Share

XI - Past

Author: Mowtie
last update Huling Na-update: 2021-06-15 20:24:47

Third Person's Point of View

Mabilis na pinaharurot ni Louis ang sasakyan. Sa totoo lang ay nag-aalala siya sa dalaga lalo na't ang ina niya ang nagsabi na may nangyaring masama rito.

“Damn,” mura niya habang hinahampas ang manibela dahil sa traffic. Kung kailan naman siya nagmamadali saka pa nagkaroon ng traffic sa area na ito.

“Can you calm down? As if you can stop the traffic with that, idiot,” wika sa kanya ni Kaizer, ngunit sa totoo lang ay kanina pa nanginginig ang kamay niya sa takot na may nangyari talaga kay Elaine. Matagal na siyang may gusto sa dalaga, ngunit pinipigilan niya ang sarili sa tuwing nagkikita sila dahil baka mas magulo ang isip nito sa mga nangyayari.

Sa totoo lang ay mas kilala pa nga niya si Elaine kaysa mapapangasawa nito. Wala naman siyang magagawa tungkol sa bagay na 'yon lalo na't hindi siya sigurado kung gusto rin siya ng dalaga. Kung maaari lang ay itatakas niya ito at mamumuhay sila nang simple, pero sa oras na mangyari 'yon ay may parehas na mahalagang bagay ang mawawala sa kanila na hindi niya maaatim.

Nang makarating sila sa mansion ay agad na bumaba si Louis upang pumasok sa loob. Pagkarating niya roon ay nakangiti sa kanya ang ina habang wala namang kaalam-alam si Elaine sa nangyayari.

“You're home, anak. I'm glad to see you, how's your day?” tanong ng ina niya at lumapit pa ito para yumakap sa kanya. Nasa likuran niya naman si Kaizer na naguguluhan sa nangyayari.

“Akala ko po ba, Tita, may nangyaring masama kay Elaine?” tanong ni Kaizer habang palipat-lipat naman ang tingin niya sa dalaga at sa ina ni Louis na nakangiti sa kanya na parang nang-aasar.

“Sa totoo lang, nagkaroon lamang siya ng maliit na hiwa habang nagluluto kami at nalagyan ko na ng betadine. Huwag na kayo mag-alala,” sambit naman ng ina ni Louis nang kumalas ito sa pagkakayakap sa kanyang anak.

Halos malaglag ang panga nina Louis at Kaizer sa sinabi ng ginang kung kaya't agad namang nagsalita ang binata, “I said that I will go home once I finish what I'm doing. Why did you use Elaine just to send me home?” tanong ni Louis habang nakakunot ang noo. Gusto niya naman talagang umuwi sa mansion dahil nag-aalala siya sa kung anong ikwekwento ng ina niya kay Elaine, hindi naman nito kailangan sabihin na may nangyaring masama kay Elaine para lang mapauwi siya kaagad.

“Why? May nangyari naman talagang masama at iyon ay nasugatan siya. Sa tingin mo ba, Louis, ay hindi ito masamang balita?” tanong ng ina niya habang nakahawak ang kamay nito sa sentido nito na parang nag-iisip. Ginagawa niya ito upang mas lalong asarin si Louis na epektib naman.

“Fine, but next time, you shouldn't call like that. You're making someone worry when the truth is, it's not that big deal,” wika ni Louis na parang pinapangaralan niya ang ginang dahil sa ginawa nito. Nag-peace sign lamang ito bago bumalik sa tabi ng kanyang ama.

Kahit kailan talaga ay isip-bata ang kanyang ina, bakit hindi pa siya nasanay rito? Lagi naman siyang pina-prank ng ina at pagkayari ay wala na siyang magagawa kundi patawarin na lamang ito dahil lagi siya nitong gini-guilty.

“Kaysa tumayo ka riyan na parang naestatwa, bakit hindi mo batiin ang future wife mo?” sambit ng kanyang ina habang kinakain ang cookies at graham na nasa table. Silang dalawa ni Elaine ang gumawa nito. Mabuti na lamang ay nakasundo niya ang dalaga sa hobby niya. Sa tuwing nasa trabaho kasi ang kanyang asawa ay lagi siyang nagbe-bake para dalhin sa office nito.

“No need to tell it, Mom,” wika ni Louis dahil tinatrato na naman siyang parang binata ng kanyang ina. For Pete's sake, magti-twenty seven years old na siya sa darating na Marso, pero kung kausapin siya ng kanyang ina ay parang nasa 18 years old pa lang siya na ayaw na ayaw niyang trait ng kanyang ina.

Sa totoo lang ay naging dean's lister siya noong nasa college siya dahil halos lahat yata ng mga guro doon ay kilalang-kilala ang pamilya niya. Isa siya sa miyembro ng football team na inilalaban lagi sa mga tournament ng university nila. 

He was really popular in their school that he hated because women were so annoying. They were always there wherever he went, and not just that, halos sambahin na nila si Louis dahil sa kaguwapuhan nito na umaabot pa nga sa puntong sila pa mismo ang nag-aayang makipagtalik sa binata na pinakaayaw niya sa isang babae. Ang gusto kasi niya sa isang babae ay may dignidad, hindi katulad ng mga nakilala niya na halos isuko ang virginity nila mapasakamay lang siya.

“Hello, wife,” bati niya habang dahan-dahan siyang lumapit sa dalaga na abala sa pagkwekwento sa ama nito. Agad naman itong humarap sa kanya at nahihiyang bumati pabalik. Siniil niya ito ng halik sa noo na ikinatikhim ng ama nito na nasa tabi lang ni Elaine. Wala siyang nagawa kundi batiin din ito.

