Third Person's Point of View
“Kita mo nga naman, huwag mong sabihin na may girlfriend ka na namang bago? Tss, ang bilis naman. Hindi pa namin napapatay si Mariella sa harap mo, pero huwag kang mag-alala, sisiguraduhin kong makikita mong mamatay ang bago mo!” sigaw nito habang ang boses niya ay dumagundong sa buong lugar. Mga limang tao na ang nakahandusay sa sahig dahil sa tama ng baril ng mga ito sa puso.
Pumaikot ang grupo ng mga armado kay Louis. Nasa likod si Elaine na kanina pa nanginginig sa takot. Hawak niya pa rin ang pistol na ibinigay sa kanya ng binata, ngunit hindi niya alam kung paano gagamitin ito.
Naranasan niya lang makahawak ng ganito noong magpunta sila nina Venice at Baklang Elena sa isang bagong bukas na firearm training na nagtuturo kung paano humawak ng baril, ngunit nagtungo lamang sila roon dahil sa poging instructor na crush na crush ni Elena. Halos matanggal nga ang kaluluwa nito sa tuwing lalapitan siya ni Xypen. Kaya lang ay hindi pa sila nagtatagal sa training ay nakita nilang may kasama itong babae na ikinaselos ni Elena. Kaya't inaya sila nito na sa iba na lang ulit mag-enroll na tinanggihan na nilang dalawa ni Venice.
“Huwag kang magalit, Montemayor, ngunit may mata ako sa likuran mo. Kaya mamili ka kung sino ang pagkakatiwalaan mong mabuti,” wika ng lalaki. Dahan-dahan itong lumapit kay Louis na ngayon ay nakalabas na ang isang pistol.
Nang makalapit ang lalaki ay hinawakan nito ang baba ni Elaine na agad tinabig ni Louis. “Don't fucking touch her!” asik ng binata habang nanlilisik ang mga mata sa galit.
“Chill, Montemayor. Wala naman akong balak agawin ang girlfriend mo,” wika nito at tinaas ang dalawang kamay upang patigilin si Louis. Nakatutok na sa kanya ang pistol habang hawak naman nito sa braso si Elaine na parang pinoprotektahan ito.
“Hayaan mo. Dumilat ka, Elaine. Ako nga pala si Serverus, tandaan mong mabuti ang mukha ko dahil ito na ang pagkakataon mo na makita ang papatay sa inyong dalawa ni Montemayor,” sambit ni Serverus. Ang mga mata niya ay napupuno ng galit at poot kay Louis dahil sa ginawa nito sa kanyang magulang.
Pinapangako niya sa sarili na ipaghihiganti ang mga ito.
Dahan-dahang dumilat si Elaine upang tingnan si Serverus. Ang mga mata nito ay napupuno ng galit. Mukha itong sobrang nai-stress dahil sa malaking eyebags nito at bitak bitak na labi. Mukhang masyado itong nagfo-focus kung paano makakapaghiganti kay Louis kaysa sa kalusugan nito.
“Mukhang mas maganda ang nabihag mo ngayon kaysa kay Mariella,” wika ni Serverus. Nagbulungan naman ang kasamahan niya dahil sa sinabi ng kanilang amo.
“Sa tingin mo ay nahihibang na si bossing? Eh ang pangit naman ng kasama ni Louis Montemayor. Mas sexy at matangkad ang kasama niya no'n,” panlalait ng isang lalaki na nasa gilid ni Elaine, sapat na upang marinig niya ito.
“Ulol, huwag mo akong pangunahan!” sigaw ni Serverus at binaril ang kasamahan niya na nagsalita nang masama tungkol kay Elaine. Ang ayaw niya sa lahat ay pinapakialaman ang kanyang mga sinasabi. Hindi niya ito pinatay dahil sa dalaga, dahil wala naman siyang nararamdaman dito na kahit ano.
“Bakit mo pinatay si Felix? Tama naman ang sinabi niya tungkol sa babaeng 'yan!” sigaw ng isa. Tinutok nito ang baril kay Serverus na nakangisi lang sa kanya. Masyado itong maingay.
