Elaine's Point of View
Hindi ko alam pero bigla na lang namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Itatanong ko sana kay Kaizer kung ano ang problema, ngunit napatigil ako nang biglang magsalita ang driver, “Malapit na po tayo,” wika niya. Sari-saring emosyon ang naramdaman ko dahil ilang minuto na lang ay makikita ko na si Louis.
Ano kaya ang magiging reaksyon niya sa oras na makita niya kami ni Kaizer na magka-partner sa party? Makararamdam kaya siya ng kahit kaunting selos? Ngunit sa lagay namin ngayon ay malabong mangyari ang bagay na iyon.
“K...K-ai, ayos ka lang ba? Kanina ka pa kasi hindi nagsasalita,” nauutal na tanong ko. Sa wakas ay nakahanap na rin ako ng tiyempo upang magsalita, kanina pa kasi siya nakatalikod sa akin kung kaya't nag-aalala tuloy ako na baka may nasabi akong masama na ikinasama ng loob niya.
“Yeah, I'm fine. Don't mind me,” tipid na sagot niya na ikinanganga ko. Hirap na hirap akong mag-i
Elaine's Point of ViewHindi ko alam pero sinubukan kong tumayo upang pumasok sa loob dabul siguradong hinihintay na ako ni Kaizer ngunit, sobrang sakit ng mga paa ko kung kaya't wala akong nagawa kundi maupo na lang sa harap ng mga halaman at umiyak nang umiyak.Ano bang nagawa kong mali upang itrato ako ng ganito ni Louis?Ang hindi ko lubos na matanggap ay kung paano niya ako sabihan ng masasakit na salita na para bang wala kaming pinagsamahan na dalawa ngunit, bakit gano'n hindi man lang ako makaramdam ng galit sa kanya?Nagulat ako ng may marinig akong pamilyar na boses mula sa likod, halatang galit na galit na ito sa kausap niya sa cellphone dahil nanginginig na ang boses nito sa inis.“As I told you, dad. I don't want to marry Leverah, she is definitely not my type,” wika ni Tyron, hanggang ngayon ay hindi niya pa 'rin napapansin na magkatalikod lang kami sa isa't isa habang nasa gitna namin ang isang maliit na pa-square na kinal
Elaine's Point of ViewNagising ako nang maramdaman kong may dumampi sa balat ko na malamig na bimpo. Agad akong napadilat ng mata upang tingnan kung sino ang kasama ko.Ang huling natandaan ko lang ay nasa bisig ako ni Kaizer habang palabas na kami ng venue sa Desire Island. Kung tama ang hinala ko ay narito ako sa mansion niya. Naalala ko rin ang nasabi ko kay Louis, siguradong nainis siya sa winika ko, pero ano'ng magagawa ko? Masyado akong nadala sa mga ginawa niya sa akin kaya't nasabi ko ang bagay na iyon.Nang idilat ko ang mata ko ay nakita ko si Kaizer na dahan-dahang pinupunasan ang pisngi ko ng bimpo. Seryoso lamang siyang nakatingin dito, pero nang makita niyang idinilat ko ang mga mata ko ay sumilay ang ngiti sa labi niya.“Mabuti naman at gising ka na, Ely,” sambit ni Kaizer. Hindi ko alam ang isasagot ko dahil parang naputol ang dila ko dahil sa hiya. Masyado ko siyang binibigyan ng sakit sa ulo. Nakita ko ang black eye niya sa
Third Person's Point of View“Louis, baby. Hayaan mo na ang babaeng 'yon,” sambit ni Penelope. Hinawakan niya sa braso si Louis, ngunit nagulat siya nang bigla siya nitong itulak nang malakas na ikinatumba niya sa sahig.“How dare you!” singhal niya sa binata. Binigyan lamang siya nito ng masamang tingin bago siya tuluyang tapunan ng pera.“Get out of my sight, I don't like whores,” wika ni Louis. Agad naman nanlaki ang mga mata ni Penelope sa galit. Bago siya tumayo upang harapin ang binata ay pinulot niya muna ang mga pera na itinapon nito sa kanya.“Aba't napakakapal mo naman para sabihin sa akin ang bagay na 'yan!” sigaw ni Penelope. Akmang sasampalin niya si Louis nang bigla itong harangin ng binata gamit ang kanang kamay niya.“Do you really think that a whore like you can lay her hand on my face?” nakangising tanong ni Louis. Ang akala niya siguro ay hindi mahahalata ng binata na ni
