Nagising dahil sa liwanag si Elaine. Bumungad sa kaniya ang puting kisame na agad niyang ikinabangon.
“Anak, gising ka na pala. Mabuti naman, ang akala ko ay mawawala ka sa akin,” wika ng kaniyang ama. Agad itong lumapit sa kaniya upang yumakap. Nasa tabi nito si Kaizer na ngumiti sa kaniya, mukhang alam na nito ang nangyari sa kanila ni Louis.
“A-Ayos lang po ako. Nasaan po si Louis?” tanong niya, ngunit nagkatinginan lamang sina Kaizer at ang kaniyang ama na parang walang gustong sumagot sa tanong niya.
“A-Ama?” pagtawag niya kay Mr. Natividad, ngunit ngumiti lang ito sa kaniya at hinawakan siya sa kaniyang ulo.
“Anak, mas mabuti kung magpahinga ka muna. Ang bilin ng nurse ay huwag ka raw munang masyadong gumalaw lalo na at nakaka-trauma ang mga nangyari sa ’yo,” sagot sa kaniya ni Mr. Natividad, ngunit hindi niya kayang magpahinga hangga’t hindi siya nakasisigurado na ayos lamang si Louis. Ito ang dahilan kung bakit buhay pa siya. Nais niyang pasalamatan ang binata.
“Pero, Ama, gusto ko siyang makita. Ayos lang ba ang kalagayan niya? Sabihin ninyo sa akin!” nagpapa-panic na tanong ni Elaine habang dahan-dahang sinusubukan na umalis sa kama. Kaya lang ay pinipigilan siya ng kaniyang ama.
“Anak, magpahinga ka muna. Ayos lang si Louis. Siguradong magagalit siya kapag pinuwersa mo ang sarili mo na makita siya,” sambit ng ama niya hanggang sa lumapit sa kaniya si Kaizer upang pakalmahin siya.
“Shhh, Elaine. Matagal mamatay ang masamang damo kaya chill ka lang,” wika ni Kaizer at ngumiti sa kaniya ang binata, ngunit nagulat sila nang bigla siyang sampalin ng dalaga.
“Tao pa rin si Louis!” sigaw ni Elaine. Agad niyang na-realize kung ano ang nagawa niya kaya agad siyang napayuko at humingi ng pasensya sa binata.
“Pasensya na, masyado lang ako nag-aalala kay Louis. N-Napahamak kasi siya dahil sa akin,” nauutal na wika ng dalaga at nagsimulang umiyak. Kaagad naman siyang niyakap ni Kaizer upang pakalmahin. Siguradong na-trauma ang dalaga dahil sa nangyari at wala man lang siya roon upang ipagtanggol ito.
Hindi nagtagal ay nakatulog ang dalaga habang nasa bisig ito ni Kaizer. Dahan-dahan niya itong ibinaba sa kama upang kausapin si Mr. Natividad.
“Mukhang masyado itong nagpa-trauma kay Elaine. May nangyari na bang ganito sa kaniya noon?” tanong niya sa ama ng dalaga upang siguraduhin kung tama ang nakalap niyang impormasyon tungkol sa past ng dalaga. Ang pagkakaalam niya kasi ay may psychiatrist na pinupuntahan sina Elaine at Mr. Natividad upang magamot ang kalagayan ng dalaga.
Sobrang interesado kasi siya sa dalaga kaya pinaimbestigahan niya ito. Doon niya rin nalaman na ganoon din pala ang ginagawang hakbang ni Louis. Kaya bago pa man makarating ang mga impormasyon sa binata ay tinakot niya na agad ang imbestigador. Sa totoo lang ay dapat kukuhanin niya ang pinsan niyang si Lucas upang ito ang mag-imbestiga sa dalaga dahil isa itong private detective, ngunit nasa misyon pala ang binata kaya wala siyang nagawa kundi kumuha na lang ng ibang mag-iimbestiga.
“Ano pa nga ba ang maitatago ko sa ’yo, hijo? Ikaw ang lubos na pinagkakatiwalaan ko pagdating sa aking dalaga,” sambit ng matanda. Dahan-dahan nitong pinihit ang pintuan upang senyasan si Kaizer na sa labas sila mag-usap tungkol sa bagay na iyon dahil baka marinig ito ni Elaine.
Kumuha ng sampung piso ang binata at inihulog ito sa vending machine upang bigyan ng kape ang matanda. Naupo sila sa upuan na nakapuwesto sa harap ng silid ng dalaga.
“Sa totoo lang ay hindi ko gustong maikasal ang anak ko kay Louis Montemayor dahil sa estado nito sa buhay,” pag-uumpisa ni Mr. Natividad habang humihigop ng kape. Nakikita nila ang bawat dumadaan na tao na may kaniya-kaniyang mundo. Mayroong mga nakikinig ng musika sa earphones habang ang iba naman ay may dalang bulaklak at prutas upang ibigay sa taong dadalawin nila.
Kumuha ng isang stick ng sigarilyo ang matanda at nagsimula itong sindihan, habang ang papel na baso niya ay ibinaba nito sa isang upuan na nakapagitna sa kanila ni Kaizer.
“Pero wala na akong magagawa sa bagay na ’yon kundi magtiwala sa pamilyang Montemayor dahil ito ang hiniling sa akin ng asawa kong si Serena,” pagpapatuloy niya. Matiim namang nakikinig si Kaizer dahil interesado siya sa kung anong buhay mayroon ang dalaga at ang pamilya nito bago niya ito makilala.