“Bakit, gusto mo bang sumunod sa kapatid mo?” tanong niya. Ang labi ng kapatid ni Felix ay nagngingitngit sa galit.
“Totoo naman ang tinuran niya. Huwag mong sabihing gusto mo na ang kasama ni Louis!” sabat naman ng isa na ikinapikit ni Serverus sa inis. Kung papatulan niya ang mga ito ay baka maubos ang mga kasamahan niya.
“Putangina, tahimik!” sigaw niya at nagpaputok ng baril mula sa taas upang makuha ang atensyon ng mga kasamahan niya.
“Si Louis ang kalaban natin kaya kung wala kayong magandang sasabihin, huwag na lang kayo magsalita kung ayaw ninyong matulad kay Felix,” sambit niya. Tumango naman ang mga ito.
Agad namang nagsalita si Louis na kumuha ng atensyon nila. “Then shoot me, but if you ever try to touch, her I'll kill all of you,” pagbabanta niya na ikinatawa ng malakad ni Serverus. “Hindi mo kami tauhan, Louis, para utusan. Papatayin kita kasama ng pinagtatanggol mong babae kaya huwag kang mag-alala!” sigaw nito at tuluyan nang sumugod ang mga tauhan ni Serverus kay Louis.
Ang mga unang sumugod ay mga kutsilyo lang ang gamit kung kaya't bago pa man sila makalapit ay binabaril na sila ni Louis. Si Elaine naman ay napatakip ng tainga dahil sa ingay. Parang bumabalik tuloy siya sa lugar kung saan laging may dumudukot sa kanya noong bata siya. Mabuti na lang at lagi siyang naliligtas ng ama niya.
Palipat-lipat pa nga sila ng bahay noon dahil sa mga pagtatangka sa kanila. Kaya't one time, tinanong niya ang ama kung bakit siya dinudukot ng mga ito, pero lagi lang nitong sinasagot na malalaman din niya ito sa madaling panahon.
“Nakapagtataka lang, Louis, kung bakit inuuna mo pang ipagtanggol ang babaeng 'yan kaysa sarili mo. Hindi ka ba natatakot sa kamatayan na naghihintay sa 'yo?” sambit ni Serverus. Pawisan na si Louis dahil sa pagbaril nito sa mga lumalapit sa kanila ni Elaine.
Ngunit sa tuwing naaalala niya ang sinabi ng ama niya na protektahan ang dalaga nang buong buhay niya ay nagtataka siya kung bakit. Lalo na ngayong nalaman niya na anak ito ng dati niyang yaya. Siguradong may koneksyon ito sa lahat ng bagay na kailangan niyang pagsama-samahin.
“Puntiryahin ninyo ang babaeng kasama ni Louis!” sigaw ni Serverus na sinunod ng mga kasama niya. Tinutok nila ang mga baril sa dalaga at sinimulang paputukan ito, ngunit binuhat lamang siya ni Louis upang i-dodge ang bala na tatama sa kanila.
Nang idilat ni Elaine ang kanyang mata ay nakita niya ang binata na pinagpapawisan na. Nakakatatlong tapon na ito ng pakete ng bala, ngunit sa sobrang daming tauhan ni Serverus ay parang mas mauuna pang maubos ang mga dala niyang bala kaysa mga ito.
Nanlaki ang mata ni Elaine nang biglang magpaputok ng baril si Serverus mula sa malayo na tatama sa kanya, parang naestatwa siya sa kinatatayuan at unti-unting nag-flashback sa kanya ang nangyari sa kanyang ina.
***
“Elaine, umalis ka na rito!” sigaw ng kanyang ina habang tumatakbo sila sa madamong kagubatan. Hindi niya alam kung bakit sila hinahabol ng mga armadong lalaki, ngunit may tama na ang kanyang ina sa tagiliran nito kung kaya't kinakapos na ito ng hininga.
Wala siyang kaalam-alam sa nangyayari. Ang akala niya ay pupunta lamang sila sa tito niya na sinasabi ng ina niya.
