Share

Gun XIII

Author: Mowtie
last update Huling Na-update: 2021-06-15 20:25:41

Nakahinga nang maluwag sina Juliana at Alexa nang makapagtago sila sa isang malapit na bar. Mabuti na lamang ay may dala-dala silang student ID upang makapasok. Hindi masyadong mahigpit ang mga bouncer na nandoon. Sabihin na lang nila na s-in-educe ni Alexa ang mga ito kaya pinapasok sila kaagad.

Mabuti na lamang ay bihasa ang dalaga sa mga ganoong bagay. Hindi katulad ni Juliana na puro pag-aaral ang iniisip.

“Akala ko, hindi na tayo makatatakas sa mga ’yon, pero may problema akong iniisip. Paano natin masosorpresa si Ate Elaine?” tanong ni Juliana. Umupo sila sa counter para um-order ng drinks. Masyado silang napagod katatakbo kaya gusto nilang mag-refresh saglit.

“But how can we surprise Elaine if we can’t enter the hospital of our Tito Alexander? Argh. They are so panira kasi,” sambit ni Alexa. Kaagad naman niyang itinuro sa bartender ang margarita cocktail na paborito niyang inumin tuwing may pinupuntahan siyang party.

“Kayo ba, guys, ano ang gusto n’yo?” tanong ni Juliana sa mga kasamahan nila. Kaagad namang nagsiupo ang mga ito sa counter at nag-order ng maraming inumin na agad niyang ikinagulat.

“Mga g*go, wala akong pambayad!” sigaw niya. Napatawa naman ang mga ito. Nagulat siya nang biglang may lumapit sa kanila na kasamahan ng bartender at itinanong kung ano ang gusto niyang order-in.

Napakalakas ng dating nito na parang matatanggal ang kaluluwa niya sa oras na lumapit ito sa kaniya.

“Hoy, gaga, may boyfriend ka na. Share your blessings naman, hindi puro ikaw!” sigaw ni Shane, isa sa mga kaibigan nila na kasamang mag-ayos ng props na inihanda nila na sa kasamaang palad ay pumalpak.

“Fine, o-order lang naman ako. Kung ano-ano iniisip ninyo,” sambit ni Juliana at napairap sa mga kasamahan nila na nakatitig sa kaniya.

“What’s your order, ma’am?” tanong ng binata. Required ba talagang maging ganito ka-hot ang bartender sa bar na ito? 

Agad naman siyang napakagat labi bago tuluyang sumagot, “Isang sex on the beach,” wika niya. Nagulat siya nang makitang napabuga si Alexa ng iniinom nitong margarita.

“Isusumbong kita kay Kuya Kaizer, a, you’re so maharot,” sambit nito. Kaagad namang nanlaki ang mata ni Juliana at ipinagtanggol ang sarili. Lalo na at nakatingin sa kaniya ang mga kasamahan nila dahil sa sinabi niya.

“Ano ba kayo, I’m pertaining to a cocktail drink. You’re all so green-minded!” depensa ng dalaga sa sarili. Ngumiwi lamang ang mga ito na parang hindi naniniwala sa kaniya na agad niyang ikinairap.

“Is that all, ma’am?” tanong ng binata na agad nagpaharap kay Juliana. Sa tono pa lang ng pagsasalita nito ay mahahalata mo nang hindi ito purong Pilipino. Marahil ay may lahi itong banyaga.

Kaagad namang napangiti ang dalaga dahil ganito ang mga tipo niyang lalaki. Para kasi sa kaniya ay ang sexy pakinggan ng mga accent ng mga ito.

Nang magsalubong ang kanilang mga mata ay kaagad siyang kinindatan ng binata. Sinimulan nitong gawin ang inumin niya. Masyadong swabe ang mga kilos nito na ikinatulala niya, ngunit naputol ang ginagawa niya nang biglang mag-ring ang kaniyang cellphone.

Shit naman, o.

“Hello, ano ba’ng kailangan mo? Tawag ka nang tawag, kita mong may gina—” Naputol ang sasabihin ni Juliana nang biglaang magsalita ang Kuya Kaizer niya sa kabilang linya na agad niyang ikinatayo, dahilan upang mapatingin sa kaniya si Alexa na abala sa pagtitipa sa cellphone nito.

“Ano ba’ng sinasabi mo at nasaan ka ba? Bakit napakaingay riyan?” sunod-sunod na tanong nito. Agad niya namang sinenyasan si Alexa na si Kaizer ang nasa kabilang linya. 

Itinuro niya ang pinakamalapit na restroom at kaagad silang pumasok na dalawa roon. Ini-hold niya muna ang tawag upang makapag-usap sila ni Alexa.

“Just tell him na pumalpak tayo, easy as that,” sambit ng dalaga. Napangiwi naman si Juliana sa ideyang iyon dahil kilala niya ang Kuya Kaizer niya.

“It’s the last thing that I’ll do,” sagot niya at pinindot ang continue sa kaniyang cellphone.

“Sorry, Kuya. Medyo p-in-ractice kasi namin ang choreo para sa surprise. Alam mo namang bobonggahan namin ito para kay Kuya Louis,” pagdadahilan nila. Mas lalo silang malalagot dito kapag nalaman na nagtago sila sa bar at pumalpak sila sa ginawa nilang surprise.

“Gising na si unggoy at ang sabi niya ay si Elaine ang isu-surprise. Ito teka, gusto niya raw kayong makausap na dalawa. Sandali nga, p*tangina mo naman, Louis,” wika ni Kaizer habang naririnig nila na nagsisimula na namang magbangayan ang dalawa.

Nanginginig naman si Juliana na bumati sa Kuya Louis niya, “H-Hello,” utal na wika niya. Nasa tabi niya si Alexa na pinagpapawisan na rin sa kaba.

Holy shit, sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya pumalpak sa ganitong bagay. Nasanay kasi ang pamilya niya na never siyang nagkakamali sa kahit anong bagay kaya tumaas ang standard ng mga ito pagdating sa kaniya.

Palagi rin nilang ine-expect na siya ang valedictorian sa klase dahil para sa kanila ay dapat laging nangunguna ang isang Montemayor.

“Make sure that you will not mess up,” sambit ni Louis, ngunit sapat na para kabahan ang dalawa. Hindi nila alam kung dapat na ba nilang sabihin sa binata na pumalpak sila o hintayin na mapanood nito ang balita?

Magagalit kaya ang binata kung sasabihin nila ang nangyari? 

Kaagad naman napabaling si Juliana sa iniisip niya, siguradong magagalit ito sa kanila at iyon ang sigurado siya.

“Oo naman, Kuya. Sige na, choppy kasi rito. Ang hina ng signal,” pagdadahilan ng dalaga. Sinenyasan niya naman si Alexa na gumawa ng ingay upang magmukhang totoo ang dahilan niya.

“Wait, I’m not finished yet,” sambit ni Louis, ngunit tuluyan nang ibinaba ni Juliana ang tawag at nagsimulang huminga nang malalim.

“Hindi ko na alam ang gagawin ko,” sambit ng dalaga. Dahan-dahan silang lumabas ng restroom. Kaagad silang nagtungo sa dati nilang puwesto, ngunit may nakaupo na roon kaya lumipat na lamang sila ng upuan.

Nagulat si Juliana nang biglang may mag-abot sa kaniya ng in-order niya kanina. Nang tumingala siya para tingnan ito ay kaagad niya itong nakilala.

Ito ang bartender na nasa tapat ng counter niya. Ang binatang kasingguwapo ni Adonis.

“Your order, ma'am. I hope this drink will make you smile,” wika ng binata at iniabot sa kaniya ang isang sex on the beach cocktail na in-order niya kanina rito. May kasama itong sulat na kaagad niyang binuksan. Ang kaninang nakasimangot niyang mukha ay napalitan na ng ngiti.

Hi, Ms. Aphrodite,

I don’t know your name, but the name Aphrodite suits you well because you’re like a goddess of love who shot my heart with just one arrow. 

Here is my number if you want to talk about your problems: 091926323**

                                         Sincerely, 

                                       Liam Beckett

“Sino kaya itong may boyfriend pero kinikilig pa rin sa ibang boys?” tanong ni Xandra na nagmula sa likod niya. Kaagad naman siyang nagulat at itinago ang sulat sa bulsa.

“Ano ka ba, mali ang iniisip mo, ’no!” wika niya at sinimulang inumin ang ibinigay na cocktail drink ng binata. 

Sa totoo lang ay ngayon lang siya nakaramdam ng kilig sa isang lalaki. 

Marahil ang iisipin ng mga kasamahan nila na isa siyang manloloko dahil may kasintahan na siya at nagagawa pa niyang kiligin sa ibang lalaki, ngunit nagkakamali sila sa bagay na iyon.

Dahil hindi naman niya ito totoong kasintahan, tinutulungan niya lamang ang binata upang makuha ang mga mana nito.

Masyadong mahigpit ang mga magulang ni Claude kaya hindi siya makahanap ng makatutulong sa kaniya na magpanggap hanggang sa makilala niya si Juliana na tamang-tama sa lahat ng kagustuhan ng kaniyang mga magulang.

Ngunit paano naman ang kalayaan ng dalaga na umibig kung sa oras na makita siyang may kasamang ibang lalaki ay mabubuko ang kaibigan niya?

Dahan-dahan silang lumabas sa bar upang masiguro na walang naghihintay sa kanila na paparazzi sa labas. Bago umalis kanina ay hindi mapigilang bulungan ni Juliana si Liam na nagse-serve sa ibang mga customer.

“Good luck on your work, handsome. I’ll text you later,” bulong niya at hinalikan sa pisngi ang binata nang makitang walang tao na nakatingin sa kanila.

Kaagad naman siyang kinindatan nito at tuluyan nang bumalik si Alexa na nasa restroom. Inaya na siya nito na ituloy na ang surpresa para kay Elaine. Pinalipas lang nila ang oras upang masiguro nila na wala nang nakasunod sa kanila na mga reporter, masyado kasi itong makukulit at hindi sila makapapasok sa loob ng hospital dahil sa dami ng mga ito.

“Nakita ko ’yon, haliparot ka. If you don’t kuwento mamaya, isusumbong kita kay Kuya Kaizer,” bulong ni Alexa habang papasok sila sa hospital. Napakalinaw talaga ng mga mata nito sa mga ganitong bagay. Kung sabagay, wala siyang dapat itago sa dalaga dahil ito ang pinakamaasahan sa mga nakapaligid sa kaniya.

Hindi naman siguro siya ilalaglag ng sarili niyang pinsan.

“Oo na, basta huwag ka lang maingay,” wika niya. Dahan-dahan silang pumasok sa loob ng hospital. Sinenyasan niya ang iba nilang kasama na wala nang mga reporter sa loob.

“Are you sure na makakaabot pa tayo? Baka naman naunahan na tayo ni Kuya Louis,” tanong ni Alexa habang naglalakad sila papunta sa elevator. Masyado kasing nakatatamad kung maghahagdan lang sila papunta sa silid kung nasaan si Elaine.

“Kung gano'n, alam mo na ang gagawin,” sambit ni Juliana. Nang makapunta na sila sa harap ng silid ng dalaga ay kaagad silang kumatok. Inihanda nila ang mga lobo na natira at ang regalo ni Louis.

Binuksan ni Alexa ang pinto at akmang magsasalita. Kaya lang ay natigilan sila nang makita ang Kuya Louis na nakayakap sa babaeng nasa kama.

“Nakakaabala ba kami?” tanong ni Juliana, ngunit kaagad namang itinulak ng dalaga si Louis at nagtakip ng kumot.

“Obviously. Tss,” wika ni Louis habang nakakunot ang noo. Sinasabi na nga ba niya na papalpak ang mga ito sa plano. Kung alam niya lang ay hindi na sana niya ipinagkatiwala ang sorpresa sa kanila.

“Sorry, kuya Louis. Lalabas na lang kami,” sambit ni Juliana at akmang isasara ang pinto nang bigla itong pigilan ni Louis at kaagad silang tinutukan ng baril.

“K-Kuya, ano’ng ginagawa mo?” tanong ni Alexa. Napapalunok siya nang wala sa oras dahil sa kaba. 

Huwag mong sabihin na balak sila nitong patayin dahil nagkamali sila ng babaeng sinopresa?

“Follow my lead,” bulong ni Louis na kaagad niyang ikinatango dahil sa kaba. Mukhang balak nitong ituloy ang sorpresa sa dalaga, pero ano kaya ang binabalak nito?

Kaagad nilang sinenyasan ang mga kasama.

“Happy Valentine's Day, Ma’am Elaine!”

Napabangon ang dalaga upang tingnan ang mga tao na nasa labas.

Napalingon siya kay Louis na ngumiti sa kaniya. “Happy Valentine’s Day, wifey. Can we have a date tomorrow?” tanong ng binata. Hindi mapigilang mapaiyak ni Elaine dahil ngayon lang siya na sorpresa nang ganito. 

Ang buong akala kasi niya ay para kay Mariella ang lahat ng inihanda ng mga ito dahil nakita niya ang balita sa TV. Hindi lang iyon, ang akala niya ay kung sino lang ang nagbukas ng pinto kaya kaagad siyang nagtalukbong ng kumot dahil sa hiya.

“Of course,” sagot niya at kaagad na lumapit kay Louis upang yakapin ito. 

Hindi alam ni Elaine, ngunit sobrang saya niya na ayos lamang ang binata at hindi siya nito nakalimutan ngayong Valentine's Day. 

Sana lang ay hindi ito magbago ng pakikitungo sa kaniya dahil alam niya sa sarili na nahuhulog na siya sa binata.

Nagulat siya nang bigla nitong ialok ang kanang kamay sa kaniya. “Can I have this dance?” tanong nito na kaagad niyang ikinatango.

Sinenyasan ni Louis ang mga ito na magpatugtog ng kanta na kaagad nilang sinunod. P-in-lay nila ang kantang Every Woman in the World na kinanta ng Air Supply.

Napangiti naman sila nang magsimulang magsayaw ang dalawa. Ito na yata ang pinaka-sweet na nakita nila. Ngayon lang kasi nila nakita na mag-effort ang Kuya Louis nila sa isang babae.

Mga ilang minuto pa ay natapos na ang mga ito. Lumapit naman si Juliana at nginitian si Elaine. “Ito nga po pala ang regalo ni Kuya Louis. Pasensya na, Ate. Wala kasi siyang binanggit na pangalan kung kanino ibibigay, e,” pang-aasar ng dalaga. Kaagad namang napangiti si Elaine dahil nakakunot ang noo ng binata habang ibinibigay nila ang aso at pusa na regalo nito.

“Tss, you can leave now,” wika ni Louis habang isinesenyas ang kamay niya na umalis na silang lahat.

“Oo na, wala man lang thank you. Hmp,” sambit ni Juliana at tumalikod pa na kunwari ay nagtatampo. Kaagad naman siyang kumaripas ng takbo nang marinig niya ang pagkasa ng baril ni Louis.

“Goodbye, Ate Elaine. Ikaw na bahala kay Kuya,” sigaw nito at kumaway pa habang paalis sila ng silid kung nasaan ang dalawa.

“Salamat,” mahinang bulong ng dalaga ngunit sapat na upang marinig ni Louis.

Napangiti naman ito nang palihim at kaagad na tumalikod sa dalaga upang hindi nito makita ang pamumula ng mga pisngi niya.

“You deserve it,” sambit ni Louis. Nilapitan niya ang dalaga upang halikan sa noo, ngunit natigilan sila nang biglang may kumatok sa pinto.

Napabuntonghininga naman ang binata dahil sa sumira ng moment nila. Nginitian lamang siya ni Elaine at binuksan ang pintuan. 

Tumambad sa kanila ang isang babaeng naka-wheelchair, nakasalamin ito at nakasuot ng scarf upang hindi siya makilala ng mga papparazzi.

“Where’s Louis?” tanong nito kay Elaine. Napataas ang kanang kilay niya dahil sa sinabi nito. 

Sino ba siya para hanapin ang binata?

“Ano ang kailangan mo sa kaniya?” pabalik na tanong ng dalaga, ngunit kaagad lamang nitong tinanggal ang shades niya at muling nagsalita.

“Kung isa ka man sa flings niya, get out of my way,” wika nito at tinabig siya upang makadaan, ngunit kaagad namang nabaling ang atensyon ni Louis sa kanila at pinuntahan si Elaine.

“What’s happening here?” tanong ng binata. Tiningnan niya ang dalaga kung ayos lamang ito at saka ibinaling ang tingin kay Mariella nang masigurado niyang ayos lamang si Elaine.

“And what the hell are you doing here?” kunot-noong tanong ng binata. Sinubukan namang tumayo ni Mariella sa wheelchair niya upang mapantayan ang mukha ng binata.

“Can you tell your fling to go out for a while?” sambit nito na ikinainit ng ulo ng binata. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang nararamdaman niya sa tuwing may nagsasabi nang ganoon kay Elaine, ngunit kaagad niyang hinigit ang dalaga at hinalikan ito sa harap ni Mariella.

“She’s my wife. Now, if you’ll excuse us, we have something important to do,” sambit ni Louis at hinawakan ang baywang ni Elaine upang alalayan itong maglakad palabas.

Bakas sa mukha ni Mariella ang gulat, ngunit bago ito tuluyang makalabas ay hinawakan niya ang damit ng binata.

“Sandali lang, Louis, may gusto lang akong sabihin sa ’to,” wika ng dalaga. Tiningnan lamang siya ng binata na parang wala itong pakialam sa kaniya.

“I don’t care,” sagot nito at dahan-dahan na ulit naglakad, ngunit this time, si Elaine naman ang hinawakan ng dalaga sa damit.

“Please, this is important,” pagmamakaawa ni Mariella sa dalaga. Tiningnan naman siya ng binata na parang hinihintay ang sasabihin niya.

Napabuntonghininga naman siya bago tuluyang sumagot, “Go on, I’ll just wait you here,” sambit ni Elaine at akmang magsasalita pa sana si Louis, ngunit nginitian na lamang siya nito bago tuluyang maglakad papunta sa pinakamalapit na upuan.

Pinanood niyang pumasok sina Mariella at Louis sa silid upang mag-usap. Sa totoo lang ay wala naman siya sa posisyon upang magselos dahil wala naman silang label ng binata.

Hindi rin malinaw kung parehas sila ng nararamdaman. Paano kung ginagawa lamang ito ng binata upang makumbinsi ang mga tao na nasa paligid nila?

Nang makapasok ang dalawa ay kaagad naman siyang tinanong ng binata, “What do you need?” Kumuha ito ng isang stick ng sigarilyo at sinindihan ito. 

Hindi niya ito ginagawa sa harap ni Elaine dahil mukhang ayaw nito sa usok, ngunit isa ang paninigarilyo sa ginagawa niya sa tuwing wala siya sa mood.

“T-Totoo ba ang sinabi mo na asawa mo ang kasama mo?” nauutal na tanong ng dalaga dahil hindi siya naniniwala na makahahanap si Louis ng ipapalit sa kaniya. 

Parang dati lang ay siya lang ang hinahawakan ng binata nang ganoon. Ngayon ay ginagawa na nito ang lahat kay Elaine. Hindi niya alam ang dapat maramdaman sa binata simula noong malaman niya na may alam ito sa pagkamatay ng kaniyang ama, ngunit mas nananaig ang nararamdaman niya rito.

“Yeah. And what will you do about it?” tanong ni Louis. Tiningnan siya nito nang may galit, ngunit hindi niya alam ang isasagot dito nang maalala niya kung bakit siya nakipaghiwalay sa binata.

***

“Tita Hacel, narito po ba si Louis?” nakangiting tanong niya sa ina ng kasintahan, pero tinaasan lamang siya ng kilay nito na parang may sinabi siyang masama.

Balak kasi niyang sorpresahin ang binata dahil anniversary nila at nais niya rin itong makita. Hindi pa kasi ito nagpaparamdam sa kaniya nang tatlong araw na parang ayaw siya nitong pansinin.

“Mukha ba siyang nandito? Maaga siyang pumasok sa office. Tingnan mo na lang doon,” masungit na wika ng ginang habang nakaupo sa couch. Nagpapalinis ito ng kuko habang ang isa naman ay pinaplantsa ang buhok nito.

“Maraming salamat po, Tita. Ito nga po pala ang cake na ginawa ko para sa ’yo,” wika niya, ngunit tiningnan lamang siya nito habang ibinababa niya ang isang paper bag na naglalaman ng ginawa niyang blueberry cheesecake.

Nang tumalikod siya ay hindi mapigilan ang pagtulo ng mga luha niya. Isang taon na sila ni Louis, ngunit masama pa rin ang pakikitungo sa kaniya ng ina nito na parang hindi ito sang-ayon sa relasyon nila.

Sinubukan niyang kontakin ang binata, ngunit nakapatay ang cellphone nito kaya wala siyang nagawa kundi sumakay sa taxi upang puntahan ito.

“Sa Montemayor's Building lang po, Kuya,” sagot niya habang mahigpit ang hawak sa box na naglalaman ng cake na ibibigay niya sa binata. 

Nang makababa si Mariella ay binati siya ng guard na nakabantay sa labas, “Good morning, Ma'am Mariella. Have a nice day,” sambit nito bago buksan ang pintuan.

Kaagad niya naman itong binati pabalik at tuluyan nang pumasok sa loob. Nagulat siya nang biglang may lumapit sa kaniyang babae na galing sa frontdesk.

“Hi, Ms. Mariella, pa-autograph naman ako. Fan na fan mo kasi ang anak kong babae,” sambit nito at iniabot sa kaniya ang isang photocard na may litrato niya sa likod. Hindi niya mapigilang mapangiti dahil sa sinabi nito at sinimulan itong pirmahan. 

Natuwa siya nang malaman na may humahanga pala sa kaniya kahit kasisimula pa lang niyang tumanggap ng mga proyekto sa mga telebisyon.

“Ano’ng pangalan ng anak mo?” tanong niya na kaagad naman nitong sinagot nang may ngiti sa labi. 

Hi, Elisse, 

              Thank you for supporting me, I hope you’re doing fine. Don't forget to greet your mom when she gets home. Love yah!

                                             Love,

                                        Mariella Althea

Nang matapos siyang makipag-usap dito ay kaagad siyang dumiretso sa office ni Louis at akmang pipihitin ang doorknob nito nang marinig niyang nagsasalita ang Tito Izaak niya habang kausap nito si Louis.

“I told you to breakup with Mariella,” asik ng ama nito na ikinagulat niya. Ano ba ang nagawa niya upang magalit sa kaniya nang ganito ang ama ng binata?

“She’s my girlfriend, Dad, and you don’t have the right to order me around,” matapang na sagot ng binata.

“You will know the consequences, Louis, if you keep disobeying me, the only one for you is the one I chose,” sambit ng Tito Izaak niya. Bago pa nito matapos ang sasabihin kay Louis ay napatakbo na lamang palabas si Mariella habang hindi niya mapigilang mapaiyak.

***

Ngayon ay alam niya na kung bakit ganoon na lamang ang pakikitungo sa kaniya ng magulang ng binata tuwing dinadala siya ni Louis sa mansion nito.

“Do you love her?” tanong niya sa binata habang pinipigilan ang mga luha niya, ngunit tumalikod lamang ito at akmang lalabas na.

Dahan-dahan siyang tumayo at hinila sa damit ang binata upang halikan sa labi, ngunit nanlaki ang mata niya nang bigla siyang hawakan nito nang madiin sa braso upang ilayo sa kaniya.

“Leave, and don’t fucking touch me because I don’t know what I will do to you,” sambit nito na tuluyan nang ikinatulo ng mga luha niyang kanina pa gustong kumawala sa mga mata niya.

“I think I know the answer to my question. Thank you for proving it,” wika ng dalaga. Dahan-dahang siyang pumunta sa wheelchair niya. Isinuot niya ang salamin upang itago ang mga luha niya sa binata. Bubuksan na sana niya ang pinto nang bigla itong magsalita.

“Don't think about the surprise that happened earlier, it’s for my wife,” cold na sambit nito sa kaniya.

Tumango lamang siya bago sumagot, “I know. Just help me clean my name in the media,” wika niya at tuluyan nang binuksan ang pinto upang magpaalam.

Nakalimutan niya ang dahilan kung bakit siya nagtungo sa silid ng binata para nga pala sabihin dito na tulungan siyang linisin ang pangalan niya. Masyado kasi siyang nadala sa emosyon.

Ngunit ngayon, isa lang ang sigurado niya at ito ay hindi na siya mahal ng binata. 

Kung ganoon ay tatanggalin niya na ang posibilidad na hindi ito ang pumatay sa ama niya dahil mukhang kaya na nitong gawin ang bagay na ito dahil kahit siya ay nagawa na nitong saktan dahil lang sa isang babae.

Nagbago na nga talaga ang binata, malayong-malayo na ito sa nakilala niyang Louis noon.

Kaugnay na kabanata

  • The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)   Gun XIV

    Nang makita ni Elaine na lumabas na si Mariella sa silid ay kaagad siyang naglakad papunta rito, ngunit napahinto siya nang makitang umiiyak ito.“A-Ayos ka lang ba?” tanong ni Elaine.“You’re lucky, I—I—” Hindi na tinapos ni Mariella ang sasabihin at tuluyan nang umalis.“Wife,” tawag ng binata mula sa likuran niya kaya agad siyang napalingon upang tingnan ito.“Are you okay?” tanong nito sa kaniya at wala siyang nagawa kundi tumango na lamang. Wala naman siya sa posisyon upang tanungin kung ano’ng napag-usapan nila ni Mariella at isa pa, privacy ito ng binata.Nang makapasok siya sa silid ay kaagad niyang ibinaba ang aso na regalo sa kaniya ng binata kasama ang pusa upang maiunat ang kaniyang mga braso.Kanina pa kasi niya hawak ang mga ito sa labas, baka nayayamot na rin ang mga ito. “Ano pala ang pangalan nilang dalawa?” tanong niya kay Louis na abala sa pagtitipa sa cellphone nito.“You should name them,” sambit ng binata. Napakunot ang noo niya dahil sa reply ni Eros.From: Dick

    Huling Na-update : 2021-06-15
  • The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)   Gun XV

    “Susunod na lang kami, Kai,” sambit ni Elaine. Yumakap sa kaniya pabalik si Louis na parang ayaw nitong umalis sa posisyon nila ng dalaga.“Okay, sige, but make it quick,” sagot ni Kaizer na kaagad ikinabuntonghininga ni Elaine dahil masakit pa rin ang mga hita niya. “Hey, let’s have a shower before going to the restaurant,” wika ni Louis. Tumaas ang kaliwang kilay niya dahil hindi nga siya makatayo dahil sa nangyari sa kanila.“Wife, are you okay?” tanong ng binata dahil hindi ito sumunod nang tumayo siya. Kaagad naman siyang inirapan ni Elaine na ikinagulat niya.“Mukha ba akong makatatayo sa posisyon na ito?” sarcastic na tanong ng dalaga. Napatingin naman si Louis sa kaniya dahil sa pagtataka kaya wala siyang nagawa kundi sabihin ang dahilan dito. “Masakit ang mga hita ko dahil sa laki ng alaga mo!” reklamo nito sa kaniya at tinakpan pa ang mukha dahil sa hiya.Kaagad naman siyang binuhat ng binata habang tumatawa-tawa. Elaine pouted. “Anong nakakatawa sa sinabi ko?” tanong niya r

    Huling Na-update : 2021-06-15
  • The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)   Gun XVI

    ElaineHindi ko alam, ngunit walang lumalabas na kahit anong boses hanggang sa bigla na lang akong hatakin ni Eron papalayo kay Louis na abala sa pakikipag-usap sa isang babae.Kasabay ng paghila niya ay ang luha na hindi ko alam kung bakit bigla na lang tumulo sa mga mata ko.Mukhang wala naman itong pakialam dahil hindi niya man lang ako tinapunan ng kahit katiting na tingin. Abalang-abala siya sa pakikipag-usap sa babaeng iyon. Sino ba ang babaeng iyon at noong kausapin siya ay ayaw niya na akong pansinin?“Ayos ka lang ba, Elaine?” tanong ni Eron nang makita niyang tumutulo na ang luha ko. Kaagad ko naman itong pinahid upang hindi niya mahalata na umiiyak ako dahil sa inis.“A, oo. Ayos lang ako. Huwag mo akong pansinin. Napuwing lang,” pagdadahilan ko sa kaniya at pilit na ngumiti. Mukhang hindi naman siya masamang tao dahil ang sabi niya ay naging kaklase niya noong high school sina Kaizer at Louis.Kaya ang akala ko ay matutuwa si Louis na makita si Eron, ngunit mukhang wala sil

    Huling Na-update : 2021-06-15
  • The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)   Gun XVII

    ElaineHindi maawat ang ngiti ko nang bigla akong yakapin ni Louis. “Did you love it, wife?” tanong niya na agad kong ikinatango. Sino bang babae ang hindi matutuwa sa oras na ma-surprise sila nang ganito?Nang bumitiw sa pagkakayakap si Louis ay bigla naman akong niyapos ng yakap ni Tita Hacel. “Congratulations to the both of you. I can’t wait to see you wearing your wedding gown.” Kaagad naman akong napangiti sa sinabi niya, kahit ako rin ay nae-excite makita ang sarili ko na nakasuot ng gown. Ni hindi ko kasi in-expect na mararanasan ko ang ganito hanggang sa dumating si Louis at ipinaramdam sa akin na maaari din akong ituring na special katulad ng ibang babae.Ang buong akala ko nga noon ay si Kaizer ang magpaparamdam sa akin nang ganito. Naging crush ko kasi siya noong tumuntong ako ng college. Lagi niya sa akin ipinararamdam na maganda ako, ngunit sadyang maliit talaga ang mundo dahil sa pinsan niya ako nahulog at mapapangasawa ko na ito.“Maraming salamat po, Tita Hacel. Kahit a

    Huling Na-update : 2021-06-15
  • The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)   Gun XVIII

    ElaineNang bumitiw ako sa paghahalikan namin ay agad kong tiningnan kung saan nagmula ang pag-click ng camera. Halos malaglag ang panga ko nang makita ko ang mga malalaking camera na nakatutok sa amin at may isang tao pa na may hawak ng mic.“Narito po tayo ngayon sa Desire Island at kitang-kita naman nating lahat ang matinding halikan ng tagapagmana ng Montemayor Company na si Louis Montemayor sa isang babae, parang kahapon lang ay bali-balita na sinorpresa niya raw ang actress na si Mariella Althea De Vera, ngunit ano itong nakikita natin?” tanong ng lalaki na may hawak ng mic at pumunta pa sa harap naming dalawa.“Just go with the flow, they are reporters,” bulong ni Louis sa akin na ikinatango ko na lamang. Totoo kayang iniutos niya na sorpresahin si Mariella o nagkamali lamang sina Juliana? Ang ipinagtataka ko pa ay bakit pumunta si Mariella sa silid ko para kausapin si Louis? Ano kaya ang pinag-usapan nila?“Maaari ka po ba naming ma-interview, Mr. Montemayor?” tanong nito na ik

    Huling Na-update : 2021-06-15
  • The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)   Gun XIX

    ElaineNang lingunin ko kung saan nagmula ang boses ay nakita ko si Kaizer na nakapamaywang sa harap namin habang ang mga mata niya ay nanggagalaiti sa galit. Kaagad kong itinulak si Tyron upang tumayo at magpaliwanag sa kaniya.“Mali ang iniisip mo, Kai,” sambit ko. Akmang magpapaliwanag sana si Tyron nang bigla siyang sapakin nang malakas ni Kaizer dahilan upang mapabagsak ito sa sahig. Ano ba ang ginagawa niya?“Ano’ng mali sa nakita ko, Elaine? Niyayakap ka ng gagong lalaki na ito. Ang kapal ng mukha mo, Tyron, pati si Elaine ay balak mong landiin. Wala ka na bang makuhang flings sa Desire Island?” asik ni Kaizer. Napasapo naman ako sa noo dahil sa inis habang tinutulungang tumayo si Tyron dahil masyadong napalakas ang sapak ni Kaizer. Bakit ba kasi napakainitin ng ulo ng mga lalaking Montemayor na ito?“Manahimik ka na, Kai. Please lang, puwede bang hayaan mo muna akong magpaliwanag!” wika ko na agad niyang ikinatigil. Humingi ako ng tawad kay Tyron bago tumalikod upang kausapin

    Huling Na-update : 2021-06-15
  • The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)   Gun XX

    Third Person Maagang bumangon si Louis. Gusto niya kasing ipagluto ng agahan ang dalaga dahil alam niyang napagod ito sa ginawa nila kagabi kaya gusto niyang makasalo ito bago siya magpunta sa mansion ni Sirius.Sa kabilang banda naman ay dahan-dahang bumangon si Elaine sa kama nila. Masyadong namamaga ang bandang ibaba niya. Mabuti na lamang ay wala na sa tabi niya si Louis. Siguradong mahihiya siya rito dahil nakakatawa ang itsura ng mukha niya sa tuwing pinipilit niyang maglakad.Pumunta si Elaine sa banyo na nasa loob lamang ng silid nina ni Louis. Nagsimula siyang mag-shower para fresh pa rin siya sa paningin ng binata.Nang matapos siya ay bumaba siya papunta sa kitchen para magluto sana ng pagkain niya nang makita niya ang binata na naka-apron habang nagluluto ng pancake.Kaagad niya itong niyapos ng yakap mula sa likod na ikinalingon nito sa kaniya. “Are your legs fine now?” tanong ni Louis. Napakamot sa ulo ang dalaga dahil ito ang unang itinanong ng binata sa kaniya. Medyo n

    Huling Na-update : 2021-06-15
  • The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)   Gun XXI

    Elaine“Ano, hija. Ayos ka pa ba riyan?” tanong ni Mommy Hacel. Nauna na kasi siyang bumaba sa sasakyan dahil hanggang ngayon ay nasusuka pa rin ako dahil sa hilo. Hindi ko kinaya ang pagda-drive niya nang mabilis, halos malagutan na ako ng hininga dahil sa kaba.Nasa harap kami ng isang malaking mansion. Ang sabi kasi niya ay susunduin muna namin ang dalawang makakasama namin na sina Sandra at Lexy kaya pumunta kami rito sa Reverence Street kung saan ito nakatira.“A-Ayos lang po ako,” nauutal na wika ko bago tuluyang alisin ang seatbelt upang makababa na rin.“Naku, hija. Siguradong matutuwa ang dalawa na ’yon kapag nakita ka. Hindi kasi sila nakapunta sa party dahil busy sila sa trabaho,” sambit ni Mommy Hacel nang makababa na ako sa sasakyan. Sa susunod talaga ay ako na mismo ang pipigil sa kaniya na hawakan ang susi ng mga sasakyan. Nakakatakot pala siyang magmaneho.“Gano’n po ba? Ano ho ba ang mga trabaho nila?” nakangiting tanong ko dahil naku-curious ako sa mga taong malapit

    Huling Na-update : 2021-06-15

Pinakabagong kabanata

  • The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)   Special Chapter #1

    ElaineMabilis lumipas ang mga araw, nalaman namin ang balita na nakawala si Zap kaya mas lalong dumoble ang security namin habang naghahanap ng leads kung sino ang tumulong kay Zap na makatakas at kung nasaan ang tunay kong ama.Nagbitiw ako ng malalim na buntonghininga bago tuluyang isandal ang ulo ko sa upuan. Ang buong akala ko ay matatapos na ang kasamaan ng mga Valencia, pero we were back to zero again.“Everything will be fine, wife. As long as we are together, we can do anything. I’ll dispatch more people to look for leads,” wika ni Louis. Hinawakan niya ang kamay ko. Napangiti ako.“Thank you, hubby, for always being by my side. Even when I’m still looking a part of my past identity, you’re patient,” usal ko at binigyan siya ng halik sa pisngi.Kinagabihan, habang inaasikaso ko ang paperworks na ipinasa sa akin ng wedding organizer na kinuha namin ay biglang umiyak si Mace

  • The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)   Epilogue

    LouisI’ve always thought of myself as the man who knew everything. Someone who was calculated, cold, and efficient—that’s who I am. Or rather, who I was, before Elaine. She wasn’t just a woman I was ordered to marry; she was the reason I started questioning everything about my carefully constructed world.It all started when I saw her for the first time walking with her friends down the street. I was in the backseat of my car, flipping through meaningless reports about the family’s business when I caught sight of her. She wasn’t extraordinary by any conventional standard. She had oversized glasses perched on her nose, braces, and hair that seemed to have a life of its own. Yet, there was something about her laugh. It was carefree. It was pure.“Who’s that woman?” I blurted out, startling Brennon.His eyes flicked to the rearview mirror, confused. “I—I don’t know, si

  • The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)   Gun L

    Elaine Malamig ang simoy ng hangin noong araw na nagpunta ako sa sementeryo. Tirik ang araw, pero hindi masakit sa balat dahil pa-hapon na. Tahimik, ramdam ko pa rin ang bigat sa puso ko habang nilalakad ang daan patungo sa puntod ni Ama. Sariwa pa rin sa akin ang lahat ng nangyari, sa isang iglap ay natapos ang lahat ng kasamaan ng mga Valencia. Pero alam kong hindi pa rin dito nagwawakas ang lahat dahil may mga organisasyon pa rin na gustong mapasakamay ang ledger na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maalala. Sa huli, nakulong si Zap na may patong-patong na kaso habang si Mariella ay dinala ni Lucas sa psychiatrist dahil halos mabaliw ito sa lahat ng nangyari. Binasa ko ang lapida na may nakasulat na Raymond Natividad. Ibinaba ko ang bouquet na ng puting rosas at nagsindi ng kandila. Napakabuting ama niya sa akin, lahat ay ginawa niya para maprotektahan ako. “Ilang buwan na lang, manganganak na ako. Sisiguraduhin kong dadalhin ko sila rito para makita mo,” wika ko habang kumiki

  • The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)   Gun XLIX

    Elaine Nang idilat ko ang mga mata ay naramdaman ko ang pahirap na nakatali sa aking mga kamay. Ito ay matigas at malamig, parang sinadyang higpitan para magdulot ng matinding sakit. Nanginginig kong tiningnan ang paligid. Para kaming nasa storage room, at bukod sa akin ay may dalawa pang tao—si Kaizer at Ama, na parehas ding nakatali sa upuan. “Ely . . .” Boses ni Kai. Mahina iyon ngunit puno ng pag-aalala. “Ayos ka lang ba?” Tumango naman ako kahit taliwas ang sinasabi ng puso ko. Mabilis ang pintig nito dahil sa kaba at takot na may mangyayari sa amin na masama. “A-Alam mo ba kung nasa’n tayo?” tanong ko. Nag-crack ang boses ko. Napailing siya. “Sa ngayon, ang alam ko lang ay na-kidnap tayo ng Valencia Organization. Hindi ko alam kung paano nila tayo nahanap, I will make sure na makatatakas tayo.” I was scared for the baby in my womb. Wala siyang kinalaman dito. “Everything will be fine, Ely, trust me,” sambit ni Kaizer. Mukhang may plano siya. “Ugh,” ungol ni Ama habang dah

  • The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)   Gun XLVIII

    ElaineNag-stay kami ni Louis sa Florida nang dalawa pang linggo. Nang makita ako ni Louis noong gabing iyon ay lagi niya akong kino-comfort. Bihira na lang din kaming gumala ulit at kung lalabas man kami ay may bantay kami. Hindi niya rin ako tinanong kung ano ang nangyari, mukhang hinihintay niya na ako ang kusang magkuwento.Ngayong araw ay susunduin kami ni Valerian para ihatid kami pabalik sa Pilipinas.“I want to stay here for awhile,” wika ko habang inaayos ang mga damit at pasalubong na binili namin.“We will come back here again. This is one of our houses now, I just need to finish all my work,” Louis answered and pecked a kiss on my cheek.Nang makasakay kami ay nginitian ako ni Valerian. “Looks like the newlyweds enjoyed their honeymoon that much. Aunt Hacel said to get both of you after three days, but someone wants to stay longer.”“Shut up, dickhead,” wika ni Louis na ikinatawa ko. So siya lang pala ang nagplano na isang buwan kami rito.“Nasaktan naman ako sa bati mo, pr

  • The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)   Gun XLVII

    ElaineIt had been a week, paulit-ulit ang naging routine namin ni Louis. Para na talaga kaming tunay na mag-asawa. Sa umaga ay ipinagluluto niya ako at gagala kami sa buong maghapon. Halos gabi-gabi ring may nangyayari sa amin. Sa totoo lang, parang panaginip ang lahat at ayaw ko nang magising.“Wife, are you still mad at me? I didn’t mean to act roughly last night,” wika ni Louis habang sinusubukan akong subuan ng kanin.“No. I’m not mad,” matipid na sagot ko.“Then why are you so quiet? Hmm,” tanong ni Louis. Sa totoo lang, gugustuhin ko na lang na nandito kami dahil baka mamaya kasi kapag umuwi kami ay may magbago na naman sa relasyon namin.“May iniisip lang ako,” sabi ko.Sumeryoso ang mukha niya. “What is it? You can tell me.”Bahagya na lang akong napangiti. Mas mabuti nang itago ko na lang muna ang nakita ko. Baka mamaya ay paghinalaan niya ako na may connection kay Zap.“I’m just thinking about where we will go today. Ang dami palang magagandang view rito. Maligo muna ako par

  • The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)   Gun XLVI

    ElaineNagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko, mukhang wala pa rrin si Louis. Dahan-dahan akong bumangon dahil medyo masakit pa ang ulo ko at mugto ang mga mata. May mga sugat pa ang daliri dahil sa pagpulot ko sa nabasag na frame.Pumunta ako sa kusina at kinuha ang litrato. Pinagmasdan kong muli ito bago lukutin at ilagay sa loob ng bulsa ko. Hindi dapat ito makita ni Louis, nakasisiguro ako na tanging si Ama lang ang makasasagot ng lahat ng katanungan na mayroon ako tungkol sa tunay na katauhan ng lalaki. Binuksan ko ang ref, pero wala itong ibang laman kundi tubig. Napabuntonghininga na lang ako at naligo para lumabas. Hahanap na lang ako ng grocery store.“Wife, where are you going?” Halos lumundag ang puso ko sa gulat nang makita si Louis. Magulo ang kaniyang buhok at malalim ang eyebags. May bakas ng dugo sa damit niya at may gasgas siya sa noo. “Are you okay?” tanong ko at hinawakan ang noo niya na may gasgas.Kaagad kong napagtanto kung ano ang ginawa k

  • The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)   Gun XLV

    ElaineNaalimpungatan ako nang bigla akong makarinig ng malakas ringtone na galing sa cellphone ni Louis.“Answer your call,” utos ko. Nakita ko naman si Louis na pinatay ang tawag at ibinalik ang pagtitig sa akin.“I’m sorry for waking you up,” wika ni Louis. Kinuskos ko ang dalawang mata ko upang mas lalong makita ang mukha niya dahil medyo madilim sa silid.“Ayos lang, naalimpungatan lang ako. But why are you still awake?” tanong ko sa kaniya at akmang babangon para sana kumuha ng maiinom sa kusina.Aray.Kaagad akong napapikit nang mariin nang maramdaman ang kirot sa bandang ibaba ko. Ganito rin ang nangyari sa akin noong unang p********k namin. Parang binibiyak ang katawan ko sa dalawa.Nang mapansin ni Louis na parang may iniinda akong sakit ay inalalayan niya ako. “Are you okay, wife? Should I call a doctor?” concerned na tanong niya kaya hindi ko maiwasang tumitig sa itsura nya. Was he really concerned about me?Napangiti naman ako dahil sa tuwa, pero kaagad na pumasok sa isi

  • The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)   Gun XLIV

    ElaineNang makabalik ako sa loob ng venue ay kaagad lumapit sa akin si Venice. “Mabuti naman at nandito ka na, baks. Hinihintay ka ng lahat sa balcony para masimulan nang ibigay sa inyo ni Louis ang regalo nina Tita Hacel,” aniya. Hindi ko naman mapigilang mapalunok dahil sa kaba.Ano na naman ba ang pakulo ng pamilyang Montemayor?Kaagad naman akong nagpilit ng ngiti nang makita kong nakatingin pa rin sa akin si Venice. Wala siyang kaalam-alam kung ano ang mayroon sa pagitan namin ni Louis. Hindi ko siya masisisi dahil sigurado akong itatago sa kaniya ni Volstrige ang bagay na iyon.“Pasensiya na, mukhang na-late na naman ako. Nag-restroom kasi ako saglit,” paliwanag ko at akmang ihahakbang na ang mga paa ko nang biglang hawakan ni Venice ang braso ko dahilan upang mapatigil ako.“Sandali lang naman, baks. Talagang inabangan kita rito kasi may balak akong ibigay sa ’yo. At saka, lutang ka ba? Hindi naman diyan ang daan sa balcony. Ayan ba ang epekto ng alak?” Humagalpak ito ng tawa.

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status