Elaine's Point of View
“Aba'y lumayas-layas na kayo sa apartment ko! Mga walang silbi! Pabigat! Magbayad kayo ng renta, hindi ’yong puro kayo bukas!” asik ni Mang Pedro na halos makita na ang ugat sa leeg sa sobrang gigil sa amin ni Ama. Ang totoo niyan ay wala kaming sapat na pera para ipambayad sa renta dahil nagtatrabaho lang ang Ama bilang tricycle driver dahil natanggal siya sa trabaho niya noon. Kuwento nga niya ay maginhawa ang buhay namin noong nagtatrabaho pa siya sa mga Montemayor, kaya lang, sa kasawiang palad, napalitan sila ng ibang mga trabahador na galing sa Pransya na ikinalugmok ni Ama kung kaya’t nabaon siya sa utang. Hindi ko na naabutan ang aking ina, tanging ang kaniyang litrato na lang na nakasabit sa aming dingding ang nakita ko. Ang sabi ni Ama ay may iniwan na kwintas sa akin ang ina na talagang itinabi ko para pahalagahan. “Mang Pedro, bigyan n’yo pa po kami ng isa pang pagkakataon, pakiusap po,” wika ko na halos lumuhod na upang mapakiusapan lamang siya na huwag muna kaming palayasin dahil wala pa akong nahahanap na part-time job. Hindi rin sapat ang kinikita ni Ama para sa aming dalawa, mabuti na lang at may scholarship ako sa paaralan namin. Kapalit nga lang nito ay mas kailangan kong mag-aral nang mabuti at mag-take ng extra curriculum. In the end, halos magmukha na akong nerd dahil sa pagtutok lagi sa pag-aaral dahil para sa akin ay isa itong instrumento para makaahon kami sa kahirapan. Education ang kursong kinuha ko dahil bukod sa mahilig akong magturo ng mga kaalaman ko ay gusto ko ring nakikita ang ngiti sa labi ng mga bata. Gusto ko rin kasi na ako ang magtuturo sa magiging anak ko. “Jusmiyo naman, neneng. Ilang buwan ko na kayong pinagbibigyan, ganiyan pa rin ang sasabihin mo? Aba e wala na nga akong kinikita sa inyo, may binubuhay rin akong pamilya, kaya layas!” mataray na wika nito. Binuksan nito ang pamaypay para paypayan ang sarili. “Hayan na nga, may ombre! Sige na, lumayas na kayo! Mukhang may bago nang uupa sa tinutuluyan ninyo!” dagdag niya at dali-daling lumapit sa lalaki na patungo sa direksiyon namin. Ano pa ba ang magagawa ko? Mukhang wala na talagang balak si Mang Pedro na pagbigyan pa kami. Ito na ang pang-apat na lipat namin, sana naman ay may tumanggap pa sa amin. “Sandali, Elaine!” sigaw ng lalaki na lumapit kay Mang Pedro. Shocks, si Kaizer pala ito, ang crush ko. “Ah, ikaw pala, Kaizer. Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong ko habang bitbit ang isang maleta na itinapon ni Mang Pedro sa amin ni Ama na nasa harap ko. “Mano po, Tito!” sambit ni Kaizer nang makita si Ama na masama ang tingin sa kaniya na ikinatawa ko. Si Ama talaga, oo, kahit kailan ay ayaw niya akong makita si Kaizer. “Bakit nasa labas ang mga gamit ninyo?” tanong ni Kaizer. Akmang sasagot na sana ako nang lumapit si Mang Pedro at kumapit sa braso ni Kaizer na parang linta. “Pinaalis ko na para makarenta ka, pogi. Ano, kukunin mo ba?” tanong nito at kinuha ang lollipop sa bulsa niya at sinimulan itong kainin na ikinangiwi ko. Luh, ano iyon? “Hindi ho ako rerenta. Pabalikin mo na lang po sila sa apartment,” usal ni Kaizer habang tinatanggal ang kamay ni Mang Pedro na parang nandidiri siya rito kaya ko mapigilang matawa. “Ano’ng nakakatawa? At saka walang mga pera ang mga ’yan kaya free to go na sila!” sigaw ni Mang Pedro habang idinidireksiyon palabas ang pamaypay niya. Ilang oras na lang ay may klase pa ako, kailangang maayos ko ito sa mabilis na paraan. “What did you say? She’s my girlfriend kaya kung gusto mong mapanatili ang negosyo mo, pabalikin mo sila at huwag kang mag-alala sa bayarin, ako na ang magbabayad sa ’yo,” sabi ni Kaizer na ikinagulat ko.Ano raw? Girlfriend niya ako?
