Elaine's Point of View
Agad akong nagpumilit bumaba sa pagkakabuhat ni Montemayor, ngunit sa sobrang lakas niya ay hindi ko ito magawa kaya napabuntong-hininga na lamang ako.
Mukhang wala akong choice kundi kausapin si Kaizer sa harapan niya.
“Kaizer, anong ginagawa mo rito? Paano mo nalaman na nandito ako?” tanong ko dahil hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang lumitaw sa mansion ni Montefalco, eh hindi ko pa nga natatawagan si Itay dahil natatakot ako na baka mag-panic ito.
“Wife, how did you know him?” sabat ni Montemayor habang nakataas naman ang kilay niya dahil sa pagtataka.
Hindi ko gusto ang posisyon namin dahil nasa balikat niya ako habang nakahawak siya sa gawing baywang ko upang hindi ako mahulog kung kaya't nakaharap ako kay Kaizer na parang ahas.
“Anong wife ka riyan? At saka, p'wede bang ibaba mo na ako? Nahihirapan na kaya ako sa posisyon na ganito,” reklamo ko habang sinusubukang gumalaw, ngunit nagulat ako nang bigla niya akong ibaba sa balikat niya at saka binuhat na pang-bridal style na ginawa niya katulad kanina.
Ano ba ang ginagawa niya, baka kung ano ang isipin ni Kaizer.
Napahawak na lang ako sa noo ko dahil sa hiya na nararamdaman, pero nagulat ako nang biglang higitin ni Kaizer ang kamay ko.
“Elaine, halika na, umuwi na tayo. Hindi ba, gusto mo nang makita si Tito?” tanong niya. Halata sa boses niya na parang malungkot siya. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano sasabihin kay Itay kung bakit ako nandito.
Akmang magsasalita pa sana ako nang biglang sumagot si Montemayor, “What do you think you're doing, jackass?” singhal niya at nang dumako ang tingin ko sa kanya ay nakakunot na ang makapal niyang kilay na parang hindi siya sumasang-ayon sa sinasabi ni Kaizer.
“It's obvious that Elaine wants to go home. Just let her go and look for someone who is suitable for your shit,” singhal pabalik ni Kaizer at humigpit ang hawak sa kamay ko. Mas lalong tumaas ang tensyon sa pagitan nila kung kaya't huminga akong malalim at nagsimulang magsalita.
“Stop na, okay? Oo na, gusto ko nang umuwi, pero nakakahiya naman kung aalis agad ako nang hindi nagpapasalamat kay Montemayor. I should thank him for saving my life. And paano mo nalaman na nandito ako? Care to explain, Kaizer?” tanong ko habang nakataas ang isang kilay ko, mukhang may tinatago siya sa akin.
Hindi kaya ang pinag-uusapan nila ni Itay kanina ay tungkol sa kasal na sinasabi ni Montemayor? Kung gano'n, kailangan ko talagang malaman kung anong kaugnayan niya kay Montemayor.
“Sinundan lang kita, gano'n lang 'yon,” direktang sagot niya na hindi ko agad pinaniwalaan. Masyado siyang halata kapag hindi siya nagsasabi ng totoo. Gayunpaman, kailangan kong malaman ang buong istorya kung bakit nagkaroon ng utang si Itay sa mga Montemayor.
“Tapatin mo nga ako, may alam ka ba sa sinasabi ni Montemayor?” tanong ko. Nag-iiwas naman siya ng tingin sa akin na parang ayaw niyang may masabi siyang hindi dapat.
“Wife, he is my co-mafia. Can we continue at the dining room? He's just wasting our time,” sabat naman ni Montemayor na agad kong ikinanganga, ano raw? Co-mafia niya si Kaizer? Kung ganoon, may alam nga siya sa nangyayari.
Agad kong hinigit ang kamay ko sa pagkakahawak ni Kaizer at hindi na nagsalita. Mas mabuti sana kung inamin na lang nila ni Itay sa akin na may alam sila tungkol sa kasal na sinasabi ni Montemayor para hindi ko na ipinahamak ang sarili ko para alamin ang bagay na 'yon.
