Arra's Pov
Nang makarating kami sa bahay ni Papa ay tahimik lamang akong sumunod sa kanya papasok sa bahay niya na magiging bahay ko na rin magmula ngayon. Hindi gaanong kalakihan ang bahay ni Papa ngunit two-story ito. Malinis naman sa loob at halatadong alaga sa linis. Naisip ko na baka palaging naglilinis ang kanyang asawa kaya malinis ang buong bahay. Hindi ko alam kung anong ugali mayroon ang ipinalit ni Papa sa amin ni Mama ngunit huwag niya akong aapihin dahil hindi ako magpapaapi sa kanya.
"Pumasok ka na muna sa kuwarto mo, Arra. Ang pangalawang kuwarto ang sa'yo at sa akin naman ang isa. Magpahinga ka na muna at tatawagin na lang kita kapag nakaluto na ako," kausap niya sa akin na para bang close kaming dalawa. Na para bang hindi kami nagkalayo ng maraming taon. Hindi ko alam kung paano niya nagagawang makipag-usap sa akin na parang walang nangyari samantalang ako ay halos hindi ko siya makayang tingnan dahil sa kinikimkim kong galit sa kanya. "Arra? Natutulala ka na naman. Ang sabi ko ay magpahinga ka na muna doon sa magiging silid mo at tatawagin na lang kita pagkatapos kong magluto."
"Bakit ikaw ang magluluto? Hindi ka ba ipinagluluto ng babaeng ipinalit mo sa amin ni Mama?" hindi ko napigilang tanong sa kanya. Nabigla si Papa sa sinabi ko at matagal na napatitig sa akin bago nakuhang magsalita."Wala akong asawa, Arra. Hindi ako nag-asawa nang iniwan ko kayo ng Mama mo," malungkot na sagot niya sa akin. Ako naman ng hindi agad na nakapagsalita at napatitig sa kanya ng matagal. Hindi naman pala siya nag-asawa pero bakit iniwan niya kami ni Mama? Bakit natiis niya na hindi kami makita nang maraming taon? Bakit saka lamang siya nagpakita nang mamatay si Mama?
"Ano ang dahilan mo at iniwan mo kami ni Mama kung ganitong wala naman palang asawa, Papa? Buong buhay ko ay inisip ko na iniwan mo kami dahil may ibang babae ka at pinili mo siya kaysa sa amin. Buong buhay ko ay nangulila ako sa pagmamahal ng isang ama. Bakit natiis mo kami ni Mama na hindi makita, Papa? Bakit?" hindi ko mapigilan ang mapaiyak habang tinatanong siya ng mga katanungan na matagal ko nang gustong itanong sa kanya.Kahit nangako ako kay Mama ni hindi ko susumbatan si Papa ay hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko na sumbatan siya lalo pa at nalaman ko na wala naman pala siyang ibang babae. Na hindi naman pala niya kami ipinagpalit sa ibang babae katulad ng inisip ko. Ngunit mas lalo lamang gumiit sa isip ko ang katanungan kong bakit niya kami iniwan.
"Patawad, Anak. Ngunit hindi ko pa masasagot ang mga katanungan mong iyan. Hindi pa ito ang tamang panahon para malaman mo ang lahat," sagot sa akin ni Papa. Umangat ang isang kamay niya para pahirin ang aking mga luha ngunit umatras ako."Ano'ng katotohananan, Pa? Ano ba ang itinatago ninyo ni Mama sa akin? Kailan ba ang tamang panahon para malaman ko ang sinasabi mong katotohanan? Kung patay ka na rin katulad ni Mama?" hindi ko napigilan ang pagtaas ng aking boses. Lihim na lamang akong humihingi ng sorry kay Mama na tinatrato ko si Papa ng ganito. Ngunit hindi nila ako masisisi kung bakit ako nagkakaganito dahil parehong kasalanan nila. Dahil mukhang pati si Mama ay alam ang dahilan kung bakit kami basta na lamang iniwan ni Papa."Patawarin mo ako, Anak. Patawarin mo ako sa ginawa kong pag-iwan sa inyo ng mama mo. Ngunit alam ng mama mo kung gaano kasakit sa akin na iwan kayo. Pero wala akong magagawa dahil kailangan kong gawin iyon. Ngunit sana ay bigyan mo ako ng pagkakataon na mapalapit sa'yo. Na mahalin ka at magampanan ko ang aking pagiging ama na hindi ko nagampanan sa loob ng nakahabang panahon," nakikiusap ang tono ng boses ni Papa at ramdam ko ang paghihirap ng kanyang kalooban ngunit hindi ko magawang maawa sa kanya. Dahil galit ang nararamdaman ko ngayon para sa kanya."Bigyan kita ng chance para mapalapit sa akin at magampanan mo ang pagiging ama mo?" bahagya akong napangiti ng mapait sa kanyang sinabi pagkatapos ay biglang tumigas ang aking anyo. "Magkakaroon lamang kayo ng chance na mapalapit sa akin kapag sinabi mo sa akin kung ano ba ang itinatago ninyong lihim na hindi mo masabi-sabi sa akin."
"Ang masasabi ko lamang ay hindi pa ito ang tamang panahon para malaman mo ang lahat, Arra. At kapag dumating na ang araw na iyon ay sana matanggap mo ang lahat ng malalaman mo,"nagsusumamo ang mukha na sabi sa akin ni Papa. Sa kanyang mga sinabi ay mas lalo lamang akong naguluhan kung ano ba ang lihim na sinasabi ni Papa at hindi niya ito masabi-sabi sa akin.