Hindi ko naman mapigilang mapangiti sa sinabi niya, pero bigla akong siniko ni Ama na kanina pa masama ang tingin sa akin. “Anak, umayos ka nga. Kaibigan na babae lang ang ibig sabihin ni Kaizer, halos mapunit na ang labi mo,” sambit ni Ama na ikinanganga ko. Okay, self, huwag assuming. “Aba, huwag mo akong tinatakot, hijo. ’Di hamak na mas mayaman ang mga kaibigan ko at hindi mo makukuha ang apartment na ito. Pogi ka sana kaya lang masyado kang arogante! Sayang ang discount mo!" sigaw ni Mang Pedro.May hinugot naman si Kaizer sa bulsa niya. Isang sobre iyon na may makapal na mga isang libo, may nakasulat na ₱100,000 sa papel na ikinagulat ko.
“Kaizer, hindi mo na kailangang gawin ’yan!” bulalas ko, subalit ngumiti lang siya sa akin at nagsalitang muli, “Now, if you will excuse us. Hahanap na lang kami ng mas magandang apartment para sa girlfriend ko.” Akmang aalis na sana kami nang pigilan kami ni Mang Pedro. “Sandali. Ibibigay ko sa kanila ang pinakamalaking silid rito,” aniya habang dahan-dahan kaming pinapasok muli sa gate ng apartment. Magrereklamo pa sana ako na dito na lang ulit sa dati nang biglang sumigaw si Mang Pedro. “Bonjing, Patrick, buhatin n’yo nga itong dalawang maleta na ito!” sigaw ni Mang Pedro at lumabas naman sa tinutuluyan nila ang dalawang lalaki na humihikab pa habang nakatingin lang sa amin. Pinukpok sila ni Mang Pedro ng pamaypay sa ulo at dali-daling pinabuhat ang mga maleta na hawak namin ni Ama. Lumapit naman sa amin si Kaizer at bumulong kay ama, “Ano, Tito? Nadagdagan ba ang pogi points ko?” Napairap na lang si Ama at hindi pinansin si Kaizer. Talagang ayaw yata sa kaniya. “Kaizer, salamat nga pala, ha. Hahanap din ako ng trabaho para mabayaran ka,” wika ko habang nakayuko dahil sa hiya. Nauna nang pumasok sa loob si Ama habang naiwan kami ni Kaizer sa labas.“Ano ka ba, tinulungan lang kita dahil boyfriend mo ako kaya dapat ako lang. Kapag may iba, ten times interest ’yan. Dadagdagan ko pa ang interest kaya dapat ako lang ang maging boyfriend mo, maliwanag ba?” usal ni Kaizer na ikinapagtaka ko.
“Ikaw lang naman talaga ang boy friend ko, a? Saka si Elena, pero gay ’yon, e,” sagot ko. Nakita ko naman ang pagtapik ni Kaizer sa kaniyang noo.
“Yeah, Ely. I know,” malumanay na wika ni Kaizer.