“Elaine, sandali lang. Magpapaliwanag ako, huwag ka naman magalit,” sigaw ni Kaizer habang tumatakbo upang sundan kami pababa sa hagdan ni Montemayor.
Agad naman akong napabuntong-hininga sa nangyayari, ngunit mas mabuti kung hindi na siya madadamay pa sa nangyayari dahil ang pamilya namin ang may utang sa Montemayor.
“Kaizer, ayos lang. Wala ka dapat ipaliwanag. Maaari mo bang sabihin kay Itay na nandito ako kaya huwag siyang mag-alala? Nasa mabuting kamay naman ako ng mapapangasawa ko,” wika ko at pilit na ngumiti sa kanya. Hindi ko kayang magsinungaling kay Kaizer, pero ayaw ko namang idamay siya sa nangyayari sa pamilya namin lalo na at co-mafia siya ni Louis.
“Ngunit hindi naman—” Magsasalita pa sana siya nang bigla itong putulin ni Montemayor.
“You heard my wife. Leave now and don't interrupt us again. We will be having our good time later,” pang-aasar ni Montemayor na agad namang ikinakagat ng labi ni Kaizer na ang ibig-sabihin ay naiinis siya.
“Fuck you. If you lay your hands on Elaine, I will kill you, Louis,” singhal ni Kaizer at masamang tinitigan si Montemayor na hindi man lang natinag sa sinabi nito.
“I will just get laid with her in our bed later,” sagot ni Montemayor na agad namang ikinainit ng ulo ni Kaizer at inilabas ang baril niya na ikinagulat ko.
Ano ba ang nangyayari sa kanilang dalawa?
“Shoot,” matapang na sambit ni Montemayor habang nakangisi, ngunit agad naman akong sumigaw na ikinatigil nilang dalawa.
“Para kayong mga bata, puwede ba tumigil na kayong dalawa? Kaizer, ayos lang ako rito kaya huwag kang mag-alala sa akin at ikaw naman, Montemayor, sisipain na kita!” singhal ko sa kanilang dalawa habang sinusubukang sipain sa mukha si Montemayor dahil buhat niya pa rin ako.
Agad namang napatalikod si Kaizer at nagsalita, “Magpasalamat ka at nandiyan si Elaine. Kung hindi, nakita mo na ang ama mong si Satanas,” wika nito at tuluyan nang naglakad paalis.
Agad naman akong humingang malalim at tuluyan nang nagsalita, “Pumapayag na ako sa kasal na sinasabi mo, pero may kondisyon ako,” wika ko habang iniiwasang tumingin sa kanya. Hindi pa rin ako nakaka-move on sa sinabi niya sa harap ni Kaizer.
“What is it?” tanong niya habang pababa kami ng hagdan, hindi ko maiwasang mamangha sa chandelier na nakasabit sa kisame at mas lalo pang nagpamangha sa akin ang disenyo ng mansion niya.
“Wow,” sambit ko habang iniikot ang mata upang tingnan ang kabuuan nito. Isa lang ang masasabi ko, talagang napakayaman ng mga Montemayor.
Agad naman akong tumalon sa pagkakabuhat niya sa akin nang tuluyan kaming makababa. Nagulat naman siya sa ginawa ko. Nag-peace lang ako sa kanya at tiningnan ang isang malaking shelf na puno ng libro.
Matagal na akong mahilig sa mga libro lalo na sa nobela ni Arthur Conan Doyle na Sherlock Holmes, ngunit dahil nga wala akong pambili ng libro nito ay sini-search ko na lang ito sa G****e kapag nagkaka-data ako.
Sinusubukan kong abutin ang Sherlock Holmes na libro na nasa bandang taas ng shelf. Nang hindi ko ito maabot ay natumba ang shelf dahil sa ginawa kong pag-akyat nang bigla akong yakapin ni Montemayor bago ito tuluyang mahulog. Napapikit ako sa gulat, ngunit nang idilat ko ang mata ko ay nakatingin siya sa akin na parang nag-aalala. Ngunit, nang maalala ko ang posisyon namin ay agad ko siyang natulak.
Hawak-hawak niya ang shelf habang ang ibang libro ay tuluyan nang nahulog. Agad kong dinampot ang mga ito nang biglang may magsalita mula sa likod ko.
