Elaine's Point of View
Nang bumitiw ako sa paghahalikan namin ay agad kong tiningnan kung saan nagmula ang pag-click ng camera. Halos malaglag ang panga ko nang makita ko ang mga malalaking camera na nakatutok sa amin at may isang tao pa na may hawak ng mic.
“Narito po tayo ngayon sa Desire Island at kitang-kita naman nating lahat ang matinding halikan ng tagapagmana ng Montemayor Company na si Louis Montemayor sa isang babae, parang kahapon lang ay bali-balita na sinorpresa niya raw ang actress na si Mariella Althea De Vera, ngunit ano itong nakikita natin?” tanong ng lalaki na may hawak ng mic at pumunta pa sa harap naming dalawa.
“Just go with the flow, they are reporters,” bulong ni Louis sa akin na ikinatango ko na lamang. Totoo kayang iniutos niya na sorpresahin si Mariella o nagkamali lamang sina Juliana? Ang ipinagtataka ko pa ay bakit pumunta si Mariella sa silid ko para kausapin si Louis? Ano kaya ang pinag-usapan nila?
&
Elaine's Point of View“Teka, sandali lang, Tyron. Ibaba mo 'yan!” sabat ko sa kanilang dalawa dahil nagsisimula nang magtinginan ang ibang mga panauhin sa amin.“If you dare to speak like that again, I will crash your bones,” wika ni Tyron habang si Ashton naman ay tumawa nang malakas na ikinakunot niya ng noo.“Why are you so affected? Huwag mong sabihin na in love ka sa babaeng 'yan,” sambit ni Ashton at binigyan ako ng masamang tingin. Akmang susuntukin sana siya ni Tyron nang bigla ko silang pigilan dahil nakukuha na namin ang atensyon ng ibang mga tao.“Ano ba naman kayong dalawa? Hindi kayo magkasundo,” reklamo ko. Nginitian lamang ako ni Ashton at saka umalis sa harap naming dalawa ni Tyron, marahan niya itong binangga at binulungan, “Mag-iingat ka, baka hindi mo alam, natuklaw ka na,” sambit nito. Akmang magsasalita pa sana ako nang bigla akong kausapin ni Tyron.“Huwa
Elaine's Point of ViewNang lingunin ko kung saan nagmula ang boses ay nakita ko si Kaizer na nakapamaywang sa harap namin habang ang mga mata niya ay nanggagalaiti sa galit. Kaagad kong tinulak si Tyron upang tumayo at magpaliwanag sa kanya.“Mali ang iniisip mo, Kai,” sambit ko. Akmang magpapaliwanag sana si Tyron nang bigla siyang sapakin nang malakas ni Kaizer dahilan upang mapabagsak ito sa sahig.Ano ba ang ginagawa niya?“Ano'ng mali sa nakita ko, Elaine? Niyayakap ka ng gagong lalaki na ito. Ang kapal ng mukha mo, Tyron, pati si Elaine ay balak mong landiin. Wala ka na bang makuhang flings sa Desire Island?” asik ni Kaizer. Napasapo naman ako sa noo dahil sa inis habang tinutulungang tumayo si Tyron dahil masyadong napalakas ang sapak ni Kaizer. Bakit ba kasi napakainitin ng ulo ng mga lalaking Montemayor na ito?“Manahimik ka na, Kai. Please lang, p'wede bang hayaan mo muna akong magpaliwanag!” wik
Third Person's Point of ViewMaagang bumangon si Louis. Nais niya kasing ipagluto ng agahan ang dalaga dahil alam niyang napagod ito sa ginawa nila kagabi kaya't nais niyang makasalo ito bago siya magtungo sa mansion ni Sirius.Sa kabilang banda naman ay dahan-dahang bumangon si Elaine sa kama nila. Masyadong namamaga ang bandang ibaba niya. Mabuti na lamang ay wala na sa tabi niya si Louis. Siguradong mahihiya siya rito dahil nakakatawa ang itsura ng mukha niya sa tuwing pinipilit niya maglakad.Pumunta si Elaine sa palikuran na nasa loob lamang ng silid nina ni Louis. Nagsimula siyang mag-shower upang maging fresh pa rin siya sa paningin ng binata.Nang matapos siya ay bumaba siya papunta sa cooking room upang magluto sana ng pagkain niya nang makita niya ang binata na naka-apron habang nagluluto ng pancake.Kaagad niya itong niyapos ng yakap mula sa likod na ikinalingon nito sa kanya. “Are your legs fine now?” tanong ni Louis na ikin