Nang tingnan ko sa aking relo kung anong oras na ay kaagad akong nagpaalam kay Ama na papasok na ako sa school. “Hatid na kita,” aya ni Kaizer. Tututol pa lang sana ako nang hilahin niya na ako patungo sa kaniyang sasakyan. “Kaizer, pasensiya ka na talaga. Sobra-sobra na ang nagawa mo sa ’kin kanina, naistorbo pa kita,” wika ko nang makapasok kami sa loob ng sasakyan niya. Nagkakilala kami ni Kaizer sa isang bar. First time kong pumunta sa ganong lugar dahil inilibre lang kami ni noon ni Venice. Nagulat na lang ako nang may biglang humila sa akin at hinalikan ako sa labi kung kaya’t nasampal ko siya nang malakas habang ang isinagot lang sa akin ni Kaizer ay “Ayaw mo ba?” na ikinabaliw ng sistema ko sa inis. Noong tumagal ay naging close kami, humingi siya ng tawad sa nangyari. Dare lang daw iyon ng mga kaibigan niya. “Ano ka ba. That’s fine, lalo na kapag ikaw,” wika ni Kaizer nang isuot niya sa akin ang seatbelt. Hindi ko naman mapigilang mapatingin sa mukha niya dahil sobrang lapit namin sa isa’t isa nang bigla siyang tumingin sa akin at kumindat. Halos mabingi ako sa pintig ng puso ko. Crush lang, okay? Hindi na puwedeng tumaas pa roon. Nagsimula na siyang magmaneho pero panay ang tingin niya sa gawi ko. “Kapag nabangga tayo, hindi ka na makalilingon,” usal ko na ikinatawa niya. “Chill, miss. Ang ganda mo kasi kaya hindi ko mapigilang tumingin,” sagot ni Kaizer na ikinapula ko kaya tumingin na lang ako sa bintana. Nang makarating kami sa paaralan ay naunang bumaba si Kaizer para pagbuksan ako ng pinto ng sasakyan. “Sige, bye. Thanks talaga, Kaizer!” wika ko, pero bago ako tuluyang makalayo ay nag-flying kiss pa siya. Napaka-flirt talaga ng lalaking ito. Pagkapasok ko pa lang sa room namin ay nakaupo na sina Venice habang nag-aabang sa akin. “O, ayan na pala si Rapunzel,” wika ni Elena na hinawakan ang buhok ko at sinuklay-suklay pa. “Ano na, ante? Magkuwento ka na, nakita namin kayo ni Baklang Elena sa labas n’ong mag-flying kiss siya sa ’yo. Uy, kinilig ka, aminin!” sambit ni Venice habang sinundot-sundot pa ang tagiliran ko. Kaagad naman akong napabuntonghininga dahil wala naman akong choice kung hindi magkuwento. “Nakisabay lang ako kasi si Mang Pedro, alam mo naman ang matandang ’yon, pinalayas na naman kami sa apartment,” pagsisimula ko habang inilalagay ang bag ko sa upuan. Para naman silang tanga na nakasunod sa akin. Pagkatapos niyon ay naupo sila sa katabing upuan. “Ayon, parang knight in shining armor si Kaizer n’ong iligtas niya kami mula sa malupit na si Mang Pedro. Tapos sabi niya girlfriend raw niya ako,” wika ko. Napatakip ako ng mukha habang nagpapadyak at tili naman silang dalawa. Nakaagaw atensiyon tuloy kami sa mga kaklase namin na abala sa ginagawa nila. “Tumahimik nga kayo,” awat ko na ikinahalakhak ng dalawa. “Tanga ka, beks. I-push mo na ’yang sa inyo ni Fafa Kaizer, hulog na hulog na sa ’yo, e,” sambit ni Venice habang itinutulak-tulak pa ako. Hobby talaga niya ang manakit kapag kinikilig. “Hindi, a. Mabait lang talaga ’yon, saka kaibigang babae kaya ang ibig sabihin ng girlfriend,” wika ko. Ayaw kong mag-assume kaagad dahil baka masaktan lang ako sa huli. “Ayan, sige. Gawin nating tanga ang self, ha!” sambit ni Elena. Sabay-sabay kaming tatlo na umuwi dahil iisa lang naman daw ang daraanan. Pilit silang nag-aaya na mag-overnight sa amin dahil malaki naman na raw ang apartment na libre ng boyfriend ko. Aalma pa sana ako, pero sasabihin daw nila na gusto ko si Kaizer kapag hindi ako pumayag kaya wala akong nagawa kundi ang pumayag na lang. “Kumuha muna kayo ng damit bago dumiretso sa amin,” sambit ko na ikinatango nilang dalawa. Ang totoo ay balak ko munang mahpunta sa restaurant na sinabi sa akin ni Janna. Papalitan ko muna siya dahil hindi siya makapapasok. Malaking tulong na rin ang kita