Elaine's Point of ViewIlang araw na ang nakalilipas simula noong tangkain kong maglayas sa mansion ni Louis gamit ang tulong ni Blaire, ngunit naudlot ang lahat ng iyon nang mahuli kami.***“And where do you think you will go?” tanong ng isang pamilyar na boses ng isang lalaki. Kaagad naman akong napapikit nang mariin dahil sa kabang naramdaman ko.Naramdaman ko ang pagpisil ni Blaire sa kamay ko kaya't wala akong nagawa kundi mapalunok.“Ang sabi ko, saan kayo pupuntang dalawa? Care to explain?” tanong nitong muli. Wala naman akong nagawa kundi humarap upang tingnan kung sino ang nagsalita.Siguradong malalagot kami ni Blaire sa oras na si Louis ang binatang ito.Nang humarap ako ay halos malaglag ang panga ko nang makita si Tyron na nakakunot ang noo. Bakas sa mukha niya ang pagtataka kung bakit kami aalis ni Blaire.“Tyron?” gulat na tanong ko.Kaagad nagbago ang ekspr
Elaine's Point of ViewNanlaki naman ang mga mata ko sa gulat dahil siya pala ang makakasama kong lumaban sa competition.Ang ine-expect ko kasi ay totally nerd na kagaya ko, ngunit mukhang tama ang lagi kong naririnig na malakas ang dating niya. Hindi lang iyon, masyado rin siyang hot tingnan kahit naka-uniform lamang.“P'wede naman tayong dalawa na lang maging mag-partner, baby,” usal ni Baklang Elena at hinawakan ang kamay ni Noah na ino-offer sa akin.“Gaga, ano'ng isasagot n'yo sa competition? Siguradong kapag ikaw ang lalaban ay talo na ang school natin,” wika ni Venice na ikinataas ng kilay ni Baklang Elena.“Excuse me, ako kaya lagi ang wagi sa gay pageant. Kahit tanungin mo pa ako ng pangmalakasan, mala-Catriona, ganern!” sambit ni Baklang Elena habang nagkukunwari pang kumakaway sa mga audience.Nakita ko ang pagsimangot ni Noah nang bigla siyang lapitan ni Baklang Elena at marahang pisilin ang b
Third Person's Point of ViewIlang oras na simula nang magmukmok si Elaine sa silid nang iwan siya roon ni Louis nang mag-isa. Hindi niya lubos maisip kung ano ba ang nagawa niyang mali upang hindi suklian ng binata ang kanyang nararamdaman para dito.Walang tigil ang pagbagsak ng mga luha ni Elaine habang sinusubukan niyang hanapin ang pangalan ni Venice sa kanyang contact list upang makapaglabas ng hinaing mula sa sinabi sa kanya ni Louis.Buong akala talaga noon ni Elaine ay kay Kaizer lamang siya mahuhulog, kaya't hinanda niya ang sarili na masaktan dahil sigurado siyang hanggang kaibigan lamang s'ya nito kung ituring, ngunit mas malala pa pala ang mararanasan niya kay Louis.Nais niyang magtungo sa isang lugar kung saan mare-relax muna ang isip niya kahit ngayong gabi lamang.“Hello, Ela, napatawag ka?” panimulang tanong ni Venice. Bakas sa mukha ang pag-aalala niya kay Elaine dahil minsan lang ito kung tumawag.&ldquo
Third Person's Point of ViewNanatili ang ilang saglit na katamikan sa pagitan nina Kaizer at Elaine, walang nagnanais na maunang magsalita sa kanila dahil kapwa silang kinakabahan sa kung ano ang iisipin ng isa't isa.Hanggang sa hindi na nakayanan ng binata ang katahimikan na bumabalot sa kanilang dalawa, kaya't bumuntonghininga siya upang makuha ang atensyon ni Elaine.“Come on, Ely, we shouldn't waste our time here. I will bring you home, baka nag-aalala na sa 'yo si Louis,” usal ni Kaizer dahilan upang mas lalong makaramdam si Elaine ng kalungkutan sa nasaksihan niya.Napakamot na lamang ng ulo si Elaine dahil ayaw niyang sumama kay Kaizer. Hindi niya kasi ninanais umuwi kaagad lalo na't nakita niya si Louis na may kasamang ibang babae.“A...a-no kasi,” nauutal na sambit ni Elaine. Nais niyang ipaliwanag kung bakit ayaw niya pang umuwi, ngunit walang lumalabas na boses mula sa kanya.“Let's enjoy here for a
