Share

Gun XXXIII

Author: Mowtie
last update Huling Na-update: 2021-06-15 20:39:14
Third Person

Nang makalabas si Louis sa mansion ay agad siyang sumakay sa Honda Jazz na nakaparada sa garahe. Isa ito sa natanggap niyang regalo galing sa Tiyo Alexander niya noong siya ay naging ganap na twenry-one years old.

Sa totoo lang, gusto na itong itapon ni Louis dahil ilang taon na ang sasakyan. Halos nag-uumapaw na rin ang garahe niya dahil sa sobrang dami niyang sasakyan na natatanggap taon-taon. Ang iba ngang hindi niya tipo ang style ay ipinamimigay na lamang niya sa mga pinsan niyang babae.

Hindi lubos maisip ni Louis ang dahilan ng ama niya kung bakit kinakailangan niya pang pakasalan si Elaine, gayong apo ito ng mahigpit nilang kalaban sa organisasyon. Kung proteksyon lang naman ang habol nito sa kaniya, sana binigyan na lamang niya ito ng mga bodyguard.

Nang makaupo siya sa driver’s seat ay walang humpay niyang pinagsusuntok ang manibela dahil sa inis. Hindi niya lubos matanggap kung bakit sinusubukang magpanggap ng dalaga na walang nalalaman sa plano ng kaniyang ama
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)   Gun XXXIV

    Third PersonNang makarating si Louis sa mansion kung saan nakatira si Mariella ay kaagad siyang pinagbuksan ni Mang Kernel ng gate dahil hanggang ngayon ay natatandaan pa nito ang plate number niya.“Long time no see, Sir Louis,” bati ni Mang Kernel habang sumasaludo pa kay Louis na ipinaparada ang sasakyan nang mabuti sa loob ng garahe.Isa kasi itong loyal na bodyguard ng pamilyang De Vera kahit noong magkasintahan pa silang dalawa ni Mariella. Kaya halos lahat yata ng sasakyan niya ay tanda pa ng matandang guwardiya.“Yeah, it’s been a long time, Mr. Kernel,” sagot ni Louis at bumaba na sa kaniyang sasakyan.Nang makapasok si Louis sa loob ng mansion ay una niyang napansin ang mga disenyo na wala pa ring ipinagbago. Marahil ay hindi na masyadong nagde-decorate ng bahay ang dalaga dahil abala ito sa kaniyang career.Napadako naman ang tingin ni Louis sa mga maid na nakayuko sa kaniya sa gilid. “Where’s Mariella?” tanong niya. Bigla namang napaangat ng tingin ang isang maid na medyo

    Huling Na-update : 2021-06-15
  • The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)   Gun XXXV

    ElaineNagising ako dahil sa naririnig kong ingay sa loob ng silid.Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata. Ang unang bumungad sa akin ay ang nag-aalalang mukha ni Ama. Bigla itong napalitan ng ngiti nang yapusin niya ako ng yakap na ikinagulat ko.“I’m glad that you’re awake, anak. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag pati ikaw ay nawala sa akin,” usal ni Ama. Ramdam ko ang sinseridad sa boses niya na ikinangiti ko.“I'm sorry, Ama. Hindi na kita pag-aalahanin nang gano’n,” sambit ko upang makalma siya kahit kaunti. Alam kong hindi mapapanatag ang kaniyang loob hangga’t hindi ko sinasabi na ayos lang ako.“Dapat lang. Ang sabi ng doctor, dahil sa sobrang pagod kaya nahimatay ka. Huwag mong masyadong stress-in ang sarili mo sa mga bagay,” payo ni Ama na ikinatango ko na lamang.Nang bumitiw si Ama sa pagkakayakap sa akin ay agad naman akong pinuntahan ni Mommy Hacel. Wala siyang tigil sa pag-iyak.“Sabi ko na nga ba at hindi na dapat kita hinayaan na maglakad mag-isa pabalik sa kuwarto n

    Huling Na-update : 2021-06-15
  • The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)   Gun XXXVI

    ElaineHindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin habang hawak-hawak ni Kaizer ang kamay ko. Papunta na kami sa loob ng dala niyang sasakyan na nakaparada malapit sa gate nina Noah.“May ginawa ba sa ’yo ang mokong na ’yon? Sabihin mo lang habang nandito pa tayo dahil babanatan ko talaga siya kahit nasa loob pa siya ng mansion na ’yan,” nag-aalalang wika ni Kaizer habang tinitingnan ang mga braso ko upang masigurado na wala akong anumang sugat o galos.Nang masigurado niyang wala ay nakahinga siya nang maluwag.“Huwag kang mag-aalala, kaibigan ko si Noah at mabuti siyang tao,” sambit ko at pilit na ngumiti sa kaniya.“T-Tungkol pala sa sinabi mo . . . ,” dugtong ko nang tumingin ako sa labas ng bintana para hindi niya makita ang namumulang pisngi ko.“Totoo ang sinabi ko, Ely. Gusto na talaga kita kahit noon pa,” pag-amin ni Kaizer. Hinawakan niya ang baba ko upang maiharap sa kaniya ang mukha ko.Nang magtagpo ang mga mata namin ay kaagad akong umiwas ng tingin dahil parang naputol

    Huling Na-update : 2021-06-15
  • The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)   Gun XXXVII

    ElaineMaaga akong nagising dahil ngayong araw gaganapin ang competition na gaganapin sa St. Montesseri Gym.Kasalukuyan akong kumakain ng umagahan na niluto ni Blaire habang kasabay ko si Louis na abala sa pagbabasa ng diyaryo. Wala ni isa sa aming dalawa ang gustong basagin ang katahimikan. Sabagay, ginagawa lang naman namin ang pagpapanggap na ito dahil malapit na ang kasal namin kaya kailangang makumbinsi namin ang mga tao na masaya kami sa isa’t isa.Ngunit nanlaki ang mga mata ko nang biglang tumunog ang cellphone ko kaya nabaling ang tingin sa akin ni Louis.Noah is calling…Hindi ko alam kung dapat ko bang sagutin ang tawag dahil alam ko namang magagalit siya oras na marinig niyang kausap ko si Noah, pero baka importante ito kaya wala akong nagawa kundi pindutin na lamang ang accept.“Hello, Noah?” panimulang tanong ko habang kinakain ang meatball na nasa plato ko. Napakasarap talagang magluto ni Blaire, puwede siyang maging chef sa isang high class restaurant kung gugustuhin n

    Huling Na-update : 2021-06-15
  • The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)   Gun XXXVIII

    ElaineTaimtim kong tiningnan ang sarili sa isang malaking bilog na salamin na nasa loob ng silid. Masasabi kong napakaganda talaga ng pagkakalikha sa puting mermaid gown na suot ko ngayon.“O, ’di ba? Bagay na bagay sa ’yo ang gown na napili mo?” usal ni Mrs. Rea na dahan-dahang lumapit sa akin upang ayusin ang buhok ko.“Sadyang napaka-perfect lang po ng pagkakagawa mo,” sabi ko at ngumiti nang kaunti. Medyo kinakabahan kasi ako sa mangyayari mamaya.Magugustuhan kaya ni Louis ang gown na suot ko?Napailing na lang ako sa naisip. Masyado na naman akong umaasa porket nagbago ang pakikitungo niya sa akin nitong nagdaang araw.“Naku, hija, maganda kasi ang magsusuot kaya bumagay ang gown at isa pa, ilaylay mo na lang ang buhok mo rito sa kanang balikat para ma-emphasize ang earrings mo,” dugtong ni Mrs. Rea na ikinatango ko.“Maupo ka na rito, Mrs. Montemayor, at aayusan na kita,” wika ni Elena habang nakangiti na parang nang-aasar.Kaagad ko naman siyang pinandilatan ng mata. “Shut up,

    Huling Na-update : 2021-06-15
  • The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)   Gun XXXIX

    ElaineNang matapos ang naganap na kasalan ay sari-saring pagbati ang natanggap namin ni Louis.“Congratulations sa inyo,” bati ni Sandra at iniabot niya sa aming dalawa ang isang nakabalot na regalo.“Ikaw talaga, hindi ka makapaghintay na makapunta tayo sa venue bago mo iabot ’yong regalo!” singit ni Lexy.“I know that my gift would be useful in their honeymoon. So I’m very excited to give it and besides, baka makalimutan pa nilang dalhin kung mamaya ko pa ibibigay,” pagdadahilan ni Sandra na ikinanganga ko.“Look at Elaine’s face, mukhang nagulat siya sa sinabi mo.” Umirap pa si Lexy kay Sandra saka ako nilapitan.“Congrats, Ely. ’Wag mong pansinin ’yang si Sandra,” sambit ni Lexy at yumakap sa akin.“Nandito pa ako, hello?” nakakunot-noong sambit ni Sandra. Lumapit siya sa aming dalawa upang sumama sa yakapan.“Both of you, stop it. Hindi na makahinga si Elaine sa ginagawa ninyo,” nakapamaywang na saway ni Mommy Hacel kaya bumitiw Sandra at Lexy.“Tita naman, masaya lang kami na pa