para mabawasan ang hiram namin kay Kaizer. “O siya, sige na mga baks, mauuna na ako,” paalam ko, pero bago kami makaalis ay itinuro ni Venice ang isang Land Cruiser. “Tingnan mo ’yong labas ng sasakyan, may guwapong nakatayo, pero mukhang natatae,” usal ni Venice na ikinatawa naming tatlo. Tama sila, mukhang nasiraan ang sasakyan. “Ang guwapo, siguro siya ang driver. May tao siguro sa loob, tara kumaway tayo,” pilyong sambit ni Venice habang nagtatawanan pa kaming tatlo at kumaway. Nag-oppa heart pa ako kahit hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko. Natigil kami nang pumasok ang lalaki sa sasakyan kung kaya’t naisipan naming maghiwalay na ng mga landas. “O, alam mo naman na siguro ang gawain ng mga waitress? Kunin mo ang order at ibigay sa amin, okay?” sambit ng isa sa chef na ikinatango-tango ko. Narinig ko pa silang nagtatawanan bago ako umalis. “Napakamanang, ’di ba?” bulungan nila na ikinangiti ko na lamang habang palabas ng cooking area. Sanay na ako sa mga ganoon, madalas ay tinatawag nila akong mukhang lola dahil sa pananamit at ayos ko, pero mabuti na lang at hindi ako sinasabihan nina Venice, Elena, at Kaizer ng ganoon kahit totoo naman. Hindi ko na dapat itaas ang expectation ko na magugustuhan ako ni Kaizer lalo na at pagdating sa physical appearance, talo na kaagad ako sa mga babae na laging nakapaligid sa kaniya. “Waiter!” sigaw ng isang babae na nakasuot ng red bodycon dress na hapit sa katawan niya. Dali-dali akong pumunta roon at pinahid ang luha sa mata ko. Kailangan kong mas mag-focus sa trabaho at hindi sa ibang bagay. “Ano po ang order nila, ma’am?” tanong ko.Maarte nitong inilipat ang pahina upang pumili ng pagkain.
“Steak. How about you, baby?” tanong nito sa lalaking kasama na nakatingin sa akin. May dumi ba sa mukha ko? Grabe naman ang itsura ng lalaking ito, napakaguwapo, parang isa sa mga Greek god. Asul ang mga mata niya na parang mahihipnotismo ang sinumang titingin. “Baby?” ulit ng babae habang naghihintay kami parehas ng isasagot ng lalaki. Ngunit nagulat kami parehas nang isinagot nito ang wala sa menu. “You. I want to order you,” sambit niya na ikinanganga ko. Ano raw? Ano ba itong nangyayari, ni hindi ko nga siya kilala!“Ha? A-Ano po?” nauutal kong tanong. I was confused. Magkatitigan pa rin kami at ang masasabi ko lang talaga ay sobrang guwapo niya. Model ba siya? Siguro, kung ang ibang waitress ay nanghina na ang mga tuhod sa sinabi niya. Ako na ang unang nag-iwas ng tingin. Dumapo naman ang tingin ko sa babaeng kasama niya na masama ang tingin sa akin. May nagawa ba akong masama sa kaniya? E itong kasama niya kung ano-ano ang sinasabi. “Baby, ano ba’ng sinasabi mo? Ako na ang pipili ng pagkain if you want,” tanong ng babae habang hinahawakan ang kamay nito na nasa table. Girlfriend niya nga siguro talaga ito, akala ko ay nanay niya. Desisyon, e. Charot. “Puwede ko na po bang malaman ang order nila? Baka po kasi matagalan kasi lulutuin pa ’yon,” wika ko. Bigla namang napatingin sa akin ang babae. May LQ na yata sila. “Leave,” maawtoridad na wika ng binata habang itinuturo ang pintuan ng restaurant. Pinalalayas niya ba ako?“Hindi mo ba naririnig? Lumayas ka raw!” sigaw ng babae na hinawakan
Nagising ako dahil sa ingay na nagmumula sa labas. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko upang tingnan kung ano iyon at may nakita akong hindi pamilyar na babae habang nag-uusap sila ng lalaki.“Why do you want me to add you to my collection?” maangas na tanong nito habang nanggagalaiti naman sa galit ang babae na gumagamot sa kaniya.“Excuse me, womanizer, huwag mo akong igaya sa pinsan ko na nagkagusto sa ’yo. Iniisip ko nga hanggang ngayon ano nagustuhan niya sa ’yo, e,” wika ng babae na ikinapagtaka ko.Sino kaya ang tinutukoy nila?Kailangan ko nang lumabas, pero nakakahiya kung aabalahin ko ang pag-uusap nila.“Don’t ever discuss that woman in front of me,” sambit ng lalaki na kaagad tumayo at kinuha sa bulsa ang pakete ng sigarilyo.“Bitter ka pa rin ba, Louis? Huwag mong sabihin sa akin na fling mo lang ang babae na ’yan. From what I heard from your mother, she will be your wife for some reason. I pity her! Makikisama siya sa isang lalaki na hindi pa yata nakaka-move on sa