Elaine's Point of View“Ano, iha. Ayos ka pa ba riyan?” tanong ni Mommy Hacel. Nauna na kasi siyang bumaba sa sasakyan dahil hanggang ngayon ay nasusuka pa rin ako dahil sa hilo. Hindi ko kinaya ang pagda-drive niya nang mabilis, halos malagutan na ako ng hininga dahil sa kaba.Narito kami ngayon sa harap ng isang malaking mansion. Ang sabi kasi niya ay susunduin muna namin ang dalawang makakasama namin na sina Sandra at Lexy kaya't nagtungo kami sa Reverence Street kung saan ito nakatira.“A...a-yos lang po ako,” nauutal na wika ko bago tuluyang alisin ang seatbelt upang makababa na rin ako.“Naku, iha. Siguradong matutuwa ang dalawa na 'yon kapag nakita ka. Hindi kasi sila nakapunta sa party dahil busy sila sa kani-kanilang trabaho,” sambit ni Mommy Hacel nang makababa na ako sa sasakyan. Sa susunod talaga ay ako na mismo ang pipigil sa kanya na hawakan ang susi ng mga sasakyan.Nakatatakot pala siyang ma
Elaine's Point of ViewWalang tigil pa rin ang mga luha ko sa pagbagsak mula sa mga mata ko. Sinubukan kong tumayo upang patayin ang shower dahil para na akong basang sisiw. Basang-basa na kasi ang damit ko dahil kanina pa ako nababasa ng tubig mula sa shower.Sa totoo lang, ang sinabi ni Louis ang pinakamasakit na salita na narinig ko sa buong buhay ko. Sanay na kasi akong masabihan na pangit sa dati kong school dahil napakarami kong tigyawat at hindi lang iyon, dahil sa suot ko na para na akong nerd.Nagsimula na akong magpalit ng damit. Kung patuloy akong magmumukmok ay siguradong magtataka sina Itay kung bakit ang tagal kong bumaba at baka makita pa nila na namumugto ang mga mata ko dahil sa pag-iyak. Marahil ay ako lamang talaga ang may gusto kay Louis. Kung alam ko lang na ginawa niya lang ang lahat ng mga surpresa niya, eh 'di sana, pinigilan ko man lang ang sarili ko na mahulog sa kanya. Sino ba naman kasing babae ang hindi mahuhulog kapag ginawan ng eff
Elaine's Point of ViewPagkayari kong patayin ang tawag ay dali-dali akong nagpunta sa closet room dahil naalala ko ang sinabi ni Mommy Hacel na nandoon daw ang mga damit na sinisigurado raw niya na kailangan ko.Binuksan ko ang pinto at tumambad sa akin ang cabinet na magkakakonekta na pumapaikot sa buong silid. Katabi lang nito ang silid namin ni Louis na ngayon ay kaniya na lang.Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko, ngunit una kong binuksan kung ano ang mas malapit sa akin.Nagsimula na akong maghanap ng maisusuot na damit. Ayaw kong mapahiya sa party na pupuntahan namin lalo na at nandoon si Louis at posibleng may ka-partner siyang ibang babae. At hindi lang iyon, nakakahiya naman kay Kaizer kung hindi man lang ako mag-aayos.Mabuti na lamang ay naisipan ni Mommy Hacel na maglagay ng isang closet room na may iba't ibang uri ng damit. Ang sabi kasi niya ay para hindi na ako bumili ng mga damit sa tuwing may okasyon kaya't naisipan niyang magpa
Elaine's Point of ViewHindi ko alam pero bigla na lang namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Itatanong ko sana kay Kaizer kung ano ang problema, ngunit napatigil ako nang biglang magsalita ang driver, “Malapit na po tayo,” wika niya. Sari-saring emosyon ang naramdaman ko dahil ilang minuto na lang ay makikita ko na si Louis.Ano kaya ang magiging reaksyon niya sa oras na makita niya kami ni Kaizer na magka-partner sa party? Makararamdam kaya siya ng kahit kaunting selos? Ngunit sa lagay namin ngayon ay malabong mangyari ang bagay na iyon.“K...K-ai, ayos ka lang ba? Kanina ka pa kasi hindi nagsasalita,” nauutal na tanong ko. Sa wakas ay nakahanap na rin ako ng tiyempo upang magsalita, kanina pa kasi siya nakatalikod sa akin kung kaya't nag-aalala tuloy ako na baka may nasabi akong masama na ikinasama ng loob niya.“Yeah, I'm fine. Don't mind me,” tipid na sagot niya na ikinanganga ko. Hirap na hirap akong mag-i
