Share

THE DIVINE LADY
THE DIVINE LADY
Author: MissD

Chapter 1

Author: MissD
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Arra's Pov

Malayang inililipad ang aking buhok ng malakas na hangin na nagmumula sa nakabukas na bintana ng kotse ng aking Papa habang nagbibiyahe kami papunta sa lugar kung saan magsisimula ako ng panibagong buhay kasama ang Papa ko na ilang taon kong hindi nakasama. Malamig man at presko ang hangin sa probinsiya ay hinding-hindi ko ipagpapalit ang mausok at mainit na lugar ng Maynila dahil doon ako lumaki at nagkaisip.

Mabigat ang loob ko sa pagsama kay Papa ngunit wala akong magagawa dahil wala naman kaming ibang mga kamag-anak sa Maynila na maaari kong tirahan. Tanging ang mga magulang ko lamang ang aking mga kamag-anakan sa mundo na hindi ko alam kung bakit gano'n. Puwede ba iyon? Wala kang ibang mga kamag-anak sa mundo kahit sabihin pang malayong kamag-anakan man lang? Parang hindi kapani-paniwala pero ganyan ako. Ang sabi sa'kin ni Mama kaya wala kaming kamag-anak dahil parehong nag-iisang anak ng kani-kanilang mga magulang sila ni Papa. Hindi ako kumbinsido sa paliwanag ni Mama ngunit wala akong choice kundi ang paniwalaan ang sinabi niya dahil wala naman akong nakikilalang iba na mga kamag-anak namin.

Kung hindi lamang namatay ang Mama ko sa sakit na lung cancer ay hindi ako mapupunta ngayon kay Papa. Five years old pa lamang ako nang maghiwalay ang mga magulang sa kadahilanang hindi ko alam magpa-hanggang ngayon dahil kahit anong pilit kong pag-usisa kay Mama ay nanatiling tikom ang kanyang bibig. Namatay na lamang si Mama ngunit nanatiling sekreto sa akin ang dahilan kung bakit sila naghiwalay. At ngayon ay darating si Papa at basta na lamang akong kinuha upang sa kanya na tumira at malayong probinsiya pa.

Natatandaan ko na malapit kami ni Papa noong bata pa ako. Mahal na mahal niya ako noon ngunit bakit nagawa niyang hindi magpakita sa akin sa loob ng labinlimang taon? Natiis niya ako, kami ni Mama na hindi niya makita kaya naman ang laki ng sama ng loob ko sa kanya ngayon. Gusto kong isumbat sa kanya ang lahat ng laman ng aking dibdib ngunit hindi ko magawang isumbat sa kanya. Mahigpit kasing ipinagbilin sa akin ni Mama bago siya namatay na huwag ko raw sumbatan si Papa dahil wala siyang kasalanan kung bakit sila naghiwalay. At balang-araw ay darating ang panahon na malalaman ko raw ang totoo. Ano ang totoo na sinasabi ni Mama? May inililihim bang malaki sa akin ang mga magulang ko?

"Arra? Kanina pa ako nagsasalita rito ngunit tila hindi ka nakikinig. Ano ba ang iniisip mo, Anak?" malakas ang boses na kausap sa akin ni Papa para marinig ko ang kanyang boses. Sobrang lalim kasi ng iniisip ko kaya hindi ko naririnig na kinakausap niya pala ako.

"Wala po," maikli kong tugon. Magmula nang magkita kami ay kibuin-dili ko siya. Sumasagot lamang ako sa kanyang mga tanong ngunit hindi ako nagkukuwento ng tungkol sa naging buhay namin ni Mama.

"Alam kong maninibago ka sa bago mong kapaligiran, Anak. Ngunit sa umpisa lamang iyan at sa katagalan ay masasanay ka rin."

Anak? Hindi ko mapigilan ang lihim na mapaismid sa kanyang itinawag sa akin. After fifthten years ay ngayon ko na lang ulit narinig sa kanyang mga labi na tinawag niya akong anak. Nakakapanibago. Hindi ako sanay.