“Anak, umalis ka na rito bago ka pa nila mahabol. Nagmamakaawa ako sa 'yo. K...k-apag nakita mo ang ama mo, sabihin mong mahal na mahal ko siya,” wika nito. Tuluyan na itong kinapos ng hininga. Hindi na niya kayang tumakbo pa at napapapikit na rin siya. Alam niya anumang minuto ay matutunton na sila ng kapatid niya at hindi ito mag-aalinlangan na patayin ang anak niya.
Ang buong akala niya ay nagbago na ito at balak sumapi sa kanya, ngunit nagkakamali siya.
Nagulat ang batang si Elaine nang marinig niya ang hakbang na patungo sa kanilang dalawa ng kanyang ina. Tumutulo na ang mga luha niya. Hinalikan lamang siya ni Serena sa noo. “Shhh. K...k-ailangan lagi kang maging matapang,” nauutal na wika nito bago siya tuluyang itulak ng kanyang ina upang tumakbo na.
Hindi mapigilan ang pagtulo ng mga luha niya habang binabagtas ang daan palabas sa kagubatan. Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya nang marinig ang bala ng baril na ang ibigsabihin ay natunton ng mga ito ang kanyang ina.
Napahawak na lang siya nang mariin sa bracelet na ibinigay ng kanyang ina. Bata pa lamang siya, pero ito ang nagbigay ng trauma sa kanya. Ilang buwan siyang hindi nakapagsalita dahil dito kaya't nagpupunta sila ng kanyang ama sa psychologist upang laging patingnan ang kalagayan niya.
***“Fuck, wife. Get down!” sigaw ni Louis. Tumakbo ito papunta sa kanya na ikinatama ng bala ng baril sa likuran ng binata. Nagulat siya sa ginawa nito nang tuluyan silang bumagsak sa sahig.
Puro dugo ang nahawakan niya mula sa likuran nito na ikinaiyak niya. Nangyayari na naman ang bagay na ito dahil sa kanya. Nagsimulang tumulo ang luha niya, ngunit agad naman siyang pinatahan ni Louis. “Shhh,” sambit nito. Nanginginig na si Elaine.
Hindi niya alam kung ano ang gagawin, ngunit nagsalita siya habang humihikbi. “K...k-asalanan ko ito, sorry. Hindi mo dapat ginawa ang bagay na 'yon. Para sa akin ang bala, hindi para sa 'yo,” wika ni Elaine habang sinisisi ang sarili sa nangyari. Ngumiti lamang sa kanya ang binata.
“It's my duty to protect you, so don't feel guilty about it. Besides, I'm happy that you're fine. I can't forgive myself if something happens to you,” sambit ng binata. Kaagad namang nagsalita mula sa likuran nila si Serverus na pumapalakpak pa.
“Wow, napaka-romantic naman. Akala ko ay nanonood ako ng drama. Hayaan mo, isusunod kita kay Louis,” wika nito. Itinutok nito ang baril kay Elaine. Dahan-dahan namang humarap si Louis habang hawak ang likod nito na tinamaan ng baril at tinutok din ang baril kay Serverus.
“As if I will let you do that,” sambit ni Louis. Nanghihina na siya sa tama ng bala sa likod niya, ngunit hindi niya hahayaang galawin nito si Elaine.
“Tss, ayaw mo bang makasama ang girlfriend mo sa impyerno? Dapat nga, magpasalamat pa kayo sa akin dahil hindi na kayo magkakalayo,” wika ni Serverus. Nagulat sila nang bumukas ang pinto at tumambad roon sina Volstrige na may kasamang mga tao.
“Damn, you're all late,” mura sa kanila ni Louis. Humingi naman ng tawad ang mga ito at tuluyan nang sinugod ang mga kasamahan ni Serverus.
“Sumuko ka na, Serverus. Napaliligiran na namin kayo,” sigaw ni Brennon. Mas lalong nanlisik ang mga mata ng binata at tinutukan muli ng baril si Louis.
“Kung lalapit kayo, papatayin ko muna ang boss ninyo!” sigaw nito. Bakas sa mga mata niya ang galit dahil hindi pa siya tuluyang nakakapaghiganti kay Louis.