Elaine's Point of ViewNagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mga talukap ko.“Good morning, Ma'am Elaine, nagdala ako ng hot coffee para mawala ang hangover mo,” usal ni Blaire habang dahan-dahang ibinababa ang isang tasa na may design na happy face sa side table.“Ano ka ba, Elaine na lamang ang itawag mo sa akin, at saka salamat pala rito sa dinala mong kape, ha,” nakangiti kong sagot at bumangon sa pagkakahiga. Medyo masakit pa ang ulo ko dahil sa sobrang dami kong nainom na wine.“Hindi kasi ako sanay na hindi ma'am at sir ang tawag sa mga pinagsisilbihan ko. Alam mo na, naging habit na rin,” pagpapaliwanag ni Blaire. Iniabot niya sa akin ang isang basang bimpo.Nang matapos ako magpunas ng mukha ay kinuha niya ang bimpo mula sa kanang kamay ko at saka itinuro ang kape. “Inumin mo na ito bago lumamig. Mukhang naparami ka ng nainom,” usal niya na ikinakamot ko na lang ng ulo dahil wala
Elaine’s Point of ViewNaalimpungatan ako nang bigla akong makarinig ng isang malakas na tunog ng ringtone na nagmumula sa cellphone ni Louis.“Answer your call,” usal ko habang nakita ko naman si Louis na pinatay ang tawag at binalik ang pagtitig sa akin.“I’m sorry for waking you up,” wika ni Louis habang kinuskos ko ang dalawang mata ko upang mas lalong makita ang mukha nya dahil medyo madilim sa silid.“Ayos lang, naalimpungatan lang ako. But why are you still awake?” tanong ko sa kaniya at akmang babangon para sana kumuha ng maiinom sa kusina.Aray.Kaagad akong napapikit nang mariin nang maramdaman ko ang kirot sa bandang ibaba ko. Ganito rin ang nangyari sa akin nang unang pagtatalik namin. Parang binibiyak ang katawan ko sa dalawa.Nang mapansin ni
Elaine’s Point of ViewNang makabalik ako sa loob ng venue ay kaagad lumapit sa akin si Venice. “Mabuti naman at narito ka na, baks. Hinihintay ka ng lahat sa balcony para masimulan nang ibigay sa inyo ni Louis ang regalo nila Tita Hacel,” aniya habang hindi ko naman mapigilang mapalunok dahil sa kaba.Ano na naman ba ang pakulo ng pamilyang Montemayor?Kaagad naman akong nagpilit ng ngiti nang makita kong nakatingin pa rin sa akin si Venice. Wala s’yang kaalam-alam kung ano ang meron sa pagitan namin ni Louis. Hays, hindi ko s’ya masisisi dahil sigurado akong itatago sa kanya ni Volstrige ang bagay na yun.“Pasensya na, mukhang na-late na naman ako. Gumamit kasi ako ng restroom saglit,” usal ko at akmang ihahakbang na ang mga paa ko nang biglang hawakan ni Venice ang braso ko, dahilan upang mapatigil ako.“Sandali lang naman, baks. Talagang inabangan kita rito dahil may balak akong ibigay sa’yo
Elaine's Point of ViewNang magising ako ay kaagad kong tiningnan ang paligid, ito pa 'rin ang silid kung saan ako dinala ni Ashton.Ibig sabihin ay totoo ang nangyari kanina, akala ko ay isa lamang bangungot.Napasapo naman ako sa noo ko ng maalala ko ang sinabi sa akin ni Ashton tungkol sa relasyon namin ni Louis.Wala akong kaide-ideya na may gano'n pa lang kasunduan na nagaganap sa pagitan namin.Ang akala ko ay ang kasal namin ay kabayaran sa utang ng aming pamilya sa mga Montemayor, ngunit, mukhang nagkakamali ako.Hays, ano pa nga ba ang inaasahan ko?Ito ang kabayaran sa pagtitiwala ko ng sobra, kung alam ko lang ay hindi ko na sana binuksan ang puso ko sa isang tao na balak lang na gamitin ako laban sa ibang organisasyon.Hindi ko alam pero wala akong balak gumalaw mula sa kinauupuan ko parang bumigat ang buong ka
Warning: Prepare your tissue before reading this chapter.Elaine's Point of ViewDahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko, kaagad naman bumungad sa akin ang isang malaking chandelier na kumikinang.Nang sinubukan kong umupo ay bigla akong napahawak sa ulo ko dahil naramdaman ko ang pagkirot nito."It looks like you're awake," wika ng isang maskuladong boses na kaagad kong ikinalingon sa kaliwa ko.Kaagad akong napanganga nung makita ko si Ashton na walang suot na pang-itaas habang prenteng prente na nakaupo at nakapa-krus ang kanyang hita at braso."Bakit ka narito? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko ngunit, ngumiti lang s'ya sa akin at dahan-dahang tiningnan ang bandang dibdib ko."I think you should dress up before talking to me. How about that?" nakangising tanong nya at tumayo upang pumunta sa closet.