    Huling Na-update : 2021-06-15
  • The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)   Gun XL

    Elaine“Ayos ka lang ba, baks?” tanong ni Elena nang idilat ko ang mga mata ko. Bakas ang pag-aalala sa kainyang mukha kaya binigyan ko siya ng isang pekeng ngiti.“Oo. Medyo nainitan lang siguro ako sa suot kong gown,” sabi ko. May halong katotohanan naman ang isinagot ko dahil medyo mainit nga sa katawan ang suot ko na gown dahil kanina pa lang sa simbahan ay pinagpapawisan na ang kilikili ko.“Jusmiyo, baks! Kinabahan naman ako sa ’yo. Kapag may nangyaring masama, ako ang matetegi sa asawa mo.” Inalalayan ako ni Elena patayo. “Ano ba ’yang nasa likuran mo? Bakit tinatago mo?” dugtong na tanong niya. Napalunok ako sa kaba.Kukuhanin niya na sana ang regalo nang bigla akong makaisip ng dahilan.“R-Regalo ni Sandra para sa honeymoon namin ni Louis,” sagot ko na ikinatigil niya. Sumilay ang ngisi sa labi ni Elena dahil sa sinabi ko, pero wala akong choice kundi panindigan ito.Ayaw kong may makaalam tungkol sa regalo ni Zap. Ayaw kong madamay sila ng dahil sa akin. “Sinasabi ko na nga

    Huling Na-update : 2021-06-15
  • The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)   Gun XLI

    Elaine“Excuse me,” pasintabi ko sa mga guest na nakaharang sa dinadaanan ko.“Watch out, miss!” singhap ng waiter nang aksidente ko itong mabunggo.“F*ck. Your clumsiness ruined my fiancèe’s dress. Look what you’ve done!” asik ng isang lalaki na nakasuot ng tuxedo. Sa tindig pa lang nya ay masasabi kong isa ito sa mga business partner ng kompanya nina Louis at um-attend lang sa kasal namin para magpalakas sa ibang mga negosyante na nandito.“I’m sorry about that, but I really need to go,” sagot ko. Akmang maglalakad na sana ako nang biglang hilahin ng babaeng kasama niya ang kanang braso ko.“How rude of you! Nakaperwisyo ka na ngang babae ka, ikaw pa ang may ganang talikuran kami. Hindi mo ba alam kung sino kami, ha?” singhal ng babae, Naagaw naman niya ang atensyon ng ibang mga guest na malapit sa veranda.“I have urgent things to do. I promise, babalik ako para bayaran ang pang-laundry ng dress mo,” wika ko habang nililinga ang paligid dahil unti-unti nang nawawala ang lalaking nak

    Huling Na-update : 2021-06-15

Pinakabagong kabanata

  • The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)   Special Chapter #1

    ElaineMabilis lumipas ang mga araw, nalaman namin ang balita na nakawala si Zap kaya mas lalong dumoble ang security namin habang naghahanap ng leads kung sino ang tumulong kay Zap na makatakas at kung nasaan ang tunay kong ama.Nagbitiw ako ng malalim na buntonghininga bago tuluyang isandal ang ulo ko sa upuan. Ang buong akala ko ay matatapos na ang kasamaan ng mga Valencia, pero we were back to zero again.“Everything will be fine, wife. As long as we are together, we can do anything. I’ll dispatch more people to look for leads,” wika ni Louis. Hinawakan niya ang kamay ko. Napangiti ako.“Thank you, hubby, for always being by my side. Even when I’m still looking a part of my past identity, you’re patient,” usal ko at binigyan siya ng halik sa pisngi.Kinagabihan, habang inaasikaso ko ang paperworks na ipinasa sa akin ng wedding organizer na kinuha namin ay biglang umiyak si Mace

  • The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)   Epilogue

    LouisI’ve always thought of myself as the man who knew everything. Someone who was calculated, cold, and efficient—that’s who I am. Or rather, who I was, before Elaine. She wasn’t just a woman I was ordered to marry; she was the reason I started questioning everything about my carefully constructed world.It all started when I saw her for the first time walking with her friends down the street. I was in the backseat of my car, flipping through meaningless reports about the family’s business when I caught sight of her. She wasn’t extraordinary by any conventional standard. She had oversized glasses perched on her nose, braces, and hair that seemed to have a life of its own. Yet, there was something about her laugh. It was carefree. It was pure.“Who’s that woman?” I blurted out, startling Brennon.His eyes flicked to the rearview mirror, confused. “I—I don’t know, si