Hindi naman sila makalapit kay Serverus na ikinatawa nito nang malakas. “Masunurin naman pala kayo, eh. Hayaan ninyo, bibilisan ko ang pagtapos sa boss ninyo,” wika nito. Nanlalabo na ang mga mata ng binata.
“Anong problema, Louis? Mukhang nanghihina ka na yata,” pang-aasar nito sa binata na hindi na makatayo. Mabuti na lamang ay inalalayan ito ni Elaine na ngayon ay sinisisi pa rin ang sarili.
“Fuck!” mura ni Louis dahil tuluyan nang nanlalabo ang mga mata niya. Hindi naman siya ganito sa tuwing tinatamaan siya ng bala. Sa totoo lang ay parang sanay na nga ang katawan niya sa ganito, pero kakaiba ang ngayon.
“Anong problema? Kawawa ka naman. Ilang sandali na lang ay mamamatay ka na dahil sa cyanide na inilagay ko sa bala ng baril. Akala mo ba ay maiisahan mo ako, Louis?” wika nito habang humahalakhak na ikinalaki ng mata ni Elaine. Kailangan nilang madala agad sa hospital ang binata. Kung hindi ay mawawala ito sa piling niya. Tuluyan nang nanghihina ang tuhod ng binata. Tinutok nito ang baril kay Elaine na ikinagulat niya.
“W...w-ife, go away,” nauutal na sambit ng binata. Umiiyak lamang si Elaine. Hindi niya iiwan ang binata na isinakripisyo ang sarili para sa kanya.
“Barilin mo na ako, pero huwag na si Louis!” wika niya habang umiiyak. Tiningnan lamang siya ni Serverus at kinalabit ang gatilyo, pero bago pa man ito tuluyang tumama sa kanila ay niyakap ni Elaine si Louis at nagpagulong sa sahig hanggang sa bigla na lamang bumagsak si Serverus sa sahig dahil sa tama ng baril nito.
“Tss, hindi ko alam na may kakayahan ka palang humawak ng baril,” wika ni Serverus at akmang papaputukan pa sila ng baril ni Louis nang muli niyang barilin ito na tumama sa kamay nito.
“Damn you, woman!” sigaw nito. Bago pa makalapit ang binata kina Elaine ay may tumamang baril dito na galing kay Alex.
Agad itong napadapa dahil sa tama ng baril nito. “B...b-akit mo ako tin—” Naputol ang sasabihin ni Serverus dahil pinaulanan ito ng bala ni Alex upang hindi na ito tuluyang makapagsalita.
Nabitiwan naman ni Elaine ang baril na hawak niya at tuluyan nang nahimatay sa tabi ng binata.
Sana lang ay maging maayos ang kalagayan nito.
Third Person's Point of ViewNagising naman dahil sa liwanag si Elaine. Agad bumungad sa kanya ang puting kisame na agad niyang ikinabangon.“Anak, gising ka na pala. Mabuti naman, ang akala ko ay mawawala ka sa akin,” wika ng kanyang ama. Agad itong lumapit sa kanya upang yumakap. Nasa tabi nito si Kaizer na ngumiti sa kanya, mukhang alam na nito ang nangyari sa kanila ni Louis.“A...a-yos lang po ako. Nasaan po si Louis?” tanong niya, ngunit nagkatinginan lamang sina Kaizer at ang kanyang ama na parang walang gustong sumagot sa tanong niya.“A...A-ma?” pagtawag niya kay Mr. Natividad, ngunit ngumiti lang ito sa kanya at hinawakan siya sa kanyang ulo.“Anak, mas mabuti kung magpahinga ka muna. Ang bilin ng nurse ay huwag ka raw munang masyadong gumalaw lalo na at nakaka-trauma ang mga nangyari sa 'yo,” sagot sa kanya ni Mr. Natividad, ngunit hindi niya kayang magpahinga hangga't hindi siya nakasisigu
Third Person's Point of ViewNakahinga nang maluwag sina Juliana at Alexa nang makapagtago sila sa isang malapit na bar. Mabuti na lamang ay may dala-dala silang student ID upang makapasok. Hindi masyadong mahigpit ang mga bouncer na naroon o sabihin na lang nila na s-in-educe ni Alexa ang mga ito kung kaya't pinapasok sila kaagad.Mabuti na lamang ay bihasa ang dalaga sa mga ganoong bagay. Hindi katulad ni Juliana na puro pag-aaral ang iniisip.“Akala ko, hindi na tayo makatatakas sa mga 'yon, pero may problema akong iniisip. Paano natin masosorpresa si Ate Elaine?” tanong ni Juliana. Umupo sila sa counter para um-order ng drinks. Masyado silang napagod katatakbo kung kaya't nais nilang mag-refresh saglit.“But how can we surprise Elaine if we can't enter the hospital of our Tito Alexander, argh. They are so panira kasi,” sambit ni Alexa. Kaagad naman niyang tinuro sa bartender ang margarita cocktail na paborito niyang inumin tuwi