“Ma'am, ako na po riyan. Nakahanda na po ang hapag para sa inyong dalawa ni sir,” wika ng isang matandang babae. Ang kanyang mga mata ay kulay brown. Bakas naman ang katandaan sa kanyang mga wrinkles sa mukha. Gayunpaman ay maganda pa rin ito.
“Tulungan ko na po kayo,” prisinta ko ngunit hindi ito pumayag at nagpumilit na marami siyang katulong na mag-ayos nito. Napatango na lamang ako at malungkot na sumunod sa isang babae patungo sa Dining Room.
“Wife, do you want anything?” tanong ni Montemayor habang magkatabi kaming naglalakad. Gusto ko lang naman mahawakan ang libro ng Sherlock Holmes. Kaya lang, hindi ko ito makuha dahil sa height ko.
“Wala,” maikling sagot ko. Pagkayari ng mahabang paglalakad ay huminto kami sa isang malaking pinto na may nakasulat na Salle à Manger na hindi ko maintindihan.
“Dining room, it's just translated in French,” wika ni Montemayor na parang nahulaan niya ang iniisip ko.
Nang buksan ito ng babae ay bumungad sa amin ang napakalaking lamesa na gawa sa marboles. Sa gitna nito ay isang vase na punong-puno ng rosas.
“Here, let me help you,” sambit ni Montemayor saka hinila ang isang upuan. Hindi ko alam kung bakit napakabait niya sa akin ngayon. Parang kanina lang ay halos ipalamon niya na ako sa tigre.
“Salamat,” sagot ko at tuluyan nang naupo. Ang mga putahe ay dahan-dahang hinahanda ng mga lalaking nakasuot ng pang-chef.
Akmang sasandukan na sana ako ng isang babae nang bigla ko itong kinuha sa mga kamay niya. “Ayos lang po, ako na lang po ang kukuha,” wika ko at ngumiti sa kanya.
“Oo nga pala, tungkol sa kondisyon na sinasabi ko, Montemayor,” paalala ko habang dahan-dahang sumasandok ng kanin. Agad naman siyang napatitig sa akin na parang hinihintay ang susunod na sasabihin ko.
Magsasalita na sana ako nang biglang may kumatok sa pintuan na ikinatigil ko. Pumasok ang isang lalaki na nakasuot ng tuxedo at tumigil sa harapan ni Montemayor.
“Oh, I see you're having dinner with one of your flings,” sambit nito at tiningnan ako na parang kinikilatis niya ako.
“Well, sorry to interrupt, but I found an information about Mariella and she is in the hospital right now,” pagtutuloy nito agad namang tumayo si Montemayor.
“Excuse me, wife,” wika ni Montemayor at hinalikan ako sa noo at tuluyang lumabas kasama ang lalaki na kakapasok lang.
Sino ba ang Mariella na 'yon? Gano'n ba siya kaimportante kay Montemayor at pinapabantayan niya ang kilos nito?