  • The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)   Gun L

    Elaine Malamig ang simoy ng hangin noong araw na nagpunta ako sa sementeryo. Tirik ang araw, pero hindi masakit sa balat dahil pa-hapon na. Tahimik, ramdam ko pa rin ang bigat sa puso ko habang nilalakad ang daan patungo sa puntod ni Ama. Sariwa pa rin sa akin ang lahat ng nangyari, sa isang iglap ay natapos ang lahat ng kasamaan ng mga Valencia. Pero alam kong hindi pa rin dito nagwawakas ang lahat dahil may mga organisasyon pa rin na gustong mapasakamay ang ledger na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maalala. Sa huli, nakulong si Zap na may patong-patong na kaso habang si Mariella ay dinala ni Lucas sa psychiatrist dahil halos mabaliw ito sa lahat ng nangyari. Binasa ko ang lapida na may nakasulat na Raymond Natividad. Ibinaba ko ang bouquet na ng puting rosas at nagsindi ng kandila. Napakabuting ama niya sa akin, lahat ay ginawa niya para maprotektahan ako. “Ilang buwan na lang, manganganak na ako. Sisiguraduhin kong dadalhin ko sila rito para makita mo,” wika ko habang kumiki

  • The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)   Gun XLIX

    Elaine Nang idilat ko ang mga mata ay naramdaman ko ang pahirap na nakatali sa aking mga kamay. Ito ay matigas at malamig, parang sinadyang higpitan para magdulot ng matinding sakit. Nanginginig kong tiningnan ang paligid. Para kaming nasa storage room, at bukod sa akin ay may dalawa pang tao—si Kaizer at Ama, na parehas ding nakatali sa upuan. “Ely . . .” Boses ni Kai. Mahina iyon ngunit puno ng pag-aalala. “Ayos ka lang ba?” Tumango naman ako kahit taliwas ang sinasabi ng puso ko. Mabilis ang pintig nito dahil sa kaba at takot na may mangyayari sa amin na masama. “A-Alam mo ba kung nasa’n tayo?” tanong ko. Nag-crack ang boses ko. Napailing siya. “Sa ngayon, ang alam ko lang ay na-kidnap tayo ng Valencia Organization. Hindi ko alam kung paano nila tayo nahanap, I will make sure na makatatakas tayo.” I was scared for the baby in my womb. Wala siyang kinalaman dito. “Everything will be fine, Ely, trust me,” sambit ni Kaizer. Mukhang may plano siya. “Ugh,” ungol ni Ama habang dah

  • The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)   Gun XLVIII

    ElaineNag-stay kami ni Louis sa Florida nang dalawa pang linggo. Nang makita ako ni Louis noong gabing iyon ay lagi niya akong kino-comfort. Bihira na lang din kaming gumala ulit at kung lalabas man kami ay may bantay kami. Hindi niya rin ako tinanong kung ano ang nangyari, mukhang hinihintay niya na ako ang kusang magkuwento.Ngayong araw ay susunduin kami ni Valerian para ihatid kami pabalik sa Pilipinas.“I want to stay here for awhile,” wika ko habang inaayos ang mga damit at pasalubong na binili namin.“We will come back here again. This is one of our houses now, I just need to finish all my work,” Louis answered and pecked a kiss on my cheek.Nang makasakay kami ay nginitian ako ni Valerian. “Looks like the newlyweds enjoyed their honeymoon that much. Aunt Hacel said to get both of you after three days, but someone wants to stay longer.”“Shut up, dickhead,” wika ni Louis na ikinatawa ko. So siya lang pala ang nagplano na isang buwan kami rito.“Nasaktan naman ako sa bati mo, pr

  • The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)   Gun XLVII

    ElaineIt had been a week, paulit-ulit ang naging routine namin ni Louis. Para na talaga kaming tunay na mag-asawa. Sa umaga ay ipinagluluto niya ako at gagala kami sa buong maghapon. Halos gabi-gabi ring may nangyayari sa amin. Sa totoo lang, parang panaginip ang lahat at ayaw ko nang magising.“Wife, are you still mad at me? I didn’t mean to act roughly last night,” wika ni Louis habang sinusubukan akong subuan ng kanin.“No. I’m not mad,” matipid na sagot ko.“Then why are you so quiet? Hmm,” tanong ni Louis. Sa totoo lang, gugustuhin ko na lang na nandito kami dahil baka mamaya kasi kapag umuwi kami ay may magbago na naman sa relasyon namin.“May iniisip lang ako,” sabi ko.Sumeryoso ang mukha niya. “What is it? You can tell me.”Bahagya na lang akong napangiti. Mas mabuti nang itago ko na lang muna ang nakita ko. Baka mamaya ay paghinalaan niya ako na may connection kay Zap.“I’m just thinking about where we will go today. Ang dami palang magagandang view rito. Maligo muna ako par

  • The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)   Gun XLVI

    ElaineNagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko, mukhang wala pa rrin si Louis. Dahan-dahan akong bumangon dahil medyo masakit pa ang ulo ko at mugto ang mga mata. May mga sugat pa ang daliri dahil sa pagpulot ko sa nabasag na frame.Pumunta ako sa kusina at kinuha ang litrato. Pinagmasdan kong muli ito bago lukutin at ilagay sa loob ng bulsa ko. Hindi dapat ito makita ni Louis, nakasisiguro ako na tanging si Ama lang ang makasasagot ng lahat ng katanungan na mayroon ako tungkol sa tunay na katauhan ng lalaki. Binuksan ko ang ref, pero wala itong ibang laman kundi tubig. Napabuntonghininga na lang ako at naligo para lumabas. Hahanap na lang ako ng grocery store.“Wife, where are you going?” Halos lumundag ang puso ko sa gulat nang makita si Louis. Magulo ang kaniyang buhok at malalim ang eyebags. May bakas ng dugo sa damit niya at may gasgas siya sa noo. “Are you okay?” tanong ko at hinawakan ang noo niya na may gasgas.Kaagad kong napagtanto kung ano ang ginawa k

  • The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)   Gun XLV

    ElaineNaalimpungatan ako nang bigla akong makarinig ng malakas ringtone na galing sa cellphone ni Louis.“Answer your call,” utos ko. Nakita ko naman si Louis na pinatay ang tawag at ibinalik ang pagtitig sa akin.“I’m sorry for waking you up,” wika ni Louis. Kinuskos ko ang dalawang mata ko upang mas lalong makita ang mukha niya dahil medyo madilim sa silid.“Ayos lang, naalimpungatan lang ako. But why are you still awake?” tanong ko sa kaniya at akmang babangon para sana kumuha ng maiinom sa kusina.Aray.Kaagad akong napapikit nang mariin nang maramdaman ang kirot sa bandang ibaba ko. Ganito rin ang nangyari sa akin noong unang p********k namin. Parang binibiyak ang katawan ko sa dalawa.Nang mapansin ni Louis na parang may iniinda akong sakit ay inalalayan niya ako. “Are you okay, wife? Should I call a doctor?” concerned na tanong niya kaya hindi ko maiwasang tumitig sa itsura nya. Was he really concerned about me?Napangiti naman ako dahil sa tuwa, pero kaagad na pumasok sa isi

  • The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)   Gun XLIV

    ElaineNang makabalik ako sa loob ng venue ay kaagad lumapit sa akin si Venice. “Mabuti naman at nandito ka na, baks. Hinihintay ka ng lahat sa balcony para masimulan nang ibigay sa inyo ni Louis ang regalo nina Tita Hacel,” aniya. Hindi ko naman mapigilang mapalunok dahil sa kaba.Ano na naman ba ang pakulo ng pamilyang Montemayor?Kaagad naman akong nagpilit ng ngiti nang makita kong nakatingin pa rin sa akin si Venice. Wala siyang kaalam-alam kung ano ang mayroon sa pagitan namin ni Louis. Hindi ko siya masisisi dahil sigurado akong itatago sa kaniya ni Volstrige ang bagay na iyon.“Pasensiya na, mukhang na-late na naman ako. Nag-restroom kasi ako saglit,” paliwanag ko at akmang ihahakbang na ang mga paa ko nang biglang hawakan ni Venice ang braso ko dahilan upang mapatigil ako.“Sandali lang naman, baks. Talagang inabangan kita rito kasi may balak akong ibigay sa ’yo. At saka, lutang ka ba? Hindi naman diyan ang daan sa balcony. Ayan ba ang epekto ng alak?” Humagalpak ito ng tawa.

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status