“Susunod na lang kami, Kai,” sambit ni Elaine. Yumakap sa kaniya pabalik si Louis na parang ayaw nitong umalis sa posisyon nila ng dalaga.
“Okay, sige, but make it quick,” sagot ni Kaizer na kaagad ikinabuntonghininga ni Elaine dahil masakit pa rin ang mga hita niya.
“Hey, let’s have a shower before going to the restaurant,” wika ni Louis. Tumaas ang kaliwang kilay niya dahil hindi nga siya makatayo dahil sa nangyari sa kanila.
“Wife, are you okay?” tanong ng binata dahil hindi ito sumunod nang tumayo siya. Kaagad naman siyang inirapan ni Elaine na ikinagulat niya.
“Mukha ba akong makatatayo sa posisyon na ito?” sarcastic na tanong ng dalaga. Napatingin naman si Louis sa kaniya dahil sa pagtataka kaya wala siyang nagawa kundi sabihin ang dahilan dito. “Masakit ang mga hita ko dahil sa laki ng alaga mo!” reklamo nito sa kaniya at tinakpan pa ang mukha dahil sa hiya.
Kaagad naman siyang binuhat ng binata habang tumatawa-tawa. Elaine pouted. “Anong nakakatawa sa sinabi ko?” tanong niya rito, ngunit hinalikan lang siya nito sa labi.
“Stop pouting. I can’t control myself to kiss you when you’re doing that,” wika ng binata. Kaagad naman niyang tinakpan ang labi niya dahil sa sinabi nito.
Mabuti na lamang at may bathtub ang silid na ibinigay kay Elaine. Kung sabagay, tito ni Louis ang may-ari ng hospital kaya ibibigay sa kanila ang pinakamagandang silid.
“Round two?” pabirong tanong ng binata habang hinahalik-halikan ang batok ng dalaga. Sinamaan siya nito ng tingin na ikinatawa niya. “Chill, wife,” sambit ni Louis habang sinasabon ang likod ni Elaine. Mukhang sumasakit talaga ang pagkababae nito.
“Should I call a doctor?” nag-aalalang tanong ni Louis, ngunit sumagot ng no ang dalaga dahil nahihiya ito na may makaalam sa ginawa nila.
Makalipas ang mahigit tatlumpung minuto ay natapos na sila. Binihisan siya ng binata at binuhat siya nito papunta sa sasakyan.
Nang magising siya kanina ay nasa tabi niya na si Louis, kaya’t nakampante siya na ayos na ang kalagayan nito. Mabuti na lang daw at hindi pa masyadong kumakalat ang poison sa katawan ng binata kaya nailigtas nila ito.
Pagkatapos ng mahigit sampung minuto ay narating na rin nila ang isang French restaurant kung saan sila magdi-dinner.
Naunang bumaba si Louis at binuksan nito ang pinto. Inilalayan siya nitong makababa. “Can you walk?” tanong ni Louis. Tumango na lamang si Elaine rito at sinubukang humakbang.
Medyo masakit ito, pero pinilit niyang maglakad nang diretso upang hindi mahalata na masakit ang bandang hita niya.
Kaagad naman siyang natanaw ng ama niya at naglakad ito papunta sa kaniya. “Anak, ayos lang ba ang pakiramdam mo?” tanong nito kay Elaine. Napatango na lamang siya at ngumiti nang pilit.
Akmang yayakapin sana siya nito nang biglang tumikhim si Louis upang mapunta sa kaniya ang atensyon. “I'm sure that Elaine is hungry. Let’s go inside,” wika ni Louis na agad ikinatango ng ama nito.
Nagpasalamat naman ang dalaga kay Louis nang mahina. Dahan-dahan siyang napahawak sa braso ng binata upang hindi siya mawalan ng balanse habang naglalakad papasok ng restaurant.
Lumipas ang oras na puro pagkukuwentuhan lamang ang ginagawa nila. “Where’s Juliana and Alexa?” tanong ni Louis dahil nakapagtataka naman kung uuwi agad ang mga ito pagkatapos niyang paalisin.