“And greetings to you, uncle,” mariin na wika ni Louis. Nginitian niya ang matanda na tantiya niya ay mga nasa 40s na dahil sa grey na buhok nito na dala ng katandaan. May mga wrinkles na rin ito. Ang katawan nito ay medyo may kapayatan. Kung ikukumpara ang height ni Mr. Natividad sa anak niya ay mas matangkad nang kaunti ang dalaga kaysa kanya dahil nagmana ng tangkad si Elaine sa kanyang ina na pumanaw na.

Gayumpaman ay binati rin siya nito pabalik. Hinawakan ni Mr. Natividad ang kamay ni Louis at itinuro ang harap ng palad niya na ilagay sa noo nito upang matuto ang binata na magmano sa nakatatanda. Nang mayari ito ay natawa lamang si Elaine habang nagsalita naman si Mr. Natividad, “Nawa'y pagpalain ka ng Maykapal, iho,” sambit nito na tinanguan na lamang ni Louis dahil napahiya ito sa ama ng dalaga.

Lumapit naman si Kaizer sa ama ng dalaga at nagmano rin dito. Binigyan niya naman ng mapang-asar na ngiti si Louis dahil hindi nito alam ang paggalang sa matanda. “Kumusta ka po, Tito?” tanong niya. Hinawakan naman siya ng ama ni Elaine at sinabihan din ng sinabi nito kay Louis. Ang kaibahan lang ay inalok siya nitong maupo sa tabi ni Elaine na hindi nito ginawa kay Louis.

Mabuti na lamang ay naroon ang ama ng binata upang sagipin siya sa nakahihiyang pangyayari. “Bakit hindi natin pag-usapan ang nalalapit na kasal nina Elaine at Louis sa aming private resort?” tanong nito sa kanilang lahat na kaagad sinang-ayunan ng asawa nito. Napabuntonghininga si Kaizer dahil tsansa na sana niyang makatabi si Elaine, pero bigla na lamang nag-aya ang tito niya out of nowhere na parang ayaw siya nitong itabi ang dalaga.

“Tamang-tama ang pag-aaya mo, honey. Napakainit nga ng panahon ngayon. Mas mabuti na rin 'yan upang maka-bonding natin nang lubusan si Elaine at ang ama niya. Ito ay kung ayos lang sa 'yo, amigo?” tanong ng ina ni Louis habang nakangiti ito na nakatingin kay Mr. Natividad. Hindi naman na nag-isip ang ama ng dalaga at pumayag na lamang dahil wala rin naman siyang magagawa lalo na't nakatakda na ang kasal ng dalawa hindi pa man ito pinapanganak. Ang tanging kailangan na lamang niyang gawin ay siguraduhin na nasa mabuting kamay ang anak niyang si Elaine.

“Mabuti naman kung ganoon. Tamang-tama rin ang araw na ito upang maglipat ng mga damit si Elaine dito sa mansion ng aking anak,” sambit ng ginang na ngumiti kay Louis na parang sinasabi na I got you. Sadyang kaygandang magkaroon ng magulang na ililigtas ka sa nakahihiyang moment.

“Kailangan ba talaga ngayon maglipat si Elaine, Tita? Hindi ba maaring pagkatapos na ng kasal nina ni Louis? Baka kasi nami-miss niya ang lugar nila,” singit naman ni Kaizer na nagkakamot ng ulo. Iniisip niya kasi ang ama ng dalaga na mawawalan ng kasama sa apartment sa oras na lumipat ang dalaga.

“Ano ka ba, iho. Siyempre naman dahil kailangan mas magkakilala nina Elaine at Louis dahil nalalapit na ang kasal nila. Isa pa, mas mapoprotektahan siya kung dito siya tutuloy. Alam mo naman ang pamilya natin, maraming kaaway. Paano na lamang kung bigla siyang atakihin sa apartment na tinutuluyan nila? Eh 'di wala tayong magagawa upang mapuntahan siya kaagad. Sana naman ay huwag mong masamain ang intensyon ko, Kaizer. Kapakanan lamang ni Elaine ang iniisip ko,” wika ng ginang. Agad naman itong kumuha ng tubig upang uminom dahil sa napakahaba nitong sinabi kaya parang nag-dry ang lalamunan niya.

“Hayaan mo, iho. Alam kong nais mo lang protektahan si Elaine. Tama naman si Hacel. Mas maganda kung dito mananatili ang anak ko para mabawasan ang pag-aalala ko tungkol sa kaligtasan niya,” wika ni Mr. Natividad. Bakas sa boses niya na hindi siya sang-ayon na mahiwalay sa kanya ang nag-iisang dalaga niya, ngunit ito lang ang bukod tanging option na masisigurado niyang mapoprotektahan si Elaine, dahil kahit saan siya magtungo ay may mga guards na nakapalibot sa kanila. Hindi lang 'yon, mukhang hindi pababayaan ng mapapangasawa nito si Elaine dahil wala pa ngang sampung minuto na sinabi ng ina niya na may nangyaring masama sa dalaga ay umuwi agad ito upang masigurado ang kalagayan ni Elaine. Sa pinakita pa lamang ng binata ay namangha na siya rito, ngunit hindi pa rin niya ibibigay ang kanyang buong tiwala dahil anak niya ang nakataya sa bagay na ito.

“Kung ganon ay maaasahan mo ang aking anak sa bagay na 'yan. Mauuna na kami sa aming private resort. Hayaan ninyong si Louis na ang sumama sa inyo upang tulungan si Elaine na maglipat ng gamit,” wika ng ina ng binata. Kumaway ito sa kanila upang magpaalam at tuluyan nang umalis sakay ang kotse na dala-dala nila.