Elaine's Point of ViewHindi ko alam pero sinubukan kong tumayo upang pumasok sa loob dabul siguradong hinihintay na ako ni Kaizer ngunit, sobrang sakit ng mga paa ko kung kaya't wala akong nagawa kundi maupo na lang sa harap ng mga halaman at umiyak nang umiyak.Ano bang nagawa kong mali upang itrato ako ng ganito ni Louis?Ang hindi ko lubos na matanggap ay kung paano niya ako sabihan ng masasakit na salita na para bang wala kaming pinagsamahan na dalawa ngunit, bakit gano'n hindi man lang ako makaramdam ng galit sa kanya?Nagulat ako ng may marinig akong pamilyar na boses mula sa likod, halatang galit na galit na ito sa kausap niya sa cellphone dahil nanginginig na ang boses nito sa inis.“As I told you, dad. I don't want to marry Leverah, she is definitely not my type,” wika ni Tyron, hanggang ngayon ay hindi niya pa 'rin napapansin na magkatalikod lang kami sa isa't isa habang nasa gitna namin ang isang maliit na pa-square na kinal
Elaine’s Point of ViewNaalimpungatan ako nang bigla akong makarinig ng isang malakas na tunog ng ringtone na nagmumula sa cellphone ni Louis.“Answer your call,” usal ko habang nakita ko naman si Louis na pinatay ang tawag at binalik ang pagtitig sa akin.“I’m sorry for waking you up,” wika ni Louis habang kinuskos ko ang dalawang mata ko upang mas lalong makita ang mukha nya dahil medyo madilim sa silid.“Ayos lang, naalimpungatan lang ako. But why are you still awake?” tanong ko sa kaniya at akmang babangon para sana kumuha ng maiinom sa kusina.Aray.Kaagad akong napapikit nang mariin nang maramdaman ko ang kirot sa bandang ibaba ko. Ganito rin ang nangyari sa akin nang unang pagtatalik namin. Parang binibiyak ang katawan ko sa dalawa.Nang mapansin ni
Elaine’s Point of ViewNang makabalik ako sa loob ng venue ay kaagad lumapit sa akin si Venice. “Mabuti naman at narito ka na, baks. Hinihintay ka ng lahat sa balcony para masimulan nang ibigay sa inyo ni Louis ang regalo nila Tita Hacel,” aniya habang hindi ko naman mapigilang mapalunok dahil sa kaba.Ano na naman ba ang pakulo ng pamilyang Montemayor?Kaagad naman akong nagpilit ng ngiti nang makita kong nakatingin pa rin sa akin si Venice. Wala s’yang kaalam-alam kung ano ang meron sa pagitan namin ni Louis. Hays, hindi ko s’ya masisisi dahil sigurado akong itatago sa kanya ni Volstrige ang bagay na yun.“Pasensya na, mukhang na-late na naman ako. Gumamit kasi ako ng restroom saglit,” usal ko at akmang ihahakbang na ang mga paa ko nang biglang hawakan ni Venice ang braso ko, dahilan upang mapatigil ako.“Sandali lang naman, baks. Talagang inabangan kita rito dahil may balak akong ibigay sa’yo
Elaine's Point of ViewNang magising ako ay kaagad kong tiningnan ang paligid, ito pa 'rin ang silid kung saan ako dinala ni Ashton.Ibig sabihin ay totoo ang nangyari kanina, akala ko ay isa lamang bangungot.Napasapo naman ako sa noo ko ng maalala ko ang sinabi sa akin ni Ashton tungkol sa relasyon namin ni Louis.Wala akong kaide-ideya na may gano'n pa lang kasunduan na nagaganap sa pagitan namin.Ang akala ko ay ang kasal namin ay kabayaran sa utang ng aming pamilya sa mga Montemayor, ngunit, mukhang nagkakamali ako.Hays, ano pa nga ba ang inaasahan ko?Ito ang kabayaran sa pagtitiwala ko ng sobra, kung alam ko lang ay hindi ko na sana binuksan ang puso ko sa isang tao na balak lang na gamitin ako laban sa ibang organisasyon.Hindi ko alam pero wala akong balak gumalaw mula sa kinauupuan ko parang bumigat ang buong ka
Warning: Prepare your tissue before reading this chapter.Elaine's Point of ViewDahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko, kaagad naman bumungad sa akin ang isang malaking chandelier na kumikinang.Nang sinubukan kong umupo ay bigla akong napahawak sa ulo ko dahil naramdaman ko ang pagkirot nito."It looks like you're awake," wika ng isang maskuladong boses na kaagad kong ikinalingon sa kaliwa ko.Kaagad akong napanganga nung makita ko si Ashton na walang suot na pang-itaas habang prenteng prente na nakaupo at nakapa-krus ang kanyang hita at braso."Bakit ka narito? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko ngunit, ngumiti lang s'ya sa akin at dahan-dahang tiningnan ang bandang dibdib ko."I think you should dress up before talking to me. How about that?" nakangising tanong nya at tumayo upang pumunta sa closet.
