

"Sabihin mo sa akin kung ano ang napanaginipan mo para kahit aano ay lumuwag ang pakiramdam mo," pangungulit ni Papa. Hindi ko tuloy napigilan ang aking sarili na mairita sa pangungulit niya.

"Nanaginip ako ng masama. O ayan, sinabi ko na. Masaya ka na?" inis kong sagot sa kanya. "Ikaw ng may kasalanan kung bakit ako nagkakaganito. Magmula nang dumating ako rito ay kung ano-ano nang mga weird ang nararamdaman ko. Bakit ba kasi hindi mo na lamang ako hinayaang manirahan sa Maynila nang mag-isa? Kaya ko naman ang aking sarili kahit wala," hindi ko napigilan ang sumbatan si Papa. Muli na naman kasing nanariwa ang ginawa niyang pang-iiwan sa amin ni Mama.

Napahugot ng malalim na buntong-hininga si Papa bago tumayo. "Bumangon ka na at ngayon ang unang araw ng pasok mo sa bago mong school," mahina ang boses na sabi niya sa akin sa halip na mag-komento sa sinabi ko sa kanya. Tila ba iniiwasan niyang mapag-usapan naming muli ang ginawa niya sa amin.

Hindi ko naman siya gustong bastusin dahil sa kabila ng ginawa niyang pag-iwan sa amin ay ama ko pa rin siya. Ngunit kapag bumabalik sa isip ko ang hirap na pinagdaanan namin ni Mama ay tila nawawala ang respeto ko kay Papa. Gusto ko lang namang marinig mula sa kanyang bibig ang paliwanag kung bakit niya kami nagawang iwan ngunit hindi niya maibigay sa akin ang bagay na iyon. Bakit ba hindi niya masabi-sabi ang dahilan niya? Baka sakaling maintindihan ko at mapatawad siya sakaling malaman ko ang totoo. Ngunit nagmamatigas pa rin siya. Kaya magmatigasan na lamang kaming dalawa.

HINDI ko maiwasang mapanganga nang makita ko ang aking bagong school. Ang laki at lawak ng campus. Napakalaki rin ng mga building at tila ba dinala ako sa ibang panahon. Para akong nasa sinaunang panahon ng mga Kastila. Ito ang naisip ko nang makita ko ang hitsura ng building na bagama't mukhang lupa ay mahahalang matibay ang pagkakagawa. Napapaligiran ng maraning benches ang campus kung saan maaaring maupo at magpahinga ang mga estudyante. Maraming puno at halaman din ang nakatanim sa campus kaya naman mahangin at malamig ang paligid.

"Kaya mo na ba ang sarili mo o sasamahan kitang pumasok sa loob para hanapin ang classroom mo?" tanong sa akin ni Papa kaya nagambala tuloy ang pag-iikot ng aking mga mata sa paligid ng campus.

"Hindi na. Kaya ko ang aking sarili. Sanay akong mag-isa," malamig ang boses na sagot ko sa kanya. Totoo naman ang sinabi ko. Dahil busy si Mama sa paghahanapbuhay kaya mag-isa akong pumapasok sa school kahit unang araw pa lamang ng pasok. Sa kalaunan ay nakasanayan ko na rin dahil alam ko naman kung gaano ka-busy si Mama para samahan pa ako sa school.

"Sige, susunduin na lamang kita mamayang uwian," malungkot ang mukha na sagot ni Papa pagkatapos ay tinalikuran na niya ako at bumalik sa loob ng kotse para umalis dahil papasok din ito sa trabaho nito.

Nang wala na si Papa ay agad na akong pumasok sa loob ng campus. Una kong hinanap ang principal's office para tanungin kung nasaan ang aking classroom. Mabilis ko namang nahanap ang principal's office dahil may naka-drawing na mapa sa bulletin board bilang guide sa bagong pasok na mga estudyante.

Hindi ako nagtagal sa opisina ng prinsipal at agad din akong umalis nang malaman ko kung ano ang pangalan ng section ng magiging room ko. Bumalik ako sa ibaba sa harapan ng bulletin board at tiningnan kung nasaang bahagi ng school ang magiging room ko. Napangiti ako nang makita ko ang room ko sa third floor.

Abala ako sa pagtingin sa pangalan ng mga section na aking nadaraanan nang walang ano-ano ay bigla na lamang may sumagi sa aking braso. Malakas ang pagkakasagi sa akin kaya naman bigla akong napaatras.

"Ano ba?! Hindi ka marunong tu—" Biglang naudlot ang aking sasabihin nang wala naman akong nakitang tao na malapit sa akin na maaaring nakasagi sa akin. Biglang nanayo ang aking mga balahibo. Bakit ba hindi ako nilulubayan ng mga misteryo? Magiging maayos at payapa kaya ang pag-aaral ko sa bagong lugar na nilipatan ko? Bakit pakiramdam ko ay hindi? Dahil ngayon pa lang ay maraming bagay na akong nararamdaman na hindi ko maipaliwanag.