Third Person's Point of ViewDahan-dahan silang lumabas sa bar upang masiguro na walang naghihintay sa kanila na paparazzi sa labas. Bago umalis kanina ay hindi mapigilang bulungan ni Juliana si Noah na nagse-serve sa ibang mga customer.“Good luck in your work, handsome. I will text you later,” bulong niya at hinalikan sa pisngi ang binata nang makitang walang tao na nakatingin sa kanila.Kaagad naman siyang kinindatan nito at tuluyan nang bumalik si Alexa na nasa restroom. Inaya na siya nito na ituloy na ang surpresa para kay Elaine. Pinalipas lang nila ang oras upang masiguro nila na wala nang nakasunod sa kanila na mga reporter, masyado kasi itong makukulit at hindi sila makapapasok sa loob ng hospital dahil sa dami ng mga ito.“Nakita ko 'yon, haliparot ka. If you don't kuwento mamaya, isusumbong kita kay Kuya Kaizer,” bulong ni Alexa habang papasok sila sa hospital. Napakalinaw talaga ng mga mata nito sa mga ganitong bagay. K
R-18: Mature Content ahead.Third Person's Point of ViewNang makita ni Elaine na lumabas na si Mariella sa silid ay kaagad siyang naglakad papunta rito, ngunit napahinto siya nang makitang umiiyak ito.“A...a-yos ka lang ba?” tanong niya rito, ngunit tiningnan lamang siya nito bago tuluyang umalis.Mukhang hindi siya nito gustong makausap, ngunit ayaw na ayaw niyang nakakakita ng babaeng umiiyak dahil para sa kanya, dapat itinuturing ang isang babae na parang prinsesa, ngunit sa kasong ito ay mukhang wala siyang magagawa dahil ayaw siyang pansinin ni Mariella.“Wife,” tawag ng binata mula sa likuran niya kung kaya't agad siyang napalingon upang tingnan ito.“Are you okay?” tanong nito sa kanya at wala siyang nagawa kundi tumango na lamang. Wala naman siya sa posisyon upang tanungin kung anong napag-usapan nila ni Mariella at isa pa, privacy ito ng binata.Nang makapasok siya sa silid ay kaaga
Third Person's Point of View“Susunod na lang kami, Kai,” sambit ni Elaine. Yumakap sa kanya pabalik si Louis na parang ayaw nitong umalis sa posisyon nila ng dalaga.“Okay, sure, but make it quick,” sagot ni Kaizer na kaagad ikinabuntonghininga ni Elaine dahil masakit pa rin ang mga hita niya.“Hey, let's have a shower before going to the restaurant,” wika ni Louis. Tumaas ang kaliwang kilay niya dahil hindi nga siya makatayo dahil sa nangyari sa kanila.“Wife, are you okay?” tanong ng binata dahil hindi ito sumunod nang tumayo siya. Kaagad naman siyang inirapan ni Elaine na ikinagulat niya.“Mukha ba akong makatatayo sa posisyon na ito?” sarcastic na tanong ng dalaga. Napatingin naman si Louis sa kanya dahil sa pagtataka kaya wala siyang nagawa kundi sabihin ang dahilan dito. “Masakit ang mga hita ko dahil sa laki ng alaga mo!” reklamo nito sa kanya at tinakpan pa ang m
Elaine's Point of ViewHindi ko alam, ngunit walang lumalabas na kahit anong boses hanggang sa bigla na lang akong hatakin ni Eron papalayo kay Louis na abala sa pakikipag-usap sa isang babae.Kasabay ng paghila niya ay ang luha na hindi ko alam kung bakit bigla na lang tumulo sa mga mata ko.Mukhang wala naman itong pakialam dahil hindi niya man lang ako tinapunan ng kahit katiting na tingin. Abalang-abala siya sa pakikipag-usap sa babaeng 'yon. Sino ba ang babaeng 'yon at noong kausapin siya ay ayaw niya na akong pansinin?Sabagay, may kasalanan pa rin ako sa kanya. Dapat ay hindi ako nakipag-usap kay Eron habang hindi pa siya dumarating.“Ayos ka lang ba, Elaine?” tanong ni Eron nang makita niyang tumutulo na ang luha ko. Kaagad ko naman itong pinahid upang hindi niya mahalata na umiiyak ako dahil sa inis.“Ah, oo. Ayos lang ako. Huwag mo akong pansinin. Napuwing lang,” pagdadahilan ko sa kanya at pilit na ngumiti.
