Share

Gun VII

Author: Mowtie
last update Last Updated: 2021-06-15 20:21:47

Hindi mapakali ang butler ni Sirius habang papunta sila sa kulungan. Sa totoo lang, sa anim na taon niyang serbisyo sa ginoo ay ngayon lang nangyari ang ganito sa kaniyang amo. Magagalit ito sa kaniya pagdating nila at kasama niya ang dalawang pinsan nito. Ang pinakaayaw kasi nito ay humingi ng tulong sa kahit na kanino lalo na sa mga taong kilala niya.

Ayaw nitong mahusgahan. Noong one time nga ay halos patayin na siya ng binata dahil sa pagsusumbong niya sa magulang nito na pinakaayaw ng binata. Nais nitong mabuhay nang walang hinihinging tulong sa iba, ngunit wala nang magagawa si Sirius dahil masyadong malala ang problema nito na ikawawala ng kompanyang iniingatan niya.

“Can you tell us what really happened?” tanong ni Kaizer habang abala si Louis sa pagtingin sa cellphone niya. Kanina pa kasi tawag nang tawag ang ina niya na umuwi na siya sapagka’t nasa mansion na silang lahat upang pag-usapan ang kasal. Gustuhin niya mang umuwi agad ay hindi maaari dahil mas kailangan siya ngayon ng pinsan niya.

“Ganito kasi ’yan, ipagpaumanhin n’yo po ang ginawa ko kanina, pero nanganganib talaga ang kompanya ni Sir Sirius dahil sa Campbell Organization dahil sa pag-expose nito sa illegal na gawain ng boss ko. Kaya unti-unting binawi ng mga stockholder ang share nila sa kompanya. Nang mag-research ako ay lumipat ang mga ito sa kompanya ng Campbell Organization kaya dinala ngayon sa kulungan ang boss ko at na-bankrupt siya ngayon dahil ipinambayad niya sa utang ang natirang pera niya sa bank account,” malungkot na kuwento ng butler na nagpupunas ng luha. Ramdam mo na matapat siya kay Sirius hindi lang bilang butler nito.

“Then paano nangyari ang bagay na ’yon kay Sirius? Kilala ko ang lalaki na ’yon, mas matalino pa siya kaysa sa akin kaya imposibleng nangyari ’to sa kaniya,” sambit ni Kaizer. Kinuha nito ang isang piraso ng tobacco na nasa gilid ng sasakyan at sinindihan ito gamit ang lighter na lagi niyang dala.

“Matalino nga si Sir Sirius, pero katulad nga ng kasabihan na kahit ang matsing ay naiisahan din. May oras na naging busy ang boss ko sa Desire Island. He was addicted to s*x that time, kaya nga tumaas ang titulo niya sa lugar na ’yon. Ipinahawak niya ang kompanya sa pinagkakatiwalaan niyang tao na siyang nagpabagsak pala sa kaniya. Sana lang ay maging wais na siya ngayon lalo na’t second chance na lang ang mangyayari sa kaniya. Isa pa, kung hindi siya matutulungan ni Sir Louis ay baka madamay rin ang ibang kompanya niya sa ibang bansa dahil kakalat ang balitang ito at mawawalan ng tiwala kay Sir Sirius ang mga stockholder ng kompanya,” seryosong wika ng butler na nagpupuyos na ngayon sa galit. Kahit na medyo masama ang ugali ng boss niya ay nakita niya naman ang ibang side nito na hindi nakikita ng ibang tao dahil nagfo-focus sila lagi sa kawalanghiyaan ng binata.

Sa totoo lang, kung puwede lang ay hindi na siya hihingi ng tulong kay Louis, bagkus ay sa mga taong namamahala na lamang ng kompanya ni Sirius sa ibang bansa. Ngunit mahirap ang bagay na iyon dahil baka nandoon ang kasabwat ng mga traydor na gustong pabagsakin ang amo niya. Kaya wala siyang choice kundi ang pumunta sa pinsan nito. Isang nakatatakot na hakbang ang ginawa niya, ngunit sana lang ay matulungan ni Louis si Sirius.

“Sir Louis, mukhang abala ka sa cellphone. Ngayon lang kita nakitang ganiyan, a? Siguro ka-text mo isa sa mga fling mo,” sambit ni Powsh, ang driver niya ngayong araw lalo na’t sumabit ang tatlong hangal sa kaniya upang makitsismis.

“Mind your own business, I’m talking to my mom,” sambit ni Louis na nakatutok sa screen ng cellphone niya. Nagse-send kasi ng video ang kaniyang ina kasama si Elaine na nagbe-bake.