Naiwan naman ang apat sa living room. Naputol ang katahimikan nang magpresinta si Kaizer na siya na ang magda-drive na sinang-ayunan ni Mr. Natividad. 

Tahimik lamang sila sa byahe.

Nagsalita ang ama ni Elaine upang makausap si Louis, “Ikaw ba ay seryoso sa anak ko?” tanong nito habang nakatingin sa binata na huwag magkakamali ng sagot. Nasa pagitan nila si Elaine na agad hinawakan ang ama niya sa braso upang pigilan ito na magtanong. Ngumiti lamang si Louis at agad na sumagot upang bigyan ng assurance ang ama ng dalaga.

“Seryoso po ako kay Elaine. Isa pa, never have I thought that this marriage is on for the sake of the deal. I'm trying to connect with her so we could get to know each other,” wika ni Louis. Napatango na lamang sa ama nito na nagbigay ngiti sa dalaga.

“Mabuti kung gano'n. Huwag mo lang sasaktan ang anak ko. Sinasabi ko sa 'yo. Ilalayo ko ang aking anak sa 'yo sa oras na mangyari 'yon,” babala nito kay Louis na ikinatango na lamang niya.

Hindi niya alam kung bakit siya naging ganito: ang maging mabait para hindi ma-disappoint sa kanya ang isang babae. Hindi ito gagawin ng dati niyang sarili, ngunit habang tumatagal ay nag-iiba ang pananaw niya. Marahil ay nagugustuhan niya ang dalaga. Sana lang ay hindi magbago ang pagtingin niya rito dahil lang sa isang bagay.

Ang pinakaayaw niya kasi ay nasisira ang tiwala niya. Hindi niya mapapatawad ang sarili kung nagkamali man siya ng desisyon na ibigin ang dalaga.

Nang makarating sila sa apartment ay sinalubong sila ni Mang Pedro na nakasuot ng pulang lipstick. “Aba, napakaguwapo naman ng kasama ninyo,” wika nito. Hindi naman ito pinansin ni Louis kung kaya't hinampas siya nito sa likod ng pamaypay na hawak.

“At saan ka pupunta, pogi?” tanong nito. Nakataas ang isang kilay niya.

Sinamaan siya ng tingin ni Louis sa ginawa niya. “I don't owe an explanation to you,” wika ni Louis na ikinapikon ni Mang Pedro. Humarang naman ito sa daraanan niya, nagsalita si Mr. Natividad upang paalisin ito sa daan.

“Siya nga pala ang asawa ng anak kong si Elaine. Narito siya upang tulungan ang anak kong maglipat ng gamit sa magiging bahay nila,” nakangiting sambit nito na ikinanganga ni Mang Pedro.

“Ang suwerte naman ng anak mo. Laging puro guwapo ang dinadala rito sa apartment. Baka naman bigyan niya ako ng isang afam,” sagot ng matandang bakla na ikinatawa na lamang nila. 

“O siya, narito ka rin pala, iho. Baka gusto mong tayo na lang ang mag-date,” sambit ni Mang Pedro na nagpapa-cute pa kay Kaizer na nasa likuran ng mag-ama. Agad lamang itong tumakbo patungo sa loob ng apartment. Hinabol ito ni Mang Pedro. Sa totoo lang ay kasing-edad na ito ng ama ni Elaine, pero kung kumilos ang matanda ay mas maharot pa sa mga teenager.

“Tayo'y magtungo na rin sa loob,” wika ni Elaine. Nakita nila si Kaizer na may dalang walis tambo habang nilalapitan ito ni Mang Pedro nang dahan-dahan. Tumikhim si Mr. Natividad dahilan upang tumigil ang matandang bakla sa ginagawa nito.

“Ano ba naman 'yan. Kaunti na lang ay mahahalikan ko na ang guwapong binata na ito. Panira talaga kayo!” maktol nito na parang batang inagawan ng kendi. Wala dapat silang sayangin na oras dahil kailangan pa nilang magtungo sa private resort ngayong araw.

“P'wede bang bigyan mo muna kami ng privacy, Mang Pedro?” tanong ni Elaine na ikinairap ng matanda.

Binigyan lamang sila nito ng pilit na ngiti at nagsalita, “O s'ya, dadalhan ko na lang kayo ng meryenda,” wika nito. Bago ito umalis ay nag-flying kiss pa ito kay Kaizer na halos masuka sa ginawa ni Mang Pedro. Hindi niya akalain na pati siya ay balak nitong landiin na never niyang papatulan.

Nang makaalis ito ay nakahinga naman nang maluwag si Kaizer na ikinatawa ni Elaine. “Ayos ka lang ba?” tanong ng dalaga. Nakaisip naman ng kapilyuhan ang binata upang asarin si Louis.

“Siyempre naman. Kaharap ko kaya ang pinakamagandang dalaga sa buong mundo,” wika ni Kaizer at ginaya ang pagfa-flying kiss ni Mang Pedro. Biglang may lumipad na tsinelas galing kay Louis ang tumama sa mukha niya.

“Balak mo bang sirain ang napakagwapo kong mukha?” asik nito. Akmang susugurin na sana niya ang pinsan nang pigilan siya ni Elaine.

“Tama na nga 'yan. Kayong dalawa talaga, para kayong mga bata!” pangaral ng dalaga habang nakapamaywang pa. Nagmukha itong guro na nagsesermon sa kanyang dalawang makulit na estudyante dahil sa suot nitong salamin na ikinatigil ng dalawa.