Elaine's Point of ViewHindi maawat ang ngiti ko nang bigla akong yakapin ni Louis. “Did you love it, wife?” tanong niya na agad kong ikinatango. Sino bang babae ang hindi matutuwa sa oras na ma-surprise sila nang ganito?Nang bumitiw sa pagkakayakap si Louis ay bigla naman akong niyapos ng yakap ni Tita Hacel. “Congratulations to the both of you. I can't wait to see you wearing your wedding gown.” Kaagad naman akong napangiti sa sinabi niya, kahit ako rin ay nae-excite makita ang sarili ko na nakasuot ng gown. Ni hindi ko kasi in-expect na mararanasan ko ang ganito hanggang sa dumating si Louis at pinaramdam sa akin na maaari din akong ituring na special katulad ng ibang babae.Ang buong akala ko nga noon ay si Kaizer ang magpaparamdam sa akin nang ganito. Naging crush ko kasi siya noong tumuntong ako ng college. Lagi niya sa akin pinaparamdam na maganda ako, ngunit sadyang maliit talaga ang mundo dahil sa pinsan niya ako nahulog at mapa
Elaine's Point of ViewNang bumitiw ako sa paghahalikan namin ay agad kong tiningnan kung saan nagmula ang pag-click ng camera. Halos malaglag ang panga ko nang makita ko ang mga malalaking camera na nakatutok sa amin at may isang tao pa na may hawak ng mic.“Narito po tayo ngayon sa Desire Island at kitang-kita naman nating lahat ang matinding halikan ng tagapagmana ng Montemayor Company na si Louis Montemayor sa isang babae, parang kahapon lang ay bali-balita na sinorpresa niya raw ang actress na si Mariella Althea De Vera, ngunit ano itong nakikita natin?” tanong ng lalaki na may hawak ng mic at pumunta pa sa harap naming dalawa.“Just go with the flow, they are reporters,” bulong ni Louis sa akin na ikinatango ko na lamang. Totoo kayang iniutos niya na sorpresahin si Mariella o nagkamali lamang sina Juliana? Ang ipinagtataka ko pa ay bakit pumunta si Mariella sa silid ko para kausapin si Louis? Ano kaya ang pinag-usapan nila?&
Elaine’s Point of ViewNaalimpungatan ako nang bigla akong makarinig ng isang malakas na tunog ng ringtone na nagmumula sa cellphone ni Louis.“Answer your call,” usal ko habang nakita ko naman si Louis na pinatay ang tawag at binalik ang pagtitig sa akin.“I’m sorry for waking you up,” wika ni Louis habang kinuskos ko ang dalawang mata ko upang mas lalong makita ang mukha nya dahil medyo madilim sa silid.“Ayos lang, naalimpungatan lang ako. But why are you still awake?” tanong ko sa kaniya at akmang babangon para sana kumuha ng maiinom sa kusina.Aray.Kaagad akong napapikit nang mariin nang maramdaman ko ang kirot sa bandang ibaba ko. Ganito rin ang nangyari sa akin nang unang pagtatalik namin. Parang binibiyak ang katawan ko sa dalawa.Nang mapansin ni