Third Person's Point of View“What do you need, asshole? You're ruining my dinner with my wife,” asik ni Louis kay Tyron, ang pinsan niya na isang may-ari ng hospital. Bukod pa rito ay isa itong private investigator.“Really, you have a wife now? As far as I remember, you hired me to find where Mariella was and now that I got the information, you're mad at me,” pasumbat na sagot ni Tyron habang nasa garden. Ayaw iparinig ni Louis kay Elaine ang sinasabi ni Tyron, lalo na at bukas ay magtutungo rito ang ama niya upang pag-usapan ang kasal.“Where is she?” tanong ni Louis. Nais niyang makita ang dalaga. Pagkatapos kasi niyang makipaghiwalay rito ay ngayon lang sya ulit nagkaroon ng impormasyon tungkol kay Mariella.“At my hospital. By the way, can I have your wife as the payment?" direktang tanong ni Tyron kay Louis, ngunit agad namang naglabas ng baril si Louis at tinutok ito kay Tyron.“What did you s
Third Person's Point of ViewNapasinghap na lang si Elaine at agad na tinulak palayo si Louis, hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman.“Lumabas ka na, Louis. Naliligo ako,” wika ni Elaine. Hindi naman maipinta ang mukha niya dahil sa pangalan na binanggit ni Louis. Sa totoo lang ay wala naman siyang karapatang magalit dahil wala naman siyang papel sa binata kundi ang maging kabayaran ng ama niya sa utang nito sa pamilya ng Montemayor.Alam niyang hindi rin siya gusto ng lalaki na nagpunta sa silid niya kanina dahil ito pa nga ang nagsabi sa kanya na huwag nang hintayin si Montemayor dahil may gagawin pa ito kasama si Mariella.“Wife . . . I'm sorry, I know it's you,” bulong ni Louis habang ang hininga na nanggagaling sa bibig nito ay tumatama sa leeg ni Elaine na nakapagbigay sa kanya ng kakaibang init.“Ano ba, Louis, lasing ka na, lumabas ka nga!” sigaw niya sa binata, ngunit ang totoo ay parang m
Third Person’s Point of ViewNang makarating si Louis sa basement ay agad niyang sininghalan ang tumawag sa kanya na si Volstrige dahil sa panggagambala nito sa kanila ni Elaine.“You should know the consequence of what you did,” singhal ng binata habang dahan-dahang inilalabas ang isa sa paborito niyang pistol na Beretta 92 na mula pa sa Italy. Ibinigay ito ni Jacob sa kanya noong umuwi ito sa Pilipinas upang i-celebrate ang bago nitong negosyo na tungkol sa mga alak.Agad na nagtago sa likod ni Alex si Volstrige, ngunit agad naman siyang hinatak palabas ni Brennon. “Boss, pakibaril na po ang womanizer na ito. Muntik na rin po ako mapahamak dahil sa kanya no'n, e,” natatawang sumbong ni Brennon habang hindi naman maipinta ang mukha ni Volstrige.“Gago ka ba, wala naman akong ginagawa sa 'yo, ah!” asik ni Volstrige. Nagsimula lang mag-away ang dalawa na ikinainip lang ni Louis.“I will kill the both o
Third Person's Point of View“Wife, bakit ang tagal mo namang pumasok? Does Louis have another fling again?” tanong ng isang lalaki na kamukhang-kamukha ni Louis, ang kaibahan lang ay mababakas mo rito ang katandaan kahit na ang hitsura nito ay parang teenager lamang.Napahinto sa pagla-lock ng sasakyan ang lalaki nang makita si Elaine. Kilala niya ito sa mukha dahil siya ang nag utos kay Louis na pakasalan ang dalaga.“Who are you, miss, and why are you in my son's mansion? Explain yourself,” masungit na wika ng babae habang nakataas ang mga kilay nito. nakatingin ito kay Elaine na hindi alam ang isasagot dahil wala namang sinabi ang binata na dadating din ang mga magulang nito.“A...a-ko po? Ah...uhm,” nauutal na sagot ni Elaine. Pinigilan lamang ng ama ni Louis ang ina nito sa paghawak sa buhok ng dalaga dahil siya ay sinabunutan na nito palabas.“Wife, she is the woman that I'm saying to Louis. For Pete