Elaine's Point of View“Excuse me,” usal ko sa mga guest na nakaharang sa dinadaanan ko.“Watch out, miss,” singhap ng waiter nung aksidente ko itong matunggo.“Fuck. The clumsiness of yours ruined the dress of my fiancée. Look what you've done,” asik ng isang lalaki na nakasuot ng tuxedo. Sa tindig pa lang niya ay masasabi kong isa ito sa mga business partner ng kompanya nina Louis at um-attend sa kasal namin upang magpalakas sa ibang mga negosyante na narito.“I'm sorry about that, but I really need to go,” sagot ko. Akmang maglalakad na sana ako nang biglang hilahin ng babaeng kasama niya ang kanang braso ko.“How rude of you! Nakaperwisyo ka na ngang babae ka, ikaw pa ang may ganang talikuran kami? Hindi mo ba alam kung sino kami, ha?” singhal ng babae. Naagaw niya ang atensyon ng ibang mga guest na mal
Elaine's Point of View “Ayos ka lang ba, baks?” tanong ni Baklang Elena nung idilat ko ang mga mata ko. Bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha kung kaya't binigyan ko s'ya ng isang pekeng ngiti. “Oo. Medyo nainitan lang siguro ako sa suot kong gown,” sambit ko. May halong katotohanan naman ang sinagot ko dahil medyo mainit nga sa katawan ang aking suot na gown dahil kanina pa lang sa simbahan ay pinagpapawisan na ang kilikili ko. “Jusmiyo ka, baks! Kinabahan naman ako sa'yo. Kapag may nangyaring masama, ako ang mate-tegi sa asawa mo,” wika ni Baklang Elena habang inaalalayan ako patayo. “Ano ba 'yang nasa likuran mo? Bakit tinatago mo?” dugtong na tanong niya na ikinalunok ko dahil sa kaba. Akmang kukuhanin niya na sana ang regalo ng bigla akong makaisip ng dahilan. “R-regalo ni Sandra para sa honeymoon namin ni Louis,” sigaw ko na ikinatigil niya. Sumilay ang ngisi sa labi ni Baklang Elena dahil sa iwinika
Elaine's Point of View Nang mayari ang naganap na kasalan ay sari-saring pagbati ang natanggap namin ni Louis. “Congratulations sa inyo,” usal ni Sandra at iniabot niya sa aming dalawa ang isang nakabalot na regalo. “Ikaw talaga, hindi ka makapaghintay na makapunta tayo sa venue bago mo iabot ang regalo,” singit ni Lexy. “I know that my gift would be useful in their honeymoon. So I'm very excited to give it and besides, baka makalimutan pa nilang dalhin kung mamaya ko pa ibibigay,” sagot ni Sandra na agad kong ikinanganga. “Look at Elaine's face, mukhang nagulat siya sa sinabi mo,” wika ni Lexy at umirap pa kay Sandra upang lapitan ako.
Elaine's Point of ViewTaimtim kong tiningnan ang sarili ko sa isang malaking bilog na salamin na nasa loob ng silid.Masasabi kong napakaganda talaga ng pagkakalikha sa puting mermaid gown na suot ko ngayon.“Oh, ’di ba. Bagay na bagay sa 'yo ang gown na napili mo,” usal ni Mrs. Rea habang dahan-dahang lumapit sa akin upang ayusin ang buhok ko.“Sadyang napaka-perfect lang po ng pagkakagawa mo,” sambit ko at ngumiti nang kaunti. Medyo kinakabahan kasi ako sa mangyayari mamaya.Magugustuhan kaya ni Louis ang gown na suot ko?Napailing na lang ako sa naisip ko.Masyado na naman akong umaasa porket nagbago ang pakikitungo niya sa akin nitong nagdaang araw.“Naku, iha, maganda kasi ang magsusuot kaya bumagay ang gown at isa pa, ilaylay mo na lang ang buhok mo rito sa kanang balikat para ma-emphasize ang earrings mo,” dugtong ni Mrs. Rea na ikinatango ko.“Maupo ka na rito, Mrs
Elaine's Point of ViewMaaga akong nagising dahil ngayong araw gaganapin ang competition na ihe-held sa St. Montesseri Gym.Kasalukuyan akong kumakain ng umagahan na niluto ni Blaire habang kasabay ko si Louis na abala sa pagbabasa ng diyaryo. Wala ni isa sa aming dalawa ang nais basagin ang katahimikan. Sabagay, ginagawa lang naman namin ang pagpapanggap na ito dahil malapit na ang kasal namin kung kaya't kailangang makumbinsi namin ang mga tao na masaya kami sa isa't isa.Ngunit nanlaki ang mga mata ko nang biglang tumunog ang cellphone ko na ikinabaling ng tingin sa akin ni Louis.Noah is calling…Hindi ko alam kung dapat ko bang sagutin ang tawag dahil alam ko namang magagalit siya sa oras na marinig niyang kausap ko si Noah, pero baka importante ito kaya wala akong nagawa kundi pindutin na lamang ang accept.“Hello, Noah?” panimulang tanong ko habang kinakain ang meatball na nasa plato ko. Napakasarap talagang magluto