Hinintay kong bumalik si Louis sa dining room, pero tatlumpung minuto na ang nakalipas kaya mas pinili ko na lang na hindi kumain. Nawalan na rin kasi ako ng gana.Nang madaanan ko ang bookshelf ay nakita ko na nasa bandang ibaba na ang librong gusto ko kanina kaya kinuha ko iyon at umakyat sa silid kung saan ako nagpapahinga kanina.Wala naman sigurong masama kung mahihiga muna ako rito. Marami naman silang kuwarto.“Nerd.”Napabangon ako sa kama nang marinig ko ang lalaki kanina na lumapit kay Louis. “Ano’ng ginagawa mo rito? Nasa’n si Louis? At sino ka ba?” tanong ko at dali-daling kinuha ang unan para ipandepensa sa binata kung sakali mang may balak siyang masama.He chuckled. “Chill. Pinasasabi lang naman ni Louis na huwag mo na siyang hintayin dahil may gagawin pa sila ni Mariella, sobra kasi niyang na-miss ang ex niya. Alam mo ’yon?” Parang kinurot ang puso ko sa sinabi niya, pero ni-remind ko ang sarili ko na our marriage was just for my father’s debt.“I’ll go ahead,” paalam
Third Person's Point of ViewNang makarating si Louis sa basement ay kaagad niyang sinamaan ng tingin si Volstrige dahil sa panggagambala nito sa kanila ni Elaine.“You should know the consequence of what you did,” singhal ng binata habang dahan-dahang inilalabas ang isa sa paborito niyang pistol na Beretta 92 na mula pa sa Italy. Ibinigay ito ni Jacob sa kaniya noong umuwi ito sa Pilipinas upang i-celebrate ang bago nitong negosyo tungkol sa mga alak.Kaagad na nagtago sa likod ni Alex si Volstrige, ngunit agad naman siyang hinatak palabas ni Brennon. “Boss, pakibaril na po ang womanizer na ito. Muntik na rin po akong mapahamak dahil sa kaniya n’on, e,” natatawang sumbong ni Brennon. Hindi naman maipinta ang mukha ni Volstrige.“Gago ka ba, wala naman akong ginagawang masama sa ’yo, a!” asik ni Volstrige. Nagsimulang mag-away ang dalawa na ikinakunot ng noo ni Louis.“Stop wasting my fucking time. I have things to do, lead the way,” maawtoridad na wika ni Louis. Yumuko naman ang dalaw
“Wife, bakit ang tagal mo namang pumasok? Does Louis have another fling again?” tanong ng isang lalaki na kamukhang-kamukha ni Louis, ang kaibahan lang ay mababakas dito ang katandaan kahit na ang itsura nito ay parang teenager lamang.Napahinto sa pagla-lock ng sasakyan ang lalaki nang makita si Elaine. Kilala niya ito sa mukha dahil siya ang nag utos kay Louis na pakasalan ang dalaga.“Who are you, miss, and why are you in my son’s mansion? Explain yourself,” masungit na wika ng babae habang nakataas ang mga kilay. Nakatingin ito kay Elaine na hindi alam ang isasagot dahil wala namang sinabi ang binata na darating din ang mga magulang nito.“A-Ako po? Uh . . . uhm,” nauutal na sagot ni Elaine. Pinigilan lamang ng ama ni Louis ang ina nito sa paghawak sa buhok ng dalaga dahil siya ay sinabunutan na nito palabas.“Wife, she’s the woman that I’m saying to Louis. For Pete’s sake, it’s embarrassing to hold your son’s bride like that,” wika nito na ikinanganga ng ina ni Louis. Agad namang