“Okay, fine. Ako ang tutulong sa 'yo na mag-ayos ng mga gamit mo,” wika naman ni Kaizer.

Agad na sumabat si Louis sa usapan. “If there's someone who should help my wife, it's me. Not you, dickhead,” singhal naman ni Louis at mas lalong tumaas ang tensyon nang higitin ni Kaizer si Elaine. 

Napatikhim naman si Mr. Natividad na ikinatigil nilang dalawa. Agad itong humarap sa kanila at parehas na hinawakan ang mga braso nito papunta sa labas.

“Hindi ko kayo papapasukin hangga't hindi kayo nagkakasundong dalawa!” panenermon nito sa kanila. Natutuwa naman si Elaine sa nasaksihan nila. Parang no'ng una lang ay halos isumpa na niya si Louis dahil sa ugali nito. Ngayon ay parang naging maamo itong tupa sa harap ng kanyang ama.

“Elaine, baby, tulungan mo naman ako rito,” paglalambing ni Kaizer na agad ikinakunot ng noo ni Louis. Hindi niya alam, pero parang gusto niyang patayin ang pinsan dahil sa panghaharot nito sa mapapangasawa niya.

“Baby my ass. Don't you know how to fuck off? I will tell this to you once. Elaine is mine,” seryosong wika ni Louis. Hindi naman siya pinansin ni Kaizer at patuloy pa rin sa pagtawag nang gano'n sa dalaga.

Binunot niya ang baril na ikinagulat ni Mang Pedro na may dalang biscuit at coke. “Ay, ang laki,” sigaw nito na ikinatingin ng mga kapitbahay. Siguradong mabilis kakalat ang isyu kung makikita ng mga tsismosa nilang kapitbahay ang tungkol sa dalang baril ni Louis kung kaya't agad itong pinuntahan ni Elaine.

“Montemayor, put your pistol down. Kung may makakakita niyan, siguradong magsusumbong ito sa mga pulis,” wika ng dalaga. Umiral naman ang kapilyuhan ng binata. Mas lalo niyang itinaas ang baril niya. “Please, put it down!” pagmamakaawa ni Elaine.

Nagsalita si Louis, “I will put it down, if you can kiss me in front of Kaizer,” saad nito. Hiya ang namayani sa buong katawan ni Elaine.

Nagdadalawang isip ang dalaga kung gagawin niya ang bagay na 'yon. Seryoso namang nakatingin sa kanya si Kaizer na parang hinihintay kung gagawin ba nito ang sinasabi ni Louis. May tiwala siya kay Elaine, ngunit nagulat siya nang dahan-dahan itong tumingkayad at binigyan ng damping halik ang binata na ikinatalikod niya.

Gustong-gusto niya ang dalaga, pero mukhang may nagustuhan na itong iba na ikinakadurog ng puso niya. Ang akala niya ay may gusto sa kanya si Elaine, mukhang nagkakamali siya. One sided lang pala ang nararamdaman niya. 

Agad namang nagsalita si Mang Pedro at humarap din kay Kaizer. “Ikaw ba, baby boy, gusto mo rin ba ng halik ko?” pang-aasar nito kay Kaizer na agad ikinatakbo nito. Ibinigay naman ni Mang Pedro ang dala niyang meryenda kay Elaine at agad na hinabol ang binata.

Namayani ang awkwardness sa pagitan nina Louis at Elaine dahil sa ginawa nila. May lumapit sa kanilang isang babae. “Aba, nakahanap ng foreigner ang pulubing kagaya mo. Akala ko ay habang buhay ka nang maninirahan sa isang squatter area,” wika ni Karen. Balingkinitan ang dalaga at kasing-edad lamang ni Elaine. 

Matagal nang may galit ang dalaga kay Elaine dahil sa pagiging honor nito sa school. Hindi lang 'yon, naiinggit siya rito dahil lagi itong kasama ni Kaizer. Ayaw niyang nakikita na umaangat ang dalaga kung kaya't lagi niya itong binu-bully sa tuwing dumadaan ito sa lugar nila.

“Excuse me lang, Karen, pero mag-aayos pa kami ng gamit ng mapapangasawa ko,” sambit ni Elaine. Agad namang hinawakan ng dalaga si Louis sa braso nito na ikinatigil nito.

“Mas nababagay kang sumama sa akin. Papaligayahin kita kahit sa kama. Diyan lang ang bahay ko.” Turo nito sa isang hindi kalakihan na bahay malapit kina Elaine. Tiningnan lamang siya ni Louis at tinanggal ang pagkakahawak niya.

“I don't date sluts,” wika ni Louis habang inalalayan si Elaine papasok ng bahay nito. Hindi naman maitago ang ngiti ng dalaga dahil sa ginawa ng binata. Ito na yata ang pinakanakakakilig na ginawa sa kanya nito.

Hindi naman nagpatinag si Karen at agad sinabunutan si Elaine na ikinalaglag ng salamin nito. “Hindi mo deserve magkaroon ng poging asawa!” sigaw nito sa dalaga. Kinuha naman ni Louis ang kamay nito sa buhok ni Elaine at agad itong itinulak na ikinatama ng puwetan nito sa matigas na sahig.

“Bakit mo ako tinulak, ha? Kilalanin mo ang binabangga mo dahil ako lang naman ang anak ng mayor dito. Kaya't sa ayaw at gusto mo ay ako ang pakasalan mo, huwag 'yang impokritang babae na 'yan!” singhal ni Karen. Ang mga ugat niya sa sentido ay halos pumutok na dahil sa galit.