Elaine’s Point of ViewNang makabalik ako sa loob ng venue ay kaagad lumapit sa akin si Venice. “Mabuti naman at narito ka na, baks. Hinihintay ka ng lahat sa balcony para masimulan nang ibigay sa inyo ni Louis ang regalo nila Tita Hacel,” aniya habang hindi ko naman mapigilang mapalunok dahil sa kaba.Ano na naman ba ang pakulo ng pamilyang Montemayor?Kaagad naman akong nagpilit ng ngiti nang makita kong nakatingin pa rin sa akin si Venice. Wala s’yang kaalam-alam kung ano ang meron sa pagitan namin ni Louis. Hays, hindi ko s’ya masisisi dahil sigurado akong itatago sa kanya ni Volstrige ang bagay na yun.“Pasensya na, mukhang na-late na naman ako. Gumamit kasi ako ng restroom saglit,” usal ko at akmang ihahakbang na ang mga paa ko nang biglang hawakan ni Venice ang braso ko, dahilan upang mapatigil ako.“Sandali lang naman, baks. Talagang inabangan kita rito dahil may balak akong ibigay sa’yo
Elaine's Point of ViewNang magising ako ay kaagad kong tiningnan ang paligid, ito pa 'rin ang silid kung saan ako dinala ni Ashton.Ibig sabihin ay totoo ang nangyari kanina, akala ko ay isa lamang bangungot.Napasapo naman ako sa noo ko ng maalala ko ang sinabi sa akin ni Ashton tungkol sa relasyon namin ni Louis.Wala akong kaide-ideya na may gano'n pa lang kasunduan na nagaganap sa pagitan namin.Ang akala ko ay ang kasal namin ay kabayaran sa utang ng aming pamilya sa mga Montemayor, ngunit, mukhang nagkakamali ako.Hays, ano pa nga ba ang inaasahan ko?Ito ang kabayaran sa pagtitiwala ko ng sobra, kung alam ko lang ay hindi ko na sana binuksan ang puso ko sa isang tao na balak lang na gamitin ako laban sa ibang organisasyon.Hindi ko alam pero wala akong balak gumalaw mula sa kinauupuan ko parang bumigat ang buong ka
Warning: Prepare your tissue before reading this chapter.Elaine's Point of ViewDahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko, kaagad naman bumungad sa akin ang isang malaking chandelier na kumikinang.Nang sinubukan kong umupo ay bigla akong napahawak sa ulo ko dahil naramdaman ko ang pagkirot nito."It looks like you're awake," wika ng isang maskuladong boses na kaagad kong ikinalingon sa kaliwa ko.Kaagad akong napanganga nung makita ko si Ashton na walang suot na pang-itaas habang prenteng prente na nakaupo at nakapa-krus ang kanyang hita at braso."Bakit ka narito? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko ngunit, ngumiti lang s'ya sa akin at dahan-dahang tiningnan ang bandang dibdib ko."I think you should dress up before talking to me. How about that?" nakangising tanong nya at tumayo upang pumunta sa closet.