“They’re at Tyron’s mansion. Ang sabi nila ay nagpapatulong ito tungkol sa isang bagay,” sagot ni Kaizer na ikinatango na lamang ni Louis.
Mga ilang oras pa ay nagsimula nang magpaalam si Louis sa dalawa dahil sa Desire Island muna sila tutuloy ni Elaine.
“Ingat kayong dalawa. Kapag may nangyari sa anak ko ay hindi ko alam ang magagawa ko sa ’yo,” banta ni Mr. Natividad na kaagad ikinatango ng binata. Tiningnan naman siya ni Kaizer at pinakyuhan siya bago sila tuluyang umalis ng dalaga.
“Huwag kang magkakamali, Louis,” babala ni Kaizer na ikinakunot ng noo niya.
Akmang babalik sana si Louis upang sapakin ang pinsan niya nang matapilok si Elaine dahilan upang mahawakan niya ang hinaharap nito.
Nanlaki naman ang mata nito. At bago pa siya nito masapak ay binuhat niya na ito nang pa-bridal style at tuluyan nang naglakad paalis sa restaurant.
Tahimik lamang si Elaine habang nasa biyahe at mayamaya pa ay nakatulog na ito. Napangiti na lamang si Louis habang tinitingnan ang dalaga na mahimbing na natutulog.
Huminto muna siya sa gilid upang ayusin ang higa nito. Kinuha niya ang kumot sa likod ng sasakyan at ipinatong ito kay Elaine.
—
Nagising ang dalaga dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha niya. Dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata at nakita si Louis na mahimbing na natutulog sa tabi niya. Hindi niya mapigilang mapangiti nang makitang masarap pa ang tulog ng binata. Tumayo siya upang magluto ng umagahan nilang dalawa.
Natuwa siya nang makita ang kagandahan ng silid kung saan sila tumutuloy. Mukhang nandito na sila sa sinasabing Desire Island ni Louis. Binuksan niya ang bintana sa kusina at nakita ang mga taong dumadaan sa labas, habang ang iba ay mayroong bitbit na mga aso. Sana pala ay isinama nila sina Sherlock at Irene upang maipasyal, ngunit ibinilin ito ng binata kina Volstrige na iuwi sa mansion at paalagaan sa mga maid habang wala sila.
Binuksan niya ang ref upang tingnan kung may laman ito. Natuwa naman siya dahil sa dami ng laman nito. Kinuha niya ang itlog at bacon. Sinimulan niyang buksan ang gasul at nagsimulang magluto.
Pakanta-kanta pa siya habang nagluluto nang biglang may yumakap sa kaniya mula sa likuran. “Good morning, wifey,” bati ng binata at ipinatong ang ulo sa balikat niya.
Kaagad naman siyang napangiti sa binata at bumati rito pabalik, “Good morning!”
“What are you cooking? It smells delicious,” tanong ni Louis. Napangiti naman si Elaine sa sinabi nito. Ibinaling niyang muli ang tingin sa iniluluto na bacon dahil baka masunog ito.
“Eggs and bacon,” sagot niya. Tumango naman ang binata at naupo sa counter upang hintayin ang niluluto ni Elaine.
Kinuha niya ang takure at nilagyan ng tubig upang painitan ito. Abala ang dalaga sa pagluluto kung kaya’t siya na lang ang magtitimpla ng kape nilang dalawa.
Kinuha niya ang dalawang tasa at nilagyan ng kape. “Are you sure that you don’t want my help? Are your thighs now okay?” tanong sa kaniya ng binata na agad niyang ikinatango.
“That’s good to know, do you want to watch a football game?”
Bigla naman siyang napaisip sa tanong nito, pero sinagot niya lamang ito nang may ngiti sa labi.
“Oo naman,” wika ng dalaga dahil mukhang masaya manood ng isang actual game ng isang sports.
Nang matapos magluto si Elaine ay sabay nilang pinagsaluhan ang niluto ng dalaga. “Uhm, ano sa tingin mo?” tanong nito dahilan upang ngitian siya ng binata at halikan sa noo.