May ibang side pala ang dalaga at mukhang komportableng-komportable ito kasama ang mga magulang niya. Sana lang ay hindi masira ang tiwala niya sa ipinakikita ng dalaga dahil kung hindi ay baka hindi na niya ito kausapin.

“Tss. At kailan pa ngumiti ang isang Louis Montemayor dahil sa isang dalaga na nagbe-bake?” sarcastic na tanong ni Kaizer, pinaiikot nito sa kamay ang baso ng champagne dahil sa inis.

Siya ang unang nakakilala kay Elaine at unang nagmahal dito, ngunit simula noong dumating si Louis ay hindi na niya puwedeng puntahan ang dalaga dahil sa pakiusap ng Tito Izaak niya na hangga’t maaari ay lumayo sa dalaga dahil ito ay magiging kabiyak na ni Louis.

Hindi niya maunawaan ang biglaang desisyon ng ama ni Louis, kung bakit masyado nitong inaalagaan si Elaine. Ni hindi nga sila nito kamag-anak. At isa pa, hindi sa gusto niyang mahirapan ang dalaga, ngunit bakit maganda ang trato nila rito na kung ang magulang pala ng dalaga ay may malaking utang sa kanila?

Napabuntonghininga na lamang siya sa iniisip. Marahil ay gusto lamang ng magulang ni Louis na mag-settle down na ito sa isang babae. Lahat yata silang magpipinsan ay masyadong mga womanizer, maliban lang sa isa na kapatid pa niya na si Lucas. Kung maaari nga lang ay ito pa ang mismong lalayo sa mga babae dahil para sa kaniya, ang mga ito ay sakit lamang sa ulo at hindi niya kailangan sa iniimbestigahan niyang mga kaso.

“Can you learn how to shut up, Kaizer? I will rip your mouth if you don’t stop minding my business,” asik ni Louis. Palipat-lipat naman ng tingin ang butler sa kanila at walang nagawa kundi bumuntonghininga. Hindi na siya nasanay sa tuwing nakikita niya ang dalawang ito ay lagi na lang nag-aaway na parang mga bata.

Hindi rin nagtagal ay nakarating sila sa kulungan kung nasaan si Sirius. Nang makita niya si Louis kasama ang butler niya ay alam na ng binata na humingi ito ng tulong sa mga pinsan niya.

“You didn’t follow my orders. I said call my lawyer Efren and not them,” singhal ni Sirius dahil ayaw na ayaw niya ay makita siya ng kahit sino na nasa kulungan ngayon. Ayaw niyang masira ang pride niya dahil lang sa isang lalaki na tumraydor sa kaniya.

“Pero, sir, wala na tayong ibabayad sa lawyer kung sakaling tatawagan ko si Efren. Isa pa, hindi lang ’yon ang kailangan natin, kundi panibagong mga stockholder para umangat muli ang kompanya mo,” wika ng butler niya na si Vren. Halata sa boses nito ang concern kay Sirius. Hindi nga nito iniisip ang kapahamakan kung sakaling mainis sa kaniya ang binata at bigla na lang siya barilin nito dahil sa galit pagkalabas nito.

“Your butler was right except for one thing. Efren will never compensate money to Sirius because he is our family lawyer. And besides, he is our cousin, but the thing is, the man you want to call is in London with his girlfriend. You know, he’s getting ready for a proposal. I will help you, but I know you don’t want to have any indulgence when I lend you my help. That’s why you should pay it back once you are able to get up,” seryosong wika ni Louis. Hindi pa rin maalis ang galit kay Sirius na parang natapakan ang pride dahil sa ginawa ng butler niya.

Agad kinausap ni Louis ang namamahala roon na pakawalan si Sirius. Kung hindi ay baka mapaaga ang paghuhukay nila sa kanilang mga paglilibingan.

“Bakit naman namin pakakawalan ang lalaking gumagawa ng illegal? Isa pa, may ebidensya kaming nakita. Kung gusto mo ay tingnan mo pa,” maangas na wika ng isang pulis habang nagkakape ito. Halos lumuwa na ang suot nitong uniporme dahil sa laki ng tiyan nito. Ngumiti lang si Louis sa ginawa nitong pag-aangas sa kaniya.

Agad na sinenyasan ni Louis si Volstrige na tawagan ang pinaka-head ng mga namamahala rito na ginawa naman nito.

“Bossing, mukhang hindi na itutuloy ng bossing namin ang pagsi-shipment sa inyo. Masyado kasing makulit ang bata mo at niyayabangan pa ang aming boss,” sambit nito. Agad naman sumagot ang nasa kabilang linya na parang kinakabahan sa sinabi ni Volstrige.