Hindi mapakali ang butler ni Sirius habang papunta sila sa kulungan. Sa totoo lang, sa anim na taon niyang serbisyo sa ginoo ay ngayon lang nangyari ang ganito sa kaniyang amo. Magagalit ito sa kaniya pagdating nila at kasama niya ang dalawang pinsan nito. Ang pinakaayaw kasi nito ay humingi ng tulong sa kahit na kanino lalo na sa mga taong kilala niya.Ayaw nitong mahusgahan. Noong one time nga ay halos patayin na siya ng binata dahil sa pagsusumbong niya sa magulang nito na pinakaayaw ng binata. Nais nitong mabuhay nang walang hinihinging tulong sa iba, ngunit wala nang magagawa si Sirius dahil masyadong malala ang problema nito na ikawawala ng kompanyang iniingatan niya.“Can you tell us what really happened?” tanong ni Kaizer habang abala si Louis sa pagtingin sa cellphone niya. Kanina pa kasi tawag nang tawag ang ina niya na umuwi na siya sapagka’t nasa mansion na silang lahat upang pag-usapan ang kasal. Gustuhin niya mang umuwi agad ay hindi maaari dahil mas kailangan siya ngayon
Mabilis na pinaharurot ni Louis ang sasakyan. Sa totoo lang ay nag-aalala siya sa dalaga lalo na at ang ina niya ang nagsabi na may nangyaring masama rito.“Damn,” mura niya habang hinahampas ang manibela dahil sa traffic. Kung kailan naman siya nagmamadali saka pa nagkaroon ng traffic sa area na ito.“Can you calm down? As if you can stop the traffic with that, idiot,” wika sa kaniya ni Kaizer, ngunit sa totoo lang ay kanina pa nanginginig ang kamay niya sa takot na may nangyari talaga kay Elaine. Matagal na siyang may gusto sa dalaga, ngunit pinipigilan niya ang sarili sa tuwing nagkikita sila dahil baka mas magulo ang isip nito sa mga nangyayari.Sa totoo lang ay mas kilala pa nga niya si Elaine kaysa mapapangasawa nito. Wala naman siyang magagawa tungkol sa bagay na iyon lalo na’t hindi siya sigurado kung gusto rin siya ng dalaga. Kung maaari lang ay itatakas niya ito at mamumuhay sila nang simple, pero oras na mangyari iyon ay may parehas na mahalagang bagay ang mawawala sa kanila
“Louis, ayos ka lang ba? Para kang nakakita ng multo,” wika ng dalaga na nakatingin sa mukha ni Louis na namumutla. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang reaksiyon ng binata sa picture niya kasama ang kaniyang ina na kalong-kalong siya sa mga bisig nito.“Kaano-ano mo ang babae na ’yan?” tanong ni Louis. Gulong-gulo ang isipan niya dahil sa nangyayari, ngunit bigla na lamang sumakit ang ulo niya. Bumabalik na naman ang alaala ng kaniyang dating yaya sa kaniya.***“Lou-lou, hindi ka dapat lumalabas nang ganitong oras. Siguradong mapagagalitan ka ng ama mo,” pangaral sa kaniya ng paborito niyang yaya na si Serena. Mabait ito at laging inuuna ang feelings niya. Sa totoo lang, ito lang ang unang tao na nakakita sa kaniya na umiiyak lalo na sa tuwing pinagagalitan siya ng kaniyang ama.“But I want to go to Uncle Liam’s mansion. He will probably get mad at Sirius because of what we did. I want to defend him,” wika ng batang si Louis na itinaas pa ang kamay na parang nasa isang misyo
ElaineMabilis lumipas ang mga araw, nalaman namin ang balita na nakawala si Zap kaya mas lalong dumoble ang security namin habang naghahanap ng leads kung sino ang tumulong kay Zap na makatakas at kung nasaan ang tunay kong ama.Nagbitiw ako ng malalim na buntonghininga bago tuluyang isandal ang ulo ko sa upuan. Ang buong akala ko ay matatapos na ang kasamaan ng mga Valencia, pero we were back to zero again.“Everything will be fine, wife. As long as we are together, we can do anything. I’ll dispatch more people to look for leads,” wika ni Louis. Hinawakan niya ang kamay ko. Napangiti ako.“Thank you, hubby, for always being by my side. Even when I’m still looking a part of my past identity, you’re patient,” usal ko at binigyan siya ng halik sa pisngi.Kinagabihan, habang inaasikaso ko ang paperworks na ipinasa sa akin ng wedding organizer na kinuha namin ay biglang umiyak si Mace