Napaiyak naman si Elaine dahil sa sakit ng pagkakasabunot nito. Lumabas naman ang ama niya nang marinig ang nangyari na ikinatigil nito. “Anong ginawa mo sa anak ko?” tanong ni Mr. Natividad nang makita ang buhok ng dalaga na buhaghag na dahil sa pagsabunot dito ni Karen.

“Then call your dad. As if I will get scared. Remember this, woman,” asik ni Louis habang dahan-dahang hinihila ang buhok ni Karen na ngayon ay nakaupo pa rin sa sahig.

“Ano ba, nasasaktan ako!” reklamo ng dalaga. Hindi maalis sa isipan ni Louis ang ginawa ng dalaga kay Elaine at halos gusto na niya itong saktan nang pigilan siya ng dalaga.

“Please, Montemayor, pakawalan mo na lang siya,” pagmamakaawa nito na ikinabuntonghininga niya. Sadyang napakabuti ng mapapangasawa niya. Ginawan na ito nang masama, ayaw pa rin gumanti.

“If you ever lay a hand on my wife again, I assure you that my bullet will go directly in your head. Mark my words,” wika niya at tinanggal ang pagkakahawak sa buhok nito. Agad naman siyang pinuntahan ng ama ni Elaine upang magpasalamat sa ginawa nitong pagpoprotekta sa anak niya.

“It's my duty as her husband,” sambit ni Louis. Binuhat niya naman si Elaine patungo sa kwarto nito upang gamutin ang naging sugat nito sa tuhod nang sabunutan siya ni Karen.

Medyo may kasikipan ang kwarto kumpara sa nasa mansion, pero sakto lang para sa dalawang tao. Ibinaba niya ang dalaga sa kama. Iniabot naman ni Mr. Natividad ang first aid kit kay Louis. Nagpasalamat niya rito.

“Are you okay, wife?” tanong niya sa dalaga. Tumango lamang ito habang dahan-dahang kinuha ang isang album na nasa ilalim ng kama niya.

“ Does that woman always do this to you?” dagdag niya pang tanong. Nanatiling tahimik na lamang si Elaine. Unti-unting pinahiran ni Louis ang sugat nito ng betadine. Nang malagyan niya ito ng band-aid ay tumabi siya sa dalaga upang tingnan ang ginagawa nito.

Larawan ito ni Elaine noong siya ay bata pa. Nagulat si Louis nang makita ang isang babae na pamilyar na pamilyar sa kanya. Dahil ang babaeng ito ay ang laging nasa panaginip niya.

Ang babaeng una niyang pinagkatiwalaan. Ang babaeng unang nagbigay sa kanya ng pagkabigo

Ang babaeng ito ay ang . . . .

Kaugnay na kabanata

  • The Mafia Boss Pretending Wife   XII - Intense

    Third Person's Point of View“Montemayor, ayos ka lang ba? Para kang nakakita ng multo,” wika ng dalaga na nakatingin sa mukha ni Louis na namumutla. Hindi niya alam kung bakit gano'n na lang ang reaksyon ng binata sa picture niya kasama ang kanyang ina na kalong-kalong siya sa mga bisig nito.“Kaano-ano mo ang babae na 'yan?” tanong ni Louis. Gulong-gulo ang isipan niya dahil sa nangyayari, ngunit bigla na lamang sumakit ang ulo niya. Bumabalik na naman ang alaala ng kanyang dating yaya sa kanya.***“Lou-lou, hindi ka dapat lumalabas ng ganitong oras. Siguradong mapapagalitan ka ng 'iyong ama,” pangaral sa kanya ng paborito niyang yaya na si Serena. Mabait ito at laging inuuna ang feelings niya. Sa totoo lang, ito lang ang unang tao na nakakita sa kanya na umiiyak lalo na sa tuwing pinapagalitan siya ng kanyang ama.“But I want to go to Uncle Liam's mansion. He will probably get mad at Sirius because of w

    Huling Na-update : 2021-06-15
  • The Mafia Boss Pretending Wife   XIII - Her Protector

    Elaine's Point of ViewTahimik lang si Louis habang nagmamaneho. Patungo na kami sa resort na sinasabi ni Tita Hacel.Hindi ko tuloy mapigilan mapaisip kung ano ang naging daloy ng usapan nila ni Itay. No'ng bumalik kasi siya sa loob ay tahimik lamang at hindi na masyadong kumibo. Nanginginig na rin ako sa lamig ng aircon dahil nakatutok ito sa akin. Si Louis ang nagda-drive ngayon habang nasa kabilang sasakyan naman sina Itay at si Kaizer.Noong una nga ay ayaw pumayag ni Kaizer, ngunit pinilit s'ya ni Itay na huwag silang sumabay sa amin.“Wear this,” sambit ni Louis at dahan-dahang binuksan ang compartment niya upang kunin ang isang denim jacket.Iniabot niya ito sa akin na agad ko namang tinanggap dahil kaunti na lang ay magiging yelo na ako sa lamig. Kahit ang mga binti ko ay hindi ko na maigalaw.“Salamat,” wika ko. Tumango lamang siya at tuluyan nang nagmaneho. Hindi ko alam kung nauna na sina Kaize

    Huling Na-update : 2021-06-15
  • The Mafia Boss Pretending Wife   XIV - Sacrifice