Third Person's Point of ViewHindi mapakali ang butler ni Sirius habang papunta sila sa kulungan. Sa totoo lang, sa anim na taon niyang serbisyo sa ginoo ay ngayon lang nangyari ang ganito sa kanyang amo. Magagalit ito sa kanya pagdating nila at kasama niya ang dalawang pinsan nito. Ang pinakaayaw kasi nito ay humingi ng tulong sa kahit na kanino lalo na sa mga taong kilala niya.Ayaw nitong mahusgahan. Noong one time nga ay halos patayin na siya ng binata dahil sa pagsusumbong niya sa magulang nito na pinakaayaw ng binata. Nais nitong manirahan nang walang hinihinging tulong sa iba, ngunit wala nang magagawa si Sirius dahil masyadong malala ang problema nito na ikakawala ng kompanyang iniingatan niya.“Can you tell us what really happened?” tanong ni Kaizer habang abala si Louis sa pagtingin sa cell phone niya, kanina pa kasi tawag nang tawag ang ina niya na umuwi na siya sapagka't narito na silang lahat upang pag-usapan ang kasal. Gustuhin niya man
Third Person's Point of ViewMabilis na pinaharurot ni Louis ang sasakyan. Sa totoo lang ay nag-aalala siya sa dalaga lalo na't ang ina niya ang nagsabi na may nangyaring masama rito.“Damn,” mura niya habang hinahampas ang manibela dahil sa traffic. Kung kailan naman siya nagmamadali saka pa nagkaroon ng traffic sa area na ito.“Can you calm down? As if you can stop the traffic with that, idiot,” wika sa kanya ni Kaizer, ngunit sa totoo lang ay kanina pa nanginginig ang kamay niya sa takot na may nangyari talaga kay Elaine. Matagal na siyang may gusto sa dalaga, ngunit pinipigilan niya ang sarili sa tuwing nagkikita sila dahil baka mas magulo ang isip nito sa mga nangyayari.Sa totoo lang ay mas kilala pa nga niya si Elaine kaysa mapapangasawa nito. Wala naman siyang magagawa tungkol sa bagay na 'yon lalo na't hindi siya sigurado kung gusto rin siya ng dalaga. Kung maaari lang ay itatakas niya ito at mamumuhay sila nang simple, pe
Third Person's Point of View“Montemayor, ayos ka lang ba? Para kang nakakita ng multo,” wika ng dalaga na nakatingin sa mukha ni Louis na namumutla. Hindi niya alam kung bakit gano'n na lang ang reaksyon ng binata sa picture niya kasama ang kanyang ina na kalong-kalong siya sa mga bisig nito.“Kaano-ano mo ang babae na 'yan?” tanong ni Louis. Gulong-gulo ang isipan niya dahil sa nangyayari, ngunit bigla na lamang sumakit ang ulo niya. Bumabalik na naman ang alaala ng kanyang dating yaya sa kanya.***“Lou-lou, hindi ka dapat lumalabas ng ganitong oras. Siguradong mapapagalitan ka ng 'iyong ama,” pangaral sa kanya ng paborito niyang yaya na si Serena. Mabait ito at laging inuuna ang feelings niya. Sa totoo lang, ito lang ang unang tao na nakakita sa kanya na umiiyak lalo na sa tuwing pinapagalitan siya ng kanyang ama.“But I want to go to Uncle Liam's mansion. He will probably get mad at Sirius because of w
Elaine's Point of ViewTahimik lang si Louis habang nagmamaneho. Patungo na kami sa resort na sinasabi ni Tita Hacel.Hindi ko tuloy mapigilan mapaisip kung ano ang naging daloy ng usapan nila ni Itay. No'ng bumalik kasi siya sa loob ay tahimik lamang at hindi na masyadong kumibo. Nanginginig na rin ako sa lamig ng aircon dahil nakatutok ito sa akin. Si Louis ang nagda-drive ngayon habang nasa kabilang sasakyan naman sina Itay at si Kaizer.Noong una nga ay ayaw pumayag ni Kaizer, ngunit pinilit s'ya ni Itay na huwag silang sumabay sa amin.“Wear this,” sambit ni Louis at dahan-dahang binuksan ang compartment niya upang kunin ang isang denim jacket.Iniabot niya ito sa akin na agad ko namang tinanggap dahil kaunti na lang ay magiging yelo na ako sa lamig. Kahit ang mga binti ko ay hindi ko na maigalaw.“Salamat,” wika ko. Tumango lamang siya at tuluyan nang nagmaneho. Hindi ko alam kung nauna na sina Kaize