"Paano ko matatanggap ang lahat kung puro lamang kayo ganyan at ayaw sabihin sa akin ang itinatago mong sekreto?" nahihirapan kong tanong kay Papa. Nang iling lamang ang isinagot niya sa akin ay mabilis akong umakyat patungo sa kuwartong itinuro niya na magiging silid ko at nagkulong. Agad akong nagtungo sa tapat ng bukas na bintana at lumanghap ng sariwang hangin para mabawasan ang nagsisikip kong dibdib. Wala sa loob na napatingin ako sa malaki at bilog na bilog na buwan. Pakiramdam ko ay dinadamayan ako ng buwan sa kalungkutang nararamdaman ko ngayon.Nakatitig ako sa buwan nang makita ko sa gilid ng aking mga mata ang paggalaw ng isang bagay na nasa labas ng bakuran namin. Nang gumalaw ang buwan at nasinagan ng araw ang bagay na gumalaw na aking nakita ay natuklasan kong isa pala itong malaking aso na nakaupo at nakatingin sa akin. Kinilabutan ako nang magtagpo ang aking paningin at ang tila kumikinang na silver na mga mata ng aso. Sa takot ko ay bigla kong naisara ang bintana pati na rin ang kurtina at nahiga na lamang sa aking kama. Ngunit hindi mawala sa isip ko ang aking nakita. Para bang isip ang aso habang nakikipagtitigan sa akin. Ang weird at ang creepy! Bakit ba ang dami kong nararamdaman na kakaibang bagay sa lugar na ito? Mukhang nagkamali ako sa desisyon ko na sumama rito kay Papa.
Mula sa pagkakahiga sa malamig na lupa ay bigla akong napabalikwas sabay tayo. Hindi ko alam kung nasaan ako at paano ako napunta sa lugar na ito. Inilibot ko ang aking mga mata sa paligid. Tila nasa loob ako ng kuweba. Nakikita ko kasi ang makapal na batong pader sa paligid. Kahit na hindi pa ako nakakapasok sa loob ng kuweba ay ilang beses naman na akong nakapanuod ng ng palabas na may kuweba kaya kahit paano ay may ideya ako kung ano ang hitsura ng mga kuweba sa loob. At ang nakikita ko ngayon ay katulad ng mga napapanuod kong hitsura ng kuweba. Pero ano ang ginagawa ko rito? Sino ang nagdala sa akin dito sa loob ng kuweba?"Bakit ako napunta sa loob ng kuweba? At paano ako napunta sa lugar na ito?" naguguluhang tanong ko sa aking sarili. Ang huling natatandaan ko ay nasa loob lamang ako ng kuwarto ko sa bahay ni Papa. Ngunit bakit nandito na ako nang magising ako? May kumidnap ba sa akin habang natutulog ako sa loob ng kuwarto? May pumasok ba sa loob ng bahay namin at lingid sa ka
Arra's PovMalayang inililipad ang aking buhok ng malakas na hangin na nagmumula sa nakabukas na bintana ng kotse ng aking Papa habang nagbibiyahe kami papunta sa lugar kung saan magsisimula ako ng panibagong buhay kasama ang Papa ko na ilang taon kong hindi nakasama. Malamig man at presko ang hangin sa probinsiya ay hinding-hindi ko ipagpapalit ang mausok at mainit na lugar ng Maynila dahil doon ako lumaki at nagkaisip. Mabigat ang loob ko sa pagsama kay Papa ngunit wala akong magagawa dahil wala naman kaming ibang mga kamag-anak sa Maynila na maaari kong tirahan. Tanging ang mga magulang ko lamang ang aking mga kamag-anakan sa mundo na hindi ko alam kung bakit gano'n. Puwede ba iyon? Wala kang ibang mga kamag-anak sa mundo kahit sabihin pang malayong kamag-anakan man lang? Parang hindi kapani-paniwala pero ganyan ako. Ang sabi sa'kin ni Mama kaya wala kaming kamag-anak dahil parehong nag-iisang anak ng kani-kanilang mga magulang sila ni Papa. Hindi ako kumbinsido sa paliwanag ni Ma

Arra's PovNang makarating kami sa bahay ni Papa ay tahimik lamang akong sumunod sa kanya papasok sa bahay niya na magiging bahay ko na rin magmula ngayon. Hindi gaanong kalakihan ang bahay ni Papa ngunit two-story ito. Malinis naman sa loob at halatadong alaga sa linis. Naisip ko na baka palaging naglilinis ang kanyang asawa kaya malinis ang buong bahay. Hindi ko alam kung anong ugali mayroon ang ipinalit ni Papa sa amin ni Mama ngunit huwag niya akong aapihin dahil hindi ako magpapaapi sa kanya."Pumasok ka na muna sa kuwarto mo, Arra. Ang pangalawang kuwarto ang sa'yo at sa akin naman ang isa. Magpahinga ka na muna at tatawagin na lang kita kapag nakaluto na ako," kausap niya sa akin na para bang close kaming dalawa. Na para bang hindi kami nagkalayo ng maraming taon. Hindi ko alam kung paano niya nagagawang makipag-usap sa akin na parang walang nangyari samantalang ako ay halos hindi ko siya makayang tingnan dahil sa kinikimkim kong galit sa kanya. "Arra? Natutulala ka na naman. A