LouisI’ve always thought of myself as the man who knew everything. Someone who was calculated, cold, and efficient—that’s who I am. Or rather, who I was, before Elaine. She wasn’t just a woman I was ordered to marry; she was the reason I started questioning everything about my carefully constructed world.It all started when I saw her for the first time walking with her friends down the street. I was in the backseat of my car, flipping through meaningless reports about the family’s business when I caught sight of her. She wasn’t extraordinary by any conventional standard. She had oversized glasses perched on her nose, braces, and hair that seemed to have a life of its own. Yet, there was something about her laugh. It was carefree. It was pure.“Who’s that woman?” I blurted out, startling Brennon.His eyes flicked to the rearview mirror, confused. “I—I don’t know, si
Elaine Malamig ang simoy ng hangin noong araw na nagpunta ako sa sementeryo. Tirik ang araw, pero hindi masakit sa balat dahil pa-hapon na. Tahimik, ramdam ko pa rin ang bigat sa puso ko habang nilalakad ang daan patungo sa puntod ni Ama. Sariwa pa rin sa akin ang lahat ng nangyari, sa isang iglap ay natapos ang lahat ng kasamaan ng mga Valencia. Pero alam kong hindi pa rin dito nagwawakas ang lahat dahil may mga organisasyon pa rin na gustong mapasakamay ang ledger na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maalala. Sa huli, nakulong si Zap na may patong-patong na kaso habang si Mariella ay dinala ni Lucas sa psychiatrist dahil halos mabaliw ito sa lahat ng nangyari. Binasa ko ang lapida na may nakasulat na Raymond Natividad. Ibinaba ko ang bouquet na ng puting rosas at nagsindi ng kandila. Napakabuting ama niya sa akin, lahat ay ginawa niya para maprotektahan ako. “Ilang buwan na lang, manganganak na ako. Sisiguraduhin kong dadalhin ko sila rito para makita mo,” wika ko habang kumiki
Elaine Nang idilat ko ang mga mata ay naramdaman ko ang pahirap na nakatali sa aking mga kamay. Ito ay matigas at malamig, parang sinadyang higpitan para magdulot ng matinding sakit. Nanginginig kong tiningnan ang paligid. Para kaming nasa storage room, at bukod sa akin ay may dalawa pang tao—si Kaizer at Ama, na parehas ding nakatali sa upuan. “Ely . . .” Boses ni Kai. Mahina iyon ngunit puno ng pag-aalala. “Ayos ka lang ba?” Tumango naman ako kahit taliwas ang sinasabi ng puso ko. Mabilis ang pintig nito dahil sa kaba at takot na may mangyayari sa amin na masama. “A-Alam mo ba kung nasa’n tayo?” tanong ko. Nag-crack ang boses ko. Napailing siya. “Sa ngayon, ang alam ko lang ay na-kidnap tayo ng Valencia Organization. Hindi ko alam kung paano nila tayo nahanap, I will make sure na makatatakas tayo.” I was scared for the baby in my womb. Wala siyang kinalaman dito. “Everything will be fine, Ely, trust me,” sambit ni Kaizer. Mukhang may plano siya. “Ugh,” ungol ni Ama habang dah
ElaineNag-stay kami ni Louis sa Florida nang dalawa pang linggo. Nang makita ako ni Louis noong gabing iyon ay lagi niya akong kino-comfort. Bihira na lang din kaming gumala ulit at kung lalabas man kami ay may bantay kami. Hindi niya rin ako tinanong kung ano ang nangyari, mukhang hinihintay niya na ako ang kusang magkuwento.Ngayong araw ay susunduin kami ni Valerian para ihatid kami pabalik sa Pilipinas.“I want to stay here for awhile,” wika ko habang inaayos ang mga damit at pasalubong na binili namin.“We will come back here again. This is one of our houses now, I just need to finish all my work,” Louis answered and pecked a kiss on my cheek.Nang makasakay kami ay nginitian ako ni Valerian. “Looks like the newlyweds enjoyed their honeymoon that much. Aunt Hacel said to get both of you after three days, but someone wants to stay longer.”“Shut up, dickhead,” wika ni Louis na ikinatawa ko. So siya lang pala ang nagplano na isang buwan kami rito.“Nasaktan naman ako sa bati mo, pr