Elaine’s Point of ViewNaalimpungatan ako nang bigla akong makarinig ng isang malakas na tunog ng ringtone na nagmumula sa cellphone ni Louis.“Answer your call,” usal ko habang nakita ko naman si Louis na pinatay ang tawag at binalik ang pagtitig sa akin.“I’m sorry for waking you up,” wika ni Louis habang kinuskos ko ang dalawang mata ko upang mas lalong makita ang mukha nya dahil medyo madilim sa silid.“Ayos lang, naalimpungatan lang ako. But why are you still awake?” tanong ko sa kaniya at akmang babangon para sana kumuha ng maiinom sa kusina.Aray.Kaagad akong napapikit nang mariin nang maramdaman ko ang kirot sa bandang ibaba ko. Ganito rin ang nangyari sa akin nang unang pagtatalik namin. Parang binibiyak ang katawan ko sa dalawa.Nang mapansin ni
Elaine’s Point of ViewNang makabalik ako sa loob ng venue ay kaagad lumapit sa akin si Venice. “Mabuti naman at narito ka na, baks. Hinihintay ka ng lahat sa balcony para masimulan nang ibigay sa inyo ni Louis ang regalo nila Tita Hacel,” aniya habang hindi ko naman mapigilang mapalunok dahil sa kaba.Ano na naman ba ang pakulo ng pamilyang Montemayor?Kaagad naman akong nagpilit ng ngiti nang makita kong nakatingin pa rin sa akin si Venice. Wala s’yang kaalam-alam kung ano ang meron sa pagitan namin ni Louis. Hays, hindi ko s’ya masisisi dahil sigurado akong itatago sa kanya ni Volstrige ang bagay na yun.“Pasensya na, mukhang na-late na naman ako. Gumamit kasi ako ng restroom saglit,” usal ko at akmang ihahakbang na ang mga paa ko nang biglang hawakan ni Venice ang braso ko, dahilan upang mapatigil ako.“Sandali lang naman, baks. Talagang inabangan kita rito dahil may balak akong ibigay sa’yo
Elaine's Point of ViewNang magising ako ay kaagad kong tiningnan ang paligid, ito pa 'rin ang silid kung saan ako dinala ni Ashton.Ibig sabihin ay totoo ang nangyari kanina, akala ko ay isa lamang bangungot.Napasapo naman ako sa noo ko ng maalala ko ang sinabi sa akin ni Ashton tungkol sa relasyon namin ni Louis.Wala akong kaide-ideya na may gano'n pa lang kasunduan na nagaganap sa pagitan namin.Ang akala ko ay ang kasal namin ay kabayaran sa utang ng aming pamilya sa mga Montemayor, ngunit, mukhang nagkakamali ako.Hays, ano pa nga ba ang inaasahan ko?Ito ang kabayaran sa pagtitiwala ko ng sobra, kung alam ko lang ay hindi ko na sana binuksan ang puso ko sa isang tao na balak lang na gamitin ako laban sa ibang organisasyon.Hindi ko alam pero wala akong balak gumalaw mula sa kinauupuan ko parang bumigat ang buong ka
Warning: Prepare your tissue before reading this chapter.Elaine's Point of ViewDahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko, kaagad naman bumungad sa akin ang isang malaking chandelier na kumikinang.Nang sinubukan kong umupo ay bigla akong napahawak sa ulo ko dahil naramdaman ko ang pagkirot nito."It looks like you're awake," wika ng isang maskuladong boses na kaagad kong ikinalingon sa kaliwa ko.Kaagad akong napanganga nung makita ko si Ashton na walang suot na pang-itaas habang prenteng prente na nakaupo at nakapa-krus ang kanyang hita at braso."Bakit ka narito? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko ngunit, ngumiti lang s'ya sa akin at dahan-dahang tiningnan ang bandang dibdib ko."I think you should dress up before talking to me. How about that?" nakangising tanong nya at tumayo upang pumunta sa closet.