Sa halip na sagutin ay tinanguan ko lamang siya at pagkatapos ay muling ibinaling sa labas ng bintana ang aking mga paningin. Narinig ko ang malalim na paghugot niya ng buntong-hininga ngunit hindi ko ito pinansin. Itinuon ko ang atensiyon ko sa mga nakikita ko sa paligid. Napansin ko na nagtataasan ang mga puno na dinadaanan namin at pakiramdam ko ay may mga matang nakatingin sa akin mula sa gubat. Hindi ko maintindihan ngunit bigla akong kinilabutan kaya mabilis kong isinarado ang bintana ng kotse. Nakakatakot naman ang lugar na ito. Parang kami lang yata ang sasakyan na dumaraan. Paano kung bigla na lamang kaming masiraan ng kotse sa nakakatakot na lugar na ito? Sino ang tutulong sa amin? Mamaya niyan ay may mga engkanto pang nakatira sa mga nagtataasang puno na iyan at mapag-tripan kami. Sana hindi na lamang ako sumama sa kanya. Sana ay ipinagpilitan ko na lamang na sa Maynila ako titira dahil kaya ko naman ang sarili ko kahit na mag-isa lamang ako. Nasa dulo na yata kami ng Pilipinas kaya ganito ka remote ang paligid.

"Malayo pa ba tayo?" hindi napigilang tanong ko kay Papa. Sa unang pagkakataon magmula nang magkita kaming muli ay ngayon lamang nangyari na ako ang unang kumausap sa kanya. Hindi ko na kasi matiis hindi magtanong. Para habang tumatagal ay mas lalong napupunta kami sa mas liblib na lugar.

"Huwag kang mag-alala, Arra. Malapit na tayo," nakangiting sagot niya sa akin.

Malapit saan? Sa dulo ng mundo? Gusto ko sanang isatinig iyan ngunit sinarili ko na lamang. Sa harapan ng daan itinutok ko na lamang ang aking paningin. Napapailing ako habang nakatingin sa makitid na daan. One way lang yata ang daan na ito dahil sa sobrang kitid ay hindi magkakasya ang dalawang sasakyan. Bigla akong napatuwid ng upo nang makita kong tila may nakaupo na kung anong bagay sa unahan ng kalsada ilang metro ang layo sa kotse ni Papa.

"Pa, itigil mo ang kotse saglit," kausap ko kay Papa na bagama't nagtaka ay inihimpil pa rin saglit ang kotse sa tabi ng daan.

"Bakit, Arra? May problema ba?" nag-aalalang tanong niya sa akin habang nakakunot ang noo.

"Pa, may tao o hayop yata na nakaharang sa gitna ng daan. Hindi mo ba napapansin? Hayun, o," tanong ko sa kanya sabay turo sa nakita kong nakaharang sa gitna ng.daan na tila nakaupo.

"Saan? Wala naman?" tanong ni Papa na lalong kumunot ang noo. Nang muli kong tingnan kung saan ko nakita ang bagay na iyon ay wala na ito. "Baka inaantok ka lamang dahil s ahaba ng ibiniyahe natin mula sa Maynila hanggang dito sa Dagatnon ay hindi ka man lang umidlip kahit na saglit," sabi ni Papa na naiiling sa akin. Mula niyang pinaandar ang kotse at hanggang sa nakalagpas kami sa kinaroroonan ng nakita ko kanina ay hindi na muling nagpakita ang bagay na iyon. Ngunit nang makalagpas naman kami at nilingon ko ulit kung saan ko nakita ang bagay na iyon ay nakita ko itong muli. Isang malaking aso na tila may isip na nakatingin sa kotse namin habang papalayo. Hindi ko na lamang sinabi kay Papa dahil tiyak na hindi naman siya maniniwala sa aking nakita. Napahugot na lamang ako ng buntong-hininga at pilit na iwinaglit sa aking isip ang nakita kong iyon.

Ipinikit ko ang aking mga mata dahil baka tama si Papa. Baka nga antok lang ako dahil lagi akong puyat nitong mga nakaraang araw dahil sa pagkamatay ni Mama. Ilang minuto pa lamang akong nakakaidlip ay biglang huminto ang kotse ni Papa.

"Bakit tayo huminto, Papa?" nakakunot ang noo na tanong ko sa kanya.

"Hindi ko alam pero saglit lamang at titingnan ko ang makina," mabilis na bumaba si Papa at kinalikot ang makina. Habang nagkakalikot si Papa ng makina ay sinuri ko ang aming paligid. Namangha ako nang makita ko ang isang napakagandang mansion na aking nakikita. Mansion sa gitna ng kagubatan? O baka naman naghahalusinasyon lamang ako. At para makasiguro na hindi hallucination ang aking nakikita ay bumaba ako sa kotse at nilapitan si Papa para tanungin. "Papa, kanino ang mansion na iyan? Bakit dito sa gitna ng kagubatan nakatirik ang mansion na iyan?"