Elaine's Point of View“Excuse me,” usal ko sa mga guest na nakaharang sa dinadaanan ko.“Watch out, miss,” singhap ng waiter nung aksidente ko itong matunggo.“Fuck. The clumsiness of yours ruined the dress of my fiancée. Look what you've done,” asik ng isang lalaki na nakasuot ng tuxedo. Sa tindig pa lang niya ay masasabi kong isa ito sa mga business partner ng kompanya nina Louis at um-attend sa kasal namin upang magpalakas sa ibang mga negosyante na narito.“I'm sorry about that, but I really need to go,” sagot ko. Akmang maglalakad na sana ako nang biglang hilahin ng babaeng kasama niya ang kanang braso ko.“How rude of you! Nakaperwisyo ka na ngang babae ka, ikaw pa ang may ganang talikuran kami? Hindi mo ba alam kung sino kami, ha?” singhal ng babae. Naagaw niya ang atensyon ng ibang mga guest na mal
Elaine's Point of View “Ayos ka lang ba, baks?” tanong ni Baklang Elena nung idilat ko ang mga mata ko. Bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha kung kaya't binigyan ko s'ya ng isang pekeng ngiti. “Oo. Medyo nainitan lang siguro ako sa suot kong gown,” sambit ko. May halong katotohanan naman ang sinagot ko dahil medyo mainit nga sa katawan ang aking suot na gown dahil kanina pa lang sa simbahan ay pinagpapawisan na ang kilikili ko. “Jusmiyo ka, baks! Kinabahan naman ako sa'yo. Kapag may nangyaring masama, ako ang mate-tegi sa asawa mo,” wika ni Baklang Elena habang inaalalayan ako patayo. “Ano ba 'yang nasa likuran mo? Bakit tinatago mo?” dugtong na tanong niya na ikinalunok ko dahil sa kaba. Akmang kukuhanin niya na sana ang regalo ng bigla akong makaisip ng dahilan. “R-regalo ni Sandra para sa honeymoon namin ni Louis,” sigaw ko na ikinatigil niya. Sumilay ang ngisi sa labi ni Baklang Elena dahil sa iwinika
Elaine's Point of View Nang mayari ang naganap na kasalan ay sari-saring pagbati ang natanggap namin ni Louis. “Congratulations sa inyo,” usal ni Sandra at iniabot niya sa aming dalawa ang isang nakabalot na regalo. “Ikaw talaga, hindi ka makapaghintay na makapunta tayo sa venue bago mo iabot ang regalo,” singit ni Lexy. “I know that my gift would be useful in their honeymoon. So I'm very excited to give it and besides, baka makalimutan pa nilang dalhin kung mamaya ko pa ibibigay,” sagot ni Sandra na agad kong ikinanganga. “Look at Elaine's face, mukhang nagulat siya sa sinabi mo,” wika ni Lexy at umirap pa kay Sandra upang lapitan ako.
Elaine's Point of ViewTaimtim kong tiningnan ang sarili ko sa isang malaking bilog na salamin na nasa loob ng silid.Masasabi kong napakaganda talaga ng pagkakalikha sa puting mermaid gown na suot ko ngayon.“Oh, ’di ba. Bagay na bagay sa 'yo ang gown na napili mo,” usal ni Mrs. Rea habang dahan-dahang lumapit sa akin upang ayusin ang buhok ko.“Sadyang napaka-perfect lang po ng pagkakagawa mo,” sambit ko at ngumiti nang kaunti. Medyo kinakabahan kasi ako sa mangyayari mamaya.Magugustuhan kaya ni Louis ang gown na suot ko?Napailing na lang ako sa naisip ko.Masyado na naman akong umaasa porket nagbago ang pakikitungo niya sa akin nitong nagdaang araw.“Naku, iha, maganda kasi ang magsusuot kaya bumagay ang gown at isa pa, ilaylay mo na lang ang buhok mo rito sa kanang balikat para ma-emphasize ang earrings mo,” dugtong ni Mrs. Rea na ikinatango ko.“Maupo ka na rito, Mrs
Elaine's Point of ViewMaaga akong nagising dahil ngayong araw gaganapin ang competition na ihe-held sa St. Montesseri Gym.Kasalukuyan akong kumakain ng umagahan na niluto ni Blaire habang kasabay ko si Louis na abala sa pagbabasa ng diyaryo. Wala ni isa sa aming dalawa ang nais basagin ang katahimikan. Sabagay, ginagawa lang naman namin ang pagpapanggap na ito dahil malapit na ang kasal namin kung kaya't kailangang makumbinsi namin ang mga tao na masaya kami sa isa't isa.Ngunit nanlaki ang mga mata ko nang biglang tumunog ang cellphone ko na ikinabaling ng tingin sa akin ni Louis.Noah is calling…Hindi ko alam kung dapat ko bang sagutin ang tawag dahil alam ko namang magagalit siya sa oras na marinig niyang kausap ko si Noah, pero baka importante ito kaya wala akong nagawa kundi pindutin na lamang ang accept.“Hello, Noah?” panimulang tanong ko habang kinakain ang meatball na nasa plato ko. Napakasarap talagang magluto