“It’s delicious,” wika ni Louis at sinubukang ngumiti kahit na medyo maalat ang luto ni Elaine. Ayaw kasi niyang masaktan ang damdamin nito.
Makalipas ang ilang oras ay nagtungo na sila sa lugar kung saan gaganapin ang competition ng football game. Hindi ito masyadong malayo sa tinutuluyan nila kaya nakapunta sila kaagad.
Pagpunta nila ay marami nang mga tao ang nag-aabang kaya nahirapan sila humanap ng mauupuan. Karamihan ay puro couples ang nandoon. At dahil Valentine's Day ay rito nila mga naisipang mag-date.
Nang maupo silang dalawa ay kaagad siyang inabutan ng jacket ni Louis dahil medyo malamig sa loob.
Mayamaya pa ay nagpaalam ang binata na bibili lamang ito ng makakain para sa kanilang dalawa, pero ang hindi alam ng dalaga ay ihinahanda pala nito ang proposal nito para sa kaniya.
Napatango naman si Elaine kaya umalis na ito sa puwesto at tinawagan si Eros upang itanong kung ano nang nangyari sa pina-reserve niya.
“Hola amigo, ano ba’ng kailangan mo?” tanong nito. Naririnig niya sa kabilang linya ang ungol ng babaeng kasiping ng binata.
“What happened to my reservation?” galit na tanong ni Louis habang tinitingnan ang relo dahil kapag nagtagal siya ay baka hanapin na siya ng dalaga.
“Nakahanda na ’yon kahapon pa. Kayo na nga lang ang hinihintay ng mga tao ko,” wika ni Eros. Akmang magsasalita pa sana siya nang biglang umungol ang babaeng kasiping nito dahilan upang kumunot ang noo ni Louis at patayin ang tawag.
Isa lang ang gusto niyang marinig na ungol at iyon ay si Elaine habang sinasambit ang pangalan niya.
Nang bumalik siya sa loob ay nakita niya si Eron Coleman na kinakausap si Elaine. Kaagad na nag-init ang ulo niya nang makitang tumatawa pa ang dalaga habang kausap ito.
Dali-dali siyang lumapit dito at kaagad na tumikhim upang makuha ang atensyon ng dalawa. Napatingin naman sa kaniya si Elaine. “Nandito ka na pala, Louis,” sambit ng dalaga. Tiningnan naman siya ni Eron na may halong pang-aasar.
“Kaano-ano mo si Louis Montemayor?” tanong ni Eron. Akmang sasagutin na sana ito ng dalaga nang bigla itong pigilan ni Louis.
“She’s my wife, so don’t f*cking try to get near her,” wika ng binata at hinila palayo si Elaine. Nagulat siya nang bigla itong tanggalin ng dalaga.
“A-Ano ba, Louis. Nasasaktan ako,” nauutal na wika ni Elaine dahil masyadong mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanang kamay niya.
Nang humarap sa kaniya si Louis ay agad itong tumingin sa kaniya habang nanlilisik ang mga mata nito. “What do you think you're doing with him, huh?” asik nito na parang nagseselos dahil kausap niya si Eron.
“Kinausap niya lang naman ako para—” Magsasalita pa sana ang dalaga nang bigla itong pigilan ni Louis.
Naguguluhan siya kung bakit ganoon na lang magalit ang binata kung ito ang nagbibigay sa kaniya ng katanungan kung ano ba talaga sila?
“Tss. I don’t want to hear anything you’ll say,” sambit ng binata at nagsimula nang humakbang palayo sa kaniya.
Akmang hahabulin niya na sana si Louis nang bigla siyang pigilan ni Eron.
“Elaine,” tawag nito. Nagulat na lamang siya nang makita niya si Louis na may kausap na babae. Nilalapit nito ang katawan sa binata na parang inaakit ito.
Akmang susugurin niya sana ang babae nang ma-realize niya na wala nga pala siya sa posisyon upang pigilan kung sino ang dapat harutin ni Louis dahil wala naman silang label.
At isa pa, magiging asawa lang naman siya nito dahil sa kagustuhan ng magulang ng binata.
Kaya bakit pa?
ElaineHindi ko alam, ngunit walang lumalabas na kahit anong boses hanggang sa bigla na lang akong hatakin ni Eron papalayo kay Louis na abala sa pakikipag-usap sa isang babae.Kasabay ng paghila niya ay ang luha na hindi ko alam kung bakit bigla na lang tumulo sa mga mata ko.Mukhang wala naman itong pakialam dahil hindi niya man lang ako tinapunan ng kahit katiting na tingin. Abalang-abala siya sa pakikipag-usap sa babaeng iyon. Sino ba ang babaeng iyon at noong kausapin siya ay ayaw niya na akong pansinin?“Ayos ka lang ba, Elaine?” tanong ni Eron nang makita niyang tumutulo na ang luha ko. Kaagad ko naman itong pinahid upang hindi niya mahalata na umiiyak ako dahil sa inis.“A, oo. Ayos lang ako. Huwag mo akong pansinin. Napuwing lang,” pagdadahilan ko sa kaniya at pilit na ngumiti. Mukhang hindi naman siya masamang tao dahil ang sabi niya ay naging kaklase niya noong high school sina Kaizer at Louis.Kaya ang akala ko ay matutuwa si Louis na makita si Eron, ngunit mukhang wala sil
ElaineHindi maawat ang ngiti ko nang bigla akong yakapin ni Louis. “Did you love it, wife?” tanong niya na agad kong ikinatango. Sino bang babae ang hindi matutuwa sa oras na ma-surprise sila nang ganito?Nang bumitiw sa pagkakayakap si Louis ay bigla naman akong niyapos ng yakap ni Tita Hacel. “Congratulations to the both of you. I can’t wait to see you wearing your wedding gown.” Kaagad naman akong napangiti sa sinabi niya, kahit ako rin ay nae-excite makita ang sarili ko na nakasuot ng gown. Ni hindi ko kasi in-expect na mararanasan ko ang ganito hanggang sa dumating si Louis at ipinaramdam sa akin na maaari din akong ituring na special katulad ng ibang babae.Ang buong akala ko nga noon ay si Kaizer ang magpaparamdam sa akin nang ganito. Naging crush ko kasi siya noong tumuntong ako ng college. Lagi niya sa akin ipinararamdam na maganda ako, ngunit sadyang maliit talaga ang mundo dahil sa pinsan niya ako nahulog at mapapangasawa ko na ito.“Maraming salamat po, Tita Hacel. Kahit a
ElaineNang bumitiw ako sa paghahalikan namin ay agad kong tiningnan kung saan nagmula ang pag-click ng camera. Halos malaglag ang panga ko nang makita ko ang mga malalaking camera na nakatutok sa amin at may isang tao pa na may hawak ng mic.“Narito po tayo ngayon sa Desire Island at kitang-kita naman nating lahat ang matinding halikan ng tagapagmana ng Montemayor Company na si Louis Montemayor sa isang babae, parang kahapon lang ay bali-balita na sinorpresa niya raw ang actress na si Mariella Althea De Vera, ngunit ano itong nakikita natin?” tanong ng lalaki na may hawak ng mic at pumunta pa sa harap naming dalawa.“Just go with the flow, they are reporters,” bulong ni Louis sa akin na ikinatango ko na lamang. Totoo kayang iniutos niya na sorpresahin si Mariella o nagkamali lamang sina Juliana? Ang ipinagtataka ko pa ay bakit pumunta si Mariella sa silid ko para kausapin si Louis? Ano kaya ang pinag-usapan nila?“Maaari ka po ba naming ma-interview, Mr. Montemayor?” tanong nito na ik
ElaineNang lingunin ko kung saan nagmula ang boses ay nakita ko si Kaizer na nakapamaywang sa harap namin habang ang mga mata niya ay nanggagalaiti sa galit. Kaagad kong itinulak si Tyron upang tumayo at magpaliwanag sa kaniya.“Mali ang iniisip mo, Kai,” sambit ko. Akmang magpapaliwanag sana si Tyron nang bigla siyang sapakin nang malakas ni Kaizer dahilan upang mapabagsak ito sa sahig. Ano ba ang ginagawa niya?“Ano’ng mali sa nakita ko, Elaine? Niyayakap ka ng gagong lalaki na ito. Ang kapal ng mukha mo, Tyron, pati si Elaine ay balak mong landiin. Wala ka na bang makuhang flings sa Desire Island?” asik ni Kaizer. Napasapo naman ako sa noo dahil sa inis habang tinutulungang tumayo si Tyron dahil masyadong napalakas ang sapak ni Kaizer. Bakit ba kasi napakainitin ng ulo ng mga lalaking Montemayor na ito?“Manahimik ka na, Kai. Please lang, puwede bang hayaan mo muna akong magpaliwanag!” wika ko na agad niyang ikinatigil. Humingi ako ng tawad kay Tyron bago tumalikod upang kausapin
Third Person Maagang bumangon si Louis. Gusto niya kasing ipagluto ng agahan ang dalaga dahil alam niyang napagod ito sa ginawa nila kagabi kaya gusto niyang makasalo ito bago siya magpunta sa mansion ni Sirius.Sa kabilang banda naman ay dahan-dahang bumangon si Elaine sa kama nila. Masyadong namamaga ang bandang ibaba niya. Mabuti na lamang ay wala na sa tabi niya si Louis. Siguradong mahihiya siya rito dahil nakakatawa ang itsura ng mukha niya sa tuwing pinipilit niyang maglakad.Pumunta si Elaine sa banyo na nasa loob lamang ng silid nina ni Louis. Nagsimula siyang mag-shower para fresh pa rin siya sa paningin ng binata.Nang matapos siya ay bumaba siya papunta sa kitchen para magluto sana ng pagkain niya nang makita niya ang binata na naka-apron habang nagluluto ng pancake.Kaagad niya itong niyapos ng yakap mula sa likod na ikinalingon nito sa kaniya. “Are your legs fine now?” tanong ni Louis. Napakamot sa ulo ang dalaga dahil ito ang unang itinanong ng binata sa kaniya. Medyo n
Elaine“Ano, hija. Ayos ka pa ba riyan?” tanong ni Mommy Hacel. Nauna na kasi siyang bumaba sa sasakyan dahil hanggang ngayon ay nasusuka pa rin ako dahil sa hilo. Hindi ko kinaya ang pagda-drive niya nang mabilis, halos malagutan na ako ng hininga dahil sa kaba.Nasa harap kami ng isang malaking mansion. Ang sabi kasi niya ay susunduin muna namin ang dalawang makakasama namin na sina Sandra at Lexy kaya pumunta kami rito sa Reverence Street kung saan ito nakatira.“A-Ayos lang po ako,” nauutal na wika ko bago tuluyang alisin ang seatbelt upang makababa na rin.“Naku, hija. Siguradong matutuwa ang dalawa na ’yon kapag nakita ka. Hindi kasi sila nakapunta sa party dahil busy sila sa trabaho,” sambit ni Mommy Hacel nang makababa na ako sa sasakyan. Sa susunod talaga ay ako na mismo ang pipigil sa kaniya na hawakan ang susi ng mga sasakyan. Nakakatakot pala siyang magmaneho.“Gano’n po ba? Ano ho ba ang mga trabaho nila?” nakangiting tanong ko dahil naku-curious ako sa mga taong malapit
ElaineWalang tigil pa rin ang mga luha ko sa pagbagsak mula sa mga mata ko. Sinubukan kong tumayo upang patayin ang shower dahil para na akong basang sisiw. Basang-basa na kasi ang damit ko dahil kanina pa ako nababasa ng tubig mula sa shower.Sa totoo lang, ang sinabi ni Louis ang pinakamasakit na salita na narinig ko sa buong buhay ko. Sanay na kasi akong masabihan na pangit sa dati kong school dahil napakarami kong tigyawat at dahil sa suot ko na para na akong nerd.Nagsimula na akong magpalit ng damit. Kung patuloy akong magmumukmok ay siguradong magtataka sina Ama kung bakit ang tagal kong bumaba at baka makita pa nila na namumugto ang mga mata ko dahil sa pag-iyak. Marahil ay ako lang talaga ang may gusto kay Louis. Kung alam ko lang na ginawa niya lang ang lahat ng mga surpresa niya, edi sana pinigilan ko man lang ang sarili ko na mahulog sa kaniya. Sino ba naman kasing babae ang hindi mahuhulog kapag ginawan ng effort?Natigil ang pag-iisip ko nang biglang may kumatok sa pinto
ElainePagkatapos kong patayin ang tawag ay dali-dali akong nagpunta sa closet room dahil naalala ko ang sinabi ni Mommy Hacel na nandoon daw ang mga damit na sigurado raw siyang kailangan ko.Binuksan ko ang pinto at tumambad sa akin ang cabinet na magkakakonekta na pumapaikot sa buong silid. Katabi lang nito ang silid namin ni Louis na ngayon ay kaniya na lang.Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko, ngunit una kong binuksan kung ano ang mas malapit sa akin.Nagsimula na akong maghanap ng maisusuot na damit. Ayaw kong mapahiya sa party na pupuntahan namin lalo na at nandoon si Louis at posibleng may ka-partner siyang ibang babae. At nakahihiya naman kay Kaizer kung hindi man lang ako mag-aayos.Mabuti na lamang at naisipan ni Mommy Hacel na maglagay ng isang closet room na may iba’t ibang uri ng damit. Ang sabi kasi niya ay para hindi na ako bumili ng mga damit sa tuwing may okasyon kaya naisipan niyang magpalagay ng ganito, para kung sakaling maimbintahan daw kami ni Louis ay kukuha
ElaineMabilis lumipas ang mga araw, nalaman namin ang balita na nakawala si Zap kaya mas lalong dumoble ang security namin habang naghahanap ng leads kung sino ang tumulong kay Zap na makatakas at kung nasaan ang tunay kong ama.Nagbitiw ako ng malalim na buntonghininga bago tuluyang isandal ang ulo ko sa upuan. Ang buong akala ko ay matatapos na ang kasamaan ng mga Valencia, pero we were back to zero again.“Everything will be fine, wife. As long as we are together, we can do anything. I’ll dispatch more people to look for leads,” wika ni Louis. Hinawakan niya ang kamay ko. Napangiti ako.“Thank you, hubby, for always being by my side. Even when I’m still looking a part of my past identity, you’re patient,” usal ko at binigyan siya ng halik sa pisngi.Kinagabihan, habang inaasikaso ko ang paperworks na ipinasa sa akin ng wedding organizer na kinuha namin ay biglang umiyak si Mace
LouisI’ve always thought of myself as the man who knew everything. Someone who was calculated, cold, and efficient—that’s who I am. Or rather, who I was, before Elaine. She wasn’t just a woman I was ordered to marry; she was the reason I started questioning everything about my carefully constructed world.It all started when I saw her for the first time walking with her friends down the street. I was in the backseat of my car, flipping through meaningless reports about the family’s business when I caught sight of her. She wasn’t extraordinary by any conventional standard. She had oversized glasses perched on her nose, braces, and hair that seemed to have a life of its own. Yet, there was something about her laugh. It was carefree. It was pure.“Who’s that woman?” I blurted out, startling Brennon.His eyes flicked to the rearview mirror, confused. “I—I don’t know, si
Elaine Malamig ang simoy ng hangin noong araw na nagpunta ako sa sementeryo. Tirik ang araw, pero hindi masakit sa balat dahil pa-hapon na. Tahimik, ramdam ko pa rin ang bigat sa puso ko habang nilalakad ang daan patungo sa puntod ni Ama. Sariwa pa rin sa akin ang lahat ng nangyari, sa isang iglap ay natapos ang lahat ng kasamaan ng mga Valencia. Pero alam kong hindi pa rin dito nagwawakas ang lahat dahil may mga organisasyon pa rin na gustong mapasakamay ang ledger na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maalala. Sa huli, nakulong si Zap na may patong-patong na kaso habang si Mariella ay dinala ni Lucas sa psychiatrist dahil halos mabaliw ito sa lahat ng nangyari. Binasa ko ang lapida na may nakasulat na Raymond Natividad. Ibinaba ko ang bouquet na ng puting rosas at nagsindi ng kandila. Napakabuting ama niya sa akin, lahat ay ginawa niya para maprotektahan ako. “Ilang buwan na lang, manganganak na ako. Sisiguraduhin kong dadalhin ko sila rito para makita mo,” wika ko habang kumiki
Elaine Nang idilat ko ang mga mata ay naramdaman ko ang pahirap na nakatali sa aking mga kamay. Ito ay matigas at malamig, parang sinadyang higpitan para magdulot ng matinding sakit. Nanginginig kong tiningnan ang paligid. Para kaming nasa storage room, at bukod sa akin ay may dalawa pang tao—si Kaizer at Ama, na parehas ding nakatali sa upuan. “Ely . . .” Boses ni Kai. Mahina iyon ngunit puno ng pag-aalala. “Ayos ka lang ba?” Tumango naman ako kahit taliwas ang sinasabi ng puso ko. Mabilis ang pintig nito dahil sa kaba at takot na may mangyayari sa amin na masama. “A-Alam mo ba kung nasa’n tayo?” tanong ko. Nag-crack ang boses ko. Napailing siya. “Sa ngayon, ang alam ko lang ay na-kidnap tayo ng Valencia Organization. Hindi ko alam kung paano nila tayo nahanap, I will make sure na makatatakas tayo.” I was scared for the baby in my womb. Wala siyang kinalaman dito. “Everything will be fine, Ely, trust me,” sambit ni Kaizer. Mukhang may plano siya. “Ugh,” ungol ni Ama habang dah
ElaineNag-stay kami ni Louis sa Florida nang dalawa pang linggo. Nang makita ako ni Louis noong gabing iyon ay lagi niya akong kino-comfort. Bihira na lang din kaming gumala ulit at kung lalabas man kami ay may bantay kami. Hindi niya rin ako tinanong kung ano ang nangyari, mukhang hinihintay niya na ako ang kusang magkuwento.Ngayong araw ay susunduin kami ni Valerian para ihatid kami pabalik sa Pilipinas.“I want to stay here for awhile,” wika ko habang inaayos ang mga damit at pasalubong na binili namin.“We will come back here again. This is one of our houses now, I just need to finish all my work,” Louis answered and pecked a kiss on my cheek.Nang makasakay kami ay nginitian ako ni Valerian. “Looks like the newlyweds enjoyed their honeymoon that much. Aunt Hacel said to get both of you after three days, but someone wants to stay longer.”“Shut up, dickhead,” wika ni Louis na ikinatawa ko. So siya lang pala ang nagplano na isang buwan kami rito.“Nasaktan naman ako sa bati mo, pr
ElaineIt had been a week, paulit-ulit ang naging routine namin ni Louis. Para na talaga kaming tunay na mag-asawa. Sa umaga ay ipinagluluto niya ako at gagala kami sa buong maghapon. Halos gabi-gabi ring may nangyayari sa amin. Sa totoo lang, parang panaginip ang lahat at ayaw ko nang magising.“Wife, are you still mad at me? I didn’t mean to act roughly last night,” wika ni Louis habang sinusubukan akong subuan ng kanin.“No. I’m not mad,” matipid na sagot ko.“Then why are you so quiet? Hmm,” tanong ni Louis. Sa totoo lang, gugustuhin ko na lang na nandito kami dahil baka mamaya kasi kapag umuwi kami ay may magbago na naman sa relasyon namin.“May iniisip lang ako,” sabi ko.Sumeryoso ang mukha niya. “What is it? You can tell me.”Bahagya na lang akong napangiti. Mas mabuti nang itago ko na lang muna ang nakita ko. Baka mamaya ay paghinalaan niya ako na may connection kay Zap.“I’m just thinking about where we will go today. Ang dami palang magagandang view rito. Maligo muna ako par
ElaineNagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko, mukhang wala pa rrin si Louis. Dahan-dahan akong bumangon dahil medyo masakit pa ang ulo ko at mugto ang mga mata. May mga sugat pa ang daliri dahil sa pagpulot ko sa nabasag na frame.Pumunta ako sa kusina at kinuha ang litrato. Pinagmasdan kong muli ito bago lukutin at ilagay sa loob ng bulsa ko. Hindi dapat ito makita ni Louis, nakasisiguro ako na tanging si Ama lang ang makasasagot ng lahat ng katanungan na mayroon ako tungkol sa tunay na katauhan ng lalaki. Binuksan ko ang ref, pero wala itong ibang laman kundi tubig. Napabuntonghininga na lang ako at naligo para lumabas. Hahanap na lang ako ng grocery store.“Wife, where are you going?” Halos lumundag ang puso ko sa gulat nang makita si Louis. Magulo ang kaniyang buhok at malalim ang eyebags. May bakas ng dugo sa damit niya at may gasgas siya sa noo. “Are you okay?” tanong ko at hinawakan ang noo niya na may gasgas.Kaagad kong napagtanto kung ano ang ginawa k
ElaineNaalimpungatan ako nang bigla akong makarinig ng malakas ringtone na galing sa cellphone ni Louis.“Answer your call,” utos ko. Nakita ko naman si Louis na pinatay ang tawag at ibinalik ang pagtitig sa akin.“I’m sorry for waking you up,” wika ni Louis. Kinuskos ko ang dalawang mata ko upang mas lalong makita ang mukha niya dahil medyo madilim sa silid.“Ayos lang, naalimpungatan lang ako. But why are you still awake?” tanong ko sa kaniya at akmang babangon para sana kumuha ng maiinom sa kusina.Aray.Kaagad akong napapikit nang mariin nang maramdaman ang kirot sa bandang ibaba ko. Ganito rin ang nangyari sa akin noong unang p********k namin. Parang binibiyak ang katawan ko sa dalawa.Nang mapansin ni Louis na parang may iniinda akong sakit ay inalalayan niya ako. “Are you okay, wife? Should I call a doctor?” concerned na tanong niya kaya hindi ko maiwasang tumitig sa itsura nya. Was he really concerned about me?Napangiti naman ako dahil sa tuwa, pero kaagad na pumasok sa isi
ElaineNang makabalik ako sa loob ng venue ay kaagad lumapit sa akin si Venice. “Mabuti naman at nandito ka na, baks. Hinihintay ka ng lahat sa balcony para masimulan nang ibigay sa inyo ni Louis ang regalo nina Tita Hacel,” aniya. Hindi ko naman mapigilang mapalunok dahil sa kaba.Ano na naman ba ang pakulo ng pamilyang Montemayor?Kaagad naman akong nagpilit ng ngiti nang makita kong nakatingin pa rin sa akin si Venice. Wala siyang kaalam-alam kung ano ang mayroon sa pagitan namin ni Louis. Hindi ko siya masisisi dahil sigurado akong itatago sa kaniya ni Volstrige ang bagay na iyon.“Pasensiya na, mukhang na-late na naman ako. Nag-restroom kasi ako saglit,” paliwanag ko at akmang ihahakbang na ang mga paa ko nang biglang hawakan ni Venice ang braso ko dahilan upang mapatigil ako.“Sandali lang naman, baks. Talagang inabangan kita rito kasi may balak akong ibigay sa ’yo. At saka, lutang ka ba? Hindi naman diyan ang daan sa balcony. Ayan ba ang epekto ng alak?” Humagalpak ito ng tawa.