"Mansion iyan ng pamilya, Lark. Isa sila sa pinakamayaman sa lugar na ito," sagot ni Papa kaya hindi lamang halusinasyon ko ang mansion.

Hindi ko alam kung bakit ngunit tila may bumubulong sa akin isip na tumingin sa bintana ng isa sa mga kuwarto ng mansion. Nakabukas iyon ngunit may makapal na kurtina na nakaharang. Hindi ko maintindihan ngunit pakiramdam ko ay may tao sa likuran ng kurtina at nakatitig sa akin. Kinilabutan ako sa pakiramdam na iyon ngunit hindi ko naman magawang alisin ang aking mga mata sa bahaging iyon at para bang nakikipagtitigan ako sa kung sino mang taong nasa likuran ng kurtina.

Mukhang masyado akong nahila sa pagtingin sa bahaging iyon kaya hindi ko namalayan na tapos na pala si Papa sa kanyang ginagawa at ngayon ay kinakausap ako. Pinapaalis niya ako dahil nakasandal ako sa bintana sa tabi ng driver's seat. Kung hindi niya ipinitik ang kanyang daliri ay hindi ako magiging sa tila pagkalunod ko sa pagtitig sa mansion.

"Aalis na po tayo?" nabigla kong tanong kay Papa na nagkaroon ng gatla ang noo aa pagkakatingin sa akin.

"Ano ba ang nangyayari sa'yo, Arra? May dinaramdam ka ba?" may pag-aalala sa boses na tanong ni Papa.

"Wala po," maikli kong tugon bago mabilis na pumasok sa loob ng kotse. Hindi ako sanay na nag-aalala siya sa akin kaya nakaramdam ako ng pagkailang. Nakakailang na marinig na nag-aalala sa'yo ang isang tao na matagal nang hindi nag-aalala sa'yo.

Habang paalis kami sa tapat ng mansion ay hindi ko mapigilan ang aking sarili na muling tapunan ng huling sulyap ang mansion. Naroon pa rin ang pakiramdam ko na may taong nakatingin sa akin sa likuran ng kurtina at ngayon ay sinusundan ng tanaw ang papalayo naming kotse.

Related chapters

  • THE DIVINE LADY   Chapter 2

    Arra's PovNang makarating kami sa bahay ni Papa ay tahimik lamang akong sumunod sa kanya papasok sa bahay niya na magiging bahay ko na rin magmula ngayon. Hindi gaanong kalakihan ang bahay ni Papa ngunit two-story ito. Malinis naman sa loob at halatadong alaga sa linis. Naisip ko na baka palaging naglilinis ang kanyang asawa kaya malinis ang buong bahay. Hindi ko alam kung anong ugali mayroon ang ipinalit ni Papa sa amin ni Mama ngunit huwag niya akong aapihin dahil hindi ako magpapaapi sa kanya."Pumasok ka na muna sa kuwarto mo, Arra. Ang pangalawang kuwarto ang sa'yo at sa akin naman ang isa. Magpahinga ka na muna at tatawagin na lang kita kapag nakaluto na ako," kausap niya sa akin na para bang close kaming dalawa. Na para bang hindi kami nagkalayo ng maraming taon. Hindi ko alam kung paano niya nagagawang makipag-usap sa akin na parang walang nangyari samantalang ako ay halos hindi ko siya makayang tingnan dahil sa kinikimkim kong galit sa kanya. "Arra? Natutulala ka na naman. A

  • THE DIVINE LADY   Chapter 3

    Mula sa pagkakahiga sa malamig na lupa ay bigla akong napabalikwas sabay tayo. Hindi ko alam kung nasaan ako at paano ako napunta sa lugar na ito. Inilibot ko ang aking mga mata sa paligid. Tila nasa loob ako ng kuweba. Nakikita ko kasi ang makapal na batong pader sa paligid. Kahit na hindi pa ako nakakapasok sa loob ng kuweba ay ilang beses naman na akong nakapanuod ng ng palabas na may kuweba kaya kahit paano ay may ideya ako kung ano ang hitsura ng mga kuweba sa loob. At ang nakikita ko ngayon ay katulad ng mga napapanuod kong hitsura ng kuweba. Pero ano ang ginagawa ko rito? Sino ang nagdala sa akin dito sa loob ng kuweba?"Bakit ako napunta sa loob ng kuweba? At paano ako napunta sa lugar na ito?" naguguluhang tanong ko sa aking sarili. Ang huling natatandaan ko ay nasa loob lamang ako ng kuwarto ko sa bahay ni Papa. Ngunit bakit nandito na ako nang magising ako? May kumidnap ba sa akin habang natutulog ako sa loob ng kuwarto? May pumasok ba sa loob ng bahay namin at lingid sa ka