Sa pagkakataong ito ay ini-loudspeaker niya ang cellphone upang marinig nila ang sinasabi ng bossing nila. “Huwag naman ganiyan. Kung gusto ninyo, patayin n’yo na lang ’yan, huwag lang itigil ang shipment,” wika ng lalaki na nasa kabilang linya. Bakas sa boses nito na wala itong pakialam sa mga tauhan niya, huwag lang mawala ang tiwala ni Louis sa kanila.

“Hmm, what should I do with you? What do you think?” sarcastic na tanong ni Louis habang pinaiikot sa kamay ang paboritong pistol na lagi niyang dala.

“Patawarin n’yo po ako. Patayin mo na ako kung ’yan ang gusto ninyo, pero pakiusap, huwag n’yo pong idadamay ang pamilya ko,” pagmamakaawa nito na ngayon ay nakaluhod na parang kanina lang ay masyadong mayabang, ngayon ay para na itong maamong tupa.

“Release Sirius now, I don’t want to hear any nonsense from you. Next time, you should know the person you will respect and remember my name. Louis Montemayor,” sambit ng binata. Naupo siya sa kinauupuan nito, pero this time, dinalhan siya ng mga lalaki na nakatingin sa kaniya ng kape habang ang mayabang na lalaki ay nilinis ang sapatos niya.

Nang pakawalan nila si Sirius ay agad nitong sinuntok ang lalaki na naglilinis ng sapatos niya. “Don’t you know my name, you f*cking asshole? You dared to put me in jail,” singhal ng binata. Mababakas sa mukha nito ang galit. Ang mga ugat niya sa sentido ay lumilitaw na malalaman agad na nais nitong patayin ang lalaki na nasa harapan niya. 

Agad itong sinakal ni Sirius nang pigilan siya ni Louis. “Don't you dare stop me, Louis. I will not hesitate to kill you,” pagbabanta nito. Itinaas lamang ng binata ang kamay niya saka tuluyang lumabas.

Sa totoo lang ay wala naman siyang pakialam sa mga ikikilos ni Sirius. Kilala niya ang binata. Hindi ito marunong pumatay ng tao gamit ang mga kamay nito. Lagi itong gumagamit ng tao upang gawin ang gusto niya. 

Tinawagan niya na lamang si Eros upang sabihin ang pagpapa-reserve niya sa Desire Island dahil aasikasuhin pa niya ang kompanya ni Sirius. Sa totoo lang, sa kanilang magpipinsan, ang binata ang siyang may pinakamasamang ama dahil ang tito nilang si Liam ay hindi nagkakamali sa kahit saan. Kaya lumaki si Sirius na mataas ang pride at laging may dignidad. Mga nasa five-years-old pa lamang sila ay hindi ito pinalalabas dahil kailangan nitong aralin ang tungkol sa business nila. Iyon ang kaibahan nila sa binata. Kung malalaman ng tito niya na ganito ang nangyari sa kompanya ni Sirius ay baka mapatay nito ang sarili niyang anak. 

Dahil ang pinakaimportante rito ay pride nila sa business world.

“Sus, halos bumaliktad ang sikmura ko sa takot kay Sir Sirius. Grabe pala ’yon magalit,” wika ni Powsh na palabas na ngayon ng kulungan upang sundan si Louis.

“Sinabi mo pa. Akala ko nga sasakalin niya rin ang butler niya, hindi pala. Sinuntok niya lang sa mukha. Mabuti na lang pala si Sir Louis ang amo natin,” wika naman ni Brennon na kumukuha ng sigarilyo sa bulsa niya upang sindihan.

“Ano’ng mabuti r’on? Halos patayin na nga tayo ni bossing sa tuwing ginugulo natin siya. Isa pa, iyon suntok lang, sa atin nga, baril pa. Pucha talagang buhay na ’to,” sambit ni Volstrige. Biglang tumikhim si Louis na nasa likuran lang nila na agad nilang ikinatigil.

“G*go, masasabi kong ang bossing natin ang pinakamabait sa mundo,” sambit naman ni Volstrige nang makita ang seryosong mukha ni Louis.

“Sinabi mo pa, sobrang guwapo pa at napakagaling humawak ng baril, ’di ba,Powsh?” gatong naman ni Brennon habang sinisiko si Powsh na sumang-ayon sa sinasabi nila.

“Ha, ano ba dapat sasabihin ko?” tanong ni Powsh na ikinasapo nila ng ulo. Masyadong slow ang binata. Bago pa man sila makapagpaliwanag ay isa-isa silang sinapok ni Louis.

“Assh*le,” sambit nito sa kanila. Nakita naman nilang palabas si Sirius na bakas pa rin sa mukha ang galit. Kasama nito si Kaizer.