    Third Person's Point of View“Kita mo nga naman, huwag mong sabihin na may girlfriend ka na namang bago? Tss, ang bilis naman. Hindi pa namin napapatay si Mariella sa harap mo, pero huwag kang mag-alala, sisiguraduhin kong makikita mong mamatay ang bago mo!” sigaw nito habang ang boses niya ay dumagundong sa buong lugar. Mga limang tao na ang nakahandusay sa sahig dahil sa tama ng baril ng mga ito sa puso.Pumaikot ang grupo ng mga armado kay Louis. Nasa likod si Elaine na kanina pa nanginginig sa takot. Hawak niya pa rin ang pistol na ibinigay sa kanya ng binata, ngunit hindi niya alam kung paano gagamitin ito.Naranasan niya lang makahawak ng ganito noong magpunta sila nina Venice at Baklang Elena sa isang bagong bukas na firearm training na nagtuturo kung paano humawak ng baril, ngunit nagtungo lamang sila roon dahil sa poging instructor na crush na crush ni Elena. Halos matanggal nga ang kaluluwa nito sa tuwing lalapitan siya ni Xypen. Kaya

    Huling Na-update : 2021-06-15
  • The Mafia Boss Pretending Wife   XV - Surprise Gone Wrong I

    Third Person's Point of ViewNagising naman dahil sa liwanag si Elaine. Agad bumungad sa kanya ang puting kisame na agad niyang ikinabangon.“Anak, gising ka na pala. Mabuti naman, ang akala ko ay mawawala ka sa akin,” wika ng kanyang ama. Agad itong lumapit sa kanya upang yumakap. Nasa tabi nito si Kaizer na ngumiti sa kanya, mukhang alam na nito ang nangyari sa kanila ni Louis.“A...a-yos lang po ako. Nasaan po si Louis?” tanong niya, ngunit nagkatinginan lamang sina Kaizer at ang kanyang ama na parang walang gustong sumagot sa tanong niya.“A...A-ma?” pagtawag niya kay Mr. Natividad, ngunit ngumiti lang ito sa kanya at hinawakan siya sa kanyang ulo.“Anak, mas mabuti kung magpahinga ka muna. Ang bilin ng nurse ay huwag ka raw munang masyadong gumalaw lalo na at nakaka-trauma ang mga nangyari sa 'yo,” sagot sa kanya ni Mr. Natividad, ngunit hindi niya kayang magpahinga hangga't hindi siya nakasisigu

    Huling Na-update : 2021-06-15
  • The Mafia Boss Pretending Wife   XVI - Surprise Gone Wrong II

    Third Person's Point of ViewNakahinga nang maluwag sina Juliana at Alexa nang makapagtago sila sa isang malapit na bar. Mabuti na lamang ay may dala-dala silang student ID upang makapasok. Hindi masyadong mahigpit ang mga bouncer na naroon o sabihin na lang nila na s-in-educe ni Alexa ang mga ito kung kaya't pinapasok sila kaagad.Mabuti na lamang ay bihasa ang dalaga sa mga ganoong bagay. Hindi katulad ni Juliana na puro pag-aaral ang iniisip.“Akala ko, hindi na tayo makatatakas sa mga 'yon, pero may problema akong iniisip. Paano natin masosorpresa si Ate Elaine?” tanong ni Juliana. Umupo sila sa counter para um-order ng drinks. Masyado silang napagod katatakbo kung kaya't nais nilang mag-refresh saglit.“But how can we surprise Elaine if we can't enter the hospital of our Tito Alexander, argh. They are so panira kasi,” sambit ni Alexa. Kaagad naman niyang tinuro sa bartender ang margarita cocktail na paborito niyang inumin tuwi

    Huling Na-update : 2021-06-15
  • The Mafia Boss Pretending Wife   XVII - Surprise Gone Wrong III

    Third Person's Point of ViewDahan-dahan silang lumabas sa bar upang masiguro na walang naghihintay sa kanila na paparazzi sa labas. Bago umalis kanina ay hindi mapigilang bulungan ni Juliana si Noah na nagse-serve sa ibang mga customer.“Good luck in your work, handsome. I will text you later,” bulong niya at hinalikan sa pisngi ang binata nang makitang walang tao na nakatingin sa kanila.Kaagad naman siyang kinindatan nito at tuluyan nang bumalik si Alexa na nasa restroom. Inaya na siya nito na ituloy na ang surpresa para kay Elaine. Pinalipas lang nila ang oras upang masiguro nila na wala nang nakasunod sa kanila na mga reporter, masyado kasi itong makukulit at hindi sila makapapasok sa loob ng hospital dahil sa dami ng mga ito.“Nakita ko 'yon, haliparot ka. If you don't kuwento mamaya, isusumbong kita kay Kuya Kaizer,” bulong ni Alexa habang papasok sila sa hospital. Napakalinaw talaga ng mga mata nito sa mga ganitong bagay. K

    Huling Na-update : 2021-06-15
  • The Mafia Boss Pretending Wife   XVIII - Love Making

    R-18: Mature Content ahead.Third Person's Point of ViewNang makita ni Elaine na lumabas na si Mariella sa silid ay kaagad siyang naglakad papunta rito, ngunit napahinto siya nang makitang umiiyak ito.“A...a-yos ka lang ba?” tanong niya rito, ngunit tiningnan lamang siya nito bago tuluyang umalis.Mukhang hindi siya nito gustong makausap, ngunit ayaw na ayaw niyang nakakakita ng babaeng umiiyak dahil para sa kanya, dapat itinuturing ang isang babae na parang prinsesa, ngunit sa kasong ito ay mukhang wala siyang magagawa dahil ayaw siyang pansinin ni Mariella.“Wife,” tawag ng binata mula sa likuran niya kung kaya't agad siyang napalingon upang tingnan ito.“Are you okay?” tanong nito sa kanya at wala siyang nagawa kundi tumango na lamang. Wala naman siya sa posisyon upang tanungin kung anong napag-usapan nila ni Mariella at isa pa, privacy ito ng binata.Nang makapasok siya sa silid ay kaaga