Kaugnay na kabanata

  • THE DIVINE LADY   Chapter 1

    Arra's PovMalayang inililipad ang aking buhok ng malakas na hangin na nagmumula sa nakabukas na bintana ng kotse ng aking Papa habang nagbibiyahe kami papunta sa lugar kung saan magsisimula ako ng panibagong buhay kasama ang Papa ko na ilang taon kong hindi nakasama. Malamig man at presko ang hangin sa probinsiya ay hinding-hindi ko ipagpapalit ang mausok at mainit na lugar ng Maynila dahil doon ako lumaki at nagkaisip. Mabigat ang loob ko sa pagsama kay Papa ngunit wala akong magagawa dahil wala naman kaming ibang mga kamag-anak sa Maynila na maaari kong tirahan. Tanging ang mga magulang ko lamang ang aking mga kamag-anakan sa mundo na hindi ko alam kung bakit gano'n. Puwede ba iyon? Wala kang ibang mga kamag-anak sa mundo kahit sabihin pang malayong kamag-anakan man lang? Parang hindi kapani-paniwala pero ganyan ako. Ang sabi sa'kin ni Mama kaya wala kaming kamag-anak dahil parehong nag-iisang anak ng kani-kanilang mga magulang sila ni Papa. Hindi ako kumbinsido sa paliwanag ni Ma

    Huling Na-update : 2022-06-08
  • THE DIVINE LADY   Chapter 2

    Arra's PovNang makarating kami sa bahay ni Papa ay tahimik lamang akong sumunod sa kanya papasok sa bahay niya na magiging bahay ko na rin magmula ngayon. Hindi gaanong kalakihan ang bahay ni Papa ngunit two-story ito. Malinis naman sa loob at halatadong alaga sa linis. Naisip ko na baka palaging naglilinis ang kanyang asawa kaya malinis ang buong bahay. Hindi ko alam kung anong ugali mayroon ang ipinalit ni Papa sa amin ni Mama ngunit huwag niya akong aapihin dahil hindi ako magpapaapi sa kanya."Pumasok ka na muna sa kuwarto mo, Arra. Ang pangalawang kuwarto ang sa'yo at sa akin naman ang isa. Magpahinga ka na muna at tatawagin na lang kita kapag nakaluto na ako," kausap niya sa akin na para bang close kaming dalawa. Na para bang hindi kami nagkalayo ng maraming taon. Hindi ko alam kung paano niya nagagawang makipag-usap sa akin na parang walang nangyari samantalang ako ay halos hindi ko siya makayang tingnan dahil sa kinikimkim kong galit sa kanya. "Arra? Natutulala ka na naman. A

    Huling Na-update : 2022-06-08

Pinakabagong kabanata

  • THE DIVINE LADY   Chapter 3

    Mula sa pagkakahiga sa malamig na lupa ay bigla akong napabalikwas sabay tayo. Hindi ko alam kung nasaan ako at paano ako napunta sa lugar na ito. Inilibot ko ang aking mga mata sa paligid. Tila nasa loob ako ng kuweba. Nakikita ko kasi ang makapal na batong pader sa paligid. Kahit na hindi pa ako nakakapasok sa loob ng kuweba ay ilang beses naman na akong nakapanuod ng ng palabas na may kuweba kaya kahit paano ay may ideya ako kung ano ang hitsura ng mga kuweba sa loob. At ang nakikita ko ngayon ay katulad ng mga napapanuod kong hitsura ng kuweba. Pero ano ang ginagawa ko rito? Sino ang nagdala sa akin dito sa loob ng kuweba?"Bakit ako napunta sa loob ng kuweba? At paano ako napunta sa lugar na ito?" naguguluhang tanong ko sa aking sarili. Ang huling natatandaan ko ay nasa loob lamang ako ng kuwarto ko sa bahay ni Papa. Ngunit bakit nandito na ako nang magising ako? May kumidnap ba sa akin habang natutulog ako sa loob ng kuwarto? May pumasok ba sa loob ng bahay namin at lingid sa ka

  • THE DIVINE LADY   Chapter 2

    Arra's PovNang makarating kami sa bahay ni Papa ay tahimik lamang akong sumunod sa kanya papasok sa bahay niya na magiging bahay ko na rin magmula ngayon. Hindi gaanong kalakihan ang bahay ni Papa ngunit two-story ito. Malinis naman sa loob at halatadong alaga sa linis. Naisip ko na baka palaging naglilinis ang kanyang asawa kaya malinis ang buong bahay. Hindi ko alam kung anong ugali mayroon ang ipinalit ni Papa sa amin ni Mama ngunit huwag niya akong aapihin dahil hindi ako magpapaapi sa kanya."Pumasok ka na muna sa kuwarto mo, Arra. Ang pangalawang kuwarto ang sa'yo at sa akin naman ang isa. Magpahinga ka na muna at tatawagin na lang kita kapag nakaluto na ako," kausap niya sa akin na para bang close kaming dalawa. Na para bang hindi kami nagkalayo ng maraming taon. Hindi ko alam kung paano niya nagagawang makipag-usap sa akin na parang walang nangyari samantalang ako ay halos hindi ko siya makayang tingnan dahil sa kinikimkim kong galit sa kanya. "Arra? Natutulala ka na naman. A

  • THE DIVINE LADY   Chapter 1

    Arra's PovMalayang inililipad ang aking buhok ng malakas na hangin na nagmumula sa nakabukas na bintana ng kotse ng aking Papa habang nagbibiyahe kami papunta sa lugar kung saan magsisimula ako ng panibagong buhay kasama ang Papa ko na ilang taon kong hindi nakasama. Malamig man at presko ang hangin sa probinsiya ay hinding-hindi ko ipagpapalit ang mausok at mainit na lugar ng Maynila dahil doon ako lumaki at nagkaisip. Mabigat ang loob ko sa pagsama kay Papa ngunit wala akong magagawa dahil wala naman kaming ibang mga kamag-anak sa Maynila na maaari kong tirahan. Tanging ang mga magulang ko lamang ang aking mga kamag-anakan sa mundo na hindi ko alam kung bakit gano'n. Puwede ba iyon? Wala kang ibang mga kamag-anak sa mundo kahit sabihin pang malayong kamag-anakan man lang? Parang hindi kapani-paniwala pero ganyan ako. Ang sabi sa'kin ni Mama kaya wala kaming kamag-anak dahil parehong nag-iisang anak ng kani-kanilang mga magulang sila ni Papa. Hindi ako kumbinsido sa paliwanag ni Ma

DMCA.com Protection Status