“Isinama niya si Elaine noong pitong taon pa lamang siya para makita ng kaniyang kapatid. Ang sabi nito ay handa na itong talikuran ang ama nila upang matapos na ang illegal na ginagawa nito. Kaya lang, ang bumalik na lang sa akin ay ang anak ko na may bahid ng dugo sa damit at hindi na nagsasalita. Ang masiyahin kong anak na laging nakangiti ay lagi na lamang tulala at hindi na makausap. Kaya nang ipahanap namin si Serena ay nakita itong wala nang buhay. Nakumpirma rin namin na ang dugo na nasa damit ng aking anak ay sa kaniyang ina kaya hindi na ako nagdalawang-isip na dalhin siya sa hospital upang ipagamot. Ang sinabi lang sa amin ng doctor ay pumunta kami sa isang psychiatrist dahil masyadong na-trauma si Elaine,” detalyadong pagkukuwento ni Mr. Natividad na nakakadalawang sigarilyo na. Ito lang kasi ang tanging bagay na nagpapakalma sa kaniya sa tuwing naaalala niya ang nangyari sa mag-ina niya.
“Bakit hindi kayo humingi ng tulong kay Tito Izaak? Siguradong matutulungan niya kayo na mahuli ang kapatid asawa ninyo at mabayaran ang bills ni Elaine,” tanong ni Kaizer. Kung alam na pala ng matanda ang tungkol sa kasunduan nina Izaak at ng kaniyang asawa ay bakit hindi ito humingi ng tulong?
“Dahil gusto kong ilayo ang anak ko sa buhay mafia!” singhal ni Mr. Natividad na ikinatigil ng binata. Masyadong nakatatakot ang aura nito kapag nagagalit.
“Hindi mo ba naiintindihan na habang malapit sa Montemayor ang anak ko ay hindi mawawala ang ganitong sitwasyon sa kaniya? Kaya hindi ko pinansin ang sinabi ng asawa ko at inilayo ang anak ko, pero natunton pa rin siya ni Izaak,” seryosong wika ni Mr. Natividad at ininom ang kape na ngayon ay malamig na dahil sa haba ng kuwentuhan nila.
Hindi pa rin sapat ang mga impormasyon na sinabi ng ama ni Elaine, ngunit isa lang ang sigurado niya at iyon ay hindi dapat malaman ni Louis ang sinabi ni Mr. Natividad dahil magbabago ang tingin nito sa dalaga.
“Kung wala ka nang gustong malaman ay pumasok na tayo sa silid ng aking dalaga,” wika ni Mr. Natividad. Pinigilan siya ni Kaizer nang makita ang babaeng kapatid niya kasama ang pinsan nila na kumakaway sa kaniya.
Ano ang ginagawa nila rito? Ang alam niya kasi ay nasa ibang bansa ang mga ito upang mag-aral, pero bakit bigla itong napadpad sa Pilipinas? Ang nakagugulat pa ay hindi man lang nito sinabi sa kaniya na uuwi pala ito.
“Mauna ka na po pala, Tito, wala na rin po ako gustong itanong,” sambit niya na ikinatango nito. Nilapitan naman niya sina Alexa at Juliana na nakasuot pa ng red dress na parang may pupuntahan na party.
“At ano sa tingin ninyo ang suot n’yo? Kapag hindi pa kayo nagpalit ngayon sa pinakamalapit na CR, parehas ko kayong iuuwi kay Tita Serendipity!” pananakot ni Kaizer na agad namang ikinatingin nang masama sa kaniya ng dalawa. Pinaghandaan pa naman nila ang okasyon ngayon at sobrang ginandahan nila ang venue kung saan nila balak sopresahin si Elaine, ngunit nasira ang bagay na ito nang maka-receive sila ng tawag na sa hospital na pagmamay-ari na lamang ng Tito Alexander nila gaganapin ang surprise dahil may nangyaring masama kay Louis.
“Jusko naman, this is so expensive kaya and very bagay to me. Panira ka talaga, Kuya Kaizer!” pagtataray na wika ni Alexa habang umiirap-irap pa kay Kaizer.
“Ay naku, you’re lagot kaya ’pag nalaman ni Tita Serendipity na you’re dressed like that,” pang-aasar ng binata habang ginagaya pa ang tono ng pagsasalita ni Alexa na agad nitong ikina-pout.
“Tse! Tara na nga, Juliana. Let’s change our clothes before Kuya Kaizer tells it to Mom,” sambit nito at pasimpleng pinandilatan ng mata ang binata na ikinatawa na lamang nito. Kahit kailan talaga ay parang isip-bata pa rin ang pinsan niyang si Alexa. Masyado kasi itong na-spoil ng tita nilang si Serendipity dahil nag-iisang babae ito sa magkakapatid.
Napasapo na lamang si Kaizer ng noo noong maalala na nakalimutan niyang itanong kung bakit nasa Pilipinas ang mga ito. Mukhang tumakas na naman ang dalawa upang maglakwatsa, katulad noong huling makita niya ang mga ito na nasa isang party na saktong naimbintahan siya ng isa sa kaniyang flings. Tinawagan pa nga niya ang Tita Serendipity niya upang itanong kung kailan pa umuwi sina Alexa, ngunit hindi pala nito alam na nasa Pilipinas ang dalawa at nag-cut ng klase upang makapunta lang sa isang party.
Kaya simula noon, mahigpit na ang security sa bawat airport dahil ipinag-utos ito ng kaniyang tita dahil lagi daw nakatatakas ang dalawa at hindi na pumapasok sa klase.
Mga ilang minuto pa ay lumabas na ang dalawa mula sa pinakamalapit na CR. Nakasuot na ang mga ito ng crop top na p-in-artner-an ng cargo pants.
“Ang tagal n’yo namang magbihis,” reklamo ni Kaizer na kanina pa naiinip sa paghihintay sa kanilang dalawa na lumabas.
“Sino ba kasing nagsabi sa ’yo, Kuya, na hintayin mo kami?” pilosopong tanong ni Juliana na agad ikinatawa ni Alexa at nakipag-apir pa sa kaniya.
Kaagad naman inilabas ni Kaizer ang cellphone at kunwaring tatawagan ang tita nila nang pigilan siya ng dalawa. “Joke lang naman, kuya naming guwapo,” panunuyo ng dalawa sa kaniya. Kaagad naman niyang itinago ang cellphone at nagsimulang magtanong sa dalawa.
“Bakit ba nandito kayong dalawa?” tanong niya. Nagsimula naman silang maglakad patungo sa silid ni Louis.
“Hindi kami tumakas, duh. Napag-utusan lang kami ni Kuya Louis na dalhin ang pinakamahal na aso at pusa sa buong mundo,” wika ni Juliana habang tinatawagan ang nirentahan nilang mga tao na mag-aayos ng mga balloon at pa-suprise. Hindi naman sinabi ni Louis na gagawin nila ang bagay na iyon, pero gusto nilang maging romantic ang pagbibigay nila ng regalo sa babaeng bumihag sa puso ng pinsan nila.
“Where na ba kasi ’yong room ni Kuya Louis?” reklamo ni Alexa dahil masakit na ang mga paa niya sa suot na heels. Sinabi kasi sa kaniya ni Juliana na huwag na iyon ang isuot, pero nagpumilit pa rin ito kaya ngayon ay nahihirapan na.
“At bakit naman kayo inutusan ni Louis na bilhin ang pinakamahal na aso at pusa? Kanino raw niya ibibigay?” tanong ni Kaizer. Alam niya na ang sagot, pero gusto niyang makasigurado kung para kanino ang pinahandang suprise ng binata.
“Kaya nga kami pupunta sa kuwarto niya kasi hindi namin alam kung para kanino. Ni hindi nga niya sinabi sa amin sa cellphone,” pagrereklamo ni Juliana. Iyon kasi ang pinakamalaki nilang problema kaya hindi nila napalagyan ng pangalan ’yong cake at balloons.
“Tss, come here, Alexa. I will carry you,” sambit ni Kaizer nang makitang hindi na makalakad ang pinsan. Agad naman itong sumakay sa likuran niya dahil hindi na rin nito kayang maglakad.
“Sa susunod kasi ay magdala ka ng spare shoes,” pangaral ng binata na ikinatango na lamang nito.
Nang makita nila ang room ni Louis ay agad itong binuksan ni Kaizer. Tumambad sa kanila ang binata na mahimbing ang tulog habang nakabantay naman ang tatlong alagad nito sa kaniya.
“P*ta, pre. Nandito ka na pala, akala ko hindi magiging successful ang operasyon ni bossing, pero ayos naman. Alam mo naman kapag masamang damo, matagal mamatay,” sambit ni Volstrige at lumapit kay Kaizer. Nang makita nito si Alexa ay agad itong nagpakilala.
“Hanep ka, may bago ka na namang fling at dinala mo pa kay bossing. Inamo!” sigaw nito sa kaniya. Sinapak niya lamang ito at sinenyasan sina Brennon at Alex na umalis sa upuan. Ibinaba niya ang si Alexa roon at nagsimulang magsalita.
“Pinsan ko ’yan, bobo. Ito nga pala ang kapatid kong si Juliana. Subukan n’yo lang landiin at kakain kayo ng lupa,” sambit ni Kaizer. Dahan-dahan namang pumunta si Juliana sa tabi ni Alexa na ngayon ay nagsusuot na ulit ng heels.
Alam nila ang organisasyon sa pamilya nila at hindi lamang si Louis ang part ng mafia organization sa pamilyang Montemayor. Marami rin, karamihan ay mga pinsan nila.
Kaya tuwing a-attend sila ng family reunion ay ito na yata ang pinakaastig na lugar ng pinupuntahan nila. Ginaganap ito sa isang yacht o kung minsan ay nakadepende sa pamilya kung sino ang nakatakda sa taon na jyon. Isa lamang ang iniingatan ng mga Montemayor, at iyon ay dignity nila dahil lumaki silang may responsibilidad sa bawat isinisilang na sanggol. At isa pa, once na ipinanganak kang may Montemayor na apelyido ay makaka-receive ka ng mga mamahaling regalo simula baby. Dahil ang mga magiging ninong at ninang mo ay bilyonaryo sa iba’t ibang mundo.
“Handa akong kumain ng lupa makapiling lang ang pinsan mo,” pagbibirong wika ni Volstrige. Dahan-dahan itong lumapit kay Alexa upang magpakilala, pero agad namang humarang si Kaizer.
“F*ck you, womanizer!” asik ng binata na ikinatawa na lamang ni Volstrige dahil mukhang seryoso na si Kaizer.
“Fine, ito nga pala si Brennon. Walang bisyo at babae ’yan, baka magustuhan ninyong dalawa para may iba namang pagtuunan ng pansin ang ugok na ito,” sambit ni Volstrige habang itinulak-tulak pa ang binata papunta kina Alexa at Juliana.
“Ano ba, ayaw kong mapaaga buhay ko. Tingnan mo naman si Kaizer, parang handa nang maglabas ng baril,” pagbibiro ni Brennon. Dahan-dahang lumapit si Alexa sa binata at nagpakilala na ikinagulat ng lahat, lalong-lalo na si Kaizer.
“Hello, ako nga pala si Alexa, but you can call me baby for short,” sambit ng dalaga at kumindat pa kay Brennon. Mukhang nakuha nito ang atensiyon ng binata.
“Hey, Alexa. What are you doing? Nakakahiya ka!” bulong ni Juliana dahil nakatulala na ito sa mukha ni Brennon na agad nilang ikinatawa.
“Wala na akong magagawa riyan, Kaizer. Mukhang tinamaan ni kupido ang pinsan ninyo,” sambit ni Volstrige na humahagalpak pa ng tawa. Napakamot naman ng ulo si Brennon dahil sa ginawa ng dalaga.
“That’s fine, Brennon is a nice man compared to you. But, Alexa, have some decency. You’re a Montemayor for Pete’s sake,” sambit ni Kaizer at hinila ang pinsan palayo kay Brennon.
“Kuya naman, e. I’m just introducing myself to him. He’s my type kaya and besides, he looks decent naman,” wika ni Alexa habang kinikilig kay Brennon. Agad naman itong nilapitan ng binata at inilahad ang kamay niya.
“Ako nga pala si Brennon, but you can call me by any name you’re comfortable with,” sambit nito. Masama naman siyang tinitigan ni Kaizer dahil dumadamoves na ito sa pinsan niya.
“Hey, weirdo, ang sabi ko lang ay mas mabuti kang tao kumpara kay Volstrige, hindi ko sinabing pinapayagan ko na si Alexa na makilala ka,” usal ni Kaizer. Agad namang tumikhim si Alex na ikinatigil ng lahat.
“Here comes the bitter one,” kibit-balikat na wika ni Volstrige. Kaagad namang nabaling ang atensiyon nila kay Alex na mukhang naiinip na.
“Sasagutin ko lang ang tawag sa cellphone,” sambit nito. Agad naman silang nagtinginan na lahat nang lumabas ito.
“Sabog ba ’yon, pare? Wala namang tumatawag sa cellphone niya, e,” wika ni Volstrige na ikinatawa ng lahat. Agad namang lumapit si Kaizer kay Volstrige upang itanong kung ano ang nangyari sa resort.
“Kuya, nandiyan na raw ang mga staff. Nasaan ba ang babaeng sosorpresahin ni Kuya Louis?” tanong ni Juliana na ikinatingin ni Volstrige dahil sa sinabi nito.
“Si Ma’am Elaine ba ang tinutukoy mo o ’yong ex ni bossing na actress?” tanong ng binata dahil kahit siya ay walang kaide-ideya kung sino ang nais i-surprise ni Louis sa dalawa.
“Walang nabanggit si Kuya Louis. Bakit hindi na lang natin puntahan ang dalawa at sopresahin? Ikaw, Volstrige bakit hindi mo siya tanungin kapag nagising na siya? Tapos tawagan mo kami para ma-retrieve namin ang surprise oras na mali pala kami,” sambit ni Juliana na kahit si Kaizer ay napakamot ng ulo dahil sa naisip ng kapatid. Magiging malaking gulo ito sa oras na magkamali sila kung sino ang isu-suprise sa dalawang babae sa buhay ni Louis.
“Anak ng p*ta. Ako ang kinakabahan sa inyo, pero sige. Nasa ground floor ang silid ni Mariella. Ang alam ko, nandoon pa rin siya dahil hindi pa siya masyadong magaling. Si Elaine naman, itanong mo na lang kay Kaizer,” sambit ni Volstrige. Dahan-dahang tumango si Juliana sa kaniya at nagpasalamat. Hinila naman niya si Alexa na ngayon ay nakikipag-usap kay Brennon.
“Ano ba naman ’yan. Istorbo ka naman, e. Kita mo namang we’re talking,” reklamo ni Alexa dahil bigla na lang siyang hinila ni Juliana sa gitna ng pag-uusap nila ni Brennon.
Ngunit ayos na rin ito dahil nakuha nila ang social media accounts ng isa’t isa. Mabuti na lamang at natuon ang atensiyon ng Kuya Kaizer niya kay Volstrige dahilan upang makapag-usap sila ng binata.
Ang una nilang hinanap ay ang silid ni Mariella na nasa ground floor at inihanda ang suprise, maraming tao ang nagdadaan at napapahanga ang mga ito dahil sa hinahandang suprise ng mga kasama nina Juliana.
Balak nilang katukin na lamang ang dalaga at palabasin ito upang makita ang inihanda nilang suprise dahil gahol sila sa oras. May isa pa silang pupuntahan sa oras na hindi pala ito ang babaeng tinutukoy ni Louis.
Nang matapos na sila ay kaagad nilang kinuha ang Ashera cat at Samoyed puppy na binili nila upang ibigay kay Mariella, ngunit hindi pa sila sigurado kaya itinago muna nila ito sa likod.
Kinatok nila ang silid nito at lumabas ang dalaga na tulak-tulak ng nurse ang wheelchair. Nakasuot ito ng shades dahil baka may paparazzi na kumuha sa kaniya ng litrato.
Agad itong nagulat nang makita ang surprise na inihanda nila. “Sino ang nagpapabigay nito?” tanong ni Mariella dahil iniabot nila ang iba’t ibang mga brand ng damit at ang cake.
“Si Sir Louis po,” sambit ni Juliana upang maging pormal ang sinabi niya, ngunit nagulat sila nang itapon nito ang cake at kaagad na nagsalita.
“Don't ever say his fucking name to me. Umalis na kayo!” sigaw nito. Ang mga paparazzi ay walang sawang kumukuha ng litrato.
“Miss Mariella, nagkabalikan na ba kayo ni Sir Louis?”
“May iba ka na ba, Miss Mariella? Bakit mo tinapon ang cake na hinanda ni Sir Louis para sa ’yo?”
“May iba ka na bang nagugustuhan, Miss Mariella?”
Sari-saring mga tanong ang iginawad ng mga ito kay Mariella, ngunit kahit isa ay wala itong pinansin sa mga katanungan.
Agad namang napakamot ng ulo sina Juliana at Alexa nang dumugin sila ng mga paparazzi ng mga katanungan tungkol sa surprise. Mukhang malalagot sila sa oras na kumalat ito sa buong telebisyon.
Mukhang hindi si Mariella ang tinutukoy ng binata na balak nitong sopresahin, ngunit ang nakagugulat lang sa reaksyon ng dalaga ay bakit sobra ang galit nito sa kanilang pinsan na si Louis? May nagawa ba itong masama sa dalaga?
Ang akala kasi nila ay balak ng pinsan nila na makipagbalikan sa ex nito dahil narinig na nila ang pangalan nito noon mula sa pinsan nilang si Louis.
Ngayon, kailangan nilang isipin kung paano malilinis ang gulo na ginawa nilang dalawa dahil kung hindi ay malilintikan silang dalawa sa kanilang Tita Hacel.
“Pagbilang ko ng tatlo, tatakbo tayo,” sambit ni Juliana na ikinatango ng mga staff. “Isa, dalawa, takbo!” sigaw niya. Dahan-dahan naman silang tumakbo palabas ng hospital dahil hanggang ngayon ay hinahabol pa rin sila ng mga ito.
Sana lang ay makatakas pa sila sa mga ito.
Nakahinga nang maluwag sina Juliana at Alexa nang makapagtago sila sa isang malapit na bar. Mabuti na lamang ay may dala-dala silang student ID upang makapasok. Hindi masyadong mahigpit ang mga bouncer na nandoon. Sabihin na lang nila na s-in-educe ni Alexa ang mga ito kaya pinapasok sila kaagad.Mabuti na lamang ay bihasa ang dalaga sa mga ganoong bagay. Hindi katulad ni Juliana na puro pag-aaral ang iniisip.“Akala ko, hindi na tayo makatatakas sa mga ’yon, pero may problema akong iniisip. Paano natin masosorpresa si Ate Elaine?” tanong ni Juliana. Umupo sila sa counter para um-order ng drinks. Masyado silang napagod katatakbo kaya gusto nilang mag-refresh saglit.“But how can we surprise Elaine if we can’t enter the hospital of our Tito Alexander? Argh. They are so panira kasi,” sambit ni Alexa. Kaagad naman niyang itinuro sa bartender ang margarita cocktail na paborito niyang inumin tuwing may pinupuntahan siyang party.“Kayo ba, guys, ano ang gusto n’yo?” tanong ni Juliana sa mga
Nang makita ni Elaine na lumabas na si Mariella sa silid ay kaagad siyang naglakad papunta rito, ngunit napahinto siya nang makitang umiiyak ito.“A-Ayos ka lang ba?” tanong ni Elaine.“You’re lucky, I—I—” Hindi na tinapos ni Mariella ang sasabihin at tuluyan nang umalis.“Wife,” tawag ng binata mula sa likuran niya kaya agad siyang napalingon upang tingnan ito.“Are you okay?” tanong nito sa kaniya at wala siyang nagawa kundi tumango na lamang. Wala naman siya sa posisyon upang tanungin kung ano’ng napag-usapan nila ni Mariella at isa pa, privacy ito ng binata.Nang makapasok siya sa silid ay kaagad niyang ibinaba ang aso na regalo sa kaniya ng binata kasama ang pusa upang maiunat ang kaniyang mga braso.Kanina pa kasi niya hawak ang mga ito sa labas, baka nayayamot na rin ang mga ito. “Ano pala ang pangalan nilang dalawa?” tanong niya kay Louis na abala sa pagtitipa sa cellphone nito.“You should name them,” sambit ng binata. Napakunot ang noo niya dahil sa reply ni Eros.From: Dick
“Susunod na lang kami, Kai,” sambit ni Elaine. Yumakap sa kaniya pabalik si Louis na parang ayaw nitong umalis sa posisyon nila ng dalaga.“Okay, sige, but make it quick,” sagot ni Kaizer na kaagad ikinabuntonghininga ni Elaine dahil masakit pa rin ang mga hita niya. “Hey, let’s have a shower before going to the restaurant,” wika ni Louis. Tumaas ang kaliwang kilay niya dahil hindi nga siya makatayo dahil sa nangyari sa kanila.“Wife, are you okay?” tanong ng binata dahil hindi ito sumunod nang tumayo siya. Kaagad naman siyang inirapan ni Elaine na ikinagulat niya.“Mukha ba akong makatatayo sa posisyon na ito?” sarcastic na tanong ng dalaga. Napatingin naman si Louis sa kaniya dahil sa pagtataka kaya wala siyang nagawa kundi sabihin ang dahilan dito. “Masakit ang mga hita ko dahil sa laki ng alaga mo!” reklamo nito sa kaniya at tinakpan pa ang mukha dahil sa hiya.Kaagad naman siyang binuhat ng binata habang tumatawa-tawa. Elaine pouted. “Anong nakakatawa sa sinabi ko?” tanong niya r
ElaineHindi ko alam, ngunit walang lumalabas na kahit anong boses hanggang sa bigla na lang akong hatakin ni Eron papalayo kay Louis na abala sa pakikipag-usap sa isang babae.Kasabay ng paghila niya ay ang luha na hindi ko alam kung bakit bigla na lang tumulo sa mga mata ko.Mukhang wala naman itong pakialam dahil hindi niya man lang ako tinapunan ng kahit katiting na tingin. Abalang-abala siya sa pakikipag-usap sa babaeng iyon. Sino ba ang babaeng iyon at noong kausapin siya ay ayaw niya na akong pansinin?“Ayos ka lang ba, Elaine?” tanong ni Eron nang makita niyang tumutulo na ang luha ko. Kaagad ko naman itong pinahid upang hindi niya mahalata na umiiyak ako dahil sa inis.“A, oo. Ayos lang ako. Huwag mo akong pansinin. Napuwing lang,” pagdadahilan ko sa kaniya at pilit na ngumiti. Mukhang hindi naman siya masamang tao dahil ang sabi niya ay naging kaklase niya noong high school sina Kaizer at Louis.Kaya ang akala ko ay matutuwa si Louis na makita si Eron, ngunit mukhang wala sil
ElaineHindi maawat ang ngiti ko nang bigla akong yakapin ni Louis. “Did you love it, wife?” tanong niya na agad kong ikinatango. Sino bang babae ang hindi matutuwa sa oras na ma-surprise sila nang ganito?Nang bumitiw sa pagkakayakap si Louis ay bigla naman akong niyapos ng yakap ni Tita Hacel. “Congratulations to the both of you. I can’t wait to see you wearing your wedding gown.” Kaagad naman akong napangiti sa sinabi niya, kahit ako rin ay nae-excite makita ang sarili ko na nakasuot ng gown. Ni hindi ko kasi in-expect na mararanasan ko ang ganito hanggang sa dumating si Louis at ipinaramdam sa akin na maaari din akong ituring na special katulad ng ibang babae.Ang buong akala ko nga noon ay si Kaizer ang magpaparamdam sa akin nang ganito. Naging crush ko kasi siya noong tumuntong ako ng college. Lagi niya sa akin ipinararamdam na maganda ako, ngunit sadyang maliit talaga ang mundo dahil sa pinsan niya ako nahulog at mapapangasawa ko na ito.“Maraming salamat po, Tita Hacel. Kahit a
ElaineNang bumitiw ako sa paghahalikan namin ay agad kong tiningnan kung saan nagmula ang pag-click ng camera. Halos malaglag ang panga ko nang makita ko ang mga malalaking camera na nakatutok sa amin at may isang tao pa na may hawak ng mic.“Narito po tayo ngayon sa Desire Island at kitang-kita naman nating lahat ang matinding halikan ng tagapagmana ng Montemayor Company na si Louis Montemayor sa isang babae, parang kahapon lang ay bali-balita na sinorpresa niya raw ang actress na si Mariella Althea De Vera, ngunit ano itong nakikita natin?” tanong ng lalaki na may hawak ng mic at pumunta pa sa harap naming dalawa.“Just go with the flow, they are reporters,” bulong ni Louis sa akin na ikinatango ko na lamang. Totoo kayang iniutos niya na sorpresahin si Mariella o nagkamali lamang sina Juliana? Ang ipinagtataka ko pa ay bakit pumunta si Mariella sa silid ko para kausapin si Louis? Ano kaya ang pinag-usapan nila?“Maaari ka po ba naming ma-interview, Mr. Montemayor?” tanong nito na ik
ElaineNang lingunin ko kung saan nagmula ang boses ay nakita ko si Kaizer na nakapamaywang sa harap namin habang ang mga mata niya ay nanggagalaiti sa galit. Kaagad kong itinulak si Tyron upang tumayo at magpaliwanag sa kaniya.“Mali ang iniisip mo, Kai,” sambit ko. Akmang magpapaliwanag sana si Tyron nang bigla siyang sapakin nang malakas ni Kaizer dahilan upang mapabagsak ito sa sahig. Ano ba ang ginagawa niya?“Ano’ng mali sa nakita ko, Elaine? Niyayakap ka ng gagong lalaki na ito. Ang kapal ng mukha mo, Tyron, pati si Elaine ay balak mong landiin. Wala ka na bang makuhang flings sa Desire Island?” asik ni Kaizer. Napasapo naman ako sa noo dahil sa inis habang tinutulungang tumayo si Tyron dahil masyadong napalakas ang sapak ni Kaizer. Bakit ba kasi napakainitin ng ulo ng mga lalaking Montemayor na ito?“Manahimik ka na, Kai. Please lang, puwede bang hayaan mo muna akong magpaliwanag!” wika ko na agad niyang ikinatigil. Humingi ako ng tawad kay Tyron bago tumalikod upang kausapin
Third Person Maagang bumangon si Louis. Gusto niya kasing ipagluto ng agahan ang dalaga dahil alam niyang napagod ito sa ginawa nila kagabi kaya gusto niyang makasalo ito bago siya magpunta sa mansion ni Sirius.Sa kabilang banda naman ay dahan-dahang bumangon si Elaine sa kama nila. Masyadong namamaga ang bandang ibaba niya. Mabuti na lamang ay wala na sa tabi niya si Louis. Siguradong mahihiya siya rito dahil nakakatawa ang itsura ng mukha niya sa tuwing pinipilit niyang maglakad.Pumunta si Elaine sa banyo na nasa loob lamang ng silid nina ni Louis. Nagsimula siyang mag-shower para fresh pa rin siya sa paningin ng binata.Nang matapos siya ay bumaba siya papunta sa kitchen para magluto sana ng pagkain niya nang makita niya ang binata na naka-apron habang nagluluto ng pancake.Kaagad niya itong niyapos ng yakap mula sa likod na ikinalingon nito sa kaniya. “Are your legs fine now?” tanong ni Louis. Napakamot sa ulo ang dalaga dahil ito ang unang itinanong ng binata sa kaniya. Medyo n
ElaineMabilis lumipas ang mga araw, nalaman namin ang balita na nakawala si Zap kaya mas lalong dumoble ang security namin habang naghahanap ng leads kung sino ang tumulong kay Zap na makatakas at kung nasaan ang tunay kong ama.Nagbitiw ako ng malalim na buntonghininga bago tuluyang isandal ang ulo ko sa upuan. Ang buong akala ko ay matatapos na ang kasamaan ng mga Valencia, pero we were back to zero again.“Everything will be fine, wife. As long as we are together, we can do anything. I’ll dispatch more people to look for leads,” wika ni Louis. Hinawakan niya ang kamay ko. Napangiti ako.“Thank you, hubby, for always being by my side. Even when I’m still looking a part of my past identity, you’re patient,” usal ko at binigyan siya ng halik sa pisngi.Kinagabihan, habang inaasikaso ko ang paperworks na ipinasa sa akin ng wedding organizer na kinuha namin ay biglang umiyak si Mace
LouisI’ve always thought of myself as the man who knew everything. Someone who was calculated, cold, and efficient—that’s who I am. Or rather, who I was, before Elaine. She wasn’t just a woman I was ordered to marry; she was the reason I started questioning everything about my carefully constructed world.It all started when I saw her for the first time walking with her friends down the street. I was in the backseat of my car, flipping through meaningless reports about the family’s business when I caught sight of her. She wasn’t extraordinary by any conventional standard. She had oversized glasses perched on her nose, braces, and hair that seemed to have a life of its own. Yet, there was something about her laugh. It was carefree. It was pure.“Who’s that woman?” I blurted out, startling Brennon.His eyes flicked to the rearview mirror, confused. “I—I don’t know, si
Elaine Malamig ang simoy ng hangin noong araw na nagpunta ako sa sementeryo. Tirik ang araw, pero hindi masakit sa balat dahil pa-hapon na. Tahimik, ramdam ko pa rin ang bigat sa puso ko habang nilalakad ang daan patungo sa puntod ni Ama. Sariwa pa rin sa akin ang lahat ng nangyari, sa isang iglap ay natapos ang lahat ng kasamaan ng mga Valencia. Pero alam kong hindi pa rin dito nagwawakas ang lahat dahil may mga organisasyon pa rin na gustong mapasakamay ang ledger na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maalala. Sa huli, nakulong si Zap na may patong-patong na kaso habang si Mariella ay dinala ni Lucas sa psychiatrist dahil halos mabaliw ito sa lahat ng nangyari. Binasa ko ang lapida na may nakasulat na Raymond Natividad. Ibinaba ko ang bouquet na ng puting rosas at nagsindi ng kandila. Napakabuting ama niya sa akin, lahat ay ginawa niya para maprotektahan ako. “Ilang buwan na lang, manganganak na ako. Sisiguraduhin kong dadalhin ko sila rito para makita mo,” wika ko habang kumiki
Elaine Nang idilat ko ang mga mata ay naramdaman ko ang pahirap na nakatali sa aking mga kamay. Ito ay matigas at malamig, parang sinadyang higpitan para magdulot ng matinding sakit. Nanginginig kong tiningnan ang paligid. Para kaming nasa storage room, at bukod sa akin ay may dalawa pang tao—si Kaizer at Ama, na parehas ding nakatali sa upuan. “Ely . . .” Boses ni Kai. Mahina iyon ngunit puno ng pag-aalala. “Ayos ka lang ba?” Tumango naman ako kahit taliwas ang sinasabi ng puso ko. Mabilis ang pintig nito dahil sa kaba at takot na may mangyayari sa amin na masama. “A-Alam mo ba kung nasa’n tayo?” tanong ko. Nag-crack ang boses ko. Napailing siya. “Sa ngayon, ang alam ko lang ay na-kidnap tayo ng Valencia Organization. Hindi ko alam kung paano nila tayo nahanap, I will make sure na makatatakas tayo.” I was scared for the baby in my womb. Wala siyang kinalaman dito. “Everything will be fine, Ely, trust me,” sambit ni Kaizer. Mukhang may plano siya. “Ugh,” ungol ni Ama habang dah
ElaineNag-stay kami ni Louis sa Florida nang dalawa pang linggo. Nang makita ako ni Louis noong gabing iyon ay lagi niya akong kino-comfort. Bihira na lang din kaming gumala ulit at kung lalabas man kami ay may bantay kami. Hindi niya rin ako tinanong kung ano ang nangyari, mukhang hinihintay niya na ako ang kusang magkuwento.Ngayong araw ay susunduin kami ni Valerian para ihatid kami pabalik sa Pilipinas.“I want to stay here for awhile,” wika ko habang inaayos ang mga damit at pasalubong na binili namin.“We will come back here again. This is one of our houses now, I just need to finish all my work,” Louis answered and pecked a kiss on my cheek.Nang makasakay kami ay nginitian ako ni Valerian. “Looks like the newlyweds enjoyed their honeymoon that much. Aunt Hacel said to get both of you after three days, but someone wants to stay longer.”“Shut up, dickhead,” wika ni Louis na ikinatawa ko. So siya lang pala ang nagplano na isang buwan kami rito.“Nasaktan naman ako sa bati mo, pr
ElaineIt had been a week, paulit-ulit ang naging routine namin ni Louis. Para na talaga kaming tunay na mag-asawa. Sa umaga ay ipinagluluto niya ako at gagala kami sa buong maghapon. Halos gabi-gabi ring may nangyayari sa amin. Sa totoo lang, parang panaginip ang lahat at ayaw ko nang magising.“Wife, are you still mad at me? I didn’t mean to act roughly last night,” wika ni Louis habang sinusubukan akong subuan ng kanin.“No. I’m not mad,” matipid na sagot ko.“Then why are you so quiet? Hmm,” tanong ni Louis. Sa totoo lang, gugustuhin ko na lang na nandito kami dahil baka mamaya kasi kapag umuwi kami ay may magbago na naman sa relasyon namin.“May iniisip lang ako,” sabi ko.Sumeryoso ang mukha niya. “What is it? You can tell me.”Bahagya na lang akong napangiti. Mas mabuti nang itago ko na lang muna ang nakita ko. Baka mamaya ay paghinalaan niya ako na may connection kay Zap.“I’m just thinking about where we will go today. Ang dami palang magagandang view rito. Maligo muna ako par
ElaineNagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko, mukhang wala pa rrin si Louis. Dahan-dahan akong bumangon dahil medyo masakit pa ang ulo ko at mugto ang mga mata. May mga sugat pa ang daliri dahil sa pagpulot ko sa nabasag na frame.Pumunta ako sa kusina at kinuha ang litrato. Pinagmasdan kong muli ito bago lukutin at ilagay sa loob ng bulsa ko. Hindi dapat ito makita ni Louis, nakasisiguro ako na tanging si Ama lang ang makasasagot ng lahat ng katanungan na mayroon ako tungkol sa tunay na katauhan ng lalaki. Binuksan ko ang ref, pero wala itong ibang laman kundi tubig. Napabuntonghininga na lang ako at naligo para lumabas. Hahanap na lang ako ng grocery store.“Wife, where are you going?” Halos lumundag ang puso ko sa gulat nang makita si Louis. Magulo ang kaniyang buhok at malalim ang eyebags. May bakas ng dugo sa damit niya at may gasgas siya sa noo. “Are you okay?” tanong ko at hinawakan ang noo niya na may gasgas.Kaagad kong napagtanto kung ano ang ginawa k
ElaineNaalimpungatan ako nang bigla akong makarinig ng malakas ringtone na galing sa cellphone ni Louis.“Answer your call,” utos ko. Nakita ko naman si Louis na pinatay ang tawag at ibinalik ang pagtitig sa akin.“I’m sorry for waking you up,” wika ni Louis. Kinuskos ko ang dalawang mata ko upang mas lalong makita ang mukha niya dahil medyo madilim sa silid.“Ayos lang, naalimpungatan lang ako. But why are you still awake?” tanong ko sa kaniya at akmang babangon para sana kumuha ng maiinom sa kusina.Aray.Kaagad akong napapikit nang mariin nang maramdaman ang kirot sa bandang ibaba ko. Ganito rin ang nangyari sa akin noong unang p********k namin. Parang binibiyak ang katawan ko sa dalawa.Nang mapansin ni Louis na parang may iniinda akong sakit ay inalalayan niya ako. “Are you okay, wife? Should I call a doctor?” concerned na tanong niya kaya hindi ko maiwasang tumitig sa itsura nya. Was he really concerned about me?Napangiti naman ako dahil sa tuwa, pero kaagad na pumasok sa isi
ElaineNang makabalik ako sa loob ng venue ay kaagad lumapit sa akin si Venice. “Mabuti naman at nandito ka na, baks. Hinihintay ka ng lahat sa balcony para masimulan nang ibigay sa inyo ni Louis ang regalo nina Tita Hacel,” aniya. Hindi ko naman mapigilang mapalunok dahil sa kaba.Ano na naman ba ang pakulo ng pamilyang Montemayor?Kaagad naman akong nagpilit ng ngiti nang makita kong nakatingin pa rin sa akin si Venice. Wala siyang kaalam-alam kung ano ang mayroon sa pagitan namin ni Louis. Hindi ko siya masisisi dahil sigurado akong itatago sa kaniya ni Volstrige ang bagay na iyon.“Pasensiya na, mukhang na-late na naman ako. Nag-restroom kasi ako saglit,” paliwanag ko at akmang ihahakbang na ang mga paa ko nang biglang hawakan ni Venice ang braso ko dahilan upang mapatigil ako.“Sandali lang naman, baks. Talagang inabangan kita rito kasi may balak akong ibigay sa ’yo. At saka, lutang ka ba? Hindi naman diyan ang daan sa balcony. Ayan ba ang epekto ng alak?” Humagalpak ito ng tawa.