    Huling Na-update : 2021-06-15
  • The Mafia Boss Pretending Wife   XIX - Label

    Third Person's Point of View“Susunod na lang kami, Kai,” sambit ni Elaine. Yumakap sa kanya pabalik si Louis na parang ayaw nitong umalis sa posisyon nila ng dalaga.“Okay, sure, but make it quick,” sagot ni Kaizer na kaagad ikinabuntonghininga ni Elaine dahil masakit pa rin ang mga hita niya.“Hey, let's have a shower before going to the restaurant,” wika ni Louis. Tumaas ang kaliwang kilay niya dahil hindi nga siya makatayo dahil sa nangyari sa kanila.“Wife, are you okay?” tanong ng binata dahil hindi ito sumunod nang tumayo siya. Kaagad naman siyang inirapan ni Elaine na ikinagulat niya.“Mukha ba akong makatatayo sa posisyon na ito?” sarcastic na tanong ng dalaga. Napatingin naman si Louis sa kanya dahil sa pagtataka kaya wala siyang nagawa kundi sabihin ang dahilan dito. “Masakit ang mga hita ko dahil sa laki ng alaga mo!” reklamo nito sa kanya at tinakpan pa ang m

    Huling Na-update : 2021-06-15

Pinakabagong kabanata

  • The Mafia Boss Pretending Wife   L - Going Insane

    Elaine’s Point of ViewNaalimpungatan ako nang bigla akong makarinig ng isang malakas na tunog ng ringtone na nagmumula sa cellphone ni Louis.“Answer your call,” usal ko habang nakita ko naman si Louis na pinatay ang tawag at binalik ang pagtitig sa akin.“I’m sorry for waking you up,” wika ni Louis habang kinuskos ko ang dalawang mata ko upang mas lalong makita ang mukha nya dahil medyo madilim sa silid.“Ayos lang, naalimpungatan lang ako. But why are you still awake?” tanong ko sa kaniya at akmang babangon para sana kumuha ng maiinom sa kusina.Aray.Kaagad akong napapikit nang mariin nang maramdaman ko ang kirot sa bandang ibaba ko. Ganito rin ang nangyari sa akin nang unang pagtatalik namin. Parang binibiyak ang katawan ko sa dalawa.Nang mapansin ni

  • The Mafia Boss Pretending Wife   XLIX - Honeymoon

    Elaine’s Point of ViewNang makabalik ako sa loob ng venue ay kaagad lumapit sa akin si Venice. “Mabuti naman at narito ka na, baks. Hinihintay ka ng lahat sa balcony para masimulan nang ibigay sa inyo ni Louis ang regalo nila Tita Hacel,” aniya habang hindi ko naman mapigilang mapalunok dahil sa kaba.Ano na naman ba ang pakulo ng pamilyang Montemayor?Kaagad naman akong nagpilit ng ngiti nang makita kong nakatingin pa rin sa akin si Venice. Wala s’yang kaalam-alam kung ano ang meron sa pagitan namin ni Louis. Hays, hindi ko s’ya masisisi dahil sigurado akong itatago sa kanya ni Volstrige ang bagay na yun.“Pasensya na, mukhang na-late na naman ako. Gumamit kasi ako ng restroom saglit,” usal ko at akmang ihahakbang na ang mga paa ko nang biglang hawakan ni Venice ang braso ko, dahilan upang mapatigil ako.“Sandali lang naman, baks. Talagang inabangan kita rito dahil may balak akong ibigay sa’yo

  • The Mafia Boss Pretending Wife   XLVIII - Her Agony

    Elaine's Point of ViewNang magising ako ay kaagad kong tiningnan ang paligid, ito pa 'rin ang silid kung saan ako dinala ni Ashton.Ibig sabihin ay totoo ang nangyari kanina, akala ko ay isa lamang bangungot.Napasapo naman ako sa noo ko ng maalala ko ang sinabi sa akin ni Ashton tungkol sa relasyon namin ni Louis.Wala akong kaide-ideya na may gano'n pa lang kasunduan na nagaganap sa pagitan namin.Ang akala ko ay ang kasal namin ay kabayaran sa utang ng aming pamilya sa mga Montemayor, ngunit, mukhang nagkakamali ako.Hays, ano pa nga ba ang inaasahan ko?Ito ang kabayaran sa pagtitiwala ko ng sobra, kung alam ko lang ay hindi ko na sana binuksan ang puso ko sa isang tao na balak lang na gamitin ako laban sa ibang organisasyon.Hindi ko alam pero wala akong balak gumalaw mula sa kinauupuan ko parang bumigat ang buong ka

  • The Mafia Boss Pretending Wife   XLVII - The Heartbreaking Truth

    Warning: Prepare your tissue before reading this chapter.Elaine's Point of ViewDahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko, kaagad naman bumungad sa akin ang isang malaking chandelier na kumikinang.Nang sinubukan kong umupo ay bigla akong napahawak sa ulo ko dahil naramdaman ko ang pagkirot nito."It looks like you're awake," wika ng isang maskuladong boses na kaagad kong ikinalingon sa kaliwa ko.Kaagad akong napanganga nung makita ko si Ashton na walang suot na pang-itaas habang prenteng prente na nakaupo at nakapa-krus ang kanyang hita at braso."Bakit ka narito? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko ngunit, ngumiti lang s'ya sa akin at dahan-dahang tiningnan ang bandang dibdib ko."I think you should dress up before talking to me. How about that?" nakangising tanong nya at tumayo upang pumunta sa closet.