Elaine's Point of View“Excuse me,” usal ko sa mga guest na nakaharang sa dinadaanan ko.“Watch out, miss,” singhap ng waiter nung aksidente ko itong matunggo.“Fuck. The clumsiness of yours ruined the dress of my fiancée. Look what you've done,” asik ng isang lalaki na nakasuot ng tuxedo. Sa tindig pa lang niya ay masasabi kong isa ito sa mga business partner ng kompanya nina Louis at um-attend sa kasal namin upang magpalakas sa ibang mga negosyante na narito.“I'm sorry about that, but I really need to go,” sagot ko. Akmang maglalakad na sana ako nang biglang hilahin ng babaeng kasama niya ang kanang braso ko.“How rude of you! Nakaperwisyo ka na ngang babae ka, ikaw pa ang may ganang talikuran kami? Hindi mo ba alam kung sino kami, ha?” singhal ng babae. Naagaw niya ang atensyon ng ibang mga guest na mal
Elaine's Point of View “Ayos ka lang ba, baks?” tanong ni Baklang Elena nung idilat ko ang mga mata ko. Bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha kung kaya't binigyan ko s'ya ng isang pekeng ngiti. “Oo. Medyo nainitan lang siguro ako sa suot kong gown,” sambit ko. May halong katotohanan naman ang sinagot ko dahil medyo mainit nga sa katawan ang aking suot na gown dahil kanina pa lang sa simbahan ay pinagpapawisan na ang kilikili ko. “Jusmiyo ka, baks! Kinabahan naman ako sa'yo. Kapag may nangyaring masama, ako ang mate-tegi sa asawa mo,” wika ni Baklang Elena habang inaalalayan ako patayo. “Ano ba 'yang nasa likuran mo? Bakit tinatago mo?” dugtong na tanong niya na ikinalunok ko dahil sa kaba. Akmang kukuhanin niya na sana ang regalo ng bigla akong makaisip ng dahilan. “R-regalo ni Sandra para sa honeymoon namin ni Louis,” sigaw ko na ikinatigil niya. Sumilay ang ngisi sa labi ni Baklang Elena dahil sa iwinika
Elaine's Point of View Nang mayari ang naganap na kasalan ay sari-saring pagbati ang natanggap namin ni Louis. “Congratulations sa inyo,” usal ni Sandra at iniabot niya sa aming dalawa ang isang nakabalot na regalo. “Ikaw talaga, hindi ka makapaghintay na makapunta tayo sa venue bago mo iabot ang regalo,” singit ni Lexy. “I know that my gift would be useful in their honeymoon. So I'm very excited to give it and besides, baka makalimutan pa nilang dalhin kung mamaya ko pa ibibigay,” sagot ni Sandra na agad kong ikinanganga. “Look at Elaine's face, mukhang nagulat siya sa sinabi mo,” wika ni Lexy at umirap pa kay Sandra upang lapitan ako.
Elaine's Point of ViewTaimtim kong tiningnan ang sarili ko sa isang malaking bilog na salamin na nasa loob ng silid.Masasabi kong napakaganda talaga ng pagkakalikha sa puting mermaid gown na suot ko ngayon.“Oh, ’di ba. Bagay na bagay sa 'yo ang gown na napili mo,” usal ni Mrs. Rea habang dahan-dahang lumapit sa akin upang ayusin ang buhok ko.“Sadyang napaka-perfect lang po ng pagkakagawa mo,” sambit ko at ngumiti nang kaunti. Medyo kinakabahan kasi ako sa mangyayari mamaya.Magugustuhan kaya ni Louis ang gown na suot ko?Napailing na lang ako sa naisip ko.Masyado na naman akong umaasa porket nagbago ang pakikitungo niya sa akin nitong nagdaang araw.“Naku, iha, maganda kasi ang magsusuot kaya bumagay ang gown at isa pa, ilaylay mo na lang ang buhok mo rito sa kanang balikat para ma-emphasize ang earrings mo,” dugtong ni Mrs. Rea na ikinatango ko.“Maupo ka na rito, Mrs
Elaine's Point of ViewMaaga akong nagising dahil ngayong araw gaganapin ang competition na ihe-held sa St. Montesseri Gym.Kasalukuyan akong kumakain ng umagahan na niluto ni Blaire habang kasabay ko si Louis na abala sa pagbabasa ng diyaryo. Wala ni isa sa aming dalawa ang nais basagin ang katahimikan. Sabagay, ginagawa lang naman namin ang pagpapanggap na ito dahil malapit na ang kasal namin kung kaya't kailangang makumbinsi namin ang mga tao na masaya kami sa isa't isa.Ngunit nanlaki ang mga mata ko nang biglang tumunog ang cellphone ko na ikinabaling ng tingin sa akin ni Louis.Noah is calling…Hindi ko alam kung dapat ko bang sagutin ang tawag dahil alam ko namang magagalit siya sa oras na marinig niyang kausap ko si Noah, pero baka importante ito kaya wala akong nagawa kundi pindutin na lamang ang accept.“Hello, Noah?” panimulang tanong ko habang kinakain ang meatball na nasa plato ko. Napakasarap talagang magluto