ElaineIt had been a week, paulit-ulit ang naging routine namin ni Louis. Para na talaga kaming tunay na mag-asawa. Sa umaga ay ipinagluluto niya ako at gagala kami sa buong maghapon. Halos gabi-gabi ring may nangyayari sa amin. Sa totoo lang, parang panaginip ang lahat at ayaw ko nang magising.“Wife, are you still mad at me? I didn’t mean to act roughly last night,” wika ni Louis habang sinusubukan akong subuan ng kanin.“No. I’m not mad,” matipid na sagot ko.“Then why are you so quiet? Hmm,” tanong ni Louis. Sa totoo lang, gugustuhin ko na lang na nandito kami dahil baka mamaya kasi kapag umuwi kami ay may magbago na naman sa relasyon namin.“May iniisip lang ako,” sabi ko.Sumeryoso ang mukha niya. “What is it? You can tell me.”Bahagya na lang akong napangiti. Mas mabuti nang itago ko na lang muna ang nakita ko. Baka mamaya ay paghinalaan niya ako na may connection kay Zap.“I’m just thinking about where we will go today. Ang dami palang magagandang view rito. Maligo muna ako par
ElaineNagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko, mukhang wala pa rrin si Louis. Dahan-dahan akong bumangon dahil medyo masakit pa ang ulo ko at mugto ang mga mata. May mga sugat pa ang daliri dahil sa pagpulot ko sa nabasag na frame.Pumunta ako sa kusina at kinuha ang litrato. Pinagmasdan kong muli ito bago lukutin at ilagay sa loob ng bulsa ko. Hindi dapat ito makita ni Louis, nakasisiguro ako na tanging si Ama lang ang makasasagot ng lahat ng katanungan na mayroon ako tungkol sa tunay na katauhan ng lalaki. Binuksan ko ang ref, pero wala itong ibang laman kundi tubig. Napabuntonghininga na lang ako at naligo para lumabas. Hahanap na lang ako ng grocery store.“Wife, where are you going?” Halos lumundag ang puso ko sa gulat nang makita si Louis. Magulo ang kaniyang buhok at malalim ang eyebags. May bakas ng dugo sa damit niya at may gasgas siya sa noo. “Are you okay?” tanong ko at hinawakan ang noo niya na may gasgas.Kaagad kong napagtanto kung ano ang ginawa k
ElaineNaalimpungatan ako nang bigla akong makarinig ng malakas ringtone na galing sa cellphone ni Louis.“Answer your call,” utos ko. Nakita ko naman si Louis na pinatay ang tawag at ibinalik ang pagtitig sa akin.“I’m sorry for waking you up,” wika ni Louis. Kinuskos ko ang dalawang mata ko upang mas lalong makita ang mukha niya dahil medyo madilim sa silid.“Ayos lang, naalimpungatan lang ako. But why are you still awake?” tanong ko sa kaniya at akmang babangon para sana kumuha ng maiinom sa kusina.Aray.Kaagad akong napapikit nang mariin nang maramdaman ang kirot sa bandang ibaba ko. Ganito rin ang nangyari sa akin noong unang p********k namin. Parang binibiyak ang katawan ko sa dalawa.Nang mapansin ni Louis na parang may iniinda akong sakit ay inalalayan niya ako. “Are you okay, wife? Should I call a doctor?” concerned na tanong niya kaya hindi ko maiwasang tumitig sa itsura nya. Was he really concerned about me?Napangiti naman ako dahil sa tuwa, pero kaagad na pumasok sa isi
ElaineNang makabalik ako sa loob ng venue ay kaagad lumapit sa akin si Venice. “Mabuti naman at nandito ka na, baks. Hinihintay ka ng lahat sa balcony para masimulan nang ibigay sa inyo ni Louis ang regalo nina Tita Hacel,” aniya. Hindi ko naman mapigilang mapalunok dahil sa kaba.Ano na naman ba ang pakulo ng pamilyang Montemayor?Kaagad naman akong nagpilit ng ngiti nang makita kong nakatingin pa rin sa akin si Venice. Wala siyang kaalam-alam kung ano ang mayroon sa pagitan namin ni Louis. Hindi ko siya masisisi dahil sigurado akong itatago sa kaniya ni Volstrige ang bagay na iyon.“Pasensiya na, mukhang na-late na naman ako. Nag-restroom kasi ako saglit,” paliwanag ko at akmang ihahakbang na ang mga paa ko nang biglang hawakan ni Venice ang braso ko dahilan upang mapatigil ako.“Sandali lang naman, baks. Talagang inabangan kita rito kasi may balak akong ibigay sa ’yo. At saka, lutang ka ba? Hindi naman diyan ang daan sa balcony. Ayan ba ang epekto ng alak?” Humagalpak ito ng tawa.