  • The Mafia Boss Pretending Wife   XLVI - Crambled Things

    Elaine's Point of View“Excuse me,” usal ko sa mga guest na nakaharang sa dinadaanan ko.“Watch out, miss,” singhap ng waiter nung aksidente ko itong matunggo.“Fuck. The clumsiness of yours ruined the dress of my fiancée. Look what you've done,” asik ng isang lalaki na nakasuot ng tuxedo. Sa tindig pa lang niya ay masasabi kong isa ito sa mga business partner ng kompanya nina Louis at um-attend sa kasal namin upang magpalakas sa ibang mga negosyante na narito.“I'm sorry about that, but I really need to go,” sagot ko. Akmang maglalakad na sana ako nang biglang hilahin ng babaeng kasama niya ang kanang braso ko.“How rude of you! Nakaperwisyo ka na ngang babae ka, ikaw pa ang may ganang talikuran kami? Hindi mo ba alam kung sino kami, ha?” singhal ng babae. Naagaw niya ang atensyon ng ibang mga guest na mal

  • The Mafia Boss Pretending Wife   XLV - The Strange Man

    Elaine's Point of View “Ayos ka lang ba, baks?” tanong ni Baklang Elena nung idilat ko ang mga mata ko. Bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha kung kaya't binigyan ko s'ya ng isang pekeng ngiti. “Oo. Medyo nainitan lang siguro ako sa suot kong gown,” sambit ko. May halong katotohanan naman ang sinagot ko dahil medyo mainit nga sa katawan ang aking suot na gown dahil kanina pa lang sa simbahan ay pinagpapawisan na ang kilikili ko. “Jusmiyo ka, baks! Kinabahan naman ako sa'yo. Kapag may nangyaring masama, ako ang mate-tegi sa asawa mo,” wika ni Baklang Elena habang inaalalayan ako patayo. “Ano ba 'yang nasa likuran mo? Bakit tinatago mo?” dugtong na tanong niya na ikinalunok ko dahil sa kaba. Akmang kukuhanin niya na sana ang regalo ng bigla akong makaisip ng dahilan. “R-regalo ni Sandra para sa honeymoon namin ni Louis,” sigaw ko na ikinatigil niya. Sumilay ang ngisi sa labi ni Baklang Elena dahil sa iwinika

  • The Mafia Boss Pretending Wife   XLIV - Mysterious Gift

    Elaine's Point of View Nang mayari ang naganap na kasalan ay sari-saring pagbati ang natanggap namin ni Louis. “Congratulations sa inyo,” usal ni Sandra at iniabot niya sa aming dalawa ang isang nakabalot na regalo. “Ikaw talaga, hindi ka makapaghintay na makapunta tayo sa venue bago mo iabot ang regalo,” singit ni Lexy. “I know that my gift would be useful in their honeymoon. So I'm very excited to give it and besides, baka makalimutan pa nilang dalhin kung mamaya ko pa ibibigay,” sagot ni Sandra na agad kong ikinanganga. “Look at Elaine's face, mukhang nagulat siya sa sinabi mo,” wika ni Lexy at umirap pa kay Sandra upang lapitan ako.

  • The Mafia Boss Pretending Wife   XLIII - Official Wedding Day

    Elaine's Point of ViewTaimtim kong tiningnan ang sarili ko sa isang malaking bilog na salamin na nasa loob ng silid.Masasabi kong napakaganda talaga ng pagkakalikha sa puting mermaid gown na suot ko ngayon.“Oh, ’di ba. Bagay na bagay sa 'yo ang gown na napili mo,” usal ni Mrs. Rea habang dahan-dahang lumapit sa akin upang ayusin ang buhok ko.“Sadyang napaka-perfect lang po ng pagkakagawa mo,” sambit ko at ngumiti nang kaunti. Medyo kinakabahan kasi ako sa mangyayari mamaya.Magugustuhan kaya ni Louis ang gown na suot ko?Napailing na lang ako sa naisip ko.Masyado na naman akong umaasa porket nagbago ang pakikitungo niya sa akin nitong nagdaang araw.“Naku, iha, maganda kasi ang magsusuot kaya bumagay ang gown at isa pa, ilaylay mo na lang ang buhok mo rito sa kanang balikat para ma-emphasize ang earrings mo,” dugtong ni Mrs. Rea na ikinatango ko.“Maupo ka na rito, Mrs

  • The Mafia Boss Pretending Wife   XLII - The Traitor

    Elaine's Point of ViewMaaga akong nagising dahil ngayong araw gaganapin ang competition na ihe-held sa St. Montesseri Gym.Kasalukuyan akong kumakain ng umagahan na niluto ni Blaire habang kasabay ko si Louis na abala sa pagbabasa ng diyaryo. Wala ni isa sa aming dalawa ang nais basagin ang katahimikan. Sabagay, ginagawa lang naman namin ang pagpapanggap na ito dahil malapit na ang kasal namin kung kaya't kailangang makumbinsi namin ang mga tao na masaya kami sa isa't isa.Ngunit nanlaki ang mga mata ko nang biglang tumunog ang cellphone ko na ikinabaling ng tingin sa akin ni Louis.Noah is calling…Hindi ko alam kung dapat ko bang sagutin ang tawag dahil alam ko namang magagalit siya sa oras na marinig niyang kausap ko si Noah, pero baka importante ito kaya wala akong nagawa kundi pindutin na lamang ang accept.“Hello, Noah?” panimulang tanong ko habang kinakain ang meatball na nasa plato ko. Napakasarap talagang magluto

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status