Elaine's Point of View“Excuse me,” usal ko sa mga guest na nakaharang sa dinadaanan ko.“Watch out, miss,” singhap ng waiter nung aksidente ko itong matunggo.“Fuck. The clumsiness of yours ruined the dress of my fiancée. Look what you've done,” asik ng isang lalaki na nakasuot ng tuxedo. Sa tindig pa lang niya ay masasabi kong isa ito sa mga business partner ng kompanya nina Louis at um-attend sa kasal namin upang magpalakas sa ibang mga negosyante na narito.“I'm sorry about that, but I really need to go,” sagot ko. Akmang maglalakad na sana ako nang biglang hilahin ng babaeng kasama niya ang kanang braso ko.“How rude of you! Nakaperwisyo ka na ngang babae ka, ikaw pa ang may ganang talikuran kami? Hindi mo ba alam kung sino kami, ha?” singhal ng babae. Naagaw niya ang atensyon ng ibang mga guest na mal
Elaine's Point of View “Ayos ka lang ba, baks?” tanong ni Baklang Elena nung idilat ko ang mga mata ko. Bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha kung kaya't binigyan ko s'ya ng isang pekeng ngiti. “Oo. Medyo nainitan lang siguro ako sa suot kong gown,” sambit ko. May halong katotohanan naman ang sinagot ko dahil medyo mainit nga sa katawan ang aking suot na gown dahil kanina pa lang sa simbahan ay pinagpapawisan na ang kilikili ko. “Jusmiyo ka, baks! Kinabahan naman ako sa'yo. Kapag may nangyaring masama, ako ang mate-tegi sa asawa mo,” wika ni Baklang Elena habang inaalalayan ako patayo. “Ano ba 'yang nasa likuran mo? Bakit tinatago mo?” dugtong na tanong niya na ikinalunok ko dahil sa kaba. Akmang kukuhanin niya na sana ang regalo ng bigla akong makaisip ng dahilan. “R-regalo ni Sandra para sa honeymoon namin ni Louis,” sigaw ko na ikinatigil niya. Sumilay ang ngisi sa labi ni Baklang Elena dahil sa iwinika
Elaine's Point of View Nang mayari ang naganap na kasalan ay sari-saring pagbati ang natanggap namin ni Louis. “Congratulations sa inyo,” usal ni Sandra at iniabot niya sa aming dalawa ang isang nakabalot na regalo. “Ikaw talaga, hindi ka makapaghintay na makapunta tayo sa venue bago mo iabot ang regalo,” singit ni Lexy. “I know that my gift would be useful in their honeymoon. So I'm very excited to give it and besides, baka makalimutan pa nilang dalhin kung mamaya ko pa ibibigay,” sagot ni Sandra na agad kong ikinanganga. “Look at Elaine's face, mukhang nagulat siya sa sinabi mo,” wika ni Lexy at umirap pa kay Sandra upang lapitan ako.
Elaine's Point of ViewTaimtim kong tiningnan ang sarili ko sa isang malaking bilog na salamin na nasa loob ng silid.Masasabi kong napakaganda talaga ng pagkakalikha sa puting mermaid gown na suot ko ngayon.“Oh, ’di ba. Bagay na bagay sa 'yo ang gown na napili mo,” usal ni Mrs. Rea habang dahan-dahang lumapit sa akin upang ayusin ang buhok ko.“Sadyang napaka-perfect lang po ng pagkakagawa mo,” sambit ko at ngumiti nang kaunti. Medyo kinakabahan kasi ako sa mangyayari mamaya.Magugustuhan kaya ni Louis ang gown na suot ko?Napailing na lang ako sa naisip ko.Masyado na naman akong umaasa porket nagbago ang pakikitungo niya sa akin nitong nagdaang araw.“Naku, iha, maganda kasi ang magsusuot kaya bumagay ang gown at isa pa, ilaylay mo na lang ang buhok mo rito sa kanang balikat para ma-emphasize ang earrings mo,” dugtong ni Mrs. Rea na ikinatango ko.“Maupo ka na rito, Mrs
Elaine's Point of ViewMaaga akong nagising dahil ngayong araw gaganapin ang competition na ihe-held sa St. Montesseri Gym.Kasalukuyan akong kumakain ng umagahan na niluto ni Blaire habang kasabay ko si Louis na abala sa pagbabasa ng diyaryo. Wala ni isa sa aming dalawa ang nais basagin ang katahimikan. Sabagay, ginagawa lang naman namin ang pagpapanggap na ito dahil malapit na ang kasal namin kung kaya't kailangang makumbinsi namin ang mga tao na masaya kami sa isa't isa.Ngunit nanlaki ang mga mata ko nang biglang tumunog ang cellphone ko na ikinabaling ng tingin sa akin ni Louis.Noah is calling…Hindi ko alam kung dapat ko bang sagutin ang tawag dahil alam ko namang magagalit siya sa oras na marinig niyang kausap ko si Noah, pero baka importante ito kaya wala akong nagawa kundi pindutin na lamang ang accept.“Hello, Noah?” panimulang tanong ko habang kinakain ang meatball na nasa plato ko. Napakasarap talagang magluto