“I will never be grateful for what you did, Louis. You should remember that,” wika nito. Dahan-dahan namang tumakbo ang butler nila para kunin ang sasakyan ni Sirius.

“I know. By the way, I invested five billion in your company. We are now a business partner,” sagot ni Louis. Hindi siya sinagot ng binata, tuloy-tuloy lang na pumasok sa sasakyan nito.

Bumaba naman ang butler at nakangiti itong yumuko kay Louis upang magpasalamat. “Marami pong salamat. Huwag po kayong mag-aalala, ang amo ko ay masaya rin sa iyong pasya na mag-invest sa aming kompanya. Paalam po, Mr. Louis,” magalang na wika nito at tuluyan nang sumakay sa sasakyan upang magmaneho.

“Bossing, ayos lang ba talaga na tulungan ninyo si Sir Sirius? Mukhang hindi naman siya masaya sa pagtulong mo,” wika ni Brennon na nagkakamot ng ulo. Sa totoo lang, ngayon lang sila nakakita ng ganoon sumagot kay Louis maliban kay Kaizer dahil malapit itong pinsan ng binata.

“Tanga, hindi ba halata? Gano’n lang yata talaga siya. Ang we-weirdo talaga ng mga Montemayor,” sambit ni Volstrige. Agad namang sumagot sina Kaizer at Louis dito.

“Ano’ng sabi mo, g*go?”

“What did you say, dickhead?”

Agad namang natawa si Volstrige dahil nagkasundo rin ang dalawang magpinsan na parang aso’t pusa kung mag-away. Ayaw lang pala nila na nasasabihan ng kung ano ang lahi nila.

Nasira ang pang-aasar ni Volstrige nang tumunog ang cellphone ni Louis na agad niyang sinagot.

“My son, kailangan mo nang umuwi. May nangyaring hindi maganda kay Elaine,” nagpa-panic na sabi ng ina ni Louis na agad ikinatingin ni Kaizer.

“What happened to Elaine?” tanong niya, ngunit agad ibinaba ng ina niya ang tawag, kaya wala siyang nagawa kundi sumakay sa sasakyan. Bago pa man siya makaalis ay nakasakay na pala si Kaizer.

“Ano’ng nangyari kay Elaine?” tanong nito sa kaniya. Hindi niya nasagot ang binata dahil kahit siya ay walang ideya sa nangyayari.

Sana ay ayos lamang ang dalaga dahil kung hindi ay baka kung ano ang magawa niya. 

Related chapters

  • The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)   Gun VIII

    Mabilis na pinaharurot ni Louis ang sasakyan. Sa totoo lang ay nag-aalala siya sa dalaga lalo na at ang ina niya ang nagsabi na may nangyaring masama rito.“Damn,” mura niya habang hinahampas ang manibela dahil sa traffic. Kung kailan naman siya nagmamadali saka pa nagkaroon ng traffic sa area na ito.“Can you calm down? As if you can stop the traffic with that, idiot,” wika sa kaniya ni Kaizer, ngunit sa totoo lang ay kanina pa nanginginig ang kamay niya sa takot na may nangyari talaga kay Elaine. Matagal na siyang may gusto sa dalaga, ngunit pinipigilan niya ang sarili sa tuwing nagkikita sila dahil baka mas magulo ang isip nito sa mga nangyayari.Sa totoo lang ay mas kilala pa nga niya si Elaine kaysa mapapangasawa nito. Wala naman siyang magagawa tungkol sa bagay na iyon lalo na’t hindi siya sigurado kung gusto rin siya ng dalaga. Kung maaari lang ay itatakas niya ito at mamumuhay sila nang simple, pero oras na mangyari iyon ay may parehas na mahalagang bagay ang mawawala sa kanila

    Last Updated : 2021-06-15
  • The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)   Gun IX

    “Louis, ayos ka lang ba? Para kang nakakita ng multo,” wika ng dalaga na nakatingin sa mukha ni Louis na namumutla. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang reaksiyon ng binata sa picture niya kasama ang kaniyang ina na kalong-kalong siya sa mga bisig nito.“Kaano-ano mo ang babae na ’yan?” tanong ni Louis. Gulong-gulo ang isipan niya dahil sa nangyayari, ngunit bigla na lamang sumakit ang ulo niya. Bumabalik na naman ang alaala ng kaniyang dating yaya sa kaniya.***“Lou-lou, hindi ka dapat lumalabas nang ganitong oras. Siguradong mapagagalitan ka ng ama mo,” pangaral sa kaniya ng paborito niyang yaya na si Serena. Mabait ito at laging inuuna ang feelings niya. Sa totoo lang, ito lang ang unang tao na nakakita sa kaniya na umiiyak lalo na sa tuwing pinagagalitan siya ng kaniyang ama.“But I want to go to Uncle Liam’s mansion. He will probably get mad at Sirius because of what we did. I want to defend him,” wika ng batang si Louis na itinaas pa ang kamay na parang nasa isang misyo

    Last Updated : 2021-06-15
  • The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)   Gun X

    ElaineTahimik lang si Louis habang nagmamaneho. Patungo na kami sa resort na sinasabi ni Tita Hacel.Hindi ko tuloy mapigilang mapaisip kung ano ang naging daloy ng usapan nila ni ama. Noong bumalik kasi siya sa loob ay tahimik lamang at hindi na masyadong kumibo. Nanginginig na rin ako sa lamig ng aircon dahil nakatutok ito sa akin. Si Louis ang nagda-drive ngayon habang nasa kabilang sasakyan naman sina ama at si Kaizer.Noong una nga ay ayaw pumayag ni Kaizer, ngunit pinilit siya ni ama na huwag silang sumabay sa amin. “Wear this,” sambit ni Louis at dahan-dahang binuksan ang compartment niya upang kunin ang isang denim jacket.Iniabot niya ito sa akin na agad ko namang tinanggap dahil kaunti na lang ay magiging yelo na ako sa lamig. Kahit ang mga binti ko ay hindi ko na maigalaw. “Salamat,” wika ko. Tumango lamang siya at tuluyan nang nagmaneho. Hindi ko alam kung nauna na sina Kaizer sa amin sa resort dahil naipit kami sa traffic. Kaya baka mas mauna sila nang thirty minutes.“

    Last Updated : 2021-06-15
  • The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)   Gun XI

    “Kita mo nga naman, huwag mong sabihin na may girlfriend ka na namang bago? Tss, ang bilis naman. Hindi pa namin napapatay si Mariella sa harap mo, pero huwag kang mag-alala, sisiguraduhin kong makikita mong mamatay ang bago mo!” sigaw nito. Dumagundong sa buong lugar ang boses niya. Mga limang tao na ang nakahandusay sa sahig dahil sa tama ng baril ng mga ito sa puso.Pumaikot ang grupo ng mga armado kay Louis. Nasa likod si Elaine na kanina pa nanginginig sa takot. Hawak niya pa rin ang pistol na ibinigay sa kaniya ng binata, ngunit hindi niya alam kung paano ito gagamitin. Naranasan niya lang makahawak ng ganito noong magpunta sila nina Venice at Elena sa isang bagong bukas na firearm training na nagtuturo kung paano humawak ng baril, ngunit nagtungo lamang sila roon dahil sa poging instructor na crush na crush ni Elena. Halos matanggal nga ang kaluluwa nito sa tuwing lalapitan siya ni Xypen. Kaya lang ay hindi pa sila nagtatagal sa training ay nakita nilang may kasama itong babae

    Last Updated : 2021-06-15
  • The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)   Gun XII

    Nagising dahil sa liwanag si Elaine. Bumungad sa kaniya ang puting kisame na agad niyang ikinabangon.“Anak, gising ka na pala. Mabuti naman, ang akala ko ay mawawala ka sa akin,” wika ng kaniyang ama. Agad itong lumapit sa kaniya upang yumakap. Nasa tabi nito si Kaizer na ngumiti sa kaniya, mukhang alam na nito ang nangyari sa kanila ni Louis.“A-Ayos lang po ako. Nasaan po si Louis?” tanong niya, ngunit nagkatinginan lamang sina Kaizer at ang kaniyang ama na parang walang gustong sumagot sa tanong niya.“A-Ama?” pagtawag niya kay Mr. Natividad, ngunit ngumiti lang ito sa kaniya at hinawakan siya sa kaniyang ulo.“Anak, mas mabuti kung magpahinga ka muna. Ang bilin ng nurse ay huwag ka raw munang masyadong gumalaw lalo na at nakaka-trauma ang mga nangyari sa ’yo,” sagot sa kaniya ni Mr. Natividad, ngunit hindi niya kayang magpahinga hangga’t hindi siya nakasisigurado na ayos lamang si Louis. Ito ang dahilan kung bakit buhay pa siya. Nais niyang pasalamatan ang binata.“Pero, Ama, gust

    Last Updated : 2021-06-15
  • The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)   Gun XIII

    Nakahinga nang maluwag sina Juliana at Alexa nang makapagtago sila sa isang malapit na bar. Mabuti na lamang ay may dala-dala silang student ID upang makapasok. Hindi masyadong mahigpit ang mga bouncer na nandoon. Sabihin na lang nila na s-in-educe ni Alexa ang mga ito kaya pinapasok sila kaagad.Mabuti na lamang ay bihasa ang dalaga sa mga ganoong bagay. Hindi katulad ni Juliana na puro pag-aaral ang iniisip.“Akala ko, hindi na tayo makatatakas sa mga ’yon, pero may problema akong iniisip. Paano natin masosorpresa si Ate Elaine?” tanong ni Juliana. Umupo sila sa counter para um-order ng drinks. Masyado silang napagod katatakbo kaya gusto nilang mag-refresh saglit.“But how can we surprise Elaine if we can’t enter the hospital of our Tito Alexander? Argh. They are so panira kasi,” sambit ni Alexa. Kaagad naman niyang itinuro sa bartender ang margarita cocktail na paborito niyang inumin tuwing may pinupuntahan siyang party.“Kayo ba, guys, ano ang gusto n’yo?” tanong ni Juliana sa mga

    Last Updated : 2021-06-15
  • The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)   Gun XIV

    Nang makita ni Elaine na lumabas na si Mariella sa silid ay kaagad siyang naglakad papunta rito, ngunit napahinto siya nang makitang umiiyak ito.“A-Ayos ka lang ba?” tanong ni Elaine.“You’re lucky, I—I—” Hindi na tinapos ni Mariella ang sasabihin at tuluyan nang umalis.“Wife,” tawag ng binata mula sa likuran niya kaya agad siyang napalingon upang tingnan ito.“Are you okay?” tanong nito sa kaniya at wala siyang nagawa kundi tumango na lamang. Wala naman siya sa posisyon upang tanungin kung ano’ng napag-usapan nila ni Mariella at isa pa, privacy ito ng binata.Nang makapasok siya sa silid ay kaagad niyang ibinaba ang aso na regalo sa kaniya ng binata kasama ang pusa upang maiunat ang kaniyang mga braso.Kanina pa kasi niya hawak ang mga ito sa labas, baka nayayamot na rin ang mga ito. “Ano pala ang pangalan nilang dalawa?” tanong niya kay Louis na abala sa pagtitipa sa cellphone nito.“You should name them,” sambit ng binata. Napakunot ang noo niya dahil sa reply ni Eros.From: Dick

    Last Updated : 2021-06-15
  • The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)   Gun XV

    “Susunod na lang kami, Kai,” sambit ni Elaine. Yumakap sa kaniya pabalik si Louis na parang ayaw nitong umalis sa posisyon nila ng dalaga.“Okay, sige, but make it quick,” sagot ni Kaizer na kaagad ikinabuntonghininga ni Elaine dahil masakit pa rin ang mga hita niya. “Hey, let’s have a shower before going to the restaurant,” wika ni Louis. Tumaas ang kaliwang kilay niya dahil hindi nga siya makatayo dahil sa nangyari sa kanila.“Wife, are you okay?” tanong ng binata dahil hindi ito sumunod nang tumayo siya. Kaagad naman siyang inirapan ni Elaine na ikinagulat niya.“Mukha ba akong makatatayo sa posisyon na ito?” sarcastic na tanong ng dalaga. Napatingin naman si Louis sa kaniya dahil sa pagtataka kaya wala siyang nagawa kundi sabihin ang dahilan dito. “Masakit ang mga hita ko dahil sa laki ng alaga mo!” reklamo nito sa kaniya at tinakpan pa ang mukha dahil sa hiya.Kaagad naman siyang binuhat ng binata habang tumatawa-tawa. Elaine pouted. “Anong nakakatawa sa sinabi ko?” tanong niya r

    Last Updated : 2021-06-15

Latest chapter

  • The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)   Special Chapter #1

    ElaineMabilis lumipas ang mga araw, nalaman namin ang balita na nakawala si Zap kaya mas lalong dumoble ang security namin habang naghahanap ng leads kung sino ang tumulong kay Zap na makatakas at kung nasaan ang tunay kong ama.Nagbitiw ako ng malalim na buntonghininga bago tuluyang isandal ang ulo ko sa upuan. Ang buong akala ko ay matatapos na ang kasamaan ng mga Valencia, pero we were back to zero again.“Everything will be fine, wife. As long as we are together, we can do anything. I’ll dispatch more people to look for leads,” wika ni Louis. Hinawakan niya ang kamay ko. Napangiti ako.“Thank you, hubby, for always being by my side. Even when I’m still looking a part of my past identity, you’re patient,” usal ko at binigyan siya ng halik sa pisngi.Kinagabihan, habang inaasikaso ko ang paperworks na ipinasa sa akin ng wedding organizer na kinuha namin ay biglang umiyak si Mace

  • The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)   Epilogue

    LouisI’ve always thought of myself as the man who knew everything. Someone who was calculated, cold, and efficient—that’s who I am. Or rather, who I was, before Elaine. She wasn’t just a woman I was ordered to marry; she was the reason I started questioning everything about my carefully constructed world.It all started when I saw her for the first time walking with her friends down the street. I was in the backseat of my car, flipping through meaningless reports about the family’s business when I caught sight of her. She wasn’t extraordinary by any conventional standard. She had oversized glasses perched on her nose, braces, and hair that seemed to have a life of its own. Yet, there was something about her laugh. It was carefree. It was pure.“Who’s that woman?” I blurted out, startling Brennon.His eyes flicked to the rearview mirror, confused. “I—I don’t know, si

  • The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)   Gun L

    Elaine Malamig ang simoy ng hangin noong araw na nagpunta ako sa sementeryo. Tirik ang araw, pero hindi masakit sa balat dahil pa-hapon na. Tahimik, ramdam ko pa rin ang bigat sa puso ko habang nilalakad ang daan patungo sa puntod ni Ama. Sariwa pa rin sa akin ang lahat ng nangyari, sa isang iglap ay natapos ang lahat ng kasamaan ng mga Valencia. Pero alam kong hindi pa rin dito nagwawakas ang lahat dahil may mga organisasyon pa rin na gustong mapasakamay ang ledger na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maalala. Sa huli, nakulong si Zap na may patong-patong na kaso habang si Mariella ay dinala ni Lucas sa psychiatrist dahil halos mabaliw ito sa lahat ng nangyari. Binasa ko ang lapida na may nakasulat na Raymond Natividad. Ibinaba ko ang bouquet na ng puting rosas at nagsindi ng kandila. Napakabuting ama niya sa akin, lahat ay ginawa niya para maprotektahan ako. “Ilang buwan na lang, manganganak na ako. Sisiguraduhin kong dadalhin ko sila rito para makita mo,” wika ko habang kumiki

  • The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)   Gun XLIX

    Elaine Nang idilat ko ang mga mata ay naramdaman ko ang pahirap na nakatali sa aking mga kamay. Ito ay matigas at malamig, parang sinadyang higpitan para magdulot ng matinding sakit. Nanginginig kong tiningnan ang paligid. Para kaming nasa storage room, at bukod sa akin ay may dalawa pang tao—si Kaizer at Ama, na parehas ding nakatali sa upuan. “Ely . . .” Boses ni Kai. Mahina iyon ngunit puno ng pag-aalala. “Ayos ka lang ba?” Tumango naman ako kahit taliwas ang sinasabi ng puso ko. Mabilis ang pintig nito dahil sa kaba at takot na may mangyayari sa amin na masama. “A-Alam mo ba kung nasa’n tayo?” tanong ko. Nag-crack ang boses ko. Napailing siya. “Sa ngayon, ang alam ko lang ay na-kidnap tayo ng Valencia Organization. Hindi ko alam kung paano nila tayo nahanap, I will make sure na makatatakas tayo.” I was scared for the baby in my womb. Wala siyang kinalaman dito. “Everything will be fine, Ely, trust me,” sambit ni Kaizer. Mukhang may plano siya. “Ugh,” ungol ni Ama habang dah

  • The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)   Gun XLVIII

    ElaineNag-stay kami ni Louis sa Florida nang dalawa pang linggo. Nang makita ako ni Louis noong gabing iyon ay lagi niya akong kino-comfort. Bihira na lang din kaming gumala ulit at kung lalabas man kami ay may bantay kami. Hindi niya rin ako tinanong kung ano ang nangyari, mukhang hinihintay niya na ako ang kusang magkuwento.Ngayong araw ay susunduin kami ni Valerian para ihatid kami pabalik sa Pilipinas.“I want to stay here for awhile,” wika ko habang inaayos ang mga damit at pasalubong na binili namin.“We will come back here again. This is one of our houses now, I just need to finish all my work,” Louis answered and pecked a kiss on my cheek.Nang makasakay kami ay nginitian ako ni Valerian. “Looks like the newlyweds enjoyed their honeymoon that much. Aunt Hacel said to get both of you after three days, but someone wants to stay longer.”“Shut up, dickhead,” wika ni Louis na ikinatawa ko. So siya lang pala ang nagplano na isang buwan kami rito.“Nasaktan naman ako sa bati mo, pr

  • The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)   Gun XLVII

    ElaineIt had been a week, paulit-ulit ang naging routine namin ni Louis. Para na talaga kaming tunay na mag-asawa. Sa umaga ay ipinagluluto niya ako at gagala kami sa buong maghapon. Halos gabi-gabi ring may nangyayari sa amin. Sa totoo lang, parang panaginip ang lahat at ayaw ko nang magising.“Wife, are you still mad at me? I didn’t mean to act roughly last night,” wika ni Louis habang sinusubukan akong subuan ng kanin.“No. I’m not mad,” matipid na sagot ko.“Then why are you so quiet? Hmm,” tanong ni Louis. Sa totoo lang, gugustuhin ko na lang na nandito kami dahil baka mamaya kasi kapag umuwi kami ay may magbago na naman sa relasyon namin.“May iniisip lang ako,” sabi ko.Sumeryoso ang mukha niya. “What is it? You can tell me.”Bahagya na lang akong napangiti. Mas mabuti nang itago ko na lang muna ang nakita ko. Baka mamaya ay paghinalaan niya ako na may connection kay Zap.“I’m just thinking about where we will go today. Ang dami palang magagandang view rito. Maligo muna ako par

  • The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)   Gun XLVI

    ElaineNagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko, mukhang wala pa rrin si Louis. Dahan-dahan akong bumangon dahil medyo masakit pa ang ulo ko at mugto ang mga mata. May mga sugat pa ang daliri dahil sa pagpulot ko sa nabasag na frame.Pumunta ako sa kusina at kinuha ang litrato. Pinagmasdan kong muli ito bago lukutin at ilagay sa loob ng bulsa ko. Hindi dapat ito makita ni Louis, nakasisiguro ako na tanging si Ama lang ang makasasagot ng lahat ng katanungan na mayroon ako tungkol sa tunay na katauhan ng lalaki. Binuksan ko ang ref, pero wala itong ibang laman kundi tubig. Napabuntonghininga na lang ako at naligo para lumabas. Hahanap na lang ako ng grocery store.“Wife, where are you going?” Halos lumundag ang puso ko sa gulat nang makita si Louis. Magulo ang kaniyang buhok at malalim ang eyebags. May bakas ng dugo sa damit niya at may gasgas siya sa noo. “Are you okay?” tanong ko at hinawakan ang noo niya na may gasgas.Kaagad kong napagtanto kung ano ang ginawa k

  • The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)   Gun XLV

    ElaineNaalimpungatan ako nang bigla akong makarinig ng malakas ringtone na galing sa cellphone ni Louis.“Answer your call,” utos ko. Nakita ko naman si Louis na pinatay ang tawag at ibinalik ang pagtitig sa akin.“I’m sorry for waking you up,” wika ni Louis. Kinuskos ko ang dalawang mata ko upang mas lalong makita ang mukha niya dahil medyo madilim sa silid.“Ayos lang, naalimpungatan lang ako. But why are you still awake?” tanong ko sa kaniya at akmang babangon para sana kumuha ng maiinom sa kusina.Aray.Kaagad akong napapikit nang mariin nang maramdaman ang kirot sa bandang ibaba ko. Ganito rin ang nangyari sa akin noong unang p********k namin. Parang binibiyak ang katawan ko sa dalawa.Nang mapansin ni Louis na parang may iniinda akong sakit ay inalalayan niya ako. “Are you okay, wife? Should I call a doctor?” concerned na tanong niya kaya hindi ko maiwasang tumitig sa itsura nya. Was he really concerned about me?Napangiti naman ako dahil sa tuwa, pero kaagad na pumasok sa isi

  • The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)   Gun XLIV

    ElaineNang makabalik ako sa loob ng venue ay kaagad lumapit sa akin si Venice. “Mabuti naman at nandito ka na, baks. Hinihintay ka ng lahat sa balcony para masimulan nang ibigay sa inyo ni Louis ang regalo nina Tita Hacel,” aniya. Hindi ko naman mapigilang mapalunok dahil sa kaba.Ano na naman ba ang pakulo ng pamilyang Montemayor?Kaagad naman akong nagpilit ng ngiti nang makita kong nakatingin pa rin sa akin si Venice. Wala siyang kaalam-alam kung ano ang mayroon sa pagitan namin ni Louis. Hindi ko siya masisisi dahil sigurado akong itatago sa kaniya ni Volstrige ang bagay na iyon.“Pasensiya na, mukhang na-late na naman ako. Nag-restroom kasi ako saglit,” paliwanag ko at akmang ihahakbang na ang mga paa ko nang biglang hawakan ni Venice ang braso ko dahilan upang mapatigil ako.“Sandali lang naman, baks. Talagang inabangan kita rito kasi may balak akong ibigay sa ’yo. At saka, lutang ka ba? Hindi naman diyan ang daan sa balcony. Ayan ba ang epekto ng alak?” Humagalpak ito ng tawa.

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status