Latest chapter

  • THE DIVINE LADY   Chapter 3

    Mula sa pagkakahiga sa malamig na lupa ay bigla akong napabalikwas sabay tayo. Hindi ko alam kung nasaan ako at paano ako napunta sa lugar na ito. Inilibot ko ang aking mga mata sa paligid. Tila nasa loob ako ng kuweba. Nakikita ko kasi ang makapal na batong pader sa paligid. Kahit na hindi pa ako nakakapasok sa loob ng kuweba ay ilang beses naman na akong nakapanuod ng ng palabas na may kuweba kaya kahit paano ay may ideya ako kung ano ang hitsura ng mga kuweba sa loob. At ang nakikita ko ngayon ay katulad ng mga napapanuod kong hitsura ng kuweba. Pero ano ang ginagawa ko rito? Sino ang nagdala sa akin dito sa loob ng kuweba?"Bakit ako napunta sa loob ng kuweba? At paano ako napunta sa lugar na ito?" naguguluhang tanong ko sa aking sarili. Ang huling natatandaan ko ay nasa loob lamang ako ng kuwarto ko sa bahay ni Papa. Ngunit bakit nandito na ako nang magising ako? May kumidnap ba sa akin habang natutulog ako sa loob ng kuwarto? May pumasok ba sa loob ng bahay namin at lingid sa ka

  • THE DIVINE LADY   Chapter 2

    Arra's PovNang makarating kami sa bahay ni Papa ay tahimik lamang akong sumunod sa kanya papasok sa bahay niya na magiging bahay ko na rin magmula ngayon. Hindi gaanong kalakihan ang bahay ni Papa ngunit two-story ito. Malinis naman sa loob at halatadong alaga sa linis. Naisip ko na baka palaging naglilinis ang kanyang asawa kaya malinis ang buong bahay. Hindi ko alam kung anong ugali mayroon ang ipinalit ni Papa sa amin ni Mama ngunit huwag niya akong aapihin dahil hindi ako magpapaapi sa kanya."Pumasok ka na muna sa kuwarto mo, Arra. Ang pangalawang kuwarto ang sa'yo at sa akin naman ang isa. Magpahinga ka na muna at tatawagin na lang kita kapag nakaluto na ako," kausap niya sa akin na para bang close kaming dalawa. Na para bang hindi kami nagkalayo ng maraming taon. Hindi ko alam kung paano niya nagagawang makipag-usap sa akin na parang walang nangyari samantalang ako ay halos hindi ko siya makayang tingnan dahil sa kinikimkim kong galit sa kanya. "Arra? Natutulala ka na naman. A

  • THE DIVINE LADY   Chapter 1

    Arra's PovMalayang inililipad ang aking buhok ng malakas na hangin na nagmumula sa nakabukas na bintana ng kotse ng aking Papa habang nagbibiyahe kami papunta sa lugar kung saan magsisimula ako ng panibagong buhay kasama ang Papa ko na ilang taon kong hindi nakasama. Malamig man at presko ang hangin sa probinsiya ay hinding-hindi ko ipagpapalit ang mausok at mainit na lugar ng Maynila dahil doon ako lumaki at nagkaisip. Mabigat ang loob ko sa pagsama kay Papa ngunit wala akong magagawa dahil wala naman kaming ibang mga kamag-anak sa Maynila na maaari kong tirahan. Tanging ang mga magulang ko lamang ang aking mga kamag-anakan sa mundo na hindi ko alam kung bakit gano'n. Puwede ba iyon? Wala kang ibang mga kamag-anak sa mundo kahit sabihin pang malayong kamag-anakan man lang? Parang hindi kapani-paniwala pero ganyan ako. Ang sabi sa'kin ni Mama kaya wala kaming kamag-anak dahil parehong nag-iisang anak ng kani-kanilang mga magulang sila ni Papa. Hindi ako kumbinsido sa paliwanag ni Ma